Showing posts with label Bible 'mistakes'. Show all posts
Showing posts with label Bible 'mistakes'. Show all posts

Monday, May 12, 2014

CREATION sa BIBLE, MALI? (Nahuli ang ARAW at BUWAN?)


SINABI ng MUSLIM na si Muhammad Usman:
GOD CREATED THE WORLD ACCORDING TO BIBLE...
Day one: God creates heaven and earth, and light and dark.
Day two: God creates the firmament.
Day three: God creates land in the water, then plants.
Day four: God creates the sun and moon; then, as an afterthought, he creates the other stars.
Day five: God creates water animals, then birds.
Day six: God creates land animals, then Adam.
Day seven: God rests.

QUESTION??

1. Bible says in Genesis Ch. No. 1 Verses No. 3 and 5,…‘Light was created on the first day.’ Genesis, Ch., 1 Verses, 14 to 19… ‘The cause of light - stars and the sun, etc. was created on the fourth day’. How can the cause of light be created on the 4th day - later than the light which came into existence on the first day? - It is unscientific.

2. Further, the, Bible says Genesis, Ch. 1, Verses 9 to 13… ‘Earth was created on the 3rd day. How can you have a night and day without the earth ? The day depends upon the rotation of the Earth Without the earth created, how can you have a night and day?

3. Genesis, Ch. No. 1 Verses 9 to 13 says… ‘Earth was created on the third day.’ Genesis Ch. No. 1 Verses 14 to 19 says…‘The Sun and the Moon were created on the fourth day.’ Today science tells us… ‘Earth is part of the parent body… the sun.’ It cannot come into existence before the sun – It is unscientific.

4. The Bible says in Genesis, Ch. No.1, Verse No. 11 to 13…‘The vegetation, the herbs the shrubs, the trees - they were created on the 3rd day And the Sun, Genesis, Ch. No. 1, Verses. 14 to 19, was created on the 4th day. How can the vegetation come into existence without sunlight, and how can they survive without sunlight ?

APAT NA TANONG LANG HINIHINGI KO Cenon Bibe PATUNGKOL SA PAGGAWA NG MUNDO ACCORNING SA BIBLIYA MO AT SCIENCE... KAILANGAN KO NG EXPLANATION KASI MAGULO ATA ANG BIBLIYA MO AT ANG MODERN SCIENCE...

SAGOT SAGOT SAGOT..

+++

HINDI MAGULO ang BIBLE. HINDI lang ito NAIINTINDIHAN ni MUHAMMAD.

AKALA NIYA ay SCIENCE BOOK ang BIBLE.

MALI.

HINDI SCIENCE BOOK ang BIBLE. Iyan ay isang RELIGIOUS BOOK.

Ang SCIENCE BOOK ay TUNGKOL sa SIYENSIYA o KATOTOHANAN sa PISIKAL na MUNDO.

Ang BOOK of RELIGION ay NAGPAPALIWANAG ng mga KATOTOHANANG PANG-RELIHIYON. ESPIRITWAL.

Kumbaga, PILIT na IKINUKUMPARA ni MUHAMMAD ang MANGGA at BUKO.

HINDI PUWEDE. Kahit pa kasi parehong prutas yan ay MAGKAIBA SILA ng URI ng PRUTAS.

+++

SABI NI MUHAMMAD:
“1. Bible says in Genesis Ch. No. 1 Verses No. 3 and 5,…‘Light was created on the first day.’ Genesis, Ch., 1 Verses, 14 to 19… ‘The cause of light - stars and the sun, etc. was created on the fourth day’. How can the cause of light be created on the 4th day - later than the light which came into existence on the first day? - It is unscientific.’

Ayon kay Usman, ang “cause of light stars and the sun, etc. was created on the fourth day.”

MALI SI MUHAMMAD.

Ayon mismo sa science, WALA pang mga BITUIN at ARAW ay MAY LIWANAG NA, particular sa PASIMULA: (http://cmb.physics.wisc.edu/tutorial/bigbang.html)
“the universe was still really hot, so hot that ordinary atoms couldn't even exist. Electrons caused very small packets of light called photons to scatter continuously, and if you can believe it, light was actually linked, or coupled, to the particles, causing the whole universe to glow. This is the stage that scientists like to call the primordial soup because the universe looked like a plasma "soup" of protons, electrons, neutrons, neutrinos, photons, etc.”

WALA pang “stars and the sun.” Pero meron nang “UNIVERSAL GLOW” o LIWANAG ay galing sa “photons.”

So, MALI si Usman. MALI ang Muslim. SIYA AY UNSCIENTIFIC.

Ngayon, kahit pa RELIGIOUS TRUTH ang HATID ng BIBLE ay MAS TUGMA ang SINASABI ng BIBLE kaugnay diyan.

Sabi ng Bible ay UNANG NALIKHA ang LIWANAG. At AYON SA SCIENCE ay NAROON NGA ang LIWANAG sa SIMULA.

At sa RELIGIOUS TRUTH, ang LIWANAG ay ang SIMULA ng PAGKILOS ng Diyos sa PAGLIKHA o CREATION.

Sa SCIENCE, ang LIWANAG ay TANDA ng SIMULA ng SANLIBUTAN.

TUGMA.

+++

Sa ikalawang DEKLARASYON ni MUHAMMAD.
2. Further, the, Bible says Genesis, Ch. 1, Verses 9 to 13… ‘Earth was created on the 3rd day. How can you have a night and day without the earth ? The day depends upon the rotation of the Earth Without the earth created, how can you have a night and day?

MALI na naman ang UNAWA ni MUHAMMAD. HINDI SCIENTIFIC TRUTH ang gustong sabihin ng Bible diyan.

Ang “night and day” sa BIBLE ay HINDI IBINATAY sa TAKBO ng MUNDO, o sa KALIKASAN o sa PANAHON ng TAO.

Ipinakikita sa Bible na DIYOS ANG MAY KONTROL ng LAHAT ng BAGAY. HINDI ang MUNDO. HINDI ang KALIKASAN.

Kaya sinasabi ng Bible na SA DIYOS MAGTIWALA. HINDI sa TAKBO ng NATURE o TAKBO ng PANAHON. Ang ARAW AT GABI ay NAKABATAY sa PAGKILOS ng DIYOS, HINDI sa PAGKILOS ng PISIKAL na SANLIBUTAN.

At sa KATOTOHANANG PANG-RELIHIYON, ang ARAW at GABI ay NAGSIMULA nung SIMULAN din ng DIYOS ang PAGLIKHA, partikular nung LIKHAIN NIYA ang LIWANAG at IHIWALAY NIYA ITO sa KADILIMAN.

Genesis 1:4-5
“God saw that the light was good; and God separated the light from the darkness.”

“God called the light day, and the darkness He called night. And there was evening and there was morning, one day.”

RELIGIOUS TRUTH yan. HINDI SCIENTIFIC TRUTH.

+++

Unahin natin ang IKAAPAT na DEKLARASYON ni MUHAMMAD.
4. The Bible says in Genesis, Ch. No.1, Verse No. 11 to 13…‘The vegetation, the herbs the shrubs, the trees - they were created on the 3rd day And the Sun, Genesis, Ch. No. 1, Verses. 14 to 19, was created on the 4th day. How can the vegetation come into existence without sunlight, and how can they survive without sunlight ?

Paano raw nagkaroon ng “vegetation, the herbs the shrubs, the trees” kung wala pang araw?

Para pala sa MUSLIM, ang BUHAY ay NAKABATAY sa ARAW, na isa lang NILIKHA rin ng DIYOS.

Iyan ang MALING PANINIWALA na ITINUTUWID ng BIBLE.

Muli, HINDI SCIENTIFIC TRUTH ang gustong ibigay ng Bibliya, kundi RELIGIOUS TRUTH.

Ang pagkakaroon ng “vegetation, the herbs the shrubs, the trees” ay tanda ng PAGKAKAROON ng BUHAY.

At sinasabi ng Bible na NAGKAROON NG BUHAY DAHIL SA DIYOS. HINDI DAHIL sa ARAW.
Tila MAS NAGTITIWALA ang MUSLIM sa ARAW kaysa DIYOS.

+++

Sa IKATLONG DEKLARASYON ni MUHAMMAD.
3. Genesis, Ch. No. 1 Verses 9 to 13 says… ‘Earth was created on the third day.’ Genesis Ch. No. 1 Verses 14 to 19 says…‘The Sun and the Moon were created on the fourth day.’ Today science tells us… ‘Earth is part of the parent body… the sun.’ It cannot come into existence before the sun – It is unscientific.

MAKAMUNDO na naman ang PANANAW ng MUSLIM.

Noong likhain ng Diyos ang sanlibutan ay ALAM NIYA na may mga taong MAGKAKAMALI at SASAMBA sa ARAW at sa BUWAN.

At iyan ang dahilan kung bakit INIHULI NIYA ang PAGLABAS ng ARAW, BUWAN at mga BITUIN kaysa sa PAGLITAW ng BUHAY.

RELIGIOUS TRUTH ANG LAYUNIN ng DIYOS. HINDI SCIENTIFIC TRUTH.

HINDI ang ARAW ang NAGBIBIGAY BUHAY kundi ang DIYOS.

HINDI rin DAPAT GAWING DIYOS ang ARAW, BUWAN at BITUIN. NILIKHA LANG YAN ng DIYOS. HINDI YAN DIYOS.

YAN YON.

+++

Bottom line, MALI talaga ang UNAWA ni MUHAMMAD. GINAGAWA NIYANG SCIENCE BOOK ang isang RELIGIOUS BOOK.

Dahil diyan, NAILIGAW SIYA ang PANINIWALA.

Thursday, January 17, 2013

JOHN 8:59 HESUS NAGTAGO, NATAKOT?





TANONG MO, Syd Mcnew
Syd Mcnew after J0HN 8:58 wat happen?? NAGTAG0 SI JESUS.hahahaha

59 Dumampot nga sila ng mga bato upang siya ay batuhin ngunit si Jesus ay
nagtago. Sa paglabas niya sa templo ay
dumaan siya sa
kalagitnaan nila
sa ganoong
paraan.

CENON BIBE:
Una, BAKIT SIYA BABATUHIN?

Dahil HINDI MATANGGAP ng mga HUDYO na NAGPAKILALA ang PANGINOONG HESUS bilang DIYOS na "I AM." (JOHN 8:58)

KUNG HINDI NAGPAKILALANG DIYOS ang PANGINOONG HESUS ay HINDI SIYA BABATUHIN.

PAREHO KAYO ng mga HUDYO. At KUNG NAROON KAYO ay BABATUHIN DIN NINYO ang PROPHET JESUS NINYO.

+++

BAKIT NAGTAGO? Dahil ba NATAKOT o HINDI PA PANAHON na ILANTAD ang BUO NIYANG PAGKA-DIYOS?

MAY SARILING PANAHON ang DIYOS. NASA KANYA ang PASYA ng DAPAT at HINDI PA DAPAT MANGYARI.

Kahit ang PAGGAWA ng PANGINOON ng UNA NIYANG HIMALA ay ITINAKDA ang PANAHON. (JOHN 2:4)

NAGKATAON LANG na nag-REQUEST ang NANAY NIYA ng HIMALA sa CANA (JOHN 2:1-11) kaya NAUNA nang GUMAWA ng HIMALA ang PANGINOONG HESUS.

KAYONG mga MUSLIM ay PURO "INSHALLAH" pero bakit HINDI NINYO ALAM ang KALOOBAN ng DIYOS.

TAMA ang ISAIAH 29:13 at MATTHEW 15:8-9, PURO BUNGANGA LANG ang PAGSAMBA NINYO sa DIYOS, pero MALAYO ang PUSO NINYO sa KANYA.

PROOF? HINDI NINYO ALAM ang KANYANG KALOOBAN. HINDI NINYO ALAM na sa DIYOS ay MAY PANAHON para sa LAHAT ng BAGAY.

PAGDATING ng PAGHUHUKOM, MAKIKITA MO ang PAGHUHUKOM ng DIYOS sa mga TULAD MO na MAS NANIWALA sa PROPETANG HINDI NIYA SINUGO kaysa sa KANYA ng DIYOS.

Thursday, May 28, 2009

Born Again target ng Balik Islam

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA MGA nakaraang buwan ay nakatanggap tayo ng text mula sa mga BALIK ISLAM at INA-ANUNSYO ang mga DEBATE nila sa iba’t-ibang grupong Kristiyano.

Ang KAPANSIN-PANSIN po sa mga grupong KINALABAN nila ay KARAMIHAN po sa mga iyon ay yung tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIANS o yung mga grupong matatawag na FUNDAMENTALIST.

NOON pa man po ay alam ko na kung bakit mga "BORN AGAIN" ang PABORITO nilang anyayahan sa kanilang mga DEBATE: NAPAKADALI po kasing SIRAIN ang SISTEMA ng PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST.

Isa kasi sa mga PUNDASYON ng PANINIWALA nila ay BIBLIYA LANG ang BATAYAN ng PANINIWALA. Kaugnay niyan ay naniniwala sila na ABSOLUTE ang INSPIRASYON sa BIBLIYA.

Sa mga nakalipas nga pong post ay nakita natin ang paniniwala ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN, ang nagsulat ng librong MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sabi niya sa Page 4 ng kanyang libro, "the Bible was VERBALLY INSPIRED —down to its VERY WORDS." At sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

At DIYAN nga po KINAKAIN nang BUHAY ng mga HINDI KRISTIYANO ang mga BORN AGAIN o FUNDAMENTALIST.

IPAPAKITA lang po ng debatista ng BALIK ISLAM ang AKALA niya ay mga "contradictions" sa Bible o ang mga umano ay "nabago" sa mga MANUSKRITO ng KASULATAN ay halos MAUTAL na ang mga BORN AGAIN na kaharap nila.

Tapos ipapakita rin ng mga HINDI KRISTIYANO na MAGKAIBA ang BIBLE ng mga PROTESTANTE at KATOLIKO. Ang BIBLE po kasi ng PROTESTANTE ay may 66 na AKLAT at sa KATOLIKO ay may 73.

Kapag tinanong ang mga BORN AGAIN kung bakit magkaiba ang mga iyan ay NATUTULALA na sila.

Kung tutuusin ay PAREHO SILANG WALANG ALAM sa BIBLE, pero dahil HINDI ALAM nung BORN AGAIN ang KATOTOHANAN na WALANG "contradiction" sa BIBLE ay NASISIRA na ang PANINIWALA NIYA sa BIBLIYA.

Bunga niyon ay MAS MADALI na silang NAKUKUMBINSI na TUMALIKOD kay KRISTO.

Katunayan, MARAMI na pong BORN AGAIN at mismong mga PASTOR na FUNDAMENTALIST ang NAITALIKOD kay KRISTO dahil sa ATAKE na ganyan.

At ano ang MITSA ng kanilang PAGTALIKOD?

UNA na po ang MALI NILANG PANINIWALA at PANANAW kaugnay sa BIBLIYA.

ISAMA na rin po natin ang KAKULANGAN NILA ng KAALAMAN sa HISTORY o KASAYSAYAN ng BIBLIYA at ng IGLESIANG KRISTIYANO.

Basically po kasi ay DAMDAMIN ang UMIIRAL sa KANILA. Kaya nga po ang mga BORN AGAIN ay kilala sa pagiging EMOTIONAL o PUNO ng DAMDAMIN sa kanilang mga GINAGAWA.

Ang problema ay kapag NAUNSIYAMI ang DAMDAMIN nila o NASAGASAAN ang MALING PANINIWALA nila kaugnay sa "ABSOLUTE INSPIRATION" ng BIBLIYA ay nag-ko-COLLAPSE pati ang PANANAMPALATAYA nila kay KRISTO.

Ganyan po si Ehrman na ayon sa kanya ay isa siyang dating EPISCOPALIAN na na-BORN AGAIN.

Dahil sa MATINDING DAMDAMIN niya para sa BIBLIYA ay NAG-ARAL siya nang MAS MALALIM kaugnay doon.

Pero nung mabasa niya ang mga KOPYA ng HANDWRITTEN o SULAT-KAMAY na KASULATAN ng BIBLIYA at nakita niya na may mga "pagkakamali" sa pagkopya sa mga iyon ay GUMUHO ang PANINIWALA niya sa BIBLIYA. Pati PANINIWALA niya sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO ay naglaho.

Hindi na naging mahalaga kay Ehrman na WALANG KUWENTA ang mga "pagkakamali" sa pagkopya na sinasabi niya.

Hindi na niya pinansin na WALANG KINALAMAN sa PANANAMPALATAYA ang mga "pagbabago" na iyon.

Ang mahalaga kay Ehrman ay NAPAHIYA SIYA dahil MALI ang naging PANINIWALA NIYA.

At sa halip na BAGUHIN at ITUWID ang MALING UNAWA ay TINALIKURAN na lang niya ang DIYOS na NAGBIBIGAY sa kanya ng KALIGTASAN.

Iyan po ang MALUNGKOT na KUWENTO ng mga BORN AGAIN na NATATALIKOD kay KRISTO.

PATI KALIGTASAN ay TINALIKURAN na NILA dahil NAPAHIYA SILA kaugnay sa mga MALI NILANG PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Bible scholar inatake ang Bible? (4)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa sinasabi ng librong isinulat ni BART D. EHRMAN, isang DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN na umayaw na sa Kristiyanismo dahil daw sa mga "mali" na pumasok sa mga MANUSKRITO ng BIBLIYA.

Ang pamagat ng libro ni Ehrman ay MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sa nakaraang mga artikulo ay nakita na natin ang KABABAWAN ng mga DAHILAN na ibinigay ni Ehrman para sa pag-ayaw niya sa KRISTIYANISMO.

Kesyo raw "maraming nabago" sa kopya ng MANUSKRITO o mga sinaunang kasulatan na pinagbabatayan ng BIBLIYA sa ngayon.

Pero tulad po ng nakita natin kahapon ay si EHRMAN mismo ang NAGPAKITA na MABABAW ang mga BATAYAN ng pagbabago niya ng isip dahil AYON MISMO sa KANYA ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS ang mga aniya ay "nabago" sa mga manuskrito.

Isa pa po, ALAM din ni Ehrman na mga HINDI SINASADYA ang mga "pagbabago" na sinabi niya.

At heto po ang pinakamatinding nagpapakita na MABABAW ang DAHILAN ni Ehrman sa pag-ayaw niya sa Kristiyanismo: HALOS LAHAT ng mga "PAGBABAGO" na sinasabi niyang pumasok sa mga manuskrito ay tungkol lamang sa NAGKAMALING SPELLING, NABAGO ang PAGKAKASUNOD ng mga SALITA at iba pang WALANG KABULUHAN na pagbabago na HINDI NAKAAPEKTO sa KATOTOHANAN na sinasabi ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay PURO KABABAWAN ang sinasabi ni EHRMAN.

Ang masakit po niyan ay GINAGAMIT ng ilang BALIK ISLAM libro ni Ehrman para SIRAAN at ATAKIHIN na naman ang BIBLIYA.

WALA po kasing MAPATUNAYANG MALI itong mga BALIK ISLAM at WALA SILANG MAIPAKITANG KONTRA-KONTRA kaya pati KABABAWAN ng mga tulad ni EHRMAN ay PINAPATULAN na NILA.

Ang masakit po niyan ay MARAMI raw SILANG NAPAPANIWALA sa mga sinasabi nila LABAN sa BIBLIYA.

At hindi na po ako magtataka kung mayroon nga silang MAKUMBINSI.

NATITIYAK ko po na WALA rin GAANONG ALAM sa BIBLIYA ang mga NAKAKAUSAP nila.

Kung ang tulad po ni Ehrman na may KONTING ALAM sa Bibliya ay NANIWALA sa KABABAWAN NIYA, ano pa po kaya ang mga taong WALANG MALAY o KOKONTI ang ALAM sa BIBLIYA?

Actually, ang NAPAPANIWALA sa mga ATAKE NILA sa BIBLIYA ay mga KATULAD ni EHRMAN MAG-ISIP: Mga FUNDAMENTALIST o BORN AGAIN na may MALING UNAWA sa kung ANO ang BIBLIYA.

PASINTABI po sa mga BORN AGAIN dahil ang PAKILALA ni EHRMAN ay isa siyang BORN AGAIN.

Tulad po natin ay naniniwala rin si Ehrman noon na ang mga KASULATAN ay INSPIRED o INIHINGA ng DIYOS.

Sabi po sa 2 Timothy 3:16, "Ang lahat ng KASULATAN ay INIHINGA [o KINASIHAN] ng DIYOS at MAGAGAMIT sa PAGTUTURO, sa PAGSAWAY, sa PAGTUTUWID, at sa PAGSASANAY sa KATUWIRAN."

Ang MALI ay ang PAGKAUNAWA NIYA sa pagiging INSPIRED ng mga KASULATAN.

Sabi po niya sa Page 4 ng kanyang libro [lagyan natin ng emphasis], "the Bible was VERBALLY INSPIRED—down to its VERY WORDS."

Dagdag niya sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

Ang PAGKAUNAWA po niya ay yung MGA SALITA ang KINASIHAN ng DIYOS. Kaya nga nung may nakita siyang NAGKAMALI ng SPELLING sa mga naunang kasulatan ay MALI na raw iyon.

Ang BABAW talaga.

HINDI po ang pagkaka-SPELL o ang pagkakaayos ng mga salita ang INSPIRED.

Ang INSPIRED po ng DIYOS ay ang mga KATOTOHANAN na INILALAHAD ng BIBLIYA kaugnay sa KALIGTASAN.

HINDI po porke NAGKAMALI sa pagkaka-SPELL sa isang salita ay NAWALA na ang KATOTOHANAN na SINASABI niyon.

HINDI po porke NAGKAMALI ang isang tagakopya ng kasulatan ay MALI na rin ang KATOTOHANAN ng KASULATAN.

NAPAKABABAW po ng PANANAW ni EHRMAN at ng PANINIWALA na NATUTUNAN niya mula nang ma-BORN AGAIN siya.

SORRY po pero iyan ang dahilan kung bakit MARAMI sa mga NAITATALIKOD sa KRISTIYANISMO ay mga BORN AGAIN na tulad ni Ehrman.

Bible scholar inatake ang Bible? (3)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nating POST ay inilabas po natin ang sinabi ng isa pang BIBLE SCHOLAR tungkol sa aklat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why na isinulat ni BART D. EHRMAN na isa rin daw scholar.

Sinabi ni Dr. DANIEL B. WALLACE na MALI ang UNAWA ni EHRMAN sa mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na matatagpuan sa ilang MANUSKRITO ng mga KASULATAN.

AKALA po kasi ni Ehrman na dahil may nakita siyang “pagbabago” o “pagkakaiba” sa ilang kopya ng MANUSKRITO ng BIBLIYA ay nabago na rin ang ARAL KRISTIYANO.

DIYAN po siya NAGKAMALI.

Para po lalo nating maunawaan iyan, maganda pong malaman natin na ang MANUSKRITO ay yung mga HANDWRITTEN o SULAT KAMAY na mga kopya ng mga AKLAT o SULAT sa Bibliya.

Bakit po sulat kamay?

Kasi po, noong unang panahon ay WALA pang mga COPYER o COMPUTER o PRINTER para MAKOPYA ang mga SULAT o LIBRO.

Para po MAPARAMI ang mga DOKUMENTO NOON ay KINOKOPYA iyan nang MANO-MANO.

Sinasabi po ni Ehrman na dahil sa MANO-MANONG PAGKOPYA “mistakes were commonly made in transcription” (p51) at “all kinds of changes were made in manuscripts by the scribes who copied them.” (p57)

Ayon pa sa kanya, ang ilan sa mga pagbabago ay “intentional” o sinadya. (p55)

Ang “mistake” at “intentional changes” na iyan ay nagbunga sa mga “PAGKAKAIBA” o VARIANT READINGS sa ilang MANUSKRISTO.

Iyan pong mga “mistake” at “sinadya” na “pagbabago” sa mga nakasulat ang sinabi ni Ehrman na naging dahilan para magkaroon ng “change” sa kanyang mga PANINIWALA bilang BORN AGAIN at FUNDAMENTALIST.

Eventually, umalis siya bilang Kristiyano.

At diyan po ako NAGDUDA kay EHRMAN, lalo na nung binabasa ko na ang kanyang libro.

Bakit tinalikuran niya ang pagiging Kristiyano? Ano ang MABIGAT na DAHILAN?

WALA po. At iyan ay ayon po mismo sa libro ni Ehrman.

Siya po kasi mismo ang UMAMIN na ang mga “pagbabago” sa mga kasulatan ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS o sa KAISIPAN ng tao.

Sabi niya sa p55, (lalagyan po natin ng EMPHASIS] “IN FACT, MOST of the CHANGES found in our early CHRISTIAN MANUSCRIPTS HAVE NOTHING TO DO with THEOLOGY and IDEOLOGY.”

WALA palang KINALAMAN sa THEOLOGY at IDEOLOGY yung mga “pagbabago.” So, BAKIT NAGBAGO ang ISIP niya tungkol sa RELIHIYON?

Heto pa po ang nagbibigay DUDA sa ISIP natin kaugnay sa TAKBO ng UTAK ni EHRMAN.

Siya mismo ay NAKAKAALAM na HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na nakita niya.

Sabi pa rin niya sa p55, “MOST CHANGES are the result of MISTAKES, PURE and SIMPLE—SLIPS of the PEN, ACCIDENTAL OMISSIONS, INADVERTENT ADDITIONS, MISSPELLED WORDS, BLUNDERS of one sort or another.”

Kung HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na sinasabi niya ay BAKIT SIYA NAGBAGO ng PANINIWALA?

Lumalabas na MABABAW ang mga dahilan ni EHRMAN.

At LALONG nagiging MABABAW dahil ayon sa ibang BIBLICAL SCHOLARS ang mga “pagbabago” sa mga MANUSKRITO ay HINDI TALAGA PAGBABAGO kundi PAGKAKAIBA lang ng PAGKAKASULAT, tulad nga ng pagkaka-SPELL.

Sa madaling salita po ay mga MINOR o WALANG KABULUHAN ang mga “pagbabago” na iyan.

Pero sa KABUOHAN ay PAREHO at WALANG PINAGBAGO sa SINASABI ng mga KASULATAN, sabi ng mga EKSPERTO.

Dahil diyan ay WALANG EPEKTO sa mga KASULATAN o sa ARAL KRISTIYANO ang mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na nakita sa mga MANUSKRITO.

Sabi nga ng BIBLE EXPERT na si DR. WALLACE, “Only about 1% of the textual variants are both meaningful and viable.”

Sa Pilipino, “Mga 1% lang sa mga pagkakaiba sa mga teksto ang makahulugan at may katuturan.”

ISANG PORSIYENTO lang po ang “pagbabago” na MAY KABULUHAN. Ibig sabihin ay SOBRANG LIIT kaya WALANG EPEKTO sa NILALAMAN ng BIBLIYA.

Ibig sabihin din na 99 PORSIYENTO ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay TAMA.

So, ano po talaga ang dahilan at umayaw si Ehrman sa pagiging Kristiyano niya?

Ang simpleng sagot po ay PRIDE.

Nung na-“BORN AGAIN” po kasi si Ehrman ay nagkaroon siya ng MALING PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

At nung nagsimula siyang MAG-ARAL tungkol sa BIBLIYA ay NAKITA NIYA na MALI ang PINANIWALAAN NIYA at HINDI NIYA IYON MATANGGAP.

Sa susunod na post ay ipaliliwanag pa natin iyan.

Bible scholar inatake ang Bible? (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nitong ARTIKULO ay inilabas natin ang panibagong taktika ng ilang BALIK ISLAM para SIRAAN ang BIBLIYA.

Tinukoy nga po natin ang paggamit nila sa libro na sinulat ng isang Amerikano na bible scholar.

Ang aklat po na iyan ay ang "MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why."

Isinulat po iyan ni Bart D. Ehrman, na ayon sa pagbasa natin sa librong isinulat niya ay isang DISGRUNTLED o DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN.

Sa isang tingin pa lang po natin sa pamagat ng aklat ni Ehrman ay maaring masindak tayo.

Maitatanong natin, "Ano? Binago ang Bibliya? Totoo ba ito?"

Ang isa pong tiyak ko ay TUWANG-TUWA ang ilang UMAATAKE sa BIBLIYA dahil sa AKALA NILA ay nakakita sila ng isa na namang "BALA" laban sa BIBLE.

Iniisip po nila na isang BIBLE SCHOLAR ang nakakita at nagpapatunay na "binago" na ang mga laman ng Bible.

Para sa kanila, ibinibigay ni Ehrman ang "patunay" na "corrupted" nga ang BIBLE.

At dahil pa raw po sa mga nakita ni Ehrman na "mistakes and changes" sa Bibliya ay itinakwil pa nitong Bible scholar ang pagiging Kristiyano niya.

Grabe! Ganoon ba kabigat ang "corruption" ng Bible na umayaw pa ang isang Bible scholar sa paniniwala niya bilang Kristiyano?

Minsan po ay NATATAWA na lang ako sa pagiging DESPERADO ng ilang BALIK ISLAM na maipakita na "bulok" ang Bibliya.

SINIBASIB nila at ISINUBO nang BUO ang mga sinabi ni Ehrman na hindi man lang tinitingnan kung tama ang mga ito.

Basta makakasira sa Bibliya kahit MALI ay PUWEDE NA.

NAKALALUNGKOT po na ganyan po kasi ang naging attitude nila dahil HINDI NILA MASIRA nang HUSTO ang BIBLE.

HINDI nila tiningnan kung may HALO na PANDARAYA sa aklat ni Ehrman.

Halimbawa po, ang pamagat ng libro ay MISQUOTING JESUS, ibig sabihin po ay "minali" raw ang mga SALITA ni HESUS.

Pero kung BABASAHIN po ninyo ang libro ay WALA pong IPINAKITA roon si EHRMAN na mga SALITA ni HESUS na MINALI sa BIBLIYA.

Alam ko po iyan dahil MAYROON po akong KOPYA ng LIBRO na iyan.

BINILI ko po iyan sa NATIONAL BOOKSTORE sa GLORIETTA, MAKATI, SEPTEMBER 2008. Ang halaga niyan noon ay P1,085.

AKALA po ng mga BALIK ISLAM na nag-text sa akin at ginagamit yang aklat na iyan ay WALA akong LIBRO kaya INISIP NILA na HINDI KO MABI-VERIFY ang sinasabi nila.

Well, SORRY na lang po sila dahil NABUKO ang kanilang PAKULO.

Anyway, ang HINDI ALAM ng mga napaniwala ni Ehrman ay MINALIIT ng iba pang BIBLE SCHOLARS ang mga sinabi ng kanyang libro.

Isa po riyan si Dr. Daniel B. Wallace, isang EKSPERTO sa wikang GRIEGO at sa PAG-AARAL sa NEW TESTAMENT, na gumawa ng review sa aklat ni Ehrman na mababasa website na 4000#P33_10553">4000#P33_10553">http://www.bible.org/page.php?page_id>4000#P33_10553

Sabi ni Wallace, "[H]is [Ehrman’s] treatment of major theological changes in the text of the NT tends to fall under one of two criticisms: Either his textual decisions are wrong, or his interpretation is wrong."

Sabi po ng EKSPERTO sa wikang GREEK at sa NEW TESTAMENT, DALAWA LANG ang MASASABI kaugnay sa mga binanggit ni Ehrman na mga "pagbabago" sa teksto sa Bagong Tipan: Una, ay MALI ang kanyang mga PASYA sa mga TEKSTO, o pangalawa, ay MALI ang INTERPRETASYON NIYA sa mga ito.

Sa madaling salita po, AYON sa EKSPERTO, MALI ang UNAWA ni Ehrman sa mga tinukoy niyang "pagbabago" sa Bibliya.

At kung pupuntahan po ninyo ang mga sinabi ni Wallace sa Internet ay MAKIKITA ninyo ang mga KAMALIAN ni EHRMAN.

Tila NANGHIHINAYANG pa nga po si Wallace dahil mukhang ginawa lang ang libro para maging MABENTA ito at HINDI para MAGLAHAD ng KATOTOHANAN.

Maisa-suggest ko po na BASAHIN NINYO ang IBA pang REVIEW sa libro ni Ehrman at makikita ninyo na WALANG NANIWALA sa kanya kundi mga WALANG MALAY sa KATOTOHANAN at yung gusto lang MANIRA sa BIBLIYA.

Bible scholar inatake ang Bible? (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po.


ISA pong pangkaraniwang IPINANG-AATAKE ng ilang BALIK ISLAM sa BIBLIYA ay ang anila ay "corruption" na nangyari na sa BANAL na KASULATAN.

Pero MAGANDA rin po na TINI-TEXT TAYO ng isang BALIK ISLAM at PINADADALHAN ng mga PANINIRA sa BIBLIYA dahil NAGAGAWA po NATING SAGUTIN at IPALIWANAG ang mga ATAKE NILA.

Mayroon din po tayong natututunan sa mga sinasabi at ginagawa nila.

Isa na riyan ay nung padalhan nila tayo ng impormasyon na inimbitahan sila ng isang pari sa Lucena City para magsalita sa mga seminarista ng St. Alphonsus Regional Seminary kaugnay sa pananampalatayang Muslim.

WALANG MASAMA at NAKABUBUTI pa nga ang PAGPAPALIWANAG ng mga MUSLIM kaugnay sa kanilang paniniwala.

Ako nga po ay MARAMI na ang NATUTUNAN kaugnay sa mga sinasabi ng ilang BALIK ISLAM, partikular sa HINDI TAMANG SINASABI NILA LABAN sa BIBLIYA.

Isa po sa mga MAHALAGANG NATUTUNAN ko ay HINDI DAPAT PANIWALAAN ang mga SINASABI NILA LABAN sa BIBLIYA.

Sinasabi kasi nila na kesyo may kontra-kontra raw po sa BIBLE, kesyo corrupted na raw po ito, at kesyo mayroon daw po itong itinuturo na kalaswaan.

Sa una po ay MAG-IISIP kayo kung tama o totoo ang mga sinasabi nila. Kasi po ay WALA pa tayong KARANASAN sa kanilang mga ATAKE nila sa BIBLE.

Pero tulad ng GINAWA na NATIN DITO ay nung SINURI at PINAG-ARALAN ko po ang mga SINASABI NILA ay NAKITA natin na MALI po at WALANG BATAYAN ang kanilang paniniwala laban sa BIBLIYA.

NAPATUNAYAN ko rin po na WALANG KONTRA-KONTRA sa BIBLIYA, HINDI TOTOO na CORRUPTED ito at LALONG WALANG ITINUTURO na KALASWAAN.

Nakita ko po na ang sinasabi nila ay OUT OF CONTEXT o BUNGA ng KAWALAN ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at ng KRISTIYANISMO.

Pero ngayon ay may BAGO po silang ginagamit laban sa Bible, ang librong MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Isinulat po iyan ni Bart D. Ehrman, isa raw Bible scholar pero ang totoo ay isang DISGRUNTLED o DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN.

Heto po ang sabi ng BALIK ISLAM na nag-text sa atin, "Have you read the book of Mr Bart D. Ehrman, an American Bible scholar, titled Misquoting Jesus and the story behind who changed the Bible and why? And how mistakes and changes shaped the Bible we read today?"

"The guy is a Bible scholar but after years of studies from the Bible, he don’t want to be called Christian anymore!"

"Why? You find out you moron! Mag-research ka!"

Naku! May "bible scholar" daw po na nagsabi na ang Bible natin ay nahubog ng "mistakes and changes."

At kung titingnan nga naman po natin ang title ng libro ni Ehrman ay tila nakakasindak: "The Story Behind Who Changed the Bible and Why?"

Grabe. "BINAGO" raw po ang BIBLIYA.

IDINIIN pa ng BALIK ISLAM na NASA LIBRO pa ni Ehrman na ITINAKWIL na niya ang CHRISTIANITY dahil sa mga pagbabago rito.

TOTOO ba ito?

Paki sundan po sa mga susunod na POST.

Salamat po.