Showing posts with label Kristiyanismo: Tunay na relihiyon. Show all posts
Showing posts with label Kristiyanismo: Tunay na relihiyon. Show all posts

Thursday, October 15, 2009

Anong relihiyon ang pipiliin natin?

BASAHIN po natin ang post ni Chris sa artikulo natin na "Deut 18:18 = Propeta ng Islam?"

Sabi ni Chris:
"Brod. anonymous, gusto kong malaman mo na andito rin ako sa Saudi Arabia. At matagal na akong sumusubaybay sa blog na ito."

"Gaya mo, nang unang salta ko dito naging interesado ako sa aral ng Islam. Lalo pag nakikita ko sila kung paanong isinasapuso ang mga ritual sa kanilang Salah. Pero sa katagalan ng pagbabasa ko, lumutang pa rin ang katotohanan ng Biblia."

"Maraming bagay ang hindi ko kayang tanggapin sa Islam, pinakamatindi na ay ang pagtalikod sa Panginoong Jesus. Na nagdusa alang2 sa atin. Hindi 'yun kakayanin ng puso ko."

"Ituloy mo lang ang pagsusuri, at sana ay manatili kang nasa panig ng Panginoon."

Salamat sa post mo, Chris.

NAGPAPASALAMAT ako sa DIYOS na MARAMING mga NASA SAUDI ang NAKAKABASA nitong BLOG NATIN.

Sana ay DUMAMI pa KAYO at nawa ay DUMAMI PA ang MAMULAT.

Marahil kung may kilala kayong INAAKIT na TUMALIKOD kay KRISTO ay PUWEDE NINYONG IPAKILALA sa KANILA itong ating BLOG.

HINDI natin SILA PIPIGILAN sa PAGTALIKOD pero BIBIGYAN NATIN SILA ng PAGKAKATAON na MAKAPAGSURI para SILA MISMO ang MAGSASABI kung ALIN ang PIPILIIN NILA: Ang RELIHIYON na DIYOS MISMO ang NAGBIGAY sa TAO o ang RELIHIYON ng mga TAONG HINDI MAN LANG MAIPAKITA kung GALING MISMO SA DIYOS ang PINANINIWALAAN NILA.

SIMPLE lang naman po ang GAGAWIN NILANG PAGPILI. SUSURIIN lang NILA ang PINATATALIKURAN sa KANILA at ang GUSTO ng mga BALIK ISLAM na IPALIT NILA DOON.

Halimbawa, kung pinatatalikuran sa kanila ang BIBLIYA ay tingnan muna nila:

1. Ang BIBLIYA ay GAWA o GALING sa mga SAKSI sa mga AKTUWAL na GINAWA NG DIYOS? Ang IPAPALIT BA NILANG AKLAT ay GALING DIN sa SAKSI na MISMONG NAKAKITA sa mga AKTUWAL na GAWA ng DIYOS o NAKUNWETUHAN LANG?

2. Ang BIBLIYA ay NAGTATAGLAY ng mga SALITA na MISMONG DIYOS ang NAGBIGAY sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILA roon ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa TAO?

3. Ang mga TAONG SOURCE ng NILALAMAN ng BIBLIYA ay KINAUSAP MISMO ng DIYOS. Ang TAONG SOURCE ba ng IPAPALIT sa BIBLIYA ay KINAUSAP din MISMO ng DIYOS?

4. Ang BIBLIYA ay GALING sa MARAMING SAKSI at MARAMING KINAUSAP ng DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILANG AKLAT ay GALING sa GAANO KARAMING SAKSI o KINAUSAP ng DIYOS? MARAMI BA o IISA?

5. Ang NILALAMAN ng BIBLIYA ay MISMONG GALING SA DIYOS. Ang IPAPALIT ba NILA sa BIBLIYA ay MISMONG DIYOS DIN BA ang NAGBIGAY?

Kaugnay naman sa KRISTIYANISMO.

1. Ang KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTAYO. Ang IPAPALIT ba NILA sa KRISTIYANISMO ay DIYOS DIN MISMO ang NAGTAYO o ITINAYO LANG ng isang TAO?

2. Ang mga ARAL ng KRISTIYANISMO ay MISMONG DIYOS ang NAGTURO sa TAO. Ang IPAPALIT ba NILANG mga ARAL ay MISMONG DIYOS DIN ang NAGSABI sa mga NAGSIMULA roon?

3. Ang mga UNANG KRISTIYANO ay DIYOS MISMO ang NAGSUGO. Ang MGA UNANG TAO na NAGPASIMULA sa IPAPALIT NILANG RELIHIYON ay DIYOS DIN ba MISMO ang NAGPADALA? O baka naman ang ALIPIN na SINUGO sa KANILA ay INUTUSAN ng isang ALIPIN din lang?

MARAMI pa pong TANONG na MAAARI nating ITANONG para MALAMAN kung DAPAT BANG TUMALIKOD kay KRISTO at sa KRISTIYANISMO. Sa lahat po ng tanong na iyan ay LALABAS na ang KRISTIYANISMO ay FAR SUPERIOR sa ANUMANG IBANG RELIHIYON.

Ngayon, dahil HINDI MATUTULAN ng mga HINDI KRISTIYANO na SUPERIOR ang KRISTIYANISMO at ang BIBLIYA ay SINISIRAAN na lang NILA ang mga ITO.

Paki pansin po ninyo na INAATAKE na lang ng mga HINDI KRISTIYANO ang BIBLIYA na kesyo "kontra-kontra" raw o "porno" raw.

Pero kung SUSURIIN lang natin ay MAKIKITA NATIN na KASINUNGALINGAN ang LAHAT ng mga IBINABATO NILA sa BIBLIYA. Halos LAHAT ay OUT OF CONTEXT na PAGBASA sa mga TALATA o SADYANG BINALUKTOT ang PAKAHULUGAN.

Sa kabilang dako, ang TUNAY na PURO CONTRADICTION at NAGTUTURO PA ng KALASWAAN at KAHALAYAN ay ang mga BATAYAN NILA ng KANILANG mga ARAL.

MINAMALIIT NILA ang PAGKA-DIYOS ng PANGINOONG HESUS pero SINO RAW ang NAGSABI na HINDI DIYOS ang KRISTO? DIYOS DIN BA? SI KRISTO raw ba? O ang ISANG HINDI MAN LANG NAKAKILALA at HINDI NAKAKITA sa PANGINOON?

Gumagamit SILA ng mga TALATA sa BIBLIYA pero OUT OF CONTEXT naman o TAHASANG PINILIPIT ang PAKAHULUGAN.

HINDI po SIMPLE ang PAGPILI ng PANINIWALAANG RELIHIYON. Ang NAKATAYA po riyan ay HINDI LANG PERA o PANAHON kundi KALIGTASAN ng KALULUWA.

Kapag NAGKAMALI sa PAGPILI ang isang tao ay IHUHULOG NIYA ang KANYANG KALULUWA sa IMPIYERNO.

Kaya MAG-ISIP po TAYONG LAHAT pagdating sa PANINIWALAAN NATING PANANAMPALATAYA.

PIPILIIN ba NATIN ang ITINAYO at ITINURO MISMO ng DIYOS o ang RELIHIYON na HINDI MAN LANG MAIPAKITA nang MALINAW kung DIYOS NGA ang PINANGGALINGAN niyon?

GABAYAN po TAYO ng DIYOS sa ating PAGPILI.