Showing posts with label Hesus: Propetang tulad ni Moises. Show all posts
Showing posts with label Hesus: Propetang tulad ni Moises. Show all posts

Tuesday, September 15, 2009

Deut 18:18 = Propeta ng Islam?

SA KAWALAN po ng MAISAGOT nitong BALIK ISLAM sa tanong natin kung "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA" ay INULIT po NIYA ang PAGGAMIT sa mga TALATA sa BIBLIYA na PINIRATA NIYA.

Ang mga IBINIGAY NIYANG TALATA (Deut. 18:18, 21:21; Psl. 118:22-23; Isaiah 42:1-13; Hab 3:3-4; Matt. 21:42-43; John 14:12-17, 26-28, 16:7-14) ay PATUNGKOL sa PANGINOONG HESUS o sa ESPIRITU SANTO pero IBINIBIGAY po NIYA sa IBA.

NAIPALIWANAG at NAPATUNAYAN na po NATIN ang lahat ng TALATA na ibinigay niya pero MAGANDA pong SURIIN NATIN itong Deut 18:18 kaugnay sa TANONG NATIN na HINDI NIYA MASAGOT.

Ang TANONG po NATIN ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA?"

Sabi ng BALIK ISLAM ang Deut18:18 ay PATUNGKOL sa PROPETA NILA. Gusto pong PALABASIN nitong BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Hmmm, LALAPAT po ba ang Deut 18:18 sa PROPETA ng ISLAM?

Sabi po riyan ng DIYOS kaugnay sa PROPETA na KANYANG SUSUGUIN sa mga ISRAELITA:
"I will raise up for them a prophet like you from among their kinsmen, and [I] WILL PUT MY WORDS INTO HIS MOUTH; he shall tell them all that I command him."

Sabi po ng DIYOS diyan ay SIYA ANG MAGLALAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NA KANYANG SUSUGUIN.

Heto po ngayon ang MAS MAGANDANG TANONG: "DIYOS BA MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NITONG BALIK ISLAM?"

IYAN nga po ang HINDI MASAGOT NITONG BALIK ISLAM e.

HINDI NIYA MASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA. LALO pong HINDI NIYA MASASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA SA BIBIG NG KANILANG PROPETA.

At dahil po HINDI IYAN MAKASAGOT nitong BALIK ISLAM ay NABUBUO NA sa ISIP ng MARAMI na HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA.

Marahil ay WALA NA PO TAYONG PAKIALAM kung SINO MAN ANG NAGSUGO sa PROPETA NILA. Paniniwala nila yon e.

Ang MAHALAGA po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Ang MAHALAGA rin po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA at KAUTUSAN sa BIBIG ng KANILANG PROPETA.

At dahil HINDI MASABI nitong BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA sa BIBIG ng KANILANG PROPETA ay TAMA LANG PO na HINDI TAYO MANIWALA na ang PROPETA NILA ang tinutukoy sa Deut18:18.

IPAGPASALAMAT na lang po natin sa DIYOS na ang SIYA MISMO ang NAGSUGO sa mga PINUNO ng IGLESIA at sa mga UNANG KRISTIYANO.

PURIHIN din po natin ang DIYOS dahil SIYA MISMO ang NAGLAGAY ng SALITA sa BIBIG ng mga UNANG KRISTIYANO.

At dahil po riyan ay masasabi natin na FAR SUPERIOR ang KRISTIYANISMO sa IBA PANG PANINIWALA.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Thursday, August 6, 2009

Balik Islam kinumpirma si Hesus bilang propeta sa Deut 18:18

PURIHIN ang DIYOS!

Naglagay po ng bagong post ang BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS doon sa post natin sa "Balik Islam umamin na anti-Kristo."

Layunin po niya na SIRAAN si HESUS pero LALO lang po niyang INIANGAT ang ating DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

Bilang pasimula po ay WALANG KAMALAY-MALAY itong BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS na KINILALA na niya ang PANGINOONG HESUS bilang PROPETA na TINUTUKOY sa DEUTERONOMY 18:18.

Ang IPINAGPIPILITAN po kasi nila ay ang PROPETA NILA ang sinasabi riyan.

Ngayon ay PINATUNAYAN nitong BALIK ISLAM na ang PANGINOONG HESUS ang PROPETA na KATULAD ni MOISES at HINDI ang PROPETA NILA.

Heto po ang mga PATUNAY na IBINIGAY ng BALIK ISLAM.

SINIPI ng BALIK ISLAM ang sinasabi ng John 6:14.

Ayon mismo sa pagkaka-quote ng BALIK ISLAM ay heto po ang sinasabi ng talata patungkol sa PANGINOONG HESUS:
“ITO NGA ang PROPETA naparito sa Sanlibutan.”

Diyan ay TINANGGAP na ng BALIK ISLAM na SI HESUS NGA ang PROPETA na sinabing DARATING ayon sa Deut 18:18.

Sabi po riyan sa Deut 18:18:
"Aking ibabangon para sa kanila ang ISANG PROPETA katulad mo sa gitna ng kanilang kapatiran; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya."

Paki pansin po na sinabi riyan na ang ISANG PROPETA LANG ang IBABANGON ng DIYOS.

At ayon mismo sa talatang GINAMIT ng BALIK ISLAM ay SI HESUS NA NGA po ang ISANG PROPETA na iyan.

Kung SI HESUS na po ang PROPETA na IBABANGON ay WALA NA PONG IBANG PROPETA na IBABANGON PA.

MARAMING SALAMAT sa BALIK ISLAM na NAGBIGAY ng TALATA na IYAN dahil TINAPOS na NIYA ang USAPIN kung SINO ang PROPETANG KATULAD ni MOISES sa DEUT 18:18.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

At dahil nga po riyan ay sinabi pa sa Jn 7:40 kung saan sinabi na “ang taong ITO NA ANG PROPETA.” (ang BALIK ISLAM din ang NAGBIGAY ng TALATANG IYAN)

IISA na lang po ang PROPETA na HINIHINTAY ng mga ISRAELITA noong panahon ni HESUS, ang PROPETA na KATULAD ni MOISES na tinukoy sa Deut 18:18.

KUMPIRMASYON po iyan sa mga NAUNA nating POST.

Paki tingnan na lang po ang mga post natin na nasa TOPIC LIST sa KALIWA:

- "3 Unlikes nina Hesus at Moises"
- "8 irrefutable arguments"
- "Hesus: Propeta"

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, isa pa pong gusto sanang palabasin nitong BALIK ISLAM ay "TAO LANG" ang Panginoong Hesus.

Nagbigay po siya ng MARAMING TALATA na magpapatunay raw na "TAO LANG" ang KRISTO.

NAGTAGUMPAY po ba siya?

Paki sundan po sa susunod nating post.

Salamat po.

Monday, April 6, 2009

Dt 18:18 dinagdagan para ipilit ang wala

TINATALAKAY po natin ang PAGPUPUMILIT ng isang nagpapakilalang BALIK ISLAM na ILAPAT sa propeta ng Islam ang Deuteronomy 18:18.

Pero tulad po ng naipakita na natin ay MALI po ang kanyang sinasabi.

Sabi po sa Dt 18:18 ay may PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

Pero mismo pong sinasabi ng talata ay HINDI LAPAT sa propeta ng Islam.

Ang sabi po kasi riyan ay "MULA SA GITNA" ng mga ISRAELITA MAGMUMULA ang PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

At MALINAW po na HINDI MULA SA GITNA ng mga ISRAELITA ang propeta ng Islam. Siya po kasi ay isang ISMAELITA o isang ARABO.

Sinabi rin po na ang ibabangon na PROPETA ay KATULAD ni MOISES.

Si Moises po ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

So HINDI na naman po LAPAT iyan sa propeta ng Islam.

At dahil HINDI LALAPAT sa propeta ng Islam ang QUALIFICATIONS na sinasabi sa Dt 18:18 ay ano ang ginawa ng mga nagpupumilit na ilapat sa kanya ang talata?

NAGDAGDAG SILA ng mga qualification na WALA naman sa TALATA.

Ang mga bagay na IDINAGDAG nila ay ang tinatawag nilang "8 Irrefutable Arguments."

Iyan po ay ang sumusunod:

1. Ang pagkakaroon ng tatay at nanay ni Moises.

2. Ang natural na pagkapanganak kay Moises.

3. Ang pagkakaroon ng asawa ni Moises.

4. Ang pagtakwil at kalaunan ay pagtanggap ng mga Israelita kay Moises.

5. Ang pagkakaroon ng "kaharian" ni Moises dito sa lupa.

6. Ang pagbibigay ni Moises ng "bagong batas" sa mga tao.

7. Ang pagkamatay ni Moises.

8. At kung saan nalibing ang bangkay ni Moises.

Subukan po ninyong basahin ang Dt 18:18 kung MAKIKITA ninyo riyan ang mga iyan.

HINDI po.

Bakit po HINDI ninyo MAKIKITA ang mga iyan sa Dt 18:18?

Dahil GAWA at DAGDAG lang po iyan ng mga nagpupumilit na ilapat ang Dt 18:18 sa propeta ng Islam.

Kung tama po ang pagkakaalam ko ay ang debatistang Muslim na si AHMED DEEDAT ang NAG-IMBENTO ng mga IDINAGDAG na IYAN sa Dt 18:18.

Pero ayan na nga po, KAILANGANG IDAGDAG nila ang mga iyan dahil kung ang Dt 18:18 lang po ang pagbabatayan ay HINDING-HINDI LALAPAT ang talata sa propeta ng Islam.

SORRY po.

Pero TAMA BA ‘YUNG GINAWA NILA?

MALI po ‘yon.

IDINAGDAG po iyan ng mga nagpapakilalang Muslim sa Dt 18:18 dahil HINDI po LALAPAT sa propeta ng Islam ang mga katangian na sinasabi sa talata.

Pero kung titingnan po natin ang mga argumento na iyan ay LALAPAT IYAN sa MARAMING TAO.

Puwede nga pong lumapat iyan kay ADOLF HITLER at marami pang ibang DIKTADOR sa mundo.

Paano po kung may alagad si Hitler at gamitin ang "8 irrefutable arguments" na iyan para sa kanya? Baka magsisunuran kay Hitler ang mga tagasunod ng mga argumento na iyan.

Hindi po natin hangad na gawing katatawanan ang mga argumento na iyan pero nagiging KATAWA-TAWA po dahil lumalabas na DESPERADO ang mga gumagamit niyan.

LAHAT IDADAGDAG sa Dt 18:18 mapalabas lang ang WALA naman sa talata.

Ang MASAMA pa, matapos DAGDAGAN ay BINALE WALA naman ang mismong sinasabi ng talata.

HUWAG po sanang maging DESPERADO ang mga humihingi ng KREDEBILIDAD sa BIBLE.

Salamat po.

Sino ba ang propeta sa Dt 18:18?

IPINAGPIPILITAN po talaga ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na ang propeta ng Islam na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Tila suportado niya ang sinabi natin na KUNG WALANG BATAYAN SA BIBLE AY HINDI KAPANIPANIWALA.

Pero huwag po sanang magagalit ang mga Muslim dahil WALA po TALAGA sa BIBLIYA ang inyong PROPETA. SORRY PO.

Sa mga naunang artikulo ay tiningnan na natin ang Dt 18:18 at NAKITA natin na HINDI po ITO TUMUTUKOY sa propeta ng Islam.

Ganito po ang sinasabi sa Dt 18:18, "Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,"

"ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya."

Ang ipinagpipilitan po ng nagpapakilalang BALIK ISLAM ay si Propeta Muhamad daw ang KATULAD ni Moses.

Dahil kinikilala po ng mga Muslim si Propeta Muhammad bilang PROPETA ay IGINAGALANG po natin iyan.

Pero hanggang doon lang po ang pagkakatulad niya kay Moses batay sa Dt 18:18.

Ayon po sa Diyos, ang propetang ibabangon niya ay KATULAD ni MOISES.

Si MOSES ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

Diyan pa lang po ay TAPOS NA ang PAGKAKATULAD ni MOSES at ng propeta ng Islam.

At lalo pa pong makikita na HINDI SILA MAGKATULAD dahil ang sabi pa sa Dt 18:18 ay MANGGAGALING sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ang PROPETA.

Sa ORIHINAL na HEBREO ng Dt 18:18 ang ginamit pong salita para sa KAPATID ay 'ACH.

Ayon po sa Strong's Hebrew Dictionary, sa Number 0251, ang kahulugan ng 'ACH ay:

1. Kapatid sa parehong magulang

2. Kapatid sa ama

3. KAANAK, KALAHI, KAPAREHONG TRIBO

4. Katulad ng pagturing

5. (figurative) Katulad

Sa mga definition po ng salitang 'ACH ay maaring sa ikaapat at sa ikalima lang pumasok ang propeta ng Islam pero TIYAK PO na HINDI IYAN ang gustong ipakahulugan ng Diyos sa Dt 18:18.

Ang maaari lang pong kahulugan ay ang nasa definitions 1 hanggang 3. At diyan po ay HINDI MAAARING KASAMA ang Islamic prophet.

At kaugnay po sa sinasabi ng Dt 18:18 ay ang ikatlong kahulugan ang tinutukoy at diyan po ay HINDI PAPASOK ang kanilang propeta.

HINDI po kasi siya KAANAK o KALAHI o KAPAREHONG TRIBO ng mga ISRAELITA.

Ang mga ISRAELITA ay mga ANAK o KAANGKAN ni ISRAEL (Jacob).

Ang propeta po ng Islam ay ISMAELITA o ARABO at HINDI ISRAELITA.

Ang sinasabi ng ilang Muslim ay "magkalahi" daw ang mga ISRAELITA at mga ISMAELITA dahil galing sila sa iisang NINUNO, si ABRAHAM.

MALINAW na HINDI po IYAN ang TINUTUKOY na KAANAK o KAPATID sa Dt 18:18.

HINDI po SINABI na sa KAPAMILYA ni ABRAHAM MANGGAGALING ang PROPETA.

Kung kay Abraham po kukunin ang kahulugan ng KAPATIRAN, iyan po ay "OVEREXTENSION" ng DEFINITION.

MALINAW po sa Dt 18:18 na ang tinutukoy na KAPATIRAN o ANGKAN na PAGMUMULAN ng PROPETA ay sa ANGKAN o PAMILYA ni ISRAEL.

Sa Dt 5:1 ay mga ISRAELITA ang KAUSAP ni MOISES.

Sabi riyan, "Tinawag ni MOISES ang LAHAT ng ISRAEL at sinabi sa kanila: Makinig, O ISRAEL, ang mga patakaran at kautusan na aking ipinapahayag sa inyong pandinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo at maingat na sila ay sundin."

Muli sa Dt 9:1 ay sinasabi, "Makinig, O ISRAEL!"

Lalo pa pong nagiging malinaw na isang ISRAELITA ang tinutukoy na PROPETA sa Dt 18:18 kung babasahin natin ang sinusundan niyang talata sa Dt 18:15.

Diyan ay sinasabi mismo ni Moises, "Ang Panginoong inyong Diyos ay magbabangon para sa inyo ng ISANG PROPETA na TULAD KO na MULA SA GITNA NINYO; susundin ninyo ang propetang iyon."

Sa ORIHINAL na HEBREO, ang ginamit na SALITA para sa "GITNA" ay QEREB.

Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, ang ibig sabihin ng QEREB ay:

1. Sa PILING, KASAMA, sa LOOB, sa GITNA

A. nasa LOOB ng BAHAGI

a. sa PISIKAL na PAGKAUNAWA

b. sa pag-iisip o damdamin

c. bahagi ng kaisipan o damdamin

B. sa PILING, KASAMA, MULA sa KASAMANG MGA TAO

C. lamang loob (ng isinasakripisyong hayop)

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang PROPETA ay MULA sa LOOB o GITNA o PILING mismo ng mga ISRAELITA na KAUSAP ni MOISES at HINDI sa LABAS tulad ng mga ISMAELITA.

Ano pa nga po at ang tinutukoy riyan ay ISANG ISRAELITA.

So, diyan pa nga lang po ay MALINAW na HINDI LALAPAT kay Propeta Muhammad ang sinasabi sa Dt 18:18.

IGINAGALANG po natin ang PROPETA ng ISLAM kaya gusto po natin na ibigay sa kanya ang nararapat.

Ang Dt 18:18 ay HINDI NARARAPAT sa KANYA kaya huwag po sana iyang ipagpilitan ng ilang mangangaral ng Islam.

May katuloy pa po.