Showing posts with label Koran: Salita ba ng Allah ang interpretasyon?. Show all posts
Showing posts with label Koran: Salita ba ng Allah ang interpretasyon?. Show all posts

Tuesday, August 4, 2009

Skolar siniraan ang Qur'an

SA SINUSUNDAN po nitong post (Hesus: Saan sinabi na Diyos Siya?) ay ipinakita natin ang mga talata kung saan SINABI ng PANGINOONG HESUS na SIYA ay DIYOS.

Ngayon ay tingnan naman po natin ang mga ibinigay na QUOTE ng BALIK ISLAM na KUMUKUWESTIYON sa pagka-DIYOS ng PANGINOON.

Nag-QUOTE po ang BALIK ISLAM sa isa sa mga INTERPRETASYON ng SKOLAR NILA at eto po ang sabi niya:

"As Qur’aan states;“and behold! Allah will say; O jesus the son of Mary! Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"

"He will say: Glory to you I could never say what I had no right (to say) [Surah
Al-Maidah-5:116]"

Paki pansin po ninyo na GINAMIT pa nitong BALIK ISLAM ang DIYOS NILA at ang QUR'AN para SIRAAN si HESUS, ang DIYOS ANAK.

Ang QUR'AN po ay SA ARABIC LANG NASUSULAT at SA ARABIC LANG MABABASA.

E INGLES po IYANG QUOTE NIYA, hindi po ba? So, MALINAW na HINDI QUR'AN ang GAMIT diyan ng BALIK ISLAM na nag-post dito sa atin.

Ang ginamit ng BALIK ISLAM na sumusubok mangaral sa atin ay isang INTERPRETASYON na GAWA-GAWA LANG ng SKOLAR NILA. Ang mga PANANALITANG IYAN ay DOON LANG sa SKOLAR pero IKINAKAPIT DIYOS at AKLAT NILA.

Hindi po ba PAGLAPASTANGAN IYAN sa DIYOS nila at sa QUR'AN?

Diyan po sa INTERPRETASYON na GAWA ng SKOLAR NILA ay nagsalita raw ang kanilang Diyos kaugnay sa Panginoong Hesus.

Ayon sa MEANING o INTERPRETASYON ng SKOLAR nila ay SASABIHIN daw ng DIYOS nila: "O jesus the son of Mary! Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"

Ang isasagot naman daw nitong "HESUS" na sinasabi ng SKOLAR NILA: "Glory to you I could never say what I had no right (to say)"

Diyan po ay SINISIRAAN ng GUMAWA ng INTERPRETASYON ang DIYOS ng ISLAM.

PANSININ po natin ang ITATANONG daw ng DIYOS nila kay "HESUS." Heto po iyon:
"Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"

KANINO kaya NAKUHA ng SKOLAR na GUMAWA NIYAN ang impormasyon na SINABI raw ni Hesus na SAMBAHIN PATI ang NANAY NIYA?

Ang TUNAY na HESUS ay NAGPAKILALANG DIYOS (John 8:58) at NAGPASAMBA bilang DIYOS (Jn 20:28), pero WALA SIYANG SINABI KAILANMAN na PATI ang BIRHENG MARIA ay GAWING DIYOS ng mga TAO.

WALA pong GANYAN. WALA pong MAIPAKIKITANG KASULATANG KRISTIYANO na NAGSABI ang TUNAY na HESUS na "DAPAT SAMBAHIN ANG INA NIYA."

GUNI-GUNI at IMBENTO lang IYAN ng SKOLAR na KUMATHA ng INTERPRETASYON na GAMIT ng BALIK ISLAM na nag-post dito.

Ang masakit ay matapos MAG-IMBENTO ng SKOLAR na iyan ay IPINASA NIYA ang KANYANG GUNI-GUNI sa kanilang DIYOS at sa kanilang AKLAT.

HINDI po kasi KAPANI-PANIWALA na SASABIHIN IYAN ng KANILANG DIYOS o ng KANILANG AKLAT.

Ang paniniwala po kasi ng mga MUSLIM ay "PERFECT" ang kanilang QUR'AN.

IGINAGALANG po NATIN ang PANINIWALA na iyan ng mga MUSLIM, kahit pa HINDI TAYO NANINIWALA sa kanilang AKLAT.

Kung IPIPILIT ng BALIK ISLAM na NASA QUR'AN ang MALING IMPORMASYON na iyan ay palalabasin niya na "MAY MALI" sa kanilang AKLAT.

Ngayon, SINO po ang TAMA? Ang SKOLAR nila na GUMAWA ng MALING INTERPRETASYON o ang QUR'AN nila?

Heto pa po ang sabi ng BALIK ISLAM na sumusubok mangaral sa atin:
"Jesus did not tell his followers to worship him but to worship Allah."

SINONG HESUS iyan na NAGBANGGIT ng "ALLAH"?

HINDI po iyan ang HESUS ng BIBLIYA.

Unang-una po ay WALANG BINANGGIT na "ALLAH" sa BIBLIYA o sa KAHIT na ANONG KASULATANG NAGMULA sa UNANG SIGLO.

SINO pong SAKSI sa PAGKAKATAWANG TAO ng PANGINOONG HESUS ang NAGSABI ng SINABI ng BALIK ISLAM na nag-post dito?

WALA pong SAKSI na MAGPAPATOTOO sa ganyan.

Sa punto pong iyan ay ang BALIK ISLAM na nag-post dito ang KUMATHA ng GANYANG PANINIWALA.

Sunday, August 2, 2009

Balik Islam nangaral, makasagot kaya sa tanong?

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

HINDI po MAKASAGOT ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA at sa mga KATOLIKO kaya naisipan na lang niyang magpalaganap ng pinaniniwalaan nila. (Mababasa po sa COMMENTS section ng post natin na "Balik Islam napahiya na naman."

MAGANDA po iyan. Sa halip na NANINIRA SILA ay MAGPALIWANAG SILA ng ARAL ng ISLAM

Tutal ay HINDI naman NIYA MATUTULAN ang mga MALI-MALI at KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA ay MAGPALIWANAG na lang siya kaugnay sa ISLAM.

Dahil diyan ay PUWEDE po siguro natin siyang MATANONG kaugnay sa ISLAM at sa PINANINIWALAAN NILA.

Siguro naman po ay KAYA NIYANG SUMAGOT sa mga TANONG na ang layunin ay i-CLARIFY ang PINANINIWALAAN NILA. Hindi po ba?

Simulan po natin ang PAGTATANONG sa kanya.

Sabi nitong BALIK ISLAM:

"The Arabic word ‘Islam’ means the Submission or Surrender of one’s will to the
only true God worthy of worship “Allah” and anyone who does is termed a “Muslim”."

Heto po ang unang tanong natin:

"Kung SUBMISSION o SURRENDER of ONE'S WILL ang ISLAM, BAKIT SINASABI ng ibang BALIK ISLAM na KAPAG IPINANGANAK ang isang TAO, o yung BABY pa lang, ay MUSLIM na daw iyon?"

"Ang SUBMISSION o SURRENDER ay NANGANGAILANGAN ng PERSONAL na PASYA at DESISYON. KUSA kasing IBINIBIGAY IYAN e."

"Kung ganoon, PAANO NAGING MUSLIM ang IPINANGANAK PA LANG na TAO e WALA PANG KAKAYAHAN ang isang SANGGOL na MAGPASYA na mag-SUBMIT o SUMUKO sa DIYOS NILANG si ALLAH?"

"Kung TAMA ang BALIK ISLAM na nag-POST ng PALIWANAG dito sa blog natin ay TIYAK na MALI o NANLOLOKO LANG ang NAGSABI na kapag IPINANGANAK ang tao ay "MUSLIM" na iyon."



SUNOD po sabi nitong BALIK ISLAM:
"The word also implies “peace” which is the natural consequence of total
Submission to the will of Allah."


MAGANDA kung "PEACE" ang kahulugan ng ISLAM.

Heto ang TANONG:

"Kung PEACE ang kahulugan ng ISLAM, BAKIT SOBRA-SOBRA ang KAGULUHAN sa mga BANSANG MUSLIM? Halimbawa na po riyan ang IRAQ, AFGHANISTAN, SUDAN, SOMALIA, PAKISTAN at MAY IBA PA?"

"BAKIT SILA-SILANG mga MUSLIM ay NAGPAPATAYAN at tila NAG-UUBUSAN?"
Sabi nitong BALIK ISLAM:

"It (Islam) was not a new religion brought by Prophet Muhammad (PBUH) in Arabia in the seventh century, but only the true religion of Allah re-expressed in its
final form."

Kaugnay niyan ay ITO po ang TANONG NATIN:

"May MAIPAKIKITA ba SIYANG PATUNAY mula sa KASAYSAYAN na NABANGGIT MAN LANG ang ISLAM BAGO ang 7TH CENTURY? "

"Halimbawa, ang JUDAISM ay MALINAW na LUMITAW sa panahon ng OLD TESTAMENT. Ang CHRISTIANITY naman ay ITINATAG ng PANGINOONG HESUS sa HERUSALEM noong UNANG SIGLO bilang KATUPARAN ng PANGAKO sa mga HUDYO."

"Mabi-VERIFY po iyan sa HISTORY."

"Ang ISLAM po ba ay SAAN MAIPAKIKITA na NAGSIMULA noong BAGO PA kay PROPETA MUHAMMAD noong 610 AD?"



Sabi ng BALIK ISLAM:
"[Islam is] the true religion of Allah re-expressed in its final form."


TANONG po NATIN:
"Bakit KINAILANGANG i-RE-EXPRESS? NAGKAMALI ba ang ALLAH NILA nung una Niyang i-EXPRESS ang RELIHIYON Niya?"


Sabi nitong BALIK ISLAM:
"Islam is the religion which was giveb to Adam, the first man and the first
Prophet of Allah, and it was the religion ao all the Prophets sent by Allah to
mankind. The name of God’s religion, Islam was not decided upon by later
generations of man. It was chosen by Allah Himself and clearly mentionedm in His
final Revelation."


Eto po ang TANONG natin:
"ANO ang PROOF na ISLAM nga ang IBINIGAY ng DIYOS kay ADAN at sa mga NAUNANG PROPETA BAGO si PROPETA MUHAMMAD."
"MAY MABABASA bang 'ALLAH' sa LUMANG TIPAN o alin mang BANAL na KASULATAN BAGO ang QUR'AN? May MAIPAKIKITA ba siyang PATUNAY na TINAWAG ni ADAN o ng mga PROPETA ang Diyos bilang 'ALLAH' labas sa QUR'AN?"


Sabi nitong BALIK ISLAM:
"the Qur’aan,Allah states the following:“This day have I perfected your Religion
for you, completed My favour upon you, and have chosen for you Islam as your
Religion” [Surah Al-Naa’idah 5:3]"

“If anyone desires a Religion other than Islam (submission to Allah [God] never
will it be accepted of Him” [Surah Aal’imraan 3:85]"


Heto po ang TANONG NATIN:
"Si ALLAH ba TALAGA ang NAGSASALITA sa QUOTE na iyan? Hindi ba ARABIC LANG ang QUR'AN? Pati ba ang INGLES ay QUR'AN na rin?"

"Sabi ng ibang BALIK ISLAM at ng mga SKOLAR na MUSLIM ay TANGING SA ARABIC NASUSULAT at MABABASA ang QUR'AN. Kung ganoon, KANINONG SALITA ang na-QUOTE sa ITAAS? Sa ALLAH ba o sa TAO LANG?"


Sabi ng BALIK ISLAM:

“Abraham was not a Jew nor a Christian; but an upright Muslim.”
[Surah Aal’imraan 3:67]"

Ang TANONG po NATIN:
"SAAN MABABASA na MUSLIM si ABRAHAM BAGO at LIBAN sa QUR'AN na NASULAT noon lang 7TH CENTURY?"

"Si ABRAHAM ay NABUHAY may LIBONG TAON BAGO lumitaw ang ISLAM sa SAUDI ARABIA. ANO ang PRUWEBA na MUSLIM NA SIYA BAGO PA ang ISLAM noong 7TH CENTURY?"


Sabi ng BALIK ISLAM:
"Nowhere in the Bible will you find Allah saying to Prophet Moses’ people or
their descendants that their religion is Judaism, nor to the follower of Christ
that their religion is Christianity."


May COMMENT lang po tayo riyan:
"TAMA po SIYA na WALANG MABABASA sa BIBLIYA na NAGSALITA ang 'ALLAH' NILA kina MOISES at HESUS dahil HINDI PO MAKIKITA ang 'ALLAH' NILA sa BIBLIYA. "

"Lumitaw po ang PANINIWALA NILA sa 'ALLAH' noon lang PANAHON ng PROPETA nilang si MUHAMMAD noong 610 AD."


Sabi ng BALIK ISLAM:
" In fact, “Christ” was not even his name, nor was it Jesus! The name “Christ”
comes from the Greek word CRISTOS which means the annoited. That is, Christ is
the Greek translation of the Hebrew Title “MESSIAH”


Heto po ang TANONG NATIN:

"SAAN NIYA KINUKUHA ang mga IMPORMASYON na iyan? MALI po
KASI"

"HINDI po IPINANGALAN sa PANGINOONG HESUS ang CHRISTIANITY."

"Si HESUS po ay ang KRISTO o ang MESSIAH na ang kahulugan ay ANOINTED o PINILI."

"Kaya po ang CHRISTIANITY ay relihiyon na NANINIWALA sa PINILI ng DIYOS. DIYOS po ang PUMILI at HINDI TAO. DIYOS din ang NAGSUGO at HINDI TAO. Kaya TUNAY na sa DIYOS ang KRISTIYANISMO."


Heto pa ang sabi ng BALIK ISLAM:

"The name “Jesus” on the other hand, is the Latinized version of the Hebrew name
ESAU."

TANONG po NATIN ULI:

"SAAN GALING ang MALING IMPORMASYON na IYAN?"

"Ang LATIN ng ESAU ay ESAU."

"Heto po ang PATUNAY mula sa SALIN sa LATIN ng NOVA VULGATA. Gamitin natin ang talatang Genesis 25:25.

"Sa Ingles ay 'The first came out red, all his body like a hairy mantle; so they named him ESAU.'"

"Sa LATIN ay 'Qui primus egressus est rufus erat et totus quasi pallium pilosum; vocatumque est nomen eius ESAU.'"

"Kita po ninyo? MALI ang SINABI nitong BALIK ISLAM."

"PAGPASENSIYAHAN na lang po natin siya."


May kasunod pa pong mga TANONG ito.

Ang pinakamahalagang tanong ay MAKAKASAGOT KAYA ang BALIK ISLAM na nag-post dito sa blog natin?

WALA pa po kasing NASASAGOT ang BALIK ISLAM MULA nang MAGSIMULA tayo rito.

Kung HINDI pa rin NIYA MASASAGOT ang mga TANONG kaugnay na sa mismong SINASABI NIYA ay MALAMANG po ay BINOBOLA LANG NIYA TAYO at HINDI SIYA DAPAT PANIWALAAN.

Hintayin po natin kung makakasagot siya.

SALAMAT po.