KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
NITO pong mga nakaraang araw ay sinilip natin ang mga MALING PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST kaugnay sa INSPIRATION ng BANAL na KASULATAN.
Ang batayan po ng ating pagtingin ay ang mga sinabi ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN na nagsulat sa kanyang libro na may pamagat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.
Diyan po ay ipinakita ni Ehrman ang paniniwala ng mga BORN AGAIN na maging ang PAGKOPYA sa mga MANUSKRITO ng mga KASULATAN ay DAPAT INSPIRADO o KINASIHAN ng DIYOS.
Iyan po ang tinawag nating "ABSOLUTE INSPIRATION" na pinaniwalaan ni Ehrman.
AT dahil po may nakita si Ehrman na pagbabago o pagkakaiba sa pagkopya sa mga KASULATAN ay inisip niya na "hindi galing sa Diyos" ang BIBLIYA.
MALING-MALI po ang PANANAW ni EHRMAN.
Pero sa kabila po niyan ay ginagamit iyan ng mga BALIK ISLAM para ATAKIHIN ang BIBLIYA at ang PANINIWALA ng mga KRISTIYANO rito.
May ilan nga po sa kanila ang nag-text sa atin at ipinagmamalaki na isang "Bible scholar" [si Ehrman] pa raw ang tumalikod sa Kristiyanismo dahil sa nakita raw niya na "marami nang nabago sa Bible."
PAREHO lang po sila kay Ehrman na MALI ang PANINIWALA at PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.
Pero teka po. Kung mali si Ehrman at mali ang mga BALIK ISLAM ay ANO po ba ang TAMA?
PAANO po ba naging INSPIRED ang BIBLIYA?
Ayon po sa paniniwalang Katoliko, ang LAHAT ng KASULATAN at maging ang mga BAHAGI nito ay GALING sa DIYOS.
IKINILOS ng DIYOS ang mga TAONG NAGSULAT ng mga KASULATAN para ISULAT ang mga LAMAN NGAYON ng BIBLIYA.
Sabi nga po sa 2 Peter 1:21, "WALANG PAHAYAG ang ibinigay sa pamamagitan ng KALOOBAN ng TAO; pero sa pamamagitan ng mga tao na IKINILOS ng ESPIRITU SANTO na NAGSALITA BUHAT sa DIYOS."
Ang tinutukoy po riyan ay ang AUTOGRAPHS o ang mga ORIHINAL na mga SULAT at AKLAT na KASAMA ngayon sa BIBLIYA.
HINDI po KASAMA riyan ang PAGKOPYA at mga KUMOPYA sa mga MANUSKRITO.
At dahil HINDI KASAMA sa INSPIRED o KINASIHAN ng DIYOS ang mga KUMOPYA ay nangyari na MAYROON sa kanila ang NAGKAMALI sa PAGKOPYA sa ilang kasulatan.
Iyang PAGKAKAMALI na iyan ng mga KUMOPYA ang ginamit na dahilan ni Ehrman para tumalikod sa PANGINOONG HESUS.
Pero MALI nga po.
HINDI SILA KASAMA sa sinasabing INSPIRED ng DIYOS.
Pero kahit po riyan sa mga NAGKAMALI na iyan ay IPINAKITA ng DIYOS na BINABANTAYAN at GINAGABAYAN NIYA ang mga KASULATAN.
MISMO nga pong si EHRMAN ang NAGSABI na HALOS LAHAT ng mga PAGBABAGO o PAGKAKAMALI na nakita niya ay WALANG KINALAMAN sa THEOLOGY o PANINIWALA sa DIYOS.
At ayon nga po sa BIBLE SCHOLAR na si Dr. DANIEL B. WALLACE ay mga MINOR o WALANG KATUTURAN ang mga nabago o naging pagkakamali.
Mismo rin pong si Ehrman ay nagsabi na HINDI SINASADYA ang mga PAGBABAGO.
Pero teka po. Kung may mga KOPYA po na nabago ang sinasabi dahil nagkamali sa pagkakakopya ay hindi po ba ibig sabihin ay "mali" na rin ang KASULATAN?
HINDI po.
IILAN lang po ang mga KOPYA na sinasabi na may pagkamali sa pagkakakopya. HINDI po LAHAT ay nagkaroon ng PAGBABAGO.
At kung mayroon man pong nabago ang pagbabago ay MADALI ring NAITATAMA dahil MARAMI pa po ang mga MANUSKRITO o mga KASULATAN na TAMA o WALANG MALI.
NAIKUKUMPARA rin po ang mga nabagong mga KOPYA sa iba pang mga KASULATAN ng mga UNANG KRISTIYANO.
Noon pa man po kasi ay uso na ang pag-QUOTE ng mga MANUNULAT sa mga KASULATAN.
Base sa mga QUOTATION nila ay NAITATAMA NILA ang mga PAGKAKAMALI kaya 99 PERCENT po na ACCURATE at TUGMA sa ORIGINALS ang mga KOPYA ng KASULATAN na GAMIT ngayon, LALO na ng IGLESIA KATOLIKA.
Ganoon po yon.