HETO po ang REAKSYON ng isang MUSLIM sa mga KOMENTO natin sa POST natin na "Kailangan ba nating mag-Balik Islam?"
Sabi ng MUSLIM:
regarding dun sa you tube link. naipaliwanag bro ni Dr Zakir Naik ang claim mo, try mong i search sa youtube "Dr. Zakir Naik vs Dr. William Campbell debate" Quran vs bible debate. thanks."
CENON BIBE:
Salamat sa info. Titingnan ko yan.
MUSLIM: at isa pa regarding naman sa creation ayon Kay Yusuf Ali, in summary iba iba ang paraan ng pagkakalikha ng Dios sa tao. Meron itong apat na paraan, una mula sa alabok (no biological father nor mother) gaya ng pagkakalikha kay Adan. Pangalawa, hinugot mula sa tadyang ni Adan, si Eba (biological father only without mother). Pangatlo, si Hesus sa pamamagitan ni Maria (biological mother only without father. at ang pang apat eh kung pano tau nagawa ng parents natin (with father and mother). yung pang huling pakakagawa, yun pinaka controversial para sa Katoliko dahil wala ang detalye nito sa bible, pero nsa Quran na ito (in details) before pang madiskubre ang modern embryology.
CENON BIBE:
Sa sinabi ninyo ay tila KINUKUMPIRMA NINYO ang OBSERBASYON KO na IBA-IBA at SARI-SARI NGA ang PAMAMARAAN ng PAGLIKHA sa TAO, ayon sa pahayag ni YUSUF ALI.
Eto po yung mga tinukoy ni ABDULLAH YUSUF ALI na mga PAMAMARAAN kung paano raw NILIKHA ng DIYOS ang TAO. Puwede po ba ninyong ITAPAT doon sa sinabi ninyong "APAT na PARAAN"? Gusto ko lang po makita nang mas malinaw batay sa pahayag ninyo.
S23:14 at 96:1-2 ay NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa NAMUONG DUGO o "CONGEALED BLOOD."
S25:54. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa "TUBIG." (Ani, YUSUF ALI: It is He Who has created man from water)
S15:26. NILIKHA raw ang TAO mula sa "PUTIK." (Ayon sa INTERPRETASYON ni YUSUF ALI: We created man from sounding clay, from mud moulded into shape.)
S30:20. NILIKHA raw ng DIYOS ang TAO mula sa ALABOK. (Among His Signs in this, that He created you from dust; and then,- behold, ye are men scattered (far and wide)"
MUSLIM: Mali po ang sinabi nyo "Tulad na lang po sa kung paano raw nilikha ang tao. Batay po sa mga INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM ay IBA-IBA at SARI-SARI ang PINANGGALINGAN ng TAO". Hindi po sari-sari at iba iba, kaming mga Muslim ay naniniwala na lahat tayo ay nag mula sa IISANG DIOS na totoo.
CENON BIBE:
HINDI ko po TINALAKAY kung naniniwala kayo kung "nagmula sa IISANG DIYOS" ang tao.
Ang tinalakay ko po ay ang sinabi ni YUSUF ALI na IBA'T-IBA at SARI-SARING PARAAN kung paano raw NILIKHA ng DIYOS ang TAO.
Kung MASASAGOT NINYO ang REQUEST ko sa ITAAS ay MALILIWANAGAN po natin ang mga BAGAY KAUGNAY DIYAN. Kaya sana po ay MAIUGNAY AGAD NINYO ang "apat na paraan" na sinabi ninyo sa mga TINUKOY ni YUSUF ALI na PAMAMARAAN kung PAANO NILIKHA ng DIYOS ang TAO.
MUSLIM: Yung mga na quote nyo mula kay Yusuf Ali ay patunay po lamang na walang tao ang nag edit ng Quran. kalat kalat po kasi ang impormasyon ng pagkakalikha sa tao sa lahat ng sura. hindi po ito binago ng mga iskolar. pero gaya po ng ipinaliwanag ko sa itaas, ang apat na paraan na ito ang kabuuan ng pagkakalikha sa tao
CENON BIBE:
So, KINUKUMPIRMA po ba ninyo na IBA-IBA at SARI-SARI nga ang sinasabi ng KORAN kaugnay sa pagkakalikha sa tao?
Tila KINUKUMPIRMA kasi ninyo na KAYA IBA-IBA ang PAMAMARAAN ng PAGLIKHA ay dahil KALAT-KALAT kasi ang KINALALAGYAN ng IMPORMASYON. Tila ba HINDI ALAM nung NAGSALITA sa ISANG SURA ang SINASABI sa IBA PANG SURAH.
Hindi po ba ayon sa paniniwala ninyo ay iisa ang nagsabi ng mga nilalaman ng Koran? Kung ganoon ay BAKIT NAGKAIBA-IBA PA ang KWENTO kung PAANO NILIKHA ng DIYOS ang TAO?
Sa KRISTYANO po kasi ay MALINAW na IISA LANG ang "PARAAN" na GINAMIT ng DIYOS. NILIKHA NIYA ang TAO MULA sa LUPA. WALANG PAGBABAGO. WALANG PAGKAKAIBA dahil GALING sa IISANG DIYOS ang IMPORMASYON na YAN na SIYA LANG at ang mga TUNAY na NAKAKILALA sa KANYA ang MAAARING MAKAALAM.