Showing posts with label 8 irrefutable arguments. Show all posts
Showing posts with label 8 irrefutable arguments. Show all posts

Monday, May 31, 2010

8 Irrefutable Arguments, recycled din na basura

HETO pa po ang DAGDAG na BASURANG ARAL na PILIT IPINAPAKAIN ng mga BALIK ISLAM sa mga INILILIGAW NILA upang TUMALIKOD kay KRISTONG DIYOS at TAGAPAGLIGTAS.

BASURA rin po ang TAWAG NATIN sa mga ITO dahil NASAGOT na rin po NATIN IYAN at INULIT NA LANG mg mga BALIK ISLAM.

Ang TAWAG po sa BASURANG ITO ay ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS."

1. Ang pagkakaroon ng tatay at nanay ni Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses had a father and a mother. Muhummed also had a father and a mother. But Jesus had only a mother, and no human father.

2. Ang natural na pagkapanganak kay Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed were born in the normal, natural course, i.e. the physical association of man and woman; but Jesus was created by a special miracle."

3. Ang pagkakaroon ng asawa ni Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed married and begat children, but Jesus remained a bachelor all his life."

4. Ang pagtakwil at kalaunan ay pagtanggap ng mga Israelita kay Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed were accepted as prophets by their people in their very lifetime."

5. Ang pagkakaroon ng "kaharian" ni Moises dito sa lupa.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed were prophets as well as kings."

6. Ang pagbibigay ni Moises ng "bagong batas" sa mga tao.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed brought new laws and new regulations for their people."

7. Ang pagkamatay ni Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Both Moses and Muhummed died natural deaths."

8. At kung saan nalibing ang bangkay ni Moises.

Sabi ng BALIK ISLAM: "Moses and Muhummed both lie buried in earth."


HETO po ang TANONG: MABABASA po ba sa Deut 18:18 ang mga PAGKUKUMPARA na IYAN?

HINDI po.

WALA pong SINABING GANYAN.

MALINAW po na IDINAGDAG NA NAMAN ng mga BALIK ISLAM ang MGA PAGKUKUMPARA na IYAN.

At DAHIL DINAGDAGAN NILA ang Deut 18:18 ay BINALUKTOT po ng MGA BALIK ISLAM ang SINASABI ng TALATA.

MAKIKITA po NATIN diyan na KAILANGANG DAGDAGAN at BALUKTUTIN ng MGA BALIK ISLAM ang SINASABI ng BIBLIYA para lang MAIPILIT NILA ang PROPETA NILA roon.

KUNG MATUWID at WALANG DAGDAG ang Deut 18:18 ay HINDING-HINDI po LALAPAT sa PROPETA NILA ang SINASABI ng TALATA.

Ngayon, TATANGGAPIN po ba NINYO ang BINALUKTOT na TALATA?

MAILILIGTAS po ba KAYO ng KINORAP na TALATA?

TIYAK po na HINDI.

MALAMANG na MAPA-IMPIERNO pa KAYO kapag NANIWALA KAYO sa DINAGDAGAN, PINILIPIT at BINALUKTOT na VERSE ng BIBLE.

Nasa INYO po ang PASYA kung ITATAPON NINYO ang KALULUWA NINYO sa IMPIERNO.

Tuesday, June 23, 2009

Crucifixion o cruci-fiction: The Sign of Jonah

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA ILANG nauna nating POST (Crucifixion o cruci-fiction) ay tinalakay natin ang mga MALING UNAWA ng isang MUSLIM DEBATER (si SHEIKH AHMED DEEDAT) sa mga sinasabi ng BIBLIYA na ginamit niya para PABULAANAN na ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY sa KRUS at MULING NABUHAY.

Ituloy po natin ang pagsuri sa mga DAHILAN ni DEEDAT para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS.

Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya."

Ganoon? Totoo ba ang sinabi ni DEEDAT?

SORRY pero HINDI PO. NAGKAKAMALI po SIYA.

Ang tinutukoy pong propesiya raw ng Panginoong Hesus na "HINDI NATUPAD" ay ang sinabi ng Kristo sa Matthew 12:38-40.

Ganito po ang sinasabi riyan, "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."

"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.

GANOON? At PAANO NAMAN DAW PO PINATUNAYAN ng mga KRISTIYANO na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN?

Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS. E, ANO RAW BA ang NANGYARI kay JONAS? NAMATAY raw ba si JONAS nung NASA TIYAN nung BALYENA?

HINDI, ani DEEDAT. Si JONAS ay BUHAY habang nasa tiyan ng balyena.

At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.

Samakatuwid, diin ni DEEDAT, "HINDI MAGKATULAD ang NANGYARI kina JONAS at HESUS ... MALI ang SINABI ni HESUS." GANOON?! Kung AANTOK-ANTOK at HINDI TATALASAN ng NAKIKINIG ang KANILANG ISIP ay MAPAPABILIB SILA sa mga SINASABI ni DEEDAT.

Baka masabi pa nila, "Oo nga naman ... Buhay si Jonas samantalang si Hesus ay PATAY nung INILAGAY sa TIYAN ng LUPA."

Pero TEKA LANG PO!

Maitanong nga natin: Doon ba sa sinabi ni HESUS na TANDA na TULAD ng KAY JONAS ay TINUKOY NIYA ang KALAGAYAN NILA ni JONAS habang SILA ay nasa TIYAN ng ISDA at ng LUPA?

IYAN po ba ang TANDA na TINUKOY ni HESUS?

BASAHIN po ULI NATIN ang SINABI ng PANGINOON sa Mt 12:40.

Sabi riyan ng Panginoon, "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ano po ang TANDA?

Ang TANDA ay ang PANANATILI ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA. IYAN ang TANDA na magiging KATULAD ng kay HESUS.

VERY SPECIFIC po IYAN sa SINABI ng PANGINOON. WALANG LABIS, WALANG KULANG.
MAY SINABI po ba na ang TANDA ay "Kung ANO ang KALAGAYAN ni JONAS at ni HESUS [BUHAY o PATAY]?"

WALA po. HINDI po iyan ang TANDA.

E, SAAN PO IYAN GALING?

Saan pa po? E, di sa ISIP ni DEEDAT at sa ISIP ng mga KASAMA NIYANG BALIK ISLAM o ISLAMIC REVERTS na PILIT MINAMALIIT ang PAGLILIGTAS na GINAWA ni KRISTO.
Sa madaling salita ay INIMBENTO NILA IYAN at IDINAGDAG doon sa TANDA na SINABI ni HESUS.

ANO ULI yung TANDA na SINABI ni HESUS?

"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Ang TANDA ay yung PAGPASOK ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA at ang PANANATILI NIYA ROON nang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."

Sa PARTE naman ni HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" naman SIYA sa TIYAN ng LUPA.

NANGYARI po ba yan?

OPO. Si KRISTO po ay INILIBING sa ARAW ng BIYERNES (ang UNANG ARAW), NANATILI roon ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at BUMANGON MULI sa ARAW ng LINGGO (sa IKATLONG ARAW).

NATUPAD po ba yung TANDA na SINABI ni HESUS sa Mt 12:38-40?

OPO! NAPAKALINAW!

Ang problema po rito kay DEEDAT at sa mga kasama niyang BALIK ISLAM ay MAHILIG SILA MAGDAGDAG sa mga SINASABI ng BIBLIYA. Pagkatapos ay YUNG IDINAGDAG NILA ang KANILANG INAATAKE.

Naaalala po ba ninyo yung "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" daw na patunay na ang PROPETA NILA sa ISLAM ang "propetang tulad ni Moises?"

HINDI po ba IDINAGDAG DIN LANG NILA ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" na iyan sa sinasabi ng Deuteronomy 18:18 para mapalabas na ang propeta nila ang tinutukoy riyan?
HINDI MAGANDA at HINDI TAMA ang GINAGAWA nitong si DEEDAT at ng mga KASAMA NIYA.

MAY HALO pong PANLILINLANG at PANLALANSI ang kanilang mga SINASABI.
Ang masakit at nakakalungkot ay MARAMI SILANG NAPAPANIWALA sa MAPANLINLANG NILANG PAMAMARAAN. MARAMI SILANG NAILILIGAW.

Monday, May 4, 2009

3 'Unlikes' nina Hesus at Moises (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

SA SINUSUNDAN po nitong POST ay ipinakita natin ang pagiging MALI ng sinasabi ng ilan na "3 Unlikes" daw ng Panginoong Hesu Kristo at ni Moises.

Ang "3 Unlikes" po--katulad ng inimbento rin na 8 Irrefutable Arguments daw--ay ginawa ng mga nagpapakilalang Muslim sa pagtatangka nila na tutulan na si HESUS ang propeta na tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Pero tulad nga po ng naipakita na natin ay MALI at MAHINA ang GAWA-GAWA na iyan ng mga ayaw tumanggap kay Kristo bilang propeta sa Dt 18:18.

MALI po yang "3 Unlikes" nila dahil WALA pong DIREKTANG KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA ni Hesus ang mga ibinigay nila riyan.

At kung ang pagka-PROPETA ni MOISES ang pag-uusapan ay MAGKATULAD na MAGKATULAD si HESUS at si MOISES.

Una po, MAGKATULAD si HESUS at MOISES na mga ISRAELITA.

Kung HINDI ISRAELITA ay HINDI KATULAD ni MOISES at iyan ay isang UNLIKE kay MOISES.

Pangalawa po, MAGKATULAD ni HESUS at MOISES dahil SINUGO sila pareho sa mga ISRAELITA.

Kung HINDI SINUGO sa mga ISRAELITA ay HINDI KATULAD ni MOISES. Iyan ay IKALAWANG UNLIKE kay MOISES.

Pangatlo, KATULAD ni MOISES si HESUS ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS AMA.

Kung HINDI DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS o PINADAAN pa sa IBANG PARAAN ay HINDI KATULAD ni MOISES. Iyan ay IKATLONG UNLIKE kay MOISES.

Pang-apat, KATULAD ni MOISES si HESUS ay GUMAWA ng MARAMING TANDA at HIMALA.

Kung HINDI GUMAWA ng MARAMING TANDA at HIMALA, iyan ay HINDI KATULAD ni MOISES. So, pang-APAT UNLIKE kay MOISES.

Pang-lima, KATULAD ni MOISES, si HESUS ay NAGPAKAIN ng PAGKAIN na GALING sa LANGIT.

Ang nagpapakilalang "propeta" na HINDI iyan NAGAWA ay HINDI KATULAD ni MOISES. At iyan ay ika-LIMANG UNLIKE kay MOISES.

MARAMI pa pong mga PAGKAKATULAD ni HESUS at MOISES na WALA sa ibang "propeta."

At MARAMI po ang HINDI PAGKAKATULAD o UNLIKE ng ibang "propeta" kay MOISES.

At dahil WALANG PAGKAKATULAD kay MOISES ang ibang PROPETA ay GUMAGAWA na lang ng mga "pagkakatulad" ang ibang tao para lang maitulad ang isang propeta kay MOISES.

Mayroon pong isang nagpapakilalang Muslim na nag-text sa atin at sinabi na ang propeta raw ng Islam ay "direktang kinausap" din ng Diyos.

Sabi niya, "Read the Hadith [Tradisyon ni Propeta Muhammad]. Mababasa mo ang direktang pakikipag-usap ni Prophet Muhammad sa Diyos at ang direktang pakikipag-usap niya sa kapwa niya propeta."

"Mababasa iyan sa The Life of Prophet Muhammad S.A.W. and his Moral teachings." "XV. ISRA' WAL MI'RAJ, RAJAB, 27, I B.H.: The Prophet again said: He took me to 'Sidratul Muntahaa' there God revealed to me what he revealed and made obligatory for me 50 prayers everyday and night. I came down to musa who asked what my lord had made obligatory for my people ... Musa advised me to we are not capable of that. I went back and asked God to make it lighter so there are 5."

Ayon sa texter na nagpapakilalang Muslim ay DIREKTA raw na KINAUSAP ng DIYOS si PROPETA MUHAMAD.

Sinabi po iyan ng ating texter para ipakita na "katulad" din ni Moises si Propeta Muhamad dahil "kinausap rin siya nang direkta ng Diyos."

Hindi po natin tututulan kung iyan ang paniniwala ng ating texter.

Naging CURIOUS lang po ako kaya itinanong ko sa ating texter kung SAAN sa KORAN BINANGGIT ang mga KAUTUSAN na iyan na IBINIGAY nang DIREKTA ng DIYOS kay PROPETA MUHAMMAD.

Hanggang ngayon po ay HINIHINTAY ko pa rin na IBIGAY ng ating texter ang SURA o bahagi ng KORAN kung saan naitala ang mga DIREKTANG SINABI ng DIYOS sa propeta ng Islam.

Sa kaso po kasi nina MOISES at HESUS, ang mga SINABI sa KANILA nang DIREKTA ng DIYOS ay NAKALAGAY sa BIBLIYA.

Maari po nating masabi na iyan ay ISA PA sa mga PAGKAKATULAD nina MOISES at HESUS bilang mga PROPETA: Ang mga DIREKTANG SINABI sa KANILA ng DIYOS ay NAITALA sa BANAL na KASULATAN.

Kung ang mga DIREKTANG sinabi ng DIYOS sa isang PROPETA ay HINDI NAITALA sa BANAL na KASULATAN, lalabas po na HINDI SILA MAGKATULAD ni MOISES pagdating sa bagay na iyan.

Masasabi po natin na isa iyang "UNLIKE" sa pagiging propeta nila.

So, mula po sa mga INISA-ISA nating mga PAGKAKATULAD ni KRISTO kay MOISES bilang PROPETA ay MAKIKITA natin na si HESUS NGA ang PROPETA na tinutukoy sa Dt 18:18.

At dahil po MAGKATULAD SILA, partikular sa MGA MILAGRONG ginawa nila (Ex 16 at John 6:10-13 at 48-51), ay nasabi ng mga tao sa John 6:14, "TUNAY NGA na ITO ang PROPETA na darating sa mundo."

PURIHIN ang DIYOS! PURIHIN si KRISTO!

3 'Unlikes' nina Hesus at Moises (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

HINDI pa po INILALAGAY ng mga BALIK ISLAM ang sinabi nilang BAGONG HAMON sa akin at sa mga KASAMA kong CATHOLIC DEFENDERS.

Habang inaantay po natin iyan ay sagutin natin ang iba pang pangangatwiran na ibinibigay nila para sabihin na hindi ang Panginoong Hesus ang tinutukoy na PROPETA sa Deuteronomy 18:18. Ang gusto po kasi nilang palabasin ay ang PROPETA MUHAMMAD ang tinutukoy riyan.

SORRY pero HINDI PO.

Pero bago iyan ay tingnan natin itong text sa atin noon at nagtatanong kung bakit "galit" daw tayo sa mga Muslim.

Akala po ng ating texter ay "galit" tayo sa mga Muslim dahil SINASAGOT NATIN ang mga ATAKE ng mga Balik Islam laban sa Bibliya at sa mga Kristiyano.

HINDI po. HINDI AKO GALIT o LABAN sa mga ISLAM o sa mga MUSLIM.

IGINAGALANG po natin ang LAHAT ng RELIHIYON, kasama na ang ISLAM.

Ang ginagawa po natin ay ITINUTUWID natin ang MALING PAGKAUNAWA ng ilang tao sa mga sinasabi ng BIBLIYA. ITINUTUWID din natin ang PANINIRA ng ilan na kesyo "corrupted" na raw ang Bibliya kaya hindi na raw dapat paniwalaan.

INAATAKE po tayo at SINISIRAAN kaya DAPAT LANG PO na SUMAGOT TAYO at ITAMA ang mga MALI NILANG SINASABI.

Halimbawa po sa sinasabi ng Dt 18:18.

Ang Dt 18:18 po ay PARTE ng BIBLIYA na PAG-AARI ng IGLESIANG ITINATAG ni KRISTO kaya NARARAPAT lang po na ITAMA natin kung may gumagamit dito nang MALI.

INIUUTOS po sa atin sa 2 Timothy 4:2, "Ipahayag mo ang Salita, maging handa sa tamang panahon o sa hindi tamang panahon; MAGTUWID KA, SUMAWATA at magpalakas ng loob ng iba na may malaking kahinahunan at maingat na pagtuturo."

Iyan po ang ginagawa natin.

HINDI po natin PINAKIKIALAMAN ang ISLAM, ang KORAN, at si PROPETA MUHAMAD.

Kung nababanggit man sila rito ay dahil BINANGGIT na sila ng mga nag-text sa atin na Balik Islam na NAGTUTURO ng MALI kaugnay sa mga sinasabi ng BIBLE.

Para MAIPILIT nila na si Propeta Muhammad lang tinutukoy sa Dt 18:18 ay NAGDAGDAG sila ng kung anu-anong "argumento" na WALA naman sa TALATA.

Nauna na po nating tinalakay ang inimbento ng Muslim debater na si Sheikh Ahmed Deedat na "8 Irrefutable Arguments" daw. Iyan po ay MALI-MALING BATAYAN ng PAGTUTULAD kay Moises at kay Hesus.

Ngayon po ay ito namang sinasabi nilang "Three Unlikes" daw ni HESUS kay MOISES ang ating susuriin.

GINAWA po ng mga nagpapakilalang Muslim ang "Three Unlikes" na iyan sa hangad nilang pabulaanan ang KATOTOHANAN na si HESUS ang PROPETA na tinutukoy sa Dt 18:18 na KATULAD ni MOISES.

Ang "unlikes" daw po na iyan ay ang sumusunod:

1. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay Diyos si Hesus. Diyan daw po ay "magkaiba" na Siya at si Moises dahil si Moises ay tao.

2. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay namatay si Hesus para sa kasalanan ng mundo. "Magkaiba" raw po sila ni Moises dahil hindi raw po namatay si Moises para sa kasalanan ng mundo."

3. Sa paniniwala raw po ng mga Kristiyano ay nagpunta si Hesus sa impiyerno nang tatlong araw pero si Moises ay hindi nagpunta roon. Dahil daw po riyan ay "magkaiba" raw po sila.

Ang konklusyon tuloy ng mga nagpapakilalang Muslim ay "hindi magkatulad" si Hesus at si Moises.

Mayroon pong nakumbinsi ang mga gumagamit ng "3 unlikes" na iyan dahil tila lumalabas nga po na "may pagkakaiba" sina Hesus at Moises.

Ang tanong ay ito: Kung may "pagkakaiba" sina Hesus at Moises tulad ng gustong ipakita ng "3 unlikes" na iyan, ang "pagkakaiba" ba na iyan ay sa kanilang pagiging PROPETA?

SORRY pero HINDI po.

WALA pong KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina Hesus at ni Moises ang mga "pagkakaiba" na iyan.

Tulad po nitong "unlike" numero 1. Ang PAGIGING DIYOS ni HESUS ay HINDI TUNGKOL sa Kanyang pagiging PROPETA. Iyan ay kaugnay sa Kanyang KALIKASAN.

DINAGDAGAN na naman ng mga nagpapakilalang Muslim ang sinasabi ng Dt 18:18 para MAIPILIT ang gusto nila.

Ang sinasabi po kasing PAGKAKATULAD ni Moises at ng propeta na ibabangon ng Diyos ay sa pagka-PROPETA at HINDI sa KALIKASAN.

Ibig sabihin, kahit pa Diyos si Hesus at tao si Moises kung PAREHO naman silang GUMANAP na PROPETA ay MAGKATULAD pa rin SILA.

Kaugnay naman po sa "unlike" numero 2. HINDI na naman pagka-PROPETA ang IKINUKUMPARA ng mga gumawa ng "unlikes" na iyan kundi ang kabuohang MISYON ni Hesus at ni Moises.

Ang PAGBIBIGAY ni HESUS ng Kanyang BUHAY para sa KAPATAWARAN ng KASALANAN ng lahat ng tao ay BAHAGI ng MISYON NIYA na ILIGTAS ang MUNDO.

HINDI po iyan kasama sa MISYON ni Moises kaya HINDI talaga niya KAILANGANG mamatay para sa mundo.

Pero sa MISYON nila bilang mga PROPETA ay MAGKATULAD na MAGKATULAD SILA.

LALO pong WALANG KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA nina MOISES at HESUS ang "unlike" numero 3.

HINDI na po BAHAGI ng pagiging PROPETA kung saan man dadaan ang isang propeta sa dulo ng kanyang buhay sa mundo.

So, MALINAW po na tulad ng umano ay "8 irrefutable arguments" ay GINAWA at IDINAGDAG lang ang "3 unlikes" na iyan para KUNWARI ay "may laman" ang sinasabi ng mga gumagamit niyan.

May kasunod pa pong artikulo.

Salamat po.

Monday, April 6, 2009

Dt 18:18 dinagdagan para ipilit ang wala

TINATALAKAY po natin ang PAGPUPUMILIT ng isang nagpapakilalang BALIK ISLAM na ILAPAT sa propeta ng Islam ang Deuteronomy 18:18.

Pero tulad po ng naipakita na natin ay MALI po ang kanyang sinasabi.

Sabi po sa Dt 18:18 ay may PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

Pero mismo pong sinasabi ng talata ay HINDI LAPAT sa propeta ng Islam.

Ang sabi po kasi riyan ay "MULA SA GITNA" ng mga ISRAELITA MAGMUMULA ang PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

At MALINAW po na HINDI MULA SA GITNA ng mga ISRAELITA ang propeta ng Islam. Siya po kasi ay isang ISMAELITA o isang ARABO.

Sinabi rin po na ang ibabangon na PROPETA ay KATULAD ni MOISES.

Si Moises po ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

So HINDI na naman po LAPAT iyan sa propeta ng Islam.

At dahil HINDI LALAPAT sa propeta ng Islam ang QUALIFICATIONS na sinasabi sa Dt 18:18 ay ano ang ginawa ng mga nagpupumilit na ilapat sa kanya ang talata?

NAGDAGDAG SILA ng mga qualification na WALA naman sa TALATA.

Ang mga bagay na IDINAGDAG nila ay ang tinatawag nilang "8 Irrefutable Arguments."

Iyan po ay ang sumusunod:

1. Ang pagkakaroon ng tatay at nanay ni Moises.

2. Ang natural na pagkapanganak kay Moises.

3. Ang pagkakaroon ng asawa ni Moises.

4. Ang pagtakwil at kalaunan ay pagtanggap ng mga Israelita kay Moises.

5. Ang pagkakaroon ng "kaharian" ni Moises dito sa lupa.

6. Ang pagbibigay ni Moises ng "bagong batas" sa mga tao.

7. Ang pagkamatay ni Moises.

8. At kung saan nalibing ang bangkay ni Moises.

Subukan po ninyong basahin ang Dt 18:18 kung MAKIKITA ninyo riyan ang mga iyan.

HINDI po.

Bakit po HINDI ninyo MAKIKITA ang mga iyan sa Dt 18:18?

Dahil GAWA at DAGDAG lang po iyan ng mga nagpupumilit na ilapat ang Dt 18:18 sa propeta ng Islam.

Kung tama po ang pagkakaalam ko ay ang debatistang Muslim na si AHMED DEEDAT ang NAG-IMBENTO ng mga IDINAGDAG na IYAN sa Dt 18:18.

Pero ayan na nga po, KAILANGANG IDAGDAG nila ang mga iyan dahil kung ang Dt 18:18 lang po ang pagbabatayan ay HINDING-HINDI LALAPAT ang talata sa propeta ng Islam.

SORRY po.

Pero TAMA BA ‘YUNG GINAWA NILA?

MALI po ‘yon.

IDINAGDAG po iyan ng mga nagpapakilalang Muslim sa Dt 18:18 dahil HINDI po LALAPAT sa propeta ng Islam ang mga katangian na sinasabi sa talata.

Pero kung titingnan po natin ang mga argumento na iyan ay LALAPAT IYAN sa MARAMING TAO.

Puwede nga pong lumapat iyan kay ADOLF HITLER at marami pang ibang DIKTADOR sa mundo.

Paano po kung may alagad si Hitler at gamitin ang "8 irrefutable arguments" na iyan para sa kanya? Baka magsisunuran kay Hitler ang mga tagasunod ng mga argumento na iyan.

Hindi po natin hangad na gawing katatawanan ang mga argumento na iyan pero nagiging KATAWA-TAWA po dahil lumalabas na DESPERADO ang mga gumagamit niyan.

LAHAT IDADAGDAG sa Dt 18:18 mapalabas lang ang WALA naman sa talata.

Ang MASAMA pa, matapos DAGDAGAN ay BINALE WALA naman ang mismong sinasabi ng talata.

HUWAG po sanang maging DESPERADO ang mga humihingi ng KREDEBILIDAD sa BIBLE.

Salamat po.