Showing posts with label Hesus: Sinugo lang sa Israel. Show all posts
Showing posts with label Hesus: Sinugo lang sa Israel. Show all posts

Wednesday, July 30, 2014

Hesus Sinugo lang sa Israel (Matthew 15:24)



MADALAS gamitin ng mga Muslim ang Matthew 15:24 para palabasin na wala sa misyon ng Panginoong Hesus ang itayo ang relihiyong Kristiyano.

Sinasabi sa talata:
Matthew 15:24
But He answered and said, "I was sent only to the lost sheep of the house of Israel."

[Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi, Hindi ako sinugo kundi sa mga tupang nangaligaw sa bahay ni Israel.]

+++

A. WALANG KAUGNAYAN
Walang kinalaman ang Matthew 15:24 sa pagtatayo ni Hesus ng Kristiyanismo.

Sa talata ay ipinakikita lang ng Panginoon ang PAGTUPAD sa pangako ng Diyos na susuguin Niya sa mga Israelita ang PROPETANG KATULAD ni MOSES.

Deuteronomy 18:18
`I will raise up a prophet from among their countrymen like you, and I will put My words in his mouth, and he shall speak to them all that I command him.'

[Aking palilitawin sa kanila ang isang propeta sa gitna ng kanilang mga kapatid, na gaya mo; at aking ilalagay ang aking mga salita sa bibig niya, at kaniyang sasalitain sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kaniya.]

Si Hesus ang PROPETANG KATULAD ni MOSES na sinabing ibabangon ng Diyos para sa mga Israelita.

Iyan ang dahilan kung bakit sinabi ni Hesus sa Mateo 15:24 na sinugo Siya sa mga naliligaw na tupa ng Israel.

Hiwalay iyan sa pagtatayo Niya sa relihiyong Kristiyano.

+++

B. ALAGAD ANG SINUGO
Ang pagiging Kristiyano ay bunga naman ng PAGSUGO ni HESUS sa mga TAGASUNOD Niya para gawing alagad ang LAHAT ng BANSA.

Matthew 28:19-20
"Go therefore and make disciples of all the nations, baptizing them in the name of the Father and the Son and the Holy Spirit, teaching them to observe all that I commanded you; and lo, I am with you always, even to the end of the age."

[Kaya magsiyaon kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo: Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.]


Diyan ay HINDI na si HESUS ang SINUGO kundi ang Kanyang mga ALAGAD. Kaya HINDI yan LIHIS o KONTRA sa Mateo 15:24.

Ang SINUGO na riyan ay ang mga TAGASUNOD ni Hesus.

Pero ang pagsugo sa mga TAGASUNOD ni Hesus ay TULAD ng PAGSUGO ng Diyos Ama kay Hesus, ang Diyos Anak.

John 20:21
So Jesus said to them again, "Peace be with you; as the Father has sent Me, I ALSO SEND YOU."

[Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman SINUSUGO KO KAYO.]

At dahil nga sa PAGSUGO sa mga TAGASUNOD ni Hesus ay natayo at lumaganap na ang Kristiyanismo.

+++

C. PATUNAY NA DIYOS
Ang PAGSUGO ni Hesus sa Kanyang mga alagad upang IPANGARAL ang KANYANG nga ARAL at UTOS ay isang patunay na Siya ay DIYOS.

Una, hindi puwedeng TAO LANG ang MAGSUGO sa mga alagad. Walang silbi at walang saysay ang pagsusugo lang ng tao.

Pangalawa, hindi iuutos ni Hesus na ipangaral ang ARAL at UTOS ng TAO.

Ang tanging iuutos ni Hesus para IPANGARAL ay ang ARAL at UTOS ng DIYOS.

Kaya sa PAGSUSUGO ni Hesus sa Kanyang mga alagad at ang UTOS Niya na IPANGALAN ang Kanyang mga UTOS at ARAL ay dagdag na PATUNAY na Siya ay DIYOS.

Purihin si Kristo! Purihin ang Diyos!