Showing posts with label Holy Trinity: Huwaran ng sangkatauhan. Show all posts
Showing posts with label Holy Trinity: Huwaran ng sangkatauhan. Show all posts

Monday, August 10, 2009

Is 55:8-9 patunay na ang pamilya ay di tulad sa Diyos?

IBINIGAY ng BALIK ISLAM ang ISAIAH 55:8-9 sa hangad niyang patunayan na HINDI KATULAD ng PAGKADIYOS ang PAMILYA.

Ang tanong ay PAGKAPAMILYA po ba ang TINUTUMBOK ng sinabi riyan ng PANGINOONG DIYOS?

HINDI po.

Heto po ang talata ayon mismo sa pagkakasipi ng BALIK ISLAM:
"FOR MY THOUGHTS ARE NOT YOUR THOUGHTS, NEITHER ARE YOUR WAYS MY WAYS, SAITH THE LORD."

"FOR AS THE HEAVENS ARE HIGHER THAN THE EARTH, SO ARE MY WAYS HIGHER THAN YOUR WAYS, AND MY THOUGHTS THAN YOUR THOUGHTS."

Ang tinutukoy po riyan ng DIYOS ay ang mga PAMAMARAAN at PAG-IISIP NIYA.

SAAN KAUGNAY ang PAMAMARAAN at PAG-IISIP na tinutukoy riyan?

Basahin po natin ang Is 55:7 na siyang SINUSUNDANG TALATA ng sinipi nitong BALIK ISLAM.

Sabi riyan,
"Let the scoundrel forsake his way, and the wicked man his thoughts; Let him turn to the LORD FOR MERCY; TO OUR GOD, WHO IS GENEROUS IN FORGIVING."

Diyan po ay BINIBIGYANG DIIN ng DIYOS ang pagiging MAPAGPATAWAD NIYA at MAAWAIN.

At saka Niya sinabi na "FOR MY THOUGHTS ARE NOT YOUR THOUGHTS, NEITHER ARE YOUR WAYS MY WAYS, SAITH THE LORD."

Ibig sabihin, ang BINIBIGYANG DIIN sa Is 55:8-9 ay ang WALANG HANGGANG AWA ng DIYOS na HINDI LUBOS na MAIINTINDIHAN HINDI LUBOS na MAUUNAWAAN ng TAO.

Sinasabi riyan na ang DIYOS ay HINDI TULAD ng TAO MAG-ISIP pagdating sa PAGPAPATAWAD. At ang mga PAMAMARAAN ng DIYOS sa PAGPAPATAWAD ay HINDI MAUUNAWAAN ng PANGKARANIWANG TAO.

Iyan ang dahilan kung bakit HINDI MAINTINDIHAN ng mga BALIK ISLAM na MISMONG ang DIYOS ay NAGKATAWANG TAO para ILIGTAS ang TAO sa KASALANAN at KAMATAYAN.

Para sa mga BALIK ISLAM ay HINDI PUWEDENG GAWIN ng DIYOS ang GANYAN. "IMPOSIBLE!" sabi pa ng isa sa kanila.

At diyan ay TAMA at TUMPAK ang sabi ng PANGINOONG DIYOS na ang Kanyang mga INIISIP ay HINDI INIISIP ng TULAD ng BALIK ISLAM. Ang KANYANG PAMAMARAAN sa PAGPAPATAWAD ay HINDI PAMAMARAAN ng mga BALIK ISLAM.

Kaya nga po KAHIT ANONG PALIWANAG NATIN sa PAMAMARAAN ng PAGLILIGTAS ng DIYOS ay HINDI MATANGGAP at HINDI MAUNAWAAN ng BALIK ISLAM.

Sa madaling salita po ay isa sa mga SINASABIHAN DIYAN ng DIYOS na HINDI NIYA KATULAD MAG-ISIP ay itong BALIK ISLAM.

Sa kabilang dako, TAYONG mga KRISTIYANO ay NAKAUUNAWA sa PAG-IISIP ng DIYOS dahil IBINIGAY na NIYA sa ATIN ang KANYANG BANAL na ESPIRITU.

Ang ESPIRITU SANTO ang NAGTUTURO at NAGPAPAALALA sa ATIN ng mga ARAL ni KRISTO. (Jn16:13)

Sa madaling salita po ay MALI na NAMAN ang PAGGAMIT nitong BALIK ISLAM sa TALATA mula sa BIBLIYA.

Ang Is 55:8-9 ay HINDI PATUNGKOL sa TINUTUTULAN NIYANG PAGKAKATULAD ng TAO at PAMILYA sa DIYOS.

MALINAW na kasing IPINAKITA ng DIYOS na ITINULAD NIYA ang TAO sa KANYANG SARILI.

Ang Is 55:8-9 ay KAUGNAY sa WALANG HANGGANG AWA at PAMAMARAAN ng DIYOS sa PAGPAPATAWAD sa TAO.

Iyan po yon.

PURIHIN natin ang DIYOS dahil PINAUNAWA NIYA IYAN sa ATIN na mga SUMUSUNOD sa KANYA.

Ang mga HINDI TAGASUNOD ng DIYOS ay NANANATILING HINDI NAKAUUNAWA at HINDI NAKAAABOT sa mga GAWAIN at PAMAMARAAN ng DIYOS.

Salamat po.

Friday, August 7, 2009

Nagsugo at sinugo pantay ba?

SAGUTIN po natin itong sabi ng BALIK ISLAM na NANINIRA sa PANGINOONG HESUS.

Sabi nitong BALIK ISLAM:
"Mr. Cenon Bibe magkapantay po ba ang Sinugo sa Nagsugo? ha? sumagot ka!"

CENON BIBE:
Ang pagiging NAGSUGO at SINUGO ay mga PAPEL na GINAGAMPANAN ng DALAWANG INDIBIDWAL. WALA po IYANG KINALAMAN sa kanilang KALIKASAN.

Kung ang PAPEL na GINAGAMPANAN ang pinag-uusapan ay HINDI PO PANTAY ang PAPEL ng NAGSUSUGO at PAPEL ng SINUSUGO.

Ang NAGSUSUGO ay NAG-UUTOS at ang SINUSUGO ay SUMUSUNOD.

Sa kaso nga po ng DIYOS AMA at DIYOS ANAK ay MAGKAIBA ang PAPEL NILA: Ang AMA ang NAGSUGO at ang ANAK ang SINUGO.

At dahil HINDI PANTAY ang PAPEL NILA ay sinabi ng PANGINOONG HESUS sa sumusunod na talata:
Sa John 13:16 ay sinabi ni HESUS kaugnay sa PAPEL ng AMA at ANAK: "I tell you the truth, no SERVANT is greater than his MASTER, nor is a MESSENGER greater than the one who SENT him."

Diyan po ay PAPEL ng PANGINOON at ALIPIN at ng SINUGO at NAGSUGO ang pinag-uusapan.

Sa Jn 14:28 ay sinabi ng Panginoong Hesus:
"for the FATHER is greater than I [the SON]."

Diyan po ay ang PAPEL muli ng pagiging AMA at ANAK ang tinutukoy ni Hesus.

Mapapansin po natin na HINDI PAGKA-DIYOS ang tinutukoy riyan ng PANGINOONG HESUS kundi ang PAPEL NIYA bilang ANAK at SINUGO at ang PAPEL ng DIYOS AMA bilang MAGULANG at NAGSUGO.

Sa KALIKASAN bilang DIYOS ay PANTAY SILA.

Ayon mismo kay HESUS, ang Kanyang pagka-DIYOS ay ISA o IISA sa pagka-DIYOS ng AMA. (Jn10:30)

Para po MAS MAUNAWAAN NATIN IYAN ay tingnan natin ang ANALOGY ng PAMILYA na siyang LARAWAN ng pagka-DIYOS.

Sa PAMILYA ay MARAMING MAGKAKASAMA: Ang AMA, INA at ANAK.

Ang AMA, INA at ANAK ay MAY IBA-IBANG PAPEL.

Ang AMA ang tumatayong PINUNO ng PAMILYA. Ang INA ang TAGA-AYOS at ang ANAK ang TAGASUNOD.

Diyan ay KITANG-KITA po natin na MAGKAKAIBA ang PAPEL ng BAWAT ISANG KASAMA sa PAMILYA.

Sa tatlo, ang PAPEL ng AMA ang MAS MATAAS dahil SIYA ang TAGA-UTOS ang NAMUMUNO.

Ang PAPEL naman ng ANAK ang masasabing MABABA dahil SIYA ang NAUUTUSAN at TAGASUNOD.

Ang sunod na tanong ay ito: PORKE BA MAGKAIBA ang PAPEL ng BAWAT KASAMA sa PAMILYA ay MAGKAKAIBA na rin ang KALIKASAN NILA?

PORKE ba MAS MATAAS ang PAPEL ng AMA ay MAS MATAAS NA ang KALIKASAN NIYA sa KALIKASAN ng ANAK?

Kaugnay sa PAMILYA ng TAO, PORKE ba MAS MATAAS ang PAPEL ng AMA na TAGASUGO o TAGA-UTOS ay MAS MATAAS ang KANYANG PAGKATAO?

At dahil ba MAS MABABA ang PAPEL ng ANAK na INUUTUSAN o SINUSUGO lang ay MAS MABABA NA ang KANYANG DIGNIDAG BILANG TAO?

HINDI po.

Kahit pa MATAAS ang PAPEL ng isang KASAMA sa PAMILYA ay HINDI MAS MATAAS ang kanyang PAGKATAO o DIGNIDAD.

PANTAY-PANTAY at PARE-PAREHO ang PAGKATAO at DIGNIDAD ng mga MAGKAKASAMA sa PAMILYA, kahit pa MATAAS o MABABA ang PAPEL na KANILANG GINAGAMPANAN.

Ganoon din sa pagka-DIYOS, na siyang HULMAHAN at LARAWAN ng PAMILYA.

MATAAS o MAS DAKILA ang PAPEL ng DIYOS AMA o TAGASUGO kaysa sa PAPEL ng DIYOS ANAK o SINUGO pero PANTAY at PAREHO ang KANILANG PAGKA-DIYOS. WALANG MATAAS at WALANG MABABA pagdating sa KALIKASAN.

Kung ANO ang pagka-DIYOS ng AMA ay GANOON DIN ang pagka-DIYOS ng ANAK.

Ganyan po yon.

PURIHIN si HESUS! PURIHIN ang DIYOS!

Para sa IBANG TAO, partikular sa mga AYAW KUMILALA sa pagka-DIYOS ng ANAK, porke MATAAS ang PAPEL ng AMA ay DIYOS ITO. At porke MABABA ang PAPEL ng ANAK ay hindi na ito Diyos.

MALI po yon.

Bakit po? Kapag INUTUSAN ba NILA ang kanilang ANAK ay HINDI NA TAO ang kanilang ANAK?

Sabagay, may mga tao sa LIPUNAN at sa RELIHIYON na porke MATAAS ang PAPEL NILA ay HINDI na NILA ITINUTURING na TAO ang MAS MABABA ang PAPEL.

Naging "BOSS" lang sa OPISINA ay para nang "ASO" ang turing sa mga MANGGAGAWA sa ilalim niya.

May relihiyon naman na porke MAS MATAAS ang PAPEL ng KALALAKIHAN ay HINDI NA TAO ang TURING sa mga BABAE. HINDI ISINASABAY sa PAGDARASAL at HALOS WALANG KARAPATANG PANTAO ang KABABAIHAN.

Sa KRISTIYANISMO po ay IBA.

Ang SINASABI sa atin ng PANANAMPALATAYANG KRISTIYANO ay KAHIT ANO PA ang PAPEL MO sa BUHAY ay PANTAY pa rin ang PAGKATAO NATIN.

HUWAG po TAYONG TUMULAD sa IBA na MAY BAHAGI ng IPUNAN o ng RELIHIYON na MAS MABABA ang PAGKATAO kaysa IBANG MIYEMBRO.