Showing posts with label Koran. Show all posts
Showing posts with label Koran. Show all posts

Friday, April 27, 2018

Jibril o Gabriel: Meron bang anghel na naglahad ng Quran?

PATULOY ang PANINIRA ng ilang MUSLIM sa BIBLIYA habang PILIT nilang ITINATAAS ang QURAN bilang salita daw ng Diyos.

Pero MUSLIM din ang SUMIRA sa QURAN na PINATUNAYAN NILANG HINDI SALITA ng DIYOS.

+++

A. HINDI ALLAH ANG NAGSABI
Ayon sa mismong ARAL ng mga MUSLIM, HINDI ang ALLAH ang NAGSABI ng QURAN sa mga Muslim.

Sabi ng mga MUSLIM, hindi ang Allah ang nagsabi sa kanila ng Quran. IGINIGIIT nila na hindi puwedeng makita o marinig ng tao ang Allah kaya hindi Siya puwedeng makita o marinig ninomang tao.

GINAGAMIT pa ng mga MUSLIM ang ilang TALATA ng BIBLIYA para PATUNAYANG HINDI NAGHAYAG ang DIYOS sa TAO. Kabilang sa mga talata na gamit ng mga Muslim ay ang John 1:18, John 5:37.

So, maliwanag sa sinasabi ng mga MUSLIM na HINDI ALLAH ang NAGSABI ng QURAN sa mga Muslim—kasama na ang kanilang propeta.

Kung hindi Allah ang nagsabi ng Quran sa mga MUSLIM ay masasabi bang salita ng Allah ang QURAN?

Paano magiging salita ng Allah ang isang bagay na hindi naman Niya sinabi? Paano masasabing salita ng Allah ang Quran kung walang nakarinig na Siya ang nagsabi ng mga salita dito?

+++

B. JIBRIL o GABRIEL?
Para mapalabas na "galing" sa Allah ang Quran ay sinasabi ng mga Muslim na ang kanilang aklat ay "ibinigay ng Allah sa pamamagitan ni Anghel Gabriel" na tinatawag din nilang "JIBRIL."

Sa madaling salita ay SINASABI ng mga MUSLIM na HINDI MISMO ang ALLAH ang NAGSABI at HINDI MISMO ang ALLAH ang NAGBIGAY sa QURAN.

Ang malinaw na nagbigay—ayon sa mga Muslim—ay itong "Anghel Gabriel" o "JIBRIL."

Ang tanong: Mayroon bang patunay o saksi na itong Anghel Gabriel ang nagbigay ng Quran sa propeta ng Islam?

Sinasabi sa Quran 2:23, “… CALL YOUR WITNESSES (supporters and helpers) besides Allah, if you are truthful.” [… TAWAGIN NINYO ang INYONG MGA SAKSI, kung kayo ay tapat.]

Ayon mismo sa Quran ay TAWAGIN ang mga SAKSI na MAGPAPATUNAY na itong GABRIEL ang nagbigay ng Quran sa propeta ng Islam.

Meron bang SAKSI?

Ayon sa mga Muslim, WALANG SAKSI nung ibigay daw nitong Gabriel ang Quran sa kanilang propeta. WALANG MAGPAPATUNAY na ibinigay ng “anghel” ang Quran sa kanilang propeta.

Naniniwala at nagtitiwala lang ang mga Muslim sa SINABI ng KANILANG PROPETA.

Ang idinadahilan uli nila ay hindi raw puwedeng makita ng "ordinaryong tao" ang isang anghel.

So, WALANG PATUNAY at WALANG SAKSI na Allah ang nagsabi ng Quran. At WALA RING PATUNAY at WALA RING SAKSI na si Anghel Gabriel ang nagbigay ng Quran.

Kinontra nila ang mismong sabi ng kanilang Quran sa 2:23: “… TAWAGIN NINYO ang INYONG MGA SAKSI, kung kayo ay tapat.”

Lumalabas na HINDI SILA TAPAT.

At nakakatakot yan.

Itinataya nila ang kanilang mga kaluluwa sa isang paniniwala na WALANG PATUNAY at WALANG SAKSI.

Itinataya nila ang kanilang kaligtasan sa SALITA LANG ng kanilang propeta.

Lumalapat diyan ang sinabi ni Hesus sa Matthew 15:9: “in vain do they worship me, teaching human precepts as doctrines.'” [walang saysay ang pagsamba nila sa akin, NAGTUTURO SILA ng mga ARAL at DOKTRINA ng TAO.]

+++

C. HINDI MAKIKITA?
Sinasabi ng mga Muslim, tanging propeta lang ang puwedeng makakita sa “anghel.” Anila, si Gabriel ay HINDI PUWEDENG MAKITA ng ORDINARYONG TAO.

Pero kinontra yan ng mismong tradisyon ng kanilang propeta, ang Hadith.

Sa isang hadith—ang Hadith Jibril—ay sinasabi na NAKITA ng mga ORDINARYONG TAO itong "Anghel Gabriel."

At salungat sa sinasabi ng mga Muslim ay sinabi mismo ng propeta nila ang dahilan kung bakit NAGPAKITA si "Gabriel."

Sinabi ng propeta nila na "That was GABRIEL who CAME TO TEACH THE PEOPLE their religion." [Iyon si GABRIEL na DUMATING PARA ITURO SA MGA TAO ang kanilang relihiyon.] Sahih Hadith Bukhari Book 2, Hadith 47

Ayun, ang layunin daw nitong "Anghel Gabriel" ay magturo sa MGA TAO.

Paano magtuturo itong “anghel” na ito sa mga tao kung hindi siya puwedeng makita at hindi puwedeng marinig ng mga tao?

Malinaw na kontrahan ang sinabi ng propeta ng Islam at ang sinasabi ng mga Muslim.

Mayroong ITINATAGO ang mga Muslim.

At ang mas kapuna-puna ay ipinakikita ng kanilang hadith na PUWEDENG MAKITA ng mga ORDINARYONG TAO itong “anghel” na sinasabi ng kanilang propeta.

PUWEDENG MAKITA. Salungat sa sinabi ng mga Muslim na “HINDI PUWEDENG MAKITA.”

Kaya kataka-taka na sa mahabang panahon—mahigit 20 taon—na nagbibigay daw ng Quran ang “anghel” na ito ay WALA KAHIT ISANG SAKSI na nakakita o nakarinig na nagbigay si Gabriel ng Quran sa propeta ng Islam.

+++

Ang malinaw na lumalabas ay WALANG PATUNAY na ang Quran ay salita ng Allah. WALA ring PATUNAY na may GABRIEL o JIBRIL na nagbigay ng Quran sa propeta ng Islam.

So, WALANG PATUNAY na galing sa Allah ang Quran.

WALA ngang PATUNAY kung merong Anghel Gabriel na nagbigay ng Quran, di po ba?

Kung WALANG PATUNAY dito sa GABRIEL o JIBRIL na NAGBIGAY daw ng QURAN e ano ang dahilan para maniwala sa "anghel" na yan? Ano rin ang dahilan para maniwala sa Quran?

Saturday, December 2, 2017

ISIS, Abu Sayyaf, Maute bakit namumugot, pumapatay, nangki-kidnap?


LAGANAP ang karahasan at gulo sa mundo. Laganap ang terorismo.

Kadalasan, mga Muslim ang nauulat na sangkot sa gulo. Partikular na nababanggit ang ISIS, Abu Sayyaf, Maute at iba pa.

Kilala ang ISIS sa pagsakop sa mga lugar sa Syria at Iraq kung saan balak ng ito na magtayo ng isang Islamic State o Bayan ng Islam.

Ang Abu Sayyaf ay kilalang gumagala sa mga probinsya ng Basilan, Sulu at Tawi-tawi.

Samantala, ang Maute ay alam na kumikilos sa Lanao del Sur. Kailan nga ay sinubukan ng Maute na sakupin ang Marawi City.


+++

Ang tawag sa mga grupong ito ay "Islamist" o "Maka-Islam." Layunin nilang gawing Muslim ang lahat ng tao na nasa ginagalawan at sinasakop nila.

Ang mga hindi Muslim ay kailangang maging Muslim. Ang ayaw umanib sa Islam ay pinalalayas, pinagbabayad ng buwis o pinapatay.

Halos pangkaraniwan nang balita ang pamumugot ng ulo, pagpatay, pananakit o pag-kidnap-for-ransom ng mga Maka-Islam na ito.

Para sa marami, brutal at hindi makatao ang ginagawa ng mga Maka-Islam. Hindi makapaniwala ang marami na magagawa ito ng mga taong nagsasabi na sila ay "maka-diyos."

Sa mata ng marami, tila hindi tugma ang gawain ng mga Islamist o Maka-Islam sa mga turo ng Islam, na sinasabing "Religion of Peace" o Relihiyon ng Kapayapaan.

Ang sabi pa ng ilan ay "anti-Islamic" ang ganyang mga gawain.


+++


Ang hindi alam ng marami, ang pamumugot, pagpatay, pananakit at pag-kidnap-for-ransom ng mga grupong ito ay mababasa sa Koran, ang aklat na itinuturing na banal ng mga Muslim.

Ganito ang mababasa sa Surah (Chapter) 47, Ayah (Verse) 4 ng Koran sa salin ni Muhammad Mohsin Khan:

So, when you meet (in fight - Jihad in Allah's Cause) those who disbelieve, smite (their) necks till when you have killed and wounded many of them, then bind a bond firmly (on them, i.e. take them as captives).

Thereafter (is the time) either for generosity (i.e. free them without ransom), or ransom (according to what benefits Islam), until the war lays down its burden.

Thus [you are ordered by Allah to continue in carrying out Jihad against the disbelievers till they embrace Islam and are saved from the punishment in the Hell-fire or at least come under your protection], but if it had been Allah's Will, He Himself could certainly have punished them (without you).

But (He lets you fight) in order to test some of you with others. But those who are killed in the Way of Allah, He will never let their deeds be lost.


+++
Naniniwala sila ay 'yan ang utos sa kanila ng kanilang aklat kaya tama lang ang kanilang ginagawa.

Sa salin sa Pilipino:
Kaya, kapag nasalubong ninyo (sa labanan - Jihad sa Adhikain ni Allah) ang mga hindi naniniwala, tirahin ninyo ang (kanilang) leeg.

Pagtagal-tagal kapag napatay na ninyo o nasugatan ang marami sa kanila, itali ninyo sila nang mahigpit: pagkatapos ay panahon ng kabutihang loob o pagbabayad ng ransom: hanggang maibaba ang bigat ng digmaan.

Ganoon (kayo ay inuutusan), pero kung niloob ng Allah, Siya na ang tiyak na ang nagparusa sa kanila. Pero (hinahayaan Niya kayong lumaban) upang subukin kayo kasama ang iba pa.

Pero ang mga nasasawi sa Daan ni Allah, hindi Niya hahayaang mawala ang nagawa.

+++ 

Sabi sa Koran 47:4, pugutan ang "Unbelievers" o hindi naniniwala sa Islam. Sa madaling salita ay hindi Muslim.

Iniuutos din diyan ang pagpatay at pagsugat sa mga hindi naniniwala sa Islam. At maging ang pagbihag at pagpapabayad ng ransom ay sinasabi sa talata.

Kaya ang mga nagtataka at nagtatanong kung bakit may balita ng mga Muslim na namumugot, pumapatay o sumusugat o kumi-kidnap-for-ransom ay maaring maliwanagan sa pagbasa nila sa Koran 47:4.

Sa nakararami ay mali ang pagpugot, pagpatay, pananakit at kidnapping. Pero sa mga ISIS, Maute at Abu Sayyaf baka hindi yan masama kundi pagsunod lang sa Koran.

Para sa kanila hindi terorismo ang kanilang gawain kundi pagsunod sa aral ng kanilang relihiyon.

Kung hindi sangayon ang iba sa sinasabi ng Koran ay sundin nila ang tama. Gawin nila ang mabuti. Iwaksi nila ang sa tingin nila ay hindi makatao, hindi maka-Diyos at masamang gawain.

+++

Tandaan natin ang sabi ng Panginoong Hesus sa Mateo 7:15-20: 

“Makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga. Pinipitas ba ang ubas sa tinikan, o ang igos sa dawagan?"

"Sa ganun din, ang bawat mabuting puno ay nagbubunga ng mabuti, pero ang masamang puno ay nagbubunga ng masama.

"Ang mabuting puno ay hindi magbubunga ng masama, ni ang masamang puno ay magbubunga ng mabuti.

"Ang bawat puno na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol at itinatapon sa apoy.

"Sa gayon, makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga."

+++

Alalahanin din ang sabi ni Hesus kung paano makikilala ang tunay na maka-Diyos.

John 13:34-35
Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y magmahalan sa isa't-isa: na kung paanong minahal ko kayo ay magmahalan naman kayo.
Sa ganito'y makikilala ng lahat ng tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagmamahal sa isa't-isa.


Thursday, May 7, 2009

Dapat ba tayong mag-Balik Islam?

KAMAKAILAN po ay inilabas natin ang imbitasyon ng isang BALIK ISLAM para tayo ay mag-BALIK ISLAM din.

Sinabi nga po natin na HINDI na NATIN KAILANGANG mag-BALIK ISLAM dahil NASA KATOTOHANAN at KALIGTASAN na TAYONG mga KRISTIYANO.

Ang KRISTIYANISMO po kasi ang KATUPARAN ng PANGAKONG TAGAPAGLIGTAS sa LUMANG TIPAN.

Samantala, mismong si KRISTO ay NAGSABI na ang mga LILITAW na lang na "MANGANGARAL" at "PROPETA" ay mga HUWAD NA at MANLILINLANG na LANG. (Matthew 24:11, 24)

Sa Mt 24:4-5 ay NAGBABALA pa si HESUS na ang mga BULAAN ay GAGAMITIN pa SIYA at ang PANGALAN NIYA para MAKALINLANG ng mga ITATALIKOD sa KANYA.

Pero dahil GAGAMITIN LANG ng mga BULAAN ang PANGALAN ni HESUS ay MALINAW na ang HESUS NILA ay IBANG HESUS sa TUNAY na HESUS.

Kaya nga sa Galatians 1:8 ay NAGBABALA ang APOSTOL na si PABLO, “Pero kahit kami o isang anghel ang MAGPAPAHAYAG ng isang EBANGHELYO na SALUNGAT sa IPINAHAYAG sa INYO, siya ay SUMPAIN!”

NAG-WARNING si PABLO ng laban sa IBANG EBANGHELYO dahil ang HESUS na IPAPAHAYAG niyan ay IBANG HESUS din.

Halimbawa po ng HUWAD na EBANGHELYO na tinutukoy riyan ay ang tinatawag na GOSPEL OF BARNABAS, kung saan MINALI at BINALUKTOT ang KATOTOHANAN.

Diyan po sa HUWAD na EBANGHELYO na iyan ay HINDI NAPAKO at HINDI NAMATAY sa KRUS si HESUS.

IBANG-IBA ang HESUS ng PEKENG GOSPEL na iyan sa TUNAY na HESUS na nasa mga TUNAY na EBANGHELYO.

So, ang mga TATALIKOD kay KRISTO nang dahil sa HUWAD na GOSPEL na gawa raw ni BARNABAS ay ISINUMPA, ayon kay PABLO.

Kaya nga po ayon din kay HESUS ay DAPAT TAYONG MAG-INGAT sa mga NAGDADALA ng PEKENG EBANGHELYO na ganyan kung saan GAGAMITIN LANG ang PANGALAN NIYA.

Sabi ni Hesus sa Mt 24:25, "Hayan, SINABI KO NA SA INYO BAGO PA MANGYARI."

Ibig sabihin po, kung TATALIKOD pa tayo kay KRISTO sa kabila ng NAGBABALA na SIYA ay PINILI na NATIN ang MAPAHAMAK.

Kaya nga po SALAMAT na lang sa nag-iimbita sa atin na mag-BALIK ISLAM. MAS SUSUNDIN ko po ang SALITA at BABALA ni HESUS kaysa sa imbitasyon niya.

Isa pa ay HINDI ako KUMBINSIDO sa sinasabi na mag-"BALIK ISLAM."

Parang sinasabi niyan na "dati" akong kasapi sa Islam pero umalis lang ako kaya "babalik."

EXCUSE ME lang po pero MALI ang mismong TERMINO na iyan.

HINDI AKO KAILAN MAN NAGING MUSLIM. So, HINDI ko KAILANGANG BUMALIK diyan.

Ang BINABALIKAN lang po kasi ay yung INIWAN. Kung HINDI INIWAN ay HINDI MABABALIKAN. Tama, hindi po ba?

Isa pa po, kung sasabihin man na BABALIK, ang BABALIKAN po ay yung NAUNA.

Kung susuriin po natin ang KASAYSAYAN ng ISLAM at ng KRISTIYANISMO ay MALINAW nating MAKIKITA na NAUNA ang KRISTIYANISMO.

Natatag po ang KRISTIYANISMO noong 33 AD sa HERUSALEM, noong MATAYO ang IGLESIA ng DIYOS sa PAGBABA ng ESPIRITU SANTO sa mga APOSTOL.

Ang ISLAM naman po ay NAGSIMULA noong ika-PITONG SIGLO o nung 610 AD o 600 taon MATAPOS MATATAG ang KRISTIYANISMO.

Ayon mismo sa website ng mga MUSLIM sa http:// www.islamicity.com/education/ihame /default.asp? Destination>/education/ ihame/ 1.asp, ang ISLAM ay NAGSIMULA sa PAGPAPAHAYAG ni PROPETA MUHAMMAD na isinilang bandang 570 AD.

Sinasabi pa riyan na ang unang mga TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.

Unang SIGLO pa lang ay NASULAT na ang LAHAT ng AKLAT ng BIBLE.

So, MALINAW po na NAHULI ang ISLAM sa KRISTIYANISMO.

Paano po babalikan ang NAHULI?

At dahil NAUNA ang KRISTIYANISMO, MARAMI ang TUMALIKOD dito.

So, ang dapat po yata ay BALIK KRISTIYANO, hindi po ba?

Monday, May 4, 2009

3 'Unlikes' nina Hesus at Moises (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

HINDI pa po INILALAGAY ng mga BALIK ISLAM ang sinabi nilang BAGONG HAMON sa akin at sa mga KASAMA kong CATHOLIC DEFENDERS.

Habang inaantay po natin iyan ay sagutin natin ang iba pang pangangatwiran na ibinibigay nila para sabihin na hindi ang Panginoong Hesus ang tinutukoy na PROPETA sa Deuteronomy 18:18. Ang gusto po kasi nilang palabasin ay ang PROPETA MUHAMMAD ang tinutukoy riyan.

SORRY pero HINDI PO.

Pero bago iyan ay tingnan natin itong text sa atin noon at nagtatanong kung bakit "galit" daw tayo sa mga Muslim.

Akala po ng ating texter ay "galit" tayo sa mga Muslim dahil SINASAGOT NATIN ang mga ATAKE ng mga Balik Islam laban sa Bibliya at sa mga Kristiyano.

HINDI po. HINDI AKO GALIT o LABAN sa mga ISLAM o sa mga MUSLIM.

IGINAGALANG po natin ang LAHAT ng RELIHIYON, kasama na ang ISLAM.

Ang ginagawa po natin ay ITINUTUWID natin ang MALING PAGKAUNAWA ng ilang tao sa mga sinasabi ng BIBLIYA. ITINUTUWID din natin ang PANINIRA ng ilan na kesyo "corrupted" na raw ang Bibliya kaya hindi na raw dapat paniwalaan.

INAATAKE po tayo at SINISIRAAN kaya DAPAT LANG PO na SUMAGOT TAYO at ITAMA ang mga MALI NILANG SINASABI.

Halimbawa po sa sinasabi ng Dt 18:18.

Ang Dt 18:18 po ay PARTE ng BIBLIYA na PAG-AARI ng IGLESIANG ITINATAG ni KRISTO kaya NARARAPAT lang po na ITAMA natin kung may gumagamit dito nang MALI.

INIUUTOS po sa atin sa 2 Timothy 4:2, "Ipahayag mo ang Salita, maging handa sa tamang panahon o sa hindi tamang panahon; MAGTUWID KA, SUMAWATA at magpalakas ng loob ng iba na may malaking kahinahunan at maingat na pagtuturo."

Iyan po ang ginagawa natin.

HINDI po natin PINAKIKIALAMAN ang ISLAM, ang KORAN, at si PROPETA MUHAMAD.

Kung nababanggit man sila rito ay dahil BINANGGIT na sila ng mga nag-text sa atin na Balik Islam na NAGTUTURO ng MALI kaugnay sa mga sinasabi ng BIBLE.

Para MAIPILIT nila na si Propeta Muhammad lang tinutukoy sa Dt 18:18 ay NAGDAGDAG sila ng kung anu-anong "argumento" na WALA naman sa TALATA.

Nauna na po nating tinalakay ang inimbento ng Muslim debater na si Sheikh Ahmed Deedat na "8 Irrefutable Arguments" daw. Iyan po ay MALI-MALING BATAYAN ng PAGTUTULAD kay Moises at kay Hesus.

Ngayon po ay ito namang sinasabi nilang "Three Unlikes" daw ni HESUS kay MOISES ang ating susuriin.

GINAWA po ng mga nagpapakilalang Muslim ang "Three Unlikes" na iyan sa hangad nilang pabulaanan ang KATOTOHANAN na si HESUS ang PROPETA na tinutukoy sa Dt 18:18 na KATULAD ni MOISES.

Ang "unlikes" daw po na iyan ay ang sumusunod:

1. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay Diyos si Hesus. Diyan daw po ay "magkaiba" na Siya at si Moises dahil si Moises ay tao.

2. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay namatay si Hesus para sa kasalanan ng mundo. "Magkaiba" raw po sila ni Moises dahil hindi raw po namatay si Moises para sa kasalanan ng mundo."

3. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay nagpunta si Hesus sa impiyerno nang tatlong araw pero si Moises ay hindi nagpunta roon. Dahil daw po riyan ay "magkaiba" raw po sila.

Ang konklusyon tuloy ng mga nagpapakilalang Muslim ay "hindi magkatulad" si Hesus at si Moises.

Mayroon pong nakumbinsi ang mga gumagamit ng "3 unlikes" na iyan dahil tila lumalabas nga po na "may pagkakaiba" sina Hesus at Moises.

Ang tanong ay ito: Kung may "pagkakaiba" sina Hesus at Moises tulad ng gustong ipakita ng "3 unlikes" na iyan, ang "pagkakaiba" ba na iyan ay sa kanilang pagiging PROPETA?

SORRY pero HINDI po.

WALA pong KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina Hesus at ni Moises ang mga "pagkakaiba" na iyan.

Tulad po nitong "unlike" numero 1. Ang PAGIGING DIYOS ni HESUS ay HINDI TUNGKOL sa Kanyang pagiging PROPETA. Iyan ay kaugnay sa Kanyang KALIKASAN.

DINAGDAGAN na naman ng mga nagpapakilalang Muslim ang sinasabi ng Dt 18:18 para MAIPILIT ang gusto nila.

Ang sinasabi po kasing PAGKAKATULAD ni Moises at ng propeta na ibabangon ng Diyos ay sa pagka-PROPETA at HINDI sa KALIKASAN.

Ibig sabihin, kahit pa Diyos si Hesus at tao si Moises kung PAREHO naman silang GUMANAP na PROPETA ay MAGKATULAD pa rin SILA.

Kaugnay naman po sa "unlike" numero 2. HINDI na naman pagka-PROPETA ang IKINUKUMPARA ng mga gumawa ng "unlikes" na iyan kundi ang kabuohang MISYON ni Hesus at ni Moises.

Ang PAGBIBIGAY ni HESUS ng Kanyang BUHAY para sa KAPATAWARAN ng KASALANAN ng lahat ng tao ay BAHAGI ng MISYON NIYA na ILIGTAS ang MUNDO.

HINDI po iyan kasama sa MISYON ni Moises kaya HINDI talaga niya KAILANGANG mamatay para sa mundo.

Pero sa MISYON nila bilang mga PROPETA ay MAGKATULAD na MAGKATULAD SILA.

LALO pong WALANG KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina MOISES at HESUS ang "unlike" numero 3.

HINDI na po BAHAGI ng pagiging PROPETA kung saan man dadaan ang isang propeta sa dulo ng kanyang buhay sa mundo.

So, MALINAW po na tulad ng umano ay "8 irrefutable arguments" ay GINAWA at IDINAGDAG lang ang "3 unlikes" na iyan para KUNWARI ay "may laman" ang sinasabi ng mga gumagamit niyan.

May kasunod pa pong artikulo.

Salamat po.

Monday, April 6, 2009

Propeta pilit isinama sa anila ay ‘basura’

PATULOY po ang ilang nagpapakilalang BALIK ISLAM sa pag-atake at paninira sa BIBLIYA.

Isa po sa sinasabi nila ay “nagkokontra-kontra” raw po ang mga sinasabi ng BIBLE.

Tinalakay na po natin ang mga bagay na iyan at ipinakita natin na ang sinasabi nila ay bunga ng KAWALAN NILA ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga nilalaman ng BANAL na KASULATAN.

Isa po sa sinasabi nila ay mabuti pa raw ang BANAL na KORAN dahil magmula raw po ng ibigay iyon sa Propeta nilang si Muhamad ay “Hindi iyon nabago. Kahit isang tuldok ay INTACT.”

Nag-research po ako tungkol sa bagay na iyan at HINDI po MAGUGUSTUHAN ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ang aking nadiskubre.

KINONTRA po kasi ng isang ISLAMIC WEBSITE ang sinasabi nitong mga nagpapakilalang Muslim.

Iyan po ay sa Islamic website na http://www. submission.org/quran/ warsh.html

Diyan po ay tinatalakay ang ilang VERSIONS ng KORAN at ang ilang PAGKAKAIBA-IBA sa mga VERSION na aklat.

Kung interesado po kayo ay kayo na po ang bahalang pumunta sa website na nabanggit at magpasya kung maniniwala kayo sa sinasabi nila.

Puwede rin po ninyong tingnan ang: http:// www.free-minds.org/articles/science/Which Quran. pdf

Salamat po.

u u u

Ngayon, isa pa pong ipinagpipilitan ng mga nagpapakilalang Muslim ay ang Propeta Muhammad ang tinutukoy sa ilang talata sa Bible.

PASENSIYA na po sa mga MUSLIM pero HINDI PO BINABANGGIT si Propeta Muhammad sa BIBLE.

Hindi po ba mayroon naman kayong KORAN at HADITH. Siguro naman po ay SAPAT na ang mga IYAN bilang patunay sa mga paniniwala ninyo.

Ang kakatwa pa nga po riyan ay SINISIRAAN at INAATAKE ng mga nagpapakilalang BALIK ISLAM ang BIBLIYA tapos ay saka nila IGIGIIT na binanggit daw ang propeta nila rito.

Sabi ng isang nagti-text sa atin, “DATI nang SIRA ang BIBLE.” Dagdag pa niya ay “BASURA lang yan.”

Pagkatapos po niyang tawaging “BASURA” ang BIBLIYA ay saka niya ipipilit na BINABANGGIT ang propeta nila rito sa tinatawag niyang “BASURA.”

Ganoon? BASURA tapos pilit niyang IPINAPASOK ang propeta nila sa ayon sa kanya ay “BASURA?”

Noon po ay pinuna na natin ang gawain nilang iyan.

Sinasabi nilang “CORRUPT” o “MARUMI” ang BIBLE pagkatapos ay GAMIT sila nang GAMIT ng mga TALATA ng BIBLE sa kagustuhan nilang patunayan na “tama” sila.

Hindi po ba kakatwa? Parang KANAL na sinasabi nilang MARUMI tapos ay INIINUMAN NILA.

Kung “BASURA” at “CORRUPT” ang BIBLIYA bakit pa nila ginagamit?

Dapat ay AMININ na lang NILA na napaka-CREDIBLE ng BIBLE.

At kaya pilit nilang ginagamit ang BIBLIYA (sa kabila na sinisiraan nila iyon) ay dahil KUNG WALANG BATAYAN sa BIBLE ay HINDI KAPANIPANIWALA ang isang BAGAY.

Iyan po ang dahilan kung bakit HINDI naman nila KINIKILALA ang BIBLIYA pero PILIT nila itong PINAGBABATAYAN ng ilan nilang gustong patunayan.

At isa nga pong IPINAGPIPILITAN nila ay ang propeta ng Islam ang tinutukoy sa ilang talata ng Bibliya tulad ng Deuteronomy 18:18.

SORRY po talaga pero HINDI po si PROPETA MUHAMAD ang tinutukoy riyan.

At NAPAKALINAW po niyan sa talata.

Ganito po ang sinasabi sa talatang iyan, “Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,”

“ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.”

DALAWA lang po ang CRITERIA o PANUNTUNAN na ibigay riyan para sa tinutukoy na PROPETA.

Una po, iyan ay PROPETA na KATULAD ni MOISES ay MAGSASABI sa mga TAO ng mga IUUTOS ng DIYOS.

Kaya po itinuring na PROPETA si MOISES ay dahil siya ang NAGDALA ng mga UTOS at SALITA ng DIYOS sa mga ISRAELITA.

Pangalawa, ang PROPETA ay MAGMUMULA sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA.

Paano po natin nalaman na mga ISRAELITA ang tinutukoy?

Dahil ang BAYAN na PINANGAKUAN ng DIYOS na BIBIGYAN ng ISANG PROPETA ay mga ISRAELITA. (Dt 17:20, 18:1)

Si Propeta Muhamad po ay kinikilalang PROPETA ng ISLAM pero HINDI po SIYA ISRAELITA.

Dahil diyan MALINAW na HINDI po SIYA ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Kaya HUWAG na po sanang IPAGPILITAN ng ilan na si Propeta Muhamad ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Ituloy po natin ito sa susunod na artikulo.

Tuesday, March 31, 2009

Bibliya dapat pagkatiwalaan

BASAHIN po natin ang text ng isang Muslim. Siya daw po si Baiputi ng Cotabato City.

Sabi ni Baiputi, "Para sa iyo, Cenon Bibe Jr., bakit di mo kaya pag-aralan ang laman ng Holy Qur'an para malaman mo ang pagkakaiba ng Bible at Holy Qur'an."

"Sa Bibliya n'yo may paJohn-John pa kayo at santo-santita pa."

"Bakit di mo paluwain mata mo sa katotohanan na ang Diyos ay di masabing Siya ay bato, bagay o tao? Dahil Siya nga lumikha sa sanlibutan. Maski ikaw sa Kanya ka galing."

"Tandaan mo 'yan pero nililigaw ka ng paniwala mong mali. 'Yan masabi ko sa iyo. Pag-aralan mo ang Qur'an bago ka magsabi na ang Diyos ay nakikita o bato!"

Salamat, Baiputi.

IGINAGALANG ko ang PANINIWALA mo at ng LAHAT ng MUSLIM sa KORAN. HINDI ko TUTUTULAN ‘yan.

NATITIYAK ko na MERON kayong batayan sa paniniwala ninyo sa Koran.

Ngayon, kung naniniwala man ako sa BIBLIYA ay mayroon din akong MATATAG at MATIBAY na BATAYAN sa aking PANINIWALA.

Hayaan mo sanang IPAHAYAG at IPAKITA ko sa iyo ang aking mga BATAYAN.

Una, ang BIBLIYA ay PUNO ng mga KASULATAN na ISINULAT ng mga MISMONG SAKSI o ng mga MISMONG PINAGBIGYAN ng DIYOS ng Kanyang mga KAUTUSAN.

Kasama ang mga SAKSI na iyan sa mga sinasabi mo na "santo-santita." Pero sa amin ay mga SANTO at SANTA ang TAWAG sa KANILA.

Halimbawa, ilan sa mga nagsulat ay sina PROPETA ISAIAH na nagsimulang magsulat noong 742 BC at si PROPETA JEREMIAH na nagsimulang magsulat bandang 629 BC.

Iyan ay sa Old Testament.

Sa New Testament, ang mga SAKSI na NAGSULAT ay sina MATTHEW at JOHN.

Sila ay mga ALAGAD ng PANGINOONG HESUS. Sila ang mga mismong NAKASAMA, NAKAUSAP, NAKINIG at NATUTO sa mga ARAL at GAWA ni Hesus.

Kung may DAPAT PANIWALAAN sa mga nagsasalita patungkol kay Hesus ay SILA ang mga iyon.

At ayon nga kay JOHN — sa Jn 1:1-3, 14 — si HESUS ay ang SALITA na KASAMA ng DIYOS na LUMIKHA sa LAHAT ng BAGAY.

At bilang SALITA, si Hesus ay DIYOS (Jn 1:1) na NAGKATAWANG TAO (Jn 1:14)

Dahil si JOHN ay mismong ALAGAD ni HESUS at SAKSI sa mga SALITA at GAWA ni HESUS, si JOHN ang PANINIWALAAN ko.

MANINIWALA ba tayo, Bai, sa mga tao na HINDI naman SAKSI?

Ngayon, merong mga nagsulat sa Bibliya na hindi saksi pero NAKAUSAP naman nila ang mga SAKSI at ang ISINULAT NILA ay ang mga SINABI ng mga SAKSI.

Halimbawa na nga riyan si LUKE at MARK.

Si MARK ay KASA-KASAMA ni PEDRO at ang Ebanghelyo na isinulat niya ay AYON KAY PEDRO. Si Pedro ay ALAGAD ni HESUS.

Sa kaso ni Luke, sinabi niya na SINURI NIYA ang mga ULAT tungkol kay Hesus at ISINULAT niya ang mga iyon para KUMPIRMAHIN at BIGYANG KATIYAKAN ang mga ARAL tungkol sa Panginoon.

Sabi nga sa Luke 1:1-4, “Marami na ang sumulat patungkol sa mga bagay na natupad sa gitna natin sangayon sa kung paano ito ibinigay sa atin ng MGA SAKSI NA MULA PA SA UNA at ng mga nangaral ng salita."

"Matapos kong SURIIN nang BUONG INGAT ang mga pangyayari magbuhat sa simula, ako man ay nagpasya na isulat ito para sa iyo, kagalang-galang na Teofilo, para makita mo ang KATIYAKAN ng mga itinuro sa iyo.”

Sa madaling salita pa, Bai, ay HIGHLY RELIABLE ang mga sinasabi ng Bibliya.

Katunayan, ang mga sinasabi ng BIBLIYA ay GINAGAMIT na BATAYAN ng mga HISTORIAN sa PAG-ALAM sa KASAYSAYAN ng MIDDLE EAST, partikular sa may lugar ng PALESTINA.

Sa lahat ng mga bahagi ng BIBLIYA, ang pinakahuling aklat ay nasulat bandang 90 AD nasulat. Ibig sabihin ay MALAPIT na MALAPIT pa mismo kay HESUS.

At dahil SULAT ng mga MISMONG SAKSI, NANINIWALA ako na KATOTOHANAN ang mga SINASABI nila.

At kung mismong SAKSI ang NAGSASALITA, MALILIGAW kaya tayo?

Samantala, noong nag-RESEARCH ako tungkol sa KORAN, nalaman ko na NASULAT ito noong panahon ni Propeta Muhammad noong bandang 600 AD o may 500 taon matapos MAGKATAWANG TAO si HESUS.

Alam mo ba iyan, Bai?

u u u

Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang sinasabi mong "bato" o "bagay" ang Diyos. HINDI iyan ARAL ng KRISTIYANISMO, lalo na ng IGLESIA KATOLIKA.

Pero SANG-AYON ako sa iyo na DIYOS ang LUMIKHA ng SANLIBUTAN. Ibig lang sabihin, Bai, ay MAKAPANGYARIHAN SIYA.

At dahil ang DIYOS ay MAKAPANGYARIHAN, MAGAGAWA ng DIYOS na MAGKATAWANG TAO.

Iyon nga ang ginawa ni Hesus. Siya ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO para LUBOS na IPAKILALA ang DIYOS sa Kanyang mga NILIKHA. (Hebrews 1:1-2)

Pero higit pa riyan, naging tao si Hesus para Siya mismo ang MAGLIGTAS sa TAO sa KAMATAYAN.

Sa pamamagitan niyan ay sinasabi ng DIYOS na MAHAL na MAHAL Niya ang TAO.

Sabi nga sa John 3:16, "Ganoon na lang ang pagmamahal ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang bugtong niyang Anak upang ang LAHAT ng SUMAMPALATAYA sa KANYA ay MAGKAROON NG BUHAY NA WALANG HANGGAN."

Para sa akin, Bai, WALA nang TATALO sa MENSAHE na iyan at WALA nang TATALO sa PATOTOO ng BIBLIYA kung tungkol kay HESUS ang PAG-UUSAPAN.

Salamat.

Monday, March 23, 2009

Kailan nagsimula ang Islam?

NAGTANONG po sa atin si Arnel ng Cagayan de Oro City. Sabi niya, "Kailan at saan nagsimula ang Muslim religion?"

Dapat sana ay mga Muslim ang sumagot sa tanong na iyan pero kahit sila-sila ay magkaiba ang sinasabi.

May mga Muslim na naniniwala na ang Islam ay itinatag sa panahon ni Abraham at mayroon naman na naniniwala na ito ay itinatag sa panahon ng Propeta Muhammad.

Kung susundin ang paniniwala kaugnay kay Abraham, lalabas na mayroon nang Islam noon pa lang 2,000 BC.

Ang problema ay walang HISTORICAL RECORD na magpapakita na mayroon nang Islam noon tulad ng alam natin ngayon.

Si Abraham ay mas kilala bilang Ama ng mga Hebreo o Israelita, although sinasabi ng mga Muslim na anak din sila ni Abraham kay Ismael.

Ayon sa Bibliya, si Ismael ay anak ni Abraham sa ALIPIN ni SARA na si HAGAR. (Genesis 16:1-4, 16)

Ibinigay ni SARA--ang ASAWA ni ABRAHAM--ang kanyang ALIPIN para MAANAKAN ito. Hindi kasi nagkakaanak si SARA.

Pero pagdaan ng panahon ay kinainisan ni Sara si Hagar at ito ay PINALAYAS niya at ni Abraham. (Gen 16:9-10, 14)

Mula sa angkan ni ISMAEL nagmula ang mga ARABO na pinagmulan naman ng ISLAM.

Pero kahit pa nabanggit si Ismael ay WALA PONG SINASABI na MAYROON NANG ISLAM noong panahon na iyan.

HISTORICALLY, sinasabi na ang Islam ay sinimulan ni Propeta Muhammad bandang 600 AD. Ito ay 600 taon matapos itatag ni Kristo ang Kanyang Iglesia.

Ayon sa KASAYSAYAN, ang Islam ay unang natatag sa lupain na kilala ngayon bilang Saudi Arabia.

Mababasa po iyan sa http://www.islamicity.com /education/ihame/default. asp?Destination>/education/ihame/1.asp

Ayon po sa website na iyan, ang "IslamiCity is dedicated to advancing information, fostering community, and educating people about Islam."

Sinasabi po riyan na ang PROPETA ng Islam ay ipinanganak noong 570 AD.

Iyan po ay may 540 TAON MATAPOS MATATAG ang IGLESIANG KRISTIYANO sa HERUSALEM.

Sa isa pang bahagi ng Islamicity ay sinasabi na ang mga unang TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.

Dagdag pa ng Islamicity ay noon lang 633 AD naisip ni UMAR IBN AL-KHATTAB na maaaring mawala ang mga pahayag ng Koran.

At matapos noon ay IPINATIPON ni ABU BAKR, ang unang caliph, ang mga nilalaman ngayon ng KORAN.

Kung gusto po ninyong mabasa ang buong artikulo niya ay pumunta lang kayo sa website na:
http://www.islamicity. com/mosque/ihame/Ref1. htm.

Diyan po ay makikita natin na NAUNA ang mga KRISTIYANO at ilang ulit pang binanggit sa KORAN ang mga KRISTIYANO.

Samantala, NEVER BINANGGIT ang ISLAM sa BIBLIYA.

Ganyan po ang KASAYSAYAN ng ISLAM ayon mismo sa mga MUSLIM.