BIGYANG daan po natin ang sabi ng isang text sa atin. Sabi nito, "Hindi puwedeng maging Diyos si Jesus dahil Siya mismo ay may kinilalang Diyos Niya. Basahin mo ang John 20:17."
Salamat po.
Ganito ang sinasabi sa John 20:17, "Sinabi ni Hesus sa kanya: Huwag mo akong kapitan, dahil hindi pa ako nakakaakyat sa Ama."
"Pero pumunta ka sa aking mga kapatid at sabihin mo sa kanila: Ako ay aakyat sa aking Ama at sa inyong Ama, sa AKING DIYOS at sa inyong Diyos."
Maitatanong ng iba na "Paanong naging Diyos si Kristo kung mayroon Siyang Diyos?"
May katwiran ba sila?
SORRY pero WALA po.
HINDI po porke sinabi ni Hesus na DIYOS NIYA ang ATING DIYOS ay hindi na Siya Diyos.
HINDI po GANOON yon.
Paano ba natin dapat unawain ang Jn 20:17?
SIMPLE lang po.
Si HESUS ay TUNAY na DIYOS dahil Siya po ay ANAK ng DIYOS.
DIYOS AMA po mismo ang NAGSABI sa Matthew 3:17, “ITO [si HESUS] ang MINAMAHAL kong ANAK na lubos kong kinalulugdan.”
Kung TUNAY na ANAK ng DIYOS si HESUS, natural na TUNAY na DIYOS din si KRISTO. Kung DIYOS ang AMA ay DIYOS DIN ang ANAK.
Kaya si HESUS ay TUNAY na DIYOS.
Sabi nga po sa Jn 1:18 ay Siya ay MONOGENES THEOS o NAG-IISANG ANAK NA DIYOS.
Ngayon, kahit DIYOS ay NAGKATAWANG TAO po Siya.
Sinasabi sa Jn 1:1 at 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS at ang SALITA ay DIYOS."
"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at nanirahang KASAMA natin."
PURIHIN ang DIYOS!
Sa PAGKAKATAWANG TAO po ni HESUS ay hindi lang Niya ipinakita na MAHAL NIYA TAYO at gusto Niya tayong MAKASAMA.
NAGKATAWANG TAO po ang DIYOS para TUNAY SIYANG MAGING KAISA NATIN.
Kaya nga po sinabi sa Matthew 1:23 na tatawagin siyang EMMANUEL o ang DIYOS NA SUMASA ATIN.
At hindi lang po Siya NAGING KAISA NATIN sa ating pagka-TAO. TAYO mismo ay ISINAMA NIYA sa KANYANG KATAWAN— ang IGLESIA.
Si HESUS po ang ULO ng IGLESIA at TAYO naman ang Kanyang KATAWAN.
Sabi nga po sa Ephesians 5:23, "Si KRISTO ang ULO ng IGLESIA, ang KANYANG KATAWAN, na SIYA ang TAGAPAGLIGTAS."
So, si HESUS na ANAK ng DIYOS at TUNAY na DIYOS ay naging ULO na rin ng IGLESIA na ang bumubuo ay tayong mga TAO.
Sa madaling salita, TAYO po ay naging GANAP na KAISA ni HESUS. Dahil diyan tayo po ay naging ANAK na rin ng DIYOS.
Iyan po ang dahilan kung bakit ang AMA ni HESUS ay NAGING AMA na rin NATIN. (Jn 20:17)
At dahil si HESUS ang ULO ng IGLESIA, SIYA na ang NAMUNO sa PAGKILALA sa DIYOS.
Iyan ang KONTEKSTO ng sinabi ni Hesus na ang AMA ay KANYANG DIYOS at ATING DIYOS.
Kaya NIYA tinawag na KANYANG DIYOS ang AMA ay dahil PINAMUMUNUAN NIYA TAYO sa PAGKILALA sa AMA bilang DIYOS.
Pero HINDI porke ginawa Niya iyan ay hindi na Siya Diyos.
Naalala ko ang APAT sa mga TAO na HINAHANGAAN KO: Sila ay ang mag-inang sina Mrs. Marixi Prieto at ang anak niyang si Sandy Prieto-Romualdez at ang mag-amang John Gokongwei at Lance Gokongwei.
Si Sandy ay PRESIDENTE ng PHILIPPINE DAILY INQUIRER kung saan ang CHAIR of the BOARD ay ang INA NIYANG si Mrs. Marixi.
Samantala, si Lance ay PRESIDENTE naman ng mga KUMPANYA na PAG-AARI ng KANYANG AMA na si John.
Sa madaling salita po, ang mga ANAK na mula sa DALAWA sa mga PROMINENTENG PAMILYA sa BANSA ay EMPLEADO rin ng KANILANG mga MAGULANG.
Kung paanong ang mga MAGULANG ay itinuturing na "BOSS" ng kanilang mga ORDINARYONG EMPLEADO ay ITINUTURING din SILANG "BOSS" ng kanilang mga ANAK.
Ibig bang sabihin ay "HINDI na ANAK" ang mga ANAK dahil NAMUMUNO SILA sa mga KUMPANYA ng KANILANG mga MAGULANG?
ANAK pa rin SILA kung paanong si HESUS ay ANAK pa rin ng DIYOS sa kabila na PINAMUMUNUAN NIYA ang IGLESIA na DUMIDIYOS sa AMA.
At dahil ANAK ng DIYOS, si KRISTO ay DIYOS din. HINDI iyon NAWALA kahit pa NANGUNGUNA SIYA sa PAGKILALA sa KANYANG AMA bilang DIYOS.
Ganoon lang po yon.
PILIT lang po iyang PINIPILIPIT ng IBANG TAO na WALANG UNAWA sa SINASABI ng BIBLIYA.