Showing posts with label Kristiyanismo: Aral ay galing mismo sa Diyos. Show all posts
Showing posts with label Kristiyanismo: Aral ay galing mismo sa Diyos. Show all posts

Monday, March 4, 2013

Diyos May Anak (Matthew 3:17)



PANINIWALA ng mga MUSLIM na WALA raw ANAK ang DIYOS.

TAMA ba SILA?

Ang TUNAY na DIYOS ay NAGPAKILALA MISMO sa mga TAO at SINABI NIYANG MERON SIYANG ANAK.

MATTHEW 3:17
At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

MATTHEW 17:5
Samantalang nagsasalita pa siya, narito, ang isang maningning na alapaap ay lumilim sa kanila: at narito, ang isang tinig na mula sa alapaap, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong kinalulugdan; siya ang inyong pakinggan.

MARAMI ang NAKARINIG sa mga PAHAYAG ng DIYOS, tulad ng mga APOSTOL at ALAGAD ng PANGINOONG HESUS.

2PETER 1:16-18
For we did not follow cleverly devised myths when we made known to you the power and coming of our Lord Jesus Christ, but we had been eyewitnesses of his majesty.

For he received honor and glory from God the Father when that voice was conveyed to him by the Majestic Glory, saying, "This is my Son, my Beloved, with whom I am well pleased."

We ourselves heard this voice come from heaven, while we were with him on the holy mountain.

AYAN. MALINAW.

Ang ARAL ng KATOLIKO ay GALING sa DIYOS at sa MGA SAKSI.

E ang ARAL ng ISLAM? MERON bang NAKARINIG o NAKASAKSI nung IBIGAY daw ng DIYOS o ng ANGHEL sa PROPETA NILA?
 
Kahit yang ANGHEL ng PROPETA ng ISLAM ay WALANG NAKAKITA o NAKARINIG nung MAGHAYAG DAW ng QURAN.

Thursday, October 15, 2009

Anong relihiyon ang pipiliin natin?

BASAHIN po natin ang post ni Chris sa artikulo natin na "Deut 18:18 = Propeta ng Islam?"

Sabi ni Chris:
"Brod. anonymous, gusto kong malaman mo na andito rin ako sa Saudi Arabia. At matagal na akong sumusubaybay sa blog na ito."

"Gaya mo, nang unang salta ko dito naging interesado ako sa aral ng Islam. Lalo pag nakikita ko sila kung paanong isinasapuso ang mga ritual sa kanilang Salah. Pero sa katagalan ng pagbabasa ko, lumutang pa rin ang katotohanan ng Biblia."

"Maraming bagay ang hindi ko kayang tanggapin sa Islam, pinakamatindi na ay ang pagtalikod sa Panginoong Jesus. Na nagdusa alang2 sa atin. Hindi 'yun kakayanin ng puso ko."

"Ituloy mo lang ang pagsusuri, at sana ay manatili kang nasa panig ng Panginoon."

Salamat sa post mo, Chris.

NAGPAPASALAMAT ako sa DIYOS na MARAMING mga NASA SAUDI ang NAKAKABASA nitong BLOG NATIN.

Sana ay DUMAMI pa KAYO at nawa ay DUMAMI PA ang MAMULAT.

Marahil kung may kilala kayong INAAKIT na TUMALIKOD kay KRISTO ay PUWEDE NINYONG IPAKILALA sa KANILA itong ating BLOG.

HINDI natin SILA PIPIGILAN sa PAGTALIKOD pero BIBIGYAN NATIN SILA ng PAGKAKATAON na MAKAPAGSURI para SILA MISMO ang MAGSASABI kung ALIN ang PIPILIIN NILA: Ang RELIHIYON na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY sa TAO o ang RELIHIYON ng mga TAONG HINDI MAN LANG MAIPAKITA kung GALING MISMO SA DIYOS ang PINANINIWALAAN NILA.

SIMPLE lang naman po ang GAGAWIN NILANG PAGPILI. SUSURIIN lang NILA ang PINATATALIKURAN sa KANILA at ang GUSTO ng mga BALIK ISLAM na IPALIT NILA DOON.

Halimbawa, kung pinatatalikuran sa kanila ang BIBLIYA ay tingnan muna nila:

1. Ang BIBLIYA ay GAWA o GALING sa mga SAKSI sa mga AKTUWAL na GINAWA NG DIYOS? Ang IPAPALIT BA NILANG AKLAT ay GALING DIN sa SAKSI na MISMONG NAKAKITA sa mga AKTUWAL na GAWA ng DIYOS o NAKUNWETUHAN LANG?

2. Ang BIBLIYA ay NAGTATAGLAY ng mga SALITA na MISMONG DIYOS ang NAGBIGAY sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILA roon ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa TAO?

3. Ang mga TAONG SOURCE ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay KINAUSAP MISMO ng DIYOS. Ang TAONG SOURCE ba ng IPAPALIT sa BIBLIYA ay KINAUSAP din MISMO ng DIYOS?

4. Ang BIBLIYA ay GALING sa MARAMING SAKSI at MARAMING KINAUSAP ng DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILANG AKLAT ay GALING sa GAANO KARAMING SAKSI o KINAUSAP ng DIYOS? MARAMI BA o IISA?

5. Ang NILALAMAN ng BIBLIYA ay MISMONG GALING SA DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILA sa BIBLIYA ay MISMONG DIYOS DIN BA ang NAGBIGAY?

Kaugnay naman sa KRISTIYANISMO.

1. Ang KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTAYO. Ang IPAPALIT ba NILA sa KRISTIYANISMO ay DIYOS DIN MISMO ang NAGTAYO o ITINAYO LANG ng isang TAO?

2. Ang mga ARAL ng KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTURO sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILANG mga ARAL ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa mga NAGSIMULA roon?

3. Ang mga UNANG KRISTIYANO ay DIYOS MISMO ang NAGSUGO. Ang MGA UNANG TAO na NAGPASIMULA sa IPAPALIT NILANG RELIHIYON ay DIYOS DIN ba MISMO ang NAGPADALA? O baka naman ang ALIPIN na SINUGO sa KANILA ay INUTUSAN ng isang ALIPIN din lang?

MARAMI pa pong TANONG na MAAARI nating ITANONG para MALAMAN kung DAPAT BANG TUMALIKOD kay KRISTO at sa KRISTIYANISMO. Sa lahat po ng tanong na iyan ay LALABAS na ang KRISTIYANISMO ay FAR SUPERIOR sa ANUMANG IBANG RELIHIYON.

Ngayon, dahil HINDI MATUTULAN ng mga HINDI KRISTIYANO na SUPERIOR ang KRISTIYANISMO at ang BIBLIYA ay SINISIRAAN na lang NILA ang mga ITO.

Paki pansin po ninyo na INAATAKE na lang ng mga HINDI KRISTIYANO ang BIBLIYA na kesyo "kontra-kontra" raw o "porno" raw.

Pero kung SUSURIIN lang natin ay MAKIKITA NATIN na KASINUNGALINGAN ang LAHAT ng mga IBINABATO NILA sa BIBLIYA. Halos LAHAT ay OUT OF CONTEXT na PAGBASA sa mga TALATA o SADYANG BINALUKTOT ang PAKAHULUGAN.

Sa kabilang dako, ang TUNAY na PURO CONTRADICTION at NAGTUTURO PA ng KALASWAAN at KAHALAYAN ay ang mga BATAYAN NILA ng KANILANG mga ARAL.

MINAMALIIT NILA ang PAGKA-DIYOS ng PANGINOONG HESUS pero SINO RAW ang NAGSABI na HINDI DIYOS ang KRISTO? DIYOS DIN BA? SI KRISTO raw ba? O ang ISANG HINDI MAN LANG NAKAKILALA at HINDI NAKAKITA sa PANGINOON?

Gumagamit SILA ng mga TALATA sa BIBLIYA pero OUT OF CONTEXT naman o TAHASANG PINILIPIT ang PAKAHULUGAN.

HINDI po SIMPLE ang PAGPILI ng PANINIWALAANG RELIHIYON. Ang NAKATAYA po riyan ay HINDI LANG PERA o PANAHON kundi KALIGTASAN ng KALULUWA.

Kapag NAGKAMALI sa PAGPILI ang isang tao ay IHUHULOG NIYA ang KANYANG KALULUWA sa IMPIYERNO.

Kaya MAG-ISIP po TAYONG LAHAT pagdating sa PANINIWALAAN NATING PANANAMPALATAYA.

PIPILIIN ba NATIN ang ITINAYO at ITINURO MISMO ng DIYOS o ang RELIHIYON na HINDI MAN LANG MAIPAKITA nang MALINAW kung DIYOS NGA ang PINANGGALINGAN niyon?

GABAYAN po TAYO ng DIYOS sa ating PAGPILI.

Wednesday, September 9, 2009

Kristiyanismo sekta lang ba? Hindi tatag ni Kristo?

MAY bagong HIRIT po itong BALIK ISLAM. Sabi niya:
"Ano po ba ang Kristyanismo mga kaibigan? relihiyon po ba ito na itinayo ni Kristo? o relihiyon ito na itinayo ng ibang tao at hindi ni Kristo?; bueno bumasa po tayo ng talata mula sa Bibliya mga kaibigan upang patunay sa inyo na ang Kristyanismong paniniwala ay hindi kailan man nagmula kay Jesu-Kristo bagkus ito ay nagmula sa ibang TAo; basa!

"Acts 24:5 and I quote; "For we have this man a pestilent fellow, and a mover of sedition among all the Jews throughout the world,and a RingLeader of the SECT of the NAZARENES:"

"ito pa po mga kaibigan patunay na ang Kristyanismo ay hindi po kailanman naging Relihiyon bagkus ito ay isang SECTA lamang (or maaari din po nating tawaging Kulto) as according to the Bible; basahin nyo po ang Acts 28:17,18,19,20,21 & 22"


CENON BIBE:
HINDI na po talaga KATAKA-TAKA na NAILIGAW ang PAG-IISIP nitong BALIK ISLAM.

SIYA na po ang NAGBIGAY ng PATUNAY kung bakit MALI-MALI ang KANYANG ALAM.

Ibinigay po niya ang Acts 24:5 kung saan tinutukoy ang KRISTIYANISMO bilang "SECT OF THE NAZARENES."

Ang tanong po natin ay SINO PO BA ang NAGSABI NIYAN? MGA KRISTIYANO po ba?

Ang NAGSABI po niyan ay isang TERTULLUS, na NAG-AAKUSA KAY PABLO. (Acts 24:1-2)

Kung NAG-AAKUSA ang NAGSASALITA sa Acts 24:5 e MAY ALAM PO BA TALAGA IYAN?

Natural po WALA.

So, ang SOURCE po ng IMPORMASYON nitong BALIK ISLAM ay ISA RING WALANG ALAM.

Para po siyang BULAG na NAGPAAKAY sa ISA RIN BULAG.

Sabi po sa Matthew 15:14:
"they are BLIND guides. If a blind man leads a blind man, BOTH WILL FALL INTO A PIT."

Ang PIT po na tinutukoy riyan ay IMPIERNO.

So, NAKAKAAWA po talaga ang BALIK ISLAM na ito dahil INIHUHULOG NIYA ang SARILI NIYA sa IMPIERNO.


Ibinigay pa nitong BALIK ISLAM ang mga talatang "Acts 28:17,18,19,20,21 & 22."

SINUSUBUKAN pa po tayong LINLANGIN nitong BALIK ISLAM.

Sa biglang tingin ay PARANG ANDAMING TALATA na KANYANG IBINIGAY. Ang TOTOO ay ISANG TULOY-TULOY na SALAYSAY ng IISANG PANGYAYARI.

Heto po iyan:
"Three days later he [PAUL] called together the leaders of the Jews. When they had gathered he said to them, "My brothers, although I had done nothing against our people or our ancestral customs, I was handed over to the Romans as a prisoner from Jerusalem.

"After trying my case the Romans wanted to release me, because they found nothing against me deserving the death penalty.

"But when the Jews objected, I was obliged to appeal to Caesar, even though I had no accusation to make against my own nation.

"This is the reason, then, I have requested to see you and to speak with you, for it is on account of the hope of Israel 5 that I wear these chains."

"They [MGA HUDYO] answered him, "We have received no letters from Judea about you, nor has any of the brothers arrived with a damaging report or RUMOR about you.

"But we should like to hear you present your views, for we know that this SECT is denounced everywhere."

Una po, ang KAUSAP ni PABLO RIYAN ay mga HUDYO.

Pangalawa, ANO RAW ang NARINIG ng mga HUDYO na KAUSAP ni PABLO?

Ayon sa kanila, ang narinig nila ay "RUMOR" o TSISMIS.

So, diyan pa lang po ay MALIWANAG na ang PINAGBABATAYAN nitong BALIK ISLAM ng KANYANG ALAM ay isang TSISMIS.

Pangatlo, SINO na naman po ba ang NAGSABI na isang "SECTA" ang KRISTIYANISMO?

Ang mga HUDYO rin po na WALANG ALAM KAUGNAY sa KRISTIYANISMO.

PATUNAY na WALA SILANG ALAM sa KRISTIYANISMO ay NAKIUSAP SILA kay PABLO na IPALIWANAG IYON sa KANILA.

Sabi nga nila sa Acts25:22, "But we should like to hear you present your views."

NAKITA po NINYO? HUMIHINGI pa nga ng KALIWANAGAN ang mga HUDYO na NAKARINIG pa lang ng TSISMIS laban sa KRISTIYANISMO na AKALA NILA ay isang "SEKTA" lang.

NAKAKALUNGKOT po na sa SOBRANG DESPERADO nitong BALIK ISLAM ay PATI TSISMIS ay PINAPATULAN na NIYA.

UNAWAIN na lang po natin itong BALIK ISLAM dahil HINDI PO TALAGA NIYA MASAGOT ang isang TANONG NATIN sa KANYA.

Ang tanong po natin ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA NGAYON?"

Ayon din po kasi sa isang BALIK ISLAM ay "KAPAG HINDI DIYOS ANG NAGSUGO SA ISANG PROPETA AY BULAAN ANG PROPETA NA IYON."

Sa ATIN pong mga KRISTIYANO ay DIYOS ang NAGSUGO sa mga PINUNO NATIN.

Sa Mt 28:19-20 ay MISMONG DIYOS ANAK na si HESUS ang NAGSUGO sa mga ALAGAD NIYA. Sabi ng PANGINOONG HESUS:
"GO, therefore, and MAKE DISCIPLES OF ALL NATIONS, baptizing them in the name of the Father, and of the Son, and of the holy Spirit, TEACHING THEM to observe all that I have commanded you.

"And behold, I am with you always, until the end of the age."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang DIYOS na SI KRISTO ang NAGSUGO sa mga NANINIWALA sa KANYA.

Kaya nga po NAIPAGMAMALAKI NATIN na DIYOS MISMO ang NAGTAYO ng KRISTIYANISMO.

HINDI po TAYO TULAD nitong BALIK ISLAM na HINDI MAN LANG MASABI kung DIYOS NGA ang NAGSUGO sa PINANINIWALAAN NILA.

Bakit po kaya?

Thursday, August 27, 2009

Jn 1:18: Sino ang hindi nakita?

ITULOY po natin ang PAGPAPALIWANAG sa mga TALATANG GINAMIT nitong BALIK ISLAM kahit HINDI NIYA NAUUNAWAAN.

Sinusubukan pong sagutin nitong BALIK ISLAM ang tanong natin KUNG DIREKTANG NAKAUSAP NG DIYOS NILA ang KANILANG PROPETA.

Ang ginawa po niya ay NAGBIGAY SIYA at GUMAMIT ng mga TALATA na MALI NAMAN ang KANYANG UNAWA.

Ang ibinigay niya ay ang Exodus 33:20, John 1:18, Jn 5:37 at 1Tim6:16.

Sa sinusundan po nitong post ay ipinaliwanag natin ang Exodus 33:20.

Ngayon ay ang John 1:18 ang ipaliwanag natin.

Ganito po ang pagkaka-quote ng BALIK ISLAM sa John 1:18:
"No man hath seen God at any time; the only begotten Son, which is in the bosom of the Father, he hath declared him."

Kung hindi po ninyo alam, ang ginamit niyang SALIN ay ang KING JAMES VERSION na PABORITO ng mga ANTI-KATOLIKO at ng mga ANTI-KRISIYANO.

Dati na po nating sinasabi na ang KING JAMES VERSION ay PUNO ng mga MALING SALIN. Kaya nga po IYAN ang PABORITO ng mga KAAWAY ng TUNAY na IGLESIA at TUNAY NA PANANAMPALATAYA.

Kung MATUWID po kasi na SALIN ay WALA SILANG MAIPIPINTAS sa BIBLIYA at sa KRISTIYANISMO.

Sa MAS TAMA pong SALIN ay ganito ang mababasa:
"No one has ever seen God. The ONLY SON, GOD, who is at the Father's side, has revealed him." (New American Bible)

Sa New International Version na gawa ng mga PROTESTANTE ay ganito po ang mababasa:
"No one has ever seen God, but GOD THE ONE and ONLY, who is at the Father's side, has made him known."

Sa mga TAMANG SALIN ay TAMA ang PAGSASALIIN sa GRIEGO na "MONOGENES THEOS" na isinalin ng NAB na "ONLY SON, GOD" (NAG-IISANG ANAK NA DIYOS) at ng NIV na "GOD, THE ONE AND ONLY" (Ang DIYOS, na ISA at NAG-IISA).

Sa kabila po ng PAGKAKAIBA sa PAGKAKASABI ay IISA ang KAHULUGAN ng Jn 1:18 ng NAB at NIV: Ang NAGPAKILALA sa AMA ay ang "MONOGENES THEOS" o ang NAG-IISANG ANAK na DIYOS.

MONOGENES=NAG-IISANG ANAK

THEOS=DIYOS

Sino ang NAG-IISANG ANAK na DIYOS?

Si HESUS.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Sa mga NANINIWALA sa HOLY TRINITY ay NAPAKALINAW ng TALATANG IYAN.

Ipinapakita po kasi riyan ang DALAWA sa TATLONG PERSONA ng DIYOS: Ang DIYOS AMA, at ang DIYOS ANAK.

At BATAY sa TAMANG SALIN at TAMANG ARAL ay MALINAW na MAKIKITA NATIN kung SINO ang DIYOS na HINDI NAKITA KAILAN MAN at kung SINO ang DIYOS na NAKITA ng TAO.

Ang DIYOS na HINDI NAKITA KAILANMAN ay ang DIYOS AMA. Ang DIYOS naman na NAKITA ng TAO (kasama na si MOISES) ay ang DIYOS ANAK na SI HESUS.

Tiyak na sasabihin na naman ng mga HINDI NANINIWALA sa TRINITY na "DALAWA (O TATLO)PALA ANG DIYOS."

As usual ay MALI na naman SILA.

Ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO ay HINDI TATLONG IBA-IBANG DIYOS.

Ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO ay TATLONG PERSONA ng IISANG DIYOS.

IISA SILA sa LAHAT NG BAGAY (KALIKASAN, KAPANGYARIHAN, ANTAS NG PAGKA-DIYOS) maliban lang sa PAPEL NILA sa pagka-DIYOS.

Para po SILANG PAMILYA ng TAO.

Sa PAMILYA, ang LAHAT ng KASAMA sa PAMILYA ay IISA sa LAHAT ng BAGAY (KALIKASAN bilang TAO, KAKAYANAN BILANG TAO, DIGNIDAD BILANG TAO)

NAGKAKAIBA lang po ang mga KASAMA sa PAMILYA pagdating sa PAPEL NILA sa PAMILYA.

At kaugnay po sa sinasabi ng Jn 1:18, makikita natin na ang SINASABI na HINDI NAKITA KAILANMAN NINO MAN ay ang DIYOS AMA.

Parang sa PAMILYA. Masasabi ng IBANG TAO NA: KAHIT KAILAN ay HINDI NILA NAKITA ang AMA NG ISANG BATA.

Iyan po ang KAHULUGAN ng Jn 1:18. HINDI po IYAN NANGANGAHULUGAN na HINDI NA NAKITA ang DIYOS.

Ang TANGING HINDI NAKITA NANG HARAPAN ng TAO ay ang DIYOS AMA.

Ang DIYOS ANAK ang SIYANG DIREKTANG NAGPAKITA at NAKIPAG-USAP sa mga UNANG KRISTIYANO. SIYA rin ang DIREKTANG NAGBIGAY ng ARAL sa mga TAO.

WALA po IYANG PINAG-IBA sa ANAK na INUTUSAN ng AMA na MAGSALITA sa mga NASASAKUPAN NILA.

Ang SALITA ng ANAK ay SALITA MISMO ng KANYANG AMA. Ang AUTHORITY ng ANAK ay SIYA RING AUTHORITY ng AMA.

At KAPAG ANAK ang NAGSALITA ay KATUMBAS na iyon na AMA NIYA ang NAGSALITA.

Kaya nga po FAR SUPERIOR ang KRISTIYANISMO e. DIYOS MISMO ang NAGBIGAY ng ARAL nito.

PURIHIN ang TRINIDAD! PURIHIN ang DIYOS!

Tuesday, August 25, 2009

Perfect na Aral saan matatagpuan?

MAY bagong hirit po ang BALIK ISLAM na IKINAHIHIYA na ang pagiging BALIK ISLAM.

Sabi niya:
"mga kaibigan ano po ba ang mga kinuquote nitong si Mr. Cenon Bibe? hindi po ba mga talata ng Bibliya? na pinanggagalingan mismo ng sinasabi nyang may mga hindi na PERFECT na aral! at anong saysay ng mga talata na binibigay nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan kong ayon sa kanya ay Bibliya ay naglalaman ng mga HINDI na PERFECT na aral?"

CENON BIBE:
EKSPERTO po sa pagBALUKTOT at PAG-IWAS sa TAMA itong TUMALIKOD kay KRISTO.

NAIPALIWANAG na sa KANYA--at sa INYONG LAHAT--ang tungkol sa bagay na iyan pero IPINIPILIT pa rin NIYA ang MALI at BALUKTOT.

Sabagay, PATULOY pa rin naman SIYA sa PAGGAMIT at PANINIWALA sa MALI-MALI at KONTRA-KONTRANG INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NIYA.

Anyway, SALAMAT na rin po dahil NAGKAKAROON TAYO ng PAGKAKATAON na IPALIWANAG nang MAS MAAYOS ang tungkol sa BIBLIYA.

Ang tanong po niya ay ganito: "at anong saysay ng mga talata na binibigay nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan kong ayon sa kanya ay Bibliya ay naglalaman ng mga HINDI na PERFECT na aral?"

Ang SAYSAY po ng mga TALATA na IBINIBIGAY NATIN ay GALING IYAN MISMO sa DIYOS at GINABAYAN ng DIYOS.

NAIPAPAHAYAG po natin iyan nang TAAS NOO, HINDI TULAD nitong BALIK ISLAM na HINDI MAIDEKLARA na GALING MISMO sa DIYOS ang mga NILALAMAN ng PINANINIWALAAN NIYA.

Pero bakit may sinasabi tayo na HINDI PERFECT na ARAL sa BIBLIYA?

Iyan po ay dahil noong IBIGAY ng DIYOS ang ARAL na iyan sa mga TAO ay HINDI PA HANDA ang mga TAO para TANGGAPIN ang PERFECT na ARAL.

HINDI po sa ARAL ang PROBLEMA kundi sa mga TAONG TATANGGAP NITO.

Halimbawa po, BAKIT IPINAGBAWAL ang BABOY sa panahon ng LUMANG TIPAN?

Sa Leviticus 11:6-8 ay sinabi ng Diyos:
"6 ... the pig,

"7 which does indeed have hoofs and is cloven-footed, but does not chew the cud and is therefore unclean for you.

"8 Their flesh you shall not eat, and their dead bodies you shall not touch; they are unclean for you."

MARUMI po ba talaga ang BABOY?

HINDI po.

Noon pong LIKHAIN ng DIYOS ang LAHAT ng BAGAY ay GINAWA NIYA ay MABUTI.

Sabi po sa Genesis 1:24-25:
"24 Then God said, "Let the earth bring forth all kinds of living creatures: cattle, creeping things, and wild animals of all kinds." And so it happened:

"25 God made ALL KINDS of WILD ANIMALS, all kinds of cattle, and all kinds of creeping things of the earth. God saw how GOOD it was."

Ngayon, kung SUSURIIN nating MABUTI ang UTOS sa Lev11:6-8 kung saan IPINAGBAWAL ang PAGKAIN sa BABOY ay may ilang MAHALAGANG BAGAY tayong MAKIKITA.

Una, ang PAGBABAWAL ay TANGING sa mga ISRAELITA IBINIGAY.

Sabi ng DIYOS sa Lev11:2:
"Speak to the ISRAELITES and tell them: Of all land animals these are the ones you may eat: ..."

NAPAKALINAW po riyan na SA MGA ISRAELITA LANG IBINIGAY ang KAUTUSAN na IYAN.

Pangalawa, TANGING sa mga ISRAELITA rin lang SINABI na MARUMI ang PAGKAIN ng BABOY.

Pansinin po natin ang sinasabi sa Lev11:6-9:
"... the pig,

"7 which does indeed have hoofs and is cloven-footed, but does not chew the cud and is therefore unclean FOR YOU [mga ISRAELITA].

"8 Their flesh you shall not eat, and their dead bodies you shall not touch; they are unclean FOR YOU [mga ISRAELITA]."

NAPAKALINAW po na TANGING SA MGA ISRAELITA LANG MARUMI ang PAGKAIN ng BABOY.

HINDI po SINABI ng DIYOS na "MARUMI ang BABOY KAYA HINDI DAPAT KAININ NG LAHAT NG TAO."

WALA pong GANYAN.

May iba pong tao na NANGOPYA ng ARAL na IYAN kaya PATI SILA ay NAGBAWAL na RIN na KAININ ang BABOY.

NANGOPYA SILA ng ARAL na HINDI NILA NAIINTINDIHAN ang DAHILAN kung BAKIT IPINAGBAWAL ang BABOY sa mga ISRAELITA.

Pero BAKIT po ba IPINAGBAWAL ang BABOY sa mga ISRAELITA?

Dahil po KINAKAIN DIN IYON ng mga PAGANO at AYAW ng DIYOS na MAKISALO ang mga ISRAELITA sa PAGKAIN ng mga PAGANO.

Dapat po nating TANDAAN na noong IBIGAY ng DIYOS ang mga ARAL sa LEVITICUS ay KALALABAS LANG ng mga ISRAELITA MULA sa EHIPTO.

KATATAWAG LANG sa KANILA ng DIYOS para MAGING BAYAN NIYA at INIHAHANDA NIYA ang mga ito para sa LUBOS na MAGING BAYAN NIYA.

Dahil diyan ay GUSTO ng DIYOS na MAIHIWALAY MUNA ang mga ISRAELITA sa mga PAGANO para HINDI SILA MAHAWA sa mga GAWAIN ng mga PAGANO.

Noon po kasing panahon na iyon--at maging ngayon--ay MAHALAGANG PARAAN ang KAINAN para MAKAPAG-SHARE ng mga IDEYA at PANINIWALA.

Kung MAKIKISALO ang mga ISRAELITA sa mga PAGANO sa PAGKAIN ay MAAARING MAKUHA NILA ang IBANG PANINIWALA ng mga PAGANO.

Kaya IPINAGBAWAL ng DIYOS sa mga ISRAELITA ang mga PAGKAIN na KINAKAIN ng mga PAGANO.

Iyan ang dahilan kung bakit IBINIGAY ang ARAL na PAGBABAWAL sa BABOY.

Ngayon, HINDI PERFECT ang ARAL na iyan dahil HINDI PERFECT ang mga PINAGBIGYAN. HINDI PERFECT ang SITWASYON at KALAGAYAN NILA.

Noong HANDA NA ang mga ISRAELITA sa PERFECT na ARAL ay NAGKATAWANG TAO NA ang DIYOS at SIYA NA MISMO ang NAGBIGAY ng PERFECT NA ARAL.

Ang PERFECT na ARAL ay IBINIGAY sa SIMBAHAN.

Ang BIBLIYA ay BAHAGI LANG ng TRANSMISSION o REVELATION ng PERFECT na ARAL.

Ang KABUOHAN ng PERFECT na ARAL ay NASA SIMBAHAN.

YAN ang HINDI ALAM nitong BALIK ISLAM na DALDAL LANG nang DALDAL kahit WALANG ALAM.

KAWAWA NAMAN.

Monday, August 24, 2009

May kasunod pa bang kasulatan sa Bibliya?

MAY TALAKAYAN po kami ng isang NAHIHIYANG MAKILALA na BALIK ISLAM.

Mababasa po iyan sa COMMENTS SECTION ng BLOG natin na "Simbahan ng Katoliko 'prostitution den'?"

Ang isyu ay ang PERFECTION ng ARAL KRISTIYANO dahil ito ay INIHAYAG MISMO ng DIYOS sa mga TAO.

Sa isang post ko po ay ganito ang aking sinabi:
"Pero although PERFECT na ang ARAL ay HINDI PA PO PERFECT ang LAHAT ng BAGAY."

Sabi nitong BALIK ISLAM na NAHIHIYANG MAKILALA na SIYA ay BALIK ISLAM:
"Anong aral po itong perfect kaya ayon kay Mr. Cenon Bibe mga kaibigan? at saan naman kaya pinagkukuha nitong si Mr. Cenon Bibe ang sinasabi nyang perfect na aral mga kaibigan? sa Bibliya kaya? bueno bumasa po tayo ng talata mismo sa BIbliya upang patutunayan po kong PERFECT nga ang mga aral na nanggagaling sa Bibliya:"

Sagutin po natin ang TANONG na iyan ng BALIK ISLAM.

SIMPLE lang po ang SAGOT sa tanong niya kung SAAN GALING ang PERFECT na ARAL ng KRISTIYANISMO.

Ang PERFECT po na ARAL ng KRISTIYANISMO ay GALING MISMO sa DIYOS na DIREKTANG NANGARAL at NANGUSAP sa mga UNANG KRISTIYANO.

Kung SUSURIIN po natin ang KASAYSAYAN ng PAKIKIPAG-USAP ng DIYOS sa mga TAO ay MAKIKITA NATIN na NOONG UNANG PANAHON o PANAHON ng LUMANG TIPAN ay DIREKTANG NAKIPAG-USAP ang DIYOS sa mga PROPETA.

Si ADAN ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS. (Genesis 2 at 3)

Si NOAH ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS. (Gen 6:12 patuloy)

Si ABRAHAM ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS. (Gen 12:1, 15:1, 17:1)

Si MOISES ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS. (Exodus 3:3-15)

At MARAMI pang IBANG PROPETA na DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS.

Ang mga TAO ay KINAUSAP ng DIYOS sa PAMAMAGITAN ng MGA PROPETANG iyan na KINAUSAP nang DIREKTA ng DIYOS.

Ibig sabihin ay HINDI DIREKTANG NAKIPAGUSAP ang DIYOS sa mga TAO. Mayroong DISTANSYA.

Kaya nga HINDI PERPEKTO ang PAKIKIPAG-UGNAYAN ng DIYOS at TAO.

Maging ang ARAL ay HINDI PERPEKTO dahil IBINAGAY ng DIYOS ang KANYANG mga KAUTUSAN sa KALAGAYAN at KAALAMAN ng mga TAO sa LUMANG TIPAN.

Sa panahon ng BAGONG TIPAN ay DIYOS na MISMO ang NAKIPAG-USAP at NANGARAL sa mga TAO.

Iyan ay noong MAGKATAWANG TAO ang DIYOS sa PERSONA ng DIYOS ANAK na si HESU KRISTO. (John 1:1, 14)

MISMONG DIYOS AMA ay NANGUSAP para IPAKILALA ang DIYOS ANAK.

Sabi ng DIYOS AMA sa Matthew 3:17 at 17:5:
"ITO [HESUS] ang AKING MINAMAHAL na ANAK na LUBOS KONG KINALULUGDAN."

At ang PANGINOONG DIYOS na NAGKATAWANG TAO ang MISMO at DIREKTANG NANGARAL sa mga TAO.

Kaya nga sinasabi sa Hebrews 1:1-2:
"In times past, God spoke in partial and various ways to our ancestors through the prophets;"

"in these last days, HE SPOKE TO US THROUGH A SON, whom he made heir of all things and through whom he created the universe."

At dahil DIYOS na MISMO ang NANGARAL sa TAO ay PERPEKTO NA ang ARAL na IBINIGAY NIYA.

So, sa TANONG ng BALIK ISLAM na KUNG SAANG GALING ang PERFECT na ARAL ng KRISITIYANISMO: Ang PERPEKTONG ARAL ng KRISTIYANISMO ay GALING MISMO sa DIYOS.

Ang PERPEKTONG ARAL na IYAN na DIREKTANG GALING MISMO sa DIYOS ang TINALIKURAN nitong BALIK ISLAM.

SAYANG, hindi po ba?

Ang LALONG NAKAKAHINAYANG ay HINDI MASAGOT nitong BALIK ISLAM kung ang IPINALIT NIYANG ARAL ay GALING DIN MISMO sa DIYOS at DIREKTANG ITINURO ng DIYOS NILA sa KANILANG mga KAPATID.

PAULIT-ULIT na nga po nating ITINATANONG sa KANYA kung DIREKTANG NAKAUSAP ng DIYOS NILA ang PROPETA NILA pero HINDI SIYA MAKASAGOT.

Hindi ko po alam kung MADAMOT LANG sa IMPORMASYON itong BALIK ISLAM o kung MAYROON SIYANG ITINATAGO.

Anyway, SANA po ay MASABI NIYA rito kung DIYOS NILA ang DIREKTANG NAGBIGAY sa KANILA ng KANILANG ARAL para naman MALAMAN NATIN.

Ang KRISTIYANO po kasi ay TAAS NOONG MAIPAGMAMALAKI na ang ARAL na PINANINIWALAAN NATIN ay GALING MISMO sa DIYOS at DIREKTANG ITINURO ng DIYOS sa ATIN.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Kaya naman po natin ITINATANONG dito sa BALIK ISLAM kung DIREKTANG GALING sa DIYOS ang mga ARAL NILA ay dahil MAY IPINAGMAMALAKI SIYANG "ISA PANG KASULATAN" na "SUSUNOD" at siya raw "KUKUMPLETO" sa BIBLIYA.

Kung may ISA pa po kasing KASULATAN na "KUKUMPLETO sa BIBLIYA" ay DAPAT DIREKTANG GALING DIN sa DIYOS IYAN dahil ang "KUKUMPLETUHIN" niyon ay DIREKTANG GALING sa DIYOS ang KARAMIHAN ng NAKASULAT.

Kung HINDI KASI DIREKTANG GALING sa DIYOS ay PAANO niyon KUKUMPLETUHIN ang DIREKTANG GALING sa DIYOS?

Ano yon? LOKOHAN?

TATALAKAYIN po natin iyan sa SUSUNOD na POST NATIN.

SALAMAT po.