KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po
SA ILANG nauna nating POST (Crucifixion o cruci-fiction) ay tinalakay natin ang mga MALING UNAWA ng isang MUSLIM DEBATER (si SHEIKH AHMED DEEDAT) sa mga sinasabi ng BIBLIYA na ginamit niya para PABULAANAN na ang PANGINOONG HESUS ay NAMATAY sa KRUS at MULING NABUHAY.
Ituloy po natin ang pagsuri sa mga DAHILAN ni DEEDAT para tutulan ang PAGKAMATAY ng PANGINOONG HESUS sa KRUS.
Sa isang pahayag ni DEEDAT ay sinabi niya na "Sa higit 300 propesiya tungkol kay Hesus ay IISA LANG ang HINDI NATUPAD ... iyon ang propesiya na ginawa mismo Niya."
Ganoon? Totoo ba ang sinabi ni DEEDAT?
SORRY pero HINDI PO. NAGKAKAMALI po SIYA.
Ang tinutukoy pong propesiya raw ng Panginoong Hesus na "HINDI NATUPAD" ay ang sinabi ng Kristo sa Matthew 12:38-40.
Ganito po ang sinasabi riyan, "At ilang escriba at Pariseo ang nagsabi sa kanya: Guro, nais naming makakita ng TANDA mula sa iyo."
"Sumagot siya [Hesus]: Ang masama at hindi matapat na lahi ay naghahanap ng isang TANDA, pero WALANG TANDA na IBIBIGAY DITO MALIBAN sa TANDA ni JONAS na propeta."
"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."
Ayon sa PAGKAUNAWA ni DEEDAT, ang mga KRISTIYANO raw ang NAGPAPATUNAY na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN ni HESUS.
GANOON? At PAANO NAMAN DAW PO PINATUNAYAN ng mga KRISTIYANO na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA na IYAN?
Sabi ni DEEDAT, ang itinuturo raw kasi ng mga KRISTIYANO ay NAMATAY si HESUS. E, ANO RAW BA ang NANGYARI kay JONAS? NAMATAY raw ba si JONAS nung NASA TIYAN nung BALYENA?
HINDI, ani DEEDAT. Si JONAS ay BUHAY habang nasa tiyan ng balyena.
At dahil itinuturo ng mga KRISTIYANO na NAMATAY si HESUS ay LALABAS na "HINDI NATUPAD" ang PROPESIYA ni HESUS: PATAY kasi Siya eh, samantalang si Jonas ay BUHAY.
Samakatuwid, diin ni DEEDAT, "HINDI MAGKATULAD ang NANGYARI kina JONAS at HESUS ... MALI ang SINABI ni HESUS." GANOON?! Kung AANTOK-ANTOK at HINDI TATALASAN ng NAKIKINIG ang KANILANG ISIP ay MAPAPABILIB SILA sa mga SINASABI ni DEEDAT.
Baka masabi pa nila, "Oo nga naman ... Buhay si Jonas samantalang si Hesus ay PATAY nung INILAGAY sa TIYAN ng LUPA."
Pero TEKA LANG PO!
Maitanong nga natin: Doon ba sa sinabi ni HESUS na TANDA na TULAD ng KAY JONAS ay TINUKOY NIYA ang KALAGAYAN NILA ni JONAS habang SILA ay nasa TIYAN ng ISDA at ng LUPA?
IYAN po ba ang TANDA na TINUKOY ni HESUS?
BASAHIN po ULI NATIN ang SINABI ng PANGINOON sa Mt 12:40.
Sabi riyan ng Panginoon, "Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."
Ano po ang TANDA?
Ang TANDA ay ang PANANATILI ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA. IYAN ang TANDA na magiging KATULAD ng kay HESUS.
VERY SPECIFIC po IYAN sa SINABI ng PANGINOON. WALANG LABIS, WALANG KULANG.
MAY SINABI po ba na ang TANDA ay "Kung ANO ang KALAGAYAN ni JONAS at ni HESUS [BUHAY o PATAY]?"
WALA po. HINDI po iyan ang TANDA.
E, SAAN PO IYAN GALING?
Saan pa po? E, di sa ISIP ni DEEDAT at sa ISIP ng mga KASAMA NIYANG BALIK ISLAM o ISLAMIC REVERTS na PILIT MINAMALIIT ang PAGLILIGTAS na GINAWA ni KRISTO.
Sa madaling salita ay INIMBENTO NILA IYAN at IDINAGDAG doon sa TANDA na SINABI ni HESUS.
ANO ULI yung TANDA na SINABI ni HESUS?
"Kung paanong si JONAS ay TATLONG ARAW at TATLONG GABI na NASA TIYAN ng BALYENA ay GANOON DIN na ang ANAK ng TAO ay NASA TIYAN ng LUPA nang TATLONG ARAW at TATLONG GABI."
Ang TANDA ay yung PAGPASOK ni JONAS sa TIYAN ng BALYENA at ang PANANATILI NIYA ROON nang "TATLONG ARAW at TATLONG GABI."
Sa PARTE naman ni HESUS ay "TATLONG ARAW at TATLONG GABI" naman SIYA sa TIYAN ng LUPA.
NANGYARI po ba yan?
OPO. Si KRISTO po ay INILIBING sa ARAW ng BIYERNES (ang UNANG ARAW), NANATILI roon ng SABADO (IKALAWANG ARAW) at BUMANGON MULI sa ARAW ng LINGGO (sa IKATLONG ARAW).
NATUPAD po ba yung TANDA na SINABI ni HESUS sa Mt 12:38-40?
OPO! NAPAKALINAW!
Ang problema po rito kay DEEDAT at sa mga kasama niyang BALIK ISLAM ay MAHILIG SILA MAGDAGDAG sa mga SINASABI ng BIBLIYA. Pagkatapos ay YUNG IDINAGDAG NILA ang KANILANG INAATAKE.
Naaalala po ba ninyo yung "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" daw na patunay na ang PROPETA NILA sa ISLAM ang "propetang tulad ni Moises?"
HINDI po ba IDINAGDAG DIN LANG NILA ang "8 IRREFUTABLE ARGUMENTS" na iyan sa sinasabi ng Deuteronomy 18:18 para mapalabas na ang propeta nila ang tinutukoy riyan?
HINDI MAGANDA at HINDI TAMA ang GINAGAWA nitong si DEEDAT at ng mga KASAMA NIYA.
MAY HALO pong PANLILINLANG at PANLALANSI ang kanilang mga SINASABI.
Ang masakit at nakakalungkot ay MARAMI SILANG NAPAPANIWALA sa MAPANLINLANG NILANG PAMAMARAAN. MARAMI SILANG NAILILIGAW.