SAGUTIN po natin ang isang REAKSYON ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.
Iyan po ay kaugnay sa PAGPUPUMILIT NIYA na "PROPETA LANG" ang PANGINOONG HESUS.
Sabi niya, "Hindi po talaga unawa nitong si Mr. Cenon Bibe mga giliw na tagasubaybay. BUMASA PO TAYO MGA KAIBIGAN NG MGA TALATA MULA PO MISMO SA BIBLIYA basa po: "JOHN 4: [verse 19;] THE WOMAN SAITH UNTO HIM, SIR I PERCEIVED THAT THOU ART A PROPHET."
KAHIT KAILAN po ay HINDI NATIN SINABI na "HINDI PROPETA" ang PANGINOONG HESUS.
Sinusubukan po ng BALIK ISLAM na kausap natin na ILIHIS at ILIGAW ang ISYU.
Ang simpleng katotohanan po kasi ay SI HESUS ang PERFECT PROPHET.
Ang PROPETA po kasi ay isang MAY DALA sa SALITA ng DIYOS.
Sabi po ng DIYOS sa Deuteronomy 18:18, "MAGBABANGON AKO para sa kanila ng isang PROPETA na tulad mo mula sa gitna ng kanilang mga kaanak, at ILALAGAY KO ang AKING MGA SALITA sa KANYANG BIBIG; SASABIHIN NIYA sa KANILA ang LAHAT ng INIUTOS ko sa KANYA."
MALINAW po riyan na ILALAGAY ng DIYOS ang KANYANG SALITA sa BIBIG ng PROPETA.
Ang mga SALITA ng DIYOS sa Deut 18:18 ay sa PANGINOONG HESUS NATUPAD.
Iyan po ang dahilan kung bakit ang BABAE sa talata na ginamit ng BALIK ISLAM (Jn 4:19) ay NAKITA na ang PANGINOONG HESUS ay "ISANG PROPETA."
Sabi po ng babae (batay sa tekstong padala ng BALIK ISLAM), "I PERCEIVED THAT THOU ART A PROPHET."
TAMA at TOTOO po ang SINABI nung BABAE sa Jn 4:19. Ang PANGINOON ay PROPETA dahil SIYA ANG PROPETANG KATULAD ni MOISES ayon sa Deut 18:18.
At kaugnay po niyan ay PERFECT PROPHET ang PANGINOONG HESUS dahil SIYA MISMO ang SALITA ng DIYOS at SIYA MISMO ay DIYOS.
MALINAW po iyang SINASABI sa PATOTOO ng APOSTOL na si JOHN.
Sabi ni JOHN sa Jn1:1, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA AY DIYOS."
Sino po ang SALITA na IYAN?
Ang PANGINOONG HESUS! SIYA ang SALITA NG DIYOS!
PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!
INILILIHIS LANG ng BALIK ISLAM na KAUSAP NATIN ang TOTOONG ISYU.
Kunwari ang isyu ay kung propeta o hindi si Kristo.
HINDI po iyan ang ISYU. PANLOLOKO po iyan.
Ang ISYU ay ang SINASABI NIYANG "PROPETA LANG" ang KRISTO.
HINDI NIYA iyan MAPATUNAYAN kaya NILALANSI at NILILINLANG na lang NIYA KAYO.
Ang SIMPLENG KATOTOHANAN po ay SI HESUS ang PROPETANG TINUTUKOY sa Deut 18:18.
Pero HINDI "LANG" SIYA PROPETA.
SIYA po ay DIYOS ANAK na SINUGO ng DIYOS bilang PROPETA para sabihin sa atin ang mga KAUTUSAN ng KANYANG AMA.