Showing posts with label Balik Islam na puro pagmumura. Show all posts
Showing posts with label Balik Islam na puro pagmumura. Show all posts

Thursday, December 17, 2009

Cenon Bibe 'napakabobo' at 'walang utak'?

BIGYANG daan po natin itong COMMENT ng isang BALIK ISLAM na inilagay niya sa ilalim ng isa pang artikulo natin.


Sabi po ng BALIK ISLAM:
Assalam u alaikum bro napapansin nyo po ba ang mga pangangatwiran nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan? napakababaw po, tila pangangatwiran ng isang taong hindi nag iisip at walang utak!

CENON BIBE:
Kung ako po ay taong "hindi nag iisip at walang utak!" hindi po ba DAPAT AY NATUTULAN NINYO ang mga SINASABI KO?

Patunay po na HINDI KAYO MAKATUTOL ay DINADAAN NA LANG NINYO sa PANGUNGUTYA ang reaksyon ninyo e.

Kung HINDI PO NINYO MATUTULAN ang mga PALIWANAG at PAHAYAG ng isang "hindi nag iisip at walang utak" e ANO NA PO KAYO? Ibig po ninyong sabihin ay MAS MASAHOL PA KAYO sa isang "hindi nag iisip at walang utak"?

Nagtatanong lang po dahil tila po HINDI NINYO INIISIP ang mga SINASABI NINYO. May utak naman po yata kayo, di ba? O baka naman ...



BALIK ISLAM:
iyan po si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan; don't waste your time bro in this kind of thinking from Mr. Cenon Bibe napakaBobo po talaga nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan!

CENON BIBE:
Ayun, "napakaBobo" ko raw po pero HINDI NIYA MASAGOT at HINDI NIYA MATUTULAN ang mga sinasabi ko. Kaya nga po MINUMURA na lang NIYA tayo e dahil WALA SIYANG MAISAGOT.

Sana po ay MAG-ISIP naman KAHIT KONTI itong BALIK ISLAM na reactor natin.



BALIK ISLAM:
biruin nyo po ang sabi nitong tanga at mangmang na si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan papalitan nya raw po ang salitang Allah sa arabic bible ng Jesus or Isah then Cenon Bibe is quoting and stupidly changing some words from Al-Ikhlas napakalaking katangahan po ang ginagawa nitong si Mr. Cenon Bibe na iyon mga kaibigan;

CENON BIBE:
SINO po ba ang NAGPUMILIT na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS sa BIBLIYA? Ako po ba?

Ang DAPAT pong PUNAHIN at PAGSABIHIN nitong BALIK ISLAM na ito ay ang KAPATID NIYA na PILIT na ISINASAKSAK ang DIYOS NILA sa BIBLIYA.

Hindi po kasi nila matanggap na HINDI KINILALA ng BIBLIYA at ng mga PROPETA roon ang KANILANG DIYOS. Ni HINDI nga po BINANGGIT ang ALLAH NILA sa BIBLIYA, hindi po ba?

Iyan po ang dahilan kung bakit NGITNGIT na NGITNGIT itong BALIK ISLAM.

Ang tanong ko nga po sa kanila ay KAYO BA ay PINANSIN man lang ng DIYOS NINYO?

Naitanong ko po iyan dahil HINDI MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM kung KINAUSAP MAN LANG BA NANG DIREKTA ng DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.

HINDI rin po MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM KUNG DIYOS MISMO ang NAGTAYO ng KANILANG RELIHIYON.

HINDI rin MASAGOT nitong mga BALIK ISLAM KUNG DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng mga ARAL na KANILANG SINUSUNOD sa NGAYON.

At dahil HINDI NILA MASAGOT KUNG DIREKTA SILANG KINAUSAP o PINANSIN ng DIYOS ay PILIT SILANG NAKIKI-DIYOS o NAKIKI-ALLAH sa DIYOS (ALLAH) ng BIBLIYA.

Sa BIBLIYA po kasi ay DIREKTANG KINAUSAP ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS ang mga PROPETA ng BIBLIYA. DIREKTA ring IBINIGAY ng DIYOS ng BIBLIYA ang mga ARAL na dapat sundin ng mga TAO.

WALA pong MAIPAKITANG GANYAN ang mga BALIK ISLAM kaya siguro IPINAGPIPILITAN NILANG ANGKININ ang DIYOS o ALLAH ng BIBLIYA.

Sa madaling salita ay TILA DESPERADO NA itong mga BALIK ISLAM na ito.

Muli po, HINDI KINILALA at HINDI BINANGGIT ng BIBLIYA ang DIYOS NILA kaya HUWAG na NILANG IPAGPILITAN iyon. NAGKAKAPROBLEMA LANG SILA LALO.



BALIK ISLAM:
doon po sa pag quote po nya sa surah na iyon ay parang inilalahad nya na rin po ang kanyang kamangmangan at katangahan! "..... He begetteth, not nor he is begotten;(3) And there is none like unto Him"(4)

CENON BIBE:
Nagpapakita raw po ako ng "kamangmangan at katangahan."

Kung ako po yung "mangmang" at "tanga" e BAKIT SIYA ang tila HINDI ALAM na HINDI NAMAN SURAH ng QURAN ang BINANGGIT NILANG "AL IKHLAS."

Ang TUNAY pong AL-IKHLAS ay TANGING sa ARABIC MABABASA at MASASAMBIT. Bahagi po kasi iyan ng QURAN (Surah 112) na TANGING sa ARABIC MABABASA at MASASAMBIT.

SINO po ang GUSTO NIYANG LINLANGIN?

Masasabi po ba niya RITO nang TUWIRAN at TAPATAN na ang SURAT AL IKHLAS o AL TAUHID ay NARARAPAT na SAMBITIN sa INGLES?

HINTAYIN po NATIN ang SAGOT NIYA.



MUSLIM:
Mga kaibigan sa punto pong iyan magtatanong po tayo kay Mr. Cenon Bibe mga giliw na taga subaybay kong ginagamitan nya po ba ng tamang unawa at isip ang kanyang mga pinagsasabi?

CENON BIBE:
Siguro naman po sa KATOTOHANAN na HINDI NILA MASAGOT at HINDI NILA MATUTULAN ang mga SINASABI NATIN ay ALAM na NATIN kung SINO ang WALA sa TAMANG KAISIPAN at kung SINO ang HINDI NAG-IISIP.


MUSLIM:
ang mga nasabing talata po ba ay akma para kay Jesus mga kaibigan? Mr. Cenon Bibe mag isip ka naman, hindi yong bira ka nalang ng bira eh! ayan tuloy nahilalahad yang katangahan at kamangmangan mo!

CENON BIBE:
Una po ay WALA AKONG PINALITAN at WALA rin AKONG SINABI na ang AL IKHLAS ay DAPAT ILAPAT sa PANGINOONG HESUS.

AKO po ay NAGTANONG doon sa BALIK ISLAM na KAUSAP natin. Sabi ko:
"PUWEDE NA PO BA nating i-SUBSITUTE ang PANGALAN ng PANGINOONG HESUS (ISA sa arabic) sa binanggit ninyong talata:"

Kung TUMIGIL man lang sandali at NAG-ISIP itong BALIK ISLAM ay NAKITA SANA NIYA na NAGTATANONG TAYO at HINDI GUMAGAWA ng DEKLARASYON.

Ano po ang PUNTO ng PAGTATANONG NATIN?

Gusto ko pong MATIYAK kung NANINIWALA itong BALIK ISLAM sa IPINAGPIPILITAN NIYA na ang TUNAY na ALLAH ay ang DIYOS ng BIBLIYA.

Kung isasagot po kasi niya na HINDI PUWEDENG I-SUBSTITUTE ang HESUS sa ALLAH o GOD sa AL IKHLAS ay LALABAS na MALI ang IGINIGIIT NIYA na ang ALLAH NILA ay ang NASA BIBLIYA.

Mapatutunayan na TAMA TAYO na HINDI nga NABANGGIT ang KANILANG ALLAH sa BANAL na KASULATAN.

Kapag sinabi naman po niya na "PUWEDE NANG I-SUBSTITUTE" ang ISA (arabic ng HESUS) sa AL IKHLAS ay lalabas na MAGKAKAROON ng KONTRAHAN.

Doon po kasi sa sinabi niyang talata ay sinabi na ang ALLAH ay "He begetteth (NAGKAANAK), NOT nor is He begotten (IPINANGANAK);"

Ibig sabihin KAKONTRA NA iyan ng ALLAH na NASA BIBLIYA na NAGKA-ANAK at NAGING ANAK.

Nakikita po ba ninyo ang punto?

Kung IPAGPIPILITAN nitong BALIK ISLAM na ang ALLAH NILA ang NASA BIBLIYA, lalabas na KINOKONTRA niyon ang ALLAH na nasa kanilang QURAN, hindi po ba?

At KUNG MAGKAKONTRA, NANGANGAHULUGAN LANG na ang ALLAH ng BIBLIYA ay HINDI ang ALLAH ng ISLAM.

'Yon po ang punto ng aking TANONG kaugnay sa SUBSTITUTION sa Al Ikhlas.

Ngayon, marahil ay AAMININ NA nitong BALIK ISLAM na ang KANILANG ALLAH ay HINDI TALAGA KINILALA at HINDI MAN LANG BINANGGIT sa BIBLIYA.

Salamat po.

Sunday, September 13, 2009

Cenon Bibe 'nagmura' sa Balik Islam?

BIGYANG PANSIN po natin itong POST ng BALIK ISLAM:

Sabi niya:
"Mga kaibigan may nagtext po sa atin na isang kapatid na Muslim, patungkol po ito mga kaibigan sa isang Katanungan nitong si Mr. Cenon Bibe; pagmasdan nyo po ang reply nitong nagbabaitbaitang si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan; ito po ang reply nitong si Mr. Cenon Bibe sa katext nyang Muslim mga giliw na tagasubaybay;

Cenon Bibe; [text reply]
"Bakit? MAY ALAM KA BA? BAKIT D MO MASABI KUNG DIYOS MISMO ang NAGSUGO SA PROPHETA NYO? Inaamin mo bang tanga ka?"

Iyan po ang napakabait na reply nitong si Mr. Cenon Bibe sa kanyang katext mga kaibigan na isa po'ng Muslim.

CENON BIBE:
GUSTO pa po PALABASIN nitong BALIK ISLAM na ito na NAPAKABAIT NILA at TAYO ang NAGSASALITA ng MASAMA.

ALAM na po natin na PALAMURA at MASAMA ang UGALI nitong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa ATIN.

At para MAILAGAY NATIN sa KONTEKSTO ang TEXT KO SA ITAAS na ipinadala ko sa BALIK ISLAM na NAGPAPANGGAP na PARI na si ARIEL BILLO ay heto po ang KONTEKSTO NIYAN.

Tulad po ng LAGI nilang GINAGAWA ay PINAGMUMURA na naman po AKO nitong BALIK ISLAM sa CELLPHONE

TINANONG ko po kasi itong ARIEL BILLO ng TANONG na HINDI MASAGOT ng LAHAT ng BALIK ISLAM: KUNG DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NG ISLAM.

Heto po ang TEXT ng NAGBABAIT-BAITAN na BALIK ISLAM:
"Di naman cguro mga TANGA KATULAD MO ang mga nagbabasa ng blog mo, eh tingin ko sa kablog mo ang galig eh at maraming humahanga dyan sa kablog mong iyan!"

"kitang-kita eh nilalampaso ka ng kablog mo!"

CENON BIBE: Kita po ninyo, TANGA raw ako.



Heto pa po ang sabi ng NAGBABAIT-BAITAN na BALIK ISLAM:
"tanong ng mga TANGA yang mga katanungan mo eh di naman ako tangang katulad mo para patulan ko yang mga KATANGAHAN MO!"

CENON BIBE:
Ayan po, nakita n'yo? MINURA na naman AKO. Tanong lang daw ng TANGA ang mga katanungan ko at TANGA raw ako.

So, TINANONG KO SIYA. Iyan ang binanggit ng BALIK ISLAM sa itaas.

TINANONG ko itong NAGBABAIT-BAITAN na BALIK ISLAM:
"Bakit? MAY ALAM KA BA? BAKIT D MO MASABI KUNG DIYOS MISMO ang NAGSUGO SA PROPHETA NYO? Inaamin mo bang tanga ka?"

Paki pansin po na HINDI KO SIYA MINURA. TINATANONG KO SIYA kung "INAAMIN" NIYA na "TANGA" SIYA.

SIYA na po kasi ang MISMONG NAGSABI na TANONG ng "TANGA" yung TANONG KO E.

Ang kapuna-puna ay kung tanong yon ng "TANGA" ay BAKIT HINDI NIYA MASAGOT yung TANONG?

Iyan po yung tanong ko sa kanya na "INAAMIN MO BANG TANGA KA?"

MAGALING lang po talaga itong mga BALIK ISLAM na ito sa PAGBALUKTOT at PAGSISINUNGALING.

PINALALABAS NILA na MABAIT SILA at MALINIS. Gusto pa nilang palabasin na sila ang "biktima."

Pero SINO po ba ang TOTOONG mga PALAMURA at SINUNGALING?

NAKAKAAWA na lang po ang mga NALOLOKO NILA.

Tuesday, July 28, 2009

Balik Islam nabuking na walang alam

GALIT na GALIT po ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.



Sa POST natin na "Balik Islam mali-mali ang gamit na teksto" ay IPINALIWANAG ko po ang sinasabi ng Exodus 20:3-4 gamit ang ORIHINAL na WIKA sa HEBREO.

Ganito po ang GALIT na GALIT na REAKSYON ng BALIK ISLAM na WALANG MAPATUNAYAN sa mga SINASABI NIYA," MAY PA ORIGINAL-ORIGINAL HEBREO KA PANG NALALAMAN EH SA SIMPLING ENGLISH NA NGA LANG HINDI MO NA MAUNAWAAN EH? HUWAG KA NG MAGYABANG PA MR. CENON BINE BUKING KA NA! ANG YABANG MO! BOBO KA NAMAN!"

"BOBO" daw po ako.

PASENSIYA na po kayo dahil GANYAN po talaga itong mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA. Kapag NASUSUPALPAL ang MALI nilang UNAWA ay NAGMUMURA na lang SILA.

At diyan nga po ay NALANTAD na naman ang KAWALAN NILA ng ALAM.

"SIMPLENG ENGLISH" daw po ay hindi natin nauunawaan?

At bakit po UUNAWAIN sa INGLES e HINDI NAMAN sa INGLES UNANG NASULAT ang Ex 20:3-4.

Ang talata po ay UNANG NASULAT sa HEBREO. SALIN LANG ang INGLES.

Ngayon, dahil MALI-MALI ang SALIN na GAMIT nitong BALIK ISLAM ay TININGNAN NATIN ang ORIHINAL na WIKA sa HEBREO.

Diyan nga po ay NAPATUNAYAN NATIN na PALPAK ang KING JAMES VERSION na PILIT na GINAGAMIT nitong BALIK ISLAM.

NAPATUTUNAYAN din po natin diyan na IGIGIIT ng BALIK ISLAM na ito ang MALI at PALPAK na SALIN dahil ang PALPAK na IYON LANG ang MAKAKASUPORTA sa mga MALI NIYANG SINASABI.

Sa madaling salita, PURO KAPALPAKAN LANG ang ALAM nitong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

Kaya nga po PAGMUMURA na lang ang HIRIT NIYA, hindi po ba?

NAKAKAAWA na lang SIYA.

Sa tingin po ba ninyo ay MAPUPUNTA sa PARAISO ang mga TULAD NIYANG NAGBABATAY sa PALPAK?

Sabagay, ang BATAYAN nga po niya ng PANINIWALA ay ang mga PALPAK, MALI-MALI at KONTRA-KONTRA ring INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA e.

At least po sa pagbabatay niya sa mga PALPAK ay CONSISTENT SIYA.

Wednesday, June 24, 2009

3 days and 3 nights literal ba? (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


BAYOLENTE po ang naging reaksyon ng ilang texter natin sa PAGTUTUWID NATIN sa BALUKTOT na UNAWA ng ISLAMIC DEBATER AHMED DEEDAT sa SIGN OF JONAH.

Diyan kasi ay TINUMBOK natin ang PAGBALUKTOT ni DEEDAT sa sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Matthew 12:38-40.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya." At iyan nga raw po ang Mt 12:38-40.

Diyan ay mababasa natin: "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS bago inilagay sa pusod ng lupa samantalang si Jonas daw ay nanatiling BUHAY sa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Pero MALI nga po ang SINASABI ni DEEDAT. WALA pong SINABI na ang TANDA o SIGN ni JONAH ay ang "PANANATILI NIYANG BUHAY SA TIYAN ng BALYENA.

DAGDAG LANG PO IYAN ni DEEDAT.

HINAMON po NATIN ang mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin na MAGPAKITA ng TALATA na NAGSABI si HESUS na ang TANDA ni JONAS na TINUTUKOY NIYA ay "KUNG PAANONG BUHAY SI JONAS SA TIYAN NG ISDA AY GANOON DIN AKO sa pusod ng lupa."

WALA po SILANG MAIPAKITA kaya yung MGA NAG-REACT sa pamamagitan ng TEXT ay PURO PAGMUMURA NA LANG ANG GINAWA.

At dahil NAPAHIYA na sila sa SABLAY na PAG-UNAWA ni DEEDAT ay HUMANAP ng IBANG PALUSOT ang mga TEXTER nating BALIK ISLAM.

Isa sa pilit nilang dinidikdik ngayon ay ang sinabi ni Hesus na "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sinasabi ng mga texter nating BALIK ISLAM na "MALI" raw ang GINAGAWA ng mga KRISTIYANO sa ngayon na GINUGUNITA ang PAGKAMATAY ng PANGINOON sa ARAW ng BIYERNES at ang MULI NIYANG PAGKABUHAY sa ARAW ng LINGGO.

"LITERAL" daw po kasi ang sinabi ng Panginoon na "3 ARAW at 3 GABI" SIYA sa PUSOD ng LUPA.

Samantala, ang sa mga KRISTIYANO raw ay "KULANG."

Ayon po sa isang texter natin na NAGPAPANGGAP na USTADZ daw siya ay "1 day at two nights" lang daw ang binibilang natin.

Heto po ang text ng NAGPAPANGGAP na USTADZ o ISLAMIC TEACHER. IPAGPAUMANHIN po NINYO ang LITANYA ng PAGMUMURA NIYA.

Masyado po niyang IPINAHAHALATA na WALA SIYANG MAITUTOL sa mga PALIWANAG NATIN kaya sa PAGMUMURA na lang siya PILIT BUMABAWI.

Sabi niya, "Is Friday a day before your known sabbath? Ha? Sagot!"

"Di ba kontra talaga?"

"Ipakita mo ang words na Biyernes mula sa Bibliyang hayop ka! Napakasinungaling mong gago ka!"

"Ilang gabi? Bakit wala bang binanggit si Kristo na 3 nights? Ha?"

"Gago kang tarantado ka! Pati ba si Kristo hirap mong unawain ang mga sinasabi Niya? Ha?"

"Ang sabi ni Kristo 3 DAYS and 3 NIGHTS! Ang linaw eh!"

"Saan sinabi ni Kristo na 1 day at 2 nights? Ipakita mo! Tarantadong ito!"

"Ipinagpipilitan pa nya yang kamangmangan niya at gawin pang mali ang mga malinaw na salita o pangunsusap ni Kristo!"

"Gago ka talaga pati si Kristo kinukontra mong tarantado ka!"

"Ang 1 day at 2 nights na katangahan n'yong alam swak sa pagsalungat sa mismong salita ni Kristo! At ng Bibliya ninyo! Hahahaha!"

Grabe, hindi po ba?

Iyan po ang NAGMAMALAKI sa akin na LIMANG BESES SILA MAGDASAL sa ISANG ARAW.

Minsan po ay naitatanong ko: IYAN KAYA ANG LAMAN NG MGA DASAL NILA SA MAGHAPON? PURO PAGMUMURA?"

Anyway, NATUTUWA na rin po ako dahil ISA IYAN sa mga ANGGULO ng PAGKATAO ng isang BALIK ISLAM na MALAMANG ay ITINATAGO NILA sa MGA TAO.

LUMALABAS po ang TOTOONG UGALI ng isang TAO kapag siya ay NAGAGALIT.

Pero HINDI PO ang TOTOONG UGALI ng TEXTER nating BALIK ISLAM ang ISYU natin sa ngayon kundi ang PAGGIIT NIYA na LITERAL na TATLONG ARAW at TATLONG GABI ang sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Mt 12:38-40.

Sa susunod po nating artikulo ay MAKIKITA NATIN kung tama siya o mali.