Showing posts with label Anti-Kristo: Hindi kumikilala na Diyos si Kristo. Show all posts
Showing posts with label Anti-Kristo: Hindi kumikilala na Diyos si Kristo. Show all posts

Friday, September 4, 2009

Bulaang propeta paano makikilala?

GINAMIT po nitong BALIK ISLAM ang 1John 4:1-3 para palabasin na HINDI ang ESPIRITU SANTO ang tinutukoy sa Jn16:13.

Ganito po ang pagkaka-quote nitong BALIK ISLAM sa mga talatang iyan:
"verse 1; "Beloved believed not every Spirit, but try the Spirit whether they are of God; because many False Prophets are gone out into the world."

"verse 2; "Hereby know ye the Spirit of God: Every Spirit that confesseth that Jesus Christ is come in the Flesh is of God:"


"verse 3; "And every Spirit that confesseth Not that Jesus Christ is come in the Flesh is Not of God: and this is that Spirit of antichrist, whereof ye have heard that it should come; and even now already is it in the world."

"Dito po mga kaibigan minsan pa po'ng pinatutunanay na naman ng Bibliya ang Patungkol sa Espirito; as stated very clearly inhere; That a False Prophets with a False SPIRIT and a True Prophets with a True SPIRIT; that simple mga kaibigan pero hindi makuhang maunawaan nitong Si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan ang PAtungkol sa ESPIRITO."

CENON BIBE:
Diyan po ay PINATUNAYAN nitong BALIK ISLAM na WALA SIYANG ESPIRITU SANTO kaya SARILI po NIYANG PALIWANAG ay HINDI NIYA NAIINTINDIHAN.

Ang gusto po sanang palabasin nitong BALIK ISLAM ay ang PROPETA ang MISMONG SPIRIT.

Gusto po kasi niyang IGIIT na ang ESPIRITU na tinutukoy sa Jn16:13 ay ang PROPETA ng ISLAM.

Pero paki pansin po ang sinabi niya na:
"That a False Prophets WITH a False SPIRIT and a True Prophets WITH a True SPIRIT."

Sa mismong paliwanag niya sa 1Jn4:1-3 ay MALINAW na HINDI ang MISMONG PROPETA ang ESPIRITU: ang SPIRIT ay NASA LOOB o TAGLAY ng PROPETA (maging TRUE or FALSE man ang propeta na iyon). HINDI po ang PROPETA ang MISMONG SPIRIT.

So, batay sa PALIWANAG nitong BALIK ISLAM ay HINDI MASASABI na ang PROPETA NILA ang ESPIRITU sa Jn16:13.

At tulad po ng naipaliwanag na natin sa nauna nating post, ang ESPIRITU SANTO ay NAGSASALITA SA PAMAMAGITAN ng PROPETA. HINDI YUNG PROPETA ang ESPIRITU SANTO.

Ngayon, PAANO raw po natin MAKIKILALA ang TUNAY na PROPETA na TAGLAY ang ESPIRITU ng DIYOS?

Sinasabi po sa 1Jn4:2:
"verse 2; "Hereby know ye the Spirit of God: Every Spirit that CONFESSETH THAT JESUS CHRIST IS COME IN THE FLESH IS OF GOD:"

Ang ESPIRITU na NAGPAPAHAYAG SA PAMAMAGITAN ng PROPETA na si HESU KRISTO ay DUMATING sa LAMAN ay SA DIYOS.

Ang ibig sabihin po ng "DUMATING sa LAMAN" ay NAGKATAWANG TAO.

Iyan po ay tumutukoy sa Jn1:1, 14 kung saan sinasabi:
"In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the WORD WAS GOD.

"And the WORD [who is GOD] BECAME FLESH and made his dwelling among us, and we saw his glory, the glory as of the Father's only Son, full of grace and truth."

PURIHIN ang ANAK ng DIYOS! PURIHIN ang DIYOS!

Diyan po ay sinasabi na ang SALITA na DIYOS ay NAGKATAWANG TAO.

Ang SALITA na DIYOS na NAGKATAWANG TAO ay si HESU KRISTO (1Jn4:2)

So, ang TUNAY na PROPETA ay TAGLAY ang ESPIRITU na NAGPAPAHAYAG na si HESU KRISTO ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Tayo po ay SUMUSUNOD sa mga PROPETANG TAGLAY ang ESPIRITU ng DIYOS at SINUGO ng DIYOS (Mt28:19) dahil ang mga PROPETA NATIN ay NAGTUTURO na si KRISTO ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

Ngayon, ang BULAAN PROPETA ay yung TUTOL o TUMUTUTOL na si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.

So, kung ang PROPETANG SINUSUNOD NINYO ay TUMUTUTOL na si HESUS ay DIYOS NA NAGKATAWANG TAO, ang PROPETA raw na iyan ay BULAAN at SIYA ring ANTIKRISTO. (1Jn4:3)

Salamat po.

Tuesday, August 4, 2009

Balik Islam umamin na anti-Kristo

SA MGA post po natin na "Skolar siniraan ang Qur'an" at "Hesus saan sinabi na hindi Siya Diyos?" ay nag-post ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESU KRISTO.

Sa post niya na may pamagat na "DID JESUS COME IN THE FLESH, AS A SPIRIT (GOD), OR AS GOD-MAN?" ay LAYUNIN niya na SIRAAN ang mga NANINIWALA sa pagka-DIYOS ng PANGINOONG HESUS. Pero MALAS NIYA dahil SARILI NIYA ang NASAMPAL NIYA.

Diyan po kasi ay nagbigay itong BALIK ISLAM ng ILANG TALATA na AKALA NIYA ay SUSUPORTA sa paniniwala niya na "TAO LANG" si HESUS. Pero tulad nang dati ay MALI na NAMAN SIYA.

Gumamit itong BALIK ISLAM ng mga TALATA na sa halip na magpatunay na"TAO LANG" si HESUS ay NAGPAPATUNAY na SIYA ay DIYOS.

Suriin po natin ang mga TALATANG SINIPI NIYA.

Heto po ang mga talata na siya mismo ang nagbigay:


  1. 2 John 1:7 (NIV) “Many DECEIVERS, who DO NOT ACKNOWLEDGE JESUS CHRIST AS
    COMING IN THE FLESH, have gone out into the world. Any such person is a
    deceiver and the AntiChrist.

  2. 1 John 4:1-3 (KJV) [verse 1] “Beloved, believe not every spirit, but try the
    spirit whether they are of God; because many false prophets are gone out
    into the world.
  3. [verse 2] Hereby know ye the Spirit of God: EVERY SPIRIT that CONFESSETH
    that JESUS CHRIST IS COME IN THE FLESH is OF GOD;
    [verse 3] “And every Spirit that CONFESSETH NOT THAT JESUS CHRIST IS COME IN THE FLESH is NOT OF GOD: and THIS is THAT SPIRIT OF ANTICHRIST, whereof ye have heard that it should come;

Paki pansin po ang sinabi ng mga talata na:


"JESUS CHRIST AS COMING IN THE FLESH."

Sa PILIPINO ay


"si HESU KRISTO ay DUMATING SA LAMAN."

    AKALA po ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS ay patunay iyan na "TAO LANG" ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.


    MALI na naman po SIYA.WALA kasi SIYANG ALAM sa BIBLIYA.


    Ang 2 Jn 1:7 at 1 Jn 4:1-3 ay PAREHONG ISINULAT ng APOSTOL na si JOHN na NAGSULAT din ng IKAAPAT na EBANGHELYO.


    Ang KAHULUGAN ng "JESUS CHRIST AS COMING IN THE FLESH" ay NAKABATAY sa EBANGHELYO na KANYA ring ISINULAT, partikular sa sinabi niya sa Jn 1:1 at 14.


    Sa Jn 1:1 at 14 ay sinasabi:

    "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ANG
    SALITA AY DIYOS."


    "At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO ..."


    Iyan po ang BATAYAN ng "JESUS CHRIST AS COMING IN THE FLESH" at ang KAHULUGAN niyan ay "SI HESU KRISTO ay DIYOS at SIYA ay NAGKATAWANG TAO."

    Iyan po ang IBIG SABIHIN ng "JESUS CHRIST AS COMING IN THE FLESH."

    So, ang sinasabi ng 2 Jn 1:7 ay:

    "Ang HINDI MANIWALA na si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO, ang TAONG IYON ay ANTI-KRISTO."

    Sa katulad na mensahe, ang KAHULUGAN ng 1 Jn 4:1-3 ay:

    "Ang KUMIKILALA kay HESUS bilang DIYOS na NAGKATAWANG TAO ay GALING sa DIYOS. At ang HINDI KUMIKILALA na si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO ay HINDI GALING sa DIYOS."

    Ganyan po KASIMPLE ang sinasabi ng mga TALATANG IYAN na HINDI NAUUNAWAAN ng BALIK ISLAM pero GINAMIT pa niya.

    Kaya nga po nung gamitin iyan nitong BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS ay talo pa niya ang SINAMPAL-SAMPAL NIYA ang PAGMUMUKHA NIYA.

    Hindi lang po NAPATUNAYAN sa mga talata na iyan na DIYOS ang PANGINOONG HESUS. Lumabas pa ang KATOTOHANAN na WALANG ALAM itong BALIK ISLAM sa mga PINAGSASASABI NIYA.

    At heto po ang MATINDI: Sa paggamit ng BALIK ISLAM sa 2 Jn 1:7 at 1 Jn 4:1-3 ay HINUBARAN NIYA ng MASKARA ang SARILI NIYA.

    Dahil SINASABI RIYAN na ANTI-KRISTO ang HINDI MANIWALA na DIYOS na NAGKATAWANG TAO si HESUS ay INAMIN ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOON na SIYA AY ANTI-KRISTO.

    Hindi nga po ba pilit na TINUTUTULAN at SINISIRAAN pa ng BALIK ISLAM na ito ang PAGKA-DIYOS ni HESUS?

    At dahil HINDI SIYA NANINIWALA na si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO, sinasabi rin ng 1 Jn 4:3 na itong BALIK ISLAM ay HINDI GALING sa DIYOS.

    Kung HINDI SIYA GALING sa DIYOS ay SAAN SIYA GALING?

    Kayo na po ang sumagot.

    At least, diyan pa lang po ay KILALA na NATIN ang KAUSAP NATIN.