Showing posts with label Balik Islam: Bakit umuulit ng walang katuturan?. Show all posts
Showing posts with label Balik Islam: Bakit umuulit ng walang katuturan?. Show all posts

Tuesday, September 15, 2009

Deut 18:18 = Propeta ng Islam?

SA KAWALAN po ng MAISAGOT nitong BALIK ISLAM sa tanong natin kung "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA" ay INULIT po NIYA ang PAGGAMIT sa mga TALATA sa BIBLIYA na PINIRATA NIYA.

Ang mga IBINIGAY NIYANG TALATA (Deut. 18:18, 21:21; Psl. 118:22-23; Isaiah 42:1-13; Hab 3:3-4; Matt. 21:42-43; John 14:12-17, 26-28, 16:7-14) ay PATUNGKOL sa PANGINOONG HESUS o sa ESPIRITU SANTO pero IBINIBIGAY po NIYA sa IBA.

NAIPALIWANAG at NAPATUNAYAN na po NATIN ang lahat ng TALATA na ibinigay niya pero MAGANDA pong SURIIN NATIN itong Deut 18:18 kaugnay sa TANONG NATIN na HINDI NIYA MASAGOT.

Ang TANONG po NATIN ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA?"

Sabi ng BALIK ISLAM ang Deut18:18 ay PATUNGKOL sa PROPETA NILA. Gusto pong PALABASIN nitong BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Hmmm, LALAPAT po ba ang Deut 18:18 sa PROPETA ng ISLAM?

Sabi po riyan ng DIYOS kaugnay sa PROPETA na KANYANG SUSUGUIN sa mga ISRAELITA:
"I will raise up for them a prophet like you from among their kinsmen, and [I] WILL PUT MY WORDS INTO HIS MOUTH; he shall tell them all that I command him."

Sabi po ng DIYOS diyan ay SIYA ANG MAGLALAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NA KANYANG SUSUGUIN.

Heto po ngayon ang MAS MAGANDANG TANONG: "DIYOS BA MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NITONG BALIK ISLAM?"

IYAN nga po ang HINDI MASAGOT NITONG BALIK ISLAM e.

HINDI NIYA MASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA. LALO pong HINDI NIYA MASASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA SA BIBIG NG KANILANG PROPETA.

At dahil po HINDI IYAN MAKASAGOT nitong BALIK ISLAM ay NABUBUO NA sa ISIP ng MARAMI na HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA.

Marahil ay WALA NA PO TAYONG PAKIALAM kung SINO MAN ANG NAGSUGO sa PROPETA NILA. Paniniwala nila yon e.

Ang MAHALAGA po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Ang MAHALAGA rin po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA at KAUTUSAN sa BIBIG ng KANILANG PROPETA.

At dahil HINDI MASABI nitong BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA sa BIBIG ng KANILANG PROPETA ay TAMA LANG PO na HINDI TAYO MANIWALA na ang PROPETA NILA ang tinutukoy sa Deut18:18.

IPAGPASALAMAT na lang po natin sa DIYOS na ang SIYA MISMO ang NAGSUGO sa mga PINUNO ng IGLESIA at sa mga UNANG KRISTIYANO.

PURIHIN din po natin ang DIYOS dahil SIYA MISMO ang NAGLAGAY ng SALITA sa BIBIG ng mga UNANG KRISTIYANO.

At dahil po riyan ay masasabi natin na FAR SUPERIOR ang KRISTIYANISMO sa IBA PANG PANINIWALA.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Monday, September 14, 2009

Hesus tagapagligtas ng lahat

WALA na naman pong MAISAGOT itong BALIK ISLAM kaya po PAULIT-ULIT na lang siya sa REAKSYON NIYA sa ARTIKULO natin na "Hesus sinugo lang sa mga Israelita?"

TULAD nang DATI ay ang OUT OF CONTEXT NIYANG PAGKA-UNAWA ang KANYANG IPINAGPIPILITAN.

Well, WALA na pong BAGO riyan.

Anyway, naghahanap po ng TALATA itong BALIK ISLAM kung saan sinabi na TAGAPAGLIGTAS ng LAHAT ang PANGINOONG HESUS.

MAGBIGAY po TAYO ng TALATA at PATUNAY sa ATING SINABI. KATOTOHANAN po KASI ang SINASABI NATIN kaya HINDI TAYO NAHIHIRAPANG SUMAGOT.

HINDI po KASI TAYO TULAD nitong mga BALIK ISLAM na HINDI MAKASAGOT sa mga TANONG NATIN. SIGURO po ay DUDA SIYA sa PINANINIWALAAN NIYA.

Kaya nga po PILIT na INILILIHIS nitong BALIK ISLAM ang ISYU ay dahil HINDI NILA MASAGOT ang SIMPLE pero MAHALAGANG TANONG "KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA."

Tila po MAPAPAHIYA ITONG BALIK ISLAM pag SUMAGOT SIYA e.

Ngayon, sabi nitong BALIK ISLAM:
"Bakit tela TAkot kang MAglitaw ng TAlata? kong meron man? may basehan ba yang mga sinasabi mo? o baka sa KOmiks mo lang nabasa yan? Anong Talata? bakit hindi mo makuhang ilitaw kong anong talata yang basihan mo! ha?"


Heto po ang sagot at ISASAMA pa NATING IPALIWANAG ang HINDI MAUNAWAAN na TALATA nitong BALIK ISLAM.

Sa John 4:5-42 ay KINAUSAP ng PANGINOONG HESUS ang ISANG BABAENG SAMARITANO. Ang mga SAMARITANO ay HINDI mga HUDYO.

Sa Jn4:14 ay SINABI ni HESUS:
"but WHOEVER DRINKS THE WATER I SHALL GIVE WILL NEVER THIRST; the water I shall give will become in him a spring of water welling up to eternal life."


ANO po ang KAHULUGAN ng "WHOEVER"?

IYAN ay KAHIT na SINO o LAHAT ng TATANGGAP sa IBIBIGAY ni KRISTO.

Mga ISRAELITA LANG po ba ang BIBIGYAN? Mga ARABO LANG BA?

HINDI po.

HINDI sinabi ni HESUS na "but AN ISRAELITE who drinks the water ..."

Ang BIBIGYAN ay LAHAT ng TAO. At kung LAHAT ng TAO, HINDI LANG ISRAELITA ang ILILIGTAS.

Nung IPALIWANAG ng PANGINOONG HESUS sa mga SAMARITANO ang mga ARAL NIYA ay NANIWALA ang mga SAMARITANO.

Sa Jn4:42 ay IDINEKLARA ng mga SAMARITANO:
"they said to the woman, "We no longer believe because of your word; for we have heard for ourselves, and WE KNOW that THIS IS TRULY the SAVIOR OF THE WORLD."


MAAGA pa po sa MINISTERYO ni HESUS ay NAKITA NA ng mga TAO na SI HESUS ang TAGAPAGLIGTAS ng MUNDO o ng LAHAT.

Ang tanong ay AGARAN po ba ang PAGLILIGTAS sa LAHAT?

HINDI po.

Ayon po mismo sa Panginoon ay KAILANGAN MUNANG HANAPIN ang mga NAWAWALANG TUPA ng ISRAEL.

Iyan ang sinasabi sa Matthew 15:24 na laging SINISIPI at GINAGAMIT nang MALI nitong BALIK ISLAM.

Sabi po riyan ng Panginoong Hesus:
"I AM NOT SENT BUT UNTO THE LOST SHEEP OF THE HOUSE OF ISRAEL."


Bakit po SINUGO si HESUS sa NAWAWALANG TUPA ng ISRAEL?

Dahil ang ISRAEL--HINDI ang ARABIA o IBA PANG BANSA--ang BANSANG PINILI ng DIYOS.

Nung MATUPAD NA ng PANGINOONG HESUS ang PAGPUNTA NIYA sa NAWAWALANG TUPA ng ISRAEL ay SINUGO na NIYA ang KANYANG mga ALAGAD upang IPANGARAL ang MABUTING BALITA ng KALIGTASAN sa "LAHAT NG BANSA." (Matthew 28:19)

Sabi nga ni PABLO sa Romans 1:16:
"
For I am not ashamed of the GOSPEL. It is the power of God for the SALVATION OF EVERYONE who believes: for JEW FIRST, and THEN GREEK."


Nakikita po ninyo?

KAILANGAN LANG TALAGA UNAHIN ang mga HUDYO BAGO ang mga HENTIL.

AYAW lang po TANGGAPIN IYAN nitong BALIK ISLAM dahil MAPAPAHIYA NA NAMAN SIYA.

At SA MULI po ay NASAGOT NA NAMAN NATIN ang TANONG at HAMON NITONG BALIK ISLAM.

Sanamtala, SIYA ay HINDI PA RIN MAKASAGOT sa SIMPLENG TANONG NATIN "KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA."

SIGURO po ay NAKAKAHIYA ang KATOTOHANAN kung SINO ang NAGSUGO sa KANILANG PROPETA.

Dahil po kaya HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA?

Dahil po kaya UTUSAN din LANG ang NAGSUGO sa KANYA?

Dahil po kaya KAHIT ang PAGSUGO ng UTUSAN ay HINDI MAPATUTUNAYAN NITONG BALIK ISLAM?

Ano nga po kaya ang TUNAY na DAHILAN? MARAMI po tuloy ang NABUBUO sa ISIP ng MARAMI at LAHAT ay HINDI MAGANDA para sa KANILA.

Sana po ay SUMAGOT NA itong BALIK ISLAM para MAGING MALIWANAG ang LAHAT.

Salamat po.

Wednesday, September 9, 2009

Balik Islam nagbubulag-bulagan

NAKAKAAWA po talaga itong BALIK ISLAM na PILIT na NAGBUBULAG-BULAGAN.

SINABI na po natin na "NASAGOT na po natin yang mga SINABI nitong BALIK ISLAM."

At "WALA na po SIYANG MAIHIRIT LABAN sa ATIN kaya NILOLOKO NA LANG PO NIYA ang SARILI NIYA."

Tapos po ay HUMIRIT pa itong BALIK ISLAM ng ganito:
"Nasagot mo na? nasagot mo na lahat? hehehehehe! ok ka rin magpalusot ah! Saan ang kasagutan mo patungkol sa kong ang Kristyanismo nga ba ay isang Relihiyon o isang Secta? meron ba? ni hindi mo binanggit ang issue na iyan eh? takot ka ba? ha? eh kong sa bagay may Biblical Proof dyan na magpapatunay na yang paniniwala mong Kristyanismo ay Secta lamang at hindi Relihiyon tulad ng katangahan mong paniniwala!


CENON BIBE:
Paki tingnan po sa kaliwa ang post natin na "Kristiyanismo sekta lang ba? Hindi tatag ni Kristo?"

Paki suri po kung hindi iyan sagot sa PALPAK at MALI na namang HIRIT nitong BALIK ISLAM.

GUSTO po NATING MAMULAT at MALIWANAGAN itong BALIK ISLAM pero SIYA PO ang PILIT na BUMUBULAG sa SARILI NIYA.

Marahil ay UNAWAIN na lang NATIN SIYA.

HINDI po KASI TALAGA MASAGOT nitong BALIK ISLAM ang mga TANONG NATIN sa KANYA E.

Una na po riyan ay KUNG DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NA KINIKILALA NIYA.

Pangalawa po ay KUNG DIYOS BA MISMO ANG NAGBIGAY NG MGA ARAL NA PINANINIWALAAN NIYA NGAYON.

NAKAPAGTATAKA po kung BAKIT HINDI MAKASAGOT itong BALIK ISLAM na ITO.

Hindi po ba KUNG ALAM NIYA na DIYOS MISMO ang NAGSUGO sa PROPETA NIYA ay IPAGSISIGAWAN NA DAPAT NIYA na "DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NAMIN!"

BAKIT PO HINDI NIYA IYAN MASABI?

NAGDUDUDA BA SIYA KUNG DIYOS NGA ANG NAGSUGO sa PROPETA NILA? O HINDI NIYA ALAM kung SINO ANG NAGSUGO sa KINIKILALA NIYA?

TAYONG mga KRISTIYANO ay AGAD-AGAD NATING MAIPAGMAMALAKI na "DIYOS ANG NAGSUGO SA MGA KINIKILALA NATING MGA PINUNO!"

Bakit po?

NAGKATAWANG TAO pa mismo ang DIYOS sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS (Jn1:1, 14) at SIYA MISMO ang NAGSUGO sa mga ALAGAD NIYA para IPANGARAL SA ATIN ang MAGANDANG BALITA ng KANYANG PAGLILIGTAS. (Mt28:19)

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

E BAKIT ITONG BALIK ISLAM HINDI MAKAPAGSABI ng GANYAN?

Kahit po KAYO ay MAGTATAKA e.

Kaya naman po natin naitatanong KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO sa PROPETA ng ISLAM ay dahil ISA RING BALIK ISLAM ang NAGSABI sa atin na KAPAG HINDI DIYOS ANG NAGSUGO AY HUWAD ANG ISANG PROPETA.

O, di po ba? MAGANDANG STATEMENT IYAN na SINABI ng isang BALIK ISLAM.

Ang problema po ay GUMAWA SIYA ng PROBLEMA sa KAPATID NIYANG BALIK ISLAM DIN.

HINDI PO MASABI NITONG BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA.

NAKAKAAWA NA LANG PO TALAGA itong BALIK ISLAM na ITO.

Kaya po ayan, PATI MGA WALANG ALAM sa KRISTIYANISMO (Acts 24:5 at Jn28:17-22) ay GINAGAMIT NA NIYANG SOURCE sa KANYANG MGA ATAKE sa ATIN.

NAPAKADALI LANG naman po ang SOLUSYON sa PROBLEMA NIYA E.

Kung HINDI NIYA ALAM ang SAGOT ay AMININ NIYA na HINDI NIYA ALAM. Hindi yung MAG-IISIP SIYA ng KUNG ANU-ANONG PALPAK na KATWIRAN para MAILIHIS ang USAPAN.

Ngayon, kung sa alam niya ay HINDI ANG DIYOS ANG MISMONG NAGSUGO SA KINIKILALA NIYA ay AMININ DIN NIYA. Ayaw ba niya yon na MAGIGING MALINAW SA ISIP NIYA ang LAHAT NG BAGAY?

NAKAKAAWA na lang po talaga itong BALIK ISLAM na ito.

IPAGDASAL po NATIN SIYA dahil HINDI NAMAN PO MAGANDA na HAHAYAAN NATIN SIYA habang NILOLOKO NIYA ang KANYANG SARILI.

Wednesday, August 26, 2009

Baboy pagkain ba?

HETO pa po ang PATUNAY na NAWALAN na ng KAKAYANANG MAG-ISIP nang TAMA itong TUMALIKOD kay KRISTO.

Sa isang post natin ay IPINAKITA NATIN na "INALIS na ng DIYOS ang PAGBABAWAL sa BABOY."

"Makikita po natin iyan sa sinabi ng PANGINOONG HESUS sa Mark 7:15, 18-19 na NAGDEDEKARA na LAHAT ng PAGKAIN ay MALINIS at MAAARI nang KAININ."

Ngayon, heto po ang sagot ng BALIK ISLAM:
"Mga kaibigan tandaan nyo po very specific itong si Mr. Cenon Bibe sa pagbabanggit ng BABOY specific din po kayang binabanggit ng Talata nya ang salitang Baboy? at minsa pa pinangungunahan na naman nitong si Mr. Cenon Bibe si Kristo at ang Bibiya at nagbibigay kaagad sya ng conclusion para bigyang katwiran ang mga paglalabag na ginagawa nya sa mismong Bibliya mga kaibagan; pero nasaan po ang word na baboy swine o pig sa nasabing Talata mga kaibigan? wala po di ba?"

CENON BIBE:
Ang TANONG NIYA ay "nasaan po ang word na baboy swine o pig sa nasabing Talata mga kaibigan? wala po di ba?"

ANO pa po ba ang DAPAT IPALIWANAG sa "LAHAT ng URI ng PAGKAIN ay MALINIS NA?"

PAGKAIN po ba ang BABOY?

OPO.

So, KASAMA BA ang BABOY sa PAGKAIN na MALINIS at PUWEDENG KAININ?

OPO.

NAPAKASIMPLE, hindi po ba?

HINDI lang po iyan MAUNAWAAN nitong BALIK ISLAM dahil ang TUMALIKOD kay KRISTO ay NAWALAN NA ng KAKAYANAN MAG-ISIP nang TAMA.

Ginamit pa niya ang mga talatang Mt5:17-18.

NASAGOT na po natin IYAN. INUULIT NA LANG NAMAN NIYA dahil WALA SIYANG MAITUTOL sa ating SINABI. Nasa POST po natin na "Kristo may karapatan ba baguhin ang aral?"

Binanggit po nitong BALIK ISLAM ang Romans 3:31.

GUMAMIT na naman po ng isa pang TALATA itong BALIK ISLAM kahit HINDI NIYA NAUUNAWAAN ang GINAMIT NIYA.

Ganito po ang sinasabi ng Rom 3:31:
"Are we then annulling the law by this faith? Of course not! On the contrary, we are supporting the law."

Batay po riyan ay pinalalabas nitong BALIK ISLAM na HINDI PA RAW INAALIS ang KAUTUSAN.

Ang tanong po ay eto: ALING KAUTUSAN ANG TINUTUKOY RIYAN? Ang SPECIFIC na mga KAUTUSAN na INALIS na ng PANGINOON o ang TORAH na ang BAHAGI ng OLD TESTAMENT na BINUBUO ng LIMANG AKLAT ni MOISES?

TIYAK ko po na HINDI ALAM nitong BALIK ISLAM kung ANO ang TINUTUKOY RIYAN.

Para po MAY MATUTUNANG TAMA itong BALIK ISLAM ay ipaliwanag natin iyan.

Ang tinutukoy riyan ni PABLO ay ang TORAH o ang UNANG LIMANG AKLAT ng BIBLIYA: Ang GENESIS, EXODUS, LEVITICUS, NUMBERS, at DEUTERONOMY.

NARIYAN po sa LIMANG AKLAT na IYAN ang PANGAKO ng DIYOS na PAGLILIGTAS, partikular sa Gen 3:15. Nariyan din po ang PANGAKO ng PAGDATING ng PANGINOONG HESUS o ang PROPETANG TULAD ni MOISES (Deut 18:18). At MARAMI pang IBA.

Ang mga IYAN PO ang tinutukoy ni PABLO na SINUSUPORTAHAN NIYA. HINDI po ang MGA KAUTUSAN na INALIS NA ng DIYOS.

Katunayan, si PABLO po MISMO ang NAGSABI na ang mga DECRETO o MGA SPECIFIC na KAUTUSAN ay KASAMA NANG IPINAKO sa KRUS.

Sabi ni Pablo sa Colossians 2:14-16:
"14 having CANCELED THE WRITTEN CODE, with its REGULATIONS, that was against us and that stood opposed to us; he took it away, nailing it to the cross.

"15 And having disarmed the powers and authorities, he made a public spectacle of them, triumphing over them by the cross.[d]

"1 6Therefore do not let anyone judge you by what you EAT or DRINK, or with regard to a religious festival, a New Moon celebration or a Sabbath day."

NAKITA po ninyo?

HINDI na raw po DAPAT HUSGAHAN ang mga KRISTIYANO sa kanilang KINAKAIN o INIINOM dahil ang mga DECRETO o KAUTURAN kaugnay diyan ay KASAMA NANG IPINAKO sa KRUS.

Ano po ang IBIG SABIHIN NA "KASAMA NANG IPINAKO sa KRUS?"

Ang KAHULUGAN po niyan ay NOONG BAYARAN ni KRISTO ang KASALANAN NATIN gamit ang KANYANG KAMATAYAN sa KRUS ay KASAMA na ang mga KAUTUSAN sa PAGKAIN na NAHUGASAN o NALINIS para sa ATIN.

Kaya nga po INALIS NA ang mga PAGBABAWAL sa PAGKAIN.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Nakikita po ba ninyo kung PAANO MAGPALIWANAG ang TAGASUNOD ni KRISTO?

MAY BATAYAN at MAY KATUTURAN. MAYROON ding SENSE at NAIINTINDIHAN.

HINDI tulad nitong TUMALIKOD kay KRISTO na KINAKAPALAN na lang ang MUKHA para lang MAKAHIRIT. KAHIT WALANG SAYSAY at MALI ay IGIGIIT NIYA basta lang SIYA MAY MAIDALDAL.

Hindi Israelita, hindi na tao?

ITULOY po natin ang PAGPAPAKITA kung paano NAWAWALAN ng KAKAYANANG MAG-ISIP ang isang taong TUMALIKOD kay KRISTO.

SA isang post po natin ay SINAGOT ko kung bakit (bilang KRISTIYANO) ay HINDI na AKO SUMUSUNOD sa PAGBABAWAL sa PAGKAIN ng BABOY.

Sinabi ko po:
"Una, HINDI AKO ISRAELITA na PINAGBAWALAN ng DIYOS na HUWAG KUMAIN ng BABOY."

MALINAW po ang BATAYAN ko sa SINABI kong IYAN.

Kung babasahin po kasi natin ang KAUTUSAN LABAN sa PAGKAIN ng BABOY ay MALINAW na TANGING SA MGA ISRAELITA iyon IPINAGBAWAL.

Sabi po sa Leviticus 11:1-2:
"1 The LORD said to Moses and Aaron,

"2 Speak to the ISRAELITES and tell them: Of all land animals these are the ones you may eat ..."

Ngayon, HINDI po iyan MATUTULAN nitong BALIK ISLAM kaya HUMIRIT na naman SIYA ng WALANG SAYSAY na DEKLARASYON

Heto po ang DEKLARASYON ng NAITALIKOD KAY KRISTO:
"So mga kaibigan dahil hindi ISRAELITA itong si Mr. Cenon Bibe ang ibig nyang sabihin po ba ay hindi na rin sya Tao? at hindi rin Dios ang may Likha sa kanya?"

CENON BIBE:
GANOON? At SAANG KOMIKS NAMAN NABASA nitong BALIK ISLAM na ito na KAPAG HINDI ISRAELITA ang isang TAO ay HINDI NA SIYA TAO?

Nakikita po ba ninyo ang KAPALPAKAN at KABABAWAN ng PAG-IISIP ng isang NAITALIKOD sa PANGINOONG DIYOS na SIYANG NAGBIBIGAY ng LAHAT ng KARUNUNGAN sa TAO?

Dahil NAITALIKOD sa DIYOS ng KARUNUNGAN ay WALA NANG KARUNUNGANG MAG-ISIP itong TAO na ITO.

At siya pa po ang MAY GANANG MAGSABI NA: HINDI RIN DIOS an MAY LIKHA sa KANYA."

Ang PINALALABAS NIYA ay KAPAG HINDI ISRAELITA ay HINDI NILIKHA ng DIYOS.

BAKIT PO? Ang mga ARABO BA na HINDI ISRAELITA ay HINDI DIYOS ang LUMIKHA?

Sige nga, PUMUNTA nga SIYA sa SAUDI ARABIA at SABIHAN ang mga ARABO na HINDI SILA NILIKHA ng DIYOS dahil HINDI SILA ISRAELITA.

NAPAKABABAW po NIYA TALAGA.

SUMUSUBOK SIYANG MANGATWIRAN pero PURO KAMANGMANGAN at KABABAWAN ang IDINADALDAL NIYA.


Heto po ang MALAMYA pa niyang HIRIT:
"kaya daw po sya kumakain ng ng mga IPINAGBABAWAL ng Dios dahil hindi daw po sya ISRAELITA, pero ang tanong ko po sa kanya bakit daladala nya ang mga kasulatan na hindi para sa kanya? yang Bibliya [OLD TESTAMENT] Mr. Cenon Bibe!"

CENON BIBE:
Bakit daw po DALA-DALA ko pa ang BIBLIYA, partikular ang OLD TESTAMENT?

NAPAKASIMPLE po ng SAGOT DIYAN.

Ang PAGLILIGTAS na GINAWA ng DIYOS ay HINDI LANG PARA SA MGA ISRAELITA.

Ang mga ISRAELITA ang BAYANG PINILI ng DIYOS para MAGING BAYAN NIYA. SA PAMAMAGITAN po kasi ng LAHI ng mga ISRAELITA BUMABA ang DIYOS para MAGKATAWANG TAO.

Hindi po ba si HESUS ay isang HUDYO na MULA sa LAHI ni DAVID?

Ngayon, ang BIBLIYA ay KASAYSAYAN ng PAKIKIPAG-UGNAYAN ng DIYOS sa TAO, MULA PA sa PANAHON ni ADAN hanggang sa mga PROPETA ng LUMANG TIPAN at hanggang sa KATUPARAN ng mga PANGAKO ng DIYOS na MABABASA sa BAGONG TIPAN.

KATUNAYAN, TAYO pong mga KATOLIKO ay KUMPLETO ang RECORD na HAWAK NATIN. Kaya nga po may 73 books tayo e.

Sa KABILANG DAKO, may mga tao na BINAWASAN NA ang RECORD kaya 66 BOOKS na lang ang HAWAK NILA.

Ito pong BALIK ISLAM ay ISA sa mga KUMAPIT sa BINAWASAN na RECORD kaya NAPAKADALI NIYANG NAITALIKOD sa KATOTOHANAN at sa DIYOS na TAGAPAGLIGTAS.

ASAN na NGAYON SIYA?

AYAN at HIRAP NA HIRAP MAG-ISIP dahil NAWALAN NA SIYA ng KARUNUNGAN at KAKAYANANG MAG-ISIP nang TAMA.

Ngayon, kaya po DALA-DALA KO ang BIBLIYA, kasama na ang LUMANG TIPAN kung saan NAKA-RECORD ang mga INALIS NANG KAUTUSAN, ay para PATUNAYAN sa LAHAT (LALO NA DITO SA BALIK ISLAM) na ANG KRISTIYANISMO ay NAKAUGAT sa PINAKAUNANG TAO, si ADAN.

Isa pang MAPATUTUNAYAN ng PAGDADALA ko ng BIBLIYA ay ang KATUPARAN ng PAGLILIGTAS ng DIYOS na MATATAGPUAN LANG sa KRISTIYANISMO. Ang PANGAKO ng KALIGTASAN ay naka-RECORD sa LUMANG TIPAN. Ang KATUPARAN naman po ng KALIGTASAN ay naka-RECORD naman sa BAGONG TIPAN.

Sa madaling salita, ang BIBLIYA po ay RECORD ng RELASYON ng DIYOS at ng KANYANG BAYAN. At TAYONG MGA KRISTIYANO ay KUMPLETO at BUO ang RECORD NATIN na TAYO ang KATUPARAN ng PAGLILIGTAS ng DIYOS.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, MAKAPAGMAMALAKI rin ba ng GANYAN itong BALIK ISLAM?

MAY MAIPAKIKITA po ba SIYANG RECORD na SILA NGA ang INILIGTAS ng DIYOS?

Hindi po ba PILIT pa NIYANG SINISIRAAN ang BIBLIYA na RECORD ng PAGLILIGTAS ng PANGINOON?

Ang MASAKLAP ay PINALITAN NIYA ang BIBLIYA ng IBA PANG KASULATAN na HINDI NIYA MASABI kung DIREKTANG NANGGALING sa DIYOS NILA.

Kaya nga po LALONG NAKAKAAWA itong BALIK ISLAM na ITO E. TINALIKURAN NIYA ang RECORD na NANGGALING sa mga PROPETANG DIREKTANG NAKAUSAP ng DIYOS tapos NAGSUSUMIKSIK SIYA sa mga ARAL na HINDI NIYA MASABI kung DIREKTANG IBINIGAY ng DIYOS sa PROPETA NILA.

Dapat IPAGSIGAWAN NIYA na DIREKTANG GALING sa DIYOS ang mga ARAL NILA.

Bakit HINDI NIYA MAIPAGSIGAWAN at HINDI NIYA MAIPAGMALAKI IYAN?

NAGTATANONG LANG PO TAYO.

Ganito ang nangyayari pag tumalikod kay Kristo

NAPAKAGANDA po ng mga NANGYAYARI dahil sa PALITAN namin ng PALIWANAG nitong BALIK ISLAM na PILIT NANINIRA sa BIBLIYA, SA KRISTIYANISMO at sa PANGINOONG HESU KRISTO.

Kung nasusundan ninyo ang USAPAN namin ay MAKIKITA NINYO ang MABABAW at kadalasan ay BALUKTOT na PANGANGATWIRAN at PAG-IISIP nitong BALIK ISLAM.

Katunayan po, dahil sa KAHIHIYAN na INAABOT NIYA ay IKINAHIHIYA na NIYANG MAKILALA na BALIK ISLAM.

NOON, halos IPAGSIGAWAN pa NIYA na SIYA AY BALIK ISLAM. Parte po iyan ng PAGYAYABANG NIYA na siya ay DATING KRISTIYANO.

Ngayon, AYAW na AYAW na NIYANG GAMITIN ang BALIK ISLAM.

Bakit po? Dahil nga PURO KAHIHIYAN ang INAABOT NIYA, lalo na kung NABABASA ng mga TAO ang mga WALANG SAYSAY niyang mga PANGANGATWIRAN.

At eto nga po ang DAGDAG na WALANG KWENTANG mga HIRIT NIYA.

Sa isa pong post natin na may pamagat na "Perfect na Aral saan matatagpuan" ay sinabi natin:
"Ang INALIS ng DIYOS ay ang mga ARAL na HINDI NA ANGKOP dahil PINALITAN NA NIYA nang PERFECT na ARAL."

Ang tinutukoy po natin diyan ay ang mga ARAL sa LUMANG TIPAN na INALIS NA ng DIYOS matapos Niyang GAWING GANAP ang mga PANGAKO NIYA sa MATANDANG KASULATAN.

Ang KAGANAPAN po ng mga PANGAKO ng DIYOS ay nasa PAGLILIGTAS na GINAWA ng DIYOS ANAK na si HESU KRISTO doon sa KRUS at sa MULI NIYANG PAGKABUHAY.

Ngayon, heto po ang isa na namang MALAMYA at WALANG SAYSAY na HIRIT nitong BALIK ISLAM.

Sabi niya:
"Mga kaibigan sino daw po ang nag-alis ng mga hindi na PERFECT na aral?"

CENON BIBE:
NASAGOT na po NATIN IYAN. Nasa post natin na "Kristo may karapatan ba baguhin ang aral?"

DIYAN po natin MAKIKITA na TAKOT MAGBASA ng SAGOT NATIN itong BALIK ISLAM na UMAATAKE sa ATIN.

Bakit SIYA TAKOT?

Dahil ALAM NIYA na HINDING-HINDI NIYA MATUTUTULAN at HINDING-HINDI NIYA MASASAGOT ang mga PALIWANAG NATIN.

So, ANO ANG GINAGAWA NIYA?

INUULIT-ULIT na lang po NIYA ang mga TANONG NA NASAGOT NA.

At diyan po ay MAKIKITA NATIN kung ANO ang NANGYAYARI sa isang TUMATALIKOD kay KRISTO: SIYA ay NAWAWALAN ng KAKAYAHANG MAG-ISIP at UMUNAWA.

TINALIKURAN kasi niya ang KARUNUNGAN ng DIYOS (1 Corinthians 1:24) kaya NAWALAN na SIYA ng KARUNUNGANG UMUNAWA.

Ngayon ay heto pa po ang isa pang tanong nitong BALIK ISLAM:
"so nasaan na po ngayon ang mga hindi na Perfect na Aral na inalis pa raw po mismo ng Dios? wala na kaya ito sa kanyang Bibliya? ha? Mr. Cenon Bibe?"

CENON BIBE:
Ang RECORD ng INALIS na ARAL ay NARIYAN sa LUMANG TIPAN.

HINDI po iyan BINUBURA o INAALIS MULA sa BIBLIYA dahil PATUNAY IYAN na ang KRISTIYANISMO ang KATUPARAN ng mga PANGAKO ng DIYOS na NAKA-RECORD sa LUMANG TIPAN.

Ang mga KAUTUSAN po kasi sa LUMANG TIPAN ay IBINIGAY ng DIYOS sa UNA NIYANG BAYAN, ang ISRAEL. IBINIGAY ang mga iyan noong BAGO PA LANG ILABAS ng DIYOS ang mga ISRAELITA sa EHIPTO at NAGSISIMULA PA LANG ang DIYOS na HUBUGIN ang ISRAEL bilang BAYAN NIYA.

Noong MAGKATAWANG TAO ang DIYOS sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS ay GINAWA NIYANG GANAP ang MGA PANGAKO sa LUMANG TIPAN.

Nung MAGING GANAP na ang mga PANGAKO ay BINAGO NA NIYA ang mga KAUTUSAN. MAGKAIBA na po kasi ang SITWASYON: Ang nasa LUMANG TIPAN ay BAGO ang PAGLILIGTAS. Ang nasa BAGONG TIPAN ay NAGANAP NA ang PAGLILIGTAS.

At dahil NAGANAP NA ang PAGLILIGTAS ay MAGKAIBA NA at NABAGO NA ang SITWASYON.

At dahail NABAGO NA ang SITWASYON ay NABAGO NA RIN ang mga KAUTUSAN para sa BAYAN ng DIYOS.

Ganyan po KADALI iyan.

Ang tanong ay MAY KAKAYANAN BA itong TUMALIKOD kay KRISTO na UNAWAIN ang BAGAY na IYAN?

MALAMANG po ay WALA. Kaya nga po PAULIT-ULIT NA LANG SIYA ng mga TANONG na NASAGOT NA NATIN.

SUBUKAN po nating TANUNGIN itong BALIK ISLAM na ITO kung SIYA ay MAY MAIPAKIKITANG RECORD na NAGMULA sa mga UNANG PROPETA. NATITIYAK KO PO na WALA SIYANG MAIPAKIKITA.

Bakit po WALA SIYANG MAIPAKIKITANG RECORD na NANGGALING sa mga UNANG PROPETA?

SIYA NA PO ANG INYONG TANUNGIN.

Ang MALINAW po rito ay HINDI LANG KARUNUNGAN at PANG-UNAWA ang NAWAWALA sa mga TUMATALIKOD kay KRISTO. NAWAWALA rin sa KANILA ang mga RECORD at BATAYAN ng PANINIWALA at PANANAMPALATAYA na NAGMULA PA sa UNANG PANAHON na KINAUSAP ng DIYOS ang mga PROPETA.

Thursday, August 6, 2009

Balik Islam: Walang kabuluhang paulit-ulit

KITANG-KITA na naman po ang DESPERASYON nitong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA, sa KATOLIKO at sa PANGINOONG HESUS.

Kung hindi pa po ninyo napapansin ay NAGPAPAULIT-ULIT na lang SIYA ng mga POST NIYA at pilit iyong IKINAKALAT sa iba't-ibang post natin.

HUWAG na po KAYO MAGTAKA. Hanggang ganyan na lang po ang magagawa niya.

Una po kasi ay HINDI talaga SIYA MAKATUTUTOL sa mga SINASABI NATIN DITO sa BLOG na ito.

Pangalawa, HINDI NIYA MASASALAG ang mga PAGTUTUWID NATIN sa mga KAMALIAN at PANINIRA NIYA laban sa BIBLIYA, sa KATOLIKO at sa PANGINOONG HESUS.

Pangatlo, WALA po SIYANG MAISASAGOT sa mga TANONG NATIN sa KANYA.

Paki pansin po na MISMONG ARAL NILA ay HINDI NIYA MAIPALIWANAG nang MAAYOS.

Pang-apat, WALA PO SIYANG MAITATAPAT sa mga ARAL KATOLIKO na siyang ARAL ng DIYOS.

Pang-lima, HINDI po NIYA MATUTUTULAN ang mga KATOTOHANANG INILALABAS natin dito.

HINDI po natin LAYUNIN na IPAHIYA itong BALIK ISLAM na NANINIRA sa atin.

Kung NAPAPAHIYA man po itong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA ay DAHIL NAKAKAHIYA ang mga SINASABI NIYA at ang mga GINAGAWA NIYA.

HINDI po natin SIYA KAAWAY at HINDI NATIN KAAWAY ang LAHAT ng BALIK ISLAM. Lalong HINDI NATIN KAAWAY ang mga MUSLIM.

SIYA ang LUMILIKHA ng ALITAN sa PAGITAN ng mga KRISTIYANO na KANYANG SINISIRAAN at mga MUSLIM na NASISIRA naman dahil sa mga KALOKOHAN NIYA.

Kung MATUTUTO lang itong BALIK ISLAM na ito na GUMALANG sa IBANG TAO ay HINDI SIYA MAPAPAHIYA nang PAULIT-ULIT.

IPAGDASAL po natin SIYA at ang mga NABIBIKTIMA ng mga MALI-MALI NIYANG SINASABI.

OKAY lang po na NAGPAPAULIT-ULIT SIYA ng PANALANGIN NILANG ARABIC. GAWAIN talaga ng MUSLIM IYAN E.

Ang PROBLEMA lang po niya ay baka INIISIP NIYA na porke HINDI NIYA NAIINTINDIHAN ang INUULIT-ULIT NIYANG DASAL ay okay lang na MAGPAULIT-ULIT din SIYA ng mga DALDAL na HINDI RIN NIYA NAIINTINDIHAN.

Muli po ay MAG-ALAY TAYO ng PANALANGIN para sa KANYA: Nawa ay MAMULAT SIYA sa KATOTOHANAN at MATUTONG TUMANGGAP ng mga KAMALIAN NIYA.

Salamat po