Showing posts with label Quran 18:86. Show all posts
Showing posts with label Quran 18:86. Show all posts

Tuesday, October 18, 2016

Quran nahaluan ng maling akala ng tao, ayon sa Muslim

AYON sa isang Muslim, ang Quran ay nahaluan ng maling pananaw ng tao. Makikita raw iyan sa isang maling nakasulat sa Surah (chapter) 18:86 ng Quran.

Sa isang post dito ay inungkat ng Muslim ang Surah 18:86, na isa raw sa mga 'miracles' o himala ng Quran.

Sa talatang yan ay sinasabi ng Quran na ang araw ay lumulubog sa isang maputik na bukal.

Sabi sa Surah 18:86:
"Until, when he reached the setting place of the sun, he found it setting in a spring of black muddy (or hot) water."

["Hanggang, nang marating niya ang nilulubugan ng araw, nakita niya ito na lumulubog sa isang bukal ng maitim at maputik na tubig."]

Sangayon po ba kayo sa sinasabi ng Quran? Agree ba kayo na ang araw ay "
lumulubog sa isang bukal ng maitim at maputik na tubig."

Malamang po hindi. Alam kasi ng marami na mali yan.

+++

Alam din ng Muslim na mali ang sinasabi ng Quran sa Surah 18:86 kaya sinubukan niyang gawan ng palusot, este, paliwanag ang pagkakamali na iyan.

Ganito po ang sabi ng Muslim sa kanyang post dito:

"Although it is a common knowledge na ang araw dito sa Manila ay lumulubog sa DAGAT or sa MANILA BAY but then we know for facts na hindi talaga ito ang totoong nangyayari. yoon ay sa tingin lamang natin na ang ARAW dito sa MANILA ay lumulubog sa DAGAT or sa MANILA BAY. how much more if a Man living in that time or year 578 relate this incident of a sun set?"

+++


Ayun, pinalalabas po ng Muslim na ang pagkakamali ng Surah 18:86 ay bunga ng pagkakamali ng tao na nabuhay noong unang panahon, o sa taong 578.


Nagkamali lang daw ang tao sa pagtingin kung saan lumulubog ang araw. Inakala daw ng tao noon na sa maputik na bukal lumulubog ang araw pero hindi talaga yon totoo.


Teka po. Ang sabi ng mga Muslim ay salita ng Diyos ang Quran. Ngayon ay sinasabi ba nitong Muslim na salita at akala lang ng tao ang nakasulat sa Quran?

Ang mas masakit ay sinasabi ng Muslim na ang pagkakamali ng tao sa pagtingin kung saan lumulubog ang araw ay kasama na rin sa Quran.


Ibig sabihin, ayon dito sa Muslim, hindi talaga salita ng Diyos ang Quran kundi salita lang ng tao na mali-mali pa ang unawa sa mga nangyayari noong unang panahon.


+++


Masama yan. Tatanggapin ba ng ibang Muslim ang palusot, este, paliwanag nitong Muslim na nag-post dito?


Inaamin kasi nitong Muslim -- na sa pagkakaalam natin ay isang Ustadz o mangangaral ng Islam -- na may mali nga sa Quran.


Pero kung Muslim na ang nagsasabi niyan ay wala tayo sa lugar na kontrahin siya. Maniwala na lang tayo sa Ustadz na Muslim dahil aklat nila ang Quran.