ITULOY po natin ang PAGBIBIGAY ng mga PATUNAY na HINDI LITERAL ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" katulad ng sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.
Ito po ay KATULOY ng mga SAGOT NATIN sa PAGPUPUMILIT ng ilang BALIK ISLAM na "LITERAL" daw iyan sa kabila ng WALA SILANG MAIPAKITANG SUPORTA sa kanilang PANG-UNAWA.
Sa mga nakaraan po nating mga POST ay IPINAKITA natin na MISMONG ang PANGINOONG HESUS at ang mga HUDYO ay NAGPATUNAY na MALI ang IGINIGIIT ng KAUSAP nating BALIK ISLAM.
Ipinakita po natin ang PAKAHULUGAN ng PANGINOONG HESUS sa Mt16:21, 17:22-23 at 20:19 kung saan sinabi Niya na siya ay mabubuhay muli "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."
MALINAW po riyan na ang IBIG SABIHIN ni HESUS sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay SAKOP ang TATLONG ARAW. Kaya nga "SA IKATLONG ARAW" ay babangon na Siyang muli.
Sunod po ay ipinakita natin ang PAHAYAG ng MATATALINONG TAO na GUMAWA ng JEWISH ENCYCLOPEDIA.
Diyan po ay INIHAYAG kung PAANO NAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KONSEPTO ng PAGBIBILANG ng mga ARAW.
Ginamit po natin iyan dahil ang PANGINOON ay ISANG HUDYO at ang PANG-UNAWA NIYA sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay KATULAD ng sa mga KAPWA NIYA HUDYO.
At ayon sa mga HUDYO, HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang BILANG para masabi na ISANG ARAW at ISANG GABI.
Anang JEWISH ENCYCLOPEDIA, ang BAHAGI ng ISANG ARAW ay MAITUTURING nang BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.
Kaya nga po ang paglibing kay HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG nang ISANG BUONG ARAW (UNANG ARAW at UNANG GABI), ang SABADO na NASA LIBINGAN si HESUS ay BUONG ARAW na rin (IKALAWANG ARAW at IKALAWANG GABI) at ang ILANG ORAS na NASA LIBINGAN si HESUS sa araw ng LINGGO ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW (IKATLONG ARAW at IKATLONG GABI).
Ngayon, sa BIBLIYA naman po tayo tumingin ng KAHULUGAN ng "3 ARAW at 3 GABI."
Diyan ay MAKIKITA NATIN na HINDI LITERAL na 72 ORAS ang KAHULUGAN ng mga salitang iyan.
Simulan natin sa pangyayari kay REYNA ESTHER ayon sa pahayag ng ESTHER 4:16 at 5:1.
Sa Esther 4:16 ay sinabi ni ESTHER, "Humayo kayo at tipunin ang lahat ng mga Hudyo na nasa Susa;"
"mag-ayuno kayo para sa akin, lahat kayo, at huwag kumain o uminom nang TATLONG ARAW, GABI man o ARAW."
"Kami ng mga katulong ko ay mag-aayuno rin SA GANOONG PARAAN."
"At pag handa na ako, PUPUNTA AKO sa HARI, salungat sa batas."
"Kung mamatay ako ay mamamatay ako!"
Paki pansin po na ang PUPUNTA raw si REYNA ESTHER sa HARI kapag nakapag-ayuno na SIYA at ang mga HUDYO ng TATLONG ARAW, GABI man o ARAW.
Tugma iyan sa "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" na pag-aayuno.
Ngayon, LITERAL po bang TATLONG ARAW at TATLONG GABI ang GINAWA NILANG PAG-AAYUNO BAGO SIYA PUMUNTA sa HARI?
HINDI PO.
Ang PATUNAY po riyan ay mababasa natin sa Esther 5:1.
Sabi riyan, "SA IKATLONG ARAW, nagsuot si Esther ng marangyang damit at tumayo sa loob na bahagi ng bulwagan, nakaharap sa palasyo, habang ang hari ay nakaupo sa trono sa loob at nakaharap sa pintuan."
KAILAN po PUMUNTA si REYNA ESTHER sa HARI? PAGKATAPOS po ba ng sinabi niyang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" o 72 ORAS na pag-aayuno?
HINDI PO.
Siya ay NAGPUNTA sa hari "SA IKATLONG ARAW."
72 ORAS na po ba IYAN?
HINDI pa po. PATUNAY na HINDI LITERAL kapag sinabi na "3 DAYS, NIGHT or DAY" o "3 DAYS and 3 NIGHTS."
Heto pa po.
Sa 1 Samuel 30:12-13 ay mababasa natin ang tungkol sa isang ALIPIN na "3 ARAW at 3 GABI" na hindi kumain. (1 Sam 30:12)
Bakit daw siya hindi kumain ng "3 ARAW at 3 GABI"?
Ayon sa alipin, INIWAN daw kasi siya ng kanyang amo "TATLONG ARAW NA ang NAKALILIPAS."
Diyan po ay makikita natin na sa BIBLIYA, ang "3 ARAW at 3 GABI" ay KASING KAHULUGAN ng "3 ARAW na NAKALILIPAS."
Ang "3 ARAW na NAKALILIPAS" po ba ay LITERAL na 72 ORAS?
HINDI PO.
DAGDAG na PATUNAY po iyan na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at LALONG HINDI LITERAL na 72 ORAS.
So, ayan po. MARAMI nang PATOTOO at PATUNAY na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa BIBLIYA ay HINDI LITERAL.
MALIWANAG PO na MALI ang IPINAGPIPILITAN ng KAUSAP nating BALIK ISLAM na iyan ay LITERAL.
Ngayon, HULAAN po NINYO kung PAANO SASAGOT ang ating KAUSAP?
UULITIN na lang po NIYA at IGIGIIT ang MALI NIYANG UNAWA.
Ganoon na lang po yon dahil WALA SIYANG MAIPAKIKITANG PRUWEBA na iyan ay LITERAL.
Maraming salamat po.
Showing posts with label 3 days and 3 nights: Ayon sa mga Hudyo. Show all posts

Sunday, July 5, 2009
Monday, June 29, 2009
Hudyo alam na hindi literal ang 3 days and 3 nights
KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
ITULOY po natin ang pagtalakay sa kahulugan ng mga salitang "3 days and 3 nights" na sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.
Ayon po kasi sa MUSLIM DEBATER na si SHEIKH AHMED DEEDAT at sa mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay LITERAL daw po iyan.
Ang katumbas daw po niyan ay TATLONG 24 ORAS o 72 ORAS (3 x 24).
Tama po ba sila?
Sorry pero MALI PO.
WALA po SILANG MAIPAKIKITA MULA sa BIBLIYA na ang "3 days and 3 nights" ay LITERAL.
Katunayan, nakita na nga po natin sa sinusundan nitong POST na ang PAKAHULUGAN ng mismong PANGINOONG HESUS sa mga salitang iyan ay "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."
Bakit po kaya "SA IKATLONG ARAW" ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?
Iyan po ay dahil ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at isa ngang IDIOMATIC EXPRESSION o SAWIKAIN.
Ang pinakakahulugan ng SAWIKAIN na iyan ay SUMASAKOP o SUMASAKLAW sa TATLONG ARAW. HINDI KAILANGANG EKSAKTONG 72 ORAS at HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang ISANG ARAW at ISANG GABI.
IPINAKITA na nga po ang PANGINOONG HESUS ang ISA sa mga KAHULUGAN niyan. Ngayon ay tingnan natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" AYON sa GAMIT ng MISMONG mga HUDYO sa loob at labas ng BIBLIYA.
Heto naman po ang mga iyan.
Una, tingnan po natin ang KAHULUGAN ng "ISANG ARAW" ayon sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO.
Ayon po sa JEWISH ENCYCLOPEDIA (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?letter=D&artid=167), ang ARAW daw ay may ILANG KAHULUGAN.
1. Ang ISANG ARAW daw po ay "lasting 'from dawn [lit. "the rising of the morning"] to the coming forth of the stars" (Neh. iv. 15, 17)'" o TUMATAGAL ng "MULA sa BUKANG LIWAYWAY HANGGANG sa PAGDATING ng mga BITUIN."
Sa pagkaunawa natin sa ngayon ay 12 ORAS lang halos iyan. Mula kasi PAGSIKAT lang ng ARAW hanggang sa PAGLUBOG nito o PAGLABAS ng mga BITUIN.
Sa madaling salita, AYON sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO, ang 12 ORAS o BAHAGI LANG ng ISANG ARAW ay PUWEDE NANG BILANGIN na ISANG BUONG ARAW.
2. The term "day" is used also to denote a period of twenty-four hours (Ex. xxi. 21).
PUWEDE rin naman daw po iyan sa 24 ORAS pero nakikita natin na HINDI LANG para sa 24 ORAS.
3. In Jewish communal life PART OF A DAY is at times RECKONED AS ONE DAY.
Ayan po, ang BAHAGI raw po ng ISANG ARAW ay BINIBILANG DIN na ISANG ARAW.
Ibinigay pong halimbawa sa JEWISH ENCYCLOPEDIA ang ARAW ng PAGLILIBING sa isang NAMATAY.
Ayon diyan, "the day of the funeral, even when the latter takes place late in the afternoon, is counted as the first of the seven days of mourning; a short time in the morning of the seventh day is counted as the seventh day."
Sa Pilipino, "ang araw ng paglilibing, KAHIT pa iyon ay NAGANAP sa HAPON, ay BINIBILANG na UNANG ARAW ng pitong araw na pagluluksa; ang KONTING PANAHON sa UMAGA ng IKAPITONG ARAW ay BINIBILANG nang IKAPITONG ARAW."
MALINAW po sa HALIMBAWA na IBINIGAY ng JEWISH ENCYCLOPEDIA na ang KOKONTING ORAS sa ARAW ng PAGLILIBING ay BINIBILANG NANG ISANG BUONG ARAW. Katulad din niyan ay ang KOKONTING PANAHON sa UMAGA ng ARAW ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW.
Diyan po ay MALINAW na nating MAUUNAWAAN ang SINABI ng PANGINOON na "3 DAYS and 3 NIGHTS."
Sa PAGKAUNAWA pala ng mga HUDYO, nung ILIBING si HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG na iyon na ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.
Ang pananatili Niya sa libingan ng BUONG ARAW ng SABADO ay ISANG BUONG ARAW na rin o ISANG ARAW at ISANG GABI.
At ang IILANG ORAS sa ARAW ng LINGGO BAGO SIYA BUMANGON MULI ay BINIBILANG na rin ng mga HUDYO bilang ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.
So, BATAY po sa PANG-UNAWA ng mga HUDYO, si KRISTO NGA ay NANATILI sa PUSOD ng LUPA nang "3 ARAW at 3 GABI."
TUPAD na TUPAD ang TANDA na IBINIGAY NIYA sa Mt12:40.
PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!
Ngayon, ALAM ng mga SUMULAT ng mga GOSPEL na MADALING MAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS." Kaya nga po sa APAT na EBANGHELISTA ay TANGING si MATTHEW ang NAGBANGGIT niyan eh.
Bakit po TANGING si MATTHEW LANG ang NAGBANGGIT ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?
Dahil po ang EBANGHELYO na ISINULAT NIYA ay GINAWA NIYA PARA SA MGA HUDYO.
O, di ba? NAPAKAGALING ng mga SUMULAT ng GOSPELS.
PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!
Itutuloy po natin ito sa mga susunod pang POST.
SALAMAT po.

Subscribe to:
Posts (Atom)