MAGANDA po itong tanong ng BALIK ISLAM na sumusubok MANGARAL dito sa ating blog.
Sabi niya, "There are so many sects, cults, religions, philisophies, and movements in the world , all of which claim to be the right way or the only true path to Allah. How can one determine which one is correct or if, in fact, all are correct?"
Kung ang paggamit niya sa "ALLAH" ay bilang GENERIC na SALITA para sa DIYOS at HINDI PARTIKULAR na patungkol sa DIYOS ng ISLAM ay tanggap natin ang tanong na iyan.
Pero kung ang pakahulugan niya sa "ALLAH" ay ang DIYOS ng ISLAM ay "OPINYON" na po niya iyan.
Ngayon, ang maganda pong tanong niya ay ang "How can one determine which one is correct or if, in fact, all are correct?"
MADALI lang po iyan: ALAMIN po natin kung SINO ang NAGDADALA ng ARAL at KANINO GALING ang MENSAHE NIYA?
Halimbawa, ang KRISTIYANISMO ay NATATAG dahil sa PAGKAKATAWANG TAO at PANGANGARAL ng DIYOS ANAK na si HESU KRISTO.
Sabi ng SAKSI sa PANGINOONG HESUS na si APOSTOL JOHN sa Jn1:1, 14, "Sa pasimula ay ang SALITA, at ang SALITA ay KASAMA ng DIYOS, at ang SALITA ay DIYOS."
"At ang SALITA [na DIYOS] ay NAGKATAWANG TAO at NANIRAHAN sa GITNA NATIN."
"NAKITA NAMIN ang kaluwalhatian niya, ang kaluwalhatian ng tulad sa NAG-IISANG ANAK ng AMA, puno ng biyaya at katotohanan."
At BAGO pa po MAGKATAWANG TAO ang PANGINOONG HESUS ay SINABI NA NOON PANG PASIMULA na DARATING SIYA para DURUGIN ang ULO ng AHAS. (Genesis 3:15)
Katunayan, ang LUMANG TIPAN ay patungkol sa PAGDATING ng PANGINOONG HESUS.
Kaya nga po ang BAGONG TIPAN ay KATUPARAN ng mga sinasabi sa LUMANG TIPAN.
Ngayon, KANINO galing ang ARAL ni KRISTO?
Ganito po ang MISMONG SALITA ni HESUS, "Itong mga SALITA na NARIRINIG ninyo ay HINDI AKIN. PAG-AARI SILA ng AMA na NAGSUGO sa AKIN."
Iyan po ay INIULAT ng SAKSI kay HESUS na si JOHN sa Jn 14:24.
At diyan po ay MALINAW na ang mga SALITA ng DIYOS ANAK na NAGKATAWANG TAO ay MULA mismo sa DIYOS AMA.
Diyan pa lang po ay MALINAW ang KATOTOHANAN na ang KRISTIYANISMO ang TUNAY na RELIHIYON na SA DIYOS.
Ngayon, IKUMPARA po natin sa IBANG RELIHIYON na nagsasabi na "TUNAY NA RELIHIYON" din daw sila.
SINO PO ang NAGBIGAY sa KANILA ng ARAL? DIYOS din po ba tulad ng PANGINOONG HESUS? O TAO LANG?
KANINO po GALING ang ARAL na IBINIGAY ng MANGANGARAL ng mga RELIHIYON na iyan? GALING po ba MISMO sa DIYOS o NAIKUWENTO rin lang ng HINDI NAMAN DIYOS?
MAIKUKUMPARA po ba ang MANGANGARAL ng mga IBANG RELIHIYON na iyan sa PANGINOONG HESUS na NAGTATAG sa KRISTIYANISMO?
Ngayon, ang sunod pong BATAYAN para MALAMAN natin kung TUNAY ang ISANG RELIHIYON ay SINO PO ang mga NAGPAKALAT sa RELIHIYON na iyan?
Mga MISMONG SAKSI po ba sa mga ARAL at PANGYAYARI ang NAGPAKALAT o HINDI SAKSI?
Baka naman NAKUWENTUHAN LANG iyan at HINDI SAKSI ay MALABO IYAN.
Kung sa KORTE pa po iyan ay "HEARSAY NA" o TSISMIS NA ang mga SASABIHIN NIYAN.
So, MAHALAGA pong ITANONG NATIN kung "SAKSI BA ang NAGPAKALAT ng PANINIWALA ng isang RELIHIYON?"
KUNG HINDI SAKSI ay KAPANI-PANIWALA po ba IYAN?
HINDI po.
Heto pa po.
Ang NAGTATAG po ba ng isang RELIHIYON ay NAKAGAWA man lang ng HIMALA o MILAGRO bilang PATUNAY na DIYOS NGA ang NAGTATAG doon?
Ang PANGINOONG HESUS po ay GUMAWA ng MARAMING MILAGRO: BUMUHAY ng PATAY (Mark 5:41), NAGPATIGIL ng BAGYO (Matthew 8:23-27), LUMAKAD sa TUBIG (Mt 14:25-27), at MARAMI PANG IBA.
Ang "DIYOS" po na NAGTATAG ng IBANG RELIHIYON ay ANO po ang MILAGRONG NAGAWA?
Baka naman po PURO KUWENTO at SALITA lang iyan ay MATATAWAG bang MILAGRO na yon? Hindi po ba MABABAW naman yon?
Ang TUNAY pong DIYOS ay MAKAKAGAWA ng TUNAY na MILAGRO.
Sa kabilang dako, ang DIYUS-DIYOSAN LANG ay PURO KWENTO LANG. Tama hindi po ba?
Ngayon, puwede po kayong pumili kung ALING BATAYAN ang MAS MAGAGAMIT NINYO sa PAGTUKOY sa TUNAY na RELIHIYON: Doon po sa batayan na ibinigay ng BALIK ISLAM o itong mga batayan na ibinigay natin?
Salamat po.