Showing posts with label Koran: Alin ang perfect na version?. Show all posts
Showing posts with label Koran: Alin ang perfect na version?. Show all posts

Tuesday, July 28, 2009

Balik Islam makakasagot kaya?

BIGYANG daan po natin ang mga reaksyon na ito ng isang BALIK ISLAM sa PAGLALANTAD po natin ng mga KONTRA-KONTRA sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM sa BANAL na AKLAT ng ISLAM.

Sabi niya, "Mr. Cenon Bibe iyang mga sinasabi mong kontra-kontra sa koran meaning ay hindi mo lamang yan unawa o maari ding unawa mo na pero itinuloy mo na lamang ang paninira!"

HINDI po ako NAGMAMARUNONG at HINDI ako NAGMAMAGALING.

Siguro, itong BALIK ISLAM na nagre-react ay MARUNONG at MAGALING pagdating sa mga MEANING na GAWA ng KANILANG mga SKOLAR. So, maganda po siguro na SIYA ang TANUNGIN NATIN kung ANO ang PALIWANAG para masabi na "hindi kontra-kontra" ang mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA.

Paki PALIWANAG nga po: ALIN ang TAMA? Ang S13:38 o ang S22:52?

Ayon kasi sa ISLAMIC SCHOLAR na si YUSUF ALI, sinabi raw ng DIYOS NINYO diyan na "WE DID SEND APOSTLES BEFORE THEE ..."

Sa kabilang dako, sa S22:52 ay sinabi ni YUSUF ALI na ganito naman daw ang sinabi ng Diyos ninyo, "NEVER DID WE SEND AN APOSTLE or a PROPHET BEFORE THEE ..."

ANO po ang PAGKAUNAWA NINYO DIYAN? NAGSUGO po ba ng APOSTOL BAGO ang PROPETA NINYO o HINDI NAGSUGO?

Ang SCHOLAR naman na si MOHSIN KHAN ay sinabi sa S2:256 na "THERE IS NO COMPULSION IN RELIGION ..."

Sa kabilang dako ay sinabi naman niya sa S4:89 na "if they turn back (from Islam), take (hold of) them and kill them wherever you find them."

Ayon sa BALIK ISLAM na nag-react ay may TAFSEER daw diyan.

Puwede po bang ILAGAY NINYO RITO ang TAFSEER kaugnay sa S13:38 at 22:52, S2:256 at 4:89 para makita natin kung wala nga kontrahan sa mga iyan?

HINDI po SAPAT yung SINABI N'YO LANG na may "TAFSEER."

Ang tiyak na tanong ng TAONG NAG-IISIP ay "NASAAN ang TAFSEER na IYAN? ANO ang SINASABI ng TAFSEER sa mga iyan para masabi na hindi sila nagkokontrahan?"

HINDI rin po SAPAT ang MAG-AKUSA SIYA sa ATIN na NANINIRA lang TAYO.

Nung sinabi ko po na KONTRA-KONTRA ang mga INTERPRETASYON na GAWA ng mga SKOLAR NILA sa SINASABI ng QUR'AN ay MALINAW po ang mga PRUWEBANG IBINIGAY KO.

Katunayan ay WALA pong MAKATUTOL sa mga PRUWEBANG IBINIGAY NATIN E.

BIBIGYAN po natin ng pagkakataon ang nagre-react na BALIK ISLAM na IPAKITA na HINDI KONTRA-KONTRA ang mga INTERPRETASYON na iyan.

Yung iba pong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA ay BINIGYAN na natin ng PAGKAKATAON NOON na PATUNAYAN na MALI AKO pero ang NAPATUNAYAN po natin ay HINDI NILA MATUTULAN na KONTRA-KONTRA ang mga iyan.

Katunayan po ay may DALAWA nang BALIK ISLAM ang NAGTATWA sa mga INTERPRETASYON na GAMIT NILA.

Sa madaling salita ay NAKITA na NILA na KONTRA-KONTRA nga ang mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA at TANGGAP na NILA iyon.

Ang PAMPALUBAG LOOB na lang po nila ay ang QUR'AN naman daw po ay "PERFECT" at "WALANG KONTRAHAN."

Lagi na po nating sinasabi rito na IGINAGALANG po ng mga KRISTIYANO ang QUR'AN at HINDI TAYO TULAD ng ilang BALIK ISLAM na NAMBABASTOS sa AKLAT ng IBANG TAO.

'Yun nga lang po ay PROBLEMADO rin ang mga NANINIWALA sa AKLAT ng ISLAM dahil HINDI NILA MAITURO kung ALIN sa MARAMING ARABIC VERSIONS ng QUR'AN ang tinutukoy nilang "PERFECT."

HINDI po natin KINOKONTRA ang PANINIWALA NILANG "PERFECT" ang QUR'AN. KARAPATAN po NILA IYON.

Ang gusto lang po nating MALAMAN ay kung ALIN NGA sa SARI-SARI at IBA-IBANG VERSION ng ARABIC na QUR'AN ang TINUTUKOY NILA.

Pero ang PROBLEMA nga po ng mga BALIK ISLAM na NATATANONG NATIN ay HINDI NILA MATUKOY kung ALIN NGA ang PERFECT na AKLAT na sinasabi nila.

Siguro po itong nagre-react ngayon ay MAITUTURO ang HINAHANAP NATIN.

TINGNAN po natin kung MAY MATUKOY SIYA.

Bigyan natin siya ng chance.

Salamat po.

Balik Islam: Qur'an is perfect!

NAG-REACT po ang isang BALIK ISLAM sa POST natin "Kontra-kontra ng skolar na Muslim No. 2."

Sinabi natin diyan, "HINDI naman po talaga QUR'AN ang TINUTUKOY nating MALI e."

Ganito po ang reaksyon diyan ng BALIK ISLAM, "So? may issue po ba? ha? ano naman ang kailangang paliwanag? wala ng dapat pag-uusapan dyan our Qur'an is perfect! plain clear & simple!"

WALA po talaga akong ISYU LABAN sa TUNAY na QUR'AN.

Bilang KRISTIYANO ay TINUTURUAN po AKONG GUMALANG sa PANINIWALA ng IBA.


HINDI kasi kami TULAD ng ilang BALIK ISLAM na WALANG GALANG sa PINANINIWALAAN ng IBANG TAO.

WE CHRISTIANS RESPECT the TRUE QUR'AN, kahit ba BINABASTOS ng ilang BALIK ISLAM ang BIBLIYA.

Pero HINDI po natin KAILANGANG IGALANG ang MALI-MALI at KONTRA-KONTRANG INTERPRETASYON na GINAGAMIT ng mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

PINUPUNA po natin ang mga PALPAK na INTERPRETASYON na iyan para lang po IPAKITA na kung may MABAHONG mga KASULATAN ay IYAN ang mga INTERPRETASYON na GINAGAMIT ng mga UMAATAKE sa BANAL na KASULATAN.

MALINIS at MALINAW po ang BIBLIYA. Kaya nga po SINISIRAAN ng ilang BALIK ISLAM, hindi po ba?

MALINAW din sa AKIN kung ALIN ang BIBLIYA: Iyan ang KASULATAN na IBINIGAY ng DIYOS sa SIMBAHANG ITINATAG NIYA.

Ang mga ORIHINAL pong TEKSTO ng BIBLIYA ay NASULAT sa HEBREO, ARAMAICO at GRIEGO at NILOOB ng DIYOS na MAISALIN sa IBANG WIKA para ito MAUNAWAAN ng TAO.

Diyan po MAGKAIBA ang BIBLIYA at ang QUR'AN.

Ayon po sa mga SKOLAR na MUSLIM, ang QUR'AN ay TANGING sa ARABIC LANG NASUSULAT at NABABASA.

Kung NASA IBANG WIKA NA ay HINDI NA IYAN QUR'AN.

At muli po ay IGINAGALANG NATIN ang PANINIWALA NILANG IYAN. Tayo po kasing mga KRISTIYANO ay TINURUAN at TINUTURUAN ng MABUTING ASAL, partikular ang PAGGALANG sa IBA.

Ngayon, may tanong lang po ako sa nag-react sa atin at nagsabi na "our Qur'an is perfect! plain clear & simple!"

Kung iyan po ang PANINIWALA NINYO ay KARAPATAN NINYO IYAN.

Ang tanong ko lang po ay ALIN PO sa MARAMING ARABIC VERSIONS ng QUR'AN ang TINUTUKOY ninyong "perfect"?

Sabi pa ng ibang BALIK ISLAM ay HAWAK NILA ang "NAG-IISA" at "ORIGINAL" raw na QUR'AN.

ALIN po sa MARAMING ARABIC VERSIONS ng QUR'AN ang "NAG-IISA" at "PERFECT"?

Nariyan po kasi ang ARABIC VERSION na HAFS, ang WARSH, AL DURI, QALUN at MARAMI PANG IBA.

LAHAT po ba iyan ay "ORIGINAL" at "PERFECT"?

Kung INTERESADO po kayong MAGBASA tungkol sa MARAMING ARABIC VERSIONS ng QUR'AN ay puwede po ninyong i-click o puntahan ang mga WEBSITE sa ibaba.

http://www.nairaland.com/nigeria/topic-107465.0.html

http://www.submission.org/quran/warsh.html

http://www.maitreya.org/English/Other%20Evidences/Koran/Versions%20today/The%20Different%20Arabic%20Versions%20of%20the%20Qur'an%20Koran%20Quran.htm

Ilan lang po iyan. Puwede rin po ninyong i-TYPE sa GOOGLE ang QUR'AN ARABIC VERSIONS at MAKIKITA NINYO ang mga PRUWEBA na ANG DAMING VERSION ng AKLAT ng ISLAM.

Pero naitatanong nga lang po natin: LAHAT BA ng SARI-SARI at MAGKAKAIBANG SINASABI ng ARABIC na VERSION ay PERFECT DIN?

Parang MALABO pong maging CLAIM yan, hindi po ba?

Yun pong NAGSABI na HAWAK pa nila ang "ORIGINAL na QUR'AN" ay tila NAPAHIYA nung TANUNGIN ko niyan.

HINDI po kasi NIYA MAIPAKITA kung ALIN sa MARAMING ARABIC VERSIONS ang ORIGINAL na SINABI NIYA.

MALAKING PROBLEMA po talaga ng mga BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN kung SAANG LUGAR sa PLANETANG ITO HAHANAPIN ang "ORIGINAL" na SINASABI NIYA.

Tapos heto pa ang isa na nagsabi na "PERFECT" ang AKLAT nila.

HINDI po natin iyan KOKONTRAHIN. IGINAGALANG po natin ang PANINIWALA nilang iyan.

Ang TANONG NGA po ay ALIN sa MARAMING ARABIC VERSIONS ang "PERFECT."

Sana po ay MAITURO NIYA.

Parang ALANGAN naman kasi na ang tinutukoy niya ay ang LAHAT ng IBA-IBA at SARI-SARING VERSION ng ARABIC na QUR'AN, hindi po ba?

Ayon po kasi sa PAGSUSURI na ginawa ko ay HINDI po PARE-PAREHO ang ARABIC na VERSION.

MARAMI po ang PAGKAKAIBA-IBA ng mga IYON.

NAKAKITA na ako ng KOPYA ng QUR'AN, at iyon ay MARAMING DIACRITICAL MARKS o mga KUWIT, TULDOK at MARKA na tumatayo para sa VOWELS at IBA pang PARTE ng SALITA.

Pero ayon sa isang nabasa ko ay NOONG UNANG ISULAT ang QUR'AN ay WALA PANG DIACRITICAL MARKS ang mga LETRA.

So, ANO ang NANGYARI? BAKIT MARAMI nang IBA'T-IBANG MARKA ang mga QUR'AN NGAYON?

Ano yon? DINAGDAGAN ba?

ALIN po ba ang SINASABI NILANG "PERFECT" na QUR'AN? Yung WALANG DIACRITICAL MARKS o itong PUNO NA ng MARKA?

Sana po ay MASAGOT ng REACTOR nating BALIK ISLAM ang mga tanong na iyan para MAINTINDIHAN ko at ng IBANG NAGBABASA ng BLOG na ito.

Paki sagot na rin kung ALIN sa mga VERSION ng ARABIC na QUR'AN ang ORIGINAL.

Sana po ay may MAISAGOT ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN.

MARAMING SALAMAT.