Showing posts with label Quran: Hindi Diyos ang Nagsabi. Show all posts
Showing posts with label Quran: Hindi Diyos ang Nagsabi. Show all posts

Tuesday, October 18, 2016

Quran nahaluan ng maling akala ng tao, ayon sa Muslim

AYON sa isang Muslim, ang Quran ay nahaluan ng maling pananaw ng tao. Makikita raw iyan sa isang maling nakasulat sa Surah (chapter) 18:86 ng Quran.

Sa isang post dito ay inungkat ng Muslim ang Surah 18:86, na isa raw sa mga 'miracles' o himala ng Quran.

Sa talatang yan ay sinasabi ng Quran na ang araw ay lumulubog sa isang maputik na bukal.

Sabi sa Surah 18:86:
"Until, when he reached the setting place of the sun, he found it setting in a spring of black muddy (or hot) water."

["Hanggang, nang marating niya ang nilulubugan ng araw, nakita niya ito na lumulubog sa isang bukal ng maitim at maputik na tubig."]

Sangayon po ba kayo sa sinasabi ng Quran? Agree ba kayo na ang araw ay "
lumulubog sa isang bukal ng maitim at maputik na tubig."

Malamang po hindi. Alam kasi ng marami na mali yan.

+++

Alam din ng Muslim na mali ang sinasabi ng Quran sa Surah 18:86 kaya sinubukan niyang gawan ng palusot, este, paliwanag ang pagkakamali na iyan.

Ganito po ang sabi ng Muslim sa kanyang post dito:

"Although it is a common knowledge na ang araw dito sa Manila ay lumulubog sa DAGAT or sa MANILA BAY but then we know for facts na hindi talaga ito ang totoong nangyayari. yoon ay sa tingin lamang natin na ang ARAW dito sa MANILA ay lumulubog sa DAGAT or sa MANILA BAY. how much more if a Man living in that time or year 578 relate this incident of a sun set?"

+++


Ayun, pinalalabas po ng Muslim na ang pagkakamali ng Surah 18:86 ay bunga ng pagkakamali ng tao na nabuhay noong unang panahon, o sa taong 578.


Nagkamali lang daw ang tao sa pagtingin kung saan lumulubog ang araw. Inakala daw ng tao noon na sa maputik na bukal lumulubog ang araw pero hindi talaga yon totoo.


Teka po. Ang sabi ng mga Muslim ay salita ng Diyos ang Quran. Ngayon ay sinasabi ba nitong Muslim na salita at akala lang ng tao ang nakasulat sa Quran?

Ang mas masakit ay sinasabi ng Muslim na ang pagkakamali ng tao sa pagtingin kung saan lumulubog ang araw ay kasama na rin sa Quran.


Ibig sabihin, ayon dito sa Muslim, hindi talaga salita ng Diyos ang Quran kundi salita lang ng tao na mali-mali pa ang unawa sa mga nangyayari noong unang panahon.


+++


Masama yan. Tatanggapin ba ng ibang Muslim ang palusot, este, paliwanag nitong Muslim na nag-post dito?


Inaamin kasi nitong Muslim -- na sa pagkakaalam natin ay isang Ustadz o mangangaral ng Islam -- na may mali nga sa Quran.


Pero kung Muslim na ang nagsasabi niyan ay wala tayo sa lugar na kontrahin siya. Maniwala na lang tayo sa Ustadz na Muslim dahil aklat nila ang Quran.

Wednesday, July 30, 2014

Patunay na Hindi Salita ng Allah ang Quran

HINAMON tayo ng mga Muslim na PATUNAYAN na ang Quran ay HINDI SALITA ng ALLAH.

HINDI kasi mapatunayan ng mga Muslim na ang Quran ay salita ng Allah kaya ibinalik nila sa atin ang hamon.

+++

A. HINDI ALLAH ANG NAGSABI
Maraming patunay na ang Quran ay HINDI SALITA ng ALLAH. Isa na riyan ang katunayan na HINDI ang ALLAH ang NAGSABI ng QURAN sa mga Muslim.

Batay sa mismong aral ng mga Muslim, hindi ang Allah ang nagsabi sa kanila ng Quran. Ang sabi nila, hindi puwedeng makita o marinig ng tao ang Allah kaya hindi Siya puwedeng makita o marinig ninomang tao.

So, maliwanag na HINDI ALLAH ang NAGSABI ng QURAN sa kahit na sinong Muslim—kasama na ang kanilang propeta.

Kung hindi Allah ang narinig na nagsabi ng Quran ay masasabi bang ang Quran ay salita ng Allah?

Hindi.

Paano magiging salita ng Allah ang isang bagay na hindi naman Niya sinabi? Paano masasabing salita ng Allah ang walang nakarinig na Siya ang nagsabi?

Lalabas na tsismis o sabi-sabi lang yan.

+++

B. ANGHEL?
Para mapalabas na "galing" sa Allah ang Quran ay itinuturo ng mga Muslim na ang kanilang aklat ay "ibinigay ng Allah sa pamamagitan ni Anghel Gabriel."

Sa madaling salita ay HINDI MISMO ang ALLAH ang NAGSABI at HINDI MISMO ang ALLAH ang NAGBIGAY.

Ang malinaw na nagbigay—ayon sa mga Muslim—ay itong "Anghel Gabriel."

Ang tanong: Mayroon bang patunay o saksi na ibinigay ni Anghel Gabriel ang Quran sa propeta ng Islam?

Sinasabi sa Quran 2: 23, “… CALL YOUR WITNESSES (supporters and helpers) besides Allah, if you are truthful.” [… TAWAGIN NINYO ang INYONG MGA SAKSI, kung kayo ay tapat.]

Pero ayon sa mga Muslim, WALANG SAKSI kaya WALANG MAGPAPATUNAY kung mayroong “anghel” na nagbigay ng Quran sa kanilang propeta.

Naniniwala at nagtitiwala lang ang mga Muslim sa SINABI ng KANILANG PROPETA.

Ang idinadahilan uli nila ay hindi raw puwedeng makita ng "ordinaryong tao" ang isang anghel.

So, WALANG PATUNAY at WALANG SAKSI na Allah ang nagsabi ng Quran. At WALA RING PATUNAY at WALA RING SAKSI na si Anghel Gabriel ang nagbigay ng Quran.

Kinontra nila ang mismong sabi ng kanilang Quran sa 2:23: “… TAWAGIN NINYO ang INYONG MGA SAKSI, kung kayo ay tapat.”

Lumalabas na HINDI SILA TAPAT.

At nakakatakot yan.

Itinataya nila ang kanilang mga kaluluwa sa isang paniniwala na WALANG PATUNAY at WALANG SAKSI.

Itinataya nila ang kanilang kaligtasan sa SALITA LANG ng kanilang propeta.

Lumalapat diyan ang sinabi ni Hesus sa Matthew 15:9: “in vain do they worship me, teaching human precepts as doctrines.'” [walang saysay ang pagsamba nila sa akin, NAGTUTURO SILA ng mga ARAL at DOKTRINA ng TAO.]

+++

C. HINDI MAKIKITA?
Sinasabi ng mga Muslim, tanging propeta lang ang puwedeng makakita sa “anghel.” Anila, si Gabriel ay HINDI PUWEDENG MAKITA ng ORDINARYONG TAO.

Pero kinontra yan ng mismong tradisyon ng kanilang propeta, ang Hadith.

Sa isang hadith—ang Hadith Jibril—ay sinasabi na NAKITA ng mga ORDINARYONG TAO itong "Anghel Gabriel."

At salungat sa sinasabi ng mga Muslim ay sinabi mismo ng propeta nila ang dahilan kung bakit NAGPAKITA si "Gabriel."

Sinabi ng propeta nila na "That was GABRIEL who CAME TO TEACH THE PEOPLE their religion." [Iyon si GABRIEL na DUMATING PARA ITURO SA MGA TAO ang kanilang relihiyon.] Sahih Hadith Bukhari Book 2, Hadith 47

Ayun, ang layunin daw nitong "Anghel Gabriel" ay magturo sa MGA TAO.

Paano magtuturo itong “anghel” na ito sa mga tao kung hindi siya puwedeng makita at hindi puwedeng marinig ng mga tao?

Malinaw na kontrahan ang sinabi ng propeta ng Islam at ang sinasabi ng mga Muslim.

Mayroong ITINATAGO ang mga Muslim.

At ang mas kapuna-puna ay ipinakikita ng kanilang hadith na PUWEDENG MAKITA ng mga ORDINARYONG TAO itong “anghel” na sinasabi ng kanilang propeta.

PUWEDENG MAKITA. Salungat sa sinabi ng mga Muslim na “HINDI PUWEDENG MAKITA.”

Kaya kataka-taka na sa mahabang panahon—mahigit 20 taon—na nagbibigay daw ng Quran ang “anghel” na ito ay WALA KAHIT ISANG SAKSI na nakakita o nakarinig na nagbigay si Gabriel ng Quran sa propeta ng Islam.

+++

Ang malinaw na lumalabas ay WALANG PATUNAY na ang Quran ay salita ng Allah.

Nagdadahilan na lang ang mga Muslim sa sinasabi nilang hindi puwede makita and hindi puwede marinig ng tao ang Allah at itong “anghel.”

Gusto na lang nilang PAGTAKPAN ang katotohanan na ang QURAN AY HINDI SALITA NG ALLAH.