Showing posts with label Holy Trinity: Nag-iisang tunay na Diyos. Show all posts
Showing posts with label Holy Trinity: Nag-iisang tunay na Diyos. Show all posts

Monday, March 4, 2013

Matthew 24:36 / Mark 13:32 - Paghuhukom: Hindi Alam ng Panginoong Hesus?


GINAGAMIT ng mga MUSLIM ang MATTHEW 24:36 at Mark 13:32 para SABIHIN na HINDI DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Diyan ay SINASABI ng PANGINOON na HINDI NIYA ALAM ang ARAW o ORAS ng ARAW ng PAGHUHUKOM.

MATTHEW 24:36 / MARK 13:32
"But about that day and hour no one knows, neither the angels of heaven, nor the Son, but only the Father.

BAKIT nga ba ganun?

HETO ang PALIWANAG:

Ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS ay ang BANAL na TRINIDAD: Ang IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONA: Ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO. (Matthew 28:19)

Ang BAWAT PERSONA ay MAY PAPEL na GINAGAMPANAN sa PAGKA-DIYOS:

1. Ang DIYOS AMA ang PINAGMUMULAN ng LAHAT. SIYA ang MAY TAGLAY ng KALOOBAN o WILL.

2. Ang DIYOS ANAK ang KAPANGYARIHAN ng DIYOS AMA at TAGAGANAP ng KANYANG KALOOBAN.

3. Ang ESPIRITU SANTO ang MISMONG KUMIKILOS para MAGING LUBOS ang KALOOBAN ng DIYOS AMA at ang KAPANGYARIHAN ng DIYOS ANAK.

Ang ISYU kung KAILAN MAGAGANAP ang ARAW ng PAGHUHUKOM ay HINDI BAGAY na DIYOS ANAK ang MAGPAPASYA. Ang PAPEL NIYA ay ang MAGHUKOM sa ARAW na IYON.

Ang DESISYON ay MANGGAGALING sa DIYOS AMA.

So, HINDI ang PANGINOONG HESUS (ang DIYOS ANAK) ang MAGSASABI ng ARAW ng PAGHUHUKOM kundi ang DIYOS AMA.

Ganun lang yon.

Wednesday, December 16, 2009

1Cor8:6 kinontra ang Deut 4:35?

MAY COMMENT po ang MUSLIM sa sinabi sa 1Corinthians8:6.

Ayon sa talata, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."

Sabi ng MUSLIM:
Sa salitang sinabi dyan eh malinaw na "contradiction" dun sa sinabi sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."

Pero MALINAW na po ang PAHAYAG ng DIYOS na SIYA ay PANGINOON at DIYOS at WALA nang IBA LIBAN sa KANYA.

CENON BIBE:
WALA pong CONTRADICTION diyan. HINDI lang po NAUUNAWAAN ng MUSLIM na REACTOR natin ang talata na NAGPAPAKITA ng DALAWA sa TATLONG PERSONA ng HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Ang 1Cor8:6 po kasi ay INIHAYAG ng DIYOS noong UNANG SIGLO kung kailan WALA PANG ISLAM at WALA PANG MUSLIM.

Ang ISLAM po ay NASIMULAN noong 610 AD o may 600 TAON MATAPOS MAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK na si HESUS at ITINAYO ang KRISTIYANISMO. MALAYO na po SILA sa KATOTOHANAN na IBINIGAY MISMO ng DIOS sa mga TAO, partikular sa mga ALAGAD NIYA, ang mga KRISTIYANO.

Si HESUS po ang LUBOS na NAGPAKILALA sa NAG-IISANG TUNAY na DIYOS. At ipinakita po ni HESUS na ang TUNAY na DIYOS ay ang HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONS.

Sa Matthew 28:19 ay sinabi ni HESUS, "Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the NAME of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT."

Take note po ang IISANG "NAME" o PANGALAN. Iyan po ang NAG-IISANG PANGALAN ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Take note din po na TATLO ang NAGTATAGLAY ng NAG-IISANG PANGALAN ng DIYOS. Ang TATLO ay ang AMA, ang ANAK, at ang ESPIRITU SANTO. SILA po ang TATLONG PERSONA ng NAG-IISANG DIYOS.

Dahil SILA ay IISANG DIYOS, ang mga TITULO o KATANGIAN na ANGKOP sa DIYOS (tulad ng DIYOS at PANGINOON) ay ANGKOP sa BAWAT ISA sa mga PERSONA. At ang TITULO o KATANGIAN na TAGLAY ng BAWAT ISA na ANGKOP sa DIYOS ay SA DIYOS NGA IBINIGAY.

Kaya nung sabihin sa Deut 4:35 na ang DIYOS ang NAG-IISANG PANGINOON, iyan ay TUMUTUKOY sa BAWAT ISANG PERSONA ng DIYOS. PUWEDENG SABIHIN na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

GANOON DIN sa ANAK. Siya ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

At maging ang ESPIRITU SANTO ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

Ang pagka-DIYOS po kasi ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ay PAREHO at IISA.

Ang ginawa po ni PABLO ay INIHIWALAY lang NIYA ang mga KATANGIAN at IBINIGAY sa DALAWA SA TATLONG PERSONA ng DIYOS ang AMA at ANAK. Ang LAYUNIN ni PABLO ay PARA IPAKITA na ang AMA at ANAK ay DALAWANG MAGKAIBANG PERSONA ng IISANG DIYOS.

Sa kabila po niyan, ang mga TITULO o KATANGIAN na BINANGGIT ni PABLO patungkol sa AMA (IISANG DIYOS) at ANAK (IISANG PANGINOON) ay TUMUTUKOY sa TRINIDAD o IISANG DIYOS.

Ibigay po nating HALIMBAWA ang TUBIG.

Kung kukuha po tayo ng TUBIG sa BALON at ILALAGAY sa BASO, ILANG TUBIG po ba ang MERON TAYO?

IISA pa rin. Ang TUBIG po kasi sa BASO at SIYA RIN MISMONG TUBIG na NASA BALON. Ang KAIBAHAN lang ay NAIHIWALAY NATIN ang nasa BASO.

Ngayon, paano po kung INUMIN NATIN ang TUBIG na NASA BASO na may MATITIRA pa roon, ILANG TUBIG na po ang MERON? Meron na kasing tubig sa BALON, tubig sa BASO at tubig na NAINOM NATIN.

TATLO na ba ang TUBIG?

HINDI po. IISA pa rin ang TUBIG dahil ang TUBIG na ININOM natin ay SIYA RING TUBIG na NAIWAN sa BASO at NAROON sa BALON. IISA pa rin po yan.

Ang PAGKAKAIBA ay ang NAGING "ROLE" ng TUBIG.

Ang TUBIG sa BALON ay SOURCE. Ang TUBIG sa BASO ay tubig na "NAHAHAWAKAN" natin. Ang TUBIG naman na ininom natin ay NAGIGING BAHAGI NA NATIN.

TATLO SILANG TUBIG na MAY KANYA-KANYANG GINAGAMPANAN pero IISA PA RIN ang TUBIG.

Ngayon, kapag sinabi po ba natin na ang TUBIG sa BALON ay NAG-IISANG TUBIG na TUNAY, ibig sabihin po ba ay HINDI na TUNAY ang TUBIG na NASA BASO at yung ININOM natin?

TUNAY na pin po. IISA SILANG TUBIG e.

Paano po kung sinabi natin na ang TUBIG sa BASO ay NAG-IISANG MASARAP na TUBIG? Ibig sabihin po ay HINDI na MASARAP yung nasa BALON at yung ININOM natin?

MASARAP pa rin SILA. Ang TUBIG po kasi na NASA BASO ay YUN DIN MISMONG TUBIG na NASA BALON at ININOM NATIN.

Kaya po nung sabihin ni PABLO sa 1Cor8:6 na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS binibigyang DIIN lang niya na IBA ang PERSONA ng AMA sa PERSONA ng ANAK. Binibigyang diin din ni Pablo na ang AMA ang UNA o SOURCE ng lahat ng pagka-DIYOS.

Nung sabihin din niya na ang ANAK ang NAG-IISANG PANGINOON, binibigyang diin lang ni Pablo na HIWALAY ang PERSONA ng ANAK sa PERSONA ng AMA.

DALAWANG MAGKAIBANG DIYOS po ba ang TINUTUKOY ni PABLO?

HINDI po. Dahil ang pagiging IISANG DIYOS at pagiging IISANG PANGINOON ay TUMUTUKOY sa IISANG TUNAY na DIYOS na binanggit sa Deut 4:35.

Ganoon po yon kaya WALANG CONTRADICTION sa 1Cor8:6 at Deut 4:35. HINDI LANG PO NAUUNAWAAN nitong BALIK ISLAM ang SINASABI ng mga TALATA. Tila po kasi INUUNA nitong BALIK ISLAM ang PAGHAHANAP ng IPANINIRA sa BIBLIYA bago ang PAG-UNAWA.

SORRY po pero iyan po ang nakikita natin.



MUSLIM:
Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."

Pansin nyo po ba? Sabi Isa lang, pagdating sa Corinthians naging dalawa na.. one GOD AND one lord. isang Dios AT isang Panginoon. Pansin nyo po ba ang pagkakagamit ng salitang "AT" or "AND" dyan. Pakisagot lang po

CENON BIBE:
WALA pong PROBLEMA riyan.

Ang HOLY TRINITY na DIYOS ng BIBLYA ay ang NAG-IISANG DIYOS.

TAMA po ang OBSERBASYON nitong MUSLIM: WALA na pong IBANG DIYOS LIBAN sa TRINIDAD.

SORRY dahil pati po CONJUNCTION na "AND" o "AT" ay HINDI NAIINTINDIHAN ng MUSLIM o BALIK ISLAM na REACTOR.

Isa sa mga GAMIT sa "AND" ay ang IPAKITA ang PAGIGING ISA ng DALAWA o HIGIT pang BAGAY o TAO.

Halimbawa, ang "HAM and EGG" ay HINDI DALAWANG SANDWICH. IISANG SANDWICH po iyan.

Ang "Barnes AND Noble" ay BOOKSTORE. Porke ba sinabing "Barnes AND Noble" ay DALAWANG BOOKSTORE na?

HINDI po. Dahil sa salitang "AND" ay IPINAKIKITA na iyan ay IISANG BOOKSTORE.

Mismong ang PANGINOONG HESUS ay NAGPAKITA ng DALAWA pero IISA.

Sa John 10:30 ay sinabi ng PANGINOON: "Ako AT ang AMA ay IISA." Sa English, "I AND the FATHER are ONE."

Diyan ay IPINAKIKITA ng PANGINOONG HESUS na Siya AT ang AMA ay IISA kahit pa SILA ay HIWALAY at MAGKAIBA.

IISANG ANO po?

IISANG DIYOS. Tugmang-tugma sa sinabi sa 1Cor8:6: Ang AMA na NAG-IISANG DIYOS at si HESU KRISTO na NAG-IISANG PANGINOON ay IISANG DIYOS.

PURIHIN ang TRINIDAD! PURIHIN ang DIYOS!

Tuesday, December 15, 2009

Trinidad: Allah ng Bibliya

Sabi ng MUSLIM sa sinabi natin na "HINDI po SIYA (ALLAH ng ISLAM) ang TINUTUKOY ng PANGINOONG HESUS at HINDI ang "ALLAH" ng mga MUSLIM ang BINABANGGIT sa BIBLE."

Muslim:
Mukhang out-of context ka na kapatid... Hindi natin pinag uusapan ang John 1:1 LANG dito, ginamit ko lang example yun na ang ALLAH nga ay nsa bible, and you agree.
Ang punto ko ay to disprove your first comment that "ALLAH is NEVER even MENTIONED in the BIBLE."...(quote-unquote mula sayo) YUN LANG. ngayon kung ano man ang interpretasyon mo sa verses ng bible mo nasa sa iyo na yun. Kung gusto mo mag open ka ng bagong topic for discussion of John 1:1 ONLY. Wherein this case we can refer GOD as your GOD and our GOD. ok po ba?

CENON BIBE:
NAG-AGREE AKO na ang TUNAY na ALLAH o DIYOS ay ang SINABI NINYO na NASA Jn1:1. TAMA at TUNAY naman po talaga na si HESUS na DIYOS sa Jn1:1 ay TUNAY na ALLAH ng BIBLIYA.

HINDI ko po TINUTUKOY RIYAN ang "ALLAH" NINYO. HINDI ko po kasi PINAKIKIALAMAN ang DIYOS NINYO. KAYO LANG naman ang NAKIKIALAM sa DIYOS NAMIN.

Tingnan n'yo, tila po PUMASOK KAYO sa isang USAPIN na HINDI NINYO NAIINTINDIHAN.

Kung BABASAHIN NINYO ang mga SAGOT KO sa KAPATID NINYONG BALIK ISLAM ay MALINAW roon na ang TINUTUKOY kong "ALLAH" na NEVER na-MENTION sa BIBLE ay ang "ALLAH" ng ISLAM.

IPINAGPIPILITAN kasi ng KAPATID NINYO na ang "ALLAH" ng ISLAM ay NASA BIBLE.

Iyan ang MALINAW na TINUTUKOY KO na WALA sa BIBLE.

Tapos PUMASOK KAYO sa USAPAN na HINDI PALA NINYO NAUUNAWAAN ang TOPIC. Ayan, NAGKAGULO-GULO tuloy KAYO.

Ngayon, uulitin ko: KUNG GUSTO NINYONG BAWIIN ang sinabi ninyo na MATATAGPUAN ang ALLAH sa BIBLIYA ay TATANGGAPIN ko po IYAN.

WALA pong DIFFERENCE sa amin iyan dahil HINDI PROPER NAME ng DIYOS NAMIN ang ALLAH. Iyan ay GENERIC WORD na GINAGAMIT NAMIN para TUKUYIN ang "DIYOS" sa WIKANG ARABIC.

Tila KAYO LANG naman ang NAGKAKA-PROBLEMA dahil HINDI KAILANMAN NABANGGIT ang DIYOS NINYO sa BIBLIYA.




MUSLIM:
Ngayon puntahan na natin ang second point of discussion natin... ang John 1:1
Sabi mo dyan si Kristo ang tinutukoy dyan.
"the WORD is GOD". meron pa ngang sinabi na "and the WORD became flesh and dwelt among us" di ba po?
Kung ang paniniwala po ninyo ay si Kristo ang tinutukoy dyan eh iginagalang ko po kayo.

CENON BIBE:
Salamat po kung iginagalang ninyo ang paniniwala namin.

MALIWANAG po ang BATAYAN namin na si KRISTO ang tinutukoy riyan dahil ang binabanggit diyan ay isang PERSONA o BUHAY na INDIBIDWAL.

Ang PATUNAY na BUHAY na INDIBIDWAL ang SALITA ay NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ayon sa Jn1:14 ay NAKITA SIYA na MAY KALUWALHATIAN na tulad ng sa NAG-IISANG ANAK ng DIYOS.



MUSLIM:
Sa pananaw ko po bilang Muslim at tunay na tagasunod ni Kristo, ang tinutukoy dyan na SALITA O WORD ay yung mga ARAL at TURO ng mga propeta upang sumamba sa nag iisang DIYOS. Ito po ang isang halimbawa ng METAPHORICAL statement ng bible. Naniniwala po ba kayo na metaphor lang ito o sasabihin nyo na namang LITERAL? nagtatanong lang po.

CENON BIBE:
Ang SALITA po ay LITERAL na PERSONA. PINATUNAYAN nga po na PERSONA ang SALITA dahil NAGKATAWANG TAO ang SALITA at NAKITA na TAGLAY ang KALUWALAHATIAN ng NAG-IISANG ANAK ng AMA.

Ang ARAL o TURO ay HINDI MASASABING NAGKATAWANG TAO. HINDI rin TINATAWAG na "ANAK ng AMA" ang ARAL.




MUSLIM:
Totoo pong ang SALITA ng mga propetang ito ay galing sa DIOS pero hindi po ibig sabihin na sila na MISMO ang DIOS! Ang salita mo ba Mr. CENON eh itinuturing mong IKAW as a whole? Nagtatanong lang po.

CENON BIBE:
Diyan mo makikita na MALI ang PAGKAUNAWA mo sa KALIKASAN ng SALITA sa Jn1:1.

Ayon sa paniniwala mo ay MGA ARAL ang "SALITA." MALIWANAG sa Jn1:1 na ang SALITA na tinutUkoy ay NAG-IISA LANG. PATUNAY na NAG-IISA ay ang sinabi sa Jn1:14 na NUNG MAGKATAWANG TAO ang SALITA ay NAKITA SIYA bilang NAG-IISANG ANAK ng AMA.

Kung MGA ARAL yan ay maaari pa sigurong tinawag na "MGA SALITA." Ang kaso ay HINDI GANOON ang PAGKAKASABI. SINGULAR ang SALITA at HINDI PLURAL.




MUSLIM:
"and dwelt among us". o sasabihin mo nakisama sa atin si Kristo kaya tugmang tugma na siya na nga yung tinutukoy... eh pano naman po ang ibang propetang nakisama din sa atin? Bakit si Kristo lang ang itinuring nyong dios? dahil ba wala siyang biological father? kung dios sa inyo si Kristo, eh lalong mas may karapatang tawaging dios si Adan di ba? dahil purong puro galing siya sa Dios, walang HUMAN INTERVENTION.

CENON BIBE:
TUGMANG-TUGMA nga sa PANGINOONG KRISTO ang "and dwelt among us." Iyan kasi ay KATUPARAN sa PANGAKO ng DIYOS sa Isaiah 7:14 na ISISILANG (MAGKAKATAWANG TAO) ang EMMANUEL.

Ang kahulugan ng EMMANUEL ay "SUMASA ATIN ang DIYOS" o "DIYOS na KASAMA NATIN." (Matthew 1:23)

Kaya nung ang SALITA na si KRISTO ay NAGKATAWANG TAO, SIYA ay SUMA ATIN o NANIRAHAN sa GITNA NATIN.

Ang mga PROPEETA ay HINDI MGA DIYOS na NAGKATAWANG TAO. SILA ay mga TAO LANG. No more. No less.

Si HESUS ay DIYOS dahil NAGMULA o LUMABAS SIYA MISMO sa DIYOS. Katulad iyan ng kung paano NAGMUMULA o LUMALABAS ang isang TAO sa MAGULANG niyang TAO rin.

Si HESUS ay DIYOS na NAGMULA SA DIYOS. TULAD ng AMA NIYANG DIYOS ay WALA SIYANG SIMULA at WALANG KATAPUSAN.

Siya rin ay TUNAY na TAO dahil nung MAGKATAWANG TAO SIYA ay NAGMULA o LUMABAS din SIYA sa ISANG TAO--sa NANAY NIYANG si MARIA.

Si ADAN--at ang LAHAT ng TAO na NILIKHA ng DIYOS--ay MATATAWAG na "anak ng Diyos." IYAN ang METAPHORICAL dahil HINDI LITERAL na LUMABAS sa DIYOS.

HINDI rin MATATAWAG na LITERAL na ANAK ng DIYOS si ADAN dahil siya ay NILIKHA LANG ng DIYOS mula sa PUTIK. HINDI SIYA LUMABAS sa DIYOS kundi HINUBOG LANG NG DIYOS MULA sa LUPA.




CENON SAID:
Kung gagaamitin po ang ARABIC BIBLE ay makikita natin na sinasabi ng APOSTOL PEDRO na siya ay alipin ng "ALLAH" at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO.

Muslim:
"alipin ng ALLAH", eh sa arabic po pwede din siya nating tawaging ABDULLAH ("Abd"-servant)payag po? sa ganun eh kung arabic ang pag uusapan eh matatawag natin si Pablo na "the one who submits to ALLAH" sa arabic language po, MUSLIM, payag po?

CENON BIBE:
Basta PAYAG KAYO na ang ALLAH na TINUTUKOY NATIN ay ang PANGINOONG HESUS, PAYAG na PAYAG AKO.

Sa 2Pet1:1 kasi ay si PEDRO ay ALIPIN ng DIYOS na si HESUS.

So, kung gusto mong sabihin sa ARABIC na si PEDRO ay ABDULLAH (tumutukoy kay HESUS na DIYOS) ay AYOS yan. Si HESUS naman talaga ay ALLAH.



SINABI po natin sa MUSLIM:
Kung TATANGGAPIN po ninyo iyan ay TATANGGAPIN ko po na ANG ALLAH ay NASA BIBLIYA NGA.

MUSLIM:
Kung Jn 1:1 ang tinutukoy mo, naipaliwanag ko na yan sa itaas, ngayon bakit po kayo nakadikit sa John 1:1 lang ? yan lang po ba ang alam nyo sa bible na may salitang DIOS=GOD= ALLAH ?

CENON BIBE:
Kaya ko ginagamit ang Jn1:1 ay dahil IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN at NAGPATUNAY na ang DIYOS DIYAN na si HESUS ay ang ALLAH.

Mas madali tayong MAGKAKASUNDO kung YUN MISMONG IBINIGAY MO ang PAGKAKASUNDUAN NATIN.

Ang tanong ko ngayon ay TINATANGGAP MO BA ang SINABI MO na ang ALLAH ay ang DIYOS na si HESUS sa Jn1:1?



MUSLIM:
Para sa inyo, bigyan ko pa kayo ng ibang example ng ALLAH sa bible eto po

Luke 1:6
And they were both righteous before God(اللهِ), walking in all the commandments and ordinances of the Lord blameless.

sa arabic po
وَكَانَا كِلاَهُمَا بَارَّيْنِ أَمَامَ اللهِ، سَالِكَيْنِ فِي جَمِيعِ وَصَايَا الرَّبِّ وَأَحْكَامِهِ بِلاَ لَوْمٍ.

kita nyo po ba ang ALLAH dyan - اللهِ . duda pa rin copy paste nyo sa google translate

eto pa sa Luke 1:8
And it came to pass, that while he executed the priest's office before God in the order of his course,

sa arabic...

فَبَيْنَمَا هُوَ يَكْهَنُ فِي نَوْبَةِ فِرْقَتِهِ أَمَامَ اللهِ،

kita nyo?

eto pa
Luke 1:19
19 And the angel answering said unto him, I am Gabriel, that stand in the presence of God; and am sent to speak unto thee, and to shew thee these glad tidings.

sa arabic
فَأَجَابَ الْمَلاَكُ وَقَالَ لَهُ:«أَنَا جِبْرَائِيلُ الْوَاقِفُ قُدَّامَ اللهِ، وَأُرْسِلْتُ لأُكَلِّمَكَ وَأُبَشِّرَكَ بِهذَا.

yan pa kita nyo na?

Ngayon lulubayan nyo na ang John 1:1 at tuloy tuloy na ang paniniwala nyo na ang ALLAH ay nasa bible. salamat po

SALAM!!!

CENON BIBE:
NAPANIWALA na po talaga ninyo ako na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS sa BIBLE. At SIYA nga po ay ang PANGINOONG HESUS at ang TRINIDAD. WALA na po TAYONG PAGTATALUNAN diyan.

BAKIT tila NATAKOT KA nang HUSTO sa Jn1:1? Hindi ba IKAW MISMO ang NAGBIGAY NIYAN?

Dahil ba DIREKTANG TINUKOY RIYAN ang PANGINOONG HESUS?

Anyway, puwede nating iwanan ang Jn1:1. HINDI naman MABABAGO ang PATOTOO MO na ang DIYOS o ALLAH na tinutukoy riyan ay ang PANGINOONG HESUS.

Sa IBANG TALATA na binanggit mo (Lk 1:6, 8 at 19), ang TINUTUKOY naman diyan ay ang DIYOS na TRINIDAD. MALIBAN kasi kung BINIGYAN ng DISTINCTION o PAGKAKAIBA, KAPAG BINANGGIT ang DIYOS sa BIBLIYA ay TUMUTUKOY iyan sa TRINIDAD na SIYANG NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Mapapansin mo na ang DIYOS na binanggit sa Lk1:6 at 16 ay TINAWAG din na PANGINOON.

Ayon sa BIBLIYA (BIBLIYA ang SOURCE NATIN, HINDI BA?), NAG-IISA LANG ang PANGINOON at WALA NANG IBA.

Sabi nga sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."

Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."

So, MALINAW sa mga iyan na NAG-IISA ang PANGINOON at NAG-IISA ang DIYOS.

Ngayon, batay sa BIBLIYA ay SINO ang NAG-IISANG PANGINOON?

Ganito ang PATOTOO sa 1Corinthians8:6, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Diyan ay makikita natin na ang NAG-IISANG PANGINOON ay ang PANGINOONG HESUS. At dahil ang NAG-IISANG PANGINOON ayon sa Is45:5 ay ang NAG-IISANG DIYOS, MALINAW na ang PANGINOONG HESUS ay KASAMA ng DIYOS AMA sa NAG-IISANG DIYOS, ang TRINIDAD.

Kaya nga kapag sinabing DIYOS sa BIBLIYA ay ang TRINIDAD ang TINUTUKOY. Sa TRINIDAD KASI ay MAGKASAMA ang NAG-IISANG DIYOS (Ang AMA) at ang NAG-IISANG PANGINOON (si HESUS).

Ngayon, TANGGAP MO BA na ang tinutukoy na ALLAH sa Lk1:6, 8 at 19 ay ang TRINIDAD?

Kung OO ay TAMA KA. Kung hindi naman ay TUTUTULAN MO ang MISMONG TALATA na IBINIGAY MO.

So, KUNG TUNAY nga na NANINIWALA KA kay HESUS at sa ALLAH ng BIBLIYA ay DAPAT na MANIWALA KA sa TRINIDAD.

Ganoon po ang natutumbok ng SINASABI NINYO.

SALAMAT PO.

Tuesday, December 8, 2009

Hesus 'alipin' ng Allah?

SAGUTIN po natin itong post ng isang Muslim na inilagay niya sa COMMENT section ng ating artikulo na "Creation ayon sa isang Muslim."

Sabi po ng MUSLIM:
"Part One (1)

The Bible Testimony That Jesus is the Slave-Servant and Messengfer of Allah (God)

Jesus Attest That Bowing Down is For God, E'li or Allah Alone."

CENON BIBE:
Una po sa lahat, WALA pong BINABANGGIT sa BIBLIYA na "ALLAH." At LALONG WALA pong SINABI ang Panginoong Hesus sa Bibliya na Siya ay "ALIPIN ng ALLAH."

Ang ALLAH ay ang PAGKAKILALA ng mga MUSLIM sa KANILANG DIYOS.

Noon pong NAGKATAWANG TAO ang PANGINOONG HESUS noong UNANG SIGLO ay HINDI PA LAGANAP ang PAGKILALA sa ALLAH. Iyan po ang dahilan kung bakit HINDI NABANGGIT ang ALLAH sa BIBLIYA.

LUMAGANAP po ang PAGKILALA ng mga MUSLIM sa ALLAH noong MAGSIMULANG MANGARAL ang PROPETA ng ISLAM na si MUHAMMAD. Iyan ay noong 610 AD o may 600 na TAON MATAPOS ITATAG ng DIYOS ang KANYANG SIMBAHAN sa HERUSALEM at LUMAGANAP iyon sa MUNDO.



MUSLIM:
"Then was Jesus led up of the spirit into the wilderness to be tempted of the devil. And when he had fasted forty days and forty nights, he was afterwards an hungered. And when the tempter came to him, he said If thou be the son of God, command that these stones be made bread. But he answered and said, It is written, Man shall not live by bread alone, but by every word that proceedeth out of the mouth of God. Then the devil taketh him up into the holy city, and seeth him on a pinnacle of the temple, And saith unto him, If thou be the son of God, cast thyself down: for it is written, He shall give his angels charge concerning thee: and in their hands shall they bear thee up, least at anytime thou dash thy foot against a stone. Jesus said unto him, It is written again, Thou shall not tempt the Lord thy God. Again the devil taketh him up into an exceeding high mountain, and showeth him all the kingdoms of the world, and the glory of them; And saith unto him, All these things will I give thee, if thou wilt fall down and worship me. Then saith Jesus unto him, Get thee hence satan: for it is written, Thou shalt worship the Lord thy God, and him only shalt thou serve. Then the devil leaveth him, and, behold, angels came and ministered unto him." Matthew 4:1-11"

CENON BIBE:
SINIPI po riyan ng MUSLIM ang Mt4:1-11.

Kahit po riyan ay WALANG BINANGGIT na ALLAH.

Layunin po ng ating REACTOR na palabasin na hindi Diyos ang PANGINOONG HESUS.

SORRY pero WALA PONG SINASABI sa mga TALATA na "HINDI DIYOS SI KRISTO."

Sa kabaliktaran ay IPINAPAKITA riyan na gustong subukan ng demonyo ang PANGINOONG HESUS para PATUNAYAN nito sa diablo na Siya nga ang "ANAK NG DIYOS." Sabi nga ang demonyo: "if YOU (HESUS) are the SON OF GOD ..." Ibig sabihin gustong matiyak ng demonyo na SI HESUS NGA ay ANAK ng DIYOS.

Ang PAGTAWAG kay KRISTO na "ANAK NG DIYOS" ay isang PATUNAY na SIYA po ay DIYOS.

Bilang ANAK ng DIYOS, MALINAW ay KUNG ANO ang KALIKASAN ng KANYANG AMA ay GANOON DIN ang KANYANG KALIKASAN: Kung sa DIYOS ang KALIKASAN ng AMA ay NATURAL na SA DIYOS DIN ang KALIKASAN ng ANAK.

So, sa halip na ipakita ng MUSLIM na "HINDI DIYOS" si HESUS ay NAIPAKIKITA PA NIYA mula sa Mt4:1-11 na KINIKILALA NGANG DIYOS ang PANGINOONG KRISTO.

Ang gusto pong ipunto ng ating reactor ay ang sinabi ng PANGINOONG HESUS na "Thou shalt worship the Lord thy God, and him only shalt thou serve."

Sa PAGKAUNAWA po ng MUSLIM diyan sa mga SALITA na IYAN ay "ITINATANGGI" ng PANGINOONG HESUS na Siya ay Diyos.

ITINATANGGI nga po ba?

HINDI PO. WALA po IYAN sa KONTEKSTO.

SINISIPI lang ng PANGINOON ang sinasabi ng KASULATAN sa Deuteronomy 6:13. Ang tinutukoy na DIYOS sa Deut 6:13 ay ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

SINO po ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS?

Ang HOLY TRINITY o BANAL NA SANTATLO na MALINAW na IPINAKITA ng PANGINOONG HESUS sa Mt28:19.

Sabi riyan ng Panginoong Hesus, "Humayo kayo at gawing alagad ang lahat ng bansa."

"Binyagan ninyo sila sa NGALAN ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU SANTO."

Paki pansin po na ang sabi ay NGALAN na tumutukoy sa NAG-IISANG NGALAN ng NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS.

SINO po ang MAY TAGLAY o MAY-ARI ng NAG-IISANG NGALAN ng TUNAY NA DIYOS?

Ayon po MISMO sa PANGINOONG HESUS, ang NAG-IISANG NGALAN NG TUNAY na DIYOS ay PAG-AARI ng AMA, ng ANAK at ng ESPIRITU SANTO o ng HOLY TRINITY.

So, MALINAW po na nung sipiin ni HESUS ang Deut 6:13 ay KASAMA SIYA sa TINUTUKOY NIYANG DAPAT SAMBAHIN bilang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.



MUSLIM:
From the above, we find many evidences that Jesus was only a slave and worshipper of Allah or God:

CENON BIBE:
SORRY pero WALA PO sa mga talata na "SLAVE" lang at "WORSHIPPER" lang si Hesus. HINDI rin po NABANGGIT ang "ALLAH" sa mga talata.



MUSLIM:
1. The Holy Ghost, the angel that Allah sent down with revelation to the Prophets, took Jesus to the desert to teach him on how to disobey satan and refute him. The Holy Ghost taught Jesus Satan's ways of deception so that he can avoid them.

CENON BIBE:
SORRY pero WALA pong sinabi riyan na TINURUAN ng "HOLY GHOST" si HESUS para i-"disobey" si SATAN.

HINDI po KAILANGANG TURUAN ng HOLY SPIRIT ang PANGINOONG HESUS dahil ang HOLY SPIRIT ay MISMONG ESPIRITU ng KRISTO. IDINAGDAG na lang po iyan ng MUSLIM na nagre-react sa atin.

ALAM na ALAM po ng PANGINOON kung paano sasagutin ang demonyo dahil ang KRISTO ay DIYOS.

PASENSIYA na po pero MALI po ang PAGKAUNAWA ng MUSLIM sa mga talatang ibinigay niya.



MUSLIM:
If Jesus was God or the son of God, as the Christians claimed, why would the Holy Ghost need to teach him how to avoid the ways of satan? Does the Creator of the Heaven and Earth need to be Taught?

CENON BIBE:
Tulad po ng sinabi na natin ay WALA PONG ITINURO ang ESPIRITU sa PANGINOONG HESUS. IDINAGDAG na lang po iyan ng MUSLIM.

Nasabi na po natin na KUNG ANO ang ALAM ng ESPIRITU SANTO ay IYON DIN MISMO ang ALAM ni KRISTO. Ang ESPIRITU SANTO po kasi ang MISMONG ESPIRITU ni KRISTO.



MUSLIM:
2. Jesus fasted for forty days and forty nights and he got hungry! Does God fast and get Hungry?

CENON BIBE:
HINDI po ALAM ng MUSLIM ang KONTEKSTO ng PAG-AAYUNO at PAGKAGUTOM ng PANGINOONG HESUS, ang DIYOS ANAK.

Ang PAG-AAYUNO at PAGKAGUTOM ng PANGINOON ay BUNGA ng KANYANG PAGKAKATAWANG TAO. Bilang DIYOS ay LUBOS na MAKAPANGYARIHAN si KRISTO. At dahil LUBOS na MAKAPANGYARIHAN ay NAGAWA NIYANG MAGKATAWANG TAO. At HABANG TAO ay KUMPLETO ang KANYANG GINAWANG PAGPAPAKATAO, PATI PAGKAGUTOM ay HINAYAAN NIYANG MADANAS NIYA.

Anong URI po ng "DIYOS" ang isang "DIYOS" KUNG HINDI NIYA KAYANG MAGKATAWANG TAO?

Ang ganoong "diyos" ay HUWAD dahil MAYROON SIYANG BAGAY na HINDI NIYA MAGAWA.

Dahil TUNAY na DIYOS si HESUS ay NAGAWA NIYANG MAGKATAWANG TAO at MAGING TUNAY na TAO dahil GINUSTO NIYANG GAWIN IYON. TUNAY na DIYOS LANG po ang MAKAKAGAWA ng GANYAN. WALA NANG IBA.



MUSLIM:
Allah, the Creator, must be unlimited in means.

CENON BIBE:
TAMA po. UNLIMITED ang TUNAY na MAYKAPAL kaya NAGAWA NIYANG MAGKATAWANG TAO.

COMMON SENSE lang na KUNG HINDI KAYA ng ISANG "DIYOS" ang PAGKAKATAWANG TAO ay HUWAD ang "DIYOS" na IYON dahil "LIMITADO" ang kanyang KAPANGYARIHAN at MAY BAGAY SIYA NA HINDI NIYA KAYANG GAWIN.



MUSLIM:
Allah said, while refuting that Jesus and his mother were Gods: "The Messiah (Jesus) son of Mary, was no more than a messenger, many were the messenger that passed away before him. His mother (Mary) was a believer. They both use to eat food (as any other Human being, while Allah does not eat). Look how We make the ayat (sign revelation etc.) clear to them, yet look how they are deluded away (from the truth)." Q.5:75

CENON BIBE:
SORRY po pero HINDI AKO NANINIWALA na GALING sa QURAN ang mga SALITANG IYAN.

Una po, ang QURAN ay TANGING sa ARABIC NASUSULAT. Ang ibinigay po ng ating reactor ay nasa WIKANG INGLES. Iyan po ay isa lang INTERPRETASYON o PAKAHULUGAN ng isang tao sa AKALA NIYA ay sinasabi ng QURAN. HINDI po IYAN QURAN.

Pangalawa po, MALI ang SINASABI ng SINIPI ng nagre-react sa atin. Pinalalabas niyan na "IGNORANTE" at "IMBENTOR ng MALI" ang Diyos ng mga MUSLIM.

Ayon sa SINIPI ng ating reactor ay "pinabulaanan" daw ng kanilang Diyos ang pagiging "GODS" o "MGA DIYOS" nina Hesus at MARIA.

SINO po ba ang NANGARAL na "DIYOS" din si MARIA?

WALA pong ARAL na GANYAN. At kung MAY NAGSASABI o NANINIWALA na "DIYOS" ang BIRHENG MARIA ay NAGKAKAMALI SIYA nang LUBUSAN.

Sa madaling salita, ang SINIPI ng MUSLIM na nag-react sa atin ay PINALALABAS na NAGKAROON ng MALING PANINIWALA ang DIYOS ng ISLAM.

PATAWARIN PO SILA ng KANILANG DIYOS sa KAMALIAN na KANILANG GINAGAWA.



MUSLIM:
Whoever needs food is not god, nor a creator.

CENON BIBE:
Tulad po ng sinabi na natin, kaya niya nasasabi iyan ay dahil HINDI PO ALAM ng REACTOR natin kung ANO ang KONTEKSTO ng SINIPI niyang Mt4:1-11. Dahil diyan ay NAGKAMALI po SIYA ng UNAWA sa TALATA.



MUSLIM:
Allah is all-Independent of everyone else. Human who drink and eat will need to use the bathroom.

CENON BIBE:
IYAN po ang PANINIWALA NILA (mga MUSLIM) kaugnay sa KANILANG DIYOS. IGINAGALANG po natin ang PANINIWALA NILA.



MUSLIM:
Can we atribute such a thing to Allah or God?

CENON BIBE:
MASASABI po natin iyan sa NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS dahil GINAWA na po NIYANG MAGKATAWANG TAO at MAGING TUNAY na TAO. MAKAPANGYARIHAN po SIYA e.

NALIKHA nga ng TUNAY na DIYOS ang LAHAT ng BAGAY, ang MAGKATAWANG TAO pa ang HINDI NIYA KAYANG GAWIN?

KAYA po ng TUNAY na DIYOS na MAGKATAWANG TAO at MAKARANAS ng GUTOM. DIYOS SIYA e. At GINAWA po NIYA IYAN noong UNANG SIGLO sa PAGKAKATAWANG TAO ng DIYOS ANAK na si HESUS.



MUSLIM:
Are those, who claim that Jesus is god, incapable of having minds to differentiate between God, the Lord and the Creator who is unlimited in means, and between humans who are poor, weak and who need?

CENON BIBE:
WE, CHRISTIANS, are not just CAPABLE of SEEING the MIGHT and POWER of the ONE, TRUE GOD, WE BELIEVE that BECAUSE HE IS ALMIGHTY, HE IS CAPABLE of TRULY BECOMING MAN.

Luke 1:37 says, "For NOTHING is IMPOSSIBLE with GOD." That is, the ONE, TRUE GOD.

For a FALSE GOD, IT IS IMPOSSIBLE for HIM to BECOME MAN.

A FALSE GOD is the PRODUCT of MAN'S IMAGINATION. Thus, WHAT is IMPOSSIBLE FOR MAN is ALSO IMPOSSIBLE fot the GOD that he is ONLY IMAGINING.

Thank you.