BIGYANG daan po natin itong sagot ng isang BALIK ISLAM sa post ng isa pa nating tagasubaybay na si Amir.
Sabi ng BALIK ISLAM:
Salamat Amir sa payo mo. Ginawa ko na yan. Ang humingi ng tulong at gabay sa Dios. Kaya nga ako nasa Islam ngayon eh. Direktang pakikipag ugnayan sa nag iisang Tunay na Dios. Bakit ko sinabing direkta, pag nagkasala ako, nananalangin ako ng taimtim sa kapatawaran nito, kasabay ang pagsusumikap na baguhin ang mali kong nagawa. Hindi na ko kinakailangang manggising ng natutulog na pari sa gabi para ikumpisal ang kasalanan ko, baka kasi abutan ako ni kamatayan na hindi ko man lang naihihingi ng patawad ang kasalanan ko. Direkta, dahil ang kaligayahan ng kaluluwa ko ang direkta ko ring ipinagpapasalamat sa Dios na may gawa noon, hindi ko na kinakailangang magbayad sa simbahan para lang magpa thanks-giving mass. Direkta dahil pag pakiramadam kong gustong kong kausapin ang Dios, sasabihin ko lang ang intensyon ko, para ko na rin Siyang kausap, hindi ko na kailangang magdasal sa mga santo o humingi ng tulong sa kanila upang ipanalangin ako sa Poong Maykapal. At pag nagdarasal ako sinasambit ko rin ang "Our God in heaven, holy be Thy Name, Thy kingdom come, Thy will be done on earth as it is on heaven. Give us this day our daily bread and forgive us our sins as we forgive those who sinned against us. Do not bring us to test but deliver us from evil. Ameen.
CENON BIBE:
NAPUNA ko lang po ang paulit-ulit na sinabi ng BALIK ISLAM na "DIREKTA" siyang NAKIKIPAG-UGNAYAN sa DIYOS.
Kung PANINIWALA po NIYA na "DIREKTA" NIYANG NAKAKAUSAP ng DIYOS ay PANINIWALA po NIYA IYON.
Actually, NAALALA ko lang po ang MARAMI PANG IBANG TAO na DIREKTANG SUMASAMBA sa KANI-KANILANG DIYOS o MGA DIYOS.
Ang mga PAGANO ay DIREKTANG SUMASAMBA sa KANILANG mga DIYOS.
Ang mga ANIMISTA (dumidiyos sa KALIKASAN) ay DIREKTA ring SUMAMBA sa MGA DIYOS NILANG ARAW, BUNDOK, PUNO at iba pa.
Ang mga PROTESTANTE ay DIREKTA ring SUMASAMBA sa DIYOS.
Ang mga KATOLIKO ay DIREKTA ring SUMASAMBA sa DIYOS.
So, makikita po natin na LAHAT ng TAO ay PUWEDENG MAG-CLAIM na DIREKTA SILANG SUMASAMBA sa DIYOS.
Ang KAIBAHAN lang po ng mga KATOLIKO ay HINDI LANG TAYO BASTA SUMASAMBA nang DIREKTA. TAYO ay DIREKTA at PERSONAL rin na HINAHARAP ng DIYOS sa MISA.
Sa MISA po kasi ay PERSONAL na HUMAHARAP sa ATIN ang DIYOS sa pamamagitan ng KANYANG KATAWAN at DUGO.
Kaya nga po WALA NANG HIHIGIT PANG PARAAN NG PAGSAMBA SA DIYOS KAYSA BANAL NA MISA.
May mga binanggit po ang BALIK ISLAM na mga ayon sa kanya ay HINDI DIREKTANG PAGSAMBA sa DIYOS.
Sabi ng BALIK ISLAM:
Hindi na ko kinakailangang manggising ng natutulog na pari sa gabi para ikumpisal ang kasalanan ko, baka kasi abutan ako ni kamatayan na hindi ko man lang naihihingi ng patawad ang kasalanan ko.
CENON BIBE:
HINDI po talaga natin KAILANGANG MANGGISING ng PARI sa GABI dahil DAPAT ay PALAGI TAYONG NANGUNGUMPISAL sa ORAS na GISING ang PARI.
Hindi po ba puwede na DIREKTA TAYONG MANGUMPISAL SA DIYOS?
PUWEDE po, lalo na kung NANGANGANIB ang ATING BUHAY at WALA nang PAGKAKATAON na MANGUMPISAL sa PARI.
Pero bakit kailangang sa PARI tayo MANGUMPISAL?
IBINIGAY po kasi ng DIYOS sa mga PARI ang KAPANGYARIHAN ng PAGPAPATAWAD ng KASALANAN. (John 20:21-23)
Sa pamamagitan po niyan ay NATITIYAK NATIN na NAPAPATAWAD NGA ng DIYOS ang ATING mga KASALANAN.
NAPAKADALI po kasing SABIHIN na "DIREKTA" nating NAIHIHINGI ng SORRY ang ating mga KASALANAN. Pero PAANO TAYO MAKATITIYAK na HINDI LANG SARILI NATIN ang ATING KINAKAUSAP?
Para po MATIYAK na NAPATAWAD TAYO ay BINIGYAN ng DIYOS ng KAPANGYARIHAN ang mga PARI na MAGPATAWAD sa KANYANG NGALAN.
Ang TUTUTOL sa PANGUNGUMPISAL sa PARI ay SA DIYOS TUMUTUTOL. HINDI sa PARI. Ang DIYOS ang KANILANG SINUSUWAY.
DIRINGGIN kaya tayo ng DIYOS kung SADYA NATING TINUTUTULAN ang KANYANG ITINAKDA?
BALIK ISLAM:
Direkta, dahil ang kaligayahan ng kaluluwa ko ang direkta ko ring ipinagpapasalamat sa Dios na may gawa noon, hindi ko na kinakailangang magbayad sa simbahan para lang magpa thanks-giving mass.
CENON BIBE:
SAYANG, HINDI NIYA NAINTINDIHAN ang INIWAN NIYANG RELIHIYON.
HINDI BAYAD ang IBINIBIGAY sa THANKSGIVING MASS. Iyan ay HANDOG o ALAY bilang PANTULONG sa GAWAIN ng DIYOS.
WALA po KASING BUWIS ang KATOLIKO. HINDI po NAGTATAKDA ng PORSIYENTO sa KINIKITA ng mga TAO. WALA pong TWO PERCENT. WALANG 10 PERCENT.
BALIK ISLAM:
Direkta dahil pag pakiramadam kong gustong kong kausapin ang Dios, sasabihin ko lang ang intensyon ko, para ko na rin Siyang kausap, hindi ko na kailangang magdasal sa mga santo o humingi ng tulong sa kanila upang ipanalangin ako sa Poong Maykapal.
CENON BIBE:
GAWAIN din ng mga KATOLIKO ang DIREKTANG KAUSAPIN ang DIYOS.
At HINDI lang ang DIYOS. Pati ang NANAY NIYA at mga KAIBIGAN ay MALAYA RING KAUSAPIN ng mga KATOLIKO.
Ang KAGANDAHAN ng KATOLISISMO ay MARAMING TUTULONG SA ATIN sa PAGDARASAL. HINDI TAYO NAG-IISA. ISA po TAYONG MALAKING PAMILYA na SAMA-SAMANG NANANALANGIN sa IISANG TUNAY na DIYOS.
Pero ang PINAKAMAIPAGMAMALAKI NATING mga KRISTIYANO ay HINDI LANG TAYO ang DIREKTANG NAKIKIPAG-UGNAYAN sa DIYOS.
Ang DIYOS po MISMO ang UNANG DIREKTANG NAKIPAG-UGNAYAN sa ATIN.
NAGKATAWANG TAO pa ang DIYOS para TAYO ay KAUSAPIN, TURUAN at ILIGTAS.
DIREKTA ring IBINIGAY ng DIYOS ang KANYANG mga KAUTUSAN sa ATIN.
Isa na nga po ang PAGBIBIGAY NIYA ng KAPANGYARIHAN sa mga PARI para MAKAPAGPATAWAD ng KASALANAN sa KANYANG NGALAN.
WALA pong GANYAN sa IBANG RELIHIYON.