Sa halip ay NAG-ULIT na naman siya ng mga POST na NAGPAKITA lang ng KAMANGMANGAN NIYA.
Ang KATAWA-TAWA po ay SARILI NIYA ang SINAMPAL-SAMPAL niya sa mga TALATANG GINAMIT NIYA.
Tulad po ng dati ay ISA-ISAHIN natin ang mga SINABI nitong BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS, sa BIBLIYA at sa mga KATOLIKO.
Sa post natin na "Hesus: Saan sinabi na Diyos Siya?" ay nagsabi siya ng ganito:
"the Greek word “Cristos.” “Christos” is a translation from the Hebrew word
Messiah which literally means “anointed.” ... that title is given only to a man
or a creation-not to God or Creator."
Ang tanong po natin ay ito:
"SAAN NAMAN NIYA NAKUHA ang DEFINITION na IYAN ng 'CHRISTOS'?"
PASENSIYA na po sa mga mahahagip pero ang mga MANGANGARAL na BALIK ISLAM ay MAHILIG GUMAMIT ng mga DEFINITION na IMBENTO LANG NILA.
Sa BIBLIYA po, ang DIYOS ay IPINAKILALA bilang ang TRINIDAD na KATULAD ng ISANG PAMILYA. Nariyan ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK, at DIYOS ESPIRITU SANTO.
Sa isang PAMILYA po ba ay HINDI PUWEDENG PILIIN ng AMA ang KANYANG ANAK para SUGUIN sa PAGGAWA ng BAGAY na KAPAMILYA LANG ang PUWEDENG GUMAWA?
PUWEDENG-PUWEDE po.
At sa kaso po ng DIYOS na TRINIDAD ay PINILI ng DIYOS AMA ang KANYANG ANAK para SUGUIN sa PAGLILIGTAS sa Kanyang nilikhang TAO.
NATITIYAK ko po na KAPAG TINANONG NATIN ang BALIK ISLAM na nagbigay ng GAWA-GAWANG DEFINITION sa "CHRISTOS" ay WALA SIYANG MAIPAKIKITANG PRUWEBA na ang PINIPILI ng DIYOS ay YUNG TAO LANG.
Actually, KAPANSIN-PANSIN po na itong BALIK ISLAM ay UGALI NA ang PAGKATHA o PAG-IMBENTO ng mga BAGAY-BAGAY para lang SIRAAN ang IBANG TAO.
Pero HINDI na po ako NAGTATAKA dahil mismong ang mga KASULATAN o INTERPRETASYON na GINAGAMIT at PINANINIWALAAN NILA ay mga KATHA at GAWA-GAWA LANG ng mga SKOLAR NILA.
Siguro nasa isip nitong BALIK ISLAM na "KUNG ANG SKOLAR PUWEDENG MAG-IMBENTO NG ARAL BAKIT AKO HINDI PUWEDE?"
Okay. Kung gusto nilang MAG-IMBENTO ay GAWIN NILA. Kung gusto nilang MANIWALA sa GAWA-GAWA at BUNGA LANG ng KANILANG IMAHINASYON at GUNI-GUNI ay NASA KANILA IYON.
Sana lang ay MASAYA SILA at KAMPANTE sa GINAGAWA NILA.
Ang MASAKIT lang po ay GINAGAMIT NILA iyon para SIRAAN LANG ang PANGINOONG DIYOS, ang KANYANG IGLESIA at ang BIBLIYA.
Ngayon, kahit po PAGBIGYAN NATIN SIYA sa KINATHA NIYANG DEFINITION ng "CHRISTOS" ay HINDI pa rin po NABABAWASAN o NAAALIS ang PAGKA-DIYOS ng PANGINOONG HESUS.
Nung KILALANIN po ang PANGINOONG HESUS bilang MESSIAH o CHRISTOS ay nasa KATAWANG TAO po SIYA.
So, kung sinasabi ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS na "TAO" ang PINIPILI o ina-ANOINT ng DIYOS ay TAMA rin po. Ang PANGINOONG HESUS po kasi ay TUNAY na DIYOS at TUNAY na TAO.
PAULIT-ULIT na po nating IPINAKITA at PINATUNAYAN dito na si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO.
Sabi nga ng SAKSI na si JOHN sa Jn 1:1 14:
"Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ANG SALITA AY DIYOS."
"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO ..."
Ang SALITA na DIYOS ay WALA NANG IBA kundi ang PANGINOONG HESU KRISTO.
NAPAKALINAW po NIYAN at HINDI po IYAN MATUTULAN ng BALIK ISLAM na NANINIRA kay KRISTO.
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
At diyan na nga po SINAMPAL-SAMPAL nitong BALIK ISLAM ang SARILI NIYA.
TINAWAG at INAMIN pa NIYA na SIYA ay ANTI-KRISTO.
Tatalakayin po natin iyan sa susunod na post natin.