Sabi po ng BALIK ISLAM:
Assalam u alaikum bro napapansin nyo po ba ang mga pangangatwiran nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan? napakababaw po, tila pangangatwiran ng isang taong hindi nag iisip at walang utak!
CENON BIBE:
Kung ako po ay taong "hindi nag iisip at walang utak!" hindi po ba DAPAT AY NATUTULAN NINYO ang mga SINASABI KO?
Patunay po na HINDI KAYO MAKATUTOL ay DINADAAN NA LANG NINYO sa PANGUNGUTYA ang reaksyon ninyo e.
Kung HINDI PO NINYO MATUTULAN ang mga PALIWANAG at PAHAYAG ng isang "hindi nag iisip at walang utak" e ANO NA PO KAYO? Ibig po ninyong sabihin ay MAS MASAHOL PA KAYO sa isang "hindi nag iisip at walang utak"?
Nagtatanong lang po dahil tila po HINDI NINYO INIISIP ang mga SINASABI NINYO. May utak naman po yata kayo, di ba? O baka naman ...
BALIK ISLAM:
iyan po si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan; don't waste your time bro in this kind of thinking from Mr. Cenon Bibe napakaBobo po talaga nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan!
CENON BIBE:
Ayun, "napakaBobo" ko raw po pero HINDI NIYA MASAGOT at HINDI NIYA MATUTULAN ang mga sinasabi ko. Kaya nga po MINUMURA na lang NIYA tayo e dahil WALA SIYANG MAISAGOT.
Sana po ay MAG-ISIP naman KAHIT KONTI itong BALIK ISLAM na reactor natin.
BALIK ISLAM:
biruin nyo po ang sabi nitong tanga at mangmang na si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan papalitan nya raw po ang salitang Allah sa arabic bible ng Jesus or Isah then Cenon Bibe is quoting and stupidly changing some words from Al-Ikhlas napakalaking katangahan po ang ginagawa nitong si Mr. Cenon Bibe na iyon mga kaibigan;
CENON BIBE:
SINO po ba ang NAGPUMILIT na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS sa BIBLIYA? Ako po ba?
Ang DAPAT pong PUNAHIN at PAGSABIHIN nitong BALIK ISLAM na ito ay ang KAPATID NIYA na PILIT na ISINASAKSAK ang DIYOS NILA sa BIBLIYA.
Hindi po kasi nila matanggap na HINDI KINILALA ng BIBLIYA at ng mga PROPETA roon ang KANILANG DIYOS. Ni HINDI nga po BINANGGIT ang ALLAH NILA sa BIBLIYA, hindi po ba?
Iyan po ang dahilan kung bakit NGITNGIT na NGITNGIT itong BALIK ISLAM.
Ang tanong ko nga po sa kanila ay KAYO BA ay PINANSIN man lang ng DIYOS NINYO?
Naitanong ko po iyan dahil HINDI MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM kung KINAUSAP MAN LANG BA NANG DIREKTA ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.
HINDI rin po MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM KUNG DIYOS MISMO ang NAGTAYO ng KANILANG RELIHIYON.
HINDI rin MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM KUNG DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL na KANILANG SINUSUNOD sa NGAYON.
At dahil HINDI NILA MASAGOT KUNG DIREKTA SILANG KINAUSAP o PINANSIN ng DIYOS ay PILIT SILANG NAKIKI-DIYOS o NAKIKI-ALLAH sa DIYOS (ALLAH) ng BIBLIYA.
Sa BIBLIYA po kasi ay DIREKTANG KINAUSAP ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS ang mga PROPETA ng BIBLIYA. DIREKTA ring IBINIGAY ng DIYOS ng BIBLIYA ang mga ARAL na dapat sundin ng mga TAO.
WALA pong MAIPAKITANG GANYAN ang mga BALIK ISLAM kaya siguro IPINAGPIPILITAN NILANG ANGKININ ang DIYOS o ALLAH ng BIBLIYA.
Sa madaling salita ay TILA DESPERADO NA itong mga BALIK ISLAM na ito.
Muli po, HINDI KINILALA at HINDI BINANGGIT ng BIBLIYA ang DIYOS NILA kaya HUWAG na NILANG IPAGPILITAN iyon. NAGKAKAPROBLEMA LANG SILA LALO.
BALIK ISLAM:
doon po sa pag quote po nya sa surah na iyon ay parang inilalahad nya na rin po ang kanyang kamangmangan at katangahan! "..... He begetteth, not nor he is begotten;(3) And there is none like unto Him"(4)
CENON BIBE:
Nagpapakita raw po ako ng "kamangmangan at katangahan."
Kung ako po yung "mangmang" at "tanga" e BAKIT SIYA ang tila HINDI ALAM na HINDI NAMAN SURAH ng QURAN ang BINANGGIT NILANG "AL IKHLAS."
Ang TUNAY pong AL-IKHLAS ay TANGING sa ARABIC MABABASA at MASASAMBIT. Bahagi po kasi iyan ng QURAN (Surah 112) na TANGING sa ARABIC MABABASA at MASASAMBIT.
SINO po ang GUSTO NIYANG LINLANGIN?
Masasabi po ba niya RITO nang TUWIRAN at TAPATAN na ang SURAT AL IKHLAS o AL TAUHID ay NARARAPAT na SAMBITIN sa INGLES?
HINTAYIN po NATIN ang SAGOT NIYA.
MUSLIM:
Mga kaibigan sa punto pong iyan magtatanong po tayo kay Mr. Cenon Bibe mga giliw na taga subaybay kong ginagamitan nya po ba ng tamang unawa at isip ang kanyang mga pinagsasabi?
CENON BIBE:
Siguro naman po sa KATOTOHANAN na HINDI NILA MASAGOT at HINDI NILA MATUTULAN ang mga SINASABI NATIN ay ALAM na NATIN kung SINO ang WALA sa TAMANG KAISIPAN at kung SINO ang HINDI NAG-IISIP.
MUSLIM:
ang mga nasabing talata po ba ay akma para kay Jesus mga kaibigan? Mr. Cenon Bibe mag isip ka naman, hindi yong bira ka nalang ng bira eh! ayan tuloy nahilalahad yang katangahan at kamangmangan mo!
CENON BIBE:
Una po ay WALA AKONG PINALITAN at WALA rin AKONG SINABI na ang AL IKHLAS ay DAPAT ILAPAT sa PANGINOONG HESUS.
AKO po ay NAGTANONG doon sa BALIK ISLAM na KAUSAP natin. Sabi ko:
"PUWEDE NA PO BA nating i-SUBSITUTE ang PANGALAN ng PANGINOONG HESUS (ISA sa arabic) sa binanggit ninyong talata:"
Kung TUMIGIL man lang sandali at NAG-ISIP itong BALIK ISLAM ay NAKITA SANA NIYA na NAGTATANONG TAYO at HINDI GUMAGAWA ng DEKLARASYON.
Ano po ang PUNTO ng PAGTATANONG NATIN?
Gusto ko pong MATIYAK kung NANINIWALA itong BALIK ISLAM sa IPINAGPIPILITAN NIYA na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS ng BIBLIYA.
Kung isasagot po kasi niya na HINDI PUWEDENG I-SUBSTITUTE ang HESUS sa ALLAH o GOD sa AL IKHLAS ay LALABAS na MALI ang IGINIGIIT NIYA na ang ALLAH NILA ay ang NASA BIBLIYA.
Mapatutunayan na TAMA TAYO na HINDI nga NABANGGIT ang KANILANG ALLAH sa BANAL na KASULATAN.
Kapag sinabi naman po niya na "PUWEDE NANG I-SUBSTITUTE" ang ISA (arabic ng HESUS) sa AL IKHLAS ay lalabas na MAGKAKAROON ng KONTRAHAN.
Doon po kasi sa sinabi niyang talata ay sinabi na ang ALLAH ay "He begetteth (NAGKAANAK), NOT nor is He begotten (IPINANGANAK);"
Ibig sabihin KAKONTRA NA iyan ng ALLAH na NASA BIBLIYA na NAGKA-ANAK at NAGING ANAK.
Nakikita po ba ninyo ang punto?
Kung IPAGPIPILITAN nitong BALIK ISLAM na ang ALLAH NILA ang NASA BIBLIYA, lalabas na KINOKONTRA niyon ang ALLAH na nasa kanilang QURAN, hindi po ba?
At KUNG MAGKAKONTRA, NANGANGAHULUGAN LANG na ang ALLAH ng BIBLIYA ay HINDI ang ALLAH ng ISLAM.
'Yon po ang punto ng aking TANONG kaugnay sa SUBSTITUTION sa Al Ikhlas.
Ngayon, marahil ay AAMININ NA nitong BALIK ISLAM na ang KANILANG ALLAH ay HINDI TALAGA KINILALA at HINDI MAN LANG BINANGGIT sa BIBLIYA.
Salamat po.