Thursday, April 16, 2009

Hamon sa Balik Islam na si Khalid Ibraheem Mabute

KUNG PAPAYAG KA, KHALID IBRAHEEM MABUTE, ay DITO MO SIMULANG I-POST ang MGA SINASABI MONG MALI sa KATOLIKO.

PINDUTIN MO ang COMMENTS BUTTON sa ILALIM at PAKI POST MO ang MGA SINASABI MONG MALI sa KATOLIKO.

PARA MAAYOS ay PAKI ISA-ISA ang mga BABANGGITIN MO.

ISA-ISA NATING TATALAKAYIN ang mga IBABATO MO SA AMIN.

Monday, April 6, 2009

Dt 18:18 dinagdagan para ipilit ang wala

TINATALAKAY po natin ang PAGPUPUMILIT ng isang nagpapakilalang BALIK ISLAM na ILAPAT sa propeta ng Islam ang Deuteronomy 18:18.

Pero tulad po ng naipakita na natin ay MALI po ang kanyang sinasabi.

Sabi po sa Dt 18:18 ay may PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

Pero mismo pong sinasabi ng talata ay HINDI LAPAT sa propeta ng Islam.

Ang sabi po kasi riyan ay "MULA SA GITNA" ng mga ISRAELITA MAGMUMULA ang PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

At MALINAW po na HINDI MULA SA GITNA ng mga ISRAELITA ang propeta ng Islam. Siya po kasi ay isang ISMAELITA o isang ARABO.

Sinabi rin po na ang ibabangon na PROPETA ay KATULAD ni MOISES.

Si Moises po ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

So HINDI na naman po LAPAT iyan sa propeta ng Islam.

At dahil HINDI LALAPAT sa propeta ng Islam ang QUALIFICATIONS na sinasabi sa Dt 18:18 ay ano ang ginawa ng mga nagpupumilit na ilapat sa kanya ang talata?

NAGDAGDAG SILA ng mga qualification na WALA naman sa TALATA.

Ang mga bagay na IDINAGDAG nila ay ang tinatawag nilang "8 Irrefutable Arguments."

Iyan po ay ang sumusunod:

1. Ang pagkakaroon ng tatay at nanay ni Moises.

2. Ang natural na pagkapanganak kay Moises.

3. Ang pagkakaroon ng asawa ni Moises.

4. Ang pagtakwil at kalaunan ay pagtanggap ng mga Israelita kay Moises.

5. Ang pagkakaroon ng "kaharian" ni Moises dito sa lupa.

6. Ang pagbibigay ni Moises ng "bagong batas" sa mga tao.

7. Ang pagkamatay ni Moises.

8. At kung saan nalibing ang bangkay ni Moises.

Subukan po ninyong basahin ang Dt 18:18 kung MAKIKITA ninyo riyan ang mga iyan.

HINDI po.

Bakit po HINDI ninyo MAKIKITA ang mga iyan sa Dt 18:18?

Dahil GAWA at DAGDAG lang po iyan ng mga nagpupumilit na ilapat ang Dt 18:18 sa propeta ng Islam.

Kung tama po ang pagkakaalam ko ay ang debatistang Muslim na si AHMED DEEDAT ang NAG-IMBENTO ng mga IDINAGDAG na IYAN sa Dt 18:18.

Pero ayan na nga po, KAILANGANG IDAGDAG nila ang mga iyan dahil kung ang Dt 18:18 lang po ang pagbabatayan ay HINDING-HINDI LALAPAT ang talata sa propeta ng Islam.

SORRY po.

Pero TAMA BA ‘YUNG GINAWA NILA?

MALI po ‘yon.

IDINAGDAG po iyan ng mga nagpapakilalang Muslim sa Dt 18:18 dahil HINDI po LALAPAT sa propeta ng Islam ang mga katangian na sinasabi sa talata.

Pero kung titingnan po natin ang mga argumento na iyan ay LALAPAT IYAN sa MARAMING TAO.

Puwede nga pong lumapat iyan kay ADOLF HITLER at marami pang ibang DIKTADOR sa mundo.

Paano po kung may alagad si Hitler at gamitin ang "8 irrefutable arguments" na iyan para sa kanya? Baka magsisunuran kay Hitler ang mga tagasunod ng mga argumento na iyan.

Hindi po natin hangad na gawing katatawanan ang mga argumento na iyan pero nagiging KATAWA-TAWA po dahil lumalabas na DESPERADO ang mga gumagamit niyan.

LAHAT IDADAGDAG sa Dt 18:18 mapalabas lang ang WALA naman sa talata.

Ang MASAMA pa, matapos DAGDAGAN ay BINALE WALA naman ang mismong sinasabi ng talata.

HUWAG po sanang maging DESPERADO ang mga humihingi ng KREDEBILIDAD sa BIBLE.

Salamat po.

Sino ba ang propeta sa Dt 18:18?

IPINAGPIPILITAN po talaga ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na ang propeta ng Islam na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Tila suportado niya ang sinabi natin na KUNG WALANG BATAYAN SA BIBLE AY HINDI KAPANIPANIWALA.

Pero huwag po sanang magagalit ang mga Muslim dahil WALA po TALAGA sa BIBLIYA ang inyong PROPETA. SORRY PO.

Sa mga naunang artikulo ay tiningnan na natin ang Dt 18:18 at NAKITA natin na HINDI po ITO TUMUTUKOY sa propeta ng Islam.

Ganito po ang sinasabi sa Dt 18:18, "Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,"

"ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya."

Ang ipinagpipilitan po ng nagpapakilalang BALIK ISLAM ay si Propeta Muhamad daw ang KATULAD ni Moses.

Dahil kinikilala po ng mga Muslim si Propeta Muhammad bilang PROPETA ay IGINAGALANG po natin iyan.

Pero hanggang doon lang po ang pagkakatulad niya kay Moses batay sa Dt 18:18.

Ayon po sa Diyos, ang propetang ibabangon niya ay KATULAD ni MOISES.

Si MOSES ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

Diyan pa lang po ay TAPOS NA ang PAGKAKATULAD ni MOSES at ng propeta ng Islam.

At lalo pa pong makikita na HINDI SILA MAGKATULAD dahil ang sabi pa sa Dt 18:18 ay MANGGAGALING sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ang PROPETA.

Sa ORIHINAL na HEBREO ng Dt 18:18 ang ginamit pong salita para sa KAPATID ay 'ACH.

Ayon po sa Strong's Hebrew Dictionary, sa Number 0251, ang kahulugan ng 'ACH ay:

1. Kapatid sa parehong magulang

2. Kapatid sa ama

3. KAANAK, KALAHI, KAPAREHONG TRIBO

4. Katulad ng pagturing

5. (figurative) Katulad

Sa mga definition po ng salitang 'ACH ay maaring sa ikaapat at sa ikalima lang pumasok ang propeta ng Islam pero TIYAK PO na HINDI IYAN ang gustong ipakahulugan ng Diyos sa Dt 18:18.

Ang maaari lang pong kahulugan ay ang nasa definitions 1 hanggang 3. At diyan po ay HINDI MAAARING KASAMA ang Islamic prophet.

At kaugnay po sa sinasabi ng Dt 18:18 ay ang ikatlong kahulugan ang tinutukoy at diyan po ay HINDI PAPASOK ang kanilang propeta.

HINDI po kasi siya KAANAK o KALAHI o KAPAREHONG TRIBO ng mga ISRAELITA.

Ang mga ISRAELITA ay mga ANAK o KAANGKAN ni ISRAEL (Jacob).

Ang propeta po ng Islam ay ISMAELITA o ARABO at HINDI ISRAELITA.

Ang sinasabi ng ilang Muslim ay "magkalahi" daw ang mga ISRAELITA at mga ISMAELITA dahil galing sila sa iisang NINUNO, si ABRAHAM.

MALINAW na HINDI po IYAN ang TINUTUKOY na KAANAK o KAPATID sa Dt 18:18.

HINDI po SINABI na sa KAPAMILYA ni ABRAHAM MANGGAGALING ang PROPETA.

Kung kay Abraham po kukunin ang kahulugan ng KAPATIRAN, iyan po ay "OVEREXTENSION" ng DEFINITION.

MALINAW po sa Dt 18:18 na ang tinutukoy na KAPATIRAN o ANGKAN na PAGMUMULAN ng PROPETA ay sa ANGKAN o PAMILYA ni ISRAEL.

Sa Dt 5:1 ay mga ISRAELITA ang KAUSAP ni MOISES.

Sabi riyan, "Tinawag ni MOISES ang LAHAT ng ISRAEL at sinabi sa kanila: Makinig, O ISRAEL, ang mga patakaran at kautusan na aking ipinapahayag sa inyong pandinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo at maingat na sila ay sundin."

Muli sa Dt 9:1 ay sinasabi, "Makinig, O ISRAEL!"

Lalo pa pong nagiging malinaw na isang ISRAELITA ang tinutukoy na PROPETA sa Dt 18:18 kung babasahin natin ang sinusundan niyang talata sa Dt 18:15.

Diyan ay sinasabi mismo ni Moises, "Ang Panginoong inyong Diyos ay magbabangon para sa inyo ng ISANG PROPETA na TULAD KO na MULA SA GITNA NINYO; susundin ninyo ang propetang iyon."

Sa ORIHINAL na HEBREO, ang ginamit na SALITA para sa "GITNA" ay QEREB.

Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, ang ibig sabihin ng QEREB ay:

1. Sa PILING, KASAMA, sa LOOB, sa GITNA

A. nasa LOOB ng BAHAGI

a. sa PISIKAL na PAGKAUNAWA

b. sa pag-iisip o damdamin

c. bahagi ng kaisipan o damdamin

B. sa PILING, KASAMA, MULA sa KASAMANG MGA TAO

C. lamang loob (ng isinasakripisyong hayop)

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang PROPETA ay MULA sa LOOB o GITNA o PILING mismo ng mga ISRAELITA na KAUSAP ni MOISES at HINDI sa LABAS tulad ng mga ISMAELITA.

Ano pa nga po at ang tinutukoy riyan ay ISANG ISRAELITA.

So, diyan pa nga lang po ay MALINAW na HINDI LALAPAT kay Propeta Muhammad ang sinasabi sa Dt 18:18.

IGINAGALANG po natin ang PROPETA ng ISLAM kaya gusto po natin na ibigay sa kanya ang nararapat.

Ang Dt 18:18 ay HINDI NARARAPAT sa KANYA kaya huwag po sana iyang ipagpilitan ng ilang mangangaral ng Islam.

May katuloy pa po.

Propeta pilit isinama sa anila ay ‘basura’

PATULOY po ang ilang nagpapakilalang BALIK ISLAM sa pag-atake at paninira sa BIBLIYA.

Isa po sa sinasabi nila ay “nagkokontra-kontra” raw po ang mga sinasabi ng BIBLE.

Tinalakay na po natin ang mga bagay na iyan at ipinakita natin na ang sinasabi nila ay bunga ng KAWALAN NILA ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga nilalaman ng BANAL na KASULATAN.

Isa po sa sinasabi nila ay mabuti pa raw ang BANAL na KORAN dahil magmula raw po ng ibigay iyon sa Propeta nilang si Muhamad ay “Hindi iyon nabago. Kahit isang tuldok ay INTACT.”

Nag-research po ako tungkol sa bagay na iyan at HINDI po MAGUGUSTUHAN ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ang aking nadiskubre.

KINONTRA po kasi ng isang ISLAMIC WEBSITE ang sinasabi nitong mga nagpapakilalang Muslim.

Iyan po ay sa Islamic website na http://www. submission.org/quran/ warsh.html

Diyan po ay tinatalakay ang ilang VERSIONS ng KORAN at ang ilang PAGKAKAIBA-IBA sa mga VERSION na aklat.

Kung interesado po kayo ay kayo na po ang bahalang pumunta sa website na nabanggit at magpasya kung maniniwala kayo sa sinasabi nila.

Puwede rin po ninyong tingnan ang: http:// www.free-minds.org/articles/science/Which Quran. pdf

Salamat po.

u u u

Ngayon, isa pa pong ipinagpipilitan ng mga nagpapakilalang Muslim ay ang Propeta Muhammad ang tinutukoy sa ilang talata sa Bible.

PASENSIYA na po sa mga MUSLIM pero HINDI PO BINABANGGIT si Propeta Muhammad sa BIBLE.

Hindi po ba mayroon naman kayong KORAN at HADITH. Siguro naman po ay SAPAT na ang mga IYAN bilang patunay sa mga paniniwala ninyo.

Ang kakatwa pa nga po riyan ay SINISIRAAN at INAATAKE ng mga nagpapakilalang BALIK ISLAM ang BIBLIYA tapos ay saka nila IGIGIIT na binanggit daw ang propeta nila rito.

Sabi ng isang nagti-text sa atin, “DATI nang SIRA ang BIBLE.” Dagdag pa niya ay “BASURA lang yan.”

Pagkatapos po niyang tawaging “BASURA” ang BIBLIYA ay saka niya ipipilit na BINABANGGIT ang propeta nila rito sa tinatawag niyang “BASURA.”

Ganoon? BASURA tapos pilit niyang IPINAPASOK ang propeta nila sa ayon sa kanya ay “BASURA?”

Noon po ay pinuna na natin ang gawain nilang iyan.

Sinasabi nilang “CORRUPT” o “MARUMI” ang BIBLE pagkatapos ay GAMIT sila nang GAMIT ng mga TALATA ng BIBLE sa kagustuhan nilang patunayan na “tama” sila.

Hindi po ba kakatwa? Parang KANAL na sinasabi nilang MARUMI tapos ay INIINUMAN NILA.

Kung “BASURA” at “CORRUPT” ang BIBLIYA bakit pa nila ginagamit?

Dapat ay AMININ na lang NILA na napaka-CREDIBLE ng BIBLE.

At kaya pilit nilang ginagamit ang BIBLIYA (sa kabila na sinisiraan nila iyon) ay dahil KUNG WALANG BATAYAN sa BIBLE ay HINDI KAPANIPANIWALA ang isang BAGAY.

Iyan po ang dahilan kung bakit HINDI naman nila KINIKILALA ang BIBLIYA pero PILIT nila itong PINAGBABATAYAN ng ilan nilang gustong patunayan.

At isa nga pong IPINAGPIPILITAN nila ay ang propeta ng Islam ang tinutukoy sa ilang talata ng Bibliya tulad ng Deuteronomy 18:18.

SORRY po talaga pero HINDI po si PROPETA MUHAMAD ang tinutukoy riyan.

At NAPAKALINAW po niyan sa talata.

Ganito po ang sinasabi sa talatang iyan, “Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,”

“ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.”

DALAWA lang po ang CRITERIA o PANUNTUNAN na ibigay riyan para sa tinutukoy na PROPETA.

Una po, iyan ay PROPETA na KATULAD ni MOISES ay MAGSASABI sa mga TAO ng mga IUUTOS ng DIYOS.

Kaya po itinuring na PROPETA si MOISES ay dahil siya ang NAGDALA ng mga UTOS at SALITA ng DIYOS sa mga ISRAELITA.

Pangalawa, ang PROPETA ay MAGMUMULA sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA.

Paano po natin nalaman na mga ISRAELITA ang tinutukoy?

Dahil ang BAYAN na PINANGAKUAN ng DIYOS na BIBIGYAN ng ISANG PROPETA ay mga ISRAELITA. (Dt 17:20, 18:1)

Si Propeta Muhamad po ay kinikilalang PROPETA ng ISLAM pero HINDI po SIYA ISRAELITA.

Dahil diyan MALINAW na HINDI po SIYA ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Kaya HUWAG na po sanang IPAGPILITAN ng ilan na si Propeta Muhamad ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Ituloy po natin ito sa susunod na artikulo.

Bibliya 'porno' raw

NAGPUPUMILIT po ang ilang BALIK ISLAM na patunayan na "mali," "corrupt" at "kontra-kontra" ang Bibliya.

May isa po tayong texter na nagpakilalang si Ansary Abdulaziz na isa sa masigasig sa paggiit na mali raw ang Bible.

Ilang ulit na po nating ipinaliwanag kay Abdulaziz na WALANG KONTRAHAN sa BIBLE pero NAHIHIRAPAN po siyang TANGGAPIN iyon.

NAUUNAWAAN po natin siya. Kayo ba naman ang MAPANIWALA sa mga MALING KUWENTO laban sa BIBLIYA tapos ay TUMALIKOD pa kayo kay HESUS na DIYOS at TAGAPAGLIGTAS ay MAHIHIRAPAN din kayong tanggapin ang KATOTOHANAN.

Anyway, dahil po hindi matutulan ni Abdulaziz ang mga PAGTUTUWID natin sa mga BINTANG niya laban sa Bibliya ay iniba niya ang taktika niya.

Ngayon po ay tinatawag naman niyang "porno" ang BIBLE dahil may mga kuwento raw ng INCEST, tulad ng naulat sa Genesis 19:36.

Diyan po kasi ay sinabi na nabuntis ni Lot ang dalawa niyang anak na dalaga.

So? Asan po ang porno riyan?

Ang Gen 19:36 po ay PAG-UULAT sa isang PANGYAYARI sa buhay ng isang KARAKTER sa BIBLIYA.

Ika nga po, IT IS A REPORT ON AN INCIDENT.

Kapag sa ENCYCLOPEDIA po ba ay may iniulat o ini-report na NAKABUNTIS ng ANAK ang isang AMA ay "PORNO" na ang ENCYCLOPEDIA?

HINDI po. Kung porno na po iyan ay porno na pala ang LAHAT ng FACTUAL at OBJECTIVE na PAG-UULAT kaugnay sa INCEST o SEX.

Diyan po natin makikita na MALI at BALUKTOT ang PANG-UNAWA at PAG-IISIP ng mga NANINIRA sa BIBLIYA.

PUNO SILA ng MALISYA.

Pero MAY NAKAKATAWA sa ginagawa ni Abdulaziz at ilan pang mga kapatid niyang BALIK ISLAM daw.

Habang tinatawag ni Abdulaziz na "PORNO" at "MARUMI" ang BIBLIYA ay may mga kapatid naman siyang PILIT ISINISINGIT ang kanilang PROPETA sa "PORNO" raw na iyan.

Yung isa ipinagpipilitan na MARUMI ang BIBLIYA. Yung iba naman ay ipinagpipilitang IPASOK sa "PORNO" raw iyan ang banal nilang PROPETA.

Sabi po nung isang kapatid ni Abdulaziz, "Pinatutunayan ng Bibliya ang Propeta Muhammad. Basahin mo ang Deuteronomy 18:18."

Sabi pa ng isang BALIK ISLAM ay ang propeta rin daw nila ang tinutukoy na ESPIRITU sa John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15.

Ayun, nasa Deuteronomy at John daw po ng "PORNO" ang propeta ng Islam.

Bakit ganoon?

Ayon kay Abdulaziz at iba pang kapatid niyang BALIK ISLAM, ang BIBLIYA ay "CORRUPT," "KONTRA-KONTRA" at "PORNO" pa.

Kung ganoon, BAKIT tila IPINAGMAMALAKI nila na naroon at IPINAPASOK pa nila ROON ang kanilang PROPETA?

ANO BA TALAGA, KUYA?

Kung para sa kanila ay marumi ang BIBLIYA e WAG NILANG ISALI RIYAN ang PROPETA NILA.

MAHIYA NAMAN SILA sa propeta ng Islam at sa mga TUNAY na MUSLIM. Hindi po ba?

Ang kaso po ay ayan o, nasa Dt 18:18 at John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15 daw ang propeta nila.

Ano yan? Kung MURAHIN at BASTUSIN NILA ang BIBLIYA ay para itong KANAL na MARUMI. Tapos sinasabi nila na ang PROPETA NILA ay NASA KANAL na iyan?

Kung ganoon e pati propeta nila ay BINABASTOS na NILA.

Ang HINDI po MATANGGAP ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ay HIGHLY CREDIBLE ang BIBLE.

ALAM NILA na kung HINDI BINANGGIT sa BIBLIYA ay HINDI RIN DAPAT PANIWALAAN.

So kahit PILIT NILANG SINISIRAAN ang BIBLIYA ay GINAGAMIT pa rin NILA IYON para BIGYANG CREDEBILITY ang PANINIWALA NILA.

NAPAKAGULO po ng ISIP NILA. Marahil ay ganyan po talaga kapag NATALIKOD sa PANGINOONG HESU KRISTO... GUMUGULO ang PAG-IISIP.

Sa susunod po nating mga artikulo ay susuriin natin kung binanggit nga sa Bibliya ang propeta ng Islam.

Thursday, April 2, 2009

Hesus Diyos na sinugo ng Diyos

ITULOY po natin ang pagsagot sa sabi ng isang texter natin na tutol sa pagka-Diyos ng ating PANGINOONG HESU KRISTO.

Siya po ay isang Balik Islam.

Sabi pa niya, "Si Jesus ay sinugo lang ng Diyos. Hindi Siya Diyos."

Salamat po uli sa ating texter pero SORRY po uli dahil may MALI po sa PANGANGATWIRAN na inyong ginamit.

HINDI po PORKE si HESUS ay SINUGO ng Kanyang AMA ay hindi na Siya Diyos. HINDI po NABABAGO ang KALAGAYAN ng isang ANAK kahit SIYA ay UTUSAN ng kanyang MAGULANG.

ANAK SIYA BAGO SIYA SUGUIN.

ANAK SIYA nung SIYA ay SUGUIN.

ANAK SIYA HABANG GINAGAWA NIYA ang INIUTOS sa KANYA.

At ANAK SIYA MATAPOS NIYANG MAGAWA ang SINABI SA KANYA.

GANOON po KASIMPLE yun.

Sa ganoon ding dahilan, ang DIYOS ANAK ay DIYOS BAGO SIYA SUGUIN.

Ang DIYOS ANAK ay DIYOS nung SIYA ay SUGUIN.

Ang DIYOS ANAK ay DIYOS habang GINAGAWA NIYA ang INIUTOS sa KANYA.

At ang DIYOS ANAK ay DIYOS matapos NIYANG MAGAWA ang INIUTOS sa KANYA.

Makikita po natin iyan sa mismong halimbawa na ibinigay ng Panginoong Hesus sa Matthew 21:33-41.

Iyan ang talinhaga ng UBASAN at mga UPAHANG MAGSASAKA.

Ayon sa talinhaga na iyan, nagtanim ng isang ubasan ang isang MAY-ARI ng LUPA at pinaupahan iyon sa mga magsasaka. (Mt 21:33)

Nung panahon na ng anihan, nagpadala ng mga ALIPIN ang MAY-ARI ng LUPA pero ang mga alipin ay binugbog at ang iba ay pinatay pa ng mga upahang magsasaka. (Mt 21:34-36)

Sa Mt 21:37 ay naisip na ng MAY-ARI ng LUPA na IPADALA o SUGUIN ang KANYANG ANAK. Sabi niya, "IGAGALANG NILA ang AKING ANAK."

So, SINUGO ng MAY-ARI ng LUPA ang KANYANG ANAK. Pero kahit ang ANAK ng MAY-ARI ay PINATAY rin ng mga UPAHAN.

At dahil sa PAGPATAY ng mga UPAHANG MAGSASAKA sa ANAK ng MAY-ARI ay ano raw ang gagawin ng MAY-ARI sa mga HINDI GUMALANG sa Kanyang ANAK?

Sinasabi sa Mt 21:41, "Ang mga TAMPALASAN ay BIBIGYAN ng MALUPIT na KAMATAYAN."

Ano po ang makikita natin diyan?

Una, HINDI LANG ALIPIN ang SINUSUGO. Kahit ANAK ay SINUSUGO rin.

Pangalawa, ang HINDI GUMALANG at HINDI KUMILALA sa PAGKA-ANAK ng ANAK ay PUPUKSAIN ng AMA.

NAPAKALIWANAG na po kasi na ANAK ang SINUGO tapos ITINURING pa SIYA na TULAD ng mga ALIPIN na naunang sinugo.

Diyan po ay MAKIKITA na natin kung ANO ang MANGYAYARI sa mga TAO na AYAW KUMILALA sa PAGKA-DIYOS ni HESUS na ANAK ng DIYOS.

Pagdating po ng panahon ay PUPUKSAIN SILA ng DIYOS AMA dahil HINDI NILA KINILALA ang KANYANG ANAK na ITINURING pa nila na SUGO LANG o UTUSAN LANG ng AMA.

At hindi na po kataka-taka kung PUKSAIN SILA ng DIYOS dahil hindi lang PAGTANGGI sa PAGKA-DIYOS ng DIYOS ANAK ang kanilang ginagawa. GUMAGAWA pa po sila ng kung anu-anong HAKA-HAKA para MAPANIWALA at MAILIGAW ang IBA na "HINDI DIYOS si HESUS."

Kaugnay po niyan ay dapat siguro nating tingnan kung paano NAMATAY si ARIUS, ang HERETIKO na noong 300 AD ay NAG-IMBENTO ng ARAL na "HINDI DIYOS si KRISTO."

Sa kabila na KINAMPIHAN pa siya ng EMPERADOR CONSTANTINE ay IBINASURA ng mga OBISPO ng IGLESIA KATOLIKA ang MALING ARAL ni ARIUS.

Siya ay ITINAKWIL at ITINIWALAG mula sa IGLESIA.

Pero dahil MALAKAS talaga si ARIUS kay CONSTANTINE--na sinasabing NANIWALA sa ARAL ni ARIUS--ay PINUWERSA ng EMPERADOR ang mga OBISPONG KATOLIKO na TANGGAPIN MULI si ARIUS at PABALIKIN sa IGLESIA noong 336 AD.

WALA nang MAGAWA ang isang obispo--si ALEXANDER ng CONSTANTINOPLE--kundi sundin ang EMPERADOR. Pero NAGDASAL si ALEXANDER na sana ay MAMATAY na SIYA bago pa siya maging kasangkapan sa pagpapabalik dito sa nag-imbento ng aral na "hindi Diyos si Kristo."

Pero KABALIKTARAN ang NANGYARI: Si ARIUS ang BIGLANG NAMATAY.

Habang papunta kay Alexander ay SUMAKIT ang TIYAN ni ARIUS bago ito SUMAMBULAT at LUMABAS ang kanyang LAMANG LOOB.

KAHINDIK-HINDIK, hindi po ba.

Ganyan din po ang IKINAMATAY ng pinuno ng isang grupo na HINDI NANIWALA na DIYOS si KRISTO. PUMUTOK din ang kanyang BITUKA.


Natulad sila kay HUDAS na SUMAMBULAT din ang LAMANG-LOOB noong siya ay mamatay. (Acts 1:15-18)


Ganoon po yon.

Wednesday, April 1, 2009

Milagro: Patunay na Diyos si Kristo

BIGYANG daan po natin itong text ng isang BALIK ISLAM tungkol sa column natin na ang Panginoong Hesus ay DIYOS.

Sabi ng ating texter, “Mayroon bang Dios na pinapako sa krus o natutulog at kumakain o namamatay?”

“Eh paano na ang mundo kung Siya ang Diyos?”

“Alam mo, utak bibe ka talaga. Gumising ka at baka ikaw bangungutin. Hindi ka na magising. Hahaha!”

“Si Allah lang ang makapangyarihan sa lahat. Si Hesus sugo lang niya yun.”

Salamat po sa ating texter.

Kung naniniwala kayo kay Allah ay nasa inyo yan. Basta po ako at ang mga KRISTIYANO ay KAY HESUS NANINIWALA.

Si HESUS po kasi ay PINATUNAYAN na DIYOS SIYA sa pamamagitan ng PAGGAWA Niya ng mga MILAGRO at HIMALA.

Pero dahil interesado po tayo sa sinasabi nitong Muslim na nag-text sa atin ay tinanong ko sa kanya kung “ANONG MILAGRO ANG GINAWA NG DIYOS NINYO? PAKI TUKOY NGA NG ISA.”

AWA po ng DIYOS ay NAGHIHINTAY pa rin po ako ng SAGOT sa aking tanong.

WALA pa pong MATUKOY na MILAGRO ang BALIK ISLAM na nag-text sa atin.

May iba na po akong nakausap na BALIK ISLAM at ang sinasabi nilang “milagro” raw ay ang nilalaman ng kanilang BANAL NA AKLAT--ang KORAN.

Ang tawag po kasi nila sa TALATA ng kanilang aklat ay “AYAT” na ang isa sa mga kahulugan ay “miracle.”

Pero ang HINAHANAP po natin ay HINDI TALATA o SALITA. Kung TALATA at SALITA lang po ay MARAMI ang BIBLIYA niyan.

Ang hinahanap po natin ay yun mismong MILAGRO na tulad ng GINAWA ni KRISTO. Halimbawa ang PAGBUHAY sa PATAY, PAGPAPARAMI ng TINAPAY, PAGGAWA ng ALAK mula sa TUBIG at marami pang iba.

Sana po ay MAY MAIPAKITA ang ating texter na TOTOO at AKTUWAL na MILAGRO at MAGHIHINTAY pa rin po tayo sa ipakikita niya.

Samantala, kaya po tayo naniniwala sa pagka-DIYOS ni HESUS ay dahil PINATUNAYAN NIYA ang pagiging DIYOS NIYA.

Pinuna ng ating texter ang PAGKAPAKO sa KRUS, PAGKAIN at PAGTULOG ng ating PANGINOONG HESUS.

Para po sa kanya ay “patunay” iyan na “hindi Diyos” si Hesus.

SORRY pero MALI po ang unawa ng ating texter.

Ang TUNAY pong DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN sa LAHAT at KAYA NIYANG GAWIN ang LAHAT ng BAGAY na GUSTO NIYANG GAWIN.

Sabi nga po sa Luke 1:37, “WALANG IMPOSSIBLE sa DIYOS.”

Kaya nga nung GINUSTO ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO ay NAGAWA NIYANG MAGKATAWANG TAO.

At BAHAGI ng PAGKAKATAWANG TAO ay ang PAGKAIN, PAGTULOG at ULTIMO ay ang PAGPAPAPAKO NIYA sa KRUS.

Sa halip po na ipakita na “hindi Diyos” si Hesus ay PINATUNAYAN pa NIYA na DIYOS SIYA nung GAWIN NIYA ang mga iyan.

Paano po?

Dahil sa pamamagitan po ng PAGKAKATAWANG TAO NIYA at PAGDANAS ng LAHAT ng bagay na dinaranas ng tao ay IPINAKITA ng DIYOS na KAYA TALAGA NIYANG GAWIN ang LAHAT.

Nung NASA KATAWANG TAO ang DIYOS na si HESUS ay GUMAWA pa SIYA ng mga MILAGRO para IPAKITA na DIYOS SIYA.

MARAMI po riyan na NAGPAPAKILALA na DIYOS DAW pero WALA namang MAIPAKITA ni ISANG TUNAY na MILAGRO. PURO KUWENTO lang ang meron sila.

Si Hesus ay DIYOS at nung GINUSTO NIYANG MAGKATAWANG TAO ay MADALI NIYANG NAGAWA.

Iyan po ang tinatawag na MAKAPANGYARIHAN. LAHAT ng GUSTO NIYANG GAWIN ay NAGAGAWA NIYA.

At heto po ang isa MAGALING na GINAWA ng DIYOS na si HESUS nung SIYA ay MAGKATAWANG TAO: Matapos na Siya ay MAMATAY sa KRUS ay BINUHAY NIYA MULI ang KANYANG SARILI.

Sabi ni Hesus sa John 10:17-18, “Ito ang dahilan kung bakit mahal ako ng Ama, dahil INIAALAY ko ang AKING BUHAY upang ito ay KUNIN MULI.”

“Walang makakukuha nito sa akin, pero ITO ay AKING INIAALAY sa AKING KAGUSTUHAN.”

“Ako ay MAY KAPANGYARIHAN na IALAY ito, at KAPANGYARIHAN para KUNIN ITO ULI.”

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Kita po ninyo? Kahit nasa KATAWANG LUPA si KRISTO ay MAY KAPANGYARIHAN SIYA na IALAY ang KANYANG BUHAY at KAPANGYARIHAN na KUNIN ito MULI.

Kaya nga po nung dumating ang oras para MABUHAY SIYA MULI ay NABUHAY MULI si HESUS.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

WALA pong IBANG DIYOS ang MAKAGAGAWA niyan.

Yung iba PURO KUWENTO LANG.

Si HESUS ay DIYOS na MAKAPANGYARIHAN: KAYA NIYANG GAWIN ang LAHAT ng GUSTO NIYA — kasama na ang PAGKAKATAWANG TAO, PAGKAIN, PAGTULOG, PAGKAMATAY SA KRUS at PAGKABUHAY na MULI.

Salamat po.