Showing posts with label Bart Ehrman. Show all posts
Showing posts with label Bart Ehrman. Show all posts

Thursday, May 28, 2009

Bibliya tugma sa orihinal na sulat

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


NITO pong mga nakaraang araw ay sinilip natin ang mga MALING PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST kaugnay sa INSPIRATION ng BANAL na KASULATAN.

Ang batayan po ng ating pagtingin ay ang mga sinabi ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN na nagsulat sa kanyang libro na may pamagat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Diyan po ay ipinakita ni Ehrman ang paniniwala ng mga BORN AGAIN na maging ang PAGKOPYA sa mga MANUSKRITO ng mga KASULATAN ay DAPAT INSPIRADO o KINASIHAN ng DIYOS.

Iyan po ang tinawag nating "ABSOLUTE INSPIRATION" na pinaniwalaan ni Ehrman.

AT dahil po may nakita si Ehrman na pagbabago o pagkakaiba sa pagkopya sa mga KASULATAN ay inisip niya na "hindi galing sa Diyos" ang BIBLIYA.

MALING-MALI po ang PANANAW ni EHRMAN.

Pero sa kabila po niyan ay ginagamit iyan ng mga BALIK ISLAM para ATAKIHIN ang BIBLIYA at ang PANINIWALA ng mga KRISTIYANO rito.

May ilan nga po sa kanila ang nag-text sa atin at ipinagmamalaki na isang "Bible scholar" [si Ehrman] pa raw ang tumalikod sa Kristiyanismo dahil sa nakita raw niya na "marami nang nabago sa Bible."

PAREHO lang po sila kay Ehrman na MALI ang PANINIWALA at PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Pero teka po. Kung mali si Ehrman at mali ang mga BALIK ISLAM ay ANO po ba ang TAMA?


PAANO po ba naging INSPIRED ang BIBLIYA?

Ayon po sa paniniwalang Katoliko, ang LAHAT ng KASULATAN at maging ang mga BAHAGI nito ay GALING sa DIYOS.

IKINILOS ng DIYOS ang mga TAONG NAGSULAT ng mga KASULATAN para ISULAT ang mga LAMAN NGAYON ng BIBLIYA.

Sabi nga po sa 2 Peter 1:21, "WALANG PAHAYAG ang ibinigay sa pamamagitan ng KALOOBAN ng TAO; pero sa pamamagitan ng mga tao na IKINILOS ng ESPIRITU SANTO na NAGSALITA BUHAT sa DIYOS."

Ang tinutukoy po riyan ay ang AUTOGRAPHS o ang mga ORIHINAL na mga SULAT at AKLAT na KASAMA ngayon sa BIBLIYA.

HINDI po KASAMA riyan ang PAGKOPYA at mga KUMOPYA sa mga MANUSKRITO.

At dahil HINDI KASAMA sa INSPIRED o KINASIHAN ng DIYOS ang mga KUMOPYA ay nangyari na MAYROON sa kanila ang NAGKAMALI sa PAGKOPYA sa ilang kasulatan.

Iyang PAGKAKAMALI na iyan ng mga KUMOPYA ang ginamit na dahilan ni Ehrman para tumalikod sa PANGINOONG HESUS.

Pero MALI nga po.

HINDI SILA KASAMA sa sinasabing INSPIRED ng DIYOS.

Pero kahit po riyan sa mga NAGKAMALI na iyan ay IPINAKITA ng DIYOS na BINABANTAYAN at GINAGABAYAN NIYA ang mga KASULATAN.

MISMO nga pong si EHRMAN ang NAGSABI na HALOS LAHAT ng mga PAGBABAGO o PAGKAKAMALI na nakita niya ay WALANG KINALAMAN sa THEOLOGY o PANINIWALA sa DIYOS.

At ayon nga po sa BIBLE SCHOLAR na si Dr. DANIEL B. WALLACE ay mga MINOR o WALANG KATUTURAN ang mga nabago o naging pagkakamali.

Mismo rin pong si Ehrman ay nagsabi na HINDI SINASADYA ang mga PAGBABAGO.

Pero teka po. Kung may mga KOPYA po na nabago ang sinasabi dahil nagkamali sa pagkakakopya ay hindi po ba ibig sabihin ay "mali" na rin ang KASULATAN?

HINDI po.

IILAN lang po ang mga KOPYA na sinasabi na may pagkamali sa pagkakakopya. HINDI po LAHAT ay nagkaroon ng PAGBABAGO.

At kung mayroon man pong nabago ang pagbabago ay MADALI ring NAITATAMA dahil MARAMI pa po ang mga MANUSKRITO o mga KASULATAN na TAMA o WALANG MALI.

NAIKUKUMPARA rin po ang mga nabagong mga KOPYA sa iba pang mga KASULATAN ng mga UNANG KRISTIYANO.

Noon pa man po kasi ay uso na ang pag-QUOTE ng mga MANUNULAT sa mga KASULATAN.

Base sa mga QUOTATION nila ay NAITATAMA NILA ang mga PAGKAKAMALI kaya 99 PERCENT po na ACCURATE at TUGMA sa ORIGINALS ang mga KOPYA ng KASULATAN na GAMIT ngayon, LALO na ng IGLESIA KATOLIKA.

Ganoon po yon.

Born Again target ng Balik Islam

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA MGA nakaraang buwan ay nakatanggap tayo ng text mula sa mga BALIK ISLAM at INA-ANUNSYO ang mga DEBATE nila sa iba’t-ibang grupong Kristiyano.

Ang KAPANSIN-PANSIN po sa mga grupong KINALABAN nila ay KARAMIHAN po sa mga iyon ay yung tinatawag na BORN AGAIN CHRISTIANS o yung mga grupong matatawag na FUNDAMENTALIST.

NOON pa man po ay alam ko na kung bakit mga "BORN AGAIN" ang PABORITO nilang anyayahan sa kanilang mga DEBATE: NAPAKADALI po kasing SIRAIN ang SISTEMA ng PANINIWALA ng mga BORN AGAIN at mga FUNDAMENTALIST.

Isa kasi sa mga PUNDASYON ng PANINIWALA nila ay BIBLIYA LANG ang BATAYAN ng PANINIWALA. Kaugnay niyan ay naniniwala sila na ABSOLUTE ang INSPIRASYON sa BIBLIYA.

Sa mga nakalipas nga pong post ay nakita natin ang paniniwala ng BORN AGAIN na si BART D. EHRMAN, ang nagsulat ng librong MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sabi niya sa Page 4 ng kanyang libro, "the Bible was VERBALLY INSPIRED —down to its VERY WORDS." At sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

At DIYAN nga po KINAKAIN nang BUHAY ng mga HINDI KRISTIYANO ang mga BORN AGAIN o FUNDAMENTALIST.

IPAPAKITA lang po ng debatista ng BALIK ISLAM ang AKALA niya ay mga "contradictions" sa Bible o ang mga umano ay "nabago" sa mga MANUSKRITO ng KASULATAN ay halos MAUTAL na ang mga BORN AGAIN na kaharap nila.

Tapos ipapakita rin ng mga HINDI KRISTIYANO na MAGKAIBA ang BIBLE ng mga PROTESTANTE at KATOLIKO. Ang BIBLE po kasi ng PROTESTANTE ay may 66 na AKLAT at sa KATOLIKO ay may 73.

Kapag tinanong ang mga BORN AGAIN kung bakit magkaiba ang mga iyan ay NATUTULALA na sila.

Kung tutuusin ay PAREHO SILANG WALANG ALAM sa BIBLE, pero dahil HINDI ALAM nung BORN AGAIN ang KATOTOHANAN na WALANG "contradiction" sa BIBLE ay NASISIRA na ang PANINIWALA NIYA sa BIBLIYA.

Bunga niyon ay MAS MADALI na silang NAKUKUMBINSI na TUMALIKOD kay KRISTO.

Katunayan, MARAMI na pong BORN AGAIN at mismong mga PASTOR na FUNDAMENTALIST ang NAITALIKOD kay KRISTO dahil sa ATAKE na ganyan.

At ano ang MITSA ng kanilang PAGTALIKOD?

UNA na po ang MALI NILANG PANINIWALA at PANANAW kaugnay sa BIBLIYA.

ISAMA na rin po natin ang KAKULANGAN NILA ng KAALAMAN sa HISTORY o KASAYSAYAN ng BIBLIYA at ng IGLESIANG KRISTIYANO.

Basically po kasi ay DAMDAMIN ang UMIIRAL sa KANILA. Kaya nga po ang mga BORN AGAIN ay kilala sa pagiging EMOTIONAL o PUNO ng DAMDAMIN sa kanilang mga GINAGAWA.

Ang problema ay kapag NAUNSIYAMI ang DAMDAMIN nila o NASAGASAAN ang MALING PANINIWALA nila kaugnay sa "ABSOLUTE INSPIRATION" ng BIBLIYA ay nag-ko-COLLAPSE pati ang PANANAMPALATAYA nila kay KRISTO.

Ganyan po si Ehrman na ayon sa kanya ay isa siyang dating EPISCOPALIAN na na-BORN AGAIN.

Dahil sa MATINDING DAMDAMIN niya para sa BIBLIYA ay NAG-ARAL siya nang MAS MALALIM kaugnay doon.

Pero nung mabasa niya ang mga KOPYA ng HANDWRITTEN o SULAT-KAMAY na KASULATAN ng BIBLIYA at nakita niya na may mga "pagkakamali" sa pagkopya sa mga iyon ay GUMUHO ang PANINIWALA niya sa BIBLIYA. Pati PANINIWALA niya sa DIYOS at TAGAPAGLIGTAS na si HESU KRISTO ay naglaho.

Hindi na naging mahalaga kay Ehrman na WALANG KUWENTA ang mga "pagkakamali" sa pagkopya na sinasabi niya.

Hindi na niya pinansin na WALANG KINALAMAN sa PANANAMPALATAYA ang mga "pagbabago" na iyon.

Ang mahalaga kay Ehrman ay NAPAHIYA SIYA dahil MALI ang naging PANINIWALA NIYA.

At sa halip na BAGUHIN at ITUWID ang MALING UNAWA ay TINALIKURAN na lang niya ang DIYOS na NAGBIBIGAY sa kanya ng KALIGTASAN.

Iyan po ang MALUNGKOT na KUWENTO ng mga BORN AGAIN na NATATALIKOD kay KRISTO.

PATI KALIGTASAN ay TINALIKURAN na NILA dahil NAPAHIYA SILA kaugnay sa mga MALI NILANG PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

Bible scholar inatake ang Bible? (4)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


ITULOY po natin ang pagtalakay sa sinasabi ng librong isinulat ni BART D. EHRMAN, isang DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN na umayaw na sa Kristiyanismo dahil daw sa mga "mali" na pumasok sa mga MANUSKRITO ng BIBLIYA.

Ang pamagat ng libro ni Ehrman ay MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Sa nakaraang mga artikulo ay nakita na natin ang KABABAWAN ng mga DAHILAN na ibinigay ni Ehrman para sa pag-ayaw niya sa KRISTIYANISMO.

Kesyo raw "maraming nabago" sa kopya ng MANUSKRITO o mga sinaunang kasulatan na pinagbabatayan ng BIBLIYA sa ngayon.

Pero tulad po ng nakita natin kahapon ay si EHRMAN mismo ang NAGPAKITA na MABABAW ang mga BATAYAN ng pagbabago niya ng isip dahil AYON MISMO sa KANYA ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS ang mga aniya ay "nabago" sa mga manuskrito.

Isa pa po, ALAM din ni Ehrman na mga HINDI SINASADYA ang mga "pagbabago" na sinabi niya.

At heto po ang pinakamatinding nagpapakita na MABABAW ang DAHILAN ni Ehrman sa pag-ayaw niya sa Kristiyanismo: HALOS LAHAT ng mga "PAGBABAGO" na sinasabi niyang pumasok sa mga manuskrito ay tungkol lamang sa NAGKAMALING SPELLING, NABAGO ang PAGKAKASUNOD ng mga SALITA at iba pang WALANG KABULUHAN na pagbabago na HINDI NAKAAPEKTO sa KATOTOHANAN na sinasabi ng BIBLIYA.

Sa madaling salita po ay PURO KABABAWAN ang sinasabi ni EHRMAN.

Ang masakit po niyan ay GINAGAMIT ng ilang BALIK ISLAM libro ni Ehrman para SIRAAN at ATAKIHIN na naman ang BIBLIYA.

WALA po kasing MAPATUNAYANG MALI itong mga BALIK ISLAM at WALA SILANG MAIPAKITANG KONTRA-KONTRA kaya pati KABABAWAN ng mga tulad ni EHRMAN ay PINAPATULAN na NILA.

Ang masakit po niyan ay MARAMI raw SILANG NAPAPANIWALA sa mga sinasabi nila LABAN sa BIBLIYA.

At hindi na po ako magtataka kung mayroon nga silang MAKUMBINSI.

NATITIYAK ko po na WALA rin GAANONG ALAM sa BIBLIYA ang mga NAKAKAUSAP nila.

Kung ang tulad po ni Ehrman na may KONTING ALAM sa Bibliya ay NANIWALA sa KABABAWAN NIYA, ano pa po kaya ang mga taong WALANG MALAY o KOKONTI ang ALAM sa BIBLIYA?

Actually, ang NAPAPANIWALA sa mga ATAKE NILA sa BIBLIYA ay mga KATULAD ni EHRMAN MAG-ISIP: Mga FUNDAMENTALIST o BORN AGAIN na may MALING UNAWA sa kung ANO ang BIBLIYA.

PASINTABI po sa mga BORN AGAIN dahil ang PAKILALA ni EHRMAN ay isa siyang BORN AGAIN.

Tulad po natin ay naniniwala rin si Ehrman noon na ang mga KASULATAN ay INSPIRED o INIHINGA ng DIYOS.

Sabi po sa 2 Timothy 3:16, "Ang lahat ng KASULATAN ay INIHINGA [o KINASIHAN] ng DIYOS at MAGAGAMIT sa PAGTUTURO, sa PAGSAWAY, sa PAGTUTUWID, at sa PAGSASANAY sa KATUWIRAN."

Ang MALI ay ang PAGKAUNAWA NIYA sa pagiging INSPIRED ng mga KASULATAN.

Sabi po niya sa Page 4 ng kanyang libro [lagyan natin ng emphasis], "the Bible was VERBALLY INSPIRED—down to its VERY WORDS."

Dagdag niya sa Page 5, "It was the WORDS of scriptures themselves that GOD HAD INSPIRED."

Ang PAGKAUNAWA po niya ay yung MGA SALITA ang KINASIHAN ng DIYOS. Kaya nga nung may nakita siyang NAGKAMALI ng SPELLING sa mga naunang kasulatan ay MALI na raw iyon.

Ang BABAW talaga.

HINDI po ang pagkaka-SPELL o ang pagkakaayos ng mga salita ang INSPIRED.

Ang INSPIRED po ng DIYOS ay ang mga KATOTOHANAN na INILALAHAD ng BIBLIYA kaugnay sa KALIGTASAN.

HINDI po porke NAGKAMALI sa pagkaka-SPELL sa isang salita ay NAWALA na ang KATOTOHANAN na SINASABI niyon.

HINDI po porke NAGKAMALI ang isang tagakopya ng kasulatan ay MALI na rin ang KATOTOHANAN ng KASULATAN.

NAPAKABABAW po ng PANANAW ni EHRMAN at ng PANINIWALA na NATUTUNAN niya mula nang ma-BORN AGAIN siya.

SORRY po pero iyan ang dahilan kung bakit MARAMI sa mga NAITATALIKOD sa KRISTIYANISMO ay mga BORN AGAIN na tulad ni Ehrman.

Bible scholar inatake ang Bible? (3)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nating POST ay inilabas po natin ang sinabi ng isa pang BIBLE SCHOLAR tungkol sa aklat na MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why na isinulat ni BART D. EHRMAN na isa rin daw scholar.

Sinabi ni Dr. DANIEL B. WALLACE na MALI ang UNAWA ni EHRMAN sa mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na matatagpuan sa ilang MANUSKRITO ng mga KASULATAN.

AKALA po kasi ni Ehrman na dahil may nakita siyang “pagbabago” o “pagkakaiba” sa ilang kopya ng MANUSKRITO ng BIBLIYA ay nabago na rin ang ARAL KRISTIYANO.

DIYAN po siya NAGKAMALI.

Para po lalo nating maunawaan iyan, maganda pong malaman natin na ang MANUSKRITO ay yung mga HANDWRITTEN o SULAT KAMAY na mga kopya ng mga AKLAT o SULAT sa Bibliya.

Bakit po sulat kamay?

Kasi po, noong unang panahon ay WALA pang mga COPYER o COMPUTER o PRINTER para MAKOPYA ang mga SULAT o LIBRO.

Para po MAPARAMI ang mga DOKUMENTO NOON ay KINOKOPYA iyan nang MANO-MANO.

Sinasabi po ni Ehrman na dahil sa MANO-MANONG PAGKOPYA “mistakes were commonly made in transcription” (p51) at “all kinds of changes were made in manuscripts by the scribes who copied them.” (p57)

Ayon pa sa kanya, ang ilan sa mga pagbabago ay “intentional” o sinadya. (p55)

Ang “mistake” at “intentional changes” na iyan ay nagbunga sa mga “PAGKAKAIBA” o VARIANT READINGS sa ilang MANUSKRISTO.

Iyan pong mga “mistake” at “sinadya” na “pagbabago” sa mga nakasulat ang sinabi ni Ehrman na naging dahilan para magkaroon ng “change” sa kanyang mga PANINIWALA bilang BORN AGAIN at FUNDAMENTALIST.

Eventually, umalis siya bilang Kristiyano.

At diyan po ako NAGDUDA kay EHRMAN, lalo na nung binabasa ko na ang kanyang libro.

Bakit tinalikuran niya ang pagiging Kristiyano? Ano ang MABIGAT na DAHILAN?

WALA po. At iyan ay ayon po mismo sa libro ni Ehrman.

Siya po kasi mismo ang UMAMIN na ang mga “pagbabago” sa mga kasulatan ay WALANG KINALAMAN sa PANINIWALA sa DIYOS o sa KAISIPAN ng tao.

Sabi niya sa p55, (lalagyan po natin ng EMPHASIS] “IN FACT, MOST of the CHANGES found in our early CHRISTIAN MANUSCRIPTS HAVE NOTHING TO DO with THEOLOGY and IDEOLOGY.”

WALA palang KINALAMAN sa THEOLOGY at IDEOLOGY yung mga “pagbabago.” So, BAKIT NAGBAGO ang ISIP niya tungkol sa RELIHIYON?

Heto pa po ang nagbibigay DUDA sa ISIP natin kaugnay sa TAKBO ng UTAK ni EHRMAN.

Siya mismo ay NAKAKAALAM na HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na nakita niya.

Sabi pa rin niya sa p55, “MOST CHANGES are the result of MISTAKES, PURE and SIMPLE—SLIPS of the PEN, ACCIDENTAL OMISSIONS, INADVERTENT ADDITIONS, MISSPELLED WORDS, BLUNDERS of one sort or another.”

Kung HINDI SINASADYA ang mga “pagbabago” na sinasabi niya ay BAKIT SIYA NAGBAGO ng PANINIWALA?

Lumalabas na MABABAW ang mga dahilan ni EHRMAN.

At LALONG nagiging MABABAW dahil ayon sa ibang BIBLICAL SCHOLARS ang mga “pagbabago” sa mga MANUSKRITO ay HINDI TALAGA PAGBABAGO kundi PAGKAKAIBA lang ng PAGKAKASULAT, tulad nga ng pagkaka-SPELL.

Sa madaling salita po ay mga MINOR o WALANG KABULUHAN ang mga “pagbabago” na iyan.

Pero sa KABUOHAN ay PAREHO at WALANG PINAGBAGO sa SINASABI ng mga KASULATAN, sabi ng mga EKSPERTO.

Dahil diyan ay WALANG EPEKTO sa mga KASULATAN o sa ARAL KRISTIYANO ang mga “pagbabago” o “pagkakaiba” na nakita sa mga MANUSKRITO.

Sabi nga ng BIBLE EXPERT na si DR. WALLACE, “Only about 1% of the textual variants are both meaningful and viable.”

Sa Pilipino, “Mga 1% lang sa mga pagkakaiba sa mga teksto ang makahulugan at may katuturan.”

ISANG PORSIYENTO lang po ang “pagbabago” na MAY KABULUHAN. Ibig sabihin ay SOBRANG LIIT kaya WALANG EPEKTO sa NILALAMAN ng BIBLIYA.

Ibig sabihin din na 99 PORSIYENTO ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay TAMA.

So, ano po talaga ang dahilan at umayaw si Ehrman sa pagiging Kristiyano niya?

Ang simpleng sagot po ay PRIDE.

Nung na-“BORN AGAIN” po kasi si Ehrman ay nagkaroon siya ng MALING PAGKAUNAWA sa BIBLIYA.

At nung nagsimula siyang MAG-ARAL tungkol sa BIBLIYA ay NAKITA NIYA na MALI ang PINANIWALAAN NIYA at HINDI NIYA IYON MATANGGAP.

Sa susunod na post ay ipaliliwanag pa natin iyan.

Bible scholar inatake ang Bible? (2)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


SA SINUSUNDAN po nitong ARTIKULO ay inilabas natin ang panibagong taktika ng ilang BALIK ISLAM para SIRAAN ang BIBLIYA.

Tinukoy nga po natin ang paggamit nila sa libro na sinulat ng isang Amerikano na bible scholar.

Ang aklat po na iyan ay ang "MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why."

Isinulat po iyan ni Bart D. Ehrman, na ayon sa pagbasa natin sa librong isinulat niya ay isang DISGRUNTLED o DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN.

Sa isang tingin pa lang po natin sa pamagat ng aklat ni Ehrman ay maaring masindak tayo.

Maitatanong natin, "Ano? Binago ang Bibliya? Totoo ba ito?"

Ang isa pong tiyak ko ay TUWANG-TUWA ang ilang UMAATAKE sa BIBLIYA dahil sa AKALA NILA ay nakakita sila ng isa na namang "BALA" laban sa BIBLE.

Iniisip po nila na isang BIBLE SCHOLAR ang nakakita at nagpapatunay na "binago" na ang mga laman ng Bible.

Para sa kanila, ibinibigay ni Ehrman ang "patunay" na "corrupted" nga ang BIBLE.

At dahil pa raw po sa mga nakita ni Ehrman na "mistakes and changes" sa Bibliya ay itinakwil pa nitong Bible scholar ang pagiging Kristiyano niya.

Grabe! Ganoon ba kabigat ang "corruption" ng Bible na umayaw pa ang isang Bible scholar sa paniniwala niya bilang Kristiyano?

Minsan po ay NATATAWA na lang ako sa pagiging DESPERADO ng ilang BALIK ISLAM na maipakita na "bulok" ang Bibliya.

SINIBASIB nila at ISINUBO nang BUO ang mga sinabi ni Ehrman na hindi man lang tinitingnan kung tama ang mga ito.

Basta makakasira sa Bibliya kahit MALI ay PUWEDE NA.

NAKALALUNGKOT po na ganyan po kasi ang naging attitude nila dahil HINDI NILA MASIRA nang HUSTO ang BIBLE.

HINDI nila tiningnan kung may HALO na PANDARAYA sa aklat ni Ehrman.

Halimbawa po, ang pamagat ng libro ay MISQUOTING JESUS, ibig sabihin po ay "minali" raw ang mga SALITA ni HESUS.

Pero kung BABASAHIN po ninyo ang libro ay WALA pong IPINAKITA roon si EHRMAN na mga SALITA ni HESUS na MINALI sa BIBLIYA.

Alam ko po iyan dahil MAYROON po akong KOPYA ng LIBRO na iyan.

BINILI ko po iyan sa NATIONAL BOOKSTORE sa GLORIETTA, MAKATI, SEPTEMBER 2008. Ang halaga niyan noon ay P1,085.

AKALA po ng mga BALIK ISLAM na nag-text sa akin at ginagamit yang aklat na iyan ay WALA akong LIBRO kaya INISIP NILA na HINDI KO MABI-VERIFY ang sinasabi nila.

Well, SORRY na lang po sila dahil NABUKO ang kanilang PAKULO.

Anyway, ang HINDI ALAM ng mga napaniwala ni Ehrman ay MINALIIT ng iba pang BIBLE SCHOLARS ang mga sinabi ng kanyang libro.

Isa po riyan si Dr. Daniel B. Wallace, isang EKSPERTO sa wikang GRIEGO at sa PAG-AARAL sa NEW TESTAMENT, na gumawa ng review sa aklat ni Ehrman na mababasa website na 4000#P33_10553">4000#P33_10553">http://www.bible.org/page.php?page_id>4000#P33_10553

Sabi ni Wallace, "[H]is [Ehrman’s] treatment of major theological changes in the text of the NT tends to fall under one of two criticisms: Either his textual decisions are wrong, or his interpretation is wrong."

Sabi po ng EKSPERTO sa wikang GREEK at sa NEW TESTAMENT, DALAWA LANG ang MASASABI kaugnay sa mga binanggit ni Ehrman na mga "pagbabago" sa teksto sa Bagong Tipan: Una, ay MALI ang kanyang mga PASYA sa mga TEKSTO, o pangalawa, ay MALI ang INTERPRETASYON NIYA sa mga ito.

Sa madaling salita po, AYON sa EKSPERTO, MALI ang UNAWA ni Ehrman sa mga tinukoy niyang "pagbabago" sa Bibliya.

At kung pupuntahan po ninyo ang mga sinabi ni Wallace sa Internet ay MAKIKITA ninyo ang mga KAMALIAN ni EHRMAN.

Tila NANGHIHINAYANG pa nga po si Wallace dahil mukhang ginawa lang ang libro para maging MABENTA ito at HINDI para MAGLAHAD ng KATOTOHANAN.

Maisa-suggest ko po na BASAHIN NINYO ang IBA pang REVIEW sa libro ni Ehrman at makikita ninyo na WALANG NANIWALA sa kanya kundi mga WALANG MALAY sa KATOTOHANAN at yung gusto lang MANIRA sa BIBLIYA.

Bible scholar inatake ang Bible? (1)

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po.


ISA pong pangkaraniwang IPINANG-AATAKE ng ilang BALIK ISLAM sa BIBLIYA ay ang anila ay "corruption" na nangyari na sa BANAL na KASULATAN.

Pero MAGANDA rin po na TINI-TEXT TAYO ng isang BALIK ISLAM at PINADADALHAN ng mga PANINIRA sa BIBLIYA dahil NAGAGAWA po NATING SAGUTIN at IPALIWANAG ang mga ATAKE NILA.

Mayroon din po tayong natututunan sa mga sinasabi at ginagawa nila.

Isa na riyan ay nung padalhan nila tayo ng impormasyon na inimbitahan sila ng isang pari sa Lucena City para magsalita sa mga seminarista ng St. Alphonsus Regional Seminary kaugnay sa pananampalatayang Muslim.

WALANG MASAMA at NAKABUBUTI pa nga ang PAGPAPALIWANAG ng mga MUSLIM kaugnay sa kanilang paniniwala.

Ako nga po ay MARAMI na ang NATUTUNAN kaugnay sa mga sinasabi ng ilang BALIK ISLAM, partikular sa HINDI TAMANG SINASABI NILA LABAN sa BIBLIYA.

Isa po sa mga MAHALAGANG NATUTUNAN ko ay HINDI DAPAT PANIWALAAN ang mga SINASABI NILA LABAN sa BIBLIYA.

Sinasabi kasi nila na kesyo may kontra-kontra raw po sa BIBLE, kesyo corrupted na raw po ito, at kesyo mayroon daw po itong itinuturo na kalaswaan.

Sa una po ay MAG-IISIP kayo kung tama o totoo ang mga sinasabi nila. Kasi po ay WALA pa tayong KARANASAN sa kanilang mga ATAKE nila sa BIBLE.

Pero tulad ng GINAWA na NATIN DITO ay nung SINURI at PINAG-ARALAN ko po ang mga SINASABI NILA ay NAKITA natin na MALI po at WALANG BATAYAN ang kanilang paniniwala laban sa BIBLIYA.

NAPATUNAYAN ko rin po na WALANG KONTRA-KONTRA sa BIBLIYA, HINDI TOTOO na CORRUPTED ito at LALONG WALANG ITINUTURO na KALASWAAN.

Nakita ko po na ang sinasabi nila ay OUT OF CONTEXT o BUNGA ng KAWALAN ng ALAM sa HISTORY ng BIBLE at ng KRISTIYANISMO.

Pero ngayon ay may BAGO po silang ginagamit laban sa Bible, ang librong MISQUOTING JESUS: The Story Behind Who Changed the Bible and Why.

Isinulat po iyan ni Bart D. Ehrman, isa raw Bible scholar pero ang totoo ay isang DISGRUNTLED o DISMAYADONG BORN AGAIN CHRISTIAN.

Heto po ang sabi ng BALIK ISLAM na nag-text sa atin, "Have you read the book of Mr Bart D. Ehrman, an American Bible scholar, titled Misquoting Jesus and the story behind who changed the Bible and why? And how mistakes and changes shaped the Bible we read today?"

"The guy is a Bible scholar but after years of studies from the Bible, he don’t want to be called Christian anymore!"

"Why? You find out you moron! Mag-research ka!"

Naku! May "bible scholar" daw po na nagsabi na ang Bible natin ay nahubog ng "mistakes and changes."

At kung titingnan nga naman po natin ang title ng libro ni Ehrman ay tila nakakasindak: "The Story Behind Who Changed the Bible and Why?"

Grabe. "BINAGO" raw po ang BIBLIYA.

IDINIIN pa ng BALIK ISLAM na NASA LIBRO pa ni Ehrman na ITINAKWIL na niya ang CHRISTIANITY dahil sa mga pagbabago rito.

TOTOO ba ito?

Paki sundan po sa mga susunod na POST.

Salamat po.