Showing posts with label 3 days and 3 nights: Ayon kay Hesus. Show all posts
Showing posts with label 3 days and 3 nights: Ayon kay Hesus. Show all posts

Monday, June 29, 2009

Hudyo alam na hindi literal ang 3 days and 3 nights

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa kahulugan ng mga salitang "3 days and 3 nights" na sinabi ng Panginoong Hesus sa Matthew 12:40.

Ayon po kasi sa MUSLIM DEBATER na si SHEIKH AHMED DEEDAT at sa mga BALIK ISLAM na nagti-text sa atin ay LITERAL daw po iyan.

Ang katumbas daw po niyan ay TATLONG 24 ORAS o 72 ORAS (3 x 24).

Tama po ba sila?

Sorry pero MALI PO.

WALA po SILANG MAIPAKIKITA MULA sa BIBLIYA na ang "3 days and 3 nights" ay LITERAL.

Katunayan, nakita na nga po natin sa sinusundan nitong POST na ang PAKAHULUGAN ng mismong PANGINOONG HESUS sa mga salitang iyan ay "SA IKATLONG ARAW" o "ON THE THIRD DAY."

Bakit po kaya "SA IKATLONG ARAW" ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Iyan po ay dahil ang "3 DAYS and 3 NIGHTS" ay HINDI LITERAL at isa ngang IDIOMATIC EXPRESSION o SAWIKAIN.

Ang pinakakahulugan ng SAWIKAIN na iyan ay SUMASAKOP o SUMASAKLAW sa TATLONG ARAW. HINDI KAILANGANG EKSAKTONG 72 ORAS at HINDI KAILANGANG BUONG 24 ORAS ang ISANG ARAW at ISANG GABI.

IPINAKITA na nga po ang PANGINOONG HESUS ang ISA sa mga KAHULUGAN niyan. Ngayon ay tingnan natin ang IBA PANG KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS" AYON sa GAMIT ng MISMONG mga HUDYO sa loob at labas ng BIBLIYA.

Heto naman po ang mga iyan.

Una, tingnan po natin ang KAHULUGAN ng "ISANG ARAW" ayon sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO.

Ayon po sa JEWISH ENCYCLOPEDIA (http://www.jewishencyclopedia.com/view.jsp?letter=D&artid=167), ang ARAW daw ay may ILANG KAHULUGAN.

1. Ang ISANG ARAW daw po ay "lasting 'from dawn [lit. "the rising of the morning"] to the coming forth of the stars" (Neh. iv. 15, 17)'" o TUMATAGAL ng "MULA sa BUKANG LIWAYWAY HANGGANG sa PAGDATING ng mga BITUIN."

Sa pagkaunawa natin sa ngayon ay 12 ORAS lang halos iyan. Mula kasi PAGSIKAT lang ng ARAW hanggang sa PAGLUBOG nito o PAGLABAS ng mga BITUIN.

Sa madaling salita, AYON sa PAGKAUNAWA ng mga HUDYO, ang 12 ORAS o BAHAGI LANG ng ISANG ARAW ay PUWEDE NANG BILANGIN na ISANG BUONG ARAW.

2. The term "day" is used also to denote a period of twenty-four hours (Ex. xxi. 21).

PUWEDE rin naman daw po iyan sa 24 ORAS pero nakikita natin na HINDI LANG para sa 24 ORAS.

3. In Jewish communal life PART OF A DAY is at times RECKONED AS ONE DAY.

Ayan po, ang BAHAGI raw po ng ISANG ARAW ay BINIBILANG DIN na ISANG ARAW.

Ibinigay pong halimbawa sa JEWISH ENCYCLOPEDIA ang ARAW ng PAGLILIBING sa isang NAMATAY.

Ayon diyan, "the day of the funeral, even when the latter takes place late in the afternoon, is counted as the first of the seven days of mourning; a short time in the morning of the seventh day is counted as the seventh day."

Sa Pilipino, "ang araw ng paglilibing, KAHIT pa iyon ay NAGANAP sa HAPON, ay BINIBILANG na UNANG ARAW ng pitong araw na pagluluksa; ang KONTING PANAHON sa UMAGA ng IKAPITONG ARAW ay BINIBILANG nang IKAPITONG ARAW."

MALINAW po sa HALIMBAWA na IBINIGAY ng JEWISH ENCYCLOPEDIA na ang KOKONTING ORAS sa ARAW ng PAGLILIBING ay BINIBILANG NANG ISANG BUONG ARAW. Katulad din niyan ay ang KOKONTING PANAHON sa UMAGA ng ARAW ay BINIBILANG na rin na BUONG ARAW.

Diyan po ay MALINAW na nating MAUUNAWAAN ang SINABI ng PANGINOON na "3 DAYS and 3 NIGHTS."

Sa PAGKAUNAWA pala ng mga HUDYO, nung ILIBING si HESUS sa HAPON ng BIYERNES ay BINIBILANG na iyon na ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

Ang pananatili Niya sa libingan ng BUONG ARAW ng SABADO ay ISANG BUONG ARAW na rin o ISANG ARAW at ISANG GABI.

At ang IILANG ORAS sa ARAW ng LINGGO BAGO SIYA BUMANGON MULI ay BINIBILANG na rin ng mga HUDYO bilang ISANG BUONG ARAW o ISANG ARAW at ISANG GABI.

So, BATAY po sa PANG-UNAWA ng mga HUDYO, si KRISTO NGA ay NANATILI sa PUSOD ng LUPA nang "3 ARAW at 3 GABI."

TUPAD na TUPAD ang TANDA na IBINIGAY NIYA sa Mt12:40.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, ALAM ng mga SUMULAT ng mga GOSPEL na MADALING MAUUNAWAAN ng mga HUDYO ang KAHULUGAN ng "3 DAYS and 3 NIGHTS." Kaya nga po sa APAT na EBANGHELISTA ay TANGING si MATTHEW ang NAGBANGGIT niyan eh.

Bakit po TANGING si MATTHEW LANG ang NAGBANGGIT ng "3 DAYS and 3 NIGHTS"?

Dahil po ang EBANGHELYO na ISINULAT NIYA ay GINAWA NIYA PARA SA MGA HUDYO.

O, di ba? NAPAKAGALING ng mga SUMULAT ng GOSPELS.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Itutuloy po natin ito sa mga susunod pang POST.

SALAMAT po.