Ang tanong ay PAGKAPAMILYA po ba ang TINUTUMBOK ng sinabi riyan ng PANGINOONG DIYOS?
HINDI po.
Heto po ang talata ayon mismo sa pagkakasipi ng BALIK ISLAM:
"FOR MY THOUGHTS ARE NOT YOUR THOUGHTS, NEITHER ARE YOUR WAYS MY WAYS, SAITH THE LORD."
"FOR AS THE HEAVENS ARE HIGHER THAN THE EARTH, SO ARE MY WAYS HIGHER THAN YOUR WAYS, AND MY THOUGHTS THAN YOUR THOUGHTS."
Ang tinutukoy po riyan ng DIYOS ay ang mga PAMAMARAAN at PAG-IISIP NIYA.
SAAN KAUGNAY ang PAMAMARAAN at PAG-IISIP na tinutukoy riyan?
Basahin po natin ang Is 55:7 na siyang SINUSUNDANG TALATA ng sinipi nitong BALIK ISLAM.
Sabi riyan,
"Let the scoundrel forsake his way, and the wicked man his thoughts; Let him turn to the LORD FOR MERCY; TO OUR GOD, WHO IS GENEROUS IN FORGIVING."
Diyan po ay BINIBIGYANG DIIN ng DIYOS ang pagiging MAPAGPATAWAD NIYA at MAAWAIN.
At saka Niya sinabi na "FOR MY THOUGHTS ARE NOT YOUR THOUGHTS, NEITHER ARE YOUR WAYS MY WAYS, SAITH THE LORD."
Ibig sabihin, ang BINIBIGYANG DIIN sa Is 55:8-9 ay ang WALANG HANGGANG AWA ng DIYOS na HINDI LUBOS na MAIINTINDIHAN HINDI LUBOS na MAUUNAWAAN ng TAO.
Sinasabi riyan na ang DIYOS ay HINDI TULAD ng TAO MAG-ISIP pagdating sa PAGPAPATAWAD. At ang mga PAMAMARAAN ng DIYOS sa PAGPAPATAWAD ay HINDI MAUUNAWAAN ng PANGKARANIWANG TAO.
Iyan ang dahilan kung bakit HINDI MAINTINDIHAN ng mga BALIK ISLAM na MISMONG ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO para ILIGTAS ang TAO sa KASALANAN at KAMATAYAN.
Para sa mga BALIK ISLAM ay HINDI PUWEDENG GAWIN ng DIYOS ang GANYAN. "IMPOSIBLE!" sabi pa ng isa sa kanila.
At diyan ay TAMA at TUMPAK ang sabi ng PANGINOONG DIYOS na ang Kanyang mga INIISIP ay HINDI INIISIP ng TULAD ng BALIK ISLAM. Ang KANYANG PAMAMARAAN sa PAGPAPATAWAD ay HINDI PAMAMARAAN ng mga BALIK ISLAM.
Kaya nga po KAHIT ANONG PALIWANAG NATIN sa PAMAMARAAN ng PAGLILIGTAS ng DIYOS ay HINDI MATANGGAP at HINDI MAUNAWAAN ng BALIK ISLAM.
Sa madaling salita po ay isa sa mga SINASABIHAN DIYAN ng DIYOS na HINDI NIYA KATULAD MAG-ISIP ay itong BALIK ISLAM.
Sa kabilang dako, TAYONG mga KRISTIYANO ay NAKAUUNAWA sa PAG-IISIP ng DIYOS dahil IBINIGAY na NIYA sa ATIN ang KANYANG BANAL na ESPIRITU.
Ang ESPIRITU SANTO ang NAGTUTURO at NAGPAPAALALA sa ATIN ng mga ARAL ni KRISTO. (Jn16:13)
Sa madaling salita po ay MALI na NAMAN ang PAGGAMIT nitong BALIK ISLAM sa TALATA mula sa BIBLIYA.
Ang Is 55:8-9 ay HINDI PATUNGKOL sa TINUTUTULAN NIYANG PAGKAKATULAD ng TAO at PAMILYA sa DIYOS.
MALINAW na kasing IPINAKITA ng DIYOS na ITINULAD NIYA ang TAO sa KANYANG SARILI.
Ang Is 55:8-9 ay KAUGNAY sa WALANG HANGGANG AWA at PAMAMARAAN ng DIYOS sa PAGPAPATAWAD sa TAO.
Iyan po yon.
PURIHIN natin ang DIYOS dahil PINAUNAWA NIYA IYAN sa ATIN na mga SUMUSUNOD sa KANYA.
Ang mga HINDI TAGASUNOD ng DIYOS ay NANANATILING HINDI NAKAUUNAWA at HINDI NAKAAABOT sa mga GAWAIN at PAMAMARAAN ng DIYOS.
Salamat po.