Showing posts with label Bible: Kontra-kontra?. Show all posts
Showing posts with label Bible: Kontra-kontra?. Show all posts

Tuesday, May 26, 2009

Biblia: 66 o 73 books?

KUNG may REAKSYON o TANONG po KAYO ay MAAARI NINYONG GAMITIN ang "POST A COMMENT" na BUTTON sa ILALIM ng ARTIKULO na ITO. Salamat po


MARAMI na po tayong natanggap na mga BINTANG at PARATANG LABAN sa BIBLIYA. Halos lahat po iyan ay galing sa mga nagpapakilalang mga BALIK ISLAM o mga KRISTIYANO na nag-CONVERT sa ISLAM.

Sa mga nauna po nating mga post ay tinalakay na natin ang mga BINTANG ng mga BALIK ISLAM na may mga "kontra-kontra" raw na mga talata sa Bibliya.

NAIPAKITA at NAPATUNAYAN na po natin na MALI ang mga SINASABI NILA LABAN sa BIBLIYA.

Pero HINDI pa po NAUUBOS ang mga PANINIRA NILA sa BANAL NA KASULATAN.

May isa pong BALIK ISLAM na PATULOY na NAGTI-TEXT sa atin at PANAY pa rin ang ATAKE sa BIBLIYA.

Isa sa mga inuungkat niya sa ngayon ay ang pagkakaroon daw ng "kontra-kontra" sa kung GAANO TALAGA KARAMI ang AKLAT sa BIBLIYA: 66 ba o 73?

Pinupuna niya ang pagkakaiba-iba ng mga BILANG ng AKLAT at CHAPTER at VERSES sa mga BIBLE na ginagamit ng KATOLIKO at ng HINDI KATOLIKO.

Unahin po nating suriin ang sinasabi na "pagkakaiba" ng BILANG o DAMI ng mga AKLAT.

Ang KATOLIKO po gumagamit ng BIBLIYA na 73 ang AKLAT. Ang mga HINDI KATOLIKO, partikular ang mga PROTESTANTE, ay gumagamit ng BIBLE na 66 lang ang AKLAT.

Ayon sa texter nating BALIK ISLAM, iyan daw po ay isang "pruweba" na "corrupted na" ang Bibliya at "hindi dapat paniwalaan."

Tama po ba siya? Pruweba po ba iyan na "corrupted na" o "nasira na" ang Bibliya?

SORRY pero MALI PO SIYA.

Sa punto pong iyan ay IPINAKIKITA at PINATUTUNAYAN lang ng KRITIKO ng BIBLE na WALA silang ALAM sa KASAYSAYAN ng BANAL na AKLAT.

Kung NAGSURI at NAG-ARAL LANG SIYA nang KONTI ay NALAMAN SANA NIYA na MALI ang kanyang SINASABI.

SIMPLE lang po ang dahilan kung bakit MAS MARAMI ang AKLAT ng mga KATOLIKO. At iyan ay may kinalaman sa KATOTOHANAN na ang IGLESIA KATOLIKA ay galing pa sa mga APOSTOL at kay KRISTO mismo.

Ganito po iyan.

Noong unang panahon, partikular sa LUMANG TIPAN, ang mga Kasulatan ay nasulat sa WIKANG HEBREO o ARAMAICO. Iyan ang mga WIKA na gamit ng mga ISRAELITA o HUDYO sa HUDEA.

Ang HUDEA ay parte na ngayon ng SOUTHERN ISRAEL.

Pero ang mga Hudyo nung unang panahon ay KUMALAT sa iba’t-ibang lugar sa MIDDLE EAST at gumawa sila ng mga komunidad sa labas ng HUDEA.

Ang tawag sa mga komunidad ng mga HUDYO sa labas ng HUDEA ay DIASPORA o sa Pilipino ay ang PANGANGALAT.

Ang pinakamalaki sa mga DIASPORA na ito ay nasa ALEXANDRIA (parte ngayon ng northern Egypt).

Ang pangunahing WIKA na ginamit sa mga DIASPORA ay GRIEGO.

Noon po kasi ay GREEK ang SALITA ng KARAMIHAN ng TAO.

Iyan po ay bunga ng pananakop sa EUROPA, MIDDLE EAST (kasama ang HUDEA) at EHIPTO na ginawa ni ALEXANDER THE GREAT na isang GREEK.

Ngayon, dahil malayo sa Hudea at laging kahalubilo ay mga nagsasalita ng GRIEGO, KARAMIHAN ng mga HUDYO sa DIASPORA ang NAKALIMUTAN na kung paano MAGSALITA ng HEBREO.

Dumating ang panahon na HINDI na NAIINTINDIHAN ng mga HUDYO sa DIASPORA ang mga KASULATAN--na nakasulat sa HEBREO o ARAMAICO.

Para maunawaan ng GREEK-SPEAKING JEWS ang mga KASULATAN ay ISINALIN ang mga ito sa GRIEGO.

Iyan po ay nangyari bandang 300 BC.

Ang SALIN na iyan ng mga KASULATAN ay tinawag na SEPTUAGINT (SEVENTY sa Ingles) dahil ang nagsalin daw sa mga ito ay 70 scholars.

So, DALAWA na po ang VERSION ng mga KASULATAN: Ang isa ay nasa HEBREO at ang isa pa ay nasa GRIEGO.

Noong panahon ni HESUS at ng mga APOSTOL, ang GRIEGO ay LAGANAP na rin sa HUDEA.

Kaya naman maging ang SEPTUAGINT ay LAGANAP at TANGGAP na rin ng mga HUDYO.

Katunayan, maging si HESUS at ang mga APOSTOL ay GUMAMIT ng SEPTUAGINT sa kanilang PANGANGARAL.

Sa madaling salita po, KINILALA ni HESUS at ng mga APOSTOL ang SEPTUAGINT o ang GREEK VERSION ng mga KASULATAN.

Makikita yan sa katotohanan na sa 300 pagkakataon na gumamit si Hesus at mga BIBLICAL WRITERS ng QUOTATIONS mula sa OLD TESTAMENT, mahigit 200 diyan ay kinuha nila sa SEPTUAGINT.

PRUWEBA po iyan na TINANGGAP at GINAMIT ni HESUS at mga APOSTOL ang GREEK VERSION.

Noon pong KUMALAT ang KRISTIYANISMO sa labas ng HERUSALEM at HUDEA ay MARAMING HUDYO sa DIASPORA ang TUMANGGAP dito.

At dahil NAKITA ng mga CONVERT na ang KRISTIYANISMO ang KATUPARAN ng mga PANGAKO ng DIYOS sa mga KASULATAN (ang OLD TESTAMENT) ay GINAMIT pa rin nila ang GREEK VERSION o SEPTUAGINT.

Sa madaling salita, patuloy nilang GINAMIT NILA ang KASULATAN ng mga HUDYO.

Dahil diyan ay NAGALIT ang mga HUDYO sa HERUSALEM at HUDEA. HINDI raw DAPAT GAMITIN ang mga KRISTIYANO ang mga KASULATAN NILA.

Para solusyunan iyan ay isang grupo ng mga HUDYO ang nagtipon sa bayan ng JAMNIA sa pagitan ng 70 at 100 AD para IDEKLARA ang mga aklat na TANGGAP ng mga HUDYO.

ITINAKWIL ng mga HUDYO ang SEPTUAGINT o ang GREEK VERSION ng KASULATAN dahil iyan daw ang GINAGAMIT ng mga KRISTIYANO.

Ang TINANGGAP LANG ng mga HUDYO ay ang mga KASULATAN na NASUSULAT sa HEBREO o ARAMAICO.

At diyan po ay NAGHIWALAY ang PANINIWALA ng mga HUDYO at KRISTIYANO pagdating sa DAMI ng AKLAT na KASAMA sa BANAL na KASULATAN.

Ang KINILALA ng mga HUDYO ay MAY 39 na AKLAT.

Samantala, ang mga UNANG KRISTIYANO na gumamit ng GREEK VERSION ay kumilala ng MAS MARAMING KASULATAN na ngayon ay naitala na 46 AKLAT.

KASAMA sa mga AKLAT na KINILALA ng mga UNANG KRISTIYANO ay ang PITONG AKLAT na KASAMA sa GREEK VERSION pero ITINAKWIL ng mga HUDYO.

Ang mga iyan ay ang WISDOM, SIRACH, JUDITH, BARUCH, TOBIT, at 1 at 2 MACCABEES at ilang bahagi ng Daniel at Ester.

Noong 393 AD at 397 AD ay nagsagawa ang IGLESIA KATOLIKA ng mga KONSILYO sa HIPPO at CARTHAGE at pormal na IPINAHAYAG na BANAL na KASULATAN ang 46 AKLAT sa SEPTUAGINT at ang 27 AKLAT sa NEW TESTAMENT.

Iyan ang kasaysayan kung bakit 73 ang AKLAT ng mga KATOLIKO.

SINUNOD kasi nila ang PAGKILALA ni KRISTO at ng mga APOSTOL sa SEPTUAGINT.

Sa kabilang dako, ang mga HINDI KATOLIKO ay SINUNOD ang dami ng AKLAT ng mga HUDYO o ang MAS KONTING BILANG na 39 AKLAT pero tinanggap pa rin ang 27 AKLAT sa NEW TESTAMENT.

Diyan nila nabuo ang BIBLIYA na 66 lang ang AKLAT.

Ang MASAKIT lang diyan ay SINUNOD ng mga HINDI KATOLIKO ang mga HUDYO na NAUNA nang NAGTAKWIL sa MGA LIBRO na TINANGGAP ng mga UNANG KRISTIYANO.

So, ganoon po yon.

MAY KONTRA-KONTRA po ba riyan tulad ng sinasabi ng texter nating BALIK ISLAM?

WALA po.

Ang MALINAW po riyan ay TAMA ang BIBLIYA ng mga KATOLIKO dahil SINUNOD NITO ang BILANG ng mga AKLAT na TINANGGAP pa MISMO nina KRISTO at ng mga APOSTOL.

Kung may 66 books man ang mga HINDI KATOLIKO, iyan ay bunga ng MALING DESISYON ng kanilang mga PINUNO.

Sa madaling salita, MAY BAWAS kasi ang BIBLIYA NILA.

HINDI iyan KAMALIAN ng BIBLIYA kundi ng mga TAONG NAGKAMALI sa PAGPILI ng PANINIWALAANG BILANG ng mga AKLAT.

Salamat po.

Monday, April 6, 2009

Bibliya 'porno' raw

NAGPUPUMILIT po ang ilang BALIK ISLAM na patunayan na "mali," "corrupt" at "kontra-kontra" ang Bibliya.

May isa po tayong texter na nagpakilalang si Ansary Abdulaziz na isa sa masigasig sa paggiit na mali raw ang Bible.

Ilang ulit na po nating ipinaliwanag kay Abdulaziz na WALANG KONTRAHAN sa BIBLE pero NAHIHIRAPAN po siyang TANGGAPIN iyon.

NAUUNAWAAN po natin siya. Kayo ba naman ang MAPANIWALA sa mga MALING KUWENTO laban sa BIBLIYA tapos ay TUMALIKOD pa kayo kay HESUS na DIYOS at TAGAPAGLIGTAS ay MAHIHIRAPAN din kayong tanggapin ang KATOTOHANAN.

Anyway, dahil po hindi matutulan ni Abdulaziz ang mga PAGTUTUWID natin sa mga BINTANG niya laban sa Bibliya ay iniba niya ang taktika niya.

Ngayon po ay tinatawag naman niyang "porno" ang BIBLE dahil may mga kuwento raw ng INCEST, tulad ng naulat sa Genesis 19:36.

Diyan po kasi ay sinabi na nabuntis ni Lot ang dalawa niyang anak na dalaga.

So? Asan po ang porno riyan?

Ang Gen 19:36 po ay PAG-UULAT sa isang PANGYAYARI sa buhay ng isang KARAKTER sa BIBLIYA.

Ika nga po, IT IS A REPORT ON AN INCIDENT.

Kapag sa ENCYCLOPEDIA po ba ay may iniulat o ini-report na NAKABUNTIS ng ANAK ang isang AMA ay "PORNO" na ang ENCYCLOPEDIA?

HINDI po. Kung porno na po iyan ay porno na pala ang LAHAT ng FACTUAL at OBJECTIVE na PAG-UULAT kaugnay sa INCEST o SEX.

Diyan po natin makikita na MALI at BALUKTOT ang PANG-UNAWA at PAG-IISIP ng mga NANINIRA sa BIBLIYA.

PUNO SILA ng MALISYA.

Pero MAY NAKAKATAWA sa ginagawa ni Abdulaziz at ilan pang mga kapatid niyang BALIK ISLAM daw.

Habang tinatawag ni Abdulaziz na "PORNO" at "MARUMI" ang BIBLIYA ay may mga kapatid naman siyang PILIT ISINISINGIT ang kanilang PROPETA sa "PORNO" raw na iyan.

Yung isa ipinagpipilitan na MARUMI ang BIBLIYA. Yung iba naman ay ipinagpipilitang IPASOK sa "PORNO" raw iyan ang banal nilang PROPETA.

Sabi po nung isang kapatid ni Abdulaziz, "Pinatutunayan ng Bibliya ang Propeta Muhammad. Basahin mo ang Deuteronomy 18:18."

Sabi pa ng isang BALIK ISLAM ay ang propeta rin daw nila ang tinutukoy na ESPIRITU sa John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15.

Ayun, nasa Deuteronomy at John daw po ng "PORNO" ang propeta ng Islam.

Bakit ganoon?

Ayon kay Abdulaziz at iba pang kapatid niyang BALIK ISLAM, ang BIBLIYA ay "CORRUPT," "KONTRA-KONTRA" at "PORNO" pa.

Kung ganoon, BAKIT tila IPINAGMAMALAKI nila na naroon at IPINAPASOK pa nila ROON ang kanilang PROPETA?

ANO BA TALAGA, KUYA?

Kung para sa kanila ay marumi ang BIBLIYA e WAG NILANG ISALI RIYAN ang PROPETA NILA.

MAHIYA NAMAN SILA sa propeta ng Islam at sa mga TUNAY na MUSLIM. Hindi po ba?

Ang kaso po ay ayan o, nasa Dt 18:18 at John 14:17, 26, 15:26, at 16:13 at 15 daw ang propeta nila.

Ano yan? Kung MURAHIN at BASTUSIN NILA ang BIBLIYA ay para itong KANAL na MARUMI. Tapos sinasabi nila na ang PROPETA NILA ay NASA KANAL na iyan?

Kung ganoon e pati propeta nila ay BINABASTOS na NILA.

Ang HINDI po MATANGGAP ng mga UMAATAKE sa BIBLIYA ay HIGHLY CREDIBLE ang BIBLE.

ALAM NILA na kung HINDI BINANGGIT sa BIBLIYA ay HINDI RIN DAPAT PANIWALAAN.

So kahit PILIT NILANG SINISIRAAN ang BIBLIYA ay GINAGAMIT pa rin NILA IYON para BIGYANG CREDEBILITY ang PANINIWALA NILA.

NAPAKAGULO po ng ISIP NILA. Marahil ay ganyan po talaga kapag NATALIKOD sa PANGINOONG HESU KRISTO... GUMUGULO ang PAG-IISIP.

Sa susunod po nating mga artikulo ay susuriin natin kung binanggit nga sa Bibliya ang propeta ng Islam.