Heto po ang mga tanong niya at kasunod na agad ang mga sagot natin.
Cenon may tanong tanong ako sa 'yo???
1) Yung kinuhanang sipi ng QURAN ba ng mga iskolar na iyong tinutukoy na kontra-kontra ay iisa o magkakaiba??
CENON: HINDI ko ALAM kung SAAN KINUHA ng mga SKOLAR ang SINIPI NILA.
AYON sa KANILA ay QUR'AN daw. Pero kung SUSURIIN NATIN ay HINDI GALING sa
QUR'AN ang mga SINIPI NILA. Bakit? Basahin mo ang mga DAHILAN:
- Una, ayon mismo sa mga SKOLAR na MUSLIM ay TANGING sa ARABIC NASUSULAT at MABABASA ang QUR'AN. HINDI rin daw iyon MAISASALIN sa IBANG WIKA. Ang mga SINABI ng BALIK ISLAM na nag-post dito na "SALITA" raw ng QUR'AN ay nasa WIKANG INGLES. Diyan pa lang ay HINDI na GALING sa QUR'AN ang SINIPI NILA dahil ang INGLES ay HINDI ARABIC.
- Pangalawa, ang mga SINIPI ng mga SKOLAR ng ISLAM at ng mga BALIK ISLAM na nagre-react dito ay PUNO ng KAMALIAN at KONTRADIKSYON. Ayon sa kanila ay "walang kontradiksyon" sa QUR'AN. Pero dahil PUNO ng MALI at KONTRA-KONTRA ang mga SINIPI NILA ay TIYAK NA HINDI IYON GALING sa QUR'AN.
Dahil diyan at BATAY na mismo sa KANILANG mga PAHAYAG ay NAKIKITA KO na
PANSARILI LANG NILANG mga SALITA o SALITA LANG ng TAO ang sinasabi nila at HINDI
sa QUR'AN.GINAGAMIT LANG ng mga SKOLAR at BALIK ISLAM na ito ang QUR'AN para palabasin na "galing sa Diyos" ang mga sinasabi nila.
Pero BATAY sa EBIDENSIYA at SARILI NILANG PAHAYAG ay MALINAW na HINDI TOTOO na galing sa diyos ng ISLAM ang mga
SINIPI NILA.
2)Yung kinuhang sipi ba ng iba`t ibang bersyon ng BIBLIA, iisa ba o magkakaiba??
Ang IBA'T-IBANG SALIN ng BIBLIYA (DEPENDE sa NAGSALIN) ay maaaring galing din sa IBA'T-IBANG MANUSKRITO o mga KOPYA ng mga KASULATAN.
Mayroong MATATANDANG MANUSKRITO na gawa noong UNANG SIGLO hanggang IKAAPAT na SIGLO at mayroon ding mga BAGO NA o noong IKALIMANG SIGLO PATAAS.
Sa pagsusuri ay nakita na MARAMI nang NABAGO sa mga BAGONG MANUSKRITO.
Ngayon, bilang halimbawa ay tingnan natin ang KING JAMES VERSION (KJV) na paborito ng mga HINDI KATOLIKO, ng mga BALIK ISLAM at ng mga ANTI-KATOLIKO.
Ang KJV ay BATAY sa tinatawag na TEXTUS RECEPTUS na isang BAGONG MANUSKRITO na PUNO ng MALING PAGKAKA-TRANSMIT o PAGKAKAKOPYA mula sa mga NAUNANG MANUSKRITO.
Dahil MALI-MALI ang TEXTUS RECEPTUS ay MALI-MALI rin ang SALIN ng KING JAMES VERSION.
IDAGDAG pa natin ang BIAS ng mga GUMAWA ng KJV ay LALO PANG NAMALI ang mga NILALAMAN NIYAN.
Kaya nga HINDI IYAN GINAGAMIT ng mga KATOLIKO e. PUNO kasi iyan ng MALING SALIN.
Samantala, MARAMI sa mga BAGONG SALIN o VERSION BIBLIYA sa ngayon ay BATAY sa PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO na ang ilan ay GALING PA mula sa UNANG SIGLO.
Ang PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO na iyan ay NAKITA na PINAKAMALAPIT sa mga ORIHINAL na KASULATAN at NA-VERIFY na TAMA nung IKINUMPARA sa IBA PANG KASULATAN na NAGAWA nung mga UNANG SIGLO.
Ang mga SALIN na tulad ng NEW AMERICAN BIBLE, REVISED STANDARD VERSION, NEW REVISED STANDARD VERSION at NEW INTERNATIONAL VERSION ay NAKABATAY sa mga PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO na iyan.
Kaya nga kung IKUKUMPARA ang mga SALIN na iyan ay HALOS MAGKAKAPAREHO SILA ng mga PAGKAKASALIN. Mayroon lang silang pagkakaiba-iba sa SALITANG GINAMIT, ESTILO ng PAGKAKASALIN o kaya ay sa PAGKAKAAYOS ng mga SALITA pero HALOS PAREHO ang NILALAMAN NILA.
3)Ang tao ba ay makakukuha ng buong sipi ng biblia sa orihinal nitong pagkakasulat???
4) Ang tao ba ay makakukuha ng buong sipi ng QURAN sa orihinal nitong pagkakasulat???Ayon sa pag-aaral at pagsusuri, ang mga PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO o KOPYA ng mga KASULATAN na kasama sa BIBLIYA ay 99.98 PERCENT na TUGMA sa mga ORIHINAL na KASULATAN.
Dahil diyan ay masasabi na KATIWA-TIWALA ang PINAKAMATATANDANG MANUSKRITO at ang KARAMIHAN sa mga SALIN na NAKABATAY sa mga iyan.
HINDI ko masasabi iyan pero--BATAY sa PAGSUSURI ko sa mga SINABI ng mga SKOLAR na MUSLIM--ay SUMABLAY SILA sa KARAMIHAN ng mga SINASABI ng QUR'AN.
BATAY sa MALI-MALI at KONTRA-KONTRANG "MEANING" o INTERPRETASYON na GINAWA ng mga SKOLAR ay MALIWANAG sa AKIN na SUMABLAY SILA sa PAGSIPI sa QUR'AN.
Ngayon, KUNG SASABIHIN MO na ang mga PAGKAKAMALI at KONTRA-KONTRA ng mga "MEANING" at INTERPRETASYON ng mga SKOLAR ay GALING DIN sa QUR'AN ay NASA SA IYO NA IYON.
IKAW NA ang MAGSASABI NIYAN at PANGONTRA MO na iyan sa QUR'AN. WALA na AKONG KINALAMAN sa SASABIHIN mong GANYAN.Pero LIBAN DIYAN ay MAY MALAKI pang PROBLEMA kaugnay sa sinasabi mong "ORIHINAL" na "PAGKAKASULAT" sa QUR'AN.
Tila HINDI MALAMAN ng mga SKOLAR na MUSLIM kung ALIN sa MARAMING VERSIONS ng ARABIC na QUR'AN ang ORIHINAL e.
MISMO kasi sa mga ARABIC VERSION ay MARAMING PAGKAKAIBA-IBA.
So, BAGO mo masasabi na kukuha ka ng sipi mula sa "ORIHINAL" na KASULATAN ay DAPAT mo munang MALAMAN kung ALIN sa MARAMI at IBA'T-IBANG VERSION ng ARABIC na QUR'AN ang ORIHINAL.
Sa ngayon nga ay WALA pa AKONG NABABASA na NATUKOY na "ORIHINAL" na QUR'AN na nasa ARABIC. Kung NATUKOY na ninyo ay PAKI SABIHAN AKO para MALAMAN ko rin.
Ngayon, heto po ang DAGDAG na sinabi ng nag-react sa ating post.
Sabi niya:
"Ang QURAN kasi walang sinuman na Muslim, iskolar man o hindi ang nangahas mag interpret ng QURAN.. BAKIT?? dahil walang taong may kakayahan na mag-interpret sapagkat tanging ang PROPETA (salalahu alaihi wasalam) LAMANG ANG TAONG MAY KAKAYAHANG MAKAPAG-INTERPRET NIYA AT WALA NANG IBA."
Sagot po natin (CENON BIBE):
Ganoon ba?
Sa sinabi mo ay lumalabas na WALANG MAKAUUNAWA sa QUR'AN. NAKIKITA lang ng TAO ang mga NAKASULAT diyan pero HINDI NIYA IYON MAIINTINDIHAN.
Kung susubukan kasi niyang INTINDIHIN o UNAWAIN ang sinasabi niyon ay MAGKAKAMALI lang SIYA at baka MAKAGAWA pa ng KASALANAN, hindi ba?
Kasunod niya, kung tama ka ay lalabas na MALI ang LAHAT ng GUMAGAMIT ng QUR'AN at ang mga GUMAWA ng "MEANING" at SUMISIPI kahit sa mga INTERPRETASYON sa IBANG WIKA.
Ang PAGGAWA o PAGBIBIGAY kasi ng "MEANING" ay pag-INTERPRET sa mga KAHULUGAN ng SALITA na GINAMIT DOON.
Kung tama ka ay lalabas na MALI ang GINAWA ng LAHAT ng mga SKOLAR na NAGBIGAY ng MEANING sa sinasabi raw ng QUR'AN.
At dahil GUMAWA SILA ng MEANINGS o INTERPRETASYON ay LUMALABAS na PANSARILI LANG NILANG mga SALITA ang MABABASA sa mga GINAWA NILA.
Diyan ay NASAGOT MO ang isa sa mga TANONG KO: KANINO bang SALITA ang NASA SIPI o QUOTE ng mga SKOLAR? Sa DIYOS ba NILA o PANSARILI LANG NILA?
MALINAW sa SINABI MO na mga SALITA at ARAL LANG ng mga SKOLAR ang MABABASA sa mga "MEANINGS" at "INTERPRETASYON" NILA at HINDI sa DIYOS ng ISLAM.
Lumalabas din na ang PINANINIWALAAN ng mga GUMAGAMIT at NAGBABATAY sa mga "MEANINGS" at INTERPRETASYON ng mga SKOLAR ay HINDI ang ARAL at UTOS ng DIYOS NILA kundi ang ARAL at UTOS ng kanilang mga SKOLAR.
Batay din sa sinabi mo ay MALINAW na MALI ang BALIK ISLAM na nag-post dito ng mga "SALITA raw mula sa QUR'AN."
HINDI pala GALING sa QUR'AN ang mga SINIPI niya kundi GALING LANG sa SKOLAR na HINIRAMAN NIYA ng SIPI na IYON.
Iyan ang MALINAW na KAHULUGAN ng mga SINABI MO.
Sabi pa po ng nag-REACT:
"Ang mga iskolar ay isinusulat lamang ang kanilang pakahulugan sa lenguaheng MADALING MAUUNAWAAN ng mga mambabasa at hindi para iinterpret."
"Kaya nga ang librong kinasusulatan ng mga tafsir ay hindi QURAN kung wala itong kasamang orihinal na kasulatang ibinaba ng ALLAH (subhanahuwataala) kay PROPETA MUHAMMAD (salalahualaihiwasalam). NAUUNAWAAN MO?!"
CENON BIBE:
Batay po sa sinabi ng nag-react ay lumalabas na WALANG SILBI ang PAGBIBIGAY ng mga SKOLAR ng ISLAM sa mga "INTERPRETASYON" na NASA IBANG WIKA.
Bakit pa po nila ILALAGAY sa IBANG WIKA ang mga SALITA raw ng QUR'AN kung HINDI rin pala iyon PUWEDENG MA-INTERPRET o MAUNAWAAN ng TAO?
Kapag NAGSULAT kasi ang isang tao o kapag ISINULAT ang sinabi raw ng Diyos ay BINIBIGYAN na NIYA iyon ng INTERPRETASYON at BINIBIGYAN na niya ang BABASA ng PAGKAKATAON na MAG-INTERPRET sa NASUSULAT doon.
Kung tama ang sinasabi ng REACTOR natin na HINDI PUWEDENG MA-INTERPRET ang QUR'AN ay LALONG HINDI DAPAT MA-INTERPRET ang mga "MEANINGS" niyon sa IBANG WIKA.
Kung ganoon ay WALANG SAYSAY at WALANG SILBI ang mga INTERPRETASYON na NASA IBANG WIKA tulad ng INGLES at PILIPINO.
Sa madaling salita ay BAKIT PA MAGBABASA ng mga INTERPRETASYON o MEANINGS na iyan? Hindi po ba?
HUWAG NA LANG dahil BAKA MAGKASALA PA ang MAGBABASA NIYAN. Baka kasi MAKAGAWA PA SILA ng INTERPRETASYON batay sa NABASA NILA, tama po ba?
Salamat po.