Showing posts with label Hesus: Ginawang perfect ang aral. Show all posts
Showing posts with label Hesus: Ginawang perfect ang aral. Show all posts

Monday, August 24, 2009

Kristo may karapatan ba baguhin ang aral?

MAGANDA po ang TANONG ng BALIK ISLAM:
"Anong karapatan meron si Jesu-Kristo para BAgohin ang mga kautusan mga kaibigan? meron po ba?."

CENON BIBE:
Ang KARAPATAN NIYA ay nakaugat sa KANYANG pagiging DIYOS.

Si HESUS ay DIYOS na NAGKATAWANG TAO kaya MAY KARAPATAN SIYANG BAGUHIN ang mga BATAS na SIYA RIN ang GUMAWA NOONG SINAUNA.

Sa panahon po ng LUMANG TIPAN ay IMPERFECT ang PAGKAKILALA ng mga TAO sa DIYOS kaya KINAUSAP SILA at PINAKITUNGUHAN ng DIYOS AYON sa IMPERFECT NILANG PAGKAKAALAM.

Noong MAGKATAWANG TAO ang DIYOS sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS ay NAGING PERFECT ang KANILANG KAALAMAN sa DIYOS kaya LUBOS at GANAP na rin po ang PAGKAKAALAM at PAGKAKAUNAWA NILA sa KALOOBAN ng DIYOS.

Pansinin po natin ang PAGBABAGO na GINAWA ng PANGINOONG HESUS sa mga BATAS at KAUTUSAN na IBINIGAY noong SINAUNA.

Sa Matthew 5:21 ay sinabi NIYA:
"You have heard that it was said to your ancestors, 'You shall not kill; and whoever kills will be liable to judgment.'

Diyan ay TINUKOY ni HESUS ang KAUTUSAN sa LUMANG TIPAN.

Sa Mt5:22 ay BINAGO NIYA ang KAUTUSAN na IYAN. Sabi Niya:
"But I SAY TO YOU, whoever is angry with his brother will be liable to judgment, and whoever says to his brother, 'Raqa,' will be answerable to the Sanhedrin, and whoever says, 'You fool,' will be liable to fiery Gehenna."

NAKITA po NINYO? PINALITAN na ng DIYOS ang KANYANG UTOS dahil GINAWA na NIYANG PERFECT ang KAUTUSAN.

Ganyan din po ang GINAWA ng PANGINOONG DIYOS sa ilan pang KAUTUSAN mula sa LUMANG TIPAN: GINAWA NIYANG PERPEKTO o BINAGO NIYA upang MAGING GANAP ang mga KAUTUSAN.

Mababasa po natin ang pag-PERFECT ni HESUS sa mga KAUTUSAN sa Mt5:27-30 (ADULTERY), Mt5:31-32 (PAGHIHIWALAY), Mt5:33-37 (PANUNUMPA), Mt5:38-42 (PAGHIHIGANTI), Mt5:43-48 (PAGMAMAHAL SA KAPWA).

Kahit nga po ang PAGSUNOD sa ARAW ng SABBATH (Mt12:1-8) ay BINAGO at GINAWANG PERFECT ng PANGINOONG HESUS.

Sa verse 8 ay SINABI ng PANGINOONG HESUS:
"For the Son of Man is Lord of the Sabbath."

SINO po ba ang PANGINOON ng SABBATH noong UNA ITONG IPAHAYAG sa TAO?

Ang PANGINOONG DIYOS. (Exodus 16:23)

So diyan po sa Mt12:8 ay NAGPAPAKILALA ang PANGINOONG HESUS na SIYA ang DIYOS na NAGTAKDA ng SABBATH kaya PUWEDE NIYANG BAGUHIN at GAWING PERPEKTO ang KAUTUSAN UKOL DIYAN.

HINDI lang po IYAN NAINTINDIHAN nitong BALIK ISLAM KAYA SIYA TUMALIKOD sa PANGINOONG DIYOS.

Kaya naman po ngayon ay IBINIBILAD NIYA RITO ang KANYANG KAMANGMANGAN sa KATOTOHANAN.

Pero may HIRIT pa po itong BALIK ISLAM na NATUTO nang MAGMURA mula nang TUMALIKOD siya kay KRISTO.

Sabi nitong BALIK ISLAM:
"ang sabi ni Kristo mga kaibigan; kahit Tuldok wala syang babagohin sa mga Kautosan! eh Ipatutupad pa nga eh!"

CENON BIBE:
Muli po ay NAGBILAD ng KAWALAN ng UNAWA itong BALIK ISLAM

Sa Mt5:17-18 ay sinabi ng PANGINOONG HESUS:
"Do not think that I have come to abolish the law or the prophets. I have come not to abolish BUT TO FULFILL."

"Amen, I say to you, until heaven and earth pass away, not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, until all things have taken place. "

Ayon po sa MALING AKALA nitong PALAMURANG BALIK ISLAM ay HINDING-HINDI NA BABAGUHIN ng DIYOS ang mga UTOS NIYA na nasa LUMANG TIPAN. Sabi nga naman po riyan ay "not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law."

Ang kaso po ay KULANG-KULANG MAGBASA itong BALIK ISLAM na NAGMUMURA sa atin e.

SINABI po ba ng PANGINOON na HINDING-HINDI MABABAGO ang mga KAUTUSAN?

WALA po NIYAN.

Bagkus ang sinabi ng PANGINOON ay "not the smallest letter or the smallest part of a letter will pass from the law, UNTIL ALL THINGS HAVE TAKEN PLACE."

MAY KATULOY pa po pala yan na "UNTIL ALL THINGS HAVE TAKEN PLACE."

Ibig sabihin, KAPAG NAGANAP NA ang LAHAT ng DAPAT MAGANAP ay MABABAGO NA ang mga KAUTUSAN.

Ang mga DAPAT MAGANAP ay ang PAG-FULFILL ni HESUS sa mga PAHAYAG sa LUMANG TIPAN.

Anu-ano po iyan?

Ang PAGPAPAKASAKIT na DAPAT NIYANG PAGDAANAN (Isaiah 53) at ang PAGKABUHAY NIYANG MULI (Psalm 16:9-11)

Ang pinakaKAGANAPAN ng LAHAT ng BAGAY ay ang PAG-UPO ng PANGINOONG HESUS sa KANAN ng KANYANG AMA sa LANGIT.

Sa puntong iyan ay GAGAWIN NANG BAGO ang LAHAT.

Sabi ng PANGINOONG HESUS sa Matthew 19:28:
"I tell you the truth, at the RENEWAL OF ALL THINGS, when the Son of Man sits on his glorious throne, you who have followed me will also sit on twelve thrones, judging the twelve tribes of Israel."

Noong NATAPOS NA ang LAHAT ng DAPAT MANGYARI ay BINAGO NA ng DIYOS ang LAHAT ng BAGAY. KASAMA nang BINAGO ang mga KAUTUSAN na IBINIGAY sa LUMANG TIPAN.

PURIHIN si KRISTO! PURIHIN ang DIYOS!

Kristiyanismo: Perfect ang Aral

SA PAG-UUSAP po namin nitong BALIK ISLAM ay SINABI ko sa KANYA na:
"Kaya mga po sa KRISTIYANISMO ay INALIS NA ang mga LUMANG KAUTUSAN na HINDI PERFECT."

Kaya heto po ang sagot ng BALIK ISLAM na IKINAHIHIYA NA ang MATAWAG na BALIK ISLAM.

Sabi niya:
"Kautusan na NAnggagaling sa Bibliya at Dios na syang Ipapatupad ni Jesu-Kristo ayon sa Matthew 5:17-18 Hindi PerFect? isang malaking kasinungalingan po ito mula kay Mr. Bible Expert Cenon BIbe mga kaibigan, ang sabi po nitong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan INALIS na DAW po! ang alin? ito ang sabi nitong si Mr. Cenon Bibe; "INALIS NA ang mga LUMANG KAUTUSAN [Old Testament?] na HINDI PERFECT" kabilang po siguro sa hindi PERFECT ay ang Leviticus 15:19-24 sapul na sapul po kasi ang kamangmangan at Katanganhan nya dyan mga kaibigan eh, so from 73 books of the Bible ngayon eh 66 books na lamang? ganon po kaya iyon? so sa Makatwid mga kaibigan tuwirang Pag-aamin ito ni Mr. Cenon Bibe na mas Perfect daw po 66 books of the Bible kay sa ginagamit nyang 73 books? iyon po ba ang ibig nyang sabihin mga kaibigan? so itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan tandaan po ninyo wala na daw po'ng bisa para sa kanya o kanila ang mga LUmang Tipan or Old Testament; tandaan nyo po iyan mga kaibigan. ang mga lumang tipan daw po o ang mga Old Testament ay hindi daw po PerFect sa kanya nasupalpal po kasi sya ng Leviticus 15:19-24
at sa Bibliya nya mismo nanggagaling ang deklarasyon po na iyan! kaya hindi na po Perfect para sa kanya ang mga Old Testament! tingin nyo po anong klaseng Tao itong si Mr. Cenon Bibe mga kaibigan? na ultimong sarili nyang Bibliya ay Pinupulaan! at tinatawag pa po'ng hindi PERFECT! anong klaseng Kristyano po kaya itong si Mr. cenon Bibe mga kaibigan? nagtatanong lamang po."

CENON BIBE:
MASYADO pong IPINAKIKITA nitong BALIK ISLAM na WALA SIYANG ALAM sa BIBLIYA at sa KRISTIYANISMO.

Ang BIBLIYA ay KASAYSAYAN ng PAGLILIGTAS ng DIYOS MULA pa NOONG UNA.

Ang LUMANG TIPAN ay TUMATALAKAY sa LUMANG KALAGAYAN ng TAO kung kailan HINDI PA GANAP ang PAGKAKILALA NILA sa DIYOS.

Dahil HINDI GANAP ang PAGKAKILALA NILA sa DIYOS ay HINDI NILA LUBOS na NAUUNAWAAN ang KALOOBAN ng PANGINOON.

Kung PAG-AARALAN po natin ang LUMANG TIPAN ay MAKIKITA natin na HINDI DIREKTANG KINAUSAP ng DIYOS ang LAHAT ng TAO.

Ang mga ARAL ay DIREKTANG GALING pa rin sa DIYOS pero IDINADAAN NIYA sa mga PROPETA.

Para LUBOS na MAUNAWAAN ng TAO ang KALOOBAN ng DIYOS ay NAGKATAWANG TAO SIYA sa PERSONA ng PANGINOONG HESUS at SIYA MISMO ang NANGARAL sa TAO.

Ang isang BUNGA po ng PAGKAKATAWANG TAO at PERSONAL na PANGANGARAL ng DIYOS sa TAO ay NAGING GANAP ang PAGKAKAALAM ng mga TAO sa KALOOBAN ng DIYOS ... Iyan na po ang KAGANAPAN at PERFECTION ng FAITH, ang KRISTIYANISMO.

Kaya mga po sa KRISTIYANISMO ay INALIS NA ang mga LUMANG KAUTUSAN na HINDI PERFECT.

Halimbawa po ng HINDI PERFECT na ARAL ay ang PAGBABAWAL sa DUGO at sa PAGKAIN ng BABOY. (Leviticus 15:19-24 at Lev 11:7)

Ang Lev15:19-24 ay KINOPYA at KINORAP ng mga SKOLAR na PINANINIWALAAN nitong TUMALIKOD kay KRISTO at GINAWANG PANLAMANG at PANLALAIT sa KABABAIHAN.

Sa BIBLIYA, ang sinasabi ng Lev15:19-24 ay ganito:
"When a woman has her menstrual flow, she shall be in a state of impurity for seven days. Anyone who touches her shall be unclean until evening."

MALINAW po riyan na ang pagkakaroon ng MENSTRUATION ay isang "STATE OF IMPURITY."

HINDI po ang MENSTRUATION ang IMPURE kundi ang KALAGAYAN kapag MAYROON niyon ang BABAE.

Sa INTERPRETASYON na GINAWA NI MUHAMMAD PICKTHAL ay GINAWA NIYANG SAKIT ang MENSTRUATION.

Sabi niya sa INTERPRETASYON NIYA sa S2:222:
"They question thee (O Muhammad) concerning menstruation. Say: It is an ILLNESS, so let women alone at such times and go not in unto them till they are cleansed..."

Ano po ang IBIG SABIHIN NIYAN?

Kung ang BUWANANG DALAW ng BABAE ay ISANG SAKIT.

At dahil ang MENSTRUATION ay isang SAKIT, ANO po ang BABAE?

E di MAY SAKIT.

Sa INTERPRETASYON naman po ni ABDULLAH YUSUF ALI ay ganito ang PAGDARAGDAG NIYA sa sinasabi ng Lev15:19-24:
"They ask thee concerning women's courses. Say: They are a HURT and a POLLUTION: So keep away from women in their courses, and do not approach them until they are clean."

Nakita po ba ninyo?

HINDI na yung KALAGAYAN ang TINUTUMBOK kundi YUN MISMONG MENSTRUATION na NORMAL at LIKAS sa ISANG BABAE.

At MALALA pa po. Kung sa BIBLIYA ay HINDI LANG MALINIS (IMPURE) ang MENSTRUATION, ito po ay GINAWANG "SAKIT" at "KARUMIHAN" na nitong si YUSUF ALI.

Ngayon, ALAM naman po natin na HINDI SAKIT at HINDI KARUMIHAN ang BUWANANG DALAW ng BABAE.

Pero IYAN ang ITINUTURO ng mga SKOLAR na GABAY nitong TUMALIKOD kay KRISTO.

NOONG PANAHON ng LUMANG TIPAN ay ITINURING ng mga na "STATE OF IMPURITY" o HINDI PURO ang KALAGAYAN. At iyan po ay isang IMPERFECT na PANINIWALA.

At dahil HINDI PERFECT ang PANINIWALA ng DIYOS ay NAGBIGAY SIYA ng KAUTUSAN na kapag ang BABAE ay nasa "IMPURE" na KALAGAYAN ay HUWAG MUNA SIYANG SISIPINGAN ng LALAKE, isang bagay na TAMA LANG.

COMMON SENSE naman po talaga na ang BABAENG may MENSTRUATION ay MASASABING HINDI KALINISAN ang KALAGAYAN. "MESSY" naman po kasi ang KALAGAYAN ng MAY MENSTRUATION.

Pero dahil marahil ALAM ng DIYOS na IKOKORAP ng ILANG SKOLAR ang SINABI NIYA sa Lev15:19-24 ay INALIS na NIYA IYON kasama pa ng MARAMING IMPERFECT na KAUTUSAN noong MAGKATAWANG TAO ang PANGINOONG HESUS.

Ang IMPERFECT na mga ARAL ay PINALITAN na po ng mga PERFECT na ARAL.

KAYA po TAYONG MGA KRISTIYANO ay NAMUMUHAY NA sa PERFECT RELIGION.

Samantala, ito po palang BALIK ISLAM ay BUMALIK sa IMPERFECT KNOWLEDGE of GOD kaya nga BUMALIK pa SIYA sa LUMA at INALIS NANG KAUTUSAN.

Kaya ANO PO ang RESULTA ng PAGBALIK NIYA sa IMPERFECT na ARAL?

NIYAKAP NIYA ang ARAL ng mga SKOLAR na MUSLIM na NANLALAMANG at NAGMAMALIIT sa mga KABABAIHAN.

Iyan po ba ang KAHULUGAN ng pagba-BALIK ISLAM? Ang PAGBALIK sa IMPERFECT na PAGKAUNAWA sa KALOOBAN ng DIYOS?

NAGTATANONG lang po TAYO.