Showing posts with label Ismael hindi kasama sa pangako kay Abraham. Show all posts
Showing posts with label Ismael hindi kasama sa pangako kay Abraham. Show all posts

Monday, December 11, 2017

Ismael at Muslim hindi kasama sa lahi ng tipan ng tuli

KINUKUTYA ng ilang Muslim ang mga Kristiyano dahil hindi raw tuli ang mga ito.

Bawal daw kasi sa mga Kristiyano ang magpatuli ayon sa Galatians 5:2-4.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Muslim na sila ay tuli. Sumusunod daw sila sa tipan ng Diyos kay Abraham, ayon sa Genesis 17:7-13.

Anila, tinuli ang ninuno nilang si Ismael (Gen 17:23-26) kaya kasama na rin daw sila sa tipan ng tuli. Kalahi daw kasi sila ni Ismael.

Ang problema ay mali ang paniniwala ng mga Muslim.

+++

Sa Gen 17:7, sinabi ng Diyos na itatatag Niya ang Kanyang tipan kay Abraham at sa kanyang lahi.


GENESIS 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

Akala ng mga Muslim ay ang ninuno nilang si Ismael ang tinutukoy na "lahi" ni Abraham.

Mali ang Muslim. Hindi si Ismael ang kalahi ni Abraham na magiging katuparan ng tipan ng tuli.

Sa Gen 17:21 ay sinabi ng Diyos na kay Isaac na anak ni Abraham itatatag o pagtitibayin ang tipan. Hindi kay Ismael.


GENESIS 17:21 
Ngunit ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham.

Sa Gen 21:12, sinabi ng Diyos na ang lahi ni Abraham ay kikilalanin kay Isaac. 


GENESIS 21:12
At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't KAY ISAAC TATAWAGIN ang IYONG LAHI.

Kay Isaac kikilalanin ang lahi ni Abraham at hindi isinama ng Diyos si Ismael sa kanyang lahi.

Kaya paano sasabihin ng mga Muslim na kasama sila sa tipan ng tuli kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham?

Maling-mali ang Muslim.

+++

Ang pinakamasakit, hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ayon sa Diyos, si Ismael ay isa lang "alipin." At dahil diyan ay naging madali sa Diyos na palayasin si Ismael at ang nanay niyang si Hagar, na isa ring alipin. (Gen 21:10-12)

Pansinin na sa Gen 21:12 ay sinabi ng Diyos kay Abraham: "Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong ALIPIN."

Sa pananaw na panlupa, si Ismael ay anak ni Abraham. Pero sa pananaw ng Diyos na nagbigay ng tipan ng tuli, si Ismael ay hindi anak kundi isa lang "alipin" ni Abraham.

+++

Isang katibayan na hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay idineklara ng Maykapal sa Gen 22:2 na si Isaac ang "nag-iisang anak" ni Abraham.


GENESIS 22:2
At sinabi ng Diyos, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong BUGTONG NA ANAK na si ISAAC, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.

Para sa Diyos ay bugtong na anak si Isaac. Siya ay nag-iisang anak ni Abraham.

Sa mata ng tao, panganay na anak si Ismael pero sa mata ng Diyos ay walang lugar at walang karapatan si Ismael na matawag na "anak" ni Abraham.

Katunayan, sa simula pa lang ay itinuring nang patay ng Diyos si Ismael.


GENESIS 17:18-19
At sinabi ni Abraham sa Diyos, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
At sinabi ng Dios, HINDI.

So, sorry na lang sa mga Muslim. Walang batayan ang kanilang ipinagmamalaki. Hindi kasama si Ismael sa lahi ni Abraham kaya walang dahilan para sabihin na kasama sila sa tipan ng tuli.

Lumalabas na walang saysay at walang silbi ang ipinagmamalaking tuli ng mga Muslim. Nagsasayang lang sila ng pagod.

Tuesday, October 18, 2016

Tuli: Muslim hindi kasama sa tipan kay Abraham

Muslim kasama sa tuli?
Nagpupumilit ang Muslim na kasama sila sa tuli o tipan ng Diyos kay Abraham.
Mali po ang Muslim. Hindi kasama ang Muslim sa tipan ng Diyos kay Abraham.
Ayon sa Diyos, ang ninuno ng mga Muslim na si Ismael ay "hindi" kasama sa tipan. Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. (Genesis 17:18-19)
Sinabi rin ng Diyos na ang Kanyang tipan ay matutupad sa anak ni Abraham na si Isaac at sa mga anak ni Isaac. (Genesis 17:19)
So, umaasa po sa wala ang mga Muslim.
+++
NAG-POST po ang Muslim dito at ito ang kanyang sinabi:
"Ang pagtutuli ay isang COVENANT between God and Man
ito basa:

Gen 17:
9 And God said to Abraham, “As for you, you shall keep my covenant, you and your offspring after you throughout their generations. 
10 This is my covenant, which you shall keep, between me and you and your offspring after you: Every male among you shall be circumcised. 
11 You shall be circumcised in the flesh of your foreskins, and it shall be a sign of the covenant between me and you.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin, 
11 at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan.


Gen 17:


26 In the selfsame day was Abraham circumcised, and Ishmael his son.
27 And all the men of his house, born in the house, and bought with money of the stranger, were circumcised with him.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


26 Tinuli sila 'Abraham at Ishmael kanyang anak' sa parehong araw, 
27 at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.


So malinaw po na ang pagtutuli ay hindi lamang exclusibo sa kanila bagkus ito ay ipinapatutupad sa lahat na kalalakihan at sa kanilang salinlahi at kasama na pati mga Alipin dahil ito ay COVENANT Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao bilang pagkilala at pagsunod sa Dios!


+++
SAGOT SA MUSLIM:
Sinipi ng Muslim ang Genesis 17 para ipakita na ang tipan daw sa tuli ay "Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao."
Pinalalabas ng Muslim na lahat ng tao ay kasama sa tipan ng Diyos at lahat ng lalake ay dapat tuliin.
Mali po siya.
Batay sa mismong sinipi ng Muslim sa Gen 17:9-10 ay para lang kay Abraham at sa kanyang angkan ang tipan.
Basa po tayo:
Genesis 17:9-10
And God said to ABRAHAM, “As for YOU, YOU shall keep my covenant, YOU and YOUR OFFSPRING after you throughout their generations. 10 This is my covenant, which YOU shall keep, BETWEEN ME AND YOU and YOUR OFFSPRING after you:
Sa Pilipino,
Henesis 17:9-10
9 Sinabi pa ng Diyos KAY ABRAHAM, “IKAW at ang lahat ng SUSUNOD MONG SALINLAHI ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa INYO ay tutuliin,


Kita po ninyo?
Malinaw na para lang kay Abraham at sa lahi niya ang tipan. Walang mababasa na lahat ng tao ang kasama. Walang sinabi na lahat ng lalake ay tutuliin.

+++
ISMAEL HINDI KINILALA NG DIYOS
Ang pag-angkin ng mga Muslim sa tuli ay nakaugat sa ninuno nilang si Ismael, ang anak ng aliping si Hagar.

Ayon sa mga Muslim, tinuli ni Abraham si Ismael (Gen. 17:26) kaya kasama si Ismael -- at ang mga Muslim -- sa tipan ng tuli.

Mali po. 
Si Abraham lang ang nagdesisyon na tuliin si Ismael
Ayon mismo sa Diyos ay hindi kasama sa Kanyang tipan si Ismael.

Sa Gen 17:18-21 ay mababasa natin:

"And Abraham said to God, "O that Ishmael might live in your sight!"
"God said, "No,
"but your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him.
"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation.
"But my covenant I will establish with Isaac, whom Sarah shall bear to you at this season next year."


Ayun. Malinaw sa Gen. 17:18 na nakiusap si Abraham na ituring ng Diyos na "buhay" si Ismael sa Kanyang paningin.

Kung buhay po kasi si Ismael sa mga mata ng Diyos ay patunay iyon na kinikilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. Ibig sabihin din na kasama sa tipan si Ismael.

Ano po ang sagot ng Diyos sa pakiusap ni Abraham na kilalanin si Ismael?

Ang sabi ng Diyos ay "No" o "Hindi."

Ibig sabihin, hindi kinilala ng Diyos si Ismael. At para sa Diyos ay patay si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ngayon, kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


At kung hindi kasama si Ismael sa tipan ng tuli, ay malinaw na hindi kasama ang mga Muslim sa pagtutuli.

Klaro po yan.

+++

Ngayon, heto po ang mas malinaw.

Ayon sa Diyos ay kanino matutupad ang tipan Niya kay Abraham?

Kay Isaac po.


Ayon pa sa Gen. 22:2 ay itinuring ng Diyos si Isaac bilang "nag-iisang anak" ni Abraham.


Sa Gen. 17:19 ay sinabi ng Diyos:

"your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him."


Kay Isaac at sa mga anak ni Isaac natupad ang tipan.

Si Ismael ay hindi anak ni Isaac kaya muli ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


Hindi kasama sa tipan si Ismael. Dahil diyan ay hindi rin kasama ang mga Muslim sa tipan ng tuli.


+++


ISMAEL 'BINASBASAN' NG DIYOS


Pero igigiit ng mga Muslim ang Gen. 17:20



"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation."

Diyan daw ay makikita na "kinilala" ng Diyos si Ismael at "binasbasan" pa siya.


Ang tanong po ay bakit?


Una, binasbasan ng Diyos si Ismael at ginawa siyang dakilang bayan bilang pagbibigay kay Abraham. Sabi nga ng Diyos ay "dininig" Niya si Abraham.


Nakita kasi ng Diyos na mahal ni Abraham si Ismael kaya binigyan din ng Diyos ng konti si Ismael. Iba ang ibinigay sa kanya. Hindi ang tipan.


Pangalawa, pinarami ng Diyos ang lahi ni Ismael at ginawa itong dakilang bayan bilang kapalit ng hindi pagsama sa kanya sa tipan.


Ibig sabihin, sa halip na pagkilala kay Ismael ay pagtataboy sa kanya ang nangyari. Kumbaga, pampalubag-loob kay Ismael ang ginawa ng Diyos.


Para yang kendi na ibinibigay sa bata na hindi isinasama sa pamamasyal ng iba pang miyembro ng pamilya. Para hindi na sumama ang loob.


+++
MUSLIM DESPERADO


Desperado na lang talaga ang mga Muslim na isiksik ang mga sarili nila sa tipan ng Diyos kay Abraham. Kung wala po kasi ang tipan na yan ay wala nang saysay ang tuli nila. Wala na ring saysay ang kanilang pagiging Muslim.

Kaawaan na lang po natin sila.



Thursday, January 17, 2013

Ismael was Rejected by God





Abdul Hakeem Omalay CANNOT ACCEPT the WILL of GOD when GOD REJECTED ISMAEL as a "SON" of ABRAHAM. (GENESIS 17:18-19)

So, Abdul Hakeem is trying to cite the BIBLICAL TEXTS referring to the FIRST-BORN CHILD.

Abdul Hakeem is INSISTING that ISMAEL is the FIRST-BORN CHILD of ABRAHAM.

But the question is: WHO WANTED ISMAEL as the "FIRST CHILD" of ABRAHAM?

WAS it GOD?

NO.

ISMAEL was BORN NOT because GOD WANTED HIM but BECAUSE SARAH and ABRAHAM CHOSE to HAVE HIM.

GENESIS 16:1-3
Now Sarai, Abram's wife, bore him no children. She had an Egyptian slave-girl whose name was Hagar, and Sarai said to Abram, "You see that the LORD has prevented me from bearing children; go in to my slave-girl; it may be that I shall obtain children by her." And Abram listened to the voice of Sarai.

So, after Abram had lived ten years in the land of Canaan, Sarai, Abram's wife, took Hagar the Egyptian, her slave-girl, and gave her to her husband Abram as a wife.

WHO WANTED ISMAEL?

SARAH and ABRAHAM. NOT GOD.

So, IN THE PLAN of GOD, ISMAEL CANNOT BE A PART because HE WAS BORN NOT OUT OF HIS WILL but OUT OF THE WILL of MERE MEN.

+++

YOU will also SEE in GENESIS 16:3 that IT WAS NOT GOD who "GAVE HAGAR" as a "WIFE" of ABRAHAM.

Again, it was ONLY SARAH who GAVE HER SLAVE as her HUSBAND'S "WIFE."

So, ALL THIS is the WILL OF MERE MEN and NOT THE WILL of GOD.

And since YOU BELIEVE in ISMAEL, it shows that YOU ONLY OBEY the WILL OF MEN and NOT the WILL OF GOD. (MATTHEW 15:8-9)

Friday, June 4, 2010

Ismael hindi kasama sa plano ng Diyos

ISA po sa mga IPINAGPIPILITAN ng mga BALIK ISLAM para MAISINGIT ang PROPETA NILA sa Deuteronomy 18:18 ay ang pagiging "KAPATID" daw ni ISMAEL ng mga ISRAELITA.

Si ISMAEL po kasi ang NINUNO ng PROPETA ng mga BALIK ISLAM. IPINIPILIT NILA na "KAPATID" ng mga ISRAELITA si ISMAEL para MAISINGIT ang PROPETA NILA bilang "PROPETA na IBABANGON ng DIYOS MULA SA KAPATIRAN" ng mga ISRAELITA.

Ang MALAKING PROBLEMA ng mga BALIK ISLAM ay HINDI KINILALA ng DIYOS si ISMAEL bilang ANAK ni ABRAHAM. Si ISMAEL ay HINDING-HINDI rin po ISINAMA ng DIYOS sa KANYANG PLANO, PANGAKO at TIPAN para kay ABRAHAM.

Sa Genesis 22:2 ay MABABASA NATIN na HINDI ITINURING ng DIYOS na ANAK ni ABRAHAM si ISMAEL.

Sabi po sa talata:
Then GOD SAID, "Take your son, YOUR ONLY SON, ISAAC, whom you love, and go to the region of Moriah. Sacrifice him there as a burnt offering on one of the mountains I will tell you about."


NAKITA po NINYO?

Sa MISMONG SALITA ng DIYOS ay SINABI NIYA na "NAG-IISANG ANAK" ni ABRAHAM si ISAAC. HINDI KINILALA ng DIYOS si ISMAEL na kung tutuusin ay "PANGANAY" pa dapat ni ABRAHAM.

Ang kaso po ay PARA SA DIYOS ay HINDI ANAK ni ABRAHAM si ISMAEL. ISA LANG SIYANG NAGMULA sa "BINHI" o "LAHI" ni ABRAHAM.

Sabi po ng DIYOS sa Gen 21:13:
"As for the SON OF THE SLAVE WOMAN, I will make a great nation of him also, since he too is your OFFSPRING."

Paki pansin po na HINDI SINABI ng DIYOS na ANAK ni ABRAHAM si ISMAEL. Ang sabi ng DIYOS ay "ANAK NG BABAENG ALIPIN" si ISMAEL.

TINAWAG lang ng DIYOS si ISMAEL na "BINHI" ni ABRAHAM at HINDI ANAK.

Pero bakit po NAGKAGANOON? Bakit HINDI ITINURING ng DIYOS na ANAK si ISMAEL?

HINDI naman po kasi ang DIYOS ang MAY GUSTO na ISILANG si ISMAEL e.

Ang MAY GUSTO po na IPANGANAK si ISMAEL ay si SARAH na ASAWA ni ABRAHAM.

PINANGUNAHAN ni SARAH ang DIYOS kaya PINASIPINGAN NIYA kay ABRAHAM ang ALIPIN NIYANG si HAGAR.

Sabi po sa Genesis 16:1-2:
"Abram's wife Sarai had borne him no children. She had, however, an Egyptian maidservant named Hagar.

"Sarai said to Abram: "The LORD has kept me from bearing children. Have intercourse, then, with my maid; perhaps I shall have sons through her."


NAPANSIN po ba NINYO? SINISI PA ni SARAH ang PANGINOON kaya HINDI SIYA NAGKAANAK.

Tapos, GUMAWA NA ng PANSARILING PASYA at PAGKILOS si SARAH.

WALA SIYANG TIWALA sa DIYOS kaya PINASIPINGAN na NIYA kay ABRAHAM ang ALIPIN NIYANG si HAGAR para doon daw siya magkakaanak.

SINO po ang MAY GUSTO na MAGKAANAK si ABRAHAM doon sa ALIPIN? Ang DIYOS po ba?

HINDI po. Ang MAY GUSTO LANG NIYON ay ISANG TAO na WALANG TIWALA sa DIYOS--si SARAH.

Kaya po MASASABI na si ISMAEL ay BUNGA LANG ng KAWALAN ng TIWALA sa DIYOS at ng PAGMAMARUNONG ng ISANG TAO.

Kaya nga HINDI KATAKA-TAKA na HINDI KINILALA ng DIYOS si ISMAEL bilang ANAK ni ABRAHAM at HINDI RIN ISINAMA sa PLANO NIYA.

Kung NAGTIWALA si SARAH sa DIYOS at NAGHINTAY sa KAGUSTUHAN ng DIYOS ay HINDI SANA IPINANGANAK si ISMAEL. Tama, di po ba?

Pero ang DIYOS ay NAGHIHINTAY LANG ng ORAS kung kailan DAPAT MANGYARI ang DAPAT MANGYARI.

Sa TAMANG PANAHON ay IBINIGAY ng DIYOS kay ABRAHAM ang MINIMITHI NIYANG ANAK, si ISAAC.

Si ISAAC ang GINUSTO ng DIYOS na ANAK ni ABRAHAM. DIYOS ang NAGPASYA na SI ISAAC ang ANAK ni ABRAHAM.

HINDI po TAO ang MAY GUSTO na ISILANG si ISAAC. DIYOS ang MAY GUSTO na si ISAAC ay IPANGANAK at MAGING ANAK ni ABRAHAM.

Kaya naman po noong IBIGAY ng DIYOS ang BIYAYA at PANGAKO kay ABRAHAM ay DOON NIYA PINADAAN sa PAMAMAGITAN ni ISAAC.

Ganito po ang SABI ng DIYOS tungkol kay ISAAC (Gen 17:19, 21):
God replied: "Nevertheless, your wife Sarah is to bear you a son, and you shall call him Isaac. I WILL MAINTAIN MY COVENANT WITH HIM AS AN EVERLASTING PACT, TO BE HIS GOD and the GOD OF HIS DESCENDANTS AFTER HIM."

"But MY COVENANT I WILL MAINTAIN WITH ISAAC, whom Sarah shall bear to you by this time next year."


NAKITA po NINYO?

Ang PANGAKO at TIPAN ay KAY ISAAC at SA MGA ANAK ni ISAAC IBINIGAY ng DIYOS.

MAY NABASA po ba KAYO riyan na PATI MGA ANAK ni ISMAEL ay KASAMA sa TIPAN o KASUNDUAN o sa BIYAYA?

WALA po.

MALIWANAG po ang SABI ng DIYOS: "MY COVENANT I WILL MAINTAIN WITH ISAAC."

"I WILL MAINTAIN MY COVENANT WITH HIM AS AN EVERLASTING PACT, TO BE HIS GOD and the GOD OF HIS DESCENDANTS AFTER HIM."


TINUKOY po ang MGA "DESCENDANTS" o MGA MAGIGING ANAK ni ISAAC. SA KANILA IBIBIGAY ang TIPAN.

HINDI PO KASALI si ISMAEL at ang ANGKAN ni ISMAEL DIYAN.

Kaya po nung sabihin ng DIYOS sa Deut 18:18 na ang PROPETANG IBABANGON ng DIYOS ay MAGMUMULA sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ay DOON LANG sa ANGKAN ni ISAAC MAGMUMULA IYON.

HINDI KASALI ang MULA sa ANGKAN ni ISMAEL.

Iyan po ang ISA NA NAMANG MALIWANAG na DAHILAN kung BAKIT HINDI KASAMA ang PROPETA ng BALIK ISLAM sa TINUTUKOY sa Deut18:18.

Ang PANGAKO at TIPAN ay IBINIGAY ng DIYOS SA LAHI o ANGKAN ni ISAAC at HINDI ISINALI ang ANGKAN ni ISMAEL. Ni HINDI nga KINILALA ng DIYOS si ISMAEL bilang ANAK ni ABRAHAM, di po ba?

Kaya po WALANG PAGLALAGYAN ang PROPETA ng BALIK ISLAM sa Deut18:18. Kaya po WALANG DAHILAN para IPILIT ng mga BALIK ISLAM ang HINDI KASALI sa PANGAKO.

HUWAG na NILANG IPAGSIKSIKAN ang PROPETA NILA dahil WALA SIYANG LUGAR sa Deut18:18.

MASYADO lang NILANG PINAGMUMUKHANG KAWAWA ang PROPETA NILA.