Iyan po ay ayon sa INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLARS sa Surah (Chapter) 12, Aya (Verse) 111 ng KORAN.
Ganito po ang INTERPRETASYON ng mga MUSLIM SCHOLAR sa teksto ng KORAN:
"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."
Ang KORAN daw po ay KUMPIRMASYON o PAGPAPATIBAY sa "EXISTING BOOKS" na KINIKILALA NA NOONG IBIGAY sa mga MUSLIM ang KANILANG AKLAT.
Ang mga gumawa po ng INTERPRETASYON na iyan ay sina MUHAMMAD TAQI-UD-DIN AL-HILALI at MUHAMMAD MOHSIN KHAN. Inilabas nila iyan sa kanilang libro na "Translation of the Meanings of The Nobel Quran in The English Language."
Ang libro po nina AL-HILALI at KHAN ay INILIMBAG sa King Fahd Complex sa Medina, Saudi Arabia.
Sa mga hindi po nakakaalam, ang MEDINA o MADINAH ay ang IKALAWANG PINAKABANAL na LUNGSOD ng ISLAM. Diyan INILIBING ang PROPETA ng ISLAM na si MUHAMMAD. Diyan din po TUMIRA ang propeta ng Islam noong 622 AD.
Diyan po natin makikita na MAHALAGA ang INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR na sina AL-HILALI at KHAN na ginawa pa sa MADINAH.
At NAKIKITA po natin na ayon sa kanila ay PINABORAN ng AKLAT ng ISLAM ang BIBLIYA.
Kaya nga po NAGTATAKA TAYO kung bakit MAY MGA BALIK ISLAM (o CONVERT sa ISLAM) na INAATAKE at PILIT na SINISIRAAN ang BIBLIYA. Kesyo may "contradictions" daw po ito o "corrupt" na raw.
Tulad po nitong BALIK ISLAM na LAGING NAGTI-TEXT sa atin para ATAKIHIN at SIRAAN ang BIBLIYA.
KINAKALABAN po ba NIYA ang MGA SKOLAR NILA o ang mismong AKLAT NILA?
Noon nga pong sinabi ko sa kanya ang INTERPRETASYON ng mga SKOLAR NILA sa S12:111 ay NANGALAITI na naman ang ating texter.
Narito po ang REAKSYON ng texter nating BALIK ISLAM pero PAGPASENSIYAHAN po sana ninyo ang PANGIT niyang PANANALITA.
Sabi niya, "Ikaw ang nakakatawa, tanga ka!"
"Taranta ka, ano? Di mo na alam ang gagawin mo?!
"Nakita mo na ang katangahan mo? Jejejeje!"
"Ikaw ang pinagtatawanan ko, gago ka! Jejejejeje!"
"Hindi mo na alam kung papaano mo lusutan yang kamangmangan at katangahang pinasok mo! Hahahaha! Bobo!"
Sabi pa po niya, "Ni hindi mo ma-quote sa akin yang ipinagmamalaki mo eh ... Jejeje!"
"Kasi wala talagang salita Bible sa surah na yan. Buking ka na napakasinungaling mo talagang tanga ka!"
"Butatah ka na, barado ka pa! Hahahaha!"
Muli po ay PAUMANHIN po dahil sa PAGMUMURA at MASASAMANG SALITA ng ating texter na BALIK ISLAM.
Napansin ko lang po na NAGMUMURA SIYA tuwing NATATALO SIYA sa DISKUSYON namin.
KAPAG NATATALO po siya sa aming usapan ay LAGI SIYANG NAGMUMURA.
PASENSIYA na po kayo. Sa atin pong mga KRISTIYANO ay IPINAGBABAWAL ang PAGMUMURA.
Ang tinutukoy po niyang hindi ko raw maipakita mula sa S12:111 ay yung "SALITANG BIBLE."
Hindi ko rin daw po mapatutunayan na ang BIBLIYA ang tinutukoy sa SURA na iyan.
CHALLENGE po niya sa atin iyan kaya IPAKIKITA ko po at PATUTUNAYAN na ANG BIBLE ang TINUTUKOY sa S12:111 na KINUMPIRMA ng KORAN ayon sa mga SKOLAR na MUSLIM.
Heto po muli ang sinabi ng mga ISLAMIC SCHOLAR patungkol sa S12:111:
"Indeed in their stories, there is a lesson for men of understanding. It (the Qur'an) is not a forged statement but a CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS) which were before it [i.e. the Taurat (TORAH), the Injeel (GOSPEL) and OTHER SCRIPTURES of Allah] and a detailed explanation of everything and a guide and a Mercy for the people who believe."
Isa-isahin po natin.
Ang sabi po riyan ay "CONFIRMATION OF (ALLAH'S EXISTING BOOKS)" ang "Qur'an."
ANO po ba ang EXISTING BOOKS na iyan na NAROON NA nung IBIGAY sa mga MUSLIM ang KORAN?
Ayon kay Dr. Alan Godlas, propesor sa Department of Religion sa The University of Georgia, Ang KORAN ay PAUNTI-UNTING INIHALAD sa propeta ng Islam simula noong 610 AD hanggang mamatay ito noong 632 AD.
Ibig pong sabihin, ang tinutukoy na "EXISTING BOOKS" sa S12:111 ay yung mga AKLAT na NAROON at KINIKILALA NA bilang "SCRIPTURES" noong 610 AD at 632 AD.
ANO po ba ang mga AKLAT na NAROON at KINIKILALA NA noong IBIGAY ang KORAN?
Tinukoy po sa S12:111 ang TAWRAT (TORAH) at ang INJEEL (GOSPEL).
Ang TORAH po ay ang UNANG LIMANG LIBRO ng OLD TESTAMENT: Iyan ang GENESIS, EXODUS, LEVITICUS, NUMBERS at DEUTERONOMY.
Ang GOSPEL naman po ay binubuo ng UNANG APAT na AKLAT ng BAGONG TIPAN: Ang MATTHEW, MARK, LUKE at JOHN.
So, diyan pa lang po ay KITANG-KITA na natin na REPRESENTED na AGAD ang MATANDA at BAGONG TIPAN ng BIBLIYA.
E PAANO naman po ang IBA PANG AKLAT na KASAMA sa BIBLIYA?
Ang IBA PONG KASULATAN na iyan ay KASAMA NA sa sinabi ng mga MUSLIM SCHOLAR sa S12:111 na "OTHER SCRIPTURES."
So, kapag kinuha natin ang TORAH (UNANG LIMANG AKLAT ng OLD TESTAMENT), GOSPEL (UNANG APAT na AKLAT ng BAGONG TIPAN), at ang "OTHER SCRIPTURES" (LAHAT ng IBA PANG KASULATAN na HINDI NABANGGIT ISA-ISA) ay BUO NA ang BIBLIYA sa S12:111.
Tama, hindi po ba?
Ang paliwanag po na iyan ay SUPORTADO ng HISTORICAL FACTS.
NOON pong IBIGAY ang KORAN sa PROPETA ng ISLAM ay BUO NA ang BIBLIYA, partikular ang BIBLIYA ng KATOLIKO.
Ang BIBLIYA po ang "BOOK" o "AKLAT" ng mga KRISTIYANO.
Ang KAHULUGAN din po kasi ng BIBLIYA ay "BOOK" o "AKLAT."
Kaya po kung minsan ang TAWAG sa BIBLIYA o BIBLE ay "THE BOOK" o "ANG AKLAT."
Kapag pinag-usapan po ang BANAL na KASULATAN ng mga KRISTIYANO ay IISA PO ang TINUTUKOY kapag sinabing "THE BOOK" o "ANG AKLAT." Iyan po ang BIBLIYA.
Katunayan, ayon sa INTERPRETASYON ng mga ISLAMIC SCHOLAR kaugnay sa sinasabi ng KORAN, ang TAWAG daw ng KORAN sa mga KRISTIYANO ay "People of the BOOK" o "Bayan ng AKLAT."
Sa madaling salita pa ay "People of THE BIBLE" o "Bayan ng BIBLIYA."
So, ASAN po ang SALITANG "BIBLE" sa S12:111?
Nasa MISMONG TAWAG po ng KORAN sa mga KRISTIYANO na "PEOPLE of the BOOK (=BIBLE)."
Pero paano natin natiyak na BIBLIYA nga ang TINUTUKOY na BOOK? Mayroon na po bang BIBLIYA noong IBIGAY ang KORAN sa mga MUSLIM?
MAYROON na po.
UNANG SIGLO pa lang po ay NASULAT NA ang LAHAT ng mga BAHAGI ng BANAL NA KASULATAN.
LUBUSAN pong NABUO ang BIBLIYA noong 393 AD at 397 AD noong IDEKLARA sa mga KONSILYO ng KATOLIKO sa HIPPO at CARTHAGE ang LAHAT ng mga AKLAT na KASAMA sa BANAL na KASULATAN.
At nung 405 AD ay tinapos pa ni JEROME ang SALIN NIYA ng BIBLIYA sa LATIN. Ang tawag po sa SALIN na iyan ay VULGATE.
Ibig sabihin po, 200 TAON BAGO IBIGAY ang KORAN sa mga MUSLIM ay BUONG-BUO NA at KILALANG-KILALA NA ang BIBLIYA bilang AKLAT ng mga KRISTIYANO.
Ang AKLAT (o BOOK) ay ang BIBLIYA.
Kaya po MALINAW na nung TUKUYIN sa KORAN ang mga KRISTIYANO bilang "BAYAN ng AKLAT," (ALKITABI, mula sa Arabic na KITAB o AKLAT) iyan ay PAGKILALA sa ang MGA KRISTIYANO bilang BAYAN ng BIBLIYA.
At dahil ang BIBLIYA ay KILALA NA bilang KASULATAN noong panahon na iyon ay IYON NA NGA ang TINUTUKOY ng mga MUSLIM SCHOLAR sa S12:111 na KASULATAN na KINUKUMPIRMA ng KORAN.
So, MALIWANAG nga po sa PATOTOO ng mga SKOLAR na MUSLIM at sa HISTORY na BIBLIYA ang KINUKUMPIRMA ng KORAN sa S12:111.
Ngayon, PROBLEMA NA ng ilang BALIK ISLAM kung AATAKIHIN at SISIRAAN pa NILA ang BIBLIYA.
Ang MAKAKALABAN NA NILA ay ang mga SKOLAR NILA o malamang ay ang mismong AKLAT NA NILA.
Salamat po.