Showing posts with label Kristiyano inampon ng Diyos. Show all posts
Showing posts with label Kristiyano inampon ng Diyos. Show all posts

Friday, December 11, 2009

Hesus literal na Anak ng Diyos

MAY SAGOT po ang isa pang MUSLIM sa sinabi natin sa artikulo natin na "Son of God, ano ang kahulugan?:"

Diyan po ay sinabi natin:
CENON BIBE:
This is one of the RARE TIMES that I hear a MUSLIM referring to HIMSELF or to MUSLIMS in general as "SON(S) of ALLAH." Yung ibang MUSLIM ay nagsabi na WALA raw ANAK ang KANILANG DIYOS.

Ngayon, kung sinasabi ng reactor nating MUSLIM na puwedeng tawaging "SON(S) of ALLAH" ang mga naniniwala sa KANILANG DIYOS, tinatawag ba NILANG "FATHER" ang kanilang ALLAH?

If they can CALL THEMSELVES as "SON(S) of ALLAH" then shouldn't if follow that THEY (MUSLIMS) CAN CALL THEIR GOD as "ALLAH OUR FATHER"?

Heto po ang sagot ng MUSLIM:
sige po pagbigyan ko kayong sagutin ang doubt nyo. dalawa po ang paraan ng pangunawa natin sa sinabi nyo. ang metaphorical meaning at ang literal meaning. sa bible po marami tayong mababasa na metaphorical. agree po ba? (halimbawa: "ako ang daan..." "ako ang ilaw" ... "anak ng Diyos"... at marami pang iba) di na ako magbibigay alam kong mas marami kayong alam na halimbawa ng metaphorical meanings na ito na nasa bible

CENON BIBE:
NAGPAPASALAMAT po ako sa KUMPIRMASYON NINYO na MAYROONG LITERAL MEANING ng mga SALITA.

Dahil diyan, SANGAYON po ako na may METAPHORICAL na MEANING ng SON of GOD at LALO po akong SANGAYON na MAY LITERAL na SON OF GOD.


MUSLIM:
ito pong meaning na ito ang sinusundan ng kapatid kong Muslim (METAPHORICALLY SPEAKING IKA NGA)na nag post dito at nagsabi ng "Son(s) of Allah". - HINDI PO LITERAL YAN--- UNUULIT KO metaphorical lang po ang salitang iyan.

CENON BIBE:
Kung iyan po ang pakahulugan ninyo sa "Son(s) of Allah" ay IGINAGALANG ko po iyan.

Sa amin po ay HIGIT PA sa METAPHORICAL. Kami po kasi ay mga INAMPON NA ng DIYOS.

Sa ADOPTION po na iyan, HINDI MAN KAMI NAGING ANAK BY NATURE (GOD FROM GOD) ay ITINURING NA KAMI ng DIYOS BILANG mga TUNAY na ANAK. Ibig sabihin, ang mga LIKAS na TAGLAY ng TUNAY na ANAK (ex. ETERNAL LIFE) ay GANOON DIN ang IBIBIGAY sa AMIN. Kaya nga po ang LAHAT ng KRISTIYANO ay MAY BUHAY na WALANG HANGGAN KASAMA ang DIYOS sa LANGIT.



MUSLIM:
Sa kabilang banda ang huling example na binigay ko ("anak ng Diyos") tila po ata literal ang pang unawa ninyo sa salitang iyan. Na si Jesus ay "anak ng Diyos".
Dahil po sa literal na pangunawa ninyong mga Kristyano dyan, nag bigay po ang Allah o Dios ng aya sa Quran, primarily upang sagutin ang tanong (doubts) ninyo tungkol dyan. Ito na nga po ang...

CENON BIBE:
LITERAL po ang PAGKAUNAWA namin sa pagiging ANAK ng DIYOS ng PANGINOONG HESUS dahil LITERAL din po ang PAGKAKASABI ng DIYOS AMA sa KANYA.

Sa Matthew 3:17 po ay LITERAL na SINABI ng DIYOS AMA, "ITO (HESUS) ang MINAMAHAL KONG ANAK na aking LUBOS na KINALULUGDAN."

INULIT pa po ng DIYOS AMA ang LITERAL na PAGPAPAKILALA na iyan sa PANGINOONG HESUS. Sa Mt17:5 ay sinabi ng DIYOS AMA, "ITO (HESUS) ang MINAMAHAL KONG ANAK na aking LUBOS na KINALULUGDAN. MAKINIG KAYO sa KANYA."

Bilang mga MASUNURING mga ALAGAD ng DIYOS ay HINDI PO NAMIN TINUTUTULAN ang DIREKTA at LITERAL na SALITA ng DIYOS.



MUSLIM:
Al-Ikhlas
In the name of Allah, the Beneficent, the Merciful

Say: He is Allah the One and Only; (1) Allah, the Eternal, Absolute; (2) He begetteth not nor is He begotten; (3) And there is none like unto Him. (4)

ito pong aya ng Quran na ito ay literal po ang kahulugan. sagot sa literal na pangunawa ninyo sa sinabing Anak ng Diyos si Jesus.

Sana po naging malinaw sa inyo
SALAM!

CENON BIBE:
PANINIWALA po NINYO YAN at IGINAGALANG NAMIN IYAN kahit pa HINDI NAMIN TINATANGGAP.

NAUUNAWAAN ko po na IYAN ang GUSTO NINYONG PANIWALAAN.

Sana po ay MAUNAWAAN din ninyo na KAYA NAMIN PINANINIWALAAN na LITERAL na ANAK ng DIYOS ang PANGINOONG HESUS ay DIYOS MISMO ang NAGSALITA at NAGSABI na ANAK NIYA si HESUS.

Puwede ko po bang MAITANONG kung DIYOS MISMO ang NAGSABI ng mga BINANGGIT NINYONG PANANALITA? KANINO PO NIYA SINABI ang mga IYAN at KAILAN?

Sana po ay MASAGOT NINYO ang mga SIMPLENG TANONG na yan.

SALAMAT din po.


IDINAGDAG pa po ng MUSLIM kaugnay sa tanong natin na:
If they can CALL THEMSELVES as "SON(S) of ALLAH" then shouldn't if follow that THEY (MUSLIMS) CAN CALL THEIR GOD as "ALLAH OUR FATHER"?

SAGOT NG MUSLIM:
metaphorically YES, literally NO! salamat

CENON BIBE:
Tama po ang katwiran ninyo: KUNG METAPHORICAL ang GAMIT ay METAPHORICAL ang SAGOT.

Nauunawaan ko na dahil HINDI KAYO MGA TUNAY na MGA ANAK ng DIYOS ay HINDI RIN NINYO SIYA TUNAY na AMA.

Diyan po ako NAGPAPASALAMAT at NAGPUPURI sa DIYOS dahil KAHIT HINDI NIYA KAMI TUNAY na mga ANAK ay INAMPON NIYA KAMI at IBINIGAY sa AMIN ang mga BAGAY na PARA SA MGA TUNAY NA ANAK.

PURIHIN ANG DIYOS!

Sa sagot ninyo na dapat TUMBASAN ang METAPHORICAL ng METAPHORICAL DIN ay naniniwala rin siguro kayo na DAPAT TUMABASAN ng LITERAL ang LITERAL na PAHAYAG.

Iyan po ang dahilan kung bakit LITERAL NAMING PINANINIWALAAN na si HESUS ay DIYOS ANAK. SIYA po kasi ay IPINAKILALA ng MISMONG DIYOS AMA bilang ANAK NIYA.

Kaya nga po si HESUS ay DIYOS na MULA SA DIYOS. DIYOS ang KANYANG AMA kaya si HESUS ay DIYOS DIN.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!