Showing posts with label Tuli: Hindi kasama ang Muslim. Show all posts
Showing posts with label Tuli: Hindi kasama ang Muslim. Show all posts

Saturday, April 21, 2018

Gen 17:23 Ismael tinuli kaya Muslim kasama sa tuli?

NAPAKITA natin na si Ismael ay hindi kasama sa lahi ni Abraham.

Bagama't naging anak sa laman, si Ismael ay pinalayas ng Diyos at inalis sa lahi ni Abraham. (Genesis 21:12)

Dahil si Ismael ay inalis sa lahi ni Abraham, hindi pwedeng sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi na saklaw ng tipan ng tuli.

Ang tipan ng tuli kasi ay ibinigay lang sa mga kalahi ni Abraham at maging sa mga alipin at kasambahay nila. (Genesis 17:7, 9-14)

+++

Sa kabila niyan, mapilit pa rin ang ilang Muslim na kasama sila sa tipan dahil si Ismael ay nauna pa raw tinuli matapos ibigay ng Diyos ang tipan kay Abraham sa Genesis 17:7.

Sa Genesis 17:23-26 daw ay mababasa na tinuli si Ismael.

Ginagamit nila ang tuli na iyan para kutyain ang mga Kristiyano na sinasabi nilang hindi sumusunod sa tipan ng Diyos.

Ang tanong ay sapat bang batayan ang pagtuli kay Ismael para sabihin ng mga Muslim na kasama rin sila sa lahi ni Abraham at kasama sa dapat tuliin?

Hindi.

+++

Tinuli ni Abraham si Ismael ayon sa Genesis 17:23-27.

Genesis 17:23
At ipinagsama ni Abraham si Ismael, na kanyang anak, at ang lahat na ipinanganak sa kanyang bahay, at ang lahat ng alipin na binili niya ng kanyang salapi, ang lahat ng lalake sa mga lalaking kasambahay ni Abraham, at tinuli ang lamang ng kanilang balat ng araw ding yon, ayon sa sinabi ng Diyos sa kanya.

Ayon sa talata, ang patutuli kay Ismael ay "ayon sa sinabi ng Diyos" kay Abraham.

Mababasa natin yan sa Genesis 17:13 kung saan iniutos ng Diyos ang pagtutuli sa lahat ng kalalakihan sa lahi at sambahayan ni Abraham.

Genesis 17:13
Ang ipinanganak sa bahay at ang alipin na binili ng iyong salapi, ay dapat tuliin: at ang aking tipan ay sasa iyong laman na pinakatipang walang hanggan.

Dahil si Ismael ay ipinanganak sa bahay ni Abraham ay kinailangan siyang tuliin.

At hindi lang siya ipinanganak sa bahay ni Abraham. Si Ismael ay alipin din dahil ang nanay niyang si Hagar ay alipin ni Abraham at ng asawa niyang si Sarah.

So, sumunod lang si Abraham sa utos ng Diyos dahil Diyos ang magsasabi kung sino man ang kasama o hindi kasama sa Kanyang tipan.

Dahil diyan, pwedeng-pwede ring alisin ng Diyos sa tipan ang sino mang gusto Niyang alisin.

Sa Genesis 21:12 ay inalis nga ng Diyos si Ismael sa tipan ng tuli matapos siyang alisin ng Maykapal sa lahi ni Abraham.

Genesis 21:12
At sinabi ng Diyos kay Abraham, 'Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat ng sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kanyang tinig, sapagkat kay Isaac tatawagin ang iyong lahi.'

Ang tinutukoy diyan ng Diyos ay ang papapalayas ni Sara kay Ismael at sa nanay niyang alipin na si Hagar. (Genesis 17:10)

Sabi ng Diyos sa Genesis 21:12 ay pakinggan ni Abraham ang tinig ni Sara na nagpapalayas sa mga aliping sina Ismael at Hagar.

Sa madaling salita ay binale wala ng Diyos ang tuli na tinanggap ni Ismael sa Genesis 17:23-27. Inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at kasama roon ay ang bisa ng tuli na ibinigay sa kanya.

Mapapansin din na mismong pagiging anak sa laman ni Ismael ay binale wala ng Diyos. Ayon sa Diyos, si Ismael ay "alipin" ni Abraham.

Kung sa mata at pamantayan ng tao ay anak ni Abraham si Ismael, para sa Diyos, si Ismael ay alipin lang ni Abraham. At ang pagbalewala ng Diyos kay Ismael ay tinuldukan ng Maykapal noong igiit Niya na "kay Isaac tatawagin" ang lahi ni Abraham.

Sa pananaw na pantao o panglupa, dapat kay Ismael tawagin ang lahi ni Abraham dahil siya ang "panganay." Pero dahil hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay walang bisa ang pagiging "panganay" niya. Wala ngang bisa ang panglupang pagiging anak niya at inalis pa siya ng Diyos sa lahi ni Abraham.

+++

So, sorry na lang sa mga naniniwala na kasama sila sa tipan ng tuli dahil natuli rin ang ninuno nilang si Ismael.

Dahil inalis ng Diyos si Ismael sa lahi ni Abraham at inalis sa tipan ng tuli, inalis na rin ng Diyos sa lahi ni Abraham at sa tipan ng tuli ang lahat ng kalahi ni Ismael.

Diyan natin makikita na walang batayan ang sinasabi ng ilang Muslim na kasama pa sila sa tipan ng tuli dahil tinuli si Ismael -- at nauna pa ngang tuliin.

Nagkakamali sila kung inaakala nilang unahan ang tipan at tuli. Hindi mahalaga kung sino ang nauna o nahuli. Ang mahalaga ay kung tinatanggap ng Diyos ang isang tao o isang lahi sa tipan na Kanyang ibinigay kay Abraham.

Monday, December 11, 2017

Ismael at Muslim hindi kasama sa lahi ng tipan ng tuli

KINUKUTYA ng ilang Muslim ang mga Kristiyano dahil hindi raw tuli ang mga ito.

Bawal daw kasi sa mga Kristiyano ang magpatuli ayon sa Galatians 5:2-4.

Samantala, ipinagmamalaki ng mga Muslim na sila ay tuli. Sumusunod daw sila sa tipan ng Diyos kay Abraham, ayon sa Genesis 17:7-13.

Anila, tinuli ang ninuno nilang si Ismael (Gen 17:23-26) kaya kasama na rin daw sila sa tipan ng tuli. Kalahi daw kasi sila ni Ismael.

Ang problema ay mali ang paniniwala ng mga Muslim.

+++

Sa Gen 17:7, sinabi ng Diyos na itatatag Niya ang Kanyang tipan kay Abraham at sa kanyang lahi.


GENESIS 17:7
At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo.

Akala ng mga Muslim ay ang ninuno nilang si Ismael ang tinutukoy na "lahi" ni Abraham.

Mali ang Muslim. Hindi si Ismael ang kalahi ni Abraham na magiging katuparan ng tipan ng tuli.

Sa Gen 17:21 ay sinabi ng Diyos na kay Isaac na anak ni Abraham itatatag o pagtitibayin ang tipan. Hindi kay Ismael.


GENESIS 17:21 
Ngunit ang aking tipan ay pagtitibayin ko kay Isaac na iaanak sa iyo ni Sara, sa tadhanang araw, sa taong darating.

Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham.

Sa Gen 21:12, sinabi ng Diyos na ang lahi ni Abraham ay kikilalanin kay Isaac. 


GENESIS 21:12
At sinabi ng Dios kay Abraham, Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong alipin; sa lahat na sabihin sa iyo ni Sara, ay makinig ka sa kaniyang tinig, sapagka't KAY ISAAC TATAWAGIN ang IYONG LAHI.

Kay Isaac kikilalanin ang lahi ni Abraham at hindi isinama ng Diyos si Ismael sa kanyang lahi.

Kaya paano sasabihin ng mga Muslim na kasama sila sa tipan ng tuli kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang kasama sa lahi ni Abraham?

Maling-mali ang Muslim.

+++

Ang pinakamasakit, hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ayon sa Diyos, si Ismael ay isa lang "alipin." At dahil diyan ay naging madali sa Diyos na palayasin si Ismael at ang nanay niyang si Hagar, na isa ring alipin. (Gen 21:10-12)

Pansinin na sa Gen 21:12 ay sinabi ng Diyos kay Abraham: "Huwag mong mabigatin ito sa iyong paningin dahil sa iyong ALIPIN."

Sa pananaw na panlupa, si Ismael ay anak ni Abraham. Pero sa pananaw ng Diyos na nagbigay ng tipan ng tuli, si Ismael ay hindi anak kundi isa lang "alipin" ni Abraham.

+++

Isang katibayan na hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham ay idineklara ng Maykapal sa Gen 22:2 na si Isaac ang "nag-iisang anak" ni Abraham.


GENESIS 22:2
At sinabi ng Diyos, Kunin mo ngayon ang iyong anak, ang iyong BUGTONG NA ANAK na si ISAAC, na iyong minamahal at pumaroon ka sa lupain ng Moria; at ihain mo siya roong handog na susunugin sa ibabaw ng isa sa mga bundok na aking sasabihin sa iyo.

Para sa Diyos ay bugtong na anak si Isaac. Siya ay nag-iisang anak ni Abraham.

Sa mata ng tao, panganay na anak si Ismael pero sa mata ng Diyos ay walang lugar at walang karapatan si Ismael na matawag na "anak" ni Abraham.

Katunayan, sa simula pa lang ay itinuring nang patay ng Diyos si Ismael.


GENESIS 17:18-19
At sinabi ni Abraham sa Diyos, Kahimanawari, si Ismael ay mabuhay sa harapan mo!
At sinabi ng Dios, HINDI.

So, sorry na lang sa mga Muslim. Walang batayan ang kanilang ipinagmamalaki. Hindi kasama si Ismael sa lahi ni Abraham kaya walang dahilan para sabihin na kasama sila sa tipan ng tuli.

Lumalabas na walang saysay at walang silbi ang ipinagmamalaking tuli ng mga Muslim. Nagsasayang lang sila ng pagod.

Tuesday, October 18, 2016

Tuli: Muslim hindi kasama sa tipan kay Abraham

Muslim kasama sa tuli?
Nagpupumilit ang Muslim na kasama sila sa tuli o tipan ng Diyos kay Abraham.
Mali po ang Muslim. Hindi kasama ang Muslim sa tipan ng Diyos kay Abraham.
Ayon sa Diyos, ang ninuno ng mga Muslim na si Ismael ay "hindi" kasama sa tipan. Ni hindi kinilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. (Genesis 17:18-19)
Sinabi rin ng Diyos na ang Kanyang tipan ay matutupad sa anak ni Abraham na si Isaac at sa mga anak ni Isaac. (Genesis 17:19)
So, umaasa po sa wala ang mga Muslim.
+++
NAG-POST po ang Muslim dito at ito ang kanyang sinabi:
"Ang pagtutuli ay isang COVENANT between God and Man
ito basa:

Gen 17:
9 And God said to Abraham, “As for you, you shall keep my covenant, you and your offspring after you throughout their generations. 
10 This is my covenant, which you shall keep, between me and you and your offspring after you: Every male among you shall be circumcised. 
11 You shall be circumcised in the flesh of your foreskins, and it shall be a sign of the covenant between me and you.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


9 Sinabi pa ng Diyos kay Abraham, “Ikaw at ang lahat ng susunod mong salinlahi ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa inyo ay tutuliin, 
11 at iyan ang magiging palatandaan ng ating tipan.


Gen 17:


26 In the selfsame day was Abraham circumcised, and Ishmael his son.
27 And all the men of his house, born in the house, and bought with money of the stranger, were circumcised with him.

SALIN SA TAGALOG ng MAUNAWAAN mo CENON,


26 Tinuli sila 'Abraham at Ishmael kanyang anak' sa parehong araw, 
27 at noon ding araw na iyon tinuli ang kanyang mga alipin.


So malinaw po na ang pagtutuli ay hindi lamang exclusibo sa kanila bagkus ito ay ipinapatutupad sa lahat na kalalakihan at sa kanilang salinlahi at kasama na pati mga Alipin dahil ito ay COVENANT Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao bilang pagkilala at pagsunod sa Dios!


+++
SAGOT SA MUSLIM:
Sinipi ng Muslim ang Genesis 17 para ipakita na ang tipan daw sa tuli ay "Tipan ng Dios at Tao na dapat isinasagawa ng Tao."
Pinalalabas ng Muslim na lahat ng tao ay kasama sa tipan ng Diyos at lahat ng lalake ay dapat tuliin.
Mali po siya.
Batay sa mismong sinipi ng Muslim sa Gen 17:9-10 ay para lang kay Abraham at sa kanyang angkan ang tipan.
Basa po tayo:
Genesis 17:9-10
And God said to ABRAHAM, “As for YOU, YOU shall keep my covenant, YOU and YOUR OFFSPRING after you throughout their generations. 10 This is my covenant, which YOU shall keep, BETWEEN ME AND YOU and YOUR OFFSPRING after you:
Sa Pilipino,
Henesis 17:9-10
9 Sinabi pa ng Diyos KAY ABRAHAM, “IKAW at ang lahat ng SUSUNOD MONG SALINLAHI ay dapat maging tapat sa ating kasunduan. 
10 Ganito ang inyong gagawin: lahat ng lalaki sa INYO ay tutuliin,


Kita po ninyo?
Malinaw na para lang kay Abraham at sa lahi niya ang tipan. Walang mababasa na lahat ng tao ang kasama. Walang sinabi na lahat ng lalake ay tutuliin.

+++
ISMAEL HINDI KINILALA NG DIYOS
Ang pag-angkin ng mga Muslim sa tuli ay nakaugat sa ninuno nilang si Ismael, ang anak ng aliping si Hagar.

Ayon sa mga Muslim, tinuli ni Abraham si Ismael (Gen. 17:26) kaya kasama si Ismael -- at ang mga Muslim -- sa tipan ng tuli.

Mali po. 
Si Abraham lang ang nagdesisyon na tuliin si Ismael
Ayon mismo sa Diyos ay hindi kasama sa Kanyang tipan si Ismael.

Sa Gen 17:18-21 ay mababasa natin:

"And Abraham said to God, "O that Ishmael might live in your sight!"
"God said, "No,
"but your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him.
"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation.
"But my covenant I will establish with Isaac, whom Sarah shall bear to you at this season next year."


Ayun. Malinaw sa Gen. 17:18 na nakiusap si Abraham na ituring ng Diyos na "buhay" si Ismael sa Kanyang paningin.

Kung buhay po kasi si Ismael sa mga mata ng Diyos ay patunay iyon na kinikilala ng Diyos si Ismael bilang anak ni Abraham. Ibig sabihin din na kasama sa tipan si Ismael.

Ano po ang sagot ng Diyos sa pakiusap ni Abraham na kilalanin si Ismael?

Ang sabi ng Diyos ay "No" o "Hindi."

Ibig sabihin, hindi kinilala ng Diyos si Ismael. At para sa Diyos ay patay si Ismael bilang anak ni Abraham.

Ngayon, kung hindi kinilala ng Diyos si Ismael ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


At kung hindi kasama si Ismael sa tipan ng tuli, ay malinaw na hindi kasama ang mga Muslim sa pagtutuli.

Klaro po yan.

+++

Ngayon, heto po ang mas malinaw.

Ayon sa Diyos ay kanino matutupad ang tipan Niya kay Abraham?

Kay Isaac po.


Ayon pa sa Gen. 22:2 ay itinuring ng Diyos si Isaac bilang "nag-iisang anak" ni Abraham.


Sa Gen. 17:19 ay sinabi ng Diyos:

"your wife Sarah shall bear you a son, and you shall name him Isaac. I will establish my covenant with him as an everlasting covenant for his offspring after him."


Kay Isaac at sa mga anak ni Isaac natupad ang tipan.

Si Ismael ay hindi anak ni Isaac kaya muli ay hindi siya kasama sa tipan ng tuli.


Hindi kasama sa tipan si Ismael. Dahil diyan ay hindi rin kasama ang mga Muslim sa tipan ng tuli.


+++


ISMAEL 'BINASBASAN' NG DIYOS


Pero igigiit ng mga Muslim ang Gen. 17:20



"As for Ishmael, I have heard you; I will bless him and make him fruitful and exceedingly numerous; he shall be the father of twelve princes, and I will make him a great nation."

Diyan daw ay makikita na "kinilala" ng Diyos si Ismael at "binasbasan" pa siya.


Ang tanong po ay bakit?


Una, binasbasan ng Diyos si Ismael at ginawa siyang dakilang bayan bilang pagbibigay kay Abraham. Sabi nga ng Diyos ay "dininig" Niya si Abraham.


Nakita kasi ng Diyos na mahal ni Abraham si Ismael kaya binigyan din ng Diyos ng konti si Ismael. Iba ang ibinigay sa kanya. Hindi ang tipan.


Pangalawa, pinarami ng Diyos ang lahi ni Ismael at ginawa itong dakilang bayan bilang kapalit ng hindi pagsama sa kanya sa tipan.


Ibig sabihin, sa halip na pagkilala kay Ismael ay pagtataboy sa kanya ang nangyari. Kumbaga, pampalubag-loob kay Ismael ang ginawa ng Diyos.


Para yang kendi na ibinibigay sa bata na hindi isinasama sa pamamasyal ng iba pang miyembro ng pamilya. Para hindi na sumama ang loob.


+++
MUSLIM DESPERADO


Desperado na lang talaga ang mga Muslim na isiksik ang mga sarili nila sa tipan ng Diyos kay Abraham. Kung wala po kasi ang tipan na yan ay wala nang saysay ang tuli nila. Wala na ring saysay ang kanilang pagiging Muslim.

Kaawaan na lang po natin sila.