Showing posts with label Holy Trinity: Allah ng Bibliya. Show all posts
Showing posts with label Holy Trinity: Allah ng Bibliya. Show all posts

Tuesday, December 15, 2009

Trinidad: Allah ng Bibliya

Sabi ng MUSLIM sa sinabi natin na "HINDI po SIYA (ALLAH ng ISLAM) ang TINUTUKOY ng PANGINOONG HESUS at HINDI ang "ALLAH" ng mga MUSLIM ang BINABANGGIT sa BIBLE."

Muslim:
Mukhang out-of context ka na kapatid... Hindi natin pinag uusapan ang John 1:1 LANG dito, ginamit ko lang example yun na ang ALLAH nga ay nsa bible, and you agree.
Ang punto ko ay to disprove your first comment that "ALLAH is NEVER even MENTIONED in the BIBLE."...(quote-unquote mula sayo) YUN LANG. ngayon kung ano man ang interpretasyon mo sa verses ng bible mo nasa sa iyo na yun. Kung gusto mo mag open ka ng bagong topic for discussion of John 1:1 ONLY. Wherein this case we can refer GOD as your GOD and our GOD. ok po ba?

CENON BIBE:
NAG-AGREE AKO na ang TUNAY na ALLAH o DIYOS ay ang SINABI NINYO na NASA Jn1:1. TAMA at TUNAY naman po talaga na si HESUS na DIYOS sa Jn1:1 ay TUNAY na ALLAH ng BIBLIYA.

HINDI ko po TINUTUKOY RIYAN ang "ALLAH" NINYO. HINDI ko po kasi PINAKIKIALAMAN ang DIYOS NINYO. KAYO LANG naman ang NAKIKIALAM sa DIYOS NAMIN.

Tingnan n'yo, tila po PUMASOK KAYO sa isang USAPIN na HINDI NINYO NAIINTINDIHAN.

Kung BABASAHIN NINYO ang mga SAGOT KO sa KAPATID NINYONG BALIK ISLAM ay MALINAW roon na ang TINUTUKOY kong "ALLAH" na NEVER na-MENTION sa BIBLE ay ang "ALLAH" ng ISLAM.

IPINAGPIPILITAN kasi ng KAPATID NINYO na ang "ALLAH" ng ISLAM ay NASA BIBLE.

Iyan ang MALINAW na TINUTUKOY KO na WALA sa BIBLE.

Tapos PUMASOK KAYO sa USAPAN na HINDI PALA NINYO NAUUNAWAAN ang TOPIC. Ayan, NAGKAGULO-GULO tuloy KAYO.

Ngayon, uulitin ko: KUNG GUSTO NINYONG BAWIIN ang sinabi ninyo na MATATAGPUAN ang ALLAH sa BIBLIYA ay TATANGGAPIN ko po IYAN.

WALA pong DIFFERENCE sa amin iyan dahil HINDI PROPER NAME ng DIYOS NAMIN ang ALLAH. Iyan ay GENERIC WORD na GINAGAMIT NAMIN para TUKUYIN ang "DIYOS" sa WIKANG ARABIC.

Tila KAYO LANG naman ang NAGKAKA-PROBLEMA dahil HINDI KAILANMAN NABANGGIT ang DIYOS NINYO sa BIBLIYA.




MUSLIM:
Ngayon puntahan na natin ang second point of discussion natin... ang John 1:1
Sabi mo dyan si Kristo ang tinutukoy dyan.
"the WORD is GOD". meron pa ngang sinabi na "and the WORD became flesh and dwelt among us" di ba po?
Kung ang paniniwala po ninyo ay si Kristo ang tinutukoy dyan eh iginagalang ko po kayo.

CENON BIBE:
Salamat po kung iginagalang ninyo ang paniniwala namin.

MALIWANAG po ang BATAYAN namin na si KRISTO ang tinutukoy riyan dahil ang binabanggit diyan ay isang PERSONA o BUHAY na INDIBIDWAL.

Ang PATUNAY na BUHAY na INDIBIDWAL ang SALITA ay NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ayon sa Jn1:14 ay NAKITA SIYA na MAY KALUWALHATIAN na tulad ng sa NAG-IISANG ANAK ng DIYOS.



MUSLIM:
Sa pananaw ko po bilang Muslim at tunay na tagasunod ni Kristo, ang tinutukoy dyan na SALITA O WORD ay yung mga ARAL at TURO ng mga propeta upang sumamba sa nag iisang DIYOS. Ito po ang isang halimbawa ng METAPHORICAL statement ng bible. Naniniwala po ba kayo na metaphor lang ito o sasabihin nyo na namang LITERAL? nagtatanong lang po.

CENON BIBE:
Ang SALITA po ay LITERAL na PERSONA. PINATUNAYAN nga po na PERSONA ang SALITA dahil NAGKATAWANG TAO ang SALITA at NAKITA na TAGLAY ang KALUWALAHATIAN ng NAG-IISANG ANAK ng AMA.

Ang ARAL o TURO ay HINDI MASASABING NAGKATAWANG TAO. HINDI rin TINATAWAG na "ANAK ng AMA" ang ARAL.




MUSLIM:
Totoo pong ang SALITA ng mga propetang ito ay galing sa DIOS pero hindi po ibig sabihin na sila na MISMO ang DIOS! Ang salita mo ba Mr. CENON eh itinuturing mong IKAW as a whole? Nagtatanong lang po.

CENON BIBE:
Diyan mo makikita na MALI ang PAGKAUNAWA mo sa KALIKASAN ng SALITA sa Jn1:1.

Ayon sa paniniwala mo ay MGA ARAL ang "SALITA." MALIWANAG sa Jn1:1 na ang SALITA na tinutUkoy ay NAG-IISA LANG. PATUNAY na NAG-IISA ay ang sinabi sa Jn1:14 na NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ay NAKITA SIYA bilang NAG-IISANG ANAK ng AMA.

Kung MGA ARAL yan ay maaari pa sigurong tinawag na "MGA SALITA." Ang kaso ay HINDI GANOON ang PAGKAKASABI. SINGULAR ang SALITA at HINDI PLURAL.




MUSLIM:
"and dwelt among us". o sasabihin mo nakisama sa atin si Kristo kaya tugmang tugma na siya na nga yung tinutukoy... eh pano naman po ang ibang propetang nakisama din sa atin? Bakit si Kristo lang ang itinuring nyong dios? dahil ba wala siyang biological father? kung dios sa inyo si Kristo, eh lalong mas may karapatang tawaging dios si Adan di ba? dahil purong puro galing siya sa Dios, walang HUMAN INTERVENTION.

CENON BIBE:
TUGMANG-TUGMA nga sa PANGINOONG KRISTO ang "and dwelt among us." Iyan kasi ay KATUPARAN sa PANGAKO ng DIYOS sa Isaiah 7:14 na ISISILANG (MAGKAKATAWANG TAO) ang EMMANUEL.

Ang kahulugan ng EMMANUEL ay "SUMASA ATIN ang DIYOS" o "DIYOS na KASAMA NATIN." (Matthew 1:23)

Kaya nung ang SALITA na si KRISTO ay NAGKATAWANG TAO, SIYA ay SUMA ATIN o NANIRAHAN sa GITNA NATIN.

Ang mga PROPEETA ay HINDI MGA DIYOS na NAGKATAWANG TAO. SILA ay mga TAO LANG. No more. No less.

Si HESUS ay DIYOS dahil NAGMULA o LUMABAS SIYA MISMO sa DIYOS. Katulad iyan ng kung paano NAGMUMULA o LUMALABAS ang isang TAO sa MAGULANG niyang TAO rin.

Si HESUS ay DIYOS na NAGMULA SA DIYOS. TULAD ng AMA NIYANG DIYOS ay WALA SIYANG SIMULA at WALANG KATAPUSAN.

Siya rin ay TUNAY na TAO dahil nung MAGKATAWANG TAO SIYA ay NAGMULA o LUMABAS din SIYA sa ISANG TAO--sa NANAY NIYANG si MARIA.

Si ADAN--at ang LAHAT ng TAO na NILIKHA ng DIYOS--ay MATATAWAG na "anak ng Diyos." IYAN ang METAPHORICAL dahil HINDI LITERAL na LUMABAS sa DIYOS.

HINDI rin MATATAWAG na LITERAL na ANAK ng DIYOS si ADAN dahil siya ay NILIKHA LANG ng DIYOS mula sa PUTIK. HINDI SIYA LUMABAS sa DIYOS kundi HINUBOG LANG NG DIYOS MULA sa LUPA.




CENON SAID:
Kung gagaamitin po ang ARABIC BIBLE ay makikita natin na sinasabi ng APOSTOL PEDRO na siya ay alipin ng "ALLAH" at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO.

Muslim:
"alipin ng ALLAH", eh sa arabic po pwede din siya nating tawaging ABDULLAH ("Abd"-servant)payag po? sa ganun eh kung arabic ang pag uusapan eh matatawag natin si Pablo na "the one who submits to ALLAH" sa arabic language po, MUSLIM, payag po?

CENON BIBE:
Basta PAYAG KAYO na ang ALLAH na TINUTUKOY NATIN ay ang PANGINOONG HESUS, PAYAG na PAYAG AKO.

Sa 2Pet1:1 kasi ay si PEDRO ay ALIPIN ng DIYOS na si HESUS.

So, kung gusto mong sabihin sa ARABIC na si PEDRO ay ABDULLAH (tumutukoy kay HESUS na DIYOS) ay AYOS yan. Si HESUS naman talaga ay ALLAH.



SINABI po natin sa MUSLIM:
Kung TATANGGAPIN po ninyo iyan ay TATANGGAPIN ko po na ANG ALLAH ay NASA BIBLIYA NGA.

MUSLIM:
Kung Jn 1:1 ang tinutukoy mo, naipaliwanag ko na yan sa itaas, ngayon bakit po kayo nakadikit sa John 1:1 lang ? yan lang po ba ang alam nyo sa bible na may salitang DIOS=GOD= ALLAH ?

CENON BIBE:
Kaya ko ginagamit ang Jn1:1 ay dahil IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN at NAGPATUNAY na ang DIYOS DIYAN na si HESUS ay ang ALLAH.

Mas madali tayong MAGKAKASUNDO kung YUN MISMONG IBINIGAY MO ang PAGKAKASUNDUAN NATIN.

Ang tanong ko ngayon ay TINATANGGAP MO BA ang SINABI MO na ang ALLAH ay ang DIYOS na si HESUS sa Jn1:1?



MUSLIM:
Para sa inyo, bigyan ko pa kayo ng ibang example ng ALLAH sa bible eto po

Luke 1:6
And they were both righteous before God(اللهِ), walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.

sa arabic po
وَكَانَا كِلاَهُمَا بَارَّيْنِ أَمَامَ اللهِ، سَالِكَيْنِ فِي جَمِيعِ وَصَايَا الرَّبِّ وَأَحْكَامِهِ بِلاَ لَوْمٍ.

kita nyo po ba ang ALLAH dyan - اللهِ . duda pa rin copy paste nyo sa google translate

eto pa sa Luke 1:8
And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,

sa arabic...

فَبَيْنَمَا هُوَ يَكْهَنُ فِي نَوْبَةِ فِرْقَتِهِ أَمَامَ اللهِ،

kita nyo?

eto pa
Luke 1:19
19 And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stand in the presence of God; and am sent to speak unto thee, and to shew thee these glad tidings.

sa arabic
فَأَجَابَ الْمَلاَكُ وَقَالَ لَهُ:«أَنَا جِبْرَائِيلُ الْوَاقِفُ قُدَّامَ اللهِ، وَأُرْسِلْتُ لأُكَلِّمَكَ وَأُبَشِّرَكَ بِهذَا.

yan pa kita nyo na?

Ngayon lulubayan nyo na ang John 1:1 at tuloy tuloy na ang paniniwala nyo na ang ALLAH ay nasa bible. salamat po

SALAM!!!

CENON BIBE:
NAPANIWALA na po talaga ninyo ako na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS sa BIBLE. At SIYA nga po ay ang PANGINOONG HESUS at ang TRINIDAD. WALA na po TAYONG PAGTATALUNAN diyan.

BAKIT tila NATAKOT KA nang HUSTO sa Jn1:1? Hindi ba IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN?

Dahil ba DIREKTANG TINUKOY RIYAN ang PANGINOONG HESUS?

Anyway, puwede nating iwanan ang Jn1:1. HINDI naman MABABAGO ang PATOTOO MO na ang DIYOS o ALLAH na tinutukoy riyan ay ang PANGINOONG HESUS.

Sa IBANG TALATA na binanggit mo (Lk 1:6, 8 at 19), ang TINUTUKOY naman diyan ay ang DIYOS na TRINIDAD. MALIBAN kasi kung BINIGYAN ng DISTINCTION o PAGKAKAIBA, KAPAG BINANGGIT ang DIYOS sa BIBLIYA ay TUMUTUKOY iyan sa TRINIDAD na SIYANG NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Mapapansin mo na ang DIYOS na binanggit sa Lk1:6 at 16 ay TINAWAG din na PANGINOON.

Ayon sa BIBLIYA (BIBLIYA ang SOURCE NATIN, HINDI BA?), NAG-IISA LANG ang PANGINOON at WALA NANG IBA.

Sabi nga sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."

Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."

So, MALINAW sa mga iyan na NAG-IISA ang PANGINOON at NAG-IISA ang DIYOS.

Ngayon, batay sa BIBLIYA ay SINO ang NAG-IISANG PANGINOON?

Ganito ang PATOTOO sa 1Corinthians8:6, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Diyan ay makikita natin na ang NAG-IISANG PANGINOON ay ang PANGINOONG HESUS. At dahil ang NAG-IISANG PANGINOON ayon sa Is45:5 ay ang NAG-IISANG DIYOS, MALINAW na ang PANGINOONG HESUS ay KASAMA ng DIYOS AMA sa NAG-IISANG DIYOS, ang TRINIDAD.

Kaya nga kapag sinabing DIYOS sa BIBLIYA ay ang TRINIDAD ang TINUTUKOY. Sa TRINIDAD KASI ay MAGKASAMA ang NAG-IISANG DIYOS (Ang AMA) at ang NAG-IISANG PANGINOON (si HESUS).

Ngayon, TANGGAP MO BA na ang tinutukoy na ALLAH sa Lk1:6, 8 at 19 ay ang TRINIDAD?

Kung OO ay TAMA KA. Kung hindi naman ay TUTUTULAN MO ang MISMONG TALATA na IBINIGAY MO.

So, KUNG TUNAY nga na NANINIWALA KA kay HESUS at sa ALLAH ng BIBLIYA ay DAPAT na MANIWALA KA sa TRINIDAD.

Ganoon po ang natutumbok ng SINASABI NINYO.

SALAMAT PO.