Showing posts with label Bible Credible. Show all posts
Showing posts with label Bible Credible. Show all posts

Monday, April 6, 2009

Propeta pilit isinama sa anila ay ‘basura’

PATULOY po ang ilang nagpapakilalang BALIK ISLAM sa pag-atake at paninira sa BIBLIYA.

Isa po sa sinasabi nila ay “nagkokontra-kontra” raw po ang mga sinasabi ng BIBLE.

Tinalakay na po natin ang mga bagay na iyan at ipinakita natin na ang sinasabi nila ay bunga ng KAWALAN NILA ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga nilalaman ng BANAL na KASULATAN.

Isa po sa sinasabi nila ay mabuti pa raw ang BANAL na KORAN dahil magmula raw po ng ibigay iyon sa Propeta nilang si Muhamad ay “Hindi iyon nabago. Kahit isang tuldok ay INTACT.”

Nag-research po ako tungkol sa bagay na iyan at HINDI po MAGUGUSTUHAN ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ang aking nadiskubre.

KINONTRA po kasi ng isang ISLAMIC WEBSITE ang sinasabi nitong mga nagpapakilalang Muslim.

Iyan po ay sa Islamic website na http://www. submission.org/quran/ warsh.html

Diyan po ay tinatalakay ang ilang VERSIONS ng KORAN at ang ilang PAGKAKAIBA-IBA sa mga VERSION na aklat.

Kung interesado po kayo ay kayo na po ang bahalang pumunta sa website na nabanggit at magpasya kung maniniwala kayo sa sinasabi nila.

Puwede rin po ninyong tingnan ang: http:// www.free-minds.org/articles/science/Which Quran. pdf

Salamat po.

u u u

Ngayon, isa pa pong ipinagpipilitan ng mga nagpapakilalang Muslim ay ang Propeta Muhammad ang tinutukoy sa ilang talata sa Bible.

PASENSIYA na po sa mga MUSLIM pero HINDI PO BINABANGGIT si Propeta Muhammad sa BIBLE.

Hindi po ba mayroon naman kayong KORAN at HADITH. Siguro naman po ay SAPAT na ang mga IYAN bilang patunay sa mga paniniwala ninyo.

Ang kakatwa pa nga po riyan ay SINISIRAAN at INAATAKE ng mga nagpapakilalang BALIK ISLAM ang BIBLIYA tapos ay saka nila IGIGIIT na binanggit daw ang propeta nila rito.

Sabi ng isang nagti-text sa atin, “DATI nang SIRA ang BIBLE.” Dagdag pa niya ay “BASURA lang yan.”

Pagkatapos po niyang tawaging “BASURA” ang BIBLIYA ay saka niya ipipilit na BINABANGGIT ang propeta nila rito sa tinatawag niyang “BASURA.”

Ganoon? BASURA tapos pilit niyang IPINAPASOK ang propeta nila sa ayon sa kanya ay “BASURA?”

Noon po ay pinuna na natin ang gawain nilang iyan.

Sinasabi nilang “CORRUPT” o “MARUMI” ang BIBLE pagkatapos ay GAMIT sila nang GAMIT ng mga TALATA ng BIBLE sa kagustuhan nilang patunayan na “tama” sila.

Hindi po ba kakatwa? Parang KANAL na sinasabi nilang MARUMI tapos ay INIINUMAN NILA.

Kung “BASURA” at “CORRUPT” ang BIBLIYA bakit pa nila ginagamit?

Dapat ay AMININ na lang NILA na napaka-CREDIBLE ng BIBLE.

At kaya pilit nilang ginagamit ang BIBLIYA (sa kabila na sinisiraan nila iyon) ay dahil KUNG WALANG BATAYAN sa BIBLE ay HINDI KAPANIPANIWALA ang isang BAGAY.

Iyan po ang dahilan kung bakit HINDI naman nila KINIKILALA ang BIBLIYA pero PILIT nila itong PINAGBABATAYAN ng ilan nilang gustong patunayan.

At isa nga pong IPINAGPIPILITAN nila ay ang propeta ng Islam ang tinutukoy sa ilang talata ng Bibliya tulad ng Deuteronomy 18:18.

SORRY po talaga pero HINDI po si PROPETA MUHAMAD ang tinutukoy riyan.

At NAPAKALINAW po niyan sa talata.

Ganito po ang sinasabi sa talatang iyan, “Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,”

“ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.”

DALAWA lang po ang CRITERIA o PANUNTUNAN na ibigay riyan para sa tinutukoy na PROPETA.

Una po, iyan ay PROPETA na KATULAD ni MOISES ay MAGSASABI sa mga TAO ng mga IUUTOS ng DIYOS.

Kaya po itinuring na PROPETA si MOISES ay dahil siya ang NAGDALA ng mga UTOS at SALITA ng DIYOS sa mga ISRAELITA.

Pangalawa, ang PROPETA ay MAGMUMULA sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA.

Paano po natin nalaman na mga ISRAELITA ang tinutukoy?

Dahil ang BAYAN na PINANGAKUAN ng DIYOS na BIBIGYAN ng ISANG PROPETA ay mga ISRAELITA. (Dt 17:20, 18:1)

Si Propeta Muhamad po ay kinikilalang PROPETA ng ISLAM pero HINDI po SIYA ISRAELITA.

Dahil diyan MALINAW na HINDI po SIYA ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Kaya HUWAG na po sanang IPAGPILITAN ng ilan na si Propeta Muhamad ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Ituloy po natin ito sa susunod na artikulo.

Tuesday, March 31, 2009

Bibliya dapat pagkatiwalaan

BASAHIN po natin ang text ng isang Muslim. Siya daw po si Baiputi ng Cotabato City.

Sabi ni Baiputi, "Para sa iyo, Cenon Bibe Jr., bakit di mo kaya pag-aralan ang laman ng Holy Qur'an para malaman mo ang pagkakaiba ng Bible at Holy Qur'an."

"Sa Bibliya n'yo may paJohn-John pa kayo at santo-santita pa."

"Bakit di mo paluwain mata mo sa katotohanan na ang Diyos ay di masabing Siya ay bato, bagay o tao? Dahil Siya nga lumikha sa sanlibutan. Maski ikaw sa Kanya ka galing."

"Tandaan mo 'yan pero nililigaw ka ng paniwala mong mali. 'Yan masabi ko sa iyo. Pag-aralan mo ang Qur'an bago ka magsabi na ang Diyos ay nakikita o bato!"

Salamat, Baiputi.

IGINAGALANG ko ang PANINIWALA mo at ng LAHAT ng MUSLIM sa KORAN. HINDI ko TUTUTULAN ‘yan.

NATITIYAK ko na MERON kayong batayan sa paniniwala ninyo sa Koran.

Ngayon, kung naniniwala man ako sa BIBLIYA ay mayroon din akong MATATAG at MATIBAY na BATAYAN sa aking PANINIWALA.

Hayaan mo sanang IPAHAYAG at IPAKITA ko sa iyo ang aking mga BATAYAN.

Una, ang BIBLIYA ay PUNO ng mga KASULATAN na ISINULAT ng mga MISMONG SAKSI o ng mga MISMONG PINAGBIGYAN ng DIYOS ng Kanyang mga KAUTUSAN.

Kasama ang mga SAKSI na iyan sa mga sinasabi mo na "santo-santita." Pero sa amin ay mga SANTO at SANTA ang TAWAG sa KANILA.

Halimbawa, ilan sa mga nagsulat ay sina PROPETA ISAIAH na nagsimulang magsulat noong 742 BC at si PROPETA JEREMIAH na nagsimulang magsulat bandang 629 BC.

Iyan ay sa Old Testament.

Sa New Testament, ang mga SAKSI na NAGSULAT ay sina MATTHEW at JOHN.

Sila ay mga ALAGAD ng PANGINOONG HESUS. Sila ang mga mismong NAKASAMA, NAKAUSAP, NAKINIG at NATUTO sa mga ARAL at GAWA ni Hesus.

Kung may DAPAT PANIWALAAN sa mga nagsasalita patungkol kay Hesus ay SILA ang mga iyon.

At ayon nga kay JOHN — sa Jn 1:1-3, 14 — si HESUS ay ang SALITA na KASAMA ng DIYOS na LUMIKHA sa LAHAT ng BAGAY.

At bilang SALITA, si Hesus ay DIYOS (Jn 1:1) na NAGKATAWANG TAO (Jn 1:14)

Dahil si JOHN ay mismong ALAGAD ni HESUS at SAKSI sa mga SALITA at GAWA ni HESUS, si JOHN ang PANINIWALAAN ko.

MANINIWALA ba tayo, Bai, sa mga tao na HINDI naman SAKSI?

Ngayon, merong mga nagsulat sa Bibliya na hindi saksi pero NAKAUSAP naman nila ang mga SAKSI at ang ISINULAT NILA ay ang mga SINABI ng mga SAKSI.

Halimbawa na nga riyan si LUKE at MARK.

Si MARK ay KASA-KASAMA ni PEDRO at ang Ebanghelyo na isinulat niya ay AYON KAY PEDRO. Si Pedro ay ALAGAD ni HESUS.

Sa kaso ni Luke, sinabi niya na SINURI NIYA ang mga ULAT tungkol kay Hesus at ISINULAT niya ang mga iyon para KUMPIRMAHIN at BIGYANG KATIYAKAN ang mga ARAL tungkol sa Panginoon.

Sabi nga sa Luke 1:1-4, “Marami na ang sumulat patungkol sa mga bagay na natupad sa gitna natin sangayon sa kung paano ito ibinigay sa atin ng MGA SAKSI NA MULA PA SA UNA at ng mga nangaral ng salita."

"Matapos kong SURIIN nang BUONG INGAT ang mga pangyayari magbuhat sa simula, ako man ay nagpasya na isulat ito para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, para makita mo ang KATIYAKAN ng mga itinuro sa iyo.”

Sa madaling salita pa, Bai, ay HIGHLY RELIABLE ang mga sinasabi ng Bibliya.

Katunayan, ang mga sinasabi ng BIBLIYA ay GINAGAMIT na BATAYAN ng mga HISTORIAN sa PAG-ALAM sa KASAYSAYAN ng MIDDLE EAST, partikular sa may lugar ng PALESTINA.

Sa lahat ng mga bahagi ng BIBLIYA, ang pinakahuling aklat ay nasulat bandang 90 AD nasulat. Ibig sabihin ay MALAPIT na MALAPIT pa mismo kay HESUS.

At dahil SULAT ng mga MISMONG SAKSI, NANINIWALA ako na KATOTOHANAN ang mga SINASABI nila.

At kung mismong SAKSI ang NAGSASALITA, MALILIGAW kaya tayo?

Samantala, noong nag-RESEARCH ako tungkol sa KORAN, nalaman ko na NASULAT ito noong panahon ni Propeta Muhammad noong bandang 600 AD o may 500 taon matapos MAGKATAWANG TAO si HESUS.

Alam mo ba iyan, Bai?

u u u

Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sinasabi mong "bato" o "bagay" ang Diyos. HINDI iyan ARAL ng KRISTIYANISMO, lalo na ng IGLESIA KATOLIKA.

Pero SANG-AYON ako sa iyo na DIYOS ang LUMIKHA ng SANLIBUTAN. Ibig lang sabihin, Bai, ay MAKAPANGYARIHAN SIYA.

At dahil ang DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN, MAGAGAWA ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO.

Iyon nga ang ginawa ni Hesus. Siya ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO para LUBOS na IPAKILALA ang DIYOS sa Kanyang mga NILIKHA. (Hebrews 1:1-2)

Pero higit pa riyan, naging tao si Hesus para Siya mismo ang MAGLIGTAS sa TAO sa KAMATAYAN.

Sa pamamagitan niyan ay sinasabi ng DIYOS na MAHAL na MAHAL Niya ang TAO.

Sabi nga sa John 3:16, "Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang bugtong niyang Anak upang ang LAHAT ng SUMAMPALATAYA sa KANYA ay MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN."

Para sa akin, Bai, WALA nang TATALO sa MENSAHE na iyan at WALA nang TATALO sa PATOTOO ng BIBLIYA kung tungkol kay HESUS ang PAG-UUSAPAN.

Salamat.

Tuesday, March 10, 2009

Patunay na credible ang Bibliya

NOTE: Kung mayroon po kayong tanong o komento ay welcome po kayo mag-comment sa ibaba. Maraming salamat po.

MAYROON pong Balik Islam o convert sa Islam na pumupuna sa mga aniya ay mga "contradiction" sa Bible.

Ayon po kasi sa Balik Islam na nagti-text sa atin, ang mga kontra-kontra raw sa Bibliya ang magpapatunay na "hindi ito salita ng Diyos." Pero sa mga nauna nga po nating post ay ipinakita natin na WALANG CONTRADICTIONS sa BIBLIYA.

Ngayon nga po ay patutunayan natin na ang Bibliya ay TUNAY na GALING sa DIYOS.

Anu-ano po ang mga PATUNAY na ang BIBLIYA ay SALITA NG DIYOS?

Pangunahin na po riyan ay ito: ang BIBLIYA ay BUNGA ng MATAGAL na PAGGABAY ng DIYOS sa Kanyang BAYAN.

Iyan po ay naglalaman ng KASAYSAYAN o HISTORY ng BAYAN ng DIYOS. Diyan lang po natin makikita ang KUMPLETONG RELIGIOUS HISTORY mula sa PAGLIKHA, simula kay ADAN hanggang kay HESUS at sa itinayo Niyang IGLESIA.

Makikita po natin ang ulat kay ADAN at sa mga ANAK NIYA sa GENESIS 1-5. Sunod po ay ang panahon ni NOAH at ng kanyang mga anak (Gen 5-10).

Sa Gen 11 po ay ipinapakilala na si ABRAM. Ang buhay niya ay isinalaysay mula riyan hanggang sa Gen 25:8.

Halos kasabay ng mga huling taon sa buhay ni Abraham ay isinalaysay naman ang BUHAY ng kanyang mga ANAK na sina ISAAC at ISMAEL. (Simula sa Gen 16) At sunod-sunod na ang ulat pababa sa mga ANAK ni ISAAC na si JACOB at ESAU at sa mga pangyayari sa kanilang mga buhay.

Ang mga iyan po ay mababasa sa unang limang aklat ng Bibliya: ang Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers at Deuteronomy.

Diyan din po sa mga aklat na iyan ay iniulat ang buhay ni MOISES at ang PAGPILI ng DIYOS sa mga HEBREO o ISRAELITA bilang SARILI NIYANG BAYAN.

Ang KASAYSAYAN po ng BAYAN ng DIYOS ay NAGPATULOY hanggang sa pagpasok ng mga ito sa LUPANG PANGAKO. Pati nga po ang KATIGASAN ng ULO ng mga tao ay NAULAT sa BIBLIYA.

PATUNAY lang po iyan na TUNAY at TAMA ang sinasabi sa BIBLE at HINDI yung PINILI lang.

At dahil CREDIBLE at KATIWA-TIWALA ang mga AKLAT ng BIBLIYA ay GINAGAWA IYANG BATAYAN ng mga HISTORIAN sa pagbuo nila ng KASAYSAYAN sa MIDDLE EAST.

Mayroon ding mga "holy books" sa Mideast pero HINDI po GINAGAMIT na BATAYAN ng KASAYSAYAN. Nakita po kasi nila na PURO KUWENTO lang ang mga iyon.

Ang mga sinasabi po ng BIBLE ay MAY MAKIKITANG SUPORTA sa ibang SOURCES at REFERENCES sa HISTORY. Sa madaling salita po ay MAY BATAYAN TALAGA ang BIBLIYA. HINDI iyan GUNI-GUNI o NAPANAGINIPAN LANG ng IISANG TAO.