Showing posts with label Balik Islam: Ugaling mambaluktot ng talata. Show all posts
Showing posts with label Balik Islam: Ugaling mambaluktot ng talata. Show all posts

Wednesday, July 29, 2009

Bagong kontra-kontra ng Balik Islam

SUMAGOT po ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA sa post natin na may pamagat na "Balik Islam: Makakasagot kaya?"

Para po KUMBINSIHIN KAYO na "mali ako" sa mga IPINAKITA KONG KONTRA-KONTRA ng mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA ay sinabi ng BALIK ISLAM na kausap natin na "iquote ko po sa pagkakataong ito ang nasabing dalawang Sura for your satisfaction; at kayo mga kaibigan ang hahatol sa pagkakataon po'ng ito!"

Salamat naman po kung may maiko-QUOTE ang kausap nating BALIK ISLAM. Siguro ay maipakikita niya na walang kontra-kontra sa mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA.

Ituloy po natin ang pagbasa sa sagot niya.

Sabi ng BALIK ISLAM:

"Kong mapapansin nyo po hindi po buo ang pag quote ni Mr. Cenon Bibe mga giliw na taga subaybay sa nasabing sura may iba po syang intensyon sa kadahilanan po na hindi ito makumpirma ng karamihan ng mga nagbabasa sa blog na ito;"

"binitin po nya ang pag quote sa sura 13:38 ayan po at hindi po buo ang pag quote ni Mr. Cenon Bibe mga kaibigan, his use to playing tricks talaga just to mislead people! dito po sanay itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan; kaya ayan po i quote it na buong-buo! NO More! No Less! for the benefit of the reading public;"

Naku, hindi raw po BUO ang pag-QUOTE KO sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA. Gusto ko raw po manlinlang.

Sige po, paki tuloy ang pagbabasa para MAKITA NATIN kung SINO ang NANLILINLANG at NANLOLOKO.

Sabi pa ng BALIK ISLAM:

"Mga kaibigan ipost po natin dito ang mga [dalawang Sura] sura na binanggit nitong si Mr. Cenoon Bibe na wala po'ng labis at wal po'ng pagkukulang! no more! no less!"

"ang hirap kasi sayo Mr. Cenon Bibe akala ko Bibliya mo lang ang Dinodoktor mo eh pati ba naman sa KOran Dodoctorin mo rin? aba! di na ako makakapayag nyan!"

"kaya ayan mga kaibigan ang dalawang Sura na sinasabi nitong si Mr.Cenon Bibe na magkakontra daw po? pagmasdan, pag-aral at intindihin nyo po, magkakontra po ba ang koran meaning na yan mga kaibigan?"

NAKU! NAN-DOKTOR daw po ako. Totoo kaya iyan?

Paki tuloy po ang pagbabasa at MAKIKITA NATIN kung SINO ang LANTARANG MAN-DOKTOR.

Heto po ang mga QUOTE ng BALIK ISLAM na kausap natin:

Sura 13:38, "And, Truly, We sent forth Apostles before thee, and We appointed for them wives and offspring; and it was not given to any apostle to produce a miracle save at God's behest. every age has had its revelation;"

Sura; 22:52? "Yet whenever we sent forth any Apostle or prophet before thee, and He was hoping [that this warning would be heeded] satan would cast an asper-sion on his innermost aims; but God renders null & void whatever aspersion satan may cast; and God makes His messenger clear in and by themselves for God is all knowing, wise."

Sabi pa ng BALIK ISLAM: "Ayan po mga kaibigan buong-buo po nating nilalahad para Salungatin at kontrahin ang mga kasinungalingan nitong si Mr. Cenon Bibe"

"Kayo po ang hahatol mga kaibigan sino po kaya ang nagsisinungaling sa punto po'ng ito? kayo na lamang po ang bahalang umunawa sa intensyon nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan;"

"yon lamang po at hanggang sa susunod po; at sana po makapagpaliwanag itong si Mr. Cenon Bibe sa kanyang mga pinagsasabi patungkol sa koran meaning mga kaibigan. magandang araw po sa inyong lahat!"

PALAKPAKAN po natin ang BALIK ISLAM na NAGBIBINTANG sa AKIN ng PANLILINLANG at PANDO-DOKTOR!

PALAKPAK PO TAYO!

Pero teka lang po. Wait lang ...

Sa inilabas ko po ay MALINAW kong INILAGAY kung SINONG SKOLAR na MUSLIM ang NAGSABI ng mga KONTRA-KONTRANG mga INTERPRETASYON.

Iyan po ay si YUSUF ALI.

Ito po kayang INTERPRETASYON na INILABAS ng BALIK ISLAM na kausap natin, SINO naman po kaya ang MAY GAWA NIYAN? BAKIT HINDI INILAGAY ng BALIK ISLAM?

Iyan po ba ang BUONG-BUO na SINASABI NIYA?

Sa palagay ko ay simple lang ang dahilan kung bakit hindi niya inilagay kung SINO ang GUMAWA ng INTERPRETASYON na ibinigay niya: ITINATAGO NIYA ang MAY GAWA NIYAN dahil MADADAGDAGAN na naman ang KONTRA-KONTRA ng mga SKOLAR NILA.

Paki pansin po na sa INTERPRETASYON na GAWA ni YUSUF ALI ay MALINAW na SINABI sa S22:52 na "NEVER DID WE SEND AN APOSTLE or a PROPHET BEFORE THEE ..."

Samantala, sa INTERPRETASYON na IBINIGAY NIYA sa S22:52 ay ganito na ang sinabi: "Yet WHENEVER WE SENT FORTH any APOSTLE or PROPHET BEFORE THEE ..."

Napansin po ba ninyo ang PAGKAKAIBA? Nakita po ba ninyo ang PAGBABAGO? MAYROON na pong NADOKTOR na mga SALITA.

Ang GAWA ni YUSUF ALI ay sinabi na "NEVER" NAGPADALA ng APOSTOL o PROPETA BAGO ang PROPETA ng ISLAM.

Sa kabaliktaran, ang sabi sa ibinigay ng BALIK ISLAM ay NAGPADALA NA ng APOSTOL at PROPETA.

IISANG TALATA po iyan pero MAGKAIBANG-MAGKAIBA ang SINASABI. MAGKAKONTRA PA ang mga SALITA!

Bakit po nagkaganoon?

MALINAW po na MAY DUMOKTOR sa isa sa mga INTERPRETASYON na iyan.

Ang tanong po ay SINO ang DUMOKTOR? Si YUSUF ALI ba o ang WALANG PANGALAN na SKOLAR na ginamit ng BALIK ISLAM na kausap natin?

Diyan pa lang po ay MALINAW NA kung SINO ang MANLILINLANG at MANDU-DOKTOR sa amin ng BALIK ISLAM na ito.

SIYA PO!

At dahil nga po sa PANDU-DOKTOR NIYA ay NAGKONTRAHAN PA ngayon ang mga INTERPRETASYON sa IISANG TALATA (S22:52).

Tsk-tsk-tsk.

Ganyan po ba talaga sumagot ang isang BALIK ISLAM? Para lang MAKAPALUSOT ay DUDOKTORIN NIYA ang mga INTERPRETASYON?

HINDI po ba LANTARANG PANLOLOKO at PANLILINLANG ang GINAWA NIYA?

Ayan, lalo lang lumala ang sitwasyon. LALO lang NALANTAD ang mga KONTRAHAN NILA.

Ngayon ay HINDI LANG si YUSUF ALI ang KUMONTRA sa mga INTERPRETASYON NIYA (S13:38 VERSUS S22:52). Pati na itong BALIK ISLAM na pilit NAGPAPALUSOT sa KONTRAHAN ng mga SKOLAR na MUSLIM ay KINONTRA NA RIN si YUSUF ALI!

MATINDI! Hindi po ba?

Hindi po ako nagtataka na MARAMI NA ang AYAW MAKINIG at AYAW MANIWALA sa mga MANGANGARAL na BALIK ISLAM.

MALINAW ang PANLILINLANG at PANDU-DOKTOR ng ilan sa kanila e.

Pero teka po, INAAKUSAHAN po tayo ng BALIK ISLAM na kausap natin ng HINDI PAGLALABAS nang BUO sa mga INTERPRETASYON na ibinigay natin.

Hmmm ... kung ilalabas po ba natin nang BUO ang mga INTERPRETASYON sa S13:38 at S22:52 ay mawawala ang KONTRA-KONTRA?

Buweno, para makita natin ay heto po ang BUONG mga TALATA ayon kay YUSUF ALI:

S13:38, "We did send apostles before thee, and appointed for them wives and children: and it was never the part of an apostle to bring a sign except as Allah permitted (or commanded). For each period is a Book (revealed).

S22:52, "Never did We send an apostle or a prophet before thee, but, when he framed a desire, Satan threw some (vanity) into his desire: but Allah will cancel anything (vain) that Satan throws in, and Allah will confirm (and establish) His Signs: for Allah is full of Knowledge and Wisdom:"

Ang mga iyan po ay makikita ninyo sa http://www.harunyahya.com/Quran_translation/Quran_translation13.php para sa S13:38 at sa http://www.harunyahya.com/Quran_translation/Quran_translation22.php para sa S22:52.

Ang WEBSITE po na iyan ay GAWA ng mga MUSLIM.

Ngayon, may nabago po ba? Nawala po ba ang KONTRA-KONTRA ng S13:38 at S22:52 ayon kay YUSUF ALI?

WALA pong NABAGO, hindi po ba? MAGKAKONTRA pa rin ang mga INTERPRETASYON na IYAN.

Ngayon, kaugnay po sa QUOTE na IBINIGAY ng BALIK ISLAM na NAGPAPALUSOT para sa mga KONTRA-KONTRA ng mga SKOLAR NILA.

Ipakikita ko po na HINDI LANG si YUSUF ALI ang KINONTRA ng na-QUOTE NIYA. MARAMI pa pong IBA.

Heto po uli ang QUOTE ng BALIK ISLAM na kausap natin:

S22:52, "Yet whenever we sent forth any Apostle or prophet before thee, and He was hoping [that this warning would be heeded] satan would cast an asper-sion on his innermost aims; but God renders null & void whatever aspersion satan may cast; and God makes His messenger clear in and by themselves for God is all knowing, wise."

HETO po ang INTERPRETASYON ng isa pang SKOLAR na MUSLIM na si MUHAMMAD MOHSIN KHAN:

S22:52, "Never did we send a Messenger or a Prophet before you but when he did recite the revelation or narrated or spoke, Shaitan (Satan) threw (some falsehood) in it. But Allah abolishes that which Shaitan (Satan) throws in. Then Allah establishes His Revelations. And Allah is All-Knower, All-Wise: " (http://www.searchtruth.com/chapter_display.php?chapter=22&translator=5&mac=)

Heto naman po ang INTERPRETASYON ni MUHAMMAD PICKHALL:

S22:52, "Never sent We a messenger or a prophet before thee but when He recited (the message) Satan proposed (opposition) in respect of that which he recited thereof. But Allah abolisheth that which Satan proposeth. Then Allah establisheth His revelations. Allah is Knower, Wise; " (http://www.searchtruth.com/chapter_display.php?chapter=22&translator=4&mac=)

At ang kay MUHAMMAD HABIB SHAKIR:

S22:52, "And We did not send before you any messenger or prophet, but when he desired, the Shaitan made a suggestion respecting his desire; but Allah annuls that which the Shaitan casts, then does Allah establish His communications, and Allah is Knowing, Wise," (http://www.searchtruth.com/chapter_display.php?chapter=22&translator=3&mac=)

KUMPLETO po ang mga TALATA na iyan. Pati WEBSITE kung saan ninyo mabi-VERIFY ang mga iyan ay INILAGAY ko na po.

Sa TATLO pong iyan ay MALIWANAG na HINDI NAGSUGO ang DIYOS ng mga MUSLIM ng apostol o propeta bago pa ang propeta nila.

Diyan po ay MALINAW na KINONTRA ng na-QUOTE ng BALIK ISLAM ang APAT na IBA PANG SKOLAR na MUSLIM.

Dahil diyan ay masasabi natin na MALINAW na NILIKOT, MINANIPULATE at DINUKTOR ng BALIK ISLAM na kausap natin ang sinasabi ng S22:52 para LINLANGIN KAYO.

WOW! LANTARAN at KAPALAN na ang PAGPAPALUSOT at PAMBABALUKTOT ng mga SKOLAR na ITO.

Ipinakita lang niya na UGALI na NIYANG MAMBALUKTOT ng TALATA: Hindi lang sa BIBLIYA kundi pati sa mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA.

DIYAN po NATIN MAKIKITA na HINDI KATIWA-TIWALA at HINDI KAPANI-PANIWALA ang mga INTERPRETASYON na iyan na GAMIT ng mga BALIK ISLAM.

NAPAKADALING i-CORRUPT at i-MANIPULATE.

Sa kagustuhan po ng BALIK ISLAM na GAWAN ng PALUSOT ang KONTRA-KONTRANG INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA ay NILIKOT na NILA ang mga INTERPRETASYON na iyon.

Anyway, SIYA na po ang NAGPATUNAY na KAHIT ANO ang GAWIN NILA ay KONTRA-KONTRA SILA.

Ano na naman po kayang PAGMA-MANIPULATE at PANDO-DOKTOR ang susunod niyang gawin?

ABANGAN po natin.

Tuesday, July 28, 2009

Hesus magkukuwento lang?

GUSTO pa po ba ninyo ng HALIMBAWA ng MALING UNAWA ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA at sa PANGINOONG HESUS?

Paki basa po ninyo itong komentaryo niya. Nag-quote siya mula sa John 4:25 ng KING JAMES VERSION.

Sabi niya, "THE WOMAN SAITH UNTO HIM, "Jesus" I KNOW THAT MESSIAS COMETH, WHICH IS CALLED CHRIST; WHEN HE IS COME , HE WILL TELL US ALL THINGS."

"Mga kaibigan magsasalita lamang po at hindi magbubuwis ng buhay ayn sa katangahang alam nitong si Mr. Cenon Bibe! eh di tumpak ang sinasabi ni Kristo mga kaibigan sa John 13:15-16 pakibasa na lamang po mga kaibigan."

Diyan po ay nakikita natin kung paano MAMBALUKTOT ang BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA.

Ugali po niya na PUMUTOL ng mga TALATA at saka niya BIBIGYAN ng OUT OF CONTEXT na PAKAHULUGAN.

Pero bago po ang komentaryo natin ay SALAMAT sa BALIK ISLAM dahil TANGGAP NIYA na ang PANGINOONG HESUS ay ang KRISTO o ang MESIAS.

Ano po ba ang MESIAS?

SIYA po ang PINILI ng DIYOS upang ILIGTAS ang BAYAN ng DIYOS.

PAANO INILIGTAS ng MESIAS na si HESUS ang KANYANG BAYAN?

Siya po ay NAG-ALAY ng BUHAY NIYA sa KRUS.

Pero teka po. Ayon po sa BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA at kay HESUS ay "MAGSASALITA LANG" daw po ang MESIAS. Ibinigay pa niya ang Jn 4:25 at ang Jn 13:15-16.

SINABI po ba riyan na HINDI MAG-AALAY ng BUHAY sa KRUS ang MESIAS?

Kahit sa Jn 4:25 ng MALI-MALING SALIN na KING JAMES VERSION ay WALANG MABABASANG GANYAN.

Ang sabi po riyan ng BABAE ay "WHEN HE [MESSIAH] IS COME, HE WILL TELL US ALL THINGS."

SAAN po SINABI na "HINDI MAGBUBUWIS NG BUHAY" ang MESIAS na si HESUS?

WALA PO.

GUNI-GUNI lang iyan ng BALIK ISLAM na NATUTULIRO NA dahil LAHAT ng SINASABI NIYA ay WALANG PRUWEBA.

Ang sabi riyan ay "HE [MESSIAH=JESUS] WILL TELL US ALL THINGS."

Ibinibigay po riyan ang PATUNAY na kapag DUMATING NA ang MESIAS ay "SASABIHIN NIYA sa atin ang LAHAT ng BAGAY."

PAANO MASASABI ng MESIAS ang LAHAT ng BAGAY?

Dahil SIYA po ay DIYOS na NAKAKAALAM ng LAHAT ng BAGAY na DAPAT MALAMAN ng TAO.

Ngayon, sa Jn 13:15-16 po ba ay SINABI ni HESUS na HINDI SIYA MAGBUBUWIS ng BUHAY?

Sabi po riyan ayon sa NEW AMERICAN BIBLE, "I have given you a model to follow, so that as I have done for you, you should also do."

"Amen, amen, I say to you, no slave is greater than his master nor any messenger greater than the one who sent him."

MAY SINABI po riyan na HINDI MAG-AALAY ng BUHAY si HESUS?

WALA na naman po.

TULIRO na naman po ang BALIK ISLAM na WALANG MAIPAKITANG PRUWEBA sa mga SINASABI NIYA.

Ang tanong po natin ngayon ay MAYROON po bang SINABI si HESUS na MAG-AALAY SIYA ng BUHAY NIYA para sa KANYANG mga TAGASUNOD?

MARAMI po.

Sa Jn 10 ay TATLONG BESES SINABI ng PANGINOONG HESUS SIYA ang MABUTING PASTOL na MAG-AALAY NIYA ang BUHAY para sa KANYANG mga TUPA.

Isa-isahin po natin ang mga iyan.

Sa Jn 10:11 ay SINABI ni HESUS, "I am the good shepherd. A good shepherd LAYS DOWN HIS LIFE FOR THE SHEEP."

Sa Jn 10:15 ay ganito ang sabi Niya, " ... just as the Father knows me and I know the Father; and I WILL LAY DOWN MY LIFE FOR THE SHEEP."

At sa Jn 10:17 ay sabi ng MESIAS, "This is why the Father loves me, because I LAY DOWN MY LIFE in order to take it up again."

NAPAKALINAW po na SABI ni HESUS na MAGBUBUWIS SIYA ng BUHAY para sa mga TUPA NIYA.

GANYAN po MAGPALIWANAG ang isang KRISTIYANO. MAY mga PRUWEBA at PATUNAY.

HINDI po tayo TULAD ng BALIK ISLAM na UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLIYA. PURO lang siya DAGDAG at PAGBALUKTOT sa TALATA.

NABUBUHAY SIYA sa GUNI-GUNI, PANGARAP at MALING PAGKAUNAWA.

Tingnan po ninyo ang sabi ng BALIK ISLAM na WALANG MAPATUNAYAN.

Sabi niya, "Malinaw na malinaw po mga kaibigan GALING MISMO KAY KRISTO, at nagpakilala syang isang PROPHETA. [NASAGOT na po natin iyan sa isa pang POST NATIN. HINDI na ISYU IYAN. Katunayan, si HESUS po ang PROPETANG KATULAD ni MOISES sa Deuteronomy 18:18]"

Dagdag niya, "Ngayon kanino po ba tayo maniniwala mga kaibigan? kay Mr. Cenon Bibe na isang tanga? o sa mismong mga salita ni Kristo mga kaibigan? na nakasulat pa po sa mismong Bibliya nitong si Mr. Cenon Bibe mga giliw a tagasubaybay."

KANINO po KAYO MANINIWALA? Sa PALAMURANG BALIK ISLAM na NAGDAGDAG LANG sa TALATA o KAY KRISTO na NAGSABING IAALAY NIYA ang BUHAY NIYA para sa KANYANG MGA TUPA?

Hindi kaya NAKUKUTYA itong BALIK ISLAM na ito sa SARILI NIYA? PURO SIYA PAG-IIMBENTO at PAGSISINUNGALING.

MAY KALIGTASAN at BUHAY na WALANG HANGGAN po ba ang GANYAN?

NAKAKAAWA na lang SIYA.