Showing posts with label Diyos nakita ng tao?. Show all posts
Showing posts with label Diyos nakita ng tao?. Show all posts

Wednesday, April 3, 2013

John 5:37 vs John 14:9? (Nakita ba ang Ama o Hindi Siya Nakita?)



SABI ng isang MUSLIM na NAGPAKILALANG "BOM BASTIC":

CONTRADICTING VERSES IN THE BIBLE (ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo o nakakita sa akin ay nakakita sa ama?)

JUAN 5:37---------------------------------JUAN 14:9

Kailan ma'y hindi ninyo-----------------"...ang nakakita
narinig ang kanyang tinig,-------------sa akin ay nakakita sa Ama...."
ni hindi man ninyo nakita ang
kaniyang anyo.

+++

A. SAGOT

WALANG KONTRAHAN DIYAN. HINDI LANG NILA NAUUNAWAAN ang MGA TALATA.

Ang SINASABI sa JUAN 5:37 ay ang DIYOS AMA MISMO ang HINDI NAKIKITA.

JUAN 5:37
At ang Ama na nagsugo sa akin, ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailan ma'y hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni hindi man ninyo nakita ang kaniyang anyo. 

Sa JUAN 14:9? SINO BA ang NAKITA?

JUAN 14:9
Sinabi sa kanya ni Hesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, 'Ipakita mo sa amin ang Ama?'

Ang NAKITA ay ang Panginoong Hesus, ang IMAHEN ng DIYOS AMA. Sabi nga sa Colossians 1:15 ay SIYA ang IMAHEN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA.

Malinaw nga sa mismong SIPI ng MUSLIM kung SINO ang NAKITA: "ang nakakita SA AKIN [LORD JESUS]"

At dahil si LORD JESUS ang IMAHEN ng DIYOS AMA ay masasabing NAKITA NA RIN ang DIYOS AMA.

Pero DIYOS AMA ba MISMO ang NAKITA?

HINDI. Ang IMAHEN ng Ama ang NAKITA.

+++

Para mas malinaw, HUMARAP TAYO sa SALAMIN.

ANO ang MAKIKITA NATIN? TAYO ba MISMO o ang IMAHEN NATIN?

Ang IMAHEN NATIN.

TAYO ba MISMO ang IMAHEN na NAKIKITA NATIN?

HINDI. IMAHEN NGA e, di ba?

Pero DAHIL IMAHEN NATIN ang NAKITA ay NAKITA NA RIN NATIN ang SARILI NATIN.

GANUN YON.

+++

GANUN ang IBIG SABIHIN ng JOHN 14:9. Ang IMAHEN ng DIYOS AMA--ang PANGINOONG HESUS--ang NAKITA.

At dahil NAKITA NA ang IMAHEN ng DIYOS AMA ay NAKITA NA RIN ang DIYOS AMA, kahit pa HINDI ang MISMONG DIYOS AMA ang NAKITA.

KLARO. WALANG KONTRAHAN.

Monday, February 15, 2010

Never ba nakita ng tao ang Diyos?

MAY BALIK ISLAM na NAGKOMENTO sa artikulo natin na Ex 33:20 patunay na di kinausap ng Diyos ang propeta?

Sabi niya:
"Hoy! Cenon Bibe papaano mo ba unawain ang Bibliya mo? kong talagang nakikipag-usap ang Dios eh papaano mo ngayon ipaliliwanag ang mga talatang ito? Exodus 33:20, John 1:18, John 5:37 at 1Tim 6:16 sige nga tingnan natin; ipaliwanag mo ang mga nakasaad sa mga talatang yan!"


So, ngayon po ay IPALILIWANAG NATIN ang mga talatang binanggit niya.

Bago ang ano pa man ay MALI ang UNAWA ng BALIK ISLAM sa mga TALATANG BINANGGIT NIYA.

Bakit po?

Dahil MAHILIG SIYA sa PULOT-PULOT na TALATA na INUUNAWA NIYA nang HIWALAY sa KONTEKSTO. Sa madaling salita po ay BINABASA NIYA nang OUT OF CONTEXT.

Ang Ex33:20 ay HINDI ang NAG-IISANG TALATA sa EXODUS 33.

Ang Jn1:18 ay HINDI ang NAG-IISANG TALATA sa EBANGHELYONG ISINULAT ni JOHN.

Ganoon din ang Jn5:37 at 1Tim6:16.

KAPAG BINASA ang mga IYAN nang HIWALAY sa BUONG TEKSTO ng CHAPTER o ng BIBLIYA ay TIYAK na MALI ang LALABAS na KAHULUGAN.

Iyan ang dahilan kung bakit MALI-MALI ang UNAWA nitong BALIK ISLAM na NANINIRA sa BIBLIYA.



Ngayon, ANO po ba ang KONTEKSTO?

Ang KONTEKSTO ay ang SITWASYON kung saan GINAMIT ang isang SALITA o GRUPO ng mga SALITA.

MALAKI ang EPEKTO ang KONTEKSTO sa KAHULUGAN ng isang SALITA o kahit ng BUONG PANGUNUSAP.

KADALASAN ang KONTEKSTO ang NAGSASABI ng KAHULUGAN ng PANANALITA.



PARA TAMA ang UNAWA ay DAPAT MAKITA at MAPAG-ARALAN ang KONTEKSTO.

Gawin po natin iyan sa kaso ng Ex 33:20.

Sinasabi riyan:
But my face you cannot see, for no man sees me and still lives.


Unang tanong natin: Ibig bang sabihin niyan ay NEVER PUWEDE MAKITA ng isang TAO ang MUKHA ng DIYOS?

HINDI po.

Itaas lang natin ang BASA ay MAKIKITA NATIN na NAKAHARAP ni MOISES ang DIYOS nang MUKHA SA MUKHA o FACE TO FACE.

Sabi sa Ex33:11
"The LORD used to speak to Moses FACE TO FACE, as one man speaks to another."


Ang AGAD na SASABIHIN ng BALIK ISLAM ay "AHA! MAGKAKONTRA!"

MAGKAKONTRA nga po ba?

HINDI po.

ITULOY po NATIN ang BASA dahil MAKIKITA NATIN kung bakit SINABI ng DIYOS ang Ex33:20 at kung ANO ang "MUKHA" ng DIYOS na HINDI PUWEDENG MAKITA ng TAO.



Tandaan po natin na sa Ex33:11 ay NAKAUSAP ni MOISES ang DIYOS nang "FACE TO FACE." NAKITA ni MOISES ang MUKHA ng DIYOS.

Pagdating sa Ex33:20 ay sinabi ng DIYOS na "HINDI PUWEDENG MAKITA" ni MOISES ang "MUKHA" ng PANGINOON.

Bakit NAGKAGANOON? ANO ang NANGYARI?



Ang SAGOT po ay nasa Ex33:18.

Sabi riyan,
"Then Moses said, "Do LET ME SEE YOUR GLORY!"



MAITATANONG natin: ANO pa ang SINASABI NIYANG KALUWALHATIAN na GUSTO NIYANG MAKITA?

Iyan po ang BUONG ANYO at WALANG HANGGANG KALUWALHATIAN ng DIYOS.



BAKIT po? MAY IBA pa bang MUKHA ang DIYOS na NAROON ang BUONG ANYO at KALUWALHATIAN ng MAYKAPAL?

MAYROON po.

NAKITA na ni MOISES ang MUKHA ng DIYOS (Ex33:11) pero ALAM NIYA na MAYROON pa siyang HINDI NAKIKITA: Ang BUONG KALUWALAHATIAN ng PANGINOON. (Ex33:18)

Ang MUKHA po ng DIYOS sa BUONG KALUWALHATIAN NIYON ang HINDI PUWEDENG MAKITA ng TAO. (Ex33:20)

At diyan po ay MAKIKITA natin na MAY IBA'T-IBANG DEGREE o LEVEL ng PAGPAPAKITA ng DIYOS sa TAO.

MAYROONG LEVEL kung saan MAKIKITA ng TAO ang MUKHA ng DIYOS na WALANG MANGYAYARI sa TAO. (Ex33:11)

At MAYROON ding LEVEL na MAMAMATAY ang TAO kapag NAKITA NIYA ang MUKHA ng DIYOS. (Ex33:20)



MAARI po KAYONG MAGTAKA: BAKIT GANOON? ILAN BA ang MUKHA ng DIYOS? BAKIT IBA-IBA ang LEVEL ng PAGPAPAKITA ng DIYOS?

Para po MAINTINDIHAN NATIN IYAN ay KAILANGANG TINGNAN NATIN ang KABUOANG KONTEKSTO ng BIBLIYA o ang KABUOAN ng REBELASYON ng DIYOS.

KAILANGAN po NATING TANDAAN na sa EXODUS 33 ay NAGSISIMULA pa lang ang DIYOS na IPAKILALA ang SARILI NIYA sa TAO. LIMITADO PA ang KAALAMAN ng TAO sa pagka-DIYOS.

MAKUKUMPLETO po ang REBELASYON ng DIYOS sa PAGDATING sa atin ng PANGINOONG HESUS.

At sa PAGDATING ng PANGINOONG HESUS ay IPINAKILALA NIYA kung SINO at ANO ang NAG-IISANG TUNAY NA DIYOS--ang SANTISSIMA TRINIDAD o HOLY TRINITY o BANAL na SANGTATLO.

Si HESUS po mismo ang NAGSABI sa Matthew 28:19:
Go, therefore, and make disciples of all nations, baptizing them in the NAME of the FATHER, and of the SON, and of the HOLY SPIRIT.


Ang AMA, ANAK, at ESPIRITU SANTO ang TATLONG PERSONA ng NAG-IISANG TUNAY na DIYOS.



TANGING SA PAMAMAGITAN ng REBELASYON ng DIYOS bilang HOLY TRINITY MAUUNAWAAN ang IBA'T-IBANG LEVEL ng PAGPAPAKITA o HINDI PAGPAPAKITA ng DIYOS kay MOISES (Ex33:11, 33:20).

At SA PAMAMAGITAN ng HOLY TRINITY ay MAUUNAWAAN NATIN ang IBA PANG TALATA (Jn1:18, Jn5:37, 1Tim6:16) na HINDI NAIINTINDIHAN ng BALIK ISLAM.



Sa TRINITY, ang BAWAT PERSONA ay DIYOS. PANTAY at IISA na KANILANG pagka-DIYOS pero IBA-IBA ang PAPEL NILA sa pagka-DIYOS.

Ang DIYOS AMA ang SOURCE ng LAHAT ng BAGAY. SIYA ang UNANG PERSONA ng DIYOS na HINDI NAKIKITA at HINDI NARIRINIG. (Jn1:18)

Ang DIYOS ANAK ang IKALAWANG PERSONA na NAGMUMULA sa AMA (Jn8:42, 13:3) at SINUSUGO ng AMA (Jn12:49, 14:24). Kaya po SIYA ang NAKIKITA (Jn1:1, 14) at NARIRINIG (Jn14:24) ng TAO. SIYA ang NAGPAPAKILALA ng DIYOS AMA sa mga TAO (Mt11:27, Jn1:18, Jn8:20). SIYA rin po ang IMAHEN ng DIYOS na HINDI NAKIKITA (Colossians 1:15). SIYA si HESU KRISTO.

Ang DIYOS ESPIRITU SANTO naman po ang PERSONA na NAGMUMULA sa AMA at ANAK (Jn15:26) para GABAYAN ang BAWAT ISANG TAO at ang BUONG SAMBAYANAN ng DIYOS (Jn16:13).



So, diyan po ay MAIINTINDIHAN na NATIN ang Ex33:11 at Ex33:20.

Sa Ex33:11, ang NAKITA at NAKAHARAP ni MOISES nang "FACE TO FACE" ay ang IKALAWANG PERSONA ng DIYOS.

Noong HILINGIN ni MOISES na MAKITA ang BUONG KALUWALHATIAN ng DIYOS, ang HINIHILING NIYA ay MAKITA ang KABUOAN ng DIYOS, KASAMA NA ang DIYOS AMA. At IYAN ang HINDI PUWEDE. (Ex33:20)

Iyan po ang DAHILAN kung bakit sinabi ng DIYOS ang Ex33:20. HINDI MAKAKAYANAN ng TAO na MAKITA ang BUONG KALUWALHATIAN ng MAYKAPAL--ang DIYOS AMA.

Kapag NAKITA ng TAO ang DIYOS AMA, ang TAO ay MAMAMATAY.



Ang KATOTOHANAN na HINDI PUWEDENG MAKITA ang DIYOS AMA ay MALINAW na INIHAYAG sa Jn1:18.

Sabi riyan.
"No one has ever seen God. The only Son, God, who is at the Father's side, has revealed him."


Ang talata po ay puwede ring isalin nang ganito:
"No one has ever seen God. GOD, the ONLY SON, who is at the Father's side, has revealed him."


Diyan ay MALINAW na MAY DALAWANG PERSONA NG DIYOS na TINUTUKOY: UNA, ang DIYOS AMA. Ang IKALAWA ay ang DIYOS ANAK na NASA TABI ng AMA.



Ang DIYOS AMA ang tinutukoy na "NO ONE HAS EVER SEEN GOD." Katulad ng sinabi sa Ex33:20.

Ang PANGINOONG HESUS naman ang DIYOS ANAK na NASA TABI ng AMA at NAGPAPAKILALA sa DIYOS AMA. (Jn1:18, Jn 17:5-6))

Kapag NAKILALA si HESUS ay NAKIKILALA RIN ang AMA. (Jn8:20, Jn 14:7)



Sa Jn5:37 ay NAPAKALINAW na ang TINUTUKOY na HINDI NARIRINIG ay ang DIYOS AMA.

Sabi riyan
Moreover, the FATHER who sent me has testified on my behalf. But you have NEVER HEARD HIS VOICE nor SEEN HIS FORM


TUWIRAN at DIREKTA pong SINASABI ng PANGINOONG HESUS na ang AMA ang HINDI NARIRINIG at HINDI NAKIKITA. TUGMA sa Ex33:20.

Pero PAANO NATIN NAKIKILALA ang DIYOS?

Sa PAMAMAGITAN ng DIYOS ANAK na si HESU KRISTO.

Si HESUS ang IMAHEN ng DIYOS (Col 1:15) kaya SIYA ang NAKIKITA ng TAO. Si HESUS din ang SALITA (Jn1:1) kaya naman Siya ang NARIRINIG ng TAO. Pero ang mga SALITANG NARIRINIG kapag NAGSASALIA si HESUS ay sa AMA. (Jn14:24)



So, NAKITA po ang DIYOS.

Iyan ang SA PAMAMAGITAN ng DIYOS ANAK na si HESUS.

Ang HINDI NAKIKITA ay ang DIYOS AMA.


NAPAKADALI pong MAUNAWAAN, di po ba? WALANG KONTRA-KONTRA.

ALAM at KILALA NA po kasi NATIN ang HOLY TRINITY.

Sa mga HINDI NAKAKAKILALA sa TRINIDAD--tulad po nitong BALIK ISLAM--ay "KONTRA-KONTRA" pa rin iyan.

HINDI KASI NILA KILALA ang NAG-IISANG TUNAY na DIYOS. At DIYAN SILA KAWAWA.



Ngayon, ang TIYAK na BABALUKTUTIN na naman nitong BALIK ISLAM ay ang TRINIDAD.

Sasabihin NIYA na TATLO pala ang DIYOS ng KATOLIKO o ng KRISTIYANO.

WALANG KATAPUSANG PAMBABALUKTOT po ang STRATEGY ng BALIK ISLAM na ito.

IISA po ang DIYOS at TATLO ang KANYANG PERSONA. Ang PERSONA ang TATLO, HINDI ang DIYOS.

Ang BAWAT PERSONA ay DIYOS pero IISA SILA. (Mt28:19, Jn10:30)

Para po MAS MAUNAWAAN NATIN ang TRINIDAD ay paki CLICK po ito: 1Cor8:6 kinontra ang Deut 4:35?

Holy Trinity: Larawan ng pamilya



SALAMAT po.