Showing posts with label Imahen: Paalala sa Diyos. Show all posts
Showing posts with label Imahen: Paalala sa Diyos. Show all posts

Sunday, January 29, 2012

Moises binawalang gumawa ng imahen na paalala sa Diyos?

MAY REAKSYON po si BEN LANCUYAN sa isang POST NATIN. Heto po ang EMAIL NIYA sa ATIN:

From Cenon: Inutusan ng Diyos si Moises na gumawa ng mga imahen bilang paalala sa Diyos. (Exodus 25:18-22, Numbers 21:8-9)

Never inutusan ng Allah si Muhammad na gumawa ng mga imahen na paalala sa Kanya.

Katunayan, ipinagbabawal sa Islam ang lahat ng uri ng imahen.

SAGOT: Ayaw ko na po ng mahabang paliwanag, sumangguni nalang po kayo sa inyong ‘Biliya’ . . . Ito po oh:

"1God said to the people of Israel: 2I am the LORD your God, the one who brought you out of Egypt where you were slaves. 3Do not worship any god except me. 4Do not make idols that look like anything in the sky or on earth or in the ocean under the earth. 5Don't bow down and worship idols. I am the LORD your God, and I demand all your love. If you reject me, I will punish your families for three or four generations. 6But if you love me and obey my laws, I will be kind to your families for thousands of generations." (CEV Bible, Exodus 20:1-6)

"1Moses called together the people of Israel and said: Today I am telling you the laws and teachings that you must follow, so listen carefully. 2The LORD our God made an agreement with our nation at Mount Sinai. 3That agreement wasn't only with [b] our ancestors but with us, who are here today. 4The LORD himself spoke to you out of the fire, 5but you were afraid of the fire and refused to go up the mountain. So I spoke with the LORD for you, then I told you that he had said: 6I am the LORD your God, the one who brought you out of Egypt where you were slaves. 7Do not worship any god except me. 8Do not make idols that look like anything in the sky or on earth or in the ocean under the earth. 9Don't bow down and worship idols. I am the LORD your God, and I demand all your love. If you reject me and worship idols, I will punish your families for three or four generations. 10But if you love me and obey my laws, I will be kind to your families for thousands of generations." (CEV Bible, Deuteronomy 5:1-10)

"Respect your father and your mother, honor the Sabbath, and don't make idols or images. I am the LORD your God." (CEV Bible, Leviticus 19:3)

"[ Blessings for Obeying the LORD ] [ The LORD said: ] I am the LORD your God! So don't make or worship any sort of idols or images." (CEV Bible, Leviticus 26:1)

I-add ko na din po ito:

Isaiah 41:29
See, they are all false! Their deeds amount to nothing; their images are but wind and confusion.
"Hear, O Israel: The LORD our God, the LORD is one. (From the NIV Bible, Deuteronomy 6:4)"
"The most important one," answered Jesus, "is this: 'Hear, O Israel, the Lord our God, the Lord is one. (From the NIV Bible, Mark 12:29)"
""Why do you call me good?" Jesus answered. "No one is good–except God alone." (From the NIV Bible, Mark 10:18)"
"God is not a man, that he should lie, nor a son of man, that he should change his mind. Does he speak and then not act? Does he promise and not fulfill? (From the NIV Bible, Numbers 23:19)"


"Say: He is God, the One and Only; God, the Eternal, Absolute; He begetteth not, nor is He begotten; And there is none like unto Him. (The Noble Quran, 112:1-4)"

Mula po sa aking puso: Kayo na po ang humusga. Nahihirapan po ako mag-post sa blog niyo kaya dito na lang po.
Sana po kahit dito man lang ay bigyan niyo ako ng reply kun ano ang maisasagot niyo. Salamat.



MAIKILI din lang po ang SAGOT KO.

SALAMAT po sa COMMENT NINYO pero SORRY po dahil HINDI NINYO NAUNAWAAN ang SINABI KO at maging ang mga TALATANG IBINIGAY NINYO.

HINDI po IYAN SAGOT sa SINABI KO.



Kung babalikan po ninyo ang SINABI KO ay MALINAW pong NAKASAAN DOON: "Inutusan ng Diyos si Moises na gumawa ng mga imahen bilang paalala sa Diyos. (Exodus 25:18-22, Numbers 21:8-9)

Mga IMAHEN na PAALALA sa DIYOS ang INIUTOS na GAWIN ni MOISES. Ang mga binanggit ninyo ay mga IMAHEN NA DIYUS-DIYOSAN o mga IMAHEN ng IBANG DIYOS.

BAWAL po TALAGA ang mga DIYUS-DIYOSAN o IMAHEN ng IBANG DIYOS.

Pero ang mga IMAHEN na PAALALA sa DIYOS, tulad ng IMAHEN ng KERUBIN (PAALALA sa PRESENSIYA ng DIYOS) at IMAHEN ng AHAS (PAALALA sa KAPANGYARIHAN ng DIYOS) ay PUWEDENG-PUWEDE po. INIUTOS pa nga pong GAWIN e.

At DIYAN nga po MALINAW na IBANG-IBA si MOISES sa PROPETA MUHAMMAD ng mga MUSLIM.

SALAMAT po.

Thursday, July 30, 2009

Diyos nag-utos ng paggawa ng imahen

BIGYANG daan po natin itong tanong na inilagay sa COMMENTS section ng post natin na may pamagat na ""Kontra-kontra ng Muslim na skolar."

Sabi po ng nag-react, "May tanong lang ako sayo Cenon?? Iniutos ba sa bibliya na gumawa ng mga rebulto ng mga santo (halimbawa rebulto ni san pedro, san pablo atbp.)?? at nakalagay din ba sa bibliya sa ilagay ito sa lahat ng simbahan na itatayo??!!"

Salamat sa nagtanong.

Isa-isahin po natin ang paliwanag.

Una, ANO po ba ang mga REBULTO ng mga SANTO?

Ang mga iyan ay mga PAALALA sa mga BAYANI ng IGLESIANG ITINATAG ni KRISTO.

Kailangan ba silang ALALAHANIN?

Opo. GAWAIN kasi ng isang KRISTIYANO ang PAG-ALALA sa mga BAYANI ng IGLESIA.

Sabi nga ni Pablo sa 1 Thessalonians 1:2-3, "Nagpapasalamat kami sa Diyos PARA SA LAHAT sa INYO habang WALANG TIGIL namin KAYONG INAALALA sa aming mga PANALANGIN."

"INAALALA namin ang INYONG mga GAWAIN sa PANANAMPALATAYA at ang PAGPAPAGAL ng PAGMAMAHAL at PAGTITIIS na may PAG-ASA sa ating Panginoong Hesu Kristo, sa harap ng Diyos at Ama."

Para MAKATULONG sa PAG-ALALA sa mga BAYANI ng IGLESIA (ang mga SANTO) ay MAYROON kaming mga IMAHEN at REBULTO NILA.

Kung mapapansin natin, ang mga IMAHEN at REBULTO ng mga SANTO ay NAGPAPAKITA at NAGPAPAALALA sa KANILANG mga NAGAWA para sa DIYOS.

TAKE NOTE po na ang PINAKAMAHALAGANG ELEMENTO sa pagkakaroon ng IMAHEN ng mga SANTO ay ang PAG-ALALA sa PAGLILINGKOD NILA sa DIYOS.

Sa madaling salita, ang ULTIMONG INAALALA sa pamamagitan ng mga IMAHEN ng SANTO ay ang DIYOS na PINAGLILINGKURAN NILA.

Kung HIWALAY sa DIYOS ay WALANG KWENTA ang mga SANTO.

Ang tanong ngayon ay NAG-UTOS ba ang DIYOS na GUMAWA ng mga IMAHEN na PAALALA sa KANYA?

OPO. Sa Exodus 25:18-22 at Numbers 21:8.

Sa Ex 25:18-22 ay NAGPAGAWA ang DIYOS ng mga KERUBIN na PAALALA sa KANYANG PRESENSIYA sa GITNA ng mga ISRAELITA.

Mababasa natin ang SINABI ng DIYOS sa Ex 25:22, "DOON ay KAKATAGPUIN KITA, mula sa ibabaw ng luklukan ng awa, sa PAGITAN ng DALAWANG KERUBIN sa kaban ng tipan, ibibigay ko sa iyo ang mga kautusan na gusto kong ibigay mo sa mga Israelita."

MALINAW po ang DAHILAN ng PAGPAPAGAWA ng DIYOS ng mga IMAHEN ng KERUBIN: Iyan ay para MAGING TANDA kung SAAN KAKATAGPUIN ng DIYOS ang mga Israelita.

So, ang mga REBULTO ng KERUBIN ay mga PAALALA nga sa PRESENSIYA ng DIYOS.

Sa Num 21:8 naman ay NAG-UTOS ang DIYOS na GUMAWA si Moises ng IMAHEN ng AHAS. Iyan naman ay bilang PAALALA sa KAPANGYARIHAN at PAGLILIGTAS ng DIYOS.

Mababasa natin sa talata, "at SINABI ng PANGINOON kay Moises: GUMAWA KA ng AHAS at ilagay mo sa isang kahoy, at sino man ang nakagat [ng AHAS] at TUMINGIN DOON ay GAGALING."

KLARO sa mga PANANALITA ng DIYOS sa Num 21:8 na IPINAGAWA NIYA ang IMAHEN ng AHAS para maging PAALALA sa KANYANG KAPANGYARIHAN at PAGLILIGTAS.

PURIHIN ang DIYOS!

Ngayon, sinabi rin po ng nag-react sa ating blog ang ganito: "'Di ba malinaw naman ang bibliya na ang POONG LUMIKHA ang nagsasabi kung kailan dapat lumikha at kung ano ang magiging gamit nito tama ba?????"

TAMA KA riyan. At MALINAW nga na sa Ex 20:18-22 at Num 21:8 ay SINABI ng POONG MAYLIKHA na DAPAT GUMAWA ng IMAHEN na PAALALA sa KANYA.

IYAN ang GINAGAWA ng mga KATOLIKO.

Ang sinasabi ng mga HINDI KATOLIKO ay "kerubin" at "ahas" lang ang ipinagawa ng Diyos.

Well, diyan natin makikita na WALA sa KANILA ang ESPIRITU NG DIYOS kaya HINDI NILA NAUUNAWAAN ang ESPIRITU ng mga SALITA ng DIYOS.

NAGBABATAY SILA sa LETRA POR LETRANG SALITA. Pero mismong ang PANGINOON ang NAGPAKITA na DAPAT ang PANG-UNAWA sa KANYANG mga SINASABI.

Ang PATUNAY niyan ay nung MAGPAGAWA si SOLOMON ng TEMPLO at PINUNO NIYA iyon ng mga IMAHEN.

Sino ba si SOLOMON?

Siya ay BINIGYAN ng DIYOS ng PAMBIHIRANG KARUNUNGAN kaya MALAWAK ang KANYANG PANG-UNAWA.

At sa PANG-UNAWA ni SOLOMON ay MAAARING GUMAWA ng mga IMAHEN bilang PAALALA sa DIYOS.

Sa 1 Kings 6:23 ay mababasa ang PINAGAWA ni SOLOMON para sa TEMPLO, "In the sanctuary were TWO CHERUBIM, each ten cubits high, made of olive wood."

Sa 1 Kings 6:29 ay sinasabi, "The walls on all sides of both the inner and the outer rooms had CARVED FIGURES of CHERUBIM, PALM TREES, and OPEN FLOWERS."

Iyan ay sa LOOB ng TEMPLO.

Ganoon din ang mga INIUKIT sa LABAS ng TEMPLO. (1 Kings 6:32 at 35)

Kasama sa mga IMAHEN na IPINALAGAY ni SOLOMON sa LABAS ng TEMPLO ay ang IMAHEN ng 400 "POMEGRANATES," isang uri ng BUNGA. (1 Kings 7:18)

NAGLAGAY din si SOLOMON ng isang "DAGAT" sa labas ng TEMPLO.

Ang "DAGAT" ay nakapatong sa 12 TORO. (1 Kings 7:25)

May mga PATUNGAN din na may mga INUKIT na mga IMAHEN ng LEON, BAKA, at KERUBIN. (1 Kings 7:29)

Sa bandang itaas ay may mga NAKAUKIT din na mga IMAHEN ng LEON, BAKA, KERUBIN at PALMERA. (1 Kings 7:36)

Diyan natin makikita na para sa isang MARUNONG at NAKAUUNAWA ay PUWEDENG GUMAWA ng mga IMAHEN bilang PAALALA sa DIYOS.

At hindi lang basta PAGGAWA ng IMAHEN ang PUWEDE. Ang mga IMAHEN ay INILAGAY PA sa BAHAY SAMBAHAN o TEMPLO.

Ibig sabihin, ang TEMPLO ng TUNAY na DIYOS ay PUNO ng mga IMAHEN at REBULTO ng mga PAALALA sa DIYOS.

Iyan ang DAHILAN kung bakit ang mga SIMBAHAN ng KATOLIKO ay PUNO RIN ng mga IMAHEN at REBULTO na PAALALA sa mga SANTO na mga LINGKOD ng DIYOS.

Ang mga BAHAY SAMBAHAN na WALANG IMAHEN o REBULTO na PAALALA sa DIYOS ay yung sa mga TUMALIKOD sa TUNAY na IGLESIA.

Salamat po.

Sunday, July 26, 2009

Ex 20:3-4 at Ex 25:18-22 magkakontra?

UMIRAL na naman po ang DESPERASYON ng mga BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.

NAG-TEXT po ang ISA sa KANILA sa AKIN at PINAGBINTANGAN ang mga KATOLIKO na SUMASAMBA raw sa DIYUS-DIYOSAN.

Sabi sa akin nung BALIK ISLAM na nag-text, "Ano? Tama kayo? Hahhahaha!"

"Saan kayo tumama? Sa pagsamba ba ng mga dios-diosan tuod at bato na siyang mahigpit na ipinagbabawal ng Bibliya?"

"Doon ba kayo tumama? Nakakatawa ka rin ah."

Kung mukhang pamilyar ang ganyang PAG-AAKUSA, iyan po ay dahil MARAMING nagba-BALIK ISLAM ay mga DATING BORN AGAIN o "Kristiyanong" HINDI KATOLIKO.

SILA po yung mga NAILIGAW ng mga BULAANG PASTOR at hindi nagtagal ay NAILIGAW naman sila ng mga NANINIRA sa BIBLIYA.

Noong una ay malamang na NAITALIKOD SILA sa pagiging KATOLIKO. Ang sumunod ay NAITALIKOD na SILA sa BIBLIYA at kay KRISTO.

Ngayon, isa nga pong PAMILYAR na AKUSASYON ng mga HINDI KATOLIKO ay ang "pagsamba" o "pagdiyos" daw ng mga Katoliko sa mga DIYUS-DIYOSAN.

At nung TUMALIKOD po kay KRISTO itong nag-BALIK ISLAM ay GINAMIT naman niya LABAN sa KATOLIKO ang PANINIRA na iyan.

Dahil layunin po nating IPALIWANAG ang mga HINDI NAUUNAWAAN ng IBANG TAO, partikular kung kaugnay sa KATOLISISMO ay IPINALIWANAG po natin iyan sa BALIK ISLAM na nag-text sa atin.

Sinabi po natin sa kanya na HINDI SUMASAMBA ang KATOLIKO sa mga DIYUS-DIYOSAN.

Bilang sagot ay tinukoy ng BALIK ISLAM ang sinasabi sa Exodus 20:3-5.

Diyan po kasi ay IPINAGBABAWAL ng DIYOS ang PAGKAKAROON ng mga DIYUS-DIYOSAN.

Ipinaliwanag ko po sa kanya na ang IPINAGBABAWAL sa Ex 20:3-5 ay mga IBANG DIYOS.

HINDI po LAHAT ng URI ng IMAHEN ay IPINAGBAWAL sa talata.

MALINAW nga po sa Ex 20:3 na tinukoy ng DIYOS ang mga IBANG DIYOS.

Sabi riyan ng PANGINOON, "HUWAG KANG MAGKAKAROON ng IBANG DIYOS sa harap ko."

So, sa SIMPLENG PANG-UNAWA ay MALIWANAG na IBANG DIYOS NGA ang AYAW ng DIYOS.

Pero ang IMAHEN na PAALALA sa KANYA ay INIUTOS PA ng DIYOS na GAWIN ng mga TAO.

Iyan po ay mababasa sa Ex 25:18-22 at Numbers 21:8

Sa Ex 25:18-22 ay INIUTOS ng DIYOS ang PAGGAWA ng DALAWANG GINTONG KERUBIN na siyang magiging PAALALA sa KANYANG PRESENSIYA sa PILING ng mga ISRAELITA.

Sa Num 21:8 naman po ay INIUTOS ng DIYOS ang PAGGAWA ng TANSONG AHAS bilang PAALALA naman sa KAPANGYARIHAN at PAGLILIGTAS ng DIYOS.

MALINAW po ang PAGKAKAIBA ng TINUTUKOY sa mga TALATA pero dahil LIKAS na yata sa mga NANINIRA sa BIBLIYA ang GUMAWA ng MALING KUWENTO ay sinabi ng BALIK ISLAM na nagre-react dito na patunay daw iyan na "MAGKAKONTRA" talaga ang BIBLIYA.

Ganoon? Magkakontra nga po ba?

Magkakontra ang mga talata ng Bibliya o NAGBUBULAG-BULAGAN LANG talaga itong BALIK ISLAM na WALANG MAITUTOL sa mga SINASABI natin DITO?

PAANO pong magiging MAGKAKONTRA ang mga talata na MAGKAIBA ang TINUTUKOY?

Sa Ex 20:3-5 ay DIYUS-DIYOSAN o IBANG DIYOS ang IPINAGBABAWAL.

Sa Ex 25:18-22 at Num 21:8 ay IPINAG-UTOS ang PAGGAWA ng mga PAALALA sa DIYOS?

Bakit po? Para po ba sa BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA ay PAREHO LANG ang PAALALA sa DIYOS at DIYUS-DIYOSAN?

Ganoon? Kung iyan po ang pananaw niya ay MALINAW na MAY DEPERENSIYA o DEPEKTO ang TAKBO ng PAG-IISIP NIYA.

IPAGDASAL na lang po natin SIYA at ang mga KATULAD NIYANG NAGBUBULAG-BULAGAN.