PATULOY ang MALING UNAWA ng Muslim na si Nhordz G Diamal sa mga sinasabi ng Bibliya.
Sabi ni Nhordz (tingnan ang Screenshot):
"Sabi mo si hesus ang salita ng Dios:
Iisang persona lng ba ang may sabi nito:
Numbers 31:17
Ngayon nga ay patayin ninyo ang mga batamg lalaki at bawa't babae na nasipingan ng lalake.
Mateo 5:43
Love your enemy,
+++
HETO ang SAGOT kay sa Muslim na si Nhordz:
SIMPLE LANG YAN.
Sa PAGBABASA ng BIBLIYA ay KAILANGANG TINGNAN ang KONTEKSTO. Kaya MADALAS na MALI ang UNAWA ng MUSLIM ay OUT OF CONTEXT ang PAGBASA nila sa mga TALATA ng Bible.
IISANG DIYOS ang NAGSASALITA sa Numbers 31:17 at Matthew 5:43 pero MAGKAIBA ang KONTEKSTO at PANAHON ng mga TALATANG IYAN.
Ang MAGANDA sa Matthew 5:43 ay PINATUTUNAYAN diyan na DIYOS si HESUS. Mamaya makikita natin yan.
+++
Sa Numbers 31:17 ay BAGO pa lang BINUBUO ng DIYOS ang BAYAN NIYANG ISRAEL.
KALALABAS pa lang ng Israel sa EHIPTO at NAHAHARAP sa MARAMING KAAWAY na GUSTONG LUMIPOL sa KANILA. Kasama sa GUSTONG LUMIPOL sa Israel ay ang mga MOABITA at MIDIANITA.
Sa Numbers 25:1-3, 6, 14-15 ay makikita na NILINLANG at INILIGAW ng mga MOABITA at MIDIANITA ang mga ISRAELITA para SUMAMBA sa mga DIYUS-DIYOSAN.
Iyan ay DIREKTANG PAGSALUNGAT at PAGLABAN sa PLANO ng DIYOS para sa ISRAEL.
Ibig sabihin, DIYOS ang KINALABAN ng mga MOABITA at MIDIANITA. At dahil DIYOS ang KINALABAN NILA ay DIYOS ang NAGPARUSA sa KANILA.
INUTUSAN ng DIYOS ang mga ISRAELITA na PATAYIN ang mga MIDIANITA dahil sa PAPEL NILA sa PAGLILIGAW sa Kanyang bayan.
TANDAAN NATIN na BINUBUO PA LANG ng DIYOS ang KANYANG BAYAN at ang PAGLILIGAW ng MIDIANITA sa kanila ay DIREKTANG PAGLABAN sa PLANO ng DIYOS.
Yan ang KONTEKSTO NIYAN kaya INIUTOS ng DIYOS ang PAGPATAY sa KANILA.
+++
Sa Matthew 5:43 ay BUO NA ang BAYAN ng DIYOS at INIHAHANDA na SILA ng Diyos para ISUGO sa LAHAT ng BANSA.
Para MADALA ng mga ALAGAD ang mga TAO papunta sa Diyos ay INIUTOS ng DIYOS na "MAHALIN NINYO ang INYONG mga KAAWAY at IPAGDASAL NINYO ang UMUUSIG sa INYO." (Matthew 5:44)
Hindi lang iyan, GUSTO ng DIYOS na mag-LEVEL UP ang Kanyang mga alagad at maging PERPEKTO ang PAGMAMAHAL TULAD ng sa DIYOS AMA:
Matthew 5:45-48
"so that you may be children of your Father in heaven; for he makes his sun rise on the evil and on the good, and sends rain on the righteous and on the unrighteous."
"For if you love those who love you, what reward do you have? Do not even the tax collectors do the same? And if you greet only your brothers and sisters, what more are you doing than others? Do not even the Gentiles do the same?
"Be perfect, therefore, as your heavenly Father is perfect."
+++
Sa Matthew 5:44 ay PINATUNAYAN ni Hesus na Siya ay DIYOS.
Pansinin ninyo na DINAGDAGAN ni Hesus ang mga KAUTUSANG DATI nang IBINIGAY ng DIYOS sa mga ISRAELITA.
Ang Matthew 5:43 ay kinuha mula sa UTOS ng DIYOS sa Leviticus 19:18 na ganito ang sinasabi: "You shall not take vengeance or bear a grudge against any of your people, but you shall love your neighbor as yourself: I am the LORD."
Diyan ay NILIMITAHAN ng Diyos ang PAGMAMAHAL sa KABABAYAN o sa KAPWA ISRAELITA. Kasi nga sa panahon ng Leviticus 19:18 ay BINUBUO pa ng Diyos ang Kanyang bayan kaya INIHIHIWALAY PA sa IBANG BANSA.
Sa Matthew 5:44 ay INALIS ni HESUS ang LIMITASYON na IBINIGAY ng DIYOS sa Leviticus 19:18. Ang PAGMAMAHAL ay HINDI na lang sa KAPWA ISRAELITA kundi para na rin sa mga UMAAWAY sa KANILA.
INAALIS ni Hesus ang LIMITASYON dahil INIHAHANDA naman NIYA ang BAYAN ng ISRAEL para MASUGO sa LAHAT ng BANSA.
Sino ang MAY KARAPATAN at KAPANGYARIHAN na MAGDAGDAG sa KAUTUSAN ng DIYOS?
E di DIYOS DIN!
So, sa Matthew 5:44 ay MAKIKITA ang PATUNAY na si HESUS ay DIYOS.