Showing posts with label Ismael. Show all posts
Showing posts with label Ismael. Show all posts

Saturday, April 21, 2018

Gen 17:23 Ismael tinuli kaya Muslim kasama sa tuli?

NAPAKITA natin na si Ismael ay hindi kasama sa lahi ni Abraham.

Bagama't naging anak sa laman, si Ismael ay pinalayas ng Diyos at inalis sa lahi ni Abraham. (Genesis 21:12)

Dahil si Ismael ay inalis sa lahi ni Abraham, hindi pwedeng sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi na saklaw ng tipan ng tuli.

Ang tipan ng tuli kasi ay ibinigay lang sa mga kalahi ni Abraham at maging sa mga alipin at kasambahay nila. (Genesis 17:7, 9-14)

+++

Sa kabila niyan, mapilit pa rin ang ilang Muslim na kasama sila sa tipan dahil si Ismael ay nauna pa raw tinuli matapos ibigay ng Diyos ang tipan kay Abraham sa Genesis 17:7.

Sa Genesis 17:23-26 daw ay mababasa na tinuli si Ismael.

Ginagamit nila ang tuli na iyan para kutyain ang mga Kristiyano na sinasabi nilang hindi sumusunod sa tipan ng Diyos.

Ang tanong ay sapat bang batayan ang pagtuli kay Ismael para sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi ni Abraham at kasama sa dapat tuliin?

Hindi.

+++

Tinuli ni Abraham si Ismael ayon sa Genesis 17:23-27.

Genesis 17:23
At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kanyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kanyang bahay, at ang lahat ng alipin na binili niya ng kanyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasambahay ni Abraham, at tinuli ang lamang ng kanilang balat ng araw ding yon, ayon sa sinabi ng Diyos sa kanya.

Ayon sa talata, ang patutuli kay Ismael ay "ayon sa sinabi ng Diyos" kay Abraham.

Mababasa natin yan sa Genesis 17:13 kung saan iniutos ng Diyos ang pagtutuli sa lahat ng kalalakihan sa lahi at sambahayan ni Abraham.

Genesis 17:13
Ang ipinanganak sa bahay at ang alipin na binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.

Dahil si Ismael ay ipinanganak sa bahay ni Abraham ay kinailangan siyang tuliin.

At hindi lang siya ipinanganak sa bahay ni Abraham. Si Ismael ay alipin din dahil ang nanay niyang si Hagar ay alipin ni Abraham at ng asawa niyang si Sarah.

So, sumunod lang si Abraham sa utos ng Diyos dahil Diyos ang magsasabi kung sino man ang kasama o hindi kasama sa Kanyang tipan.

Dahil diyan, pwedeng-pwede ring alisin ng Diyos sa tipan ang sino mang gusto Niyang alisin.

Sa Genesis 21:12 ay inalis nga ng Diyos si Ismael sa tipan ng tuli matapos siyang alisin ng Maykapal sa lahi ni Abraham.

Genesis 21:12
At sinabi ng Diyos kay Abraham, 'Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat ng sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kanyang tinig, sapagkat kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.'

Ang tinutukoy diyan ng Diyos ay ang papapalayas ni Sara kay Ismael at sa nanay niyang alipin na si Hagar. (Genesis 17:10)

Sabi ng Diyos sa Genesis 21:12 ay pakinggan ni Abraham ang tinig ni Sara na nagpapalayas sa mga aliping sina Ismael at Hagar.

Sa madaling salita ay binale wala ng Diyos ang tuli na tinanggap ni Ismael sa Genesis 17:23-27. Inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at kasama roon ay ang bisa ng tuli na ibinigay sa kanya.

Mapapansin din na mismong pagiging anak sa laman ni Ismael ay binale wala ng Diyos. Ayon sa Diyos, si Ismael ay "alipin" ni Abraham.

Kung sa mata at pamantayan ng tao ay anak ni Abraham si Ismael, para sa Diyos, si Ismael ay alipin lang ni Abraham. At ang pagbalewala ng Diyos kay Ismael ay tinuldukan ng Maykapal noong igiit Niya na "kay Isaac tatawagin" ang lahi ni Abraham.

Sa pananaw na pantao o panglupa, dapat kay Ismael tawagin ang lahi ni Abraham dahil siya ang "panganay." Pero dahil hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay walang bisa ang pagiging "panganay" niya. Wala ngang bisa ang panglupang pagiging anak niya at inalis pa siya ng Diyos sa lahi ni Abraham.

+++

So, sorry na lang sa mga naniniwala na kasama sila sa tipan ng tuli dahil natuli rin ang ninuno nilang si Ismael.

Dahil inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at inalis sa tipan ng tuli, inalis na rin ng Diyos sa lahi ni Abraham at sa tipan ng tuli ang lahat ng kalahi ni Ismael.

Diyan natin makikita na walang batayan ang sinasabi ng ilang Muslim na kasama pa sila sa tipan ng tuli dahil tinuli si Ismael -- at nauna pa ngang tuliin.

Nagkakamali sila kung inaakala nilang unahan ang tipan at tuli. Hindi mahalaga kung sino ang nauna o nahuli. Ang mahalaga ay kung tinatanggap ng Diyos ang isang tao o isang lahi sa tipan na Kanyang ibinigay kay Abraham.

Monday, December 11, 2017

Ismael at Muslim hindi kasama sa lahi ng tipan ng tuli

KINUKUTYA ng ilang Muslim ang mga Kristiyano dahil hindi raw tuli ang mga ito.

Bawal daw kasi sa mga Kristiyano ang magpatuli ayon sa Galatians 5:2-4.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Muslim na sila ay tuli. Sumusunod daw sila sa tipan ng Diyos kay Abraham, ayon sa Genesis 17:7-13.

Anila, tinuli ang ninuno nilang si Ismael (Gen 17:23-26) kaya kasama na rin daw sila sa tipan ng tuli. Kalahi daw kasi sila ni Ismael.

Ang problema ay mali ang paniniwala ng mga Muslim.

+++

Sa Gen 17:7, sinabi ng Diyos na itatatag Niya ang Kanyang tipan kay Abraham at sa kanyang lahi.


GENESIS 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

Akala ng mga Muslim ay ang ninuno nilang si Ismael ang tinutukoy na "lahi" ni Abraham.

Mali ang Muslim. Hindi si Ismael ang kalahi ni Abraham na magiging katuparan ng tipan ng tuli.

Sa Gen 17:21 ay sinabi ng Diyos na kay Isaac na anak ni Abraham itatatag o pagtitibayin ang tipan. Hindi kay Ismael.


GENESIS 17:21 
Ngunit ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham.

Sa Gen 21:12, sinabi ng Diyos na ang lahi ni Abraham ay kikilalanin kay Isaac. 


GENESIS 21:12
At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't KAY ISAAC TATAWAGIN ang IYONG LAHI.

Kay Isaac kikilalanin ang lahi ni Abraham at hindi isinama ng Diyos si Ismael sa kanyang lahi.

Kaya paano sasabihin ng mga Muslim na kasama sila sa tipan ng tuli kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham?

Maling-mali ang Muslim.

+++

Ang pinakamasakit, hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ayon sa Diyos, si Ismael ay isa lang "alipin." At dahil diyan ay naging madali sa Diyos na palayasin si Ismael at ang nanay niyang si Hagar, na isa ring alipin. (Gen 21:10-12)

Pansinin na sa Gen 21:12 ay sinabi ng Diyos kay Abraham: "Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong ALIPIN."

Sa pananaw na panlupa, si Ismael ay anak ni Abraham. Pero sa pananaw ng Diyos na nagbigay ng tipan ng tuli, si Ismael ay hindi anak kundi isa lang "alipin" ni Abraham.

+++

Isang katibayan na hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay idineklara ng Maykapal sa Gen 22:2 na si Isaac ang "nag-iisang anak" ni Abraham.


GENESIS 22:2
At sinabi ng Diyos, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong BUGTONG NA ANAK na si ISAAC, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.

Para sa Diyos ay bugtong na anak si Isaac. Siya ay nag-iisang anak ni Abraham.

Sa mata ng tao, panganay na anak si Ismael pero sa mata ng Diyos ay walang lugar at walang karapatan si Ismael na matawag na "anak" ni Abraham.

Katunayan, sa simula pa lang ay itinuring nang patay ng Diyos si Ismael.


GENESIS 17:18-19
At sinabi ni Abraham sa Diyos, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
At sinabi ng Dios, HINDI.

So, sorry na lang sa mga Muslim. Walang batayan ang kanilang ipinagmamalaki. Hindi kasama si Ismael sa lahi ni Abraham kaya walang dahilan para sabihin na kasama sila sa tipan ng tuli.

Lumalabas na walang saysay at walang silbi ang ipinagmamalaking tuli ng mga Muslim. Nagsasayang lang sila ng pagod.

Tuesday, October 18, 2016

Tuli: Muslim hindi kasama sa tipan kay Abraham

Muslim kasama sa tuli?
Nagpupumilit ang Muslim na kasama sila sa tuli o tipan ng Diyos kay Abraham.
Mali po ang Muslim. Hindi kasama ang Muslim sa tipan ng Diyos kay Abraham.
Ayon sa Diyos, ang ninuno ng mga Muslim na si Ismael ay "hindi" kasama sa tipan. Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. (Genesis 17:18-19)
Sinabi rin ng Diyos na ang Kanyang tipan ay matutupad sa anak ni Abraham na si Isaac at sa mga anak ni Isaac. (Genesis 17:19)
So, umaasa po sa wala ang mga Muslim.
+++
NAG-POST po ang Muslim dito at ito ang kanyang sinabi:
"Ang pagtutuli ay isang COVENANT between God and Man
ito basa:

Gen 17:
9 And God said to Abraham, “As for you, you shall keep my covenant, you and your offspring after you throughout their generations. 
10 This is my covenant, which you shall keep, between me and you and your offspring after you: Every male among you shall be circumcised. 
11 You shall be circumcised in the flesh of your foreskins, and it shall be a sign of the covenant between me and you.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin, 
11 at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan.


Gen 17:


26 In the selfsame day was Abraham circumcised, and Ishmael his son.
27 And all the men of his house, born in the house, and bought with money of the stranger, were circumcised with him.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


26 Tinuli sila 'Abraham at Ishmael kanyang anak' sa parehong araw, 
27 at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.


So malinaw po na ang pagtutuli ay hindi lamang exclusibo sa kanila bagkus ito ay ipinapatutupad sa lahat na kalalakihan at sa kanilang salinlahi at kasama na pati mga Alipin dahil ito ay COVENANT Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao bilang pagkilala at pagsunod sa Dios!


+++
SAGOT SA MUSLIM:
Sinipi ng Muslim ang Genesis 17 para ipakita na ang tipan daw sa tuli ay "Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao."
Pinalalabas ng Muslim na lahat ng tao ay kasama sa tipan ng Diyos at lahat ng lalake ay dapat tuliin.
Mali po siya.
Batay sa mismong sinipi ng Muslim sa Gen 17:9-10 ay para lang kay Abraham at sa kanyang angkan ang tipan.
Basa po tayo:
Genesis 17:9-10
And God said to ABRAHAM, “As for YOU, YOU shall keep my covenant, YOU and YOUR OFFSPRING after you throughout their generations. 10 This is my covenant, which YOU shall keep, BETWEEN ME AND YOU and YOUR OFFSPRING after you:
Sa Pilipino,
Henesis 17:9-10
9 Sinabi pa ng Diyos KAY ABRAHAM, “IKAW at ang lahat ng SUSUNOD MONG SALINLAHI ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa INYO ay tutuliin,


Kita po ninyo?
Malinaw na para lang kay Abraham at sa lahi niya ang tipan. Walang mababasa na lahat ng tao ang kasama. Walang sinabi na lahat ng lalake ay tutuliin.

+++
ISMAEL HINDI KINILALA NG DIYOS
Ang pag-angkin ng mga Muslim sa tuli ay nakaugat sa ninuno nilang si Ismael, ang anak ng aliping si Hagar.

Ayon sa mga Muslim, tinuli ni Abraham si Ismael (Gen. 17:26) kaya kasama si Ismael -- at ang mga Muslim -- sa tipan ng tuli.

Mali po. 
Si Abraham lang ang nagdesisyon na tuliin si Ismael
Ayon mismo sa Diyos ay hindi kasama sa Kanyang tipan si Ismael.

Sa Gen 17:18-21 ay mababasa natin:

"And Abraham said to God, "O that Ishmael might live in your sight!"
"God said, "No,
"but your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him.
"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation.
"But my covenant I will establish with Isaac, whom Sarah shall bear to you at this season next year."


Ayun. Malinaw sa Gen. 17:18 na nakiusap si Abraham na ituring ng Diyos na "buhay" si Ismael sa Kanyang paningin.

Kung buhay po kasi si Ismael sa mga mata ng Diyos ay patunay iyon na kinikilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. Ibig sabihin din na kasama sa tipan si Ismael.

Ano po ang sagot ng Diyos sa pakiusap ni Abraham na kilalanin si Ismael?

Ang sabi ng Diyos ay "No" o "Hindi."

Ibig sabihin, hindi kinilala ng Diyos si Ismael. At para sa Diyos ay patay si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ngayon, kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


At kung hindi kasama si Ismael sa tipan ng tuli, ay malinaw na hindi kasama ang mga Muslim sa pagtutuli.

Klaro po yan.

+++

Ngayon, heto po ang mas malinaw.

Ayon sa Diyos ay kanino matutupad ang tipan Niya kay Abraham?

Kay Isaac po.


Ayon pa sa Gen. 22:2 ay itinuring ng Diyos si Isaac bilang "nag-iisang anak" ni Abraham.


Sa Gen. 17:19 ay sinabi ng Diyos:

"your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him."


Kay Isaac at sa mga anak ni Isaac natupad ang tipan.

Si Ismael ay hindi anak ni Isaac kaya muli ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


Hindi kasama sa tipan si Ismael. Dahil diyan ay hindi rin kasama ang mga Muslim sa tipan ng tuli.


+++


ISMAEL 'BINASBASAN' NG DIYOS


Pero igigiit ng mga Muslim ang Gen. 17:20



"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation."

Diyan daw ay makikita na "kinilala" ng Diyos si Ismael at "binasbasan" pa siya.


Ang tanong po ay bakit?


Una, binasbasan ng Diyos si Ismael at ginawa siyang dakilang bayan bilang pagbibigay kay Abraham. Sabi nga ng Diyos ay "dininig" Niya si Abraham.


Nakita kasi ng Diyos na mahal ni Abraham si Ismael kaya binigyan din ng Diyos ng konti si Ismael. Iba ang ibinigay sa kanya. Hindi ang tipan.


Pangalawa, pinarami ng Diyos ang lahi ni Ismael at ginawa itong dakilang bayan bilang kapalit ng hindi pagsama sa kanya sa tipan.


Ibig sabihin, sa halip na pagkilala kay Ismael ay pagtataboy sa kanya ang nangyari. Kumbaga, pampalubag-loob kay Ismael ang ginawa ng Diyos.


Para yang kendi na ibinibigay sa bata na hindi isinasama sa pamamasyal ng iba pang miyembro ng pamilya. Para hindi na sumama ang loob.


+++
MUSLIM DESPERADO


Desperado na lang talaga ang mga Muslim na isiksik ang mga sarili nila sa tipan ng Diyos kay Abraham. Kung wala po kasi ang tipan na yan ay wala nang saysay ang tuli nila. Wala na ring saysay ang kanilang pagiging Muslim.

Kaawaan na lang po natin sila.



Thursday, January 17, 2013

Ismael was Rejected by God





Abdul Hakeem Omalay CANNOT ACCEPT the WILL of GOD when GOD REJECTED ISMAEL as a "SON" of ABRAHAM. (GENESIS 17:18-19)

So, Abdul Hakeem is trying to cite the BIBLICAL TEXTS referring to the FIRST-BORN CHILD.

Abdul Hakeem is INSISTING that ISMAEL is the FIRST-BORN CHILD of ABRAHAM.

But the question is: WHO WANTED ISMAEL as the "FIRST CHILD" of ABRAHAM?

WAS it GOD?

NO.

ISMAEL was BORN NOT because GOD WANTED HIM but BECAUSE SARAH and ABRAHAM CHOSE to HAVE HIM.

GENESIS 16:1-3
Now Sarai, Abram's wife, bore him no children. She had an Egyptian slave-girl whose name was Hagar, and Sarai said to Abram, "You see that the LORD has prevented me from bearing children; go in to my slave-girl; it may be that I shall obtain children by her." And Abram listened to the voice of Sarai.

So, after Abram had lived ten years in the land of Canaan, Sarai, Abram's wife, took Hagar the Egyptian, her slave-girl, and gave her to her husband Abram as a wife.

WHO WANTED ISMAEL?

SARAH and ABRAHAM. NOT GOD.

So, IN THE PLAN of GOD, ISMAEL CANNOT BE A PART because HE WAS BORN NOT OUT OF HIS WILL but OUT OF THE WILL of MERE MEN.

+++

YOU will also SEE in GENESIS 16:3 that IT WAS NOT GOD who "GAVE HAGAR" as a "WIFE" of ABRAHAM.

Again, it was ONLY SARAH who GAVE HER SLAVE as her HUSBAND'S "WIFE."

So, ALL THIS is the WILL OF MERE MEN and NOT THE WILL of GOD.

And since YOU BELIEVE in ISMAEL, it shows that YOU ONLY OBEY the WILL OF MEN and NOT the WILL OF GOD. (MATTHEW 15:8-9)

Friday, June 11, 2010

Ismael kasama sa Tipan?

MAGANDA po itong PUNTO ng isang nagpapakilalang Muslim.

Sabi po niya:
Eto na ang patunay na kasama si Ismael sa COVENANT ng dios
basa:
Genesis 17:10-14 (New International Version)
10 This is my covenant with you and your descendants after you, the covenant you are to keep: Every male among you shall be circumcised. 11 You are to undergo circumcision, and it will be the sign of the covenant between me and you. 12 For the generations to come every male among you who is eight days old must be circumcised, including those born in your household or bought with money from a foreigner—those who are not your offspring. 13 Whether born in your household or bought with your money, they must be circumcised. My covenant in your flesh is to be an everlasting covenant. 14 Any uncircumcised male, who has not been circumcised in the flesh, will be cut off from his people; he has broken my covenant."

Tanong... Tinuli ba si Ismael???
Sagot: Basa ulit
Genesis 17:23-27 (New International Version)

23 On that very day Abraham took his son Ishmael and all those born in his household or bought with his money, every male in his household, and circumcised them, as God told him. 24 Abraham was ninety-nine years old when he was circumcised, 25 and his son Ishmael was thirteen; 26 Abraham and his son Ishmael were both circumcised on that same day. 27 And every male in Abraham's household, including those born in his household or bought from a foreigner, was circumcised with him.


O ano ngayon kasama ba si Ismael sa Covenant??? Kau na po ang sumagot.
Brod Cenon at Many Crux... kayo ba eh tuli na rin, naku kung hindi pa sige ihabol nyo yan baka sakaling pwede pa kahit makunat na yan. So bawal po ang supot dito ha!!!


CENON BIBE:
KUNG HINDI TAYO MAG-IISIP at KUNG HINDI NATIN SUSURIIN ang LAHAT ng MGA SINABI ng DIYOS at LAHAT ng PANGYAYARI ay BAKA MALINLANG TAYO na KASAMA NGA si ISMAEL sa TIPAN ng DIYOS.

Pero ang SIMPLENG KATOTOHANAN po ay HINDI KASAMA si ISMAEL sa TIPAN ng DIYOS.

ISA-ISAHIN po NATIN ang PAGKAKAMALI sa ANALOGY ng ATING REACTOR.

Kung papansinin po natin ay nag-QUOTE ang REACTOR NATIN sa GITNA ng Genesis 17. HINDI NIYA IBINIGAY ang BUONG CHAPTER.

Bakit po?

KUNG BABASAHIN po KASI NATIN ang BUONG CHAPTER (at ang IBA PANG BAHAGI ng Genesis) ay MAKIKITA NATIN na HINDI KASAMA si ISMAEL at ang ANGKAN NIYA sa TIPAN ng DIYOS.

Sa Gen 17:7 ay sinabi ng DIYOS kay ABRAHAM:
"I will establish my covenant as an everlasting covenant between me and you and your descendants after you for the generations to come, to be your God and the God of your descendants after you."


MAGTATATAG daw ng TIPAN o KASUNDUAN ang DIYOS kay ABRAHAM at sa ANGKAN NIYA.

Sa SINIPI ng REACTOR NATIN ay tila sinasabi na "LAHAT-LAHAT" ng ANGKAN o LAHI ni ABRAHAM ay KASAMA. At sa ISIP nga po ng REACTOR natin ay "KASAMA si ISMAEL" sa mga ANGKAN ni ABRAHAM na KASAMA sa TIPAN.

HINDI po.

Sa Gen 17:19-21 ay NILINAW ng DIYOS kung SINO LANG sa mga ANGKAN ni ABRAHAM ang KASAMA sa TIPAN na ITATATAG ng DIYOS.

Heto po ang sabi sa Gen 17:19-21:
"Then God said, "Yes, but your wife Sarah will bear you a son, and you will call him Isaac.

"I WILL ESTABLISH MY COVENANT WITH HIM [SON na ISISILANG ni SARAH] as an everlasting covenant for his descendants after him.

"And as for Ishmael, I have heard you: I will surely bless him; I will make him fruitful and will greatly increase his numbers. He will be the father of twelve rulers, and I will make him into a great nation.

"BUT MY COVENANT I WILL ESTABLISH WITH ISAAC, whom Sarah will bear to you by this time next year."


PURIHIN ang DIYOS!

NAPAKALIWANAG po ng SALITA ng DIYOS kay ABRAHAM: Ang TIPAN ay ITATATAG kay ISAAC. WALA na pong IBA.

HINDI po KASAMA si ISMAEL sa TIPAN. Kahit SALING PUSA ay HINDI SIYA KASAMA.

Pero dahil MABUTI at MABAIT ang DIYOS ay MAY PAMPALUBAG LOOB po kay ISMAEL. Kumbaga pa ay parang CONSUELO DE BOBO.

Sabi ng DIYOS kaugnay kay ISMAEL:
"I will surely bless him; I will make him fruitful and will greatly increase his numbers. He will be the father of twelve rulers, and I will make him into a great nation."


IYAN LANG PO ang IBINIGAY kay ISMAEL. Parang CONSOLATION PRIZE.

Kung TUTUUSIN ay WALA DAPAT IBIBIGAY ang DIYOS kay ISMAEL at sa LAHI NIYA e.

Sabi ng DIYOS ay DININIG LANG NIYA ang APELA ni ABRAHAM KAYA NIYA BIBIGYAN din ng PAMPALUBAG LOOB si ISMAEL.

So, IYAN na po IYON.

Pero teka po, TINULI po si ISMAEL di po ba? Dapat ba ay KASAMA SIYA sa TIPAN?

Muli po, NILINAW ng DIYOS na ang TIPAN ay KAY ISAAC at sa ANGKAN ni ISAAC IBIBIGAY.

Kung TINULI man ni ABRAHAM si ISMAEL ay dahil UMAASA SIYA na MAKAKASAMA pa si ISMAEL sa TIPAN. GANYAN po ang mga MABUBUTING TAO, KAHIT ALAM NILANG HINDI KASAMA sa USAPAN ang isang KALAHI NILA ay SUSUBUKAN PA RIN ITONG ISALI.

Ang kaso po ay KAHIT SALING PUSA nga ay HINDI KASAMA si ISMAEL. At KAHIT TINULI pa SIYA ay HINDI TALAGA SIYA KASAMA sa TIPAN.

Ang PATUNAY na HINDI KASAMA sa TIPAN si ISMAEL ay nung MISMONG si ABRAHAM PA ang MAGPALAYAS sa KANYA at sa NANAY NIYANG ALIPIN. (Gen 21:14)

At dahil HINDI KASAMA sa USAPAN at HINDI KASAMA sa TIPAN si ISMAEL ay NEVER MASASABI na PUWEDENG MANGGALING sa LAHI NIYA ang PROPETA na SUSUGUIN ng DIYOS ayon sa Deuteronomy 18:18.

NAKAKAAWA po SILA ISMAEL, ang NANAY NIYA at ang LAHI NILA pero KAILANGANG ang KALOOBAN po ng DIYOS ang MASUNOD.

Salamat po.

Monday, May 31, 2010

Ismael kaanak ni Israel?

LUMALABAS po ang pagiging DESPERADO ng mga BALIK ISLAM sa PAGPUPUMILIT NILA na MAISINGIT ang PROPETA NILA sa Deuteronomy 18:18.

Kung sa nauna nating mga ARTIKULO ay IPINAKITA NATIN ang PAGDADAGDAG at PAGBABALUKTOT NILA sa Deut 18:18, ngayon ay IPAKIKITA NATIN ang PAGPUPUMILIT NILA na "KAPATID" ng mga ISRAELITA si ISMAEL, ang NINUNO raw ng PROPETA NILA.

KAILANGAN po KASI NILANG MAIPILIT na "KAPATID" ni ISRAEL si ISMAEL dahil ang PROPETA na IBABANGON ng DIYOS ayon sa Deut 18:18 ay "MULA sa LAHI ni ISRAEL."

Heto po ang sabi sa Deut 18:18:
"I will raise up for them a prophet like you FROM AMONG THEIR KINSMEN, and will put my words into his mouth; he shall tell them all that I command him."

MALINAW po na MULA sa KAANAK ng mga ISRAELITA ang mga ARABO o ISMAELITA kung saan KABILANG ang PROPETA ng BALIK ISLAM?

Ang PROBLEMA ng mga BALIK ISLAM ay HINDI KAANAK ng mga ISRAELITA ang mga ISMAELITA kaya MALINAW na HINDI LALAPAT sa PROPETA NILA ang SINASABI sa Deut 18:18.

Ngayon ay HETO po ang PANGANGATWIRAN ng mga BALIK ISLAM para MAIPILIT na KAANAK ng MGA ISRAELITA ang mga ISMAELITA. Batay po ito sa SINABI ng SKOLAR nilang si AHMED DEEDAT:

Arabs and Jews
If Ishmael and Isaac are the sons of the same father Abraham, then they are brothers. And so the children of the one are the BRETHREN of the children of the other. The children of Isaac are the Jews and the Children of Ishmael are the Arabs - so they are BRETHREN to one another. The Bible affirms, 'AND HE (ISHMAEL) SHALL DWELL IN THE PRESENCE OF ALL HIS BRETHREN.' (Genesis 16:12). 'AND HE (ISHMAEL) DIED IN THE PRESENCE OF ALL HIS BRETHREN.(Genesis 25:18). The children of Isaac are the brethren of the Ishmaelites. In like manner Muhummed is from among the brethren of the Israeli tes beause he was a descendant of Ishamel the son of Abraham. This exactly as the prophecy has it- 'FROM AMONG THEIR BRETHREN'.(Deut.18:18). There the prophecy distinctly mentions that the coming prophet who would be like Moses, must arise NOT from the 'children of Israel' or from 'among the mselves', but from among their brethren. MUHUMMED THEREFORE WAS FROM AMONG THEIR BRETHREN!


PALPAK na naman po ang PANGANGATWIRAN nitong mga BALIK ISLAM.

Bakit po.

MGA ANAK po ba ni ABRAHAM ang KAUSAP sa Deut 18:18 o MGA ANAK ni ISRAEL?

Kung MGA ANAK po ni ABRAHAM ang KAUSAP ay DAPAT KASAMA NILA ROON ang mga ISMAELITA.

Ang kaso po ay WALA po ROON ang MGA ANAK ni ISMAEL.

Ang mga NAROON PO at KAUSAP ng DIYOS ay ang MGA ANAK LANG ni ISRAEL. SILA po ang mga KAANIB sa 12 TRIBU ng ISRAEL na NAGMULA sa 12 ANAK ni ISRAEL.

So, MALINAW po na ang TINUTUKOY na PAGMUMULAN ng PROPETA sa Deut 18:18 ay SA ANGKAN ni ISRAEL at HINDI sa ANGKAN ni ABRAHAM.

Si ISMAEL po ay HINDI ANAK ni ISRAEL kaya HINDI SIYA KASAMA sa SINASABIHAN DIYAN.

Si ISMAEL ay HINDI KAANAK at HINDI KALAHI ni ISRAEL kaya NEVER na KASALI RIYAN ang APO ni ISMAEL na si MUHAMMAD.

NAGPUPUMILIT LANG po itong MGA BALIK ISLAM na MAISINGIT ang PROPETA NILA sa HINDI NAMAN ITO KASALI.

Kaya po WALANG KWENTA ang MGA PANGANGATWIRAN at PAGDADAHILAN nitong BALIK ISLAM.

SORRY po. MASAKIT ang KATOTOHANAN pero KAILANGANG TANGGAPIN NATIN.

Tuesday, June 30, 2009

Is Ishmael an inheritor of God's promise to Abraham?

NAGBIGAY po ng REAKSYON ang isang reader sa POST natin na nasa KAKAMBAL na BLOG natin na TUMBUKIN NATIN (http://tumbukin-natin.blogspot.com/)

Nag-react po ang pagpakilalang si Peace sa artikulo natin na "Propeta Muhammad pinangalanan sa Bible?" (Nasa ilalim ng DATE na MAY 30)

Binigyan na po natin ng sagot ang iba niyang sinabi at bibigyan na lang po natin ng komento ang ilang talata na ayon sa kanya ay NAGPAHAYAG sa PAGDATING ng PROPETA nila.

According to our REACTOR, the BIBLE PROPHESIED about ISLAM'S PROPHET MUHAMMAD in the following verses:

Genesis 13:14 & 15:18 = Promised land for the descendants of Abraham; the Ishmaelites and Israelites.

Genesis 49:10 = The septre shall not depart from Judah until Shiloh (Muhammad) comes. (there is no Jewish Kingdome since the advent of prophet Muhammad.

Deutronomy 18:18 - 22 = A prophet amongst your brethern (Ishmaelites) with the advise to hear and judge him...

Deutronomy 33.02 = He shall come with 10,000 saints from Mount Paran...from his right hand a fiery Law (Quran) for them. He will be a Lawgiver like Moses.

Isaiah 21:11-12 = Gebreil said: "I pray thee, Read this in the name of thy Lord who created you". He saith "I cannot". This was a news of an unlearned prophet (Muhammad). The same verse is found in Quran! ( Read Surah Ahzab).

Isaiah 21:14 = All the glory of Kedar (pagan Ishmaelites) shall fail. This verse also refers to Deut 33.02 wherein Muhammad conquered Mecca - the vally of Paran with his 10,000 companions without bloodshed.

John Ch. 14 = Jesus said " I shall pray father and He will send you a helper/comforter/advocate". "He shall glorify me".

John Ch. 16 = If I shall not go, he shall not come"!Holy Ghost was already there hence it was Muhammad!

Is PEACE CORRECT in his/her understanding of these verses?

If he/she believes that these refer to the PROPHET of ISLAM, then I HAVE TO SAY "SORRY" to PEACE because his/her BELIEF would be WRONG.

Allow me to explain in a SCRUTINY of the texts he gave.

Let us begin with Genesis 13:14 & 15:18.

According to PEACE, the verses "Promised land for the descendants of Abraham; the Ishmaelites and Israelites."

Here is what the verses say, "The LORD said to Abram, after Lot had separated from him, "Raise your eyes now, and look from the place where you are, northward and southward and eastward and westward;"

"On that day the LORD made a covenant with Abram, saying, 'To your descendants I give this land, from the river of Egypt to the great river, the river Euphrates.'"

The verses talk about the LAND that GOD will GIVE to ABRAHAM, who was still then called ABRAM.

In Gen 15:18, the LORD said the LAND would be GIVEN to ABRAHAM'S DESCENDANTS.

Peace believes that the DESCENDANTS of ABRAHAM included the "ISHMAELITES" to which the PROPHET of ISLAM came.

Is the INFORMATION of Peace CORRECT?

SORRY, IT IS WRONG.

According to GOD HIMSELF, the ISHMAELITES are NOT INCLUDED in the DESCENDANTS who will be KNOWN to CARRY the NAME of ABRAHAM.

Here is what GOD SAYS in Gen 21:12, "But God said to Abraham, 'Do not be distressed because of the boy and because of your slave woman; whatever Sarah says to you, do as she tells you, for it is through Isaac that offspring shall be named for you."

Please take note, God said, "It is THROUGH ISAAC that OFFSPRING SHALL BE NAMED FOR YOU."

In other words, it would be through ISAAC that the DESCENDANTS of ABRAHAM would be KNOWN.

Notice these words of God to Abraham, "whatever Sarah says to you, do as she tells you."

WHAT DID SARAH TELL ABRAHAM?

It's in Gen 21:10, where SARAH said, "CAST OUT this slave woman with her son; FOR THE SON OF THIS SLAVE WOMAN SHALL NOT INHERIT ALONG WITH MY SON ISAAC."

See?

When God told Abraham to "DO AS [SARAH] TELLS" HIM, the LORD was GIVING HIS BLESSING that "THE SON OF THIS SLAVE WOMAN SHALL NOT INHERIT ALONG WITH ... ISAAC."

In fact, GOD ALLOWED the CASTING OFF of the SLAVE WOMAN, HAGAR, and her son, ISHMAEL.

In Pilipino, Hagar and Ishmael were "PINALAYAS" from the FAMILY of ABRAHAM.

In short, GOD HIMSELF DOES NOT CONSIDER the DESCENDANTS of ISHMAEL as INHERITORS of the PROMISES to ABRAHAM.

So, Gen 13:14 and 15:18 DO NOT APPLY to the ISHMAELITES and subsequently DO NOT REFER to the PROPHET of ISLAM.

SORRY, Peace.

We will continue our study of the other verses you gave in the succeeding posts.

Thank you.

Monday, April 6, 2009

Sino ba ang propeta sa Dt 18:18?

IPINAGPIPILITAN po talaga ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na ang propeta ng Islam na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Tila suportado niya ang sinabi natin na KUNG WALANG BATAYAN SA BIBLE AY HINDI KAPANIPANIWALA.

Pero huwag po sanang magagalit ang mga Muslim dahil WALA po TALAGA sa BIBLIYA ang inyong PROPETA. SORRY PO.

Sa mga naunang artikulo ay tiningnan na natin ang Dt 18:18 at NAKITA natin na HINDI po ITO TUMUTUKOY sa propeta ng Islam.

Ganito po ang sinasabi sa Dt 18:18, "Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,"

"ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya."

Ang ipinagpipilitan po ng nagpapakilalang BALIK ISLAM ay si Propeta Muhamad daw ang KATULAD ni Moses.

Dahil kinikilala po ng mga Muslim si Propeta Muhammad bilang PROPETA ay IGINAGALANG po natin iyan.

Pero hanggang doon lang po ang pagkakatulad niya kay Moses batay sa Dt 18:18.

Ayon po sa Diyos, ang propetang ibabangon niya ay KATULAD ni MOISES.

Si MOSES ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

Diyan pa lang po ay TAPOS NA ang PAGKAKATULAD ni MOSES at ng propeta ng Islam.

At lalo pa pong makikita na HINDI SILA MAGKATULAD dahil ang sabi pa sa Dt 18:18 ay MANGGAGALING sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ang PROPETA.

Sa ORIHINAL na HEBREO ng Dt 18:18 ang ginamit pong salita para sa KAPATID ay 'ACH.

Ayon po sa Strong's Hebrew Dictionary, sa Number 0251, ang kahulugan ng 'ACH ay:

1. Kapatid sa parehong magulang

2. Kapatid sa ama

3. KAANAK, KALAHI, KAPAREHONG TRIBO

4. Katulad ng pagturing

5. (figurative) Katulad

Sa mga definition po ng salitang 'ACH ay maaring sa ikaapat at sa ikalima lang pumasok ang propeta ng Islam pero TIYAK PO na HINDI IYAN ang gustong ipakahulugan ng Diyos sa Dt 18:18.

Ang maaari lang pong kahulugan ay ang nasa definitions 1 hanggang 3. At diyan po ay HINDI MAAARING KASAMA ang Islamic prophet.

At kaugnay po sa sinasabi ng Dt 18:18 ay ang ikatlong kahulugan ang tinutukoy at diyan po ay HINDI PAPASOK ang kanilang propeta.

HINDI po kasi siya KAANAK o KALAHI o KAPAREHONG TRIBO ng mga ISRAELITA.

Ang mga ISRAELITA ay mga ANAK o KAANGKAN ni ISRAEL (Jacob).

Ang propeta po ng Islam ay ISMAELITA o ARABO at HINDI ISRAELITA.

Ang sinasabi ng ilang Muslim ay "magkalahi" daw ang mga ISRAELITA at mga ISMAELITA dahil galing sila sa iisang NINUNO, si ABRAHAM.

MALINAW na HINDI po IYAN ang TINUTUKOY na KAANAK o KAPATID sa Dt 18:18.

HINDI po SINABI na sa KAPAMILYA ni ABRAHAM MANGGAGALING ang PROPETA.

Kung kay Abraham po kukunin ang kahulugan ng KAPATIRAN, iyan po ay "OVEREXTENSION" ng DEFINITION.

MALINAW po sa Dt 18:18 na ang tinutukoy na KAPATIRAN o ANGKAN na PAGMUMULAN ng PROPETA ay sa ANGKAN o PAMILYA ni ISRAEL.

Sa Dt 5:1 ay mga ISRAELITA ang KAUSAP ni MOISES.

Sabi riyan, "Tinawag ni MOISES ang LAHAT ng ISRAEL at sinabi sa kanila: Makinig, O ISRAEL, ang mga patakaran at kautusan na aking ipinapahayag sa inyong pandinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo at maingat na sila ay sundin."

Muli sa Dt 9:1 ay sinasabi, "Makinig, O ISRAEL!"

Lalo pa pong nagiging malinaw na isang ISRAELITA ang tinutukoy na PROPETA sa Dt 18:18 kung babasahin natin ang sinusundan niyang talata sa Dt 18:15.

Diyan ay sinasabi mismo ni Moises, "Ang Panginoong inyong Diyos ay magbabangon para sa inyo ng ISANG PROPETA na TULAD KO na MULA SA GITNA NINYO; susundin ninyo ang propetang iyon."

Sa ORIHINAL na HEBREO, ang ginamit na SALITA para sa "GITNA" ay QEREB.

Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, ang ibig sabihin ng QEREB ay:

1. Sa PILING, KASAMA, sa LOOB, sa GITNA

A. nasa LOOB ng BAHAGI

a. sa PISIKAL na PAGKAUNAWA

b. sa pag-iisip o damdamin

c. bahagi ng kaisipan o damdamin

B. sa PILING, KASAMA, MULA sa KASAMANG MGA TAO

C. lamang loob (ng isinasakripisyong hayop)

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang PROPETA ay MULA sa LOOB o GITNA o PILING mismo ng mga ISRAELITA na KAUSAP ni MOISES at HINDI sa LABAS tulad ng mga ISMAELITA.

Ano pa nga po at ang tinutukoy riyan ay ISANG ISRAELITA.

So, diyan pa nga lang po ay MALINAW na HINDI LALAPAT kay Propeta Muhammad ang sinasabi sa Dt 18:18.

IGINAGALANG po natin ang PROPETA ng ISLAM kaya gusto po natin na ibigay sa kanya ang nararapat.

Ang Dt 18:18 ay HINDI NARARAPAT sa KANYA kaya huwag po sana iyang ipagpilitan ng ilang mangangaral ng Islam.

May katuloy pa po.

Monday, March 23, 2009

Kailan nagsimula ang Islam?

NAGTANONG po sa atin si Arnel ng Cagayan de Oro City. Sabi niya, "Kailan at saan nagsimula ang Muslim religion?"

Dapat sana ay mga Muslim ang sumagot sa tanong na iyan pero kahit sila-sila ay magkaiba ang sinasabi.

May mga Muslim na naniniwala na ang Islam ay itinatag sa panahon ni Abraham at mayroon naman na naniniwala na ito ay itinatag sa panahon ng Propeta Muhammad.

Kung susundin ang paniniwala kaugnay kay Abraham, lalabas na mayroon nang Islam noon pa lang 2,000 BC.

Ang problema ay walang HISTORICAL RECORD na magpapakita na mayroon nang Islam noon tulad ng alam natin ngayon.

Si Abraham ay mas kilala bilang Ama ng mga Hebreo o Israelita, although sinasabi ng mga Muslim na anak din sila ni Abraham kay Ismael.

Ayon sa Bibliya, si Ismael ay anak ni Abraham sa ALIPIN ni SARA na si HAGAR. (Genesis 16:1-4, 16)

Ibinigay ni SARA--ang ASAWA ni ABRAHAM--ang kanyang ALIPIN para MAANAKAN ito. Hindi kasi nagkakaanak si SARA.

Pero pagdaan ng panahon ay kinainisan ni Sara si Hagar at ito ay PINALAYAS niya at ni Abraham. (Gen 16:9-10, 14)

Mula sa angkan ni ISMAEL nagmula ang mga ARABO na pinagmulan naman ng ISLAM.

Pero kahit pa nabanggit si Ismael ay WALA PONG SINASABI na MAYROON NANG ISLAM noong panahon na iyan.

HISTORICALLY, sinasabi na ang Islam ay sinimulan ni Propeta Muhammad bandang 600 AD. Ito ay 600 taon matapos itatag ni Kristo ang Kanyang Iglesia.

Ayon sa KASAYSAYAN, ang Islam ay unang natatag sa lupain na kilala ngayon bilang Saudi Arabia.

Mababasa po iyan sa http://www.islamicity.com /education/ihame/default. asp?Destination>/education/ihame/1.asp

Ayon po sa website na iyan, ang "IslamiCity is dedicated to advancing information, fostering community, and educating people about Islam."

Sinasabi po riyan na ang PROPETA ng Islam ay ipinanganak noong 570 AD.

Iyan po ay may 540 TAON MATAPOS MATATAG ang IGLESIANG KRISTIYANO sa HERUSALEM.

Sa isa pang bahagi ng Islamicity ay sinasabi na ang mga unang TALATA ng BANAL na AKLAT ng ISLAM, o ang KORAN, ay inihayag sa kanilang propeta noong 610 AD. Ang huli ay noong 632 AD.

Dagdag pa ng Islamicity ay noon lang 633 AD naisip ni UMAR IBN AL-KHATTAB na maaaring mawala ang mga pahayag ng Koran.

At matapos noon ay IPINATIPON ni ABU BAKR, ang unang caliph, ang mga nilalaman ngayon ng KORAN.

Kung gusto po ninyong mabasa ang buong artikulo niya ay pumunta lang kayo sa website na:
http://www.islamicity. com/mosque/ihame/Ref1. htm.

Diyan po ay makikita natin na NAUNA ang mga KRISTIYANO at ilang ulit pang binanggit sa KORAN ang mga KRISTIYANO.

Samantala, NEVER BINANGGIT ang ISLAM sa BIBLIYA.

Ganyan po ang KASAYSAYAN ng ISLAM ayon mismo sa mga MUSLIM.