Showing posts with label Quran: May Milagro ba Talaga?. Show all posts
Showing posts with label Quran: May Milagro ba Talaga?. Show all posts

Monday, August 4, 2014

Quran Miracle? Araw Lumulubog sa Maputik na Balon?



MAY mga Kristiyanong nakukumbinsi ng mga Muslim na may mga "milagro" sa Quran.

Ang tanong ay may milagro nga ba sa Quran?

Ito kayang sinasabi ng Quran 18:86 ay isang milagro?

Sinasabi riyan:
"Until, when he reached the setting place of the sun, he found it setting in a spring of black muddy (or hot) water. And he found near it a people. We (Allah) said (by inspiration): 'O Dhul-Qarnain! Either you punish them, or treat them with kindness.'"

[Hanggang, nang marating niya ang nilulubugan ng araw, ay natagpuan niya itong lumulubog sa isang BALON ng MAPUTIK (o MAINIT) na TUBIG. At natagpuan niya malapit doon ang isang bayan. Sinabi (gamit ang inspirasyon) namin (Allah): 'O Dhul-Qarnain! Parusahan mo sila o ituring mo sila nang may kabutihan.']

Sabi ng mga Muslim ay may milagro sa Quran.

Siguro kung totoo ang sinasabi ng Quran 18:86 na sa "BALON ng MAPUTIK na TUBIG" lumulubog ang araw ay MILAGRO TALAGA YON!

Pero ayon sa siyensiya at sa COMMON SENSE ay HINDI sa MAPUTIK na BALON lumulubog ang araw.

Actually, HINDI LUMULUBOG ang ARAW.

So, nasaan ang SCIENTIFIC MIRACLE daw ng Quran?

Bakit WALA?

At bakit sa halip na SCIENTIFIC MIRACLE ang makita ay SCIENTIFIC CONTRADICTION ang meron sa Quran?

Quran Scientific Miracles o Scientific Contradiction?



MARAMING nag-Muslim dahil napaniwala sila sa mga milagro o himala raw ng Quran.

Ang tanong ay tunay bang may himala sa Quran o sabi lang ng mga Muslim na may himala?

Suriin natin ang mga himala raw sa Quran at makikita natin na WALANG HIMALA. At marami sa mga sinasabing milagro ang MISREPRESENTATION o MALING PAG-UNAWA sa sinasabi ng siyensiya.

+++

A. PAG-UUSAP NG LANGGAM (Quran 27:18)
Isa umanong milagro sa Quran ay ang pag-uusap ng mga langgam.

Mababasa natin sa Quran 27:18 ang ganito:
"Then, when they reached the Valley of the Ants, an ant SAID: "Ants! Enter your dwellings, so that Sulayman and his troops do not crush you unwittingly." (Qur'an, 27: 18)

[At, pagdating nila sa Libis ng mga Langgam, SINABI ng isang langgam: "Mga langgam! Pumasok kayo sa inyong mga tirahan, upang hindi kayo madurog ni Solomon at ng kanyang mga kawal."]

Paki pansin ang sabi riyan na "an ant SAID ..." o "SINABI ng isang langgam." Ibig sabihin NAGSALITA yung langgam.

Sa madaling salita, sinasabi ng Quran na ang mga langgam ay NAGSASALITA kapag sila ay nag-uusap o nakikipag-ugnayan.

Iyan daw ang himala ng Quran.

+++

B. AYON SA SIYENSIYA
Heto naman ang sabi ng science (batay mismo sa article ng mga Muslim kaugnay sa miracle daw ng Quran: http://www.miraclesofthequran.com/scientific_80.html): "Huge and tiny, an ant carries in her head multiple sensory organs to pick up CHEMICAL and VISUAL signals vital to colonies ..."

[Malaki at maliit, ang langgam ay meron sa kanyang ulo ng maraming pandamdam na parte para makakuha ng KEMIKAL at NAKIKITANG signal na mahalaga sa mga kolonya ..."

Ayon mismo sa article ng Muslim, HINDI VERBAL ang pag-uusap ng mga langgam kundi sa pamamagitan ng KEMIKAL at NAKIKITANG bagay.

KAKONTRA ng Quran ang tunay na nangyayari sa pag-uusap ng mga langgam.

At hindi lang kakontra, malinaw na MALI ang SINASABI ng Quran kung paano mag-usap o mag-ugnayan ang mga langgam.

Walang miracle. Kakontra sa science meron pa.

So, kung ang tao ay nag-Muslim dahil naniwala siya sa ganyang uri ng "himala" raw ng Quran ay dapat sigurong MAG-ISIP SIYA at MAGSURI dahil malamang na NATANSO SIYA.