Showing posts with label Holy Trinity: Iba-iba ang papel iisa ang pagka-Diyos. Show all posts
Showing posts with label Holy Trinity: Iba-iba ang papel iisa ang pagka-Diyos. Show all posts

Monday, March 4, 2013

Matthew 24:36 / Mark 13:32 - Paghuhukom: Hindi Alam ng Panginoong Hesus?


GINAGAMIT ng mga MUSLIM ang MATTHEW 24:36 at Mark 13:32 para SABIHIN na HINDI DIYOS ang PANGINOONG HESUS.

Diyan ay SINASABI ng PANGINOON na HINDI NIYA ALAM ang ARAW o ORAS ng ARAW ng PAGHUHUKOM.

MATTHEW 24:36 / MARK 13:32
"But about that day and hour no one knows, neither the angels of heaven, nor the Son, but only the Father.

BAKIT nga ba ganun?

HETO ang PALIWANAG:

Ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS ay ang BANAL na TRINIDAD: Ang IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONA: Ang DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO. (Matthew 28:19)

Ang BAWAT PERSONA ay MAY PAPEL na GINAGAMPANAN sa PAGKA-DIYOS:

1. Ang DIYOS AMA ang PINAGMUMULAN ng LAHAT. SIYA ang MAY TAGLAY ng KALOOBAN o WILL.

2. Ang DIYOS ANAK ang KAPANGYARIHAN ng DIYOS AMA at TAGAGANAP ng KANYANG KALOOBAN.

3. Ang ESPIRITU SANTO ang MISMONG KUMIKILOS para MAGING LUBOS ang KALOOBAN ng DIYOS AMA at ang KAPANGYARIHAN ng DIYOS ANAK.

Ang ISYU kung KAILAN MAGAGANAP ang ARAW ng PAGHUHUKOM ay HINDI BAGAY na DIYOS ANAK ang MAGPAPASYA. Ang PAPEL NIYA ay ang MAGHUKOM sa ARAW na IYON.

Ang DESISYON ay MANGGAGALING sa DIYOS AMA.

So, HINDI ang PANGINOONG HESUS (ang DIYOS ANAK) ang MAGSASABI ng ARAW ng PAGHUHUKOM kundi ang DIYOS AMA.

Ganun lang yon.

Wednesday, December 16, 2009

1Cor8:6 kinontra ang Deut 4:35?

MAY COMMENT po ang MUSLIM sa sinabi sa 1Corinthians8:6.

Ayon sa talata, "yet for us there is ONE GOD, the FATHER, from whom all things are and for whom we exist, and ONE LORD, JESUS CHRIST, through whom all things are and through whom we exist."

Sabi ng MUSLIM:
Sa salitang sinabi dyan eh malinaw na "contradiction" dun sa sinabi sa Deuteronomy 4:35, "Ipinakita sa inyo ang mga bagay na ito upang malaman ninyo na ang PANGINOON ay DIYOS, at maliban sa kanya ay WALA NANG IBA."

Pero MALINAW na po ang PAHAYAG ng DIYOS na SIYA ay PANGINOON at DIYOS at WALA nang IBA LIBAN sa KANYA.

CENON BIBE:
WALA pong CONTRADICTION diyan. HINDI lang po NAUUNAWAAN ng MUSLIM na REACTOR natin ang talata na NAGPAPAKITA ng DALAWA sa TATLONG PERSONA ng HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Ang 1Cor8:6 po kasi ay INIHAYAG ng DIYOS noong UNANG SIGLO kung kailan WALA PANG ISLAM at WALA PANG MUSLIM.

Ang ISLAM po ay NASIMULAN noong 610 AD o may 600 TAON MATAPOS MAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK na si HESUS at ITINAYO ang KRISTIYANISMO. MALAYO na po SILA sa KATOTOHANAN na IBINIGAY MISMO ng DIOS sa mga TAO, partikular sa mga ALAGAD NIYA, ang mga KRISTIYANO.

Si HESUS po ang LUBOS na NAGPAKILALA sa NAG-IISANG TUNAY na DIYOS. At ipinakita po ni HESUS na ang TUNAY na DIYOS ay ang HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG DIYOS na MAY TATLONG PERSONS.

Sa Matthew 28:19 ay sinabi ni HESUS, "Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the NAME of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT."

Take note po ang IISANG "NAME" o PANGALAN. Iyan po ang NAG-IISANG PANGALAN ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.

Take note din po na TATLO ang NAGTATAGLAY ng NAG-IISANG PANGALAN ng DIYOS. Ang TATLO ay ang AMA, ang ANAK, at ang ESPIRITU SANTO. SILA po ang TATLONG PERSONA ng NAG-IISANG DIYOS.

Dahil SILA ay IISANG DIYOS, ang mga TITULO o KATANGIAN na ANGKOP sa DIYOS (tulad ng DIYOS at PANGINOON) ay ANGKOP sa BAWAT ISA sa mga PERSONA. At ang TITULO o KATANGIAN na TAGLAY ng BAWAT ISA na ANGKOP sa DIYOS ay SA DIYOS NGA IBINIGAY.

Kaya nung sabihin sa Deut 4:35 na ang DIYOS ang NAG-IISANG PANGINOON, iyan ay TUMUTUKOY sa BAWAT ISANG PERSONA ng DIYOS. PUWEDENG SABIHIN na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

GANOON DIN sa ANAK. Siya ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

At maging ang ESPIRITU SANTO ay MATATAWAG na NAG-IISANG DIYOS at NAG-IISANG PANGINOON.

Ang pagka-DIYOS po kasi ng AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO ay PAREHO at IISA.

Ang ginawa po ni PABLO ay INIHIWALAY lang NIYA ang mga KATANGIAN at IBINIGAY sa DALAWA SA TATLONG PERSONA ng DIYOS ang AMA at ANAK. Ang LAYUNIN ni PABLO ay PARA IPAKITA na ang AMA at ANAK ay DALAWANG MAGKAIBANG PERSONA ng IISANG DIYOS.

Sa kabila po niyan, ang mga TITULO o KATANGIAN na BINANGGIT ni PABLO patungkol sa AMA (IISANG DIYOS) at ANAK (IISANG PANGINOON) ay TUMUTUKOY sa TRINIDAD o IISANG DIYOS.

Ibigay po nating HALIMBAWA ang TUBIG.

Kung kukuha po tayo ng TUBIG sa BALON at ILALAGAY sa BASO, ILANG TUBIG po ba ang MERON TAYO?

IISA pa rin. Ang TUBIG po kasi sa BASO at SIYA RIN MISMONG TUBIG na NASA BALON. Ang KAIBAHAN lang ay NAIHIWALAY NATIN ang nasa BASO.

Ngayon, paano po kung INUMIN NATIN ang TUBIG na NASA BASO na may MATITIRA pa roon, ILANG TUBIG na po ang MERON? Meron na kasing tubig sa BALON, tubig sa BASO at tubig na NAINOM NATIN.

TATLO na ba ang TUBIG?

HINDI po. IISA pa rin ang TUBIG dahil ang TUBIG na ININOM natin ay SIYA RING TUBIG na NAIWAN sa BASO at NAROON sa BALON. IISA pa rin po yan.

Ang PAGKAKAIBA ay ang NAGING "ROLE" ng TUBIG.

Ang TUBIG sa BALON ay SOURCE. Ang TUBIG sa BASO ay tubig na "NAHAHAWAKAN" natin. Ang TUBIG naman na ininom natin ay NAGIGING BAHAGI NA NATIN.

TATLO SILANG TUBIG na MAY KANYA-KANYANG GINAGAMPANAN pero IISA PA RIN ang TUBIG.

Ngayon, kapag sinabi po ba natin na ang TUBIG sa BALON ay NAG-IISANG TUBIG na TUNAY, ibig sabihin po ba ay HINDI na TUNAY ang TUBIG na NASA BASO at yung ININOM natin?

TUNAY na pin po. IISA SILANG TUBIG e.

Paano po kung sinabi natin na ang TUBIG sa BASO ay NAG-IISANG MASARAP na TUBIG? Ibig sabihin po ay HINDI na MASARAP yung nasa BALON at yung ININOM natin?

MASARAP pa rin SILA. Ang TUBIG po kasi na NASA BASO ay YUN DIN MISMONG TUBIG na NASA BALON at ININOM NATIN.

Kaya po nung sabihin ni PABLO sa 1Cor8:6 na ang AMA ang NAG-IISANG DIYOS binibigyang DIIN lang niya na IBA ang PERSONA ng AMA sa PERSONA ng ANAK. Binibigyang diin din ni Pablo na ang AMA ang UNA o SOURCE ng lahat ng pagka-DIYOS.

Nung sabihin din niya na ang ANAK ang NAG-IISANG PANGINOON, binibigyang diin lang ni Pablo na HIWALAY ang PERSONA ng ANAK sa PERSONA ng AMA.

DALAWANG MAGKAIBANG DIYOS po ba ang TINUTUKOY ni PABLO?

HINDI po. Dahil ang pagiging IISANG DIYOS at pagiging IISANG PANGINOON ay TUMUTUKOY sa IISANG TUNAY na DIYOS na binanggit sa Deut 4:35.

Ganoon po yon kaya WALANG CONTRADICTION sa 1Cor8:6 at Deut 4:35. HINDI LANG PO NAUUNAWAAN nitong BALIK ISLAM ang SINASABI ng mga TALATA. Tila po kasi INUUNA nitong BALIK ISLAM ang PAGHAHANAP ng IPANINIRA sa BIBLIYA bago ang PAG-UNAWA.

SORRY po pero iyan po ang nakikita natin.



MUSLIM:
Sa Isaiah 45:5 ay sinabi ng DIYOS, "AKO ang PANGINOON, at WALA NANG IBA; MALIBAN sa AKIN ay WALA NANG IBANG DIYOS."

Pansin nyo po ba? Sabi Isa lang, pagdating sa Corinthians naging dalawa na.. one GOD AND one lord. isang Dios AT isang Panginoon. Pansin nyo po ba ang pagkakagamit ng salitang "AT" or "AND" dyan. Pakisagot lang po

CENON BIBE:
WALA pong PROBLEMA riyan.

Ang HOLY TRINITY na DIYOS ng BIBLYA ay ang NAG-IISANG DIYOS.

TAMA po ang OBSERBASYON nitong MUSLIM: WALA na pong IBANG DIYOS LIBAN sa TRINIDAD.

SORRY dahil pati po CONJUNCTION na "AND" o "AT" ay HINDI NAIINTINDIHAN ng MUSLIM o BALIK ISLAM na REACTOR.

Isa sa mga GAMIT sa "AND" ay ang IPAKITA ang PAGIGING ISA ng DALAWA o HIGIT pang BAGAY o TAO.

Halimbawa, ang "HAM and EGG" ay HINDI DALAWANG SANDWICH. IISANG SANDWICH po iyan.

Ang "Barnes AND Noble" ay BOOKSTORE. Porke ba sinabing "Barnes AND Noble" ay DALAWANG BOOKSTORE na?

HINDI po. Dahil sa salitang "AND" ay IPINAKIKITA na iyan ay IISANG BOOKSTORE.

Mismong ang PANGINOONG HESUS ay NAGPAKITA ng DALAWA pero IISA.

Sa John 10:30 ay sinabi ng PANGINOON: "Ako AT ang AMA ay IISA." Sa English, "I AND the FATHER are ONE."

Diyan ay IPINAKIKITA ng PANGINOONG HESUS na Siya AT ang AMA ay IISA kahit pa SILA ay HIWALAY at MAGKAIBA.

IISANG ANO po?

IISANG DIYOS. Tugmang-tugma sa sinabi sa 1Cor8:6: Ang AMA na NAG-IISANG DIYOS at si HESU KRISTO na NAG-IISANG PANGINOON ay IISANG DIYOS.

PURIHIN ang TRINIDAD! PURIHIN ang DIYOS!

Friday, September 25, 2009

Balik Islam: Walang nakarinig sa Salita ng Diyos

SA KAGUSTUHAN po nitong BALIK ISLAM na SIRAAN ang BIBLIYA ay SARILI NIYANG PROPETA at AKLAT ang NASIRAAN NIYA. Paki basa po ang sinusundan nitong ARTIKULO na "Propeta, Aklat siniraan ng Balik Islam."

Tinanong po kasi natin sa kanya ang ganito: "Puwede PAKI SABI MO RITO KUNG ALING BAHAGI NG QURAN ang DIREKTANG SINABI NG DIYOS SA PROPETA NINYO?"

Heto po ang sagot nitong BALIK ISLAM:
"Ano po ba ang sabi ng Bibliya ninyo patungkol dyan? ha? Mr. Cenon Bibe? direkta bang nangungusap ang Dios sa tao? infact kong nauunawaan mo talaga ang mismong Bibliya mo! ganito ang sinasabi; John 1:18 "NO MAN HATH SEEN GOD AT ANYTIME;...." [sana naunawaan mo ang ibig sabihin ng at anytime Mr. Bibe.] John 5:37 "AND THE FATHER HIMSELF, WHICH HATH SENT ME, HATH BORNE WITHNESS OF ME. YE HAVE NEITHER HEARD HIS VOICE AT ANYTIME, [minsan pa sasabihin ko na naman sa iyo Mr. Bibe kong nauunawaan mo ang salitang at anytime.] NOR SEEN HIS SHAPE." now ngayon maari po ba na baliin ng Dios ang kanyang mga sinasabi na nakatala mismo sa mga KAsulatan? Mr. Cenon Bibe Tanga at Bobo lang na katulad mo ang maaaring mag-iisip at magtatanong ng mga KAmangmangan na yan!"

CENON BIBE:
Ang TINAMAAN po ng SAGOT na iyan ng BALIK ISLAM ay ang SARILI NIYANG PROPETA at ang SARILI NIYANG AKLAT na PINANINIWALAAN.

PINALALABAS kasi NIYA na WALANG NAKARINIG sa SALITA ng DIYOS kaya ang KAHULUGAN ng SINABI NIYA ay WALANG REBELASYON na GALING SA DIYOS, partikular sa kanilang PROPETA at AKLAT.

Iyan po ang PAGKAUNAWA NIYA kaya HINDI NATIN SIYA TUTUTULAN. TUTAL ay TANGING ang PROPETA at AKLAT NILA ang APEKTADO ng KANYANG PANINIWALA.

TAYO po ba? APEKTADO po ba TAYO ng GANYANG PAGKAUNAWA?

HINDI po.

MALI na naman po kasi ang PAGKAUNAWA NITONG BALIK ISLAM na ITO sa SINASABI ng BIBLIYA.

Ginagamit po niya ang Jn1:18 at 5:37.

Sa Jn1:18 po ay sinasabi na WALA PANG NAKAKAKITA sa DIYOS. Sa Jn5:37 naman ay WALA pang NAKAKARINIG sa TINIG NIYA.

Para po MAKUHA NATIN ang TAMANG KAHULUGAN ng mga TALATANG IYAN ay DAPAT NATING ITANONG:

SINO pong DIYOS ang TINUTUKOY RIYAN?

HINDI po iyan MASASAGOT ng mga MALI ang PAGKAKILALA sa DIYOS o ng mga taong HINDI NAKAKAKILALA sa HOLY TRINITY, ang NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS na MAY TATLONG PERSONA: Ang AMA, Ang ANAK, at Ang ESPIRITU SANTO.

Ang BAWAT ISA po sa MGA PERSONA ng DIYOS ay DIYOS. PANTAY ang KANILANG PAGKADIYOS kahit pa IBA-IBA ang KANILANG mga PAPEL sa PAGKA-DIYOS.

Ngayon, sa Jn1:18 at Jn5:37, ang TINUTUKOY ng PANGINOONG HESUS na DIYOS na HINDI PA NAKIKITA at HINDI PA NARIRINIG NINO MAN ay ang DIYOS AMA.

Bakit po nagkaganoon?

DAHIL ang DIYOS AMA ay ESPIRITU. (Jn4:23-24) At bilang ESPIRITU ay HINDI SIYA NAKIKITA ng TAO (Jn1:18)

Kung ganoon, SINO ang NAKITA ng TAO, tulad ni MOISES na NAKAHARAP pa MISMO ang DIYOS ayon sa Exodus 33:11?

Ang NAKITA at NAKAUSAP MISMO ng TAO ay ang IKALAWANG PERSONA ng DIYOS, ang SALITA (Jn1:1) na SIYANG IMAHEN ng DIYOS AMA na HINDI NAKIKITA.

Sabi nga po sa Colossians 1:15:
"SIYA [HESUS] ang IMAHEN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA."

At SA PAMAMAGITAN ni HESUS ay NAKILALA ng TAO ang DIYOS AMA.

Sabi po sa Jn1:18:
"No one has ever seen God. THE ONLY SON, GOD, who is at the FATHER'S side, HAS REVEALED HIM."

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

NAKITA po NINYO?

MALINAW ang SINASABI ng PANGINOONG HESUS na ang DIYOS AMA ang HINDI KAILANMAN NAKITA ng SINO MANG TAO.

At PARA MAKILALA ng TAO ang DIYOS AMA ay IPINAKILALA SIYA ng NAG-IISANG ANAK NA DIYOS [MONOGENES THEOS sa ORIHINAL na TEKSTO sa GREEK ng Jn1:18].

Katunayan, ang MAKAKILALA kay HESUS ay NAKAKILALA NA RIN sa DIYOS AMA (Jn14:7) at ang MAKAKITA kay HESUS ay NAKITA NA RIN ang AMA (Jn14:9).

Bakit po nagkaganoon?

Dahil AYON MISMO kay HESUS, "AKO at ang AMA ay IISA" (Jn10:30).

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, MULA pa NOONG PASIMULA ay DIYOS ANAK NA ang NAKIKIPAG-USAP at NAKIKIHARAP sa TAO. SIYA ang NAKITA at NAKAUSAP ng mga TUNAY na ALAGAD ng DIYOS at HINDI ang MISMONG AMA.

Of course, NOON ay HINDI PA GANAP ang PAGPAPAKILALA ng DIYOS ANAK sa SARILI NIYA. HINDI SIYA NAKILALA bilang "DIYOS ANAK."

Kapag NAGSALITA ang DIYOS ANAK ay TINANGGAP ng mga TUNAY na PROPETA na ang NAGSASALITA ay ang DIYOS.

NAGING GANAP LANG ang PAGPAPAKILALA ng DIYOS ANAK sa SARILI NIYA noong MAGKATAWANG TAO SIYA sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS.

Kaya nga po NOONG NAGKATAWANG TAO ang DIYOS ANAK ay DOON NIYA IPINAKILALA ang DIYOS AMA (Jn1:18), ang SARILI NIYA bilang DIYOS ANAK (Jn1:14), at ang DIYOS ESPIRITU SANTO (Jn14:16-17, 26; Jn 15:26; Jn16:13-14).

Sa kabuohan ay IPINAKILALA NIYA ang HOLY TRINITY: Ang AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. (Matthew 28:19)

Nakikita po ninyo?

Ang TAMANG KAHULUGAN ng mga SINABI ni HESUS sa Jn1:18 at 5:37 ay MALIWANAG LANG na MAUUNAWAAN kung KILALA ng TAO ang HOLY TRINITY.

Kung HINDI KILALA ang TRINIDAD ay MALI-MALI ang INTERPRETASYON na MAGAGAWA, tulad ng GINAWA nitong BALIK ISLAM na SINIRAAN pa tuloy ang PROPETA at AKLAT NIYA.

Sunday, August 9, 2009

Pag imam ay tao; pag vendor lang ay aso?

TINGNAN po natin itong post ng BALIK ISLAM sa artikulo natin na "Nagsugo at sinugo pantay ba?"

SABI ng BALIK ISLAM:
"Cenon Bibe;Sa KALIKASAN bilang DIYOS ay PANTAY SILA.

Vesus! Versus! Versus!

Cenon BIbe; "Ang NAGSUSUGO ay NAG-UUTOS (na mas mataas ang kalagayan!) at ang SINUSUGO ay SUMUSUNOD. (na nasa mababang kalagayan; malinaw po mga kaibigan! now ngayon magkapantay po ba sila mga kaibigan?)"

CENON BIBE:

DIYAN po ay MALINAW na WALA TALAGANG UNAWA itong BALIK ISLAM.

PAREHO po ba ang KALIKASAN at PAPEL na GINAGAMPANAN?

Hindi po. VERY BASIC po ang PAGKAKAIBA ng mga iyan pero para sa isang BALIK ISLAM ang mga iyan ay PAREHO at IISA.

Marahil sa KANILA ay KUNG MATAAS ang PAPEL MO sa BUHAY ay MAS MATAAS ang PAGKATAO MO. At kung MABABA ang PAPEL MO ay MABABA RIN ang PAGKATAO MO.

Ngayon, SINO PO ang GUSTO ng GANYAN?

Kung IMAM o USTADZ ka ay MATAAS ang KALIKASAN MO. Baka TAO KA.

Pero VENDOR KA LANG ng DVD ay MABABA ang KALIKASAN MO. Baka ASO
KA LANG.

Ganoon ba yon?

Kaya kung MABABA LANG ang PAPEL mo sa BUHAY ay MAGBABALIK ISLAM KA BA?

Sa KRISTIYANISMO po ay HINDI GANYAN.

HINDI MAHALAGA kung ANO ang PAPEL MO sa BUHAY. TAO KA PA RING ITUTURING MATAAS MAN o MABABA ang PAPEL MO sa BUHAY.

Noong MAMATAY po sa KRUS ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY SIYA PARA SA LAHAT: MAHIRAP o MAYAMAN, MAY PINAG-ARALAN o MANGMANG, BABAE o LALAKE.

HINDI po TAYO TITINGNAN ng DIYOS sa ating KASARIAN o sa ating PINAG-ARALAN. Ang TITINGNAN po ng DIYOS ay ang URI ng PAGPAPAHALAGA NATIN sa ATING PAGKATAO.

Hindi po tayo TULAD ng IBA na MABABA ang BABAE kaysa LALAKE. Pag NAGDARASAL ay MAS UNA ang LALAKE dahil MAS MABABA ang TINGIN NILA sa BABAE.

Sa KRISTIYANO, kapag TETESTIGO sa HUKUMAN ay PANTAY ang PATOTOO ng LALAKE sa PATOTOO ng BABAE. Sa IBANG RELIHIYON, WALANG KUWENTA ang TESTIMONIA ng BABAE kung ITATAPAT sa TESTIMONIA ng LALAKE.

May mga RELIHIYON na PINAPAYAGAN ang PAGPATAY sa BABAE, lalo na kung HINDI SUSUNOD sa UTOS ng MAGULANG NA LALAKE o KAPATID na LALAKE.

Ang DAHILAN po marahil niyan ay SINUSUKAT ng KANILANG RELIHIYON ang HALAGA ng PAGKATAO o DIGNIDAD sa TAAS o BABA ng PAPEL MO sa BUHAY.

Sa PANANAMPALATAYANG KRISTIYIANO, HIWALAY ang KALIKASAN sa PAPEL sa BUHAY.

KITANG-KITA nga po natin iyan sa HALIMBAWA ng DIYOS AMA, DIYOS ANAK at DIYOS ESPIRITU SANTO.

Ang PAPEL ng DIYOS AMA ay MAGING SOURCE o PINAGMUMULAN ng LAHAT. Ang PAPEL po ng ANAK ay ang IPAKILALA ang AMA sa LAHAT. At ang PAPEL po ng DIYOS ESPIRITU SANTO ay GAWING GANAP ang KALOOBAN ng AMA at ANAK.

MAGKAKAIBA po SILA ng PAPEL sa pagka-DIYOS pero PAREHO at PANTAY ang KANILANG PAGKA-DIYOS.

Sa kaso NATING mga TAO, MAGKAKAIBA ang PAPEL at ANTAS NATIN sa BUHAY o LIPUNAN pero PAREHO at IISA ang ATING PAGKATAO. IISA at PAREHO rin ang ATING DIGNIDAD bilang TAO.

Iyan po ang isang dahilan kung bakit ang mga BANSANG KRISTIYANO ay KAMPEON sa KARAPATANG PANTAO.

Samantala, ang mga bansang HINDI KRISTIYANO ay KINAKIKITAAN ng MALAWAKANG PAGLABAG sa KARAPATANG PANTAO.

Kung SINO KASI ang MATAAS at MALAKAS ay IYON ang NASUSUNOD. Siguro nga dahil ang TINGIN NILA sa SARILI NILA ay MAS MATAAS ang PAGKATAO at DIGNIDAD NILA kaysa IBA.

Kaya po PINAGPALA TAYONG mga PILIPINO dahil NILOOB ng DIYOS na magi tayong isang BANSANG KRISTIYANO. Kung HINDI baka KAHIT PAGPILI ng
MAPAPANGASAWA NATIN ay HINDI TAYO MALAYA.