Showing posts with label Deut 18:18. Show all posts
Showing posts with label Deut 18:18. Show all posts

Monday, January 21, 2013

DEUT 18:18, SINO ANG KATUPARAN? (PROPETA ng ISLAM HINDI PROPETANG TULAD NI MOISES)


.
.

ITINATANONG ng MUSLIM na si Alberto Matanglawin Catindig kung SINO ang KATUPARAN ng DEUT 18:18.

ETO ang SAGOT NATIN, ang PANGINOONG HESUS ang PROPETANG IPINANGAKO ng DIYOS sa DEUT 18:18.

ISA-ISAHIN NATIN para MAKITA MO nang MALINAW:

DEUTERONOMY 18:18
I will raise up for them a prophet like you from among their own people; I will put my words in the mouth of the prophet, who shall speak to them everything that I command.

1. "I WILL RAISE UP FOR THEM A PROPHET LIKE YOU."

Ang PANGINOONG HESUS ay DIYOS ANAK na DIYOS AMA MISMO ang NAGBANGON at NAGSUGO bilang KANYANG PROPETA.

Katunayan, GALING MISMO sa DIYOS AMA ang PANGINOONG HESUS.

JOHN 8:42
Jesus said to them, "If God were your Father, you would love me, for I CAME FROM GOD and now I am here. I did not come on my own, but HE SENT ME.

DIYOS AMA MISMO ang NAGPAKILALA sa PANGINOONG HESUS bilang SUGO NIYA.

MATTHEW 3:17, 17:5
And a voice from heaven said, "This is my Son, the Beloved, with whom I am well pleased."

While he was still speaking, suddenly a bright cloud overshadowed them, and from the cloud a voice said, "This is my Son, the Beloved; with him I am well pleased; listen to him!"

So, TULAD ni MOISES na SINUGO MISMO ng DIYOS (EXODUS 3:13-14) ay SINUGO rin MISMO ng DIYOS AMA ang DIYOS ANAK na si HESUS para MANGARAL.

2. " from among their own people."

GALING MISMO sa BAYAN ng ISRAEL ang PROPETANG SUSUGUIN ng DIYOS.

Ang PANGINOONG HESUS ay TUNAY na ISRAELITA na MULA PA sa LAHI ni ABRAHAM, ISAAC, JACOB (ISRAEL), at DAVID.

MATTHEW 1:1-2
An account of the genealogy of Jesus the Messiah, the son of David, the son of Abraham.

Abraham was the father of Isaac, and Isaac the father of Jacob, and Jacob the father of Judah and his brothers

3. "I will put my words in the mouth of the prophet"

MISMONG SALITA ng DIYOS AMA ang SINABI ng PANGINOONG HESUS.

JOHN 14:24
Whoever does not love me does not keep my words; and the WORD that you hear is NOT MINE, but is FROM THE FATHER who sent me.

4. "who shall speak to them everything that I command."

JOHN 6:38
for I have come down from heaven, not to do my own will, but the will of him who sent me.

NAPAKALINAW. LAHAT ng TANDA na IBINIGAY ng DIYOS sa DEUT 18:18 ay NATUPAD sa PANGINOONG HESUS.

WALA sa mga TANDA riyan ang NATUPAD sa PROPETA ng ISLAM. Kaya HINDI PROPETA ng ISLAM ang PROPETANG IPINANGAKO.

PANGINOONG HESUS ang KATUPARAN NIYAN.

Sunday, May 30, 2010

Balik Islam: Bibliya nagpatotoo sa propeta

PAG-ARALAN po NATIN ang ILAN sa mga INAANGKIN ng mga BALIK ISLAM na PAGTUKOY RAW ng BIBLIYA sa KANILANG PROPETA.

Sabi po ng BALIK ISLAM sa COMMENTS SECTION ng ating ARTIKULO na "Ang Ilusyon ni Slum Boy Palaboy."

Ganito po ang mababasa sa ARAW at ORAS na "May 29, 2010 9:35 AM."
For western readers who are not convinced that Muhammad is a prophet of Allah, proof of this claim can be found in the Bible (Deut. 18:15-18, 33:2-3; Isaiah 29:12; Songs of Solomon 5:16;John 14:1516, 16:12-14)


Ang PROPETA po ba ng BALIK ISLAM ang TINUTUKOY sa mga IYAN?

HINDI po. UMAANGKIN LANG po ng TALATA itong BALIK ISLAM kahit HINDI IYON LAPAT sa KANILANG PROPETA.

GUSTO LANG NILANG PAPANIWALAIN ang SARILI NILA sa HINDI TOTOO.

Heto po ang PATUNAY. ISA-ISAHIN NATIN ang mga TALATANG IBINIGAY ng BALIK ISLAM.

A. Deut 18:15-18
"A prophet like me will the LORD, your God, raise up for you from among your own kinsmen; to him you shall listen.

This is exactly what you requested of the LORD, your God, at Horeb on the day of the assembly, when you said, 'Let us not again hear the voice of the LORD, our God, nor see this great fire any more, lest we die.'

And the LORD said to me, 'This was well said.

I will raise up for them a prophet like you from among their kinsmen, and will put my words into his mouth; he shall tell them all that I command him.


PROPETA po ba ng BALIK ISLAM ang TINUTUKOY RIYAN?

HINDI po.

MAY APAT pong PALATANDAAN ang PROPETANG BINABANGGIT DIYAN:

1. Ang IBABANGON ay PROPETA.

2. MANGGAGALING ang PROPETA sa ANGKAN ni ISRAEL.

3. DIYOS ang MAGLALAGAY ng SALITA sa KANYANG BIBIG.

4. SASABIHIN ng PROPETANG ITO sa TAO ang LAHAT ng IUUTOS ng DIYOS.


Sa APAT pong IYAN ay IISA LANG ang MAAARING ILAPAT sa PROPETA ng ISLAM, ang NUMERO 1.

Ang TATLO pong sumunod ay HINDI LAPAT sa PROPETA ng ISLAM.

1. Ang PROPETA ng ISLAM ay HINDI GALING sa ANGKAN ni ISRAEL. Siya ay isang ARABO. MALINAW na HINDI SIYA ang TINUTUKOY na MANGGAGALING sa LAHI ni ISRAEL.

2. Ayon mismo sa mga BALIK ISLAM ay NEVER KINAUSAP ng DIYOS ang KANILANG PROPETA.

Sa madaling salita ay NEVER INILAGAY ng DIYOS ang KANYANG MGA SALITA sa BIBIG ng PROPETA ng BALIK ISLAM.

MAYROONG IBANG NAGLAGAY ng SALITA sa BIBIG ng PROPETA ng BALIK ISLAM. HINDI ang DIYOS ang NAGLAGAY ng SALITA sa KANYANG BIBIG.

3. Ang SASABIHIN ng PROPETA sa Deut 18:15-18 ay ang INIUTOS ng DIYOS.

Dahil NEVER NAKAUSAP ng DIYOS ang PROPETA ng ISLAM ay NEVER DIN SIYA NAGSALITA ng INIUTOS MISMO ng DIYOS.

Ang SINABI ng PROPETA ng ISLAM, ayon mismo sa mga BALIK ISLAM, ay ang SALITA ng "ANGHEL" na si "JIBRIL."

So, BATAY po sa MISMONG SINASABI ng Deut 18:15-18 ay HINDI ang PROPETA ng ISLAM ang PROPETANG TINUTUKOY RIYAN.


B. Deut 33:2-3
"He said: "The LORD came from Sinai and dawned on his people from Seir; He shone forth from Mount Paran and advanced from Meribath-kadesh, While at his right hand a fire blazed forth and his wrath devastated the nations.

"But all his holy ones were in his hand; they followed at his feet and he bore them up on his pinions."


NASAAN po ang PROPETA ng BALIK ISLAM sa MGA TALATANG IYAN?

WALA. NANANAGINIP LANG po ang BALIK ISLAM sa PAG-ANGKIN NIYA sa TALATA.


C. Isaiah 29:12
"When it is handed to one who cannot read, with the request, "Read this," he replies, "I cannot read."


INAAKALA po ng BALIK ISLAM na PROPETA NILA ang TINUTUKOY RIYAN na HINDI MARUNONG MAGBASA.

Ang ARAL kasi ng mga BALIK ISLAM ay HINDI RAW NAKAPAG-ARAL ang PROPETA NILA kaya HINDI NAKAKABASA. At dahil HINDI NAKAKABASA ay SIYA NA raw ang TINUTUKOY sa Is29:12.

Heto po ang NAKAKATAWA: GINAWA NILANG TAO NA MALAYO sa DIYOS ang KANILANG PROPETA.

Bakit po?

Dahil ang TINUTUKOY PO sa Is 29:12 ay isang TAONG BULAG, PINAGTAGUAN at PINAGKAITAN ng DIYOS ng KAALAMAN at KARUNUNGAN KAUGNAY SA MGA BAGAY na UKOL sa DIYOS.

Para po MAKITA NATIN IYAN ay BASAHIN NATIN ang Is 29:12 at ILAGAY NATIN sa BUONG KONTEKSTO NITO.

Sabi po sa Is 29:9-13:
"Be irresolute, stupefied; BLIND YOURSELVES and STAY BLIND! Be drunk, but not from wine, stagger, but not from strong drink!

"For the LORD has poured out on you a spirit of deep sleep. HE HAS SHUT YOUR EYES (the prophets) and covered your heads (the seers).

"For you the revelation of all this has become like the words of a sealed scroll. When it is handed to one who can read, with the request, "Read this," he replies, "I cannot; it is sealed."

"When it is handed to one who cannot read, with the request, "Read this," he replies, "I cannot read."

"The Lord said: Since this people draws near with words only and honors me with their lips alone, though their hearts are far from me, And their reverence for me has become routine observance of the precepts of men,"



NAKITA po NINYO?

Kaya pala HINDI MAKABASA ang "PROPETA" sa Is 29:12 ay dahil HINAYAAN ng DIYOS na MABULAG ITO at HINDI MAKAKITA.

At BAKITA naman HINAYAAN ng DIYOS na MABULAG ang "PROPETA" sa Is 29:12?

Dahil ang URI ng TAONG ITO ay LUMALAPIT sa DIYOS na TANGING SALITA ang DALA at NAGPUPURI sa DIYOS na GAMIT LANG ang BIBIG.

Sabi ng DIYOS, ang TAO sa Is 29:12 ay "MALAYO ang PUSO" sa DIYOS at ang "PAGSAMBA" nito sa DIYOS ay PAULIT-ULIT LANG na PAGSUNOD sa INIUTOS LANG ng TAO.

NAKIKITA po ba NINYO ang PROPETA ng ISLAM sa mga INILALARAWAN ng BIBLIYA?

SIGURO NAKITA ng mga BALIK ISLAM na SIYA ang TINUTUKOY sa Is29:13 na "MALAYO ang PUSO" sa DIYOS kaya SIYA raw ang NASA Is 29:12. O, di po ba?


D. Songs of Solomon 5:16
"His mouth is sweetness itself;
he is all delight.
Such is my lover, and such my friend,
O daughters of Jerusalem."


Ang TINUTUKOY po sa SONGS OF SONGS ay "KAIBIGAN NG DIYOS."

Ayon sa mga BALIK ISLAM, NEVER o HINDI KAILANMAN KINAUSAP ng DIYOS ang PROPETA NILA.

Sa kanila po pala ay GANOON MAKIPAGKAIBIGAN ang DIYOS, HINDI KINAKAUSAP ang KAIBIGAN NIYA. Ganoon po ba?

So, MALIWANAG po ULI na HINDI ang PROPETA ng BALIK ISLAM ang TINUTUKOY sa Songs 5:16.

Kung KAIBIGAN nga ng DIYOS ang PROPETA NILA ay NATURAL LANG na KINAUSAP NIYA ITO.

Si MOISES po ay KAIBIGAN ng DIYOS at HARAP-HARAPAN pa ITONG KINAUSAP ng DIYOS.

Sabi nga sa Exodus 33:11
"The LORD would SPEAK to MOSES FACE TO FACE, AS A MAN SPEAKS WITH HIS FRIEND."


NAKITA po NINYO?

Ang ITINUTURING na KAIBIGAN ng DIYOS ay KINAUSAP NIYA nang HARAP-HARAPAN.

Ang PROPETA ng BALIK ISLAM ay NEVER KINAUSAP ng DIYOS nang HARAP-HARAPAN at NEVER KINAUSAP kahit TALIKURAN, kaya TIYAK na HINDI SIYA ang KAIBIGAN ng DIYOS sa Song 5:16.

ILUSYON LANG po ng BALIK ISLAM na PROPETA NILA ang TINUTUKOY RIYAN.


E. John 14:15-16, 16:12-14
"If you love me, you will obey what I command. And I will ask the Father, and he will give you another Counselor to be with you forever—"

"I have much more to say to you, more than you can now bear. But when he, the Spirit of truth, comes, he will guide you into all truth. He will not speak on his own; he will speak only what he hears, and he will tell you what is yet to come.

"He will bring glory to me by taking from what is mine and making it known to you."


MALINAW na naman pong NAG-IILUSYON LANG ang BALIK ISLAM sa PAG-ANGKIN NIYA sa Jn 14:15-15 at 16:12-14 para sa PROPETA NIYA.

HINDI po PROPETA ng ISLAM ang TINUTUKOY RIYAN kundi ang ESPIRITU SANTO.

Sabi po sa Jn 14:15 ay MAKAKASAMA ng mga ALAGAD ni HESUS nang HABAMPANAHON ang COUNSELOR o ADVOCATE o PARACLETOS.

NASAAN na po ang PROPETA ng BALIK ISLAM? KASAMA pa po ba NILA?

HINDI na po.

So, NASAAN NA ang HABAMPANAHON na DAPAT ay KASAMA SIYA ng TAO kung SIYA NGA ang TINUTUKOY sa Jn 14:15?

WALA na po.

Kaya nga po MALING LAPAT na naman ang GINAWA NITONG BALIK ISLAM sa talata.

Sa Jn 16:13 ay MALINAW na ESPIRITU ng KATOTOHANAN ang TINUTUKOY.

ESPIRITU po ba ang PROPETA ng BALIK ISLAM?

HINDI po. TAO po SIYA at HINDI ESPIRITU.

Kaya po MULI ay SABLAY at PALPAK po ang PAG-ANGKIN nitong BALIK ISLAM sa TALATA. HINDI po IYAN TUMUTUKOY sa KANYANG PROPETA.

NANANAGINIP na naman lang ang BALIK ISLAM.


At DIYAN po NATIN MAKIKITA na PURO MALING PAG-ANGKIN at MALING PAGLALAPAT ang GINAWA nitong BALIK ISLAM sa mga TALATANG IBINIGAY NIYA.

ANO po ba ang TAWAG sa UMAANGKIN ng HINDI KANYA? Hindi po ba MAGNANAKAW?

Tila po NADAGDAGAN na naman ang KASAMAAN na NATUTUNAN ng BALIK ISLAM.

Noon ay PAGMUMURA LANG. Tapos ay nagi siyang MANLOLOKO at MANLILINLANG. Nagi rin SIYANG SINUNGALING at MAPAGKUNWARI. Ngayon ay NAGNANAKAW na SIYA ng TALATA para lang MAY MAILAPAT sa PROPETA NIYA?

WALA na po bang MABUTING NATUTUNAN ang BALIK ISLAM na ITO? Tila PURO NA LANG KASAMAAN ang KANYANG NAKUHA mula nang MAGTUTUWAD SIYA at MAGDASAL ng HINDI NIYA NAIINTINDIHAN.

KAWAWA naman po, di po ba?

Tuesday, September 15, 2009

Deut 18:18 = Propeta ng Islam?

SA KAWALAN po ng MAISAGOT nitong BALIK ISLAM sa tanong natin kung "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA" ay INULIT po NIYA ang PAGGAMIT sa mga TALATA sa BIBLIYA na PINIRATA NIYA.

Ang mga IBINIGAY NIYANG TALATA (Deut. 18:18, 21:21; Psl. 118:22-23; Isaiah 42:1-13; Hab 3:3-4; Matt. 21:42-43; John 14:12-17, 26-28, 16:7-14) ay PATUNGKOL sa PANGINOONG HESUS o sa ESPIRITU SANTO pero IBINIBIGAY po NIYA sa IBA.

NAIPALIWANAG at NAPATUNAYAN na po NATIN ang lahat ng TALATA na ibinigay niya pero MAGANDA pong SURIIN NATIN itong Deut 18:18 kaugnay sa TANONG NATIN na HINDI NIYA MASAGOT.

Ang TANONG po NATIN ay "DIYOS BA MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA?"

Sabi ng BALIK ISLAM ang Deut18:18 ay PATUNGKOL sa PROPETA NILA. Gusto pong PALABASIN nitong BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Hmmm, LALAPAT po ba ang Deut 18:18 sa PROPETA ng ISLAM?

Sabi po riyan ng DIYOS kaugnay sa PROPETA na KANYANG SUSUGUIN sa mga ISRAELITA:
"I will raise up for them a prophet like you from among their kinsmen, and [I] WILL PUT MY WORDS INTO HIS MOUTH; he shall tell them all that I command him."

Sabi po ng DIYOS diyan ay SIYA ANG MAGLALAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NA KANYANG SUSUGUIN.

Heto po ngayon ang MAS MAGANDANG TANONG: "DIYOS BA MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA at KAUTUSAN SA BIBIG NG PROPETA NITONG BALIK ISLAM?"

IYAN nga po ang HINDI MASAGOT NITONG BALIK ISLAM e.

HINDI NIYA MASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGSUGO SA PROPETA NILA. LALO pong HINDI NIYA MASASABI KUNG DIYOS MISMO ANG NAGLAGAY NG MGA SALITA SA BIBIG NG KANILANG PROPETA.

At dahil po HINDI IYAN MAKASAGOT nitong BALIK ISLAM ay NABUBUO NA sa ISIP ng MARAMI na HINDI DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETANG PINANINIWALAAN NIYA.

Marahil ay WALA NA PO TAYONG PAKIALAM kung SINO MAN ANG NAGSUGO sa PROPETA NILA. Paniniwala nila yon e.

Ang MAHALAGA po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS ang NAGSUGO sa PROPETA NILA.

Ang MAHALAGA rin po ay HINDI MASABI at HINDI MAIDEKLARA NITONG BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA at KAUTUSAN sa BIBIG ng KANILANG PROPETA.

At dahil HINDI MASABI nitong BALIK ISLAM na DIYOS MISMO ang NAGLAGAY ng KANYANG MGA SALITA sa BIBIG ng KANILANG PROPETA ay TAMA LANG PO na HINDI TAYO MANIWALA na ang PROPETA NILA ang tinutukoy sa Deut18:18.

IPAGPASALAMAT na lang po natin sa DIYOS na ang SIYA MISMO ang NAGSUGO sa mga PINUNO ng IGLESIA at sa mga UNANG KRISTIYANO.

PURIHIN din po natin ang DIYOS dahil SIYA MISMO ang NAGLAGAY ng SALITA sa BIBIG ng mga UNANG KRISTIYANO.

At dahil po riyan ay masasabi natin na FAR SUPERIOR ang KRISTIYANISMO sa IBA PANG PANINIWALA.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Monday, May 4, 2009

3 'Unlikes' nina Hesus at Moises (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po

SA SINUSUNDAN po nitong POST ay ipinakita natin ang pagiging MALI ng sinasabi ng ilan na "3 Unlikes" daw ng Panginoong Hesu Kristo at ni Moises.

Ang "3 Unlikes" po--katulad ng inimbento rin na 8 Irrefutable Arguments daw--ay ginawa ng mga nagpapakilalang Muslim sa pagtatangka nila na tutulan na si HESUS ang propeta na tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Pero tulad nga po ng naipakita na natin ay MALI at MAHINA ang GAWA-GAWA na iyan ng mga ayaw tumanggap kay Kristo bilang propeta sa Dt 18:18.

MALI po yang "3 Unlikes" nila dahil WALA pong DIREKTANG KAUGNAYAN sa pagiging PROPETA ni Hesus ang mga ibinigay nila riyan.

At kung ang pagka-PROPETA ni MOISES ang pag-uusapan ay MAGKATULAD na MAGKATULAD si HESUS at si MOISES.

Una po, MAGKATULAD si HESUS at MOISES na mga ISRAELITA.

Kung HINDI ISRAELITA ay HINDI KATULAD ni MOISES at iyan ay isang UNLIKE kay MOISES.

Pangalawa po, MAGKATULAD ni HESUS at MOISES dahil SINUGO sila pareho sa mga ISRAELITA.

Kung HINDI SINUGO sa mga ISRAELITA ay HINDI KATULAD ni MOISES. Iyan ay IKALAWANG UNLIKE kay MOISES.

Pangatlo, KATULAD ni MOISES si HESUS ay DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS AMA.

Kung HINDI DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS o PINADAAN pa sa IBANG PARAAN ay HINDI KATULAD ni MOISES. Iyan ay IKATLONG UNLIKE kay MOISES.

Pang-apat, KATULAD ni MOISES si HESUS ay GUMAWA ng MARAMING TANDA at HIMALA.

Kung HINDI GUMAWA ng MARAMING TANDA at HIMALA, iyan ay HINDI KATULAD ni MOISES. So, pang-APAT UNLIKE kay MOISES.

Pang-lima, KATULAD ni MOISES, si HESUS ay NAGPAKAIN ng PAGKAIN na GALING sa LANGIT.

Ang nagpapakilalang "propeta" na HINDI iyan NAGAWA ay HINDI KATULAD ni MOISES. At iyan ay ika-LIMANG UNLIKE kay MOISES.

MARAMI pa pong mga PAGKAKATULAD ni HESUS at MOISES na WALA sa ibang "propeta."

At MARAMI po ang HINDI PAGKAKATULAD o UNLIKE ng ibang "propeta" kay MOISES.

At dahil WALANG PAGKAKATULAD kay MOISES ang ibang PROPETA ay GUMAGAWA na lang ng mga "pagkakatulad" ang ibang tao para lang maitulad ang isang propeta kay MOISES.

Mayroon pong isang nagpapakilalang Muslim na nag-text sa atin at sinabi na ang propeta raw ng Islam ay "direktang kinausap" din ng Diyos.

Sabi niya, "Read the Hadith [Tradisyon ni Propeta Muhammad]. Mababasa mo ang direktang pakikipag-usap ni Prophet Muhammad sa Diyos at ang direktang pakikipag-usap niya sa kapwa niya propeta."

"Mababasa iyan sa The Life of Prophet Muhammad S.A.W. and his Moral teachings." "XV. ISRA' WAL MI'RAJ, RAJAB, 27, I B.H.: The Prophet again said: He took me to 'Sidratul Muntahaa' there God revealed to me what he revealed and made obligatory for me 50 prayers everyday and night. I came down to musa who asked what my lord had made obligatory for my people ... Musa advised me to we are not capable of that. I went back and asked God to make it lighter so there are 5."

Ayon sa texter na nagpapakilalang Muslim ay DIREKTA raw na KINAUSAP ng DIYOS si PROPETA MUHAMAD.

Sinabi po iyan ng ating texter para ipakita na "katulad" din ni Moises si Propeta Muhamad dahil "kinausap rin siya nang direkta ng Diyos."

Hindi po natin tututulan kung iyan ang paniniwala ng ating texter.

Naging CURIOUS lang po ako kaya itinanong ko sa ating texter kung SAAN sa KORAN BINANGGIT ang mga KAUTUSAN na iyan na IBINIGAY nang DIREKTA ng DIYOS kay PROPETA MUHAMMAD.

Hanggang ngayon po ay HINIHINTAY ko pa rin na IBIGAY ng ating texter ang SURA o bahagi ng KORAN kung saan naitala ang mga DIREKTANG SINABI ng DIYOS sa propeta ng Islam.

Sa kaso po kasi nina MOISES at HESUS, ang mga SINABI sa KANILA nang DIREKTA ng DIYOS ay NAKALAGAY sa BIBLIYA.

Maari po nating masabi na iyan ay ISA PA sa mga PAGKAKATULAD nina MOISES at HESUS bilang mga PROPETA: Ang mga DIREKTANG SINABI sa KANILA ng DIYOS ay NAITALA sa BANAL na KASULATAN.

Kung ang mga DIREKTANG sinabi ng DIYOS sa isang PROPETA ay HINDI NAITALA sa BANAL na KASULATAN, lalabas po na HINDI SILA MAGKATULAD ni MOISES pagdating sa bagay na iyan.

Masasabi po natin na isa iyang "UNLIKE" sa pagiging propeta nila.

So, mula po sa mga INISA-ISA nating mga PAGKAKATULAD ni KRISTO kay MOISES bilang PROPETA ay MAKIKITA natin na si HESUS NGA ang PROPETA na tinutukoy sa Dt 18:18.

At dahil po MAGKATULAD SILA, partikular sa MGA MILAGRONG ginawa nila (Ex 16 at John 6:10-13 at 48-51), ay nasabi ng mga tao sa John 6:14, "TUNAY NGA na ITO ang PROPETA na darating sa mundo."

PURIHIN ang DIYOS! PURIHIN si KRISTO!

Monday, April 6, 2009

Dt 18:18 dinagdagan para ipilit ang wala

TINATALAKAY po natin ang PAGPUPUMILIT ng isang nagpapakilalang BALIK ISLAM na ILAPAT sa propeta ng Islam ang Deuteronomy 18:18.

Pero tulad po ng naipakita na natin ay MALI po ang kanyang sinasabi.

Sabi po sa Dt 18:18 ay may PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

Pero mismo pong sinasabi ng talata ay HINDI LAPAT sa propeta ng Islam.

Ang sabi po kasi riyan ay "MULA SA GITNA" ng mga ISRAELITA MAGMUMULA ang PROPETA na ibabangon ng DIYOS.

At MALINAW po na HINDI MULA SA GITNA ng mga ISRAELITA ang propeta ng Islam. Siya po kasi ay isang ISMAELITA o isang ARABO.

Sinabi rin po na ang ibabangon na PROPETA ay KATULAD ni MOISES.

Si Moises po ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

So HINDI na naman po LAPAT iyan sa propeta ng Islam.

At dahil HINDI LALAPAT sa propeta ng Islam ang QUALIFICATIONS na sinasabi sa Dt 18:18 ay ano ang ginawa ng mga nagpupumilit na ilapat sa kanya ang talata?

NAGDAGDAG SILA ng mga qualification na WALA naman sa TALATA.

Ang mga bagay na IDINAGDAG nila ay ang tinatawag nilang "8 Irrefutable Arguments."

Iyan po ay ang sumusunod:

1. Ang pagkakaroon ng tatay at nanay ni Moises.

2. Ang natural na pagkapanganak kay Moises.

3. Ang pagkakaroon ng asawa ni Moises.

4. Ang pagtakwil at kalaunan ay pagtanggap ng mga Israelita kay Moises.

5. Ang pagkakaroon ng "kaharian" ni Moises dito sa lupa.

6. Ang pagbibigay ni Moises ng "bagong batas" sa mga tao.

7. Ang pagkamatay ni Moises.

8. At kung saan nalibing ang bangkay ni Moises.

Subukan po ninyong basahin ang Dt 18:18 kung MAKIKITA ninyo riyan ang mga iyan.

HINDI po.

Bakit po HINDI ninyo MAKIKITA ang mga iyan sa Dt 18:18?

Dahil GAWA at DAGDAG lang po iyan ng mga nagpupumilit na ilapat ang Dt 18:18 sa propeta ng Islam.

Kung tama po ang pagkakaalam ko ay ang debatistang Muslim na si AHMED DEEDAT ang NAG-IMBENTO ng mga IDINAGDAG na IYAN sa Dt 18:18.

Pero ayan na nga po, KAILANGANG IDAGDAG nila ang mga iyan dahil kung ang Dt 18:18 lang po ang pagbabatayan ay HINDING-HINDI LALAPAT ang talata sa propeta ng Islam.

SORRY po.

Pero TAMA BA ‘YUNG GINAWA NILA?

MALI po ‘yon.

IDINAGDAG po iyan ng mga nagpapakilalang Muslim sa Dt 18:18 dahil HINDI po LALAPAT sa propeta ng Islam ang mga katangian na sinasabi sa talata.

Pero kung titingnan po natin ang mga argumento na iyan ay LALAPAT IYAN sa MARAMING TAO.

Puwede nga pong lumapat iyan kay ADOLF HITLER at marami pang ibang DIKTADOR sa mundo.

Paano po kung may alagad si Hitler at gamitin ang "8 irrefutable arguments" na iyan para sa kanya? Baka magsisunuran kay Hitler ang mga tagasunod ng mga argumento na iyan.

Hindi po natin hangad na gawing katatawanan ang mga argumento na iyan pero nagiging KATAWA-TAWA po dahil lumalabas na DESPERADO ang mga gumagamit niyan.

LAHAT IDADAGDAG sa Dt 18:18 mapalabas lang ang WALA naman sa talata.

Ang MASAMA pa, matapos DAGDAGAN ay BINALE WALA naman ang mismong sinasabi ng talata.

HUWAG po sanang maging DESPERADO ang mga humihingi ng KREDEBILIDAD sa BIBLE.

Salamat po.

Sino ba ang propeta sa Dt 18:18?

IPINAGPIPILITAN po talaga ng nagpapakilalang BALIK ISLAM na ang propeta ng Islam na si Propeta Muhammad ang tinutukoy sa Deuteronomy 18:18.

Tila suportado niya ang sinabi natin na KUNG WALANG BATAYAN SA BIBLE AY HINDI KAPANIPANIWALA.

Pero huwag po sanang magagalit ang mga Muslim dahil WALA po TALAGA sa BIBLIYA ang inyong PROPETA. SORRY PO.

Sa mga naunang artikulo ay tiningnan na natin ang Dt 18:18 at NAKITA natin na HINDI po ITO TUMUTUKOY sa propeta ng Islam.

Ganito po ang sinasabi sa Dt 18:18, "Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,"

"ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya."

Ang ipinagpipilitan po ng nagpapakilalang BALIK ISLAM ay si Propeta Muhamad daw ang KATULAD ni Moses.

Dahil kinikilala po ng mga Muslim si Propeta Muhammad bilang PROPETA ay IGINAGALANG po natin iyan.

Pero hanggang doon lang po ang pagkakatulad niya kay Moses batay sa Dt 18:18.

Ayon po sa Diyos, ang propetang ibabangon niya ay KATULAD ni MOISES.

Si MOSES ay isang ISRAELITA na mula sa angkan ni LEVI (Exodus 2:1).

Diyan pa lang po ay TAPOS NA ang PAGKAKATULAD ni MOSES at ng propeta ng Islam.

At lalo pa pong makikita na HINDI SILA MAGKATULAD dahil ang sabi pa sa Dt 18:18 ay MANGGAGALING sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA ang PROPETA.

Sa ORIHINAL na HEBREO ng Dt 18:18 ang ginamit pong salita para sa KAPATID ay 'ACH.

Ayon po sa Strong's Hebrew Dictionary, sa Number 0251, ang kahulugan ng 'ACH ay:

1. Kapatid sa parehong magulang

2. Kapatid sa ama

3. KAANAK, KALAHI, KAPAREHONG TRIBO

4. Katulad ng pagturing

5. (figurative) Katulad

Sa mga definition po ng salitang 'ACH ay maaring sa ikaapat at sa ikalima lang pumasok ang propeta ng Islam pero TIYAK PO na HINDI IYAN ang gustong ipakahulugan ng Diyos sa Dt 18:18.

Ang maaari lang pong kahulugan ay ang nasa definitions 1 hanggang 3. At diyan po ay HINDI MAAARING KASAMA ang Islamic prophet.

At kaugnay po sa sinasabi ng Dt 18:18 ay ang ikatlong kahulugan ang tinutukoy at diyan po ay HINDI PAPASOK ang kanilang propeta.

HINDI po kasi siya KAANAK o KALAHI o KAPAREHONG TRIBO ng mga ISRAELITA.

Ang mga ISRAELITA ay mga ANAK o KAANGKAN ni ISRAEL (Jacob).

Ang propeta po ng Islam ay ISMAELITA o ARABO at HINDI ISRAELITA.

Ang sinasabi ng ilang Muslim ay "magkalahi" daw ang mga ISRAELITA at mga ISMAELITA dahil galing sila sa iisang NINUNO, si ABRAHAM.

MALINAW na HINDI po IYAN ang TINUTUKOY na KAANAK o KAPATID sa Dt 18:18.

HINDI po SINABI na sa KAPAMILYA ni ABRAHAM MANGGAGALING ang PROPETA.

Kung kay Abraham po kukunin ang kahulugan ng KAPATIRAN, iyan po ay "OVEREXTENSION" ng DEFINITION.

MALINAW po sa Dt 18:18 na ang tinutukoy na KAPATIRAN o ANGKAN na PAGMUMULAN ng PROPETA ay sa ANGKAN o PAMILYA ni ISRAEL.

Sa Dt 5:1 ay mga ISRAELITA ang KAUSAP ni MOISES.

Sabi riyan, "Tinawag ni MOISES ang LAHAT ng ISRAEL at sinabi sa kanila: Makinig, O ISRAEL, ang mga patakaran at kautusan na aking ipinapahayag sa inyong pandinig sa araw na ito, upang matutunan ninyo at maingat na sila ay sundin."

Muli sa Dt 9:1 ay sinasabi, "Makinig, O ISRAEL!"

Lalo pa pong nagiging malinaw na isang ISRAELITA ang tinutukoy na PROPETA sa Dt 18:18 kung babasahin natin ang sinusundan niyang talata sa Dt 18:15.

Diyan ay sinasabi mismo ni Moises, "Ang Panginoong inyong Diyos ay magbabangon para sa inyo ng ISANG PROPETA na TULAD KO na MULA SA GITNA NINYO; susundin ninyo ang propetang iyon."

Sa ORIHINAL na HEBREO, ang ginamit na SALITA para sa "GITNA" ay QEREB.

Ayon sa STRONG'S HEBREW DICTIONARY, ang ibig sabihin ng QEREB ay:

1. Sa PILING, KASAMA, sa LOOB, sa GITNA

A. nasa LOOB ng BAHAGI

a. sa PISIKAL na PAGKAUNAWA

b. sa pag-iisip o damdamin

c. bahagi ng kaisipan o damdamin

B. sa PILING, KASAMA, MULA sa KASAMANG MGA TAO

C. lamang loob (ng isinasakripisyong hayop)

Diyan po ay NAPAKALINAW na ang PROPETA ay MULA sa LOOB o GITNA o PILING mismo ng mga ISRAELITA na KAUSAP ni MOISES at HINDI sa LABAS tulad ng mga ISMAELITA.

Ano pa nga po at ang tinutukoy riyan ay ISANG ISRAELITA.

So, diyan pa nga lang po ay MALINAW na HINDI LALAPAT kay Propeta Muhammad ang sinasabi sa Dt 18:18.

IGINAGALANG po natin ang PROPETA ng ISLAM kaya gusto po natin na ibigay sa kanya ang nararapat.

Ang Dt 18:18 ay HINDI NARARAPAT sa KANYA kaya huwag po sana iyang ipagpilitan ng ilang mangangaral ng Islam.

May katuloy pa po.

Propeta pilit isinama sa anila ay ‘basura’

PATULOY po ang ilang nagpapakilalang BALIK ISLAM sa pag-atake at paninira sa BIBLIYA.

Isa po sa sinasabi nila ay “nagkokontra-kontra” raw po ang mga sinasabi ng BIBLE.

Tinalakay na po natin ang mga bagay na iyan at ipinakita natin na ang sinasabi nila ay bunga ng KAWALAN NILA ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at sa TAMANG PAG-UNAWA sa mga nilalaman ng BANAL na KASULATAN.

Isa po sa sinasabi nila ay mabuti pa raw ang BANAL na KORAN dahil magmula raw po ng ibigay iyon sa Propeta nilang si Muhamad ay “Hindi iyon nabago. Kahit isang tuldok ay INTACT.”

Nag-research po ako tungkol sa bagay na iyan at HINDI po MAGUGUSTUHAN ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ang aking nadiskubre.

KINONTRA po kasi ng isang ISLAMIC WEBSITE ang sinasabi nitong mga nagpapakilalang Muslim.

Iyan po ay sa Islamic website na http://www. submission.org/quran/ warsh.html

Diyan po ay tinatalakay ang ilang VERSIONS ng KORAN at ang ilang PAGKAKAIBA-IBA sa mga VERSION na aklat.

Kung interesado po kayo ay kayo na po ang bahalang pumunta sa website na nabanggit at magpasya kung maniniwala kayo sa sinasabi nila.

Puwede rin po ninyong tingnan ang: http:// www.free-minds.org/articles/science/Which Quran. pdf

Salamat po.

u u u

Ngayon, isa pa pong ipinagpipilitan ng mga nagpapakilalang Muslim ay ang Propeta Muhammad ang tinutukoy sa ilang talata sa Bible.

PASENSIYA na po sa mga MUSLIM pero HINDI PO BINABANGGIT si Propeta Muhammad sa BIBLE.

Hindi po ba mayroon naman kayong KORAN at HADITH. Siguro naman po ay SAPAT na ang mga IYAN bilang patunay sa mga paniniwala ninyo.

Ang kakatwa pa nga po riyan ay SINISIRAAN at INAATAKE ng mga nagpapakilalang BALIK ISLAM ang BIBLIYA tapos ay saka nila IGIGIIT na binanggit daw ang propeta nila rito.

Sabi ng isang nagti-text sa atin, “DATI nang SIRA ang BIBLE.” Dagdag pa niya ay “BASURA lang yan.”

Pagkatapos po niyang tawaging “BASURA” ang BIBLIYA ay saka niya ipipilit na BINABANGGIT ang propeta nila rito sa tinatawag niyang “BASURA.”

Ganoon? BASURA tapos pilit niyang IPINAPASOK ang propeta nila sa ayon sa kanya ay “BASURA?”

Noon po ay pinuna na natin ang gawain nilang iyan.

Sinasabi nilang “CORRUPT” o “MARUMI” ang BIBLE pagkatapos ay GAMIT sila nang GAMIT ng mga TALATA ng BIBLE sa kagustuhan nilang patunayan na “tama” sila.

Hindi po ba kakatwa? Parang KANAL na sinasabi nilang MARUMI tapos ay INIINUMAN NILA.

Kung “BASURA” at “CORRUPT” ang BIBLIYA bakit pa nila ginagamit?

Dapat ay AMININ na lang NILA na napaka-CREDIBLE ng BIBLE.

At kaya pilit nilang ginagamit ang BIBLIYA (sa kabila na sinisiraan nila iyon) ay dahil KUNG WALANG BATAYAN sa BIBLE ay HINDI KAPANIPANIWALA ang isang BAGAY.

Iyan po ang dahilan kung bakit HINDI naman nila KINIKILALA ang BIBLIYA pero PILIT nila itong PINAGBABATAYAN ng ilan nilang gustong patunayan.

At isa nga pong IPINAGPIPILITAN nila ay ang propeta ng Islam ang tinutukoy sa ilang talata ng Bibliya tulad ng Deuteronomy 18:18.

SORRY po talaga pero HINDI po si PROPETA MUHAMAD ang tinutukoy riyan.

At NAPAKALINAW po niyan sa talata.

Ganito po ang sinasabi sa talatang iyan, “Magbabangon ako para sa kanila ng isang PROPETA na TULAD MO [si Moises po ang kausap diyan] na MULA sa KANILANG KAPATIRAN,”

“ILALAGAY ko ang AKING mga SALITA sa kanyang bibig; sasabihin niya sa kanila ang lahat ng aking iuutos sa kanya.”

DALAWA lang po ang CRITERIA o PANUNTUNAN na ibigay riyan para sa tinutukoy na PROPETA.

Una po, iyan ay PROPETA na KATULAD ni MOISES ay MAGSASABI sa mga TAO ng mga IUUTOS ng DIYOS.

Kaya po itinuring na PROPETA si MOISES ay dahil siya ang NAGDALA ng mga UTOS at SALITA ng DIYOS sa mga ISRAELITA.

Pangalawa, ang PROPETA ay MAGMUMULA sa KAPATIRAN ng mga ISRAELITA.

Paano po natin nalaman na mga ISRAELITA ang tinutukoy?

Dahil ang BAYAN na PINANGAKUAN ng DIYOS na BIBIGYAN ng ISANG PROPETA ay mga ISRAELITA. (Dt 17:20, 18:1)

Si Propeta Muhamad po ay kinikilalang PROPETA ng ISLAM pero HINDI po SIYA ISRAELITA.

Dahil diyan MALINAW na HINDI po SIYA ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Kaya HUWAG na po sanang IPAGPILITAN ng ilan na si Propeta Muhamad ang tinutukoy sa Dt 18:18.

Ituloy po natin ito sa susunod na artikulo.

Bibliya 'porno' raw

NAGPUPUMILIT po ang ilang BALIK ISLAM na patunayan na "mali," "corrupt" at "kontra-kontra" ang Bibliya.

May isa po tayong texter na nagpakilalang si Ansary Abdulaziz na isa sa masigasig sa paggiit na mali raw ang Bible.

Ilang ulit na po nating ipinaliwanag kay Abdulaziz na WALANG KONTRAHAN sa BIBLE pero NAHIHIRAPAN po siyang TANGGAPIN iyon.

NAUUNAWAAN po natin siya. Kayo ba naman ang MAPANIWALA sa mga MALING KUWENTO laban sa BIBLIYA tapos ay TUMALIKOD pa kayo kay HESUS na DIYOS at TAGAPAGLIGTAS ay MAHIHIRAPAN din kayong tanggapin ang KATOTOHANAN.

Anyway, dahil po hindi matutulan ni Abdulaziz ang mga PAGTUTUWID natin sa mga BINTANG niya laban sa Bibliya ay iniba niya ang taktika niya.

Ngayon po ay tinatawag naman niyang "porno" ang BIBLE dahil may mga kuwento raw ng INCEST, tulad ng naulat sa Genesis 19:36.

Diyan po kasi ay sinabi na nabuntis ni Lot ang dalawa niyang anak na dalaga.

So? Asan po ang porno riyan?

Ang Gen 19:36 po ay PAG-UULAT sa isang PANGYAYARI sa buhay ng isang KARAKTER sa BIBLIYA.

Ika nga po, IT IS A REPORT ON AN INCIDENT.

Kapag sa ENCYCLOPEDIA po ba ay may iniulat o ini-report na NAKABUNTIS ng ANAK ang isang AMA ay "PORNO" na ang ENCYCLOPEDIA?

HINDI po. Kung porno na po iyan ay porno na pala ang LAHAT ng FACTUAL at OBJECTIVE na PAG-UULAT kaugnay sa INCEST o SEX.

Diyan po natin makikita na MALI at BALUKTOT ang PANG-UNAWA at PAG-IISIP ng mga NANINIRA sa BIBLIYA.

PUNO SILA ng MALISYA.

Pero MAY NAKAKATAWA sa ginagawa ni Abdulaziz at ilan pang mga kapatid niyang BALIK ISLAM daw.

Habang tinatawag ni Abdulaziz na "PORNO" at "MARUMI" ang BIBLIYA ay may mga kapatid naman siyang PILIT ISINISINGIT ang kanilang PROPETA sa "PORNO" raw na iyan.

Yung isa ipinagpipilitan na MARUMI ang BIBLIYA. Yung iba naman ay ipinagpipilitang IPASOK sa "PORNO" raw iyan ang banal nilang PROPETA.

Sabi po nung isang kapatid ni Abdulaziz, "Pinatutunayan ng Bibliya ang Propeta Muhammad. Basahin mo ang Deuteronomy 18:18."

Sabi pa ng isang BALIK ISLAM ay ang propeta rin daw nila ang tinutukoy na ESPIRITU sa John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15.

Ayun, nasa Deuteronomy at John daw po ng "PORNO" ang propeta ng Islam.

Bakit ganoon?

Ayon kay Abdulaziz at iba pang kapatid niyang BALIK ISLAM, ang BIBLIYA ay "CORRUPT," "KONTRA-KONTRA" at "PORNO" pa.

Kung ganoon, BAKIT tila IPINAGMAMALAKI nila na naroon at IPINAPASOK pa nila ROON ang kanilang PROPETA?

ANO BA TALAGA, KUYA?

Kung para sa kanila ay marumi ang BIBLIYA e WAG NILANG ISALI RIYAN ang PROPETA NILA.

MAHIYA NAMAN SILA sa propeta ng Islam at sa mga TUNAY na MUSLIM. Hindi po ba?

Ang kaso po ay ayan o, nasa Dt 18:18 at John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15 daw ang propeta nila.

Ano yan? Kung MURAHIN at BASTUSIN NILA ang BIBLIYA ay para itong KANAL na MARUMI. Tapos sinasabi nila na ang PROPETA NILA ay NASA KANAL na iyan?

Kung ganoon e pati propeta nila ay BINABASTOS na NILA.

Ang HINDI po MATANGGAP ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ay HIGHLY CREDIBLE ang BIBLE.

ALAM NILA na kung HINDI BINANGGIT sa BIBLIYA ay HINDI RIN DAPAT PANIWALAAN.

So kahit PILIT NILANG SINISIRAAN ang BIBLIYA ay GINAGAMIT pa rin NILA IYON para BIGYANG CREDEBILITY ang PANINIWALA NILA.

NAPAKAGULO po ng ISIP NILA. Marahil ay ganyan po talaga kapag NATALIKOD sa PANGINOONG HESU KRISTO... GUMUGULO ang PAG-IISIP.

Sa susunod po nating mga artikulo ay susuriin natin kung binanggit nga sa Bibliya ang propeta ng Islam.