MAY reaksyon po ang isang BALIK ISLAM sa sinabi natin sa post natin na "Tunay na relihiyon paano makikilala?"
Pero bago po ang reaksyon niya ay gusto ko lang pansinin na HINDI po NAKASAGOT ang BALIK ISLAM na sumusubok mangaral sa atin tungkol sa ISLAM.
MARAMI po tayong TANONG DOON para MALINAWAN ang ilang bagay kaugnay sa ISLAM pero WALA PONG NAISAGOT ang BALIK ISLAM na gusto pang MAGTURO KAUGNAY doon.
Sa halip po ay INULIT na lang niya ang PROPAGANDA na tila SIYA MISMO ay HINDI NAKAUUNAWA.
Diyan po ay MAKIKITA natin ang KALIDAD ng isang NANGANGARAL para MAGHIKAYAT ng magba-BALIK ISLAM: HINDI po NILA KAYANG IPALIWANAG ang PINANINIWALAAN NILA.
Sa karanasan ko ay WALA SILANG KAKAYANANG UMUNAWA at MAGPALIWANAG.
Ang sa kanila ay PAULIT-ULIT LANG ng mga BAGAY o SALITA na HINDI NILA NAUUNAWAAN.
MAPAPANSIN po ninyo iyan kapag binasa ninyo ang mga PALIWANAGAN namin sa ibang post dito: PAULIT-ULIT LANG SILA ng mga WALANG KATUTURANG SALITA. NASAGOT na ang SINASABI NILA pero UULITIN na NAMAN nila ang MALI NILANG KATWIRAN na parang WALA SILANG NABASANG SAGOT.
Iyan po ang IMAHEN ng isang BALIK ISLAM na MALIWANAG na NABUBUO sa ISIPAN NATING LAHAT.
MAKIKITA po natin ang ISA PANG HALIMBAWA ng PAULIT-ULIT na WALANG KATUTURANG SALITA sa REAKSYON ng BALIK ISLAM sa ating post na binanggit ko sa itaas.
Diyan po ay sinabi ko:
"... ang KRISTIYANISMO ay NATATAG dahil sa PAGKAKATAWANG TAO at PANGANGARAL ng DIYOS ANAK na si HESU KRISTO."
Ganito po ang REAKSYON ng BALIK ISLAM:
"dyan pa lamang brod sablay ka na!"
"saan sinasabi ni Kristo na dios sya at ng Sambahin sya? meron bang ganoong talata sa Bibliya mo brod?"
"siguro nga meron, dahil may karagdagan na iyang Bibliya mo eh! hindi ba yang Bibliya mo brod ay naglalaman ng 73 books?"
"pwes! sige nga ipakita mo ang mga talata kong saan sinasabi mismo ni Kristo mula sa kanyang bbig na dios sya at kailangang sambahin din sya! saan brod sige maglitaw ka ng talata!"
PAULIT-ULIT na po nating IBINIGAY ang mga TALATA na NAGPAPAKITA at NAGPAPATUNAY na DIYOS nga ang PANGINOONG HESUS.
Actually, HINDI na lang po MAKATUTOL ang mga BALIK ISLAM na ANTI-KRISTO kaya INUULIT-ULIT na lang NILA ang mga ATAKE sa pagka-DIYOS ng ating PANGINOON at TAGAPAGLIGTAS.
Pero para po sa BALIK ISLAM na NAGTATANONG pa rin ay UULITIN po natin ang mga TALATA kung saan NAGSABI ang PANGINOONG HESUS na DIYOS SIYA.
Sa John 8:58 ay sinabi ng Panginoong Hesus, "KATOTOHANAN, KATOTOHANAN, SINASABI KO sa inyo, BAGO PA naging si ABRAHAM, AKO NA."
Sa Ingles, "Amen, amen, I say to you, before Abraham came to be, I AM."
Ang "AKO NA" o ang "I AM" ay ang PANGALAN ng DIYOS na IBINIGAY NIYA kay MOISES ayon sa Exodus 3:14.
Sa Ex 3:13 ay tinanong ni Moises ang DIYOS kung ano ang PANGALAN ng DIYOS.
Sumagot ang Diyos sa Ex 3:14 at sinabi Niya, "AKO AY AKO NA."
Sa Ingles ay "I AM WHO AM."
Diyan ay KITANG-KITA po natin na nung SABIHIN ni HESUS sa Jn 8:58 na SIYA ang "AKO NA" o "I AM" ay NAGPAPAKILALA SIYA na SIYA ang DIYOS na NAGPAKILALA kay MOISES.
PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!
Heto pa po.
Bago ang Jn 8:58 ay sinabi rin ni HESUS sa Jn 8:56, "Abraham your father rejoiced to see MY DAY; he saw it and was glad."
KANINONG ARAW po ba ang GUSTONG MAKITA ni ABRAHAM?
Sa DIYOS!
DIYOS po ang NANGAKO kay ABRAHAM at sa LAHI niya na magiging TAPAT sa KANILA ang DIYOS.
Sabi ng PANGINOON kay ABRAHAM sa Genesis 17:7, "I will maintain my covenant with you and your descendants after you throughout the ages as an everlasting pact, TO BE YOUR GOD and THE GOD OF YOUR DESCENDANTS after you. "
MAY IBA po bang INASAHAN si ABRAHAM LIBAN sa DIYOS?
WALA na po.
So diyan po sa Jn 8:56 ay MALINAW na NAGPAPAKILALA ULI si HESUS na SIYA ang DIYOS na NANGAKO at INASAHAN ni ABRAHAM.
Heto pa po.
Sa Jn 14:7 ay sinabi ng PANGINOONG HESUS, "IF YOU KNOW ME, then YOU WILL ALSO KNOW MY FATHER."
"From now on YOU DO KNOW HIM and HAVE SEEN HIM."
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
NAPAKALINAW po riyan na SINASABI ni HESUS na ANG MAKAKILALA sa KANYA ay NAKAKILALA na at NAKAKITA NA sa DIYOS.
Paano?
Dahil si HESUS at ang AMA ay IISA.
Sabi nga ni KRISTO sa Jn 10:30, "AKO at ang AMA ay IISA."
Sa ORIHINAL pong GRIEGO ang ginamit na salita riyan ay "HEN" na nagpapakita ng pagiging ISA sa KALIKASAN o SANGKAP ng KALIKASAN.
ANO po ba ang SANGKAP ng KALIKASAN ng AMA? Hindi po ba SA DIYOS?
So, ANO ang sinasabi ni HESUS nung sabihin Niyang SIYA at ang AMA ay IISA sa SANGKAP ng KALIKASAN?
Sinasabi niya na KUNG PAANONG DIYOS ang AMA ay GANOON DIN SIYANG DIYOS!
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
Sa Jn 20:28 ay IDINEKLARA ng APOSTOL na si THOMAS na si HESUS ay "PANGINOON ko at DIYOS ko!"
SINAWAY po ba ng PANGINOONG HESUS si Thomas? Sinabi ba ng KRISTO na "HINDI AKO DIYOS. ANG AMA LANG ANG DIYOS"?
HINDI po.
Sa halip ay SINABI ni HESUS, "Have you come to BELIEVE because you have seen me? Blessed are those who have not seen and have believed."
KINUMPIRMA ng PANGINOON ang PANINIWALA ni Thomas sa pagiging DIYOS at PANGINOON ni HESUS. HINDI siya SINUPALPAL.
Ang mga SALITA riyan ng PANGINOONG HESUS ay NARINIG MISMO ng mga APOSTOL at SAKSI sa KANYANG PAGKAKATAWANG TAO.
Tingnan po natin kung MAY MAITUTUTOL ang BALIK ISLAM na UMAATAKE sa PAGKA-DIYOS ng ATING PANGINOON.
Ngayon, MAY IBANG KUWENTO po ang mga SKOLAR ng ISLAM.
Sa susunod na post ay iyan po ang tatalakayin natin.