Ngayon ay tingnan naman po natin ang mga ibinigay na QUOTE ng BALIK ISLAM na KUMUKUWESTIYON sa pagka-DIYOS ng PANGINOON.
Nag-QUOTE po ang BALIK ISLAM sa isa sa mga INTERPRETASYON ng SKOLAR NILA at eto po ang sabi niya:
"As Qur’aan states;“and behold! Allah will say; O jesus the son of Mary! Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"
"He will say: Glory to you I could never say what I had no right (to say) [Surah
Al-Maidah-5:116]"
Paki pansin po ninyo na GINAMIT pa nitong BALIK ISLAM ang DIYOS NILA at ang QUR'AN para SIRAAN si HESUS, ang DIYOS ANAK.
Ang QUR'AN po ay SA ARABIC LANG NASUSULAT at SA ARABIC LANG MABABASA.
E INGLES po IYANG QUOTE NIYA, hindi po ba? So, MALINAW na HINDI QUR'AN ang GAMIT diyan ng BALIK ISLAM na nag-post dito sa atin.
Ang ginamit ng BALIK ISLAM na sumusubok mangaral sa atin ay isang INTERPRETASYON na GAWA-GAWA LANG ng SKOLAR NILA. Ang mga PANANALITANG IYAN ay DOON LANG sa SKOLAR pero IKINAKAPIT DIYOS at AKLAT NILA.
Hindi po ba PAGLAPASTANGAN IYAN sa DIYOS nila at sa QUR'AN?
Diyan po sa INTERPRETASYON na GAWA ng SKOLAR NILA ay nagsalita raw ang kanilang Diyos kaugnay sa Panginoong Hesus.
Ayon sa MEANING o INTERPRETASYON ng SKOLAR nila ay SASABIHIN daw ng DIYOS nila: "O jesus the son of Mary! Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"
Ang isasagot naman daw nitong "HESUS" na sinasabi ng SKOLAR NILA: "Glory to you I could never say what I had no right (to say)"
Diyan po ay SINISIRAAN ng GUMAWA ng INTERPRETASYON ang DIYOS ng ISLAM.
PANSININ po natin ang ITATANONG daw ng DIYOS nila kay "HESUS." Heto po iyon:
"Did you say to men, worship me and my mother as God besides Allah?"
KANINO kaya NAKUHA ng SKOLAR na GUMAWA NIYAN ang impormasyon na SINABI raw ni Hesus na SAMBAHIN PATI ang NANAY NIYA?
Ang TUNAY na HESUS ay NAGPAKILALANG DIYOS (John 8:58) at NAGPASAMBA bilang DIYOS (Jn 20:28), pero WALA SIYANG SINABI KAILANMAN na PATI ang BIRHENG MARIA ay GAWING DIYOS ng mga TAO.
WALA pong GANYAN. WALA pong MAIPAKIKITANG KASULATANG KRISTIYANO na NAGSABI ang TUNAY na HESUS na "DAPAT SAMBAHIN ANG INA NIYA."
GUNI-GUNI at IMBENTO lang IYAN ng SKOLAR na KUMATHA ng INTERPRETASYON na GAMIT ng BALIK ISLAM na nag-post dito.
Ang masakit ay matapos MAG-IMBENTO ng SKOLAR na iyan ay IPINASA NIYA ang KANYANG GUNI-GUNI sa kanilang DIYOS at sa kanilang AKLAT.
HINDI po kasi KAPANI-PANIWALA na SASABIHIN IYAN ng KANILANG DIYOS o ng KANILANG AKLAT.
Ang paniniwala po kasi ng mga MUSLIM ay "PERFECT" ang kanilang QUR'AN.
IGINAGALANG po NATIN ang PANINIWALA na iyan ng mga MUSLIM, kahit pa HINDI TAYO NANINIWALA sa kanilang AKLAT.
Kung IPIPILIT ng BALIK ISLAM na NASA QUR'AN ang MALING IMPORMASYON na iyan ay palalabasin niya na "MAY MALI" sa kanilang AKLAT.
Ngayon, SINO po ang TAMA? Ang SKOLAR nila na GUMAWA ng MALING INTERPRETASYON o ang QUR'AN nila?
Heto pa po ang sabi ng BALIK ISLAM na sumusubok mangaral sa atin:
"Jesus did not tell his followers to worship him but to worship Allah."
SINONG HESUS iyan na NAGBANGGIT ng "ALLAH"?
HINDI po iyan ang HESUS ng BIBLIYA.
Unang-una po ay WALANG BINANGGIT na "ALLAH" sa BIBLIYA o sa KAHIT na ANONG KASULATANG NAGMULA sa UNANG SIGLO.
SINO pong SAKSI sa PAGKAKATAWANG TAO ng PANGINOONG HESUS ang NAGSABI ng SINABI ng BALIK ISLAM na nag-post dito?
WALA pong SAKSI na MAGPAPATOTOO sa ganyan.
Sa punto pong iyan ay ang BALIK ISLAM na nag-post dito ang KUMATHA ng GANYANG PANINIWALA.