Showing posts with label Balik Islam. Show all posts
Showing posts with label Balik Islam. Show all posts

Thursday, March 27, 2014

Balik Islam Dumarami? (Islam Growing?)



(PLEASE SEE ENGLISH VERSION BELOW)

TUWANG-TUWA ang mga MUSLIM kapag nagpo-POST SILA ng mga LITRATO ng mga NAGMU-MUSLIM (o BALIK ISLAM).

Ang TOTOO ay NAKAKAAWA SILA at ang KANILANG NAAAKAY.

TUPAD na naman kasi ang BABALA ni HESUS sa MATTHEW 24:11, 23-26.

At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami. [TINGNAN ang LARAWAN ng NAGMU-MUSLIM bilang PATUNAY]

Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. [SINASABI ng mga USTADZ na ang MESIAS na si HESUS ay MUSLIM. SABI ni HESUS, HUWAG PANIWALAAN. HINDI KAILAN MAN NAGING MUSLIM si HESUS.]

Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. [KAHIT PINILI ay MAARING MAILIGAW ng mga BULAAN. GANOON SILA KAGALING sa PANLILINLANG.]

Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. [MAY PAUNANG BABALA NA si HESUS. Kaya ang MAILIGAW PA rin ay WALA nang DAHILAN sa PAGHUHUKOM.]

Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. [SABI ni HESUS, HUWAG PUMUNTA sa ILANG o DESIERTO. Ang mga NAILIGAW ng BULAAN ay PAPUPUNTAHIN sa DESIERTO dahil BAHAGI raw ng KALIGTASAN. TUTOL si HESUS DIYAN.]

TUPAD na TUPAD ang BABALA ni HESUS.

KAAWAAN ng DIYOS ang KALULUWA ng mga HINDI NAKINIG sa BABALA at NAGPALIGAW.

TULUNGAN NATIN ang mga NAILILIGAW o INILILIGAW.

IPAALAM sa KANILA ang BABALA ni HESUS sa MATTHEW 24:11, 23-26.

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ahmad Sha Untong, Muslims Growing in Number?

MUSLIMS PROUDLY post the PICTURES of NEW CONVERTS to ISLAM.

The TRUTH is THEY are PITIFUL.

Such CONVERSIONS just PROVE the FULFILLMENT of the WARNING of JESUS in MATTHEW 24:11, 23-26.

JESUS WARNED:

And many false prophets will arise and lead many astray. [LOOK at the PICTURE to SEE PROOF of THIS.]

Then if anyone says to you, 'Look! Here is the Messiah!' or 'There he is!'-- do not believe it. [MUSLIM TEACHERS CLAIM that the MESSIAH--JESUS--is a MUSLIM. JESUS SAID, DO NOT BELIEVE THEM. JESUS NEVER BECAME A MUSLIM.]

For false messiahs and false prophets will appear and produce great signs and omens, to lead astray, if possible, even the elect. [FALSE PROPHETS and FALSE TEACHERS are SO DECEPTIVE, THEY could EVEN FOOL the CHOSEN.]

Take note, I have told you beforehand. [This WARNING SHOWS that PEOPLE who will NOT HEED the WARNING WILL HAVE NO MORE EXCUSES on JUDGMENT DAY.]

So, if they say to you, 'Look! He is in the wilderness,' do not go out. If they say, 'Look! He is in the inner rooms,' do not believe it. [CONVERTS to ISLAM would be TOLD to GO to the WILDERNESS (the DESERT) as a REQUIREMENT for GOING to PARADISE in ISLAM. JESUS SAID DO NOT GO to the DESERT.]

MATTHEW 24:11, 23-26 is a CLEAR WARNING.

MAY GOD HAVE MERCY on the SOULS of THOSE WHO DEFY the WARNING and ALLOW THEMSELVES to be MISLED.

LET us PITY THEM by INFORMING THEM of the WARNING of JESUS in MATTHEW 24:11, 23-26.

 

Tuesday, March 5, 2013

Balik Islam 'Dumarami' (Matthew 24:11, 24-26)





MAGANDA itong SINABI ni Mhas Ariman. Aniya,
"cenon hintayen mulang ang uras na ikaw lang natitira sa kristiano parami ng parami ang muslim kyo paliit ng paliit kc ang mag wawali sa enyo puma pasok sa islam hintayen mulng cenon na ekw lng matira s simbahan mo ..."

CENON BIBE:
ALAM MO bang SINABI NA ng PANGINOONG HESUS na MANGYAYARI YAN? DADAMI ang SUSUNOD sa BULAAN at KOKONTI ang mga MANANATILING TAPAT sa DIYOS.

MATTHEW 24:11, 24, 26
And many false prophets will arise and lead many astray.

For false messiahs and false prophets will appear and produce great signs and omens, to lead astray, if possible, even the elect.

So, if they say to you, 'Look! He is in the wilderness,' do not go out. If they say, 'Look! He is in the inner rooms,' do not believe it.
.
.
KITA MO?

Ang TUNAY na TAGASUNOD ng DIYOS ay HINDI DADAMI kundi KOKONTI.

At kung HINDI pa nga PAIIKLIIN ng DIYOS ang mga ARAW ay WALA NANG MALILIGTAS.

MARK 13:20
And if the Lord had not cut short those days, no one would be saved; but for the sake of the elect, whom he chose, he has cut short those days.
.
.
Ang DADAMI ay ang mga NAILIGAW ng mga BULAANG PROPETA.

PANSININ MO rin na ang BABALA ng PANGINOONG HESUS ay LABAN sa NASA "WILDERNESS" o DESIERTO?

SINO bang "PROPETA" ang MULA sa DESIERTO?

Naku. DELIKADO ang mga SUMUNOD sa "PROPETANG" YAN. KASAMA SILA sa NAILIGAW ng BULAAN.

KASAMA SILA sa MAPAPA-IMPIERNO.

+++

ANO naman ang MANGYAYARI sa HINDI SUSUNOD sa BULAAN?

MATTHEW 24:13
[Jesus said,] But the one who endures to the end will be saved.

Ang HINDI MAGPAPALIGAW sa BULAAN ay MALILIGTAS.

PURIHIN ang DIYOS!

So, NATUTUWA KA pa ba, Mhas Ariman?

Wednesday, January 16, 2013

BALIK ISLAM HAS CONDEMNED THEMSELVES TO HELL (JOHN 3:18)




.
.
.
Abdul Hakeem Omalay raised a GOOD POINT. He said,

Pope Says The Non-Christians Can Be Saved Even Without Biblical Faith
Pope says Faith in Christ is NOT Necessary to Salvation! Nonbelievers Too Can Be Saved, Says PopeCode: ZE05113005 | Date: 2005-11-30Refers to St. Augustine's Commentary on Psalm 136(137)VATICAN CITY, NOV. 30, 2005 (Zenit.org)...
By: Muhanid Sulaiman
.
.
.
.
THE POPE is RIGHT: NON-CHRISTIANS can also be SAVED.

HERE is what the CATECHISM of the CATHOLIC CHURCH SAYS about that:

ARTICLE 847
Those who, through no fault of their own, do not know the Gospel of Christ or his Church, but who nevertheless seek God with a sincere heart, and, moved by grace, try in their actions to do his will as they know it through the dictates of their conscience - those too may achieve eternal salvation. (337 LG 16; cf. DS 3866-3872.)

IT is CLEAR that SALVATION can also be had by "[t]hose who, through no fault of their own, do not know the Gospel of Christ or his Church."

So, IT IS FOR THOSE who DO NOT KNOW about CHRIST or the CHURCH.
.
.
.
NOW, how about those who KNOWINGLY and WILLINGLY REJECT CHRIST or TURN their BACKS on the LORD JESUS CHRIST and HIS CHURCH? WILL THEY be SAVED?

THIS is WHAT JOHN 3:16 and 18 SAY.

"For God so loved the world, that He gave His only begotten Son, that whoever believes in Him shall not perish, but have eternal life.

"He who believes in Him is not judged;

"HE WHO DOES NOT BELIEVE HAS BEEN JUDGED ALREADY, because he has not believed in the name of the only begotten Son of God.
.
.
.
JOHN 3:18 refers to THOSE who have HEARD ABOUT the LORD JESUS and DID NOT ACCEPT HIM. THEY have CONDEMNED THEMSELVES.

Now, WHAT ABOUT THOSE--like the BALIK ISLAM--who have BEEN CHRISTIANS but then TURNED THEIR BACKS on the LORD JESUS CHRIST?

THESE PEOPLE, like the BALIK ISLAM, will SUFFER a FAR WORSE FATE meant for those who ALREADY CONDEMNED THEMSELVES to HELL. THEY have ASSURED their ENTRY INTO ETERNAL DAMNATION.

Tuesday, July 28, 2009

Hesus magkukuwento lang?

GUSTO pa po ba ninyo ng HALIMBAWA ng MALING UNAWA ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA at sa PANGINOONG HESUS?

Paki basa po ninyo itong komentaryo niya. Nag-quote siya mula sa John 4:25 ng KING JAMES VERSION.

Sabi niya, "THE WOMAN SAITH UNTO HIM, "Jesus" I KNOW THAT MESSIAS COMETH, WHICH IS CALLED CHRIST; WHEN HE IS COME , HE WILL TELL US ALL THINGS."

"Mga kaibigan magsasalita lamang po at hindi magbubuwis ng buhay ayn sa katangahang alam nitong si Mr. Cenon Bibe! eh di tumpak ang sinasabi ni Kristo mga kaibigan sa John 13:15-16 pakibasa na lamang po mga kaibigan."

Diyan po ay nakikita natin kung paano MAMBALUKTOT ang BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA.

Ugali po niya na PUMUTOL ng mga TALATA at saka niya BIBIGYAN ng OUT OF CONTEXT na PAKAHULUGAN.

Pero bago po ang komentaryo natin ay SALAMAT sa BALIK ISLAM dahil TANGGAP NIYA na ang PANGINOONG HESUS ay ang KRISTO o ang MESIAS.

Ano po ba ang MESIAS?

SIYA po ang PINILI ng DIYOS upang ILIGTAS ang BAYAN ng DIYOS.

PAANO INILIGTAS ng MESIAS na si HESUS ang KANYANG BAYAN?

Siya po ay NAG-ALAY ng BUHAY NIYA sa KRUS.

Pero teka po. Ayon po sa BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA at kay HESUS ay "MAGSASALITA LANG" daw po ang MESIAS. Ibinigay pa niya ang Jn 4:25 at ang Jn 13:15-16.

SINABI po ba riyan na HINDI MAG-AALAY ng BUHAY sa KRUS ang MESIAS?

Kahit sa Jn 4:25 ng MALI-MALING SALIN na KING JAMES VERSION ay WALANG MABABASANG GANYAN.

Ang sabi po riyan ng BABAE ay "WHEN HE [MESSIAH] IS COME, HE WILL TELL US ALL THINGS."

SAAN po SINABI na "HINDI MAGBUBUWIS NG BUHAY" ang MESIAS na si HESUS?

WALA PO.

GUNI-GUNI lang iyan ng BALIK ISLAM na NATUTULIRO NA dahil LAHAT ng SINASABI NIYA ay WALANG PRUWEBA.

Ang sabi riyan ay "HE [MESSIAH=JESUS] WILL TELL US ALL THINGS."

Ibinibigay po riyan ang PATUNAY na kapag DUMATING NA ang MESIAS ay "SASABIHIN NIYA sa atin ang LAHAT ng BAGAY."

PAANO MASASABI ng MESIAS ang LAHAT ng BAGAY?

Dahil SIYA po ay DIYOS na NAKAKAALAM ng LAHAT ng BAGAY na DAPAT MALAMAN ng TAO.

Ngayon, sa Jn 13:15-16 po ba ay SINABI ni HESUS na HINDI SIYA MAGBUBUWIS ng BUHAY?

Sabi po riyan ayon sa NEW AMERICAN BIBLE, "I have given you a model to follow, so that as I have done for you, you should also do."

"Amen, amen, I say to you, no slave is greater than his master nor any messenger greater than the one who sent him."

MAY SINABI po riyan na HINDI MAG-AALAY ng BUHAY si HESUS?

WALA na naman po.

TULIRO na naman po ang BALIK ISLAM na WALANG MAIPAKITANG PRUWEBA sa mga SINASABI NIYA.

Ang tanong po natin ngayon ay MAYROON po bang SINABI si HESUS na MAG-AALAY SIYA ng BUHAY NIYA para sa KANYANG mga TAGASUNOD?

MARAMI po.

Sa Jn 10 ay TATLONG BESES SINABI ng PANGINOONG HESUS SIYA ang MABUTING PASTOL na MAG-AALAY NIYA ang BUHAY para sa KANYANG mga TUPA.

Isa-isahin po natin ang mga iyan.

Sa Jn 10:11 ay SINABI ni HESUS, "I am the good shepherd. A good shepherd LAYS DOWN HIS LIFE FOR THE SHEEP."

Sa Jn 10:15 ay ganito ang sabi Niya, " ... just as the Father knows me and I know the Father; and I WILL LAY DOWN MY LIFE FOR THE SHEEP."

At sa Jn 10:17 ay sabi ng MESIAS, "This is why the Father loves me, because I LAY DOWN MY LIFE in order to take it up again."

NAPAKALINAW po na SABI ni HESUS na MAGBUBUWIS SIYA ng BUHAY para sa mga TUPA NIYA.

GANYAN po MAGPALIWANAG ang isang KRISTIYANO. MAY mga PRUWEBA at PATUNAY.

HINDI po tayo TULAD ng BALIK ISLAM na UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLIYA. PURO lang siya DAGDAG at PAGBALUKTOT sa TALATA.

NABUBUHAY SIYA sa GUNI-GUNI, PANGARAP at MALING PAGKAUNAWA.

Tingnan po ninyo ang sabi ng BALIK ISLAM na WALANG MAPATUNAYAN.

Sabi niya, "Malinaw na malinaw po mga kaibigan GALING MISMO KAY KRISTO, at nagpakilala syang isang PROPHETA. [NASAGOT na po natin iyan sa isa pang POST NATIN. HINDI na ISYU IYAN. Katunayan, si HESUS po ang PROPETANG KATULAD ni MOISES sa Deuteronomy 18:18]"

Dagdag niya, "Ngayon kanino po ba tayo maniniwala mga kaibigan? kay Mr. Cenon Bibe na isang tanga? o sa mismong mga salita ni Kristo mga kaibigan? na nakasulat pa po sa mismong Bibliya nitong si Mr. Cenon Bibe mga giliw a tagasubaybay."

KANINO po KAYO MANINIWALA? Sa PALAMURANG BALIK ISLAM na NAGDAGDAG LANG sa TALATA o KAY KRISTO na NAGSABING IAALAY NIYA ang BUHAY NIYA para sa KANYANG MGA TUPA?

Hindi kaya NAKUKUTYA itong BALIK ISLAM na ito sa SARILI NIYA? PURO SIYA PAG-IIMBENTO at PAGSISINUNGALING.

MAY KALIGTASAN at BUHAY na WALANG HANGGAN po ba ang GANYAN?

NAKAKAAWA na lang SIYA.

Sunday, July 26, 2009

Balik Islam tumalikod kay Kristo

SAGUTIN po natin itong isang tanong ng BALIK ISLAM na nagbigay ng reaksyon sa POST natin sa "Kontra-kontra ng skolar na Muslim No. 1."

Sabi niya, "Kailan tumalikod kay Kristo ang isang dating Kristyano na nagmumuslim? ha? Mr. Cenon Bibe? katangahan mo lamang yang mga dinadaldal mo! BobO ka kasi M. Bibe! na ultimo Bibliya at si Kristo kukontrahin mo maisulong mo lamang yang MAli at Baluktot mong paniniwala!"

Heto po ang sagot.

Ang tao na DATING KUMIKILALA kay KRISTO bilang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS ay TUMATALIKOD KAY KRISTO kapag ITINATWA NIYA ang pagiging DIYOS at TAGAPAGLIGTAS ni ng PANGINOONG HESUS.

NAPAKALINAW po niyan.

Kung ang BIBLIYA pa po ang PANINIWALAAN NATIN ay ISINUMPA NA ang mga TAONG TUMALIKOD kay KRISTO at SUMUNOD sa IBANG KRISTO.

Sa Matthew 24:5 at 23 ay MABABASA NATIN ang ganito:

"For many will come in my name, saying, 'I am the Messiah,' and they will deceive many."

"If anyone says to you then, 'Look, here is the Messiah!' or, 'There he is!' do not believe it."

MALINAW po riyan sa Mt24:5 na MAY DARATING SA NGALAN ni HESUS o GAGAMITIN ang PANGALAN ng PANGINOONG HESUS at MARAMI ang MALILINLANG NIYAN.

Ang mga iyan pong GAGAMIT sa PANGALAN ng PANGINOONG HESUS ay ang mga MAGSASABI na "NANINIWALA" raw sila kay KRISTO pero MAKIKITA NATIN na IBA ang HESUS na DALA-DALA NILA.

Tulad nga po ng pinag-uusapan natin: Ang TUNAY na KRISTO ay DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

Samantala, ang DALA-DALANG KRISTO nitong mga BAGONG LITAW ay isang KRISTO na "PROPETA LANG" o "SINUGO LANG" at "HINDI DIYOS."

Diyan pa lang ay MALINAW nang LUMALAPAT ang BABALA ni HESUS sa Mt24:5.

Ngayon, HETO po ang SABI ni HESUS kaugnay sa mga LILITAW at MAGDADALA ng IBANG KRISTO: "If anyone says to you then, 'Look, here is the Messiah!' or, 'There he is!' do not believe it."

Ayun. HUWAG daw po MANINIWALA kung MAY MAGSASABI ng NAROON sa KANILA si KRISTO o NASA IBANG LUGAR si HESUS.

Ayon po sa PANGINOONG HESUS, ang mga GAGAWA NIYAN ay mga BULAAN.

Noon pa man pong UNANG SIGLO ay ALAM na ng mga APOSTOL na MARAMI ang DARATING at MAGPAPAKILALA ng mga PEKENG KRISTO at PEKENG GOSPEL.

Kaya si PABLO ay NAGBABALA NA sa Galatians 1:8, "But even if we or an angel from heaven should preach (to you) a gospel other than the one that we preached to you, LET THAT ONE BE ACCURSED!"

Kita po ninyo? SINUMPA ang mga MAGDADALA ng IBANG KRISTO.

At isa nga pong HALIMBAWA ng NAGDALA ng IBANG KRISTO ay itong NAG-IMBENTO ng "GOSPEL OF BARNABAS."

IBANG-IBA po ang KRISTO na IPINAKILALA RIYAN. Kesyo HINDI RAW NAPAKO sa KRUS at HINDI NAMATAY para sa KASALANAN ng TAO.

MALINAW na PAGBALUKTOT sa KATOTOHANAN na GINAWA ng PANGINOONG DIYOS.

Kaya po ang MANINIWALA sa KRISTONG HINDI DIYOS at HINDI TAGAPAGLIGTAS ay TUMATALIKOD sa PANGINOONG HESU KRISTO.

At IYAN nga po ang GINAWA ng mga KRISTIYANONG nag-BALIK ISLAM: TINALIKURAN NILA ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS NILA upang MANIWALA sa isang KRISTO na TAO LANG at PROPETA LANG.

Sunday, July 5, 2009

Sa Bible, 3 days and 3 nights hindi literal

ITULOY po natin ang PAGBIBIGAY ng mga PATUNAY na HINDI LITERAL ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" katulad ng sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.

Ito po ay KATULOY ng mga SAGOT NATIN sa PAGPUPUMILIT ng ilang BALIK ISLAM na "LITERAL" daw iyan sa kabila ng WALA SILANG MAIPAKITANG SUPORTA sa kanilang PANG-UNAWA.

Sa mga nakaraan po nating mga POST ay IPINAKITA natin na MISMONG ang PANGINOONG HESUS at ang mga HUDYO ay NAGPATUNAY na MALI ang IGINIGIIT ng KAUSAP nating BALIK ISLAM.

Ipinakita po natin ang PAKAHULUGAN ng PANGINOONG HESUS sa Mt16:21, 17:22-23 at 20:19 kung saan sinabi Niya na siya ay mabubuhay muli "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."

MALINAW po riyan na ang IBIG SABIHIN ni HESUS sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay SAKOP ang TATLONG ARAW. Kaya nga "SA IKATLONG ARAW" ay babangon na Siyang muli.

Sunod po ay ipinakita natin ang PAHAYAG ng MATATALINONG TAO na GUMAWA ng JEWISH ENCYCLOPEDIA.

Diyan po ay INIHAYAG kung PAANO NAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KONSEPTO ng PAGBIBILANG ng mga ARAW.

Ginamit po natin iyan dahil ang PANGINOON ay ISANG HUDYO at ang PANG-UNAWA NIYA sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay KATULAD ng sa mga KAPWA NIYA HUDYO.

At ayon sa mga HUDYO, HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang BILANG para masabi na ISANG ARAW at ISANG GABI.

Anang JEWISH ENCYCLOPEDIA, ang BAHAGI ng ISANG ARAW ay MAITUTURING nang BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

Kaya nga po ang paglibing kay HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG nang ISANG BUONG ARAW (UNANG ARAW at UNANG GABI), ang SABADO na NASA LIBINGAN si HESUS ay BUONG ARAW na rin (IKALAWANG ARAW at IKALAWANG GABI) at ang ILANG ORAS na NASA LIBINGAN si HESUS sa araw ng LINGGO ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW (IKATLONG ARAW at IKATLONG GABI).

Ngayon, sa BIBLIYA naman po tayo tumingin ng KAHULUGAN ng "3 ARAW at 3 GABI."

Diyan ay MAKIKITA NATIN na HINDI LITERAL na 72 ORAS ang KAHULUGAN ng mga salitang iyan.

Simulan natin sa pangyayari kay REYNA ESTHER ayon sa pahayag ng ESTHER 4:16 at 5:1.

Sa Esther 4:16 ay sinabi ni ESTHER, "Humayo kayo at tipunin ang lahat ng mga Hudyo na nasa Susa;"

"mag-ayuno kayo para sa akin, lahat kayo, at huwag kumain o uminom nang TATLONG ARAW, GABI man o ARAW."

"Kami ng mga katulong ko ay mag-aayuno rin SA GANOONG PARAAN."

"At pag handa na ako, PUPUNTA AKO sa HARI, salungat sa batas."

"Kung mamatay ako ay mamamatay ako!"

Paki pansin po na ang PUPUNTA raw si REYNA ESTHER sa HARI kapag nakapag-ayuno na SIYA at ang mga HUDYO ng TATLONG ARAW, GABI man o ARAW.

Tugma iyan sa "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" na pag-aayuno.

Ngayon, LITERAL po bang TATLONG ARAW at TATLONG GABI ang GINAWA NILANG PAG-AAYUNO BAGO SIYA PUMUNTA sa HARI?

HINDI PO.

Ang PATUNAY po riyan ay mababasa natin sa Esther 5:1.

Sabi riyan, "SA IKATLONG ARAW, nagsuot si Esther ng marangyang damit at tumayo sa loob na bahagi ng bulwagan, nakaharap sa palasyo, habang ang hari ay nakaupo sa trono sa loob at nakaharap sa pintuan."

KAILAN po PUMUNTA si REYNA ESTHER sa HARI? PAGKATAPOS po ba ng sinabi niyang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" o 72 ORAS na pag-aayuno?

HINDI PO.

Siya ay NAGPUNTA sa hari "SA IKATLONG ARAW."

72 ORAS na po ba IYAN?

HINDI pa po. PATUNAY na HINDI LITERAL kapag sinabi na "3 DAYS, NIGHT or DAY" o "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Heto pa po.

Sa 1 Samuel 30:12-13 ay mababasa natin ang tungkol sa isang ALIPIN na "3 ARAW at 3 GABI" na hindi kumain. (1 Sam 30:12)

Bakit daw siya hindi kumain ng "3 ARAW at 3 GABI"?

Ayon sa alipin, INIWAN daw kasi siya ng kanyang amo "TATLONG ARAW NA ang NAKALILIPAS."

Diyan po ay makikita natin na sa BIBLIYA, ang "3 ARAW at 3 GABI" ay KASING KAHULUGAN ng "3 ARAW na NAKALILIPAS."

Ang "3 ARAW na NAKALILIPAS" po ba ay LITERAL na 72 ORAS?

HINDI PO.

DAGDAG na PATUNAY po iyan na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at LALONG HINDI LITERAL na 72 ORAS.

So, ayan po. MARAMI nang PATOTOO at PATUNAY na ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa BIBLIYA ay HINDI LITERAL.

MALIWANAG PO na MALI ang IPINAGPIPILITAN ng KAUSAP nating BALIK ISLAM na iyan ay LITERAL.

Ngayon, HULAAN po NINYO kung PAANO SASAGOT ang ating KAUSAP?

UULITIN na lang po NIYA at IGIGIIT ang MALI NIYANG UNAWA.

Ganoon na lang po yon dahil WALA SIYANG MAIPAKIKITANG PRUWEBA na iyan ay LITERAL.

Maraming salamat po.

Thursday, July 2, 2009

Balik Islam umatras na sa Hamon nilang debate

MAYROON pong nag-REPOST ng HAMON ng mga BALIK ISLAM na sina SHAKEEL IBRAHIM at KHALID MABUTE sa mga POST natin sa “Online Debate on 3 days and 3 nights,” “Hudyo alam na hindi literal ang 3 days and 3 nights" at “Is Ishmael an inheritor of God's promise to Abraham?"

AKALA po niya ay HINDI NATIN INASIKASO ang HAMON nina SHAKEEL at KHALID.

PASENSIYA na po ang NAG-RESEND ng POST ng HAMON na iyan.

Para po sa KAALAMAN NINYO ay UMATRAS na PO si SHAKEEL sa KANILANG HAMON.

Iyan na po ang PANGATLONG BESES na UMATRAS ang mga BALIK ISLAM sa HAMON NILANG DEBATE sa mga KATOLIKO.

Ang UNA ay NOONG TUMANGGI si RASHID INDASAN na PANINDIGAN ang HAMON NIYA dahil ang MAKAKAHARAP NIYA ay ang CATHOLIC FAITH DEFENDERS sa CEBU.

Ang IKALAWA po ay nung UMATRAS sina KHALID MABUTE at SHAKEEL IBRAHIM sa ITINAKDA NILANG DEBATE sa UP DILIMAN.

At ang IKATLONG PAG-ATRAS ng mga BALIK ISLAM ay noong IURONG ni SHAKEEL ang KANYANG HAMON.

MABABASA po ninyo ang PAG-ATRAS ni SHAKEEL sa COMMENTS section ng ARTIKULO natin na may pamagat na "Gospel of Barnabas itinatwa ng Muslim."

Iyan po ay nasa ilalim ng PETSANG JUNE 15 sa BLOG nating ito na "SAGOT sa BALIK ISLAM."

Gagawan ko po iyang ng HIWALAY na POST para MAS MABASA NINYO.

Ngayon, kung ang nag-REPOST ng SULAT ni SHAKEEL at KHALID ay HANDANG MAGHAMON ng DEBATE ay WELCOME po KAYO.

MAGPAKILALA lang po kayo para MAI-SET NATIN ang DEBATE na TATLONG BESES NANG INATRASAN ng mga KASAMA NINYO.

Salamat po.

Monday, June 29, 2009

Hudyo alam na hindi literal ang 3 days and 3 nights

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa kahulugan ng mga salitang "3 days and 3 nights" na sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.

Ayon po kasi sa MUSLIM DEBATER na si SHEIKH AHMED DEEDAT at sa mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay LITERAL daw po iyan.

Ang katumbas daw po niyan ay TATLONG 24 ORAS o 72 ORAS (3 x 24).

Tama po ba sila?

Sorry pero MALI PO.

WALA po SILANG MAIPAKIKITA MULA sa BIBLIYA na ang "3 days and 3 nights" ay LITERAL.

Katunayan, nakita na nga po natin sa sinusundan nitong POST na ang PAKAHULUGAN ng mismong PANGINOONG HESUS sa mga salitang iyan ay "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."

Bakit po kaya "SA IKATLONG ARAW" ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Iyan po ay dahil ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at isa ngang IDIOMATIC EXPRESSION o SAWIKAIN.

Ang pinakakahulugan ng SAWIKAIN na iyan ay SUMASAKOP o SUMASAKLAW sa TATLONG ARAW. HINDI KAILANGANG EKSAKTONG 72 ORAS at HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang ISANG ARAW at ISANG GABI.

IPINAKITA na nga po ang PANGINOONG HESUS ang ISA sa mga KAHULUGAN niyan. Ngayon ay tingnan natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" AYON sa GAMIT ng MISMONG mga HUDYO sa loob at labas ng BIBLIYA.

Heto naman po ang mga iyan.

Una, tingnan po natin ang KAHULUGAN ng "ISANG ARAW" ayon sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO.

Ayon po sa JEWISH ENCYCLOPEDIA (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?letter=D&artid=167), ang ARAW daw ay may ILANG KAHULUGAN.

1. Ang ISANG ARAW daw po ay "lasting 'from dawn [lit. "the rising of the morning"] to the coming forth of the stars" (Neh. iv. 15, 17)'" o TUMATAGAL ng "MULA sa BUKANG LIWAYWAY HANGGANG sa PAGDATING ng mga BITUIN."

Sa pagkaunawa natin sa ngayon ay 12 ORAS lang halos iyan. Mula kasi PAGSIKAT lang ng ARAW hanggang sa PAGLUBOG nito o PAGLABAS ng mga BITUIN.

Sa madaling salita, AYON sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO, ang 12 ORAS o BAHAGI LANG ng ISANG ARAW ay PUWEDE NANG BILANGIN na ISANG BUONG ARAW.

2. The term "day" is used also to denote a period of twenty-four hours (Ex. xxi. 21).

PUWEDE rin naman daw po iyan sa 24 ORAS pero nakikita natin na HINDI LANG para sa 24 ORAS.

3. In Jewish communal life PART OF A DAY is at times RECKONED AS ONE DAY.

Ayan po, ang BAHAGI raw po ng ISANG ARAW ay BINIBILANG DIN na ISANG ARAW.

Ibinigay pong halimbawa sa JEWISH ENCYCLOPEDIA ang ARAW ng PAGLILIBING sa isang NAMATAY.

Ayon diyan, "the day of the funeral, even when the latter takes place late in the afternoon, is counted as the first of the seven days of mourning; a short time in the morning of the seventh day is counted as the seventh day."

Sa Pilipino, "ang araw ng paglilibing, KAHIT pa iyon ay NAGANAP sa HAPON, ay BINIBILANG na UNANG ARAW ng pitong araw na pagluluksa; ang KONTING PANAHON sa UMAGA ng IKAPITONG ARAW ay BINIBILANG nang IKAPITONG ARAW."

MALINAW po sa HALIMBAWA na IBINIGAY ng JEWISH ENCYCLOPEDIA na ang KOKONTING ORAS sa ARAW ng PAGLILIBING ay BINIBILANG NANG ISANG BUONG ARAW. Katulad din niyan ay ang KOKONTING PANAHON sa UMAGA ng ARAW ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW.

Diyan po ay MALINAW na nating MAUUNAWAAN ang SINABI ng PANGINOON na "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Sa PAGKAUNAWA pala ng mga HUDYO, nung ILIBING si HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG na iyon na ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

Ang pananatili Niya sa libingan ng BUONG ARAW ng SABADO ay ISANG BUONG ARAW na rin o ISANG ARAW at ISANG GABI.

At ang IILANG ORAS sa ARAW ng LINGGO BAGO SIYA BUMANGON MULI ay BINIBILANG na rin ng mga HUDYO bilang ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

So, BATAY po sa PANG-UNAWA ng mga HUDYO, si KRISTO NGA ay NANATILI sa PUSOD ng LUPA nang "3 ARAW at 3 GABI."

TUPAD na TUPAD ang TANDA na IBINIGAY NIYA sa Mt12:40.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, ALAM ng mga SUMULAT ng mga GOSPEL na MADALING MAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS." Kaya nga po sa APAT na EBANGHELISTA ay TANGING si MATTHEW ang NAGBANGGIT niyan eh.

Bakit po TANGING si MATTHEW LANG ang NAGBANGGIT ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Dahil po ang EBANGHELYO na ISINULAT NIYA ay GINAWA NIYA PARA SA MGA HUDYO.

O, di ba? NAPAKAGALING ng mga SUMULAT ng GOSPELS.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Itutuloy po natin ito sa mga susunod pang POST.

SALAMAT po.

Wednesday, June 24, 2009

3 days and 3 nights literal ba? (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nitong post ay ipinakita natin kung paano MAGMURA ang nagti-text sa atin na BALIK ISLAM dahil HINDI NIYA MATUTULAN ang PAGTUTUWID NATIN sa MALING UNAWA ng isang DEBATER NILA sa sinasabi ng Matthew 12:38-40.

IPINAGPIPILITAN po kasi ng DEBATER na MUSLIM na si AHMED DEEDAT na ang "SIGN" o "TANDA" ni JONAS na tinutukoy ng PANGINOONG HESUS sa Mt 12:38-40 ay ang "PANANATILING BUHAY" ni KRISTO HABANG NASA PUSOD ng LUPA matapos na SIYA ay IPAKO sa KRUS.

Iyan din po ang PAREHONG PANGANGATWIRAN na GINAGAMIT ng ILANG BALIK ISLAM para ITALIKOD ang mga KRISTIYANO sa PANINIWALA sa PANGINOONG HESUS at sa BIBLIYA.

Ang PROBLEMA po ng mga BALIK ISLAM ay WALA SILANG MABABASA sa BIBLIYA na "ANG PANANATILING BUHAY si HESUS habang NASA PUSOD ng LUPA" ang "SIGN" na tinutukoy ng ating Panginoon.

Ang SIGN o TANDA po kasi na sinabi ng PANGINOONG HESUS ay ang "pananatili sa pusod ng lupa nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

WALA po SIYANG SINABI na DAPAT ay BUHAY DIN SIYA kung paanong BUHAY SI JONAS sa TIYAN ng ISDA o BALYENA.

DINAGDAGAN na lang po ni DEEDAT ang SINABI ng PANGINOON para MAKALINLANG SIYA ng mga TAO na KOKONTI ang ALAM sa BIBLIYA o sa PANGANGATWIRAN tungkol sa BIBLIYA.

At dahil nga po NASUPALPAL na natin ang MALING PANGANGATWIRAN na iyan ni DEEDAT ay LUMIHIS ng ATAKE ang mga BALIK ISLAM na PILIT NANINIRA sa BIBLIYA at sa PANINIWALANG KRISITYANO.

Ang IGINIGIIT naman nila ngayon ay LITERAL daw na "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" ang PANGINOON sa PUSOD ng LUPA.

Pero LITERAL nga po ba na ganyan ang PAKAHULUGAN ng PANGINOON sa sinabi Niyang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI?"

SORRY pero HINDI PO.

Ang mga salitang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay isa pong KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ng mga HEBREO.

Ang KAWIKAAN o IDIOMATIC EXPRESSION ay HINDI LITERAL. Ika nga ay KASABIHAN LANG iyan.

Parang sa atin pong PILIPINO. Kapag sinabi natin na MAGHAPON AT MAGDAMAG TAYONG NAGHINTAY ay NANGANGAHULUGAN po ba na LITERAL na 24 ORAS TAYONG NAGHINTAY?

HINDI PO.

BINIBIGYANG DIIN lang po natin na SERYOSO TAYONG NAGHINTAY sa isang PARTIKULAR na ARAW.

MATATAWA po tayo kung SASABIHIN nino man na LITERAL na 24 ORAS ang KAHULUGAN ng "MAGHAPON AT MAGDAMAG."

Sa mga HEBREO naman po, ang TATLONG ARAW at TATLONG GABI ay isang KAWIKAAN na ang KAHULUGAN ay TUMAGAL ng TATLONG ARAW ang isang BAGAY.

At kaugnay nga po sa sinasabi ng Mt 12:40, iyan ay NAGSASABI na TATLONG ARAW ang SAKOP o SAKLAW ng PANANATILI ni HESUS sa PUSOD ng LUPA.

At IYAN nga po ang NANGYARI: TATLONG ARAW ang NASAKLAW ng PANANATILI ni HESUS sa ILALIM ng LUPA matapos na SIYA ay MAMATAY sa KRUS.

NAMATAY po SIYA at NALIBING sa araw ng BIYERNES (UNANG ARAW). NANATILI SIYA sa LIBINGAN sa araw ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at NABUHAY na MULI sa araw ng LINGGO (IKATLONG ARAW).

NAPAKALINAW, hindi po ba?

Katunayan, WALA tayong MABABASA sa BIBLIYA, partikular sa NEW TESTAMENT, na MAY UMUNAWA sa "tatlong araw at tatlong gabi" bilang LITERAL na 72 ORAS.

Mga WALANG ALAM LANG sa BIBLIYA at mga NAGMAMARUNONG ang MAGPIPILIT sa PANG-UNAWA na iyan.

Ngayon, PAANO BA IYAN NAUNAWAAN ng mga TAO sa BIBLIYA?

Iyan ay INUNAWA bilang NANGANGAHULUGAN ng "SAKLAW ang TATLONG ARAW."

Kaya nga KARAMIHAN ng TALATA na KAUGNAY sa PANANATILI ni HESUS sa PUSOD ng LUPA ay nagsasabi na NABUHAY SIYA sa IKATLONG ARAW.

MISMONG si HESUS ay "SA IKATLONG ARAW" ang PAKAHULUGAN sa sinabi Niya sa Mt 12:40 na 'TATLONG ARAW AT TATLONG GABI."

Heto ang sabi ni HESUS ayon sa Mt16:21, "Mula sa oras na iyon ay sinimulan ni Hesus na ipaliwanag sa kanyang mga alagad na kailangan niyang pumunta sa Herusalem at magdusa nang marami sa kamay ng matatanda, punong pari, at mangangaral ng batas, at na kailangan na siya ay PATAYIN at SA IKATLONG ARAW ay MABUHAY na MULI."

Sa Mt 17:22-23 ay ganito ang mismong sinabi ng Panginoon, "IPAGKAKANULO ang ANAK NG TAO sa KAMAY ng mga TAO."

"SIYA ay PAPATAYIN NILA, at SA IKATLONG ARAW ay BUBUHAYIN SIYANG MULI."
KITA po ninyo?

Ganoon din ang PAKAHULUGAN ni HESUS sa Mt 20:19.

Sinasabi po riyan, "At siya ay ibibigay nila sa mga Hentil upang alipustain, at hampasin, at ipako sa krus; at SA IKATLONG ARAW siya ay IBABANGON MULI."

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

NAPAKALINAW PO ng PAKAHULUGAN ni KRISTO sa "3 DAYS and 3 NIGHTS" sa Mt 12:38-40.

Para sa KANYA, ang KATUMBAS NIYAN ay "SA IKATLONG ARAW."

Ayon kay DEEDAT at sa mga NAPANIWALA NIYA sa MALI NIYANG PAGKAUNAWA ay LITERAL daw ang PAKAHULUGAN ni HESUS sa "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Ang tanong nga po natin ay "NASAAN ANG PATUNAY NA LITERAL ANG PAKAHULUGAN DIYAN NI HESUS?" "MERON BANG PRUWEBA NA LITERAL ANG IBIG NIYANG SABIHIN DIYAN?"

WALA PO.

Kung paano po DINAGDAGAN at BINALUKTOT ni DEEDAT ang KAHULUGAN ng TANDA o SIGN OF JONAH ay GANOON DIN DINADAGDAGAN at BINABALUKTOT ng ILANG BALIK ISLAM ang PAKAHULUGAN ng BIBLIYA sa "3 DAYS and 3 NIGHTS."

May mga ANONYMOUS na NAG-REACT sa naunang POST NATIN at IPINAGMAMALAKI NILA na MAY PRUWEBA RAW SILA sa mga SINASABI NILA.

KUNG TOTOO po ang IPINAGMAMAGALING NILA ay PAKI TUKOY PO ang mga PATUNAY NA IYAN.

HUWAG po KAYONG TUMULAD kay DEEDAT na NAG-IMBENTO at NAGDAGDAG LANG sa SINASABI at PAKAHULUGAN ng TALATA. MAGPAKITA PO KAYO ng SUPORTANG TALATA na LITERAL NGA na "3 DAYS and 3 NIGHTS" ang sinabi ng Panginoon sa Mt 12:38-40.

At habang NAGHAHANAP po KAYO ng ISUSUPORTA sa MALING UNAWA ni DEEDAT ay TATALAKAYIN pa po natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS."

MALAWAK po KASI ang KAHULUGAN NIYAN. PATUNAY LANG na HINDI IYAN LITERAL.

Paki ABANGAN po sa mga SUSUNOD pa nating POST.

Salamat po.

Tuesday, June 23, 2009

Crucifixion o cruci-fiction: The Sign of Jonah

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA ILANG nauna nating POST (Crucifixion o cruci-fiction) ay tinalakay natin ang mga MALING UNAWA ng isang MUSLIM DEBATER (si SHEIKH AHMED DEEDAT) sa mga sinasabi ng BIBLIYA na ginamit niya para PABULAANAN na ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY sa KRUS at MULING NABUHAY.

Ituloy po natin ang pagsuri sa mga DAHILAN ni DEEDAT para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya."

Ganoon? Totoo ba ang sinabi ni DEEDAT?

SORRY pero HINDI PO. NAGKAKAMALI po SIYA.

Ang tinutukoy pong propesiya raw ng Panginoong Hesus na "HINDI NATUPAD" ay ang sinabi ng Kristo sa Matthew 12:38-40.

Ganito po ang sinasabi riyan, "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

GANOON? At PAANO NAMAN DAW PO PINATUNAYAN ng mga KRISTIYANO na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN?

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS. E, ANO RAW BA ang NANGYARI kay JONAS? NAMATAY raw ba si JONAS nung NASA TIYAN nung BALYENA?

HINDI, ani DEEDAT. Si JONAS ay BUHAY habang nasa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Samakatuwid, diin ni DEEDAT, "HINDI MAGKATULAD ang NANGYARI kina JONAS at HESUS ... MALI ang SINABI ni HESUS." GANOON?! Kung AANTOK-ANTOK at HINDI TATALASAN ng NAKIKINIG ang KANILANG ISIP ay MAPAPABILIB SILA sa mga SINASABI ni DEEDAT.

Baka masabi pa nila, "Oo nga naman ... Buhay si Jonas samantalang si Hesus ay PATAY nung INILAGAY sa TIYAN ng LUPA."

Pero TEKA LANG PO!

Maitanong nga natin: Doon ba sa sinabi ni HESUS na TANDA na TULAD ng KAY JONAS ay TINUKOY NIYA ang KALAGAYAN NILA ni JONAS habang SILA ay nasa TIYAN ng ISDA at ng LUPA?

IYAN po ba ang TANDA na TINUKOY ni HESUS?

BASAHIN po ULI NATIN ang SINABI ng PANGINOON sa Mt 12:40.

Sabi riyan ng Panginoon, "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ano po ang TANDA?

Ang TANDA ay ang PANANATILI ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA. IYAN ang TANDA na magiging KATULAD ng kay HESUS.

VERY SPECIFIC po IYAN sa SINABI ng PANGINOON. WALANG LABIS, WALANG KULANG.
MAY SINABI po ba na ang TANDA ay "Kung ANO ang KALAGAYAN ni JONAS at ni HESUS [BUHAY o PATAY]?"

WALA po. HINDI po iyan ang TANDA.

E, SAAN PO IYAN GALING?

Saan pa po? E, di sa ISIP ni DEEDAT at sa ISIP ng mga KASAMA NIYANG BALIK ISLAM o ISLAMIC REVERTS na PILIT MINAMALIIT ang PAGLILIGTAS na GINAWA ni KRISTO.
Sa madaling salita ay INIMBENTO NILA IYAN at IDINAGDAG doon sa TANDA na SINABI ni HESUS.

ANO ULI yung TANDA na SINABI ni HESUS?

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ang TANDA ay yung PAGPASOK ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA at ang PANANATILI NIYA ROON nang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sa PARTE naman ni HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" naman SIYA sa TIYAN ng LUPA.

NANGYARI po ba yan?

OPO. Si KRISTO po ay INILIBING sa ARAW ng BIYERNES (ang UNANG ARAW), NANATILI roon ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at BUMANGON MULI sa ARAW ng LINGGO (sa IKATLONG ARAW).

NATUPAD po ba yung TANDA na SINABI ni HESUS sa Mt 12:38-40?

OPO! NAPAKALINAW!

Ang problema po rito kay DEEDAT at sa mga kasama niyang BALIK ISLAM ay MAHILIG SILA MAGDAGDAG sa mga SINASABI ng BIBLIYA. Pagkatapos ay YUNG IDINAGDAG NILA ang KANILANG INAATAKE.

Naaalala po ba ninyo yung "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" daw na patunay na ang PROPETA NILA sa ISLAM ang "propetang tulad ni Moises?"

HINDI po ba IDINAGDAG DIN LANG NILA ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" na iyan sa sinasabi ng Deuteronomy 18:18 para mapalabas na ang propeta nila ang tinutukoy riyan?
HINDI MAGANDA at HINDI TAMA ang GINAGAWA nitong si DEEDAT at ng mga KASAMA NIYA.

MAY HALO pong PANLILINLANG at PANLALANSI ang kanilang mga SINASABI.
Ang masakit at nakakalungkot ay MARAMI SILANG NAPAPANIWALA sa MAPANLINLANG NILANG PAMAMARAAN. MARAMI SILANG NAILILIGAW.

Wednesday, June 3, 2009

Corrupt na 'gospel' natagpuan na

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


PATULOY po nating suriin ang sinasabi ng ilang BALIK ISLAM LABAN sa BIBLIYA.

IPINAGPIPILITAN ng ilan na SIRAIN ang KREDEBILIDAD ng BIBLIYA. At iyan po ay para SIRAIN ang PANINIWALA natin kay KRISTO na ating DIYOS at PANGINOON.

Sinasabi ng ilang BALIK ISLAM na UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLE ay "corrupt" na raw po ito. May mga nabago at binago na raw rito.

Sa kabilang dako ay may ilang BALIK ISLAM na NANINIWALA naman sa "Gospel of Barnabas" na NAPATUNAYAN na ng mga ISLAMIC at BIBLE SCHOLARS na isang PEKE o HUWAD.

Pero naipakita po natin na MULA pa NOONG UNA ay CONSISTENT at TUGMA ang mga sinasabi ng BIBLIYA.

Kahit po basahin natin ang LAHAT ng mga KASULATAN ay makikita natin na LAHAT IYAN ay NAGPAPATOTOO sa DIYOS na NAGKATAWANG TAO, NAPAKO sa KRUS at NABUHAY MULI.

IYAN po ang IISANG TEMA ng mga KASULATAN.

Ang pilit pong tinututukan ng mga umaatake sa Bibliya ay ang mga "pagbabago" raw sa mga KOPYA ng mga Kasulatan sa pagdaan ng panahon.

Pero sa atin pong pagsusuri ay nakita natin na ang mga "nabago" ay mga MALILIIT na BAGAY na HINDI man lang NAKAAPEKTO sa MENSAHE o ARAL ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay WALANG CORRUPTION na nangyari sa BIBLIYA.

Pero sa akin pong pagsusuri ay nadiskubre ko na MAYROON ngang CORRUPT na "GOSPEL."

Ang nadiskubre ko po na CORRUPT na "gospel" ay tinatawag na "GOSPEL of BARNABAS."

Bakit po natin nasabing CORRUPT ang "gospel" na iyan?

Dahil po sa simpleng pagbabasa riyan ay makikita natin na BINAGO at INIBA ang PINAKAMENSAHE at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa mga GOSPEL at KASULATAN na GAWA ng mga SAKSI, si KRISTO ay NAMATAY sa KRUS at NABUHAY na MULI.

Diyan po sa "gospel" na iyan, si KRISTO ay NAGTAGO mula sa KAMATAYAN at ang NAIPAKO sa KRUS ay si HUDAS.

KITANG-KITA po ang PAGKAKAIBA niyan sa mga SINULAT ng mga SAKSI na NAKAKILALA at NAKASAMA pa ng PANGINOONG HESUS.

KITANG-KITA ang PAGBABAGO na ginawa para BALUKTUTIN ang TUNAY na KWENTO at ARAL kaugnay kay KRISTO.

Sa Galatians 1:8 ay sinasabi, "Pero kahit pa kami o ISANG ANGHEL mula sa langit ang MAGPAPAHAYAG sa inyo ng ebanghelyo na IBA doon sa IPINAHAYAG namin sa inyo, SUMPAIN iyon!"

So, ang NAGSULAT po ng "Gospel of Barnabas" ay BINAGO ang EBANGHELYO. Bunga niyan, SIYA ay ISINUMPA NA.

Kaya tama lang na sabihin ng mga SCHOLAR na MUSLIM at KRISTIYANO na ang "Gospel of Barnabas" ay PEKENG GOSPEL at ang "BARNABAS" na sinasabing nagsulat niyan ay isang IMPOSTOR.

Kaya po kung may magsasabi sa inyo na na-corrupt na ang "gospels" alam na po ninyo na ang tawag sa corrupt na gospel ay "Gospel of Barnabas."

Salamat po.

'Gospel of Barnabas' gawa ng Barnabas sa Bible?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

NASIMULAN na po nating talakayin ang Gospel of Barnabas.

Nagka-interes ako sa "gospel" na ito dahil isa ito sa naging batayan ng isang pari kaya siya lumipat sa Islam.

WALA tayong TUTOL kung lumipat man sa Islam ang paring ito dahil PERSONAL niya iyon.

Sa KRISTIYANO po kasi ay WALANG PILITAN at HINDI PIPIGILAN ang SINO MAN na LUMIPAT ng RELIHIYON.

IGINAGALANG natin ang DESISYON ng paring iyon pero MAGANDA ring TALAKAYIN itong kasulatan na naka-IMPLUWENSIYA sa kanya.

Interesting po ang "Gospel of Barnabas" na ito dahil nadiskubre ko na ayon sa mga ISLAMIC at BIBLICAL SCHOLARS ay PEKE pala ito.

Sa kabila niyan ay NAPANIWALA NIYAN ang isang PARI na THEOLOGIAN pa raw.

Para patas ay tingnan natin ang mga sinasabi ng mga NANINIWALA at HINDI NANINIWALA.

Sabi ng mga naniniwala, ang "Gospel of Barnabas" daw ay sinulat ng Barnabas na nasa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Para MALINAW, MAYROON pong BARNABAS at AYON sa BIBLIYA, SIYA ay KILALA bilang KASAMA at KATULONG ni Pablo sa kanyang mga PANGANGARAL. (Acts 14:12 at Acts 15)

Pero ang tanong ng mga hindi naniniwala ay "Ang Barnabas ba sa Bibliya ang nagsulat sa Gospel of Barnabas?"

Ang malinaw na sagot nila ay "HINDI."

Ano ang mga dahilan nila?

Ayon sa kanila, isang malinaw na patunay ay ang pagtanggi ng sumulat sa "Gospel of Barnabas" na si Hesus ay namatay sa krus.

Ayon sa Gospel of Barnabas, sa Chapter 217, ay HINDI si HESUS ang PINAHIRAPAN at NAPAKO sa KRUS kundi si HUDAS ISCARIOTE.

Kaya nga po isa iyan sa ginagamit ng ilang BALIK ISLAM para sabihin na ang "CRUCIFIXION" ng ating PANGINOONG HESUS ay isang "CRUCI-FICTION."

Pero ang sinasabi ng Gospel of Barnabas ay SALUNGAT sa PINANIWALAAN ng BARNABAS na NASA BIBLIYA.

Ang Barnabas sa Bible ay kilala natin na KASAMA ni PABLO sa PAGPAPAHAYAG at PANGANGARAL ng TUNAY na GOSPEL ni HESUS.

Sinasabi sa Acts 11:26, " ... at nang matagpuan niya [Barnabas] ito [si Pablo] ay dinala niya ito sa Antioch."

"Sa isang buong taon ay nakipagtagpo sina BARNABAS at SAUL [ang dating pangalan ni Pablo] sa iglesia at NAGTURO sa MARAMING TAO."

"Sa Antioch unang tinawag na KRISTIYANO ang mga tagasunod."

Diyan ay sinasabi na NAGTURO sina BARNABAS at PABLO.

Ano naman kaya itong ITINURO nila?

Para malaman natin ay tingnan natin kung ano ang ITINURO ni PABLO.

Sa mga aral ni Pablo, ang PUSO at SALIGAN ng kanyang mga ARAL ay ang PAGKAMATAY ni HESUS para ILIGTAS tayo mula sa KASALANAN, KAMATAYAN at KAPARUSAHAN.

Sabi nga niya sa 1 Corinthians 15:3, "Dahil kung ano ang aking tinanggap ay ibinibigay ko rin sa inyo bilang UNA sa KAHALAGAHAN: na si KRISTO ay NAMATAY para sa ating mga KASALANAN sang-ayon sa mga Kasulatan."

Paki pansin na sinasabi ni Pablo na ang ARAL na si KRISTO ay NAMATAY ay TINANGGAP niya.

Kanino niya TINANGGAP?

Isang NAGTURO kay Pablo ay si BARNABAS.

Si Barnabas kasi ang nag-SPONSOR kay Pablo noong AYAW pa siyang pasamahin ng ibang Kristiyano sa kanilang grupo. (Acts 9:26-27)

Si Barnabas din ang naghanap at nagsama kay Pablo sa kanilang mga pangangaral. (Act 11:25-26)

So, MALINAW ang ebidensiya na ang NAGBIGAY ng ARAL kay PABLO ay si BARNABAS.

At ano ang ARAL na iyon? Na "si KRISTO ay NAMATAY para sa ating KASALANAN."

Iyan ay KABALIKTARAN sa sinasabi ng "Gospel of Barnabas" na "HINDI NAMATAY SA KRUS si KRISTO."

IMPOSSIBLE na MAGKAIBA o MAGKASALUNGAT ang itinuro ni Barnabas at ni Pablo. Kung ganoon ay TIYAK na SILANG DALAWA PA ang NAG-AWAY.

So, sa puntong iyan ay MALIWANAG na MAGKAIBA ang BARNABAS sa BIBLE at yung "Barnabas" na nagsulat daw ng "Gospel of Barnabas."

Sa madaling salita, ang BARNABAS na NAGSULAT sa "Gospel of Barnabas" ay HINDI ang BARNABAS na nasa BIBLIYA. Lumalabas na iyan ay isang IMPOSTOR.

Diyan po lalong TUMITIBAY ang PANINIWALA ng MARAMI na PEKE ang "Gospel of Barnabas." PEKE rin kasi ang BARNABAS na NAGSULAT umano riyan e.

Kung ganoon ay DOBLE PEKE ang "gospel" na iyan, hindi po ba?

Sa susunod na POST ay itutuloy natin ang pagsusuri sa GOSPEL daw na iyan.

Abangan po natin.

Tuesday, June 2, 2009

Pari naniwala sa ‘huwad’ na ‘gospel’

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


BINANGGIT po ng nagti-text sa atin na BALIK ISLAM na isa raw sa mga "SCRIPTURE" noon ay itong "GOSPEL OF BARNABAS."

Naalala ko po ang isang MATANDANG PARI na TUMALIKOD KAY KRISTO noong 2002 at nag-BALIK ISLAM.

Baka po may nagtataka kung bakit TUMALIKOD sa PANGINOONG HESUS ang isang pari.

Huwag po kayong magtaka. Sa atin po kasing mga KRISTIYANO ay MAY KALAYAAN ang ATING ISIPAN at DAMDAMIN para PUMILI ng ATING PANINIWALAAN... KASAMA na po ang PAGTALIKOD sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

Mismong DIYOS po ang NAGBIGAY ng FREE WILL sa tao at iyon ang ginamit ni SORIA sa kanyang pagpili ng kanyang paniniwalaan ay IGINAGALANG po natin ang pasya niya.

Ang hindi ko lang po maunawaan ay BAKIT NAPANIWALA si Soria sa "Gospel of Barnabas."

Nagkainteres po ako sa "gospel" na iyan kaya SINALIKSIK ko ang mga bagay-bagay tungkol diyan.

At sa aking pagsasaliksik ay NALUNGKOT ako sa aking nalaman.

Bakit? Heto po at ipaliliwanag ko.

Sa "Gospel of Barnabas" ay sinasabi na "hindi namatay sa krus si Hesus." Sinasabi rin doon na ang "Ang lalaki na napako sa krus ay si Hudas Iscariote."

Ganoon? IBANG-IBA sa EBANGHELYO na GALING MISMO sa mga APOSTOL at SAKSI sa mga GINAWA ng PANGINOON.

Sinaliksik ko ang iba pang bagay tungkol dito sa "gospel" na ito at nadiskubre ko na MARAMI, pati na mga MUSLIM SCHOLARS, ang NAGSASABI na ang "Gospel of Barnabas" ay "HUWAD" o "PEKE."

Isang MUSLIM SCHOLAR, si Cyril Glasse, ang nagsabi na "As regards the ‘Gospel of Barnabas’ itself, there is NO QUESTION that IT IS A MEDIEVAL FORGERY."

Ayon sa Muslim scholar na ito, WALA raw DUDA na ang "gospel" na iyan ay isang HUWAD o PEKE.

Ang sinabi na iyan ni Cyril ay mababasa sa "The Concise Encyclopedia of Islam" na gawa ng Harper at Row noong 1989, sa Page 64.

HINDI LANG si CYRIL ang MUSLIM na nagsasabi na HUWAD ang Gospel of Barnabas.

At HINDI LANG mga MUSLIM SCHOLARS ang nagsasabi niyan, kundi marami pang HISTORIAN.

Kaya nila sinasabing HUWAD ang "gospel" na iyan ay dahil MARAMING BUTAS ang mga sinasabi nito. At iyan ang magiging topic natin sa mga susunod nating column.

Sa madaling salita, masasabi na KADUDA-DUDA ang Gospel of Barnabas.

At dahil KADUDA-DUDA, maitatanong natin kung tama bang gamitin itong BATAYAN sa isang MAHALAGANG DESISYON, tulad ng pagpili ng paniniwalaang relihiyon?

Ako ay KATOLIKO at MATUTUWA ako kung may magpapa-CONVERT para maging KATOLIKO.

Pero kung lilipat sila sa Katoliko dahil naniwala sila sa isang DOKUMENTO na PINAGDUDUDAHAN [at ayon pa sa iba ay PEKE] ay MALULUNGKOT AKO.

Kaya nga ako MASIGASIG sa PAGHAHANAP ng KATOTOHANAN ay para TIYAK ang BATAYAN ko sa aking pagiging KATOLIKO.

Kaya HINDI ako MATUTUWA na may magiging KATOLIKO BATAY sa isang PEKENG DOKUMENTO o KUWENTO.

Marahil ganoon din ang PAKIRAMDAM ng mga MUSLIM.

Naniniwala ako na HINDI SILA PAPAYAG na magamit ang isang "HUWAD" na DOKUMENTO para ma-convert ang isang tao sa ISLAM.

IN FAIRNESS, marami ring tao ang NANINIWALA sa "Gospel of Barnabas." Isa na nga si Soria sa mga ito.

At kung gusto nilang maniwala roon ay DESISYON na nila iyon.

Pero sa katayuan ni Soria ay LUBOS akong NAGTAKA.

Isa kasi siyang THEOLOGIAN at kung tama ang pagkaintindi ko sa artikulo ng Inquirer ay isa rin siyang HISTORIAN o kaya ay isang MAHILIG sa HISTORY.

At kaugnay sa HISTORY, ayon sa mga nabasa ko ay WALANG HISTORY itong tinatawag na "Gospel of Barnabas."

Ang ibig ko pong sabihin ay HINDI ito matutukoy pabalik doon sa TUNAY na BARNABAS na NABUHAY noong UNANG SIGLO.

Ang sinasabi po kasi ng mga naniniwala sa Gospel of Barnabas na iyan ay sinulat daw iyan ng BARNABAS na binabanggit pa sa Bibliya, partikular sa Acts 4:36-37; 11:19-22, 30 at iba pang talata.

Ang tanong ay ang BARNABAS ba ng BIBLIYA ang NAGSULAT ng "Gospel of Barnabas"?

HINDI po. At iyan ay PATUTUNAYAN ng HISTORICAL EVIDENCE.

At batay po sa EBIDENSIYA mula sa BIBLIYA at sa KASAYSAYAN ay HUWAD NGA ang "Gospel of Barnabas."

Kaya KATAKA-TAKA nga kung bakit NAPANIWALA si Soria sa "gospel" na iyan.''

Iyan po ang tatalakayin natin sa mga susunod nating artikulo.

Paki subaybayan po.

'Gospel of Barnabas' tunay na gospel?

MATINDI pa rin ang PAGTUTOL sa BIBLIYA ng texter nating BALIK ISLAM.

TUTOL na TUTOL SIYA sa sabi ng ilang ISKOLAR NILA na KINUMPIRMA ng KORAN ang BIBLIYA.

Diyan natin makikita ang MUSLIM VS BALIK ISLAM.

KINONTRA kasi ng texter natin ang INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLAR na sina MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN.

Sa kanilang aklat na "Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language" ay sinabi nila sa Surah (Chapter) 12, Aya (Verse) 111, na KINUMPIRMA o PINATOTOHANAN ng KORAN ang BIBLIYA.

HINDI iyan MATANGGAP ng texter natin.

Sabi niya, "Those other SCRIPTURES might be GOSPEL OF BARNABAS, Psalms of Solomon, Shepherd of Hermas etc. etc. Mga kasulatan na sana magtutuwid sa tao tungo sa tamang paniniwala."

"Maraming mga kasulatan which are among the Dead Sea discovery, in which your church neglect them and fabricate their own 73 books."

"Specific ba ang ang name ng scriptures? May word ba na Bible mula sa sura na nabanggit?"

NASAGOT na po natin sa naunang POST ang sinasabi niyang "WORD" na "BIBLE" sa S12:111.

Ngayon, ayon sa kanya ay baka raw po GOSPEL OF BARNABAS, Pslams of Solomon, Shepherd of Hermas ang tinutukoy sa S12:111.

Diyan po LUMILITAW MULI ang KAWALAN ng ALAM ng ating kausap.

Ang Psalm of Solomon ay HINDI KINILALA na BANAL na KASULATAN.

Iyan ay ITINURING na PSEUDEPIGRAPHA o HUWAD NA KASULATAN.

May ilang Kristiyano na tumanggap sa Shepherd of Hermas pero sa PANGKALAHATAN ay HINDI IYAN KINILALANG KASULATAN.

Noon nga pong KILALANIN ng SIMBAHANG KRISTIYANO ang mga KASULATAN ay HINDI ISINAMA ang Shepherd of Hermas.

ANO LANG PO ang KINILALA ng IGLESIA bilang mga KASULATAN?

Iyan po ang 73 AKLAT ng nasa BIBLIYA NGAYON ng mga KATOLIKO.

Nung IBIGAY sa mga MUSLIM ang KORAN noong 610 AD hanggang 632 AD ay BIBLIYA na may 73 AKLAT NA ang KINIKILALANG KASULATAN ng mga KRISTIYANO.

Kaya po KITANG-KITA na PANINIRA na lang ang SINABI ng texter nating BALIK ISLAM na "fabricated" daw ang 73 BOOKS ng BIBLIYA.

At KITANG-KITA po na ang BIBLIYA na may 73 AKLAT ang SINASABI ng mga ISKOLAR na MUSLIM na KINUMPIRMA ng KANILANG BANAL NA KASULATAN. (S12:111)

HINDI ang Pslams of Solomon, HINDI ang Shepherd of Hermas at LALONG HINDI ang sinabi niyang GOSPEL OF BARNABAS.

Iyang GOSPEL OF BARNABAS po ang PINAKA MALI na sabihing "KASULATAN" o "SCRIPTURE."

KAHIT PO KAILAN ay HINDI ITINURING o KINILALANG SCRIPTURE and GOSPEL OF BARNABAS dahil ayon po sa mga HISTORIAN ay HUWAD ang BABASAHING IYAN.

Sa mga susunod pong POST natin ay ILALAHAD NATIN ang KATOTOHANAN sa GOSPEL of BARNABAS na iyan.

ABANGAN po NINYO.

Friday, May 29, 2009

Islamic scholar: Bibliya 'kinumpirma' ng Koran

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

MARAMI na po tayong natalakay sa blog na ito para ITUWID ang mga MALING SINASABI ng ilang BALIK ISLAM na UMAATAKE sa BIBLIYA.

Nariyan po na sabihin nila na "CORRUPTED" na ang BANAL na KASULATAN ng mga KRISTIYANO, nariyan na tawagin nila itong "BASURA" at nariyan na IGIIT NILA na ito ay "PUNO ng CONTRADICTIONS" o "KONTRA-KONTRA."

Mayroon nga pong isang BALIK ISLAM na TEXT nang TEXT sa atin at HINDI TUMITIGIL sa PAG-ATAKE sa BIBLIYA.

Matagal na po nating sinasabi na MALI ang GINAGAWA ng ILANG BALIK ISLAM na ito dahil ang mga TUNAY NA MUSLIM ay HINDI GUMAGAWA ng GANYAN.

Binibigyan po natin ng PAGKAKAIBA ang mga TUNAY na MUSLIM (o mga IPINANGANAK na MUSLIM) at ang mga BALIK ISLAM (na mga CONVERT sa ISLAM).

Karamihan po ng mga BALIK ISLAM ay mga DATING KRISTIYANO na KULANG ang ALAM sa KRISTIYANISMO at sa BIBLIYA kaya MADALI SILANG NAITALIKOD sa PANGINOONG HESUS.

WALA po TAYONG TUTOL kung PINILI man NILA ang ISLAM. Noong mga KRISTIYANO PA SILA ay MAY KALAYAAN SILANG MAG-ISIP at PUMILI ng KANILANG PANINIWALAAN.

At dahil PINILI NILA ang ISLAM ay IGINAGALANG NATIN IYON.

Ang MASAKIT lang po ay MATAPOS NILANG TALIKURAN ang PANGINOONG HESUS, ang KRISTIYANISMO at ang BIBLIYA ay INAATAKE na ng ILAN SA KANILA (TAKE NOTE: HINDI PO LAHAT) ang PINANGGALINGAN NILA.

Gamit ang MALI-MALING IMPORMASYON at PANINIRA ay INATAKE ng ilang BALIK ISLAM ang BIBLIYA at MARAMING WALANG ALAM na KRISTIYANO ang MADALING NAPANIWALA sa mga PANINIRA na iyon.

Ngayon, ILAN sa mga NAPANIWALA sa mga MALING IMPORMASYON at PANINIRA ay SILA NA ang UMAATAKE at NANINIRA sa BIBLIYA.

At iyon ang NAKAPAGTATAKA.

Nung BINASA ko po kasi ang mga ISINULAT ng ilang ISLAMIC SCHOLARS kaugnay sa sinasabi raw ng KORAN kaugnay sa "SCRIPTURES" ng mga KRISTIYANO ay lumalabas na MAGANDA ng PANANAW ng AKLAT ng ISLAM kaugnay sa BIBLIYA.

Sa INTERPRETASYON na isinulat ni MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN ("Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language", nilimbag ng King Fahd Complex, Medina Saudi Arabia) ay ganito ang sabi nila kaugnay sa SURAH (CHAPTER) 12, AYA (VERSE) 111, ng KORAN:

"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."

MALINAW pong sinasabi sa INTERPRETASYON na iyan na ang "EXISTING BOOKS" na NAUNA NANG IBINIGAY sa mga TAO ay KINUMPIRMA o PINAGTITIBAY ng AKLAT ng ISLAM.

ANO po ba ang "EXISTING BOOKS" na iyon na KINUKUMPIRMA o PINAGTITIBAY daw ng KORAN?

Sa SIMPLENG PAG-AARAL sa KASAYSAYAN ay MAKIKITA natin na IYAN ang mga AKLAT ng BIBLIYA o ang BIBLIYA sa KABUOHAN.

Diyan nga po sa mismong INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR ay IBINIGAY na halimbawa ang TORAH (TAWRAT) at ang GOSPEL (INJEEL).

Ang TORAH po ay ang UNANG LIMANG LIBRO ng BIBLIYA: Ang GENESIS, EXODUS, LEVITICUS, NUMBERS at DEUTERONOMY.

Samantala, ang GOSPEL ay ang APAT na ULAT sa BUHAY ng PANGINOONG HESUS: Ang MATTHEW, MARK, LUKE at JOHN.

At yung "OTHER SCRIPTURES" ay TUMUTUKOY sa LAHAT ng IBA PANG AKLAT na KASAMA sa BIBLIYA.

Ngayon, ano po ba ang kahulugan ng KINUMPIRMA?

Ganito po ang DEFINITION na IBINIGAY ng DICTIONARY.COM (http://dictionary.reference.com/browse/confirm)

con⋅firm
1. to establish the truth, accuracy, validity, or genuineness of; corroborate; verify: This report confirms my suspicions.

2. to acknowledge with definite assurance: Did the hotel confirm our room reservation?

3. to make valid or binding by some formal or legal act; sanction; ratify: to confirm a treaty; to confirm her appointment to the Supreme Court.

4. to make firm or more firm; add strength to; settle or establish firmly: Their support confirmed my determination to run for mayor.

5. to strengthen (a person) in habit, resolution, opinion, etc.: The accident confirmed him in his fear of driving.

6. to administer the religious rite of confirmation to.

Ano raw po? Sinasabi po ba na ang PAGKUMPIRMA ay SIRAAN o TAWAGING “CORRUPT” o “KONTRA-KONTRA”?

HINDI po.

Ayon po sa DEFINITION ng “CONFIRM” o “KUMPIRMA” na tumutugma sa pinag-uusapan natin, iyan daw po ay “TO MAKE FIRM or MORE FIRM; ADD STRENGTH TO; SETTLE or ESTABLISH FIRMLY.”

Sa Pilipino po, “PATATAGIN o GAWING MAS MATATAG; PALAKASIN, ITAYO o ITAYO NANG MATATAG.”

Kung ganoon, AYON sa INTERPRETASYON ng mga SKOLAR na MUSLIM ay PINATATATAG o PINALALAKAS ng KORAN ang mga KASULATAN sa BIBLIYA.

PINATUTUNAYAN daw po ng AKLAT ng ISLAM ang mga KATOTOHANAN na NASA BIBLIYA.

Ibig sabihin, TOTOONG-TOTOO at HINDI DAPAT PAGDUDAHAN (LALO na ng mga BALIK ISLAM) ang MGA NAKASULAT sa BIBLIYA.

Ang kaso po ay KABALIKTARAN ang ginagawa ng ilang BALIK ISLAM na SINISIRAAN o PILIT na PINAHIHINA ang BANAL na KASULATAN o ang LAHAT ng KASULATAN na NASA BIBLIYA.

HINDI po TAYO ang NAGSASABI na NAGPAPATOTOO ang KORAN sa BIBLIYA. Iyan po ay INTERPRETASYON (TAFSIR) ng DALAWANG SKOLAR na MUSLIM.

Kung ganoon, lumalabas na ang mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA ay KUMAKALABAN sa KINUKUMPIRMA ng KANILANG BANAL na AKLAT.

Ano yan? KINAKALABAN NILA ang KORAN?

Naku ha. BAD YAN.

Kaya nga po KATAKA-TAKA na INAATAKE ng ILANG BALIK ISLAM ang BIBLIYA kung mismong mga SKOLAR NILA ang NAGSASABI na "KINUMPIRMA" o "PINATOTOHANAN" iyon ng ISLAMIC HOLY BOOK.

Ano yan? NAGKOKONTRAHAN SILA?

Pero BAKIT NGA PO BA NILA INAATAKE ang BIBLIYA kung "KINUMPIRMA" na raw iyan ng kanilang AKLAT?

Simple lang po ang SAGOT: KAWALAN ng ALAM.

Kung paanong WALANG ALAM sa BIBLIYA ang mga UMAATAKE sa BIBLIYA (na DAHILAN ng PAGTALIKOD NILA kay KRISTO) ay WALA RIN SILANG ALAM sa SINASABI ng mga ISKOLAR sa INANIBAN NILANG RELIHIYON.

Dati na po nating sinasabi na TAYONG mga KRISTIYANO ay WALANG PROBLEMA kung PINILI ng IBANG TAO ang ISLAM.

Sa atin po kasing PANANAMPALATAYA ay BINIGYAN TAYO ng DIYOS ng KALAYAAN sa PAG-IISIP at DAMDAMIN.

WALA pong PILITAN o TAKUTAN sa KRISTIYANISMO.

Sabi nga ng DIYOS sa Deuteronomy 30:19, "Tinatawag ko ngayon ang langit at ang lupa upang maging saksi laban sa inyo: INILATAG ko sa harap ninyo ang BUHAY at KAMATAYAN, ang BIYAYA at ang SUMPA."

"PILIIN NINYO ANG BUHAY nang kayo at ang inyong mga anak ay MABUHAY."

So, INILAGAY ng DIYOS ang KAPASYAHAN para sa ating KAMATAYAN o KALIGTASAN sa ATING MGA KAMAY.

HINDI po TAYO PINIPILIT na MAG-KRISTIYANO. HINDI RIN TAYO SASAKTAN o PAPATAYIN kung PILIIN NATIN ang IBANG RELIHIYON.

IGINAGALANG ng DIYOS ang KAISIPAN at DAMDAMIN NATIN KAYA nga po IGINAGALANG DIN NATIN kahit ang mga BALIK ISLAM.

Ang HINDI LANG PO NATIN GUSTO ay yung PINILI na ng ILAN ang TUMALIKOD kay KRISTO tapos ay INAATAKE at SINISIRAAN PA NILA ang PANGINOON at ang BIBLIYA.

MALING-MALI po IYON.

KUNG WALA SILANG MASABING MAGANDA TUNGKOL sa PINANINIWALAAN NILA ay HUWAG NA NILANG SIRAAN ang PANGINOONG HESUS, ang BIBLIYA at ang KRISTIYANISMO.

Salamat po.

Thursday, May 28, 2009

Hesus sinungaling, sabi ng isang 'Balik Islam'

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA PAGKAKAALAM ko po si Hesus ay itinuturing na propeta sa Islam.

Iyan po ang sinasabi ng maraming Muslim na nagti-text sa atin.

Kaya po nagtataka ako kung bakit may mga nagpapakilalang "Balik Islam" na BUMABASTOS sa PANGINOONG HESUS.

Ang mga "Balik Islam" na BUMABASTOS kay Hesus ay mga DATING KRISTIYANO na HINDI NAIDEPENSA ang PANANAMPALATAYA NILA kaya TUMALIKOD NA LANG sa PANGINOON.

HINDI na po sila nakuntento na TINALIKURAN NILA ang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS, BINABASTOS pa nila ito.

Isa po sa mga iyan ay tinutuya si Hesus na tinatawag niyang "SUPOT" o hindi tuli.

TANDA lang po iyan na kaya siya NAITALIKOD kay KRISTO ay dahil WALA SIYANG ALAM kay HESUS.

Si HESUS po ay isinilang bilang HUDYO. Sa mga HUDYO, WALONG ARAW pa lang matapos isilang ang isang BATANG LALAKI ay TINUTULI na.

Sa Genesis 17:12 kasi ay iniutos ng Diyos, "Para sa mga salinlahi na darating ang lahat ng LALAKI na may edad na WALONG ARAW ay kailangang TULIIN, kasama na ang mga IPINANGANGANAK sa inyong SAMBAHAYAN.

At iyan nga po ang ginawa kay Hesus.

Sabi sa Luke 2:21, "Nang dumating ang WALONG ARAW para siya ay TULIIN, siya ay pinangalanang Hesus, ang pangalan na ibinigay sa kanya ng anghel bago pa siya ipaglihi sa tiyan."

So, NATULI po si Hesus. MALI ang pangungutya nitong "Balik Islam" na "supot" si Hesus.

At iyan po ang NAKAKALUNGKOT. Lumalabas na itong DATING KRISTIYANO na ito ay NAITALIKOD kay KRISTO dahil WALA SIYANG ALAM.

Kung SAPAT lang ang KAALAMAN NIYA tungkol kay KRISTO ay HINDI sana SIYA TUMALIKOD.

Sa mga KRISTIYANO, partikular sa ating KATOLIKO, ay MAHALAGA ang TAMANG KAALAMAN at PANG-UNAWA.

Sabi sa 1 Timothy 2:3-4, "Ito ay tama at katanggap-tanggap sa paningin ng Diyos na ating TAGAPAGLIGTAS, na naghahangad na ang LAHAT ay MALIGTAS at makarating sa KAALAMAN ng KATOTOHANAN."

LAHAT po ay inaanyayahang magkaroon ng TAMANG KAALAMAN tungkol kay KRISTO at sa KALIGTASAN.

Binibigyang diin po natin ang TAMANG KAALAMAN dahil MARAMI po ang NAGKAKALAT ng MALING KAALAMAN at PANINIRA kay KRISTO.

Halimbawa nga po itong nagpapakilalang "Balik Islam" na INAAKUSAHAN naman si HESUS ng PAGSISINUNGALING.

Sabi niya "Si Jesus nagtuturo ng kasinungalingan. Basahin mo sa John 7:8-10."

Nagsinungaling po ba si Hesus sa Jn 7:8-10?

Sabi Niya riyan, "Magpunta kayo sa pista. Hindi ako pupunta sa pistang ito dahil ang aking oras ay hindi pa dumarating nang ganap. Matapos nito ay nanatili siya sa Galilea."

"Pero matapos na magpunta sa pista ang kanyang mga kapatid ay nagpunta rin siya, pero hindi lantaran kundi palihim."

Ayon sa nagpapakilalang "Balik Islam" ay NAGSINUNGALING daw si Hesus diyan.

Ganoon? Nagsinungaling po ba?

SORRY pero MALI po ang UNAWA nitong BALIK ISLAM. HINDI po NAGSINUNGALING si HESUS at MAKIKITA natin iyan kung titingnan natin ang KONTEKSTO ng TALATA.

Bago sinabi ni Hesus ang nasa Jn 7:8-10 ay sinabi sa Kanya ng mga "kapatid" Niya sa Jn 7:3, "UMALIS ka rito at MAGPUNTA sa HUDEA para MAKITA rin ng mga ALAGAD mo ang iyong ginagawa."

INUUTUSAN si Hesus ng mga kapatid Niya na PUMUNTA sa PISTA para MAGYABANG. (Jn 7:4)

Kaya nung sinabi Niya na "Hindi ako pupunta," ang ibig Niyang sabihin ay HINDI SIYA PUPUNTA PARA SUNDIN ang GUSTO ng mga NAG-UUTOS sa kanya para MAGYABANG.

Nung NAGPUNTA si Hesus (Jn 7:10), iyan ay dahil iyon ang GUSTO ng DIYOS AMA at ginawa Niya para BIGYANG LUWALHATI ang AMA at HINDI SIYA.

Sabi ni Hesus sa Jn 7:16 at 18, "Ang aking aral ay HINDI SA AKIN kundi sa KANYA na NAGSUGO sa AKIN."

"Ang mga nagsasalita sa pansarili nila ay HUMAHANAP ng PANSARILI NILANG KALUWALHATIAN; pero siya na humahanap ng KALUWALHATIAN ng NAGSUGO sa KANYA ay TOTOO, at WALANG KAMALIAN sa KANYA."

Kaya MALINAW po na UMAYAW muna si Hesus dahil ang mga KAPATID lang Niya ang NAGPAPAPUNTA sa Kanya.

Nagpunta Siya bilang PAGSUNOD sa AMA.

So, HINDI SIYA NAGSINUNGALING. MALI lang talaga ang unawa nitong "Balik Islam" daw.

Salamat po.

Bibliya tugma sa orihinal na sulat

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


NITO pong mga nakaraang araw ay sinilip natin ang mga MALING PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST kaugnay sa INSPIRATION ng BANAL na KASULATAN.

Ang batayan po ng ating pagtingin ay ang mga sinabi ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN na nagsulat sa kanyang libro na may pamagat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Diyan po ay ipinakita ni Ehrman ang paniniwala ng mga BORN AGAIN na maging ang PAGKOPYA sa mga MANUSKRITO ng mga KASULATAN ay DAPAT INSPIRADO o KINASIHAN ng DIYOS.

Iyan po ang tinawag nating "ABSOLUTE INSPIRATION" na pinaniwalaan ni Ehrman.

AT dahil po may nakita si Ehrman na pagbabago o pagkakaiba sa pagkopya sa mga KASULATAN ay inisip niya na "hindi galing sa Diyos" ang BIBLIYA.

MALING-MALI po ang PANANAW ni EHRMAN.

Pero sa kabila po niyan ay ginagamit iyan ng mga BALIK ISLAM para ATAKIHIN ang BIBLIYA at ang PANINIWALA ng mga KRISTIYANO rito.

May ilan nga po sa kanila ang nag-text sa atin at ipinagmamalaki na isang "Bible scholar" [si Ehrman] pa raw ang tumalikod sa Kristiyanismo dahil sa nakita raw niya na "marami nang nabago sa Bible."

PAREHO lang po sila kay Ehrman na MALI ang PANINIWALA at PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Pero teka po. Kung mali si Ehrman at mali ang mga BALIK ISLAM ay ANO po ba ang TAMA?


PAANO po ba naging INSPIRED ang BIBLIYA?

Ayon po sa paniniwalang Katoliko, ang LAHAT ng KASULATAN at maging ang mga BAHAGI nito ay GALING sa DIYOS.

IKINILOS ng DIYOS ang mga TAONG NAGSULAT ng mga KASULATAN para ISULAT ang mga LAMAN NGAYON ng BIBLIYA.

Sabi nga po sa 2 Peter 1:21, "WALANG PAHAYAG ang ibinigay sa pamamagitan ng KALOOBAN ng TAO; pero sa pamamagitan ng mga tao na IKINILOS ng ESPIRITU SANTO na NAGSALITA BUHAT sa DIYOS."

Ang tinutukoy po riyan ay ang AUTOGRAPHS o ang mga ORIHINAL na mga SULAT at AKLAT na KASAMA ngayon sa BIBLIYA.

HINDI po KASAMA riyan ang PAGKOPYA at mga KUMOPYA sa mga MANUSKRITO.

At dahil HINDI KASAMA sa INSPIRED o KINASIHAN ng DIYOS ang mga KUMOPYA ay nangyari na MAYROON sa kanila ang NAGKAMALI sa PAGKOPYA sa ilang kasulatan.

Iyang PAGKAKAMALI na iyan ng mga KUMOPYA ang ginamit na dahilan ni Ehrman para tumalikod sa PANGINOONG HESUS.

Pero MALI nga po.

HINDI SILA KASAMA sa sinasabing INSPIRED ng DIYOS.

Pero kahit po riyan sa mga NAGKAMALI na iyan ay IPINAKITA ng DIYOS na BINABANTAYAN at GINAGABAYAN NIYA ang mga KASULATAN.

MISMO nga pong si EHRMAN ang NAGSABI na HALOS LAHAT ng mga PAGBABAGO o PAGKAKAMALI na nakita niya ay WALANG KINALAMAN sa THEOLOGY o PANINIWALA sa DIYOS.

At ayon nga po sa BIBLE SCHOLAR na si Dr. DANIEL B. WALLACE ay mga MINOR o WALANG KATUTURAN ang mga nabago o naging pagkakamali.

Mismo rin pong si Ehrman ay nagsabi na HINDI SINASADYA ang mga PAGBABAGO.

Pero teka po. Kung may mga KOPYA po na nabago ang sinasabi dahil nagkamali sa pagkakakopya ay hindi po ba ibig sabihin ay "mali" na rin ang KASULATAN?

HINDI po.

IILAN lang po ang mga KOPYA na sinasabi na may pagkamali sa pagkakakopya. HINDI po LAHAT ay nagkaroon ng PAGBABAGO.

At kung mayroon man pong nabago ang pagbabago ay MADALI ring NAITATAMA dahil MARAMI pa po ang mga MANUSKRITO o mga KASULATAN na TAMA o WALANG MALI.

NAIKUKUMPARA rin po ang mga nabagong mga KOPYA sa iba pang mga KASULATAN ng mga UNANG KRISTIYANO.

Noon pa man po kasi ay uso na ang pag-QUOTE ng mga MANUNULAT sa mga KASULATAN.

Base sa mga QUOTATION nila ay NAITATAMA NILA ang mga PAGKAKAMALI kaya 99 PERCENT po na ACCURATE at TUGMA sa ORIGINALS ang mga KOPYA ng KASULATAN na GAMIT ngayon, LALO na ng IGLESIA KATOLIKA.

Ganoon po yon.

Born Again target ng Balik Islam

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA MGA nakaraang buwan ay nakatanggap tayo ng text mula sa mga BALIK ISLAM at INA-ANUNSYO ang mga DEBATE nila sa iba’t-ibang grupong Kristiyano.

Ang KAPANSIN-PANSIN po sa mga grupong KINALABAN nila ay KARAMIHAN po sa mga iyon ay yung tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIANS o yung mga grupong matatawag na FUNDAMENTALIST.

NOON pa man po ay alam ko na kung bakit mga "BORN AGAIN" ang PABORITO nilang anyayahan sa kanilang mga DEBATE: NAPAKADALI po kasing SIRAIN ang SISTEMA ng PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST.

Isa kasi sa mga PUNDASYON ng PANINIWALA nila ay BIBLIYA LANG ang BATAYAN ng PANINIWALA. Kaugnay niyan ay naniniwala sila na ABSOLUTE ang INSPIRASYON sa BIBLIYA.

Sa mga nakalipas nga pong post ay nakita natin ang paniniwala ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN, ang nagsulat ng librong MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sabi niya sa Page 4 ng kanyang libro, "the Bible was VERBALLY INSPIRED —down to its VERY WORDS." At sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

At DIYAN nga po KINAKAIN nang BUHAY ng mga HINDI KRISTIYANO ang mga BORN AGAIN o FUNDAMENTALIST.

IPAPAKITA lang po ng debatista ng BALIK ISLAM ang AKALA niya ay mga "contradictions" sa Bible o ang mga umano ay "nabago" sa mga MANUSKRITO ng KASULATAN ay halos MAUTAL na ang mga BORN AGAIN na kaharap nila.

Tapos ipapakita rin ng mga HINDI KRISTIYANO na MAGKAIBA ang BIBLE ng mga PROTESTANTE at KATOLIKO. Ang BIBLE po kasi ng PROTESTANTE ay may 66 na AKLAT at sa KATOLIKO ay may 73.

Kapag tinanong ang mga BORN AGAIN kung bakit magkaiba ang mga iyan ay NATUTULALA na sila.

Kung tutuusin ay PAREHO SILANG WALANG ALAM sa BIBLE, pero dahil HINDI ALAM nung BORN AGAIN ang KATOTOHANAN na WALANG "contradiction" sa BIBLE ay NASISIRA na ang PANINIWALA NIYA sa BIBLIYA.

Bunga niyon ay MAS MADALI na silang NAKUKUMBINSI na TUMALIKOD kay KRISTO.

Katunayan, MARAMI na pong BORN AGAIN at mismong mga PASTOR na FUNDAMENTALIST ang NAITALIKOD kay KRISTO dahil sa ATAKE na ganyan.

At ano ang MITSA ng kanilang PAGTALIKOD?

UNA na po ang MALI NILANG PANINIWALA at PANANAW kaugnay sa BIBLIYA.

ISAMA na rin po natin ang KAKULANGAN NILA ng KAALAMAN sa HISTORY o KASAYSAYAN ng BIBLIYA at ng IGLESIANG KRISTIYANO.

Basically po kasi ay DAMDAMIN ang UMIIRAL sa KANILA. Kaya nga po ang mga BORN AGAIN ay kilala sa pagiging EMOTIONAL o PUNO ng DAMDAMIN sa kanilang mga GINAGAWA.

Ang problema ay kapag NAUNSIYAMI ang DAMDAMIN nila o NASAGASAAN ang MALING PANINIWALA nila kaugnay sa "ABSOLUTE INSPIRATION" ng BIBLIYA ay nag-ko-COLLAPSE pati ang PANANAMPALATAYA nila kay KRISTO.

Ganyan po si Ehrman na ayon sa kanya ay isa siyang dating EPISCOPALIAN na na-BORN AGAIN.

Dahil sa MATINDING DAMDAMIN niya para sa BIBLIYA ay NAG-ARAL siya nang MAS MALALIM kaugnay doon.

Pero nung mabasa niya ang mga KOPYA ng HANDWRITTEN o SULAT-KAMAY na KASULATAN ng BIBLIYA at nakita niya na may mga "pagkakamali" sa pagkopya sa mga iyon ay GUMUHO ang PANINIWALA niya sa BIBLIYA. Pati PANINIWALA niya sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO ay naglaho.

Hindi na naging mahalaga kay Ehrman na WALANG KUWENTA ang mga "pagkakamali" sa pagkopya na sinasabi niya.

Hindi na niya pinansin na WALANG KINALAMAN sa PANANAMPALATAYA ang mga "pagbabago" na iyon.

Ang mahalaga kay Ehrman ay NAPAHIYA SIYA dahil MALI ang naging PANINIWALA NIYA.

At sa halip na BAGUHIN at ITUWID ang MALING UNAWA ay TINALIKURAN na lang niya ang DIYOS na NAGBIBIGAY sa kanya ng KALIGTASAN.

Iyan po ang MALUNGKOT na KUWENTO ng mga BORN AGAIN na NATATALIKOD kay KRISTO.

PATI KALIGTASAN ay TINALIKURAN na NILA dahil NAPAHIYA SILA kaugnay sa mga MALI NILANG PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Bible scholar inatake ang Bible? (4)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa sinasabi ng librong isinulat ni BART D. EHRMAN, isang DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN na umayaw na sa Kristiyanismo dahil daw sa mga "mali" na pumasok sa mga MANUSKRITO ng BIBLIYA.

Ang pamagat ng libro ni Ehrman ay MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sa nakaraang mga artikulo ay nakita na natin ang KABABAWAN ng mga DAHILAN na ibinigay ni Ehrman para sa pag-ayaw niya sa KRISTIYANISMO.

Kesyo raw "maraming nabago" sa kopya ng MANUSKRITO o mga sinaunang kasulatan na pinagbabatayan ng BIBLIYA sa ngayon.

Pero tulad po ng nakita natin kahapon ay si EHRMAN mismo ang NAGPAKITA na MABABAW ang mga BATAYAN ng pagbabago niya ng isip dahil AYON MISMO sa KANYA ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS ang mga aniya ay "nabago" sa mga manuskrito.

Isa pa po, ALAM din ni Ehrman na mga HINDI SINASADYA ang mga "pagbabago" na sinabi niya.

At heto po ang pinakamatinding nagpapakita na MABABAW ang DAHILAN ni Ehrman sa pag-ayaw niya sa Kristiyanismo: HALOS LAHAT ng mga "PAGBABAGO" na sinasabi niyang pumasok sa mga manuskrito ay tungkol lamang sa NAGKAMALING SPELLING, NABAGO ang PAGKAKASUNOD ng mga SALITA at iba pang WALANG KABULUHAN na pagbabago na HINDI NAKAAPEKTO sa KATOTOHANAN na sinasabi ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay PURO KABABAWAN ang sinasabi ni EHRMAN.

Ang masakit po niyan ay GINAGAMIT ng ilang BALIK ISLAM libro ni Ehrman para SIRAAN at ATAKIHIN na naman ang BIBLIYA.

WALA po kasing MAPATUNAYANG MALI itong mga BALIK ISLAM at WALA SILANG MAIPAKITANG KONTRA-KONTRA kaya pati KABABAWAN ng mga tulad ni EHRMAN ay PINAPATULAN na NILA.

Ang masakit po niyan ay MARAMI raw SILANG NAPAPANIWALA sa mga sinasabi nila LABAN sa BIBLIYA.

At hindi na po ako magtataka kung mayroon nga silang MAKUMBINSI.

NATITIYAK ko po na WALA rin GAANONG ALAM sa BIBLIYA ang mga NAKAKAUSAP nila.

Kung ang tulad po ni Ehrman na may KONTING ALAM sa Bibliya ay NANIWALA sa KABABAWAN NIYA, ano pa po kaya ang mga taong WALANG MALAY o KOKONTI ang ALAM sa BIBLIYA?

Actually, ang NAPAPANIWALA sa mga ATAKE NILA sa BIBLIYA ay mga KATULAD ni EHRMAN MAG-ISIP: Mga FUNDAMENTALIST o BORN AGAIN na may MALING UNAWA sa kung ANO ang BIBLIYA.

PASINTABI po sa mga BORN AGAIN dahil ang PAKILALA ni EHRMAN ay isa siyang BORN AGAIN.

Tulad po natin ay naniniwala rin si Ehrman noon na ang mga KASULATAN ay INSPIRED o INIHINGA ng DIYOS.

Sabi po sa 2 Timothy 3:16, "Ang lahat ng KASULATAN ay INIHINGA [o KINASIHAN] ng DIYOS at MAGAGAMIT sa PAGTUTURO, sa PAGSAWAY, sa PAGTUTUWID, at sa PAGSASANAY sa KATUWIRAN."

Ang MALI ay ang PAGKAUNAWA NIYA sa pagiging INSPIRED ng mga KASULATAN.

Sabi po niya sa Page 4 ng kanyang libro [lagyan natin ng emphasis], "the Bible was VERBALLY INSPIRED—down to its VERY WORDS."

Dagdag niya sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

Ang PAGKAUNAWA po niya ay yung MGA SALITA ang KINASIHAN ng DIYOS. Kaya nga nung may nakita siyang NAGKAMALI ng SPELLING sa mga naunang kasulatan ay MALI na raw iyon.

Ang BABAW talaga.

HINDI po ang pagkaka-SPELL o ang pagkakaayos ng mga salita ang INSPIRED.

Ang INSPIRED po ng DIYOS ay ang mga KATOTOHANAN na INILALAHAD ng BIBLIYA kaugnay sa KALIGTASAN.

HINDI po porke NAGKAMALI sa pagkaka-SPELL sa isang salita ay NAWALA na ang KATOTOHANAN na SINASABI niyon.

HINDI po porke NAGKAMALI ang isang tagakopya ng kasulatan ay MALI na rin ang KATOTOHANAN ng KASULATAN.

NAPAKABABAW po ng PANANAW ni EHRMAN at ng PANINIWALA na NATUTUNAN niya mula nang ma-BORN AGAIN siya.

SORRY po pero iyan ang dahilan kung bakit MARAMI sa mga NAITATALIKOD sa KRISTIYANISMO ay mga BORN AGAIN na tulad ni Ehrman.

Bible scholar inatake ang Bible? (3)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nating POST ay inilabas po natin ang sinabi ng isa pang BIBLE SCHOLAR tungkol sa aklat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why na isinulat ni BART D. EHRMAN na isa rin daw scholar.

Sinabi ni Dr. DANIEL B. WALLACE na MALI ang UNAWA ni EHRMAN sa mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na matatagpuan sa ilang MANUSKRITO ng mga KASULATAN.

AKALA po kasi ni Ehrman na dahil may nakita siyang “pagbabago” o “pagkakaiba” sa ilang kopya ng MANUSKRITO ng BIBLIYA ay nabago na rin ang ARAL KRISTIYANO.

DIYAN po siya NAGKAMALI.

Para po lalo nating maunawaan iyan, maganda pong malaman natin na ang MANUSKRITO ay yung mga HANDWRITTEN o SULAT KAMAY na mga kopya ng mga AKLAT o SULAT sa Bibliya.

Bakit po sulat kamay?

Kasi po, noong unang panahon ay WALA pang mga COPYER o COMPUTER o PRINTER para MAKOPYA ang mga SULAT o LIBRO.

Para po MAPARAMI ang mga DOKUMENTO NOON ay KINOKOPYA iyan nang MANO-MANO.

Sinasabi po ni Ehrman na dahil sa MANO-MANONG PAGKOPYA “mistakes were commonly made in transcription” (p51) at “all kinds of changes were made in manuscripts by the scribes who copied them.” (p57)

Ayon pa sa kanya, ang ilan sa mga pagbabago ay “intentional” o sinadya. (p55)

Ang “mistake” at “intentional changes” na iyan ay nagbunga sa mga “PAGKAKAIBA” o VARIANT READINGS sa ilang MANUSKRISTO.

Iyan pong mga “mistake” at “sinadya” na “pagbabago” sa mga nakasulat ang sinabi ni Ehrman na naging dahilan para magkaroon ng “change” sa kanyang mga PANINIWALA bilang BORN AGAIN at FUNDAMENTALIST.

Eventually, umalis siya bilang Kristiyano.

At diyan po ako NAGDUDA kay EHRMAN, lalo na nung binabasa ko na ang kanyang libro.

Bakit tinalikuran niya ang pagiging Kristiyano? Ano ang MABIGAT na DAHILAN?

WALA po. At iyan ay ayon po mismo sa libro ni Ehrman.

Siya po kasi mismo ang UMAMIN na ang mga “pagbabago” sa mga kasulatan ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS o sa KAISIPAN ng tao.

Sabi niya sa p55, (lalagyan po natin ng EMPHASIS] “IN FACT, MOST of the CHANGES found in our early CHRISTIAN MANUSCRIPTS HAVE NOTHING TO DO with THEOLOGY and IDEOLOGY.”

WALA palang KINALAMAN sa THEOLOGY at IDEOLOGY yung mga “pagbabago.” So, BAKIT NAGBAGO ang ISIP niya tungkol sa RELIHIYON?

Heto pa po ang nagbibigay DUDA sa ISIP natin kaugnay sa TAKBO ng UTAK ni EHRMAN.

Siya mismo ay NAKAKAALAM na HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na nakita niya.

Sabi pa rin niya sa p55, “MOST CHANGES are the result of MISTAKES, PURE and SIMPLE—SLIPS of the PEN, ACCIDENTAL OMISSIONS, INADVERTENT ADDITIONS, MISSPELLED WORDS, BLUNDERS of one sort or another.”

Kung HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na sinasabi niya ay BAKIT SIYA NAGBAGO ng PANINIWALA?

Lumalabas na MABABAW ang mga dahilan ni EHRMAN.

At LALONG nagiging MABABAW dahil ayon sa ibang BIBLICAL SCHOLARS ang mga “pagbabago” sa mga MANUSKRITO ay HINDI TALAGA PAGBABAGO kundi PAGKAKAIBA lang ng PAGKAKASULAT, tulad nga ng pagkaka-SPELL.

Sa madaling salita po ay mga MINOR o WALANG KABULUHAN ang mga “pagbabago” na iyan.

Pero sa KABUOHAN ay PAREHO at WALANG PINAGBAGO sa SINASABI ng mga KASULATAN, sabi ng mga EKSPERTO.

Dahil diyan ay WALANG EPEKTO sa mga KASULATAN o sa ARAL KRISTIYANO ang mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na nakita sa mga MANUSKRITO.

Sabi nga ng BIBLE EXPERT na si DR. WALLACE, “Only about 1% of the textual variants are both meaningful and viable.”

Sa Pilipino, “Mga 1% lang sa mga pagkakaiba sa mga teksto ang makahulugan at may katuturan.”

ISANG PORSIYENTO lang po ang “pagbabago” na MAY KABULUHAN. Ibig sabihin ay SOBRANG LIIT kaya WALANG EPEKTO sa NILALAMAN ng BIBLIYA.

Ibig sabihin din na 99 PORSIYENTO ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay TAMA.

So, ano po talaga ang dahilan at umayaw si Ehrman sa pagiging Kristiyano niya?

Ang simpleng sagot po ay PRIDE.

Nung na-“BORN AGAIN” po kasi si Ehrman ay nagkaroon siya ng MALING PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

At nung nagsimula siyang MAG-ARAL tungkol sa BIBLIYA ay NAKITA NIYA na MALI ang PINANIWALAAN NIYA at HINDI NIYA IYON MATANGGAP.

Sa susunod na post ay ipaliliwanag pa natin iyan.